What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 11 It's a Deal!

15.2K 337 3
By Princesss_AJ


11: It's a Deal!

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"I'm sorry, Panget." Sambit niya habang hawak-hawak niya ang palapulsuhan ko at pigil-pigil ako sa pag-alis ko. 

Naramdaman ko naman ang pagkabog ng puso ko. Tila ba'y nakikipag marathon nanaman 'tong puso ko. Tiningnan ko ang mga mata ni Kiel. Kulay brown ito at mapupungay. Para akong na hy-hypnotize ng mga mata niya. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya tsaka lumayo dahilan para mabitawan niya palapulsuhan ko.


"Totoo ba yan? Baka mamaya jino-joke mo lang ako." Nakataas kilay na tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin tsaka ako tiningnan muli.

"Psh. Ano bang sabi ko?" Pagsusungit niyang sagot sa akin. 


"Ako na nga ang nag so-sorry. Tss. Arte." Pagmamaktol niya at umirap sa akin. I find it cute kaya natawa ako ng bahagya sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa pagtawa ko.

"What so funny?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako tsaka umiling sa kanya.


"Na iinlove ka nanaman sakin nuh?" Pang-aasar niya dahilan para mapanganga ako.

"Huy, asa ka!" Depensa ko sa kanya. 


"Di ako maiinlove sayo nuh. Di ko type mga F-boy." Dugtong ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya at ang paghakabang niya palapit sa akin.


"Talaga? Hindi ka maiinlove sa akin?" Naghahamong tanong niya sa akin. Bigla akong napa-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ako makasagot.


Bakit ba ako ma-iinlove sa katulad niya? We're so different and hindi nga kami magkakasundo. Paano kung magka-anak kami, palagi kaming mag-aaway ganon? Nagulat ako sa sarili kong pag-iisip. Mabilis kong inalog ang ulo ko sa naiisip ko. Bakit naisip kong magiging asawa ko 'tong si Kiel? 


"Hi-hindi talaga!" Nauutal kong sagot sa kanya. Na-imagine ko kapag tinawag akong Mrs. Salazar, biglang tumaas ang balahibo ko kaya napahawak ako sa braso ko.

Tumawa siya tsaka yumuko para maglebel ang aming mga mukha. Inatras ko naman ang ulo ko. "Let's see by that..."


Anong let's see by that? Anong titingnan namin? Yung pagtingin namin sa isa't-isa? Hays! Ano ba itong sinasabi ko.


"Ikaw naman ang mag sorry sa akin." Sambit niya habang umaayos ng tayo. Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.


"Hoy, Unggoy! Baka nakakalimutan mo, ako lang naman yung binuhusan mo ng tubig at pinahiya sa maraming tao." Sagot ko sa kanya. 


"Hoy ka din, Panget. Ako lang din naman yung sinipa mo sa harap ng mga ka-teammates ko." Sagot niya sa akin. Napahalukipkip ako tsaka inismidan siya. K, fine!



"Okay, I'm sorry." Sambit ko sa kanya. Ngumuso naman siya sa akin at umiling.

"Hindi sincere, ayoko." Sagot niya tsaka nag no-no sign pa. Kumunot naman ang noo ko.


"Ang arte mo din eh nuh. Sorry na po, kamahalan." Sambit ko tsaka yumuko pa sa kanya na parang hari siya. Tsk!

 Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ang pag ngiti niya. "Ayan! Gusto ko na." Sambit niya tsaka nag approve sign sa akin. Umismid naman ako sa kanya.


"Lagot ka na talaga sakin kapag inulit mo pa yun!" Pagbabanta ko sa kanya tsaka ako nag 'Im watching you' sign. Nagulat ako ng lumapit siya sakin habang natatawa at inigting ang bagang niya. Parang mawawalan ako ng hangin sa lapit namin sa isa't isa. 


"Sa tingin mo, Bad Girl ka na niyan?" Nakangising tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Hinuli ni Kiel ang mga mata kong pilit kong iniiwas sa kanya.

"Dapat na ba akong matakot sayo, Prinsesa?" Tanong niya habang nakangisi. Bigla namang tumalon ang puso ko ng tawagin niya akong prinsesa.


"Ba-bakit hindi ka ba natatakot s-sa akin?" Pinilit kong mag hamon sa kanya pero nautal lang ako sa huli.

"Saan ba ako matatakot?" Tanong niya sa akin hgamit ang mababa niyang boses. Napalunok ako at kumuha ako ng lakas ng loob para itulak siya. 


"Ewan ko sayo!" Iyun na lang ang sinagot ko. Tumingin ako sa sahig at pinilit kong ayusin ang sistema ko.

"Tara nga, Panget!" Sambit niya at hinila na ako. 


"Bakit mo ako hinawakan? Close ba tayo?" Mataray na tanong ko sa kanya. Liningon niya ako tsaka siya ngumisi sa akin at tumawa.


"Lagi naman tayong close ah." Sagot niya at tinukoy ang mga oras na nagkakalapit kaming dalawa ng literal.

"H-huh?" Iyun na lang ang naisagot ko.


"Yung deal natin!" Pagpapa-alala niya sa deal namin.

Naalala ko ang deal naming dalawa. Ang deal naming dalawa na pagtulong ko sa kanya kay Ingrid. Ang kapatid ng taksil na babaeng si Ivory! Hays. Nakaka-init talaga siya ng dugo. Kapag naiisip ko na tutulungan ko yung Ingrid na yun. Naiinis ako. Oo alam ko na walang kasalanan si Ingrid sa nangyari sa Kuya ko at sa magaling niyang kapatid. Pero kung tutulungan ko siya kay Ingrid parang kinalimutan ko na lamang at sina-walang bahala ang ginaw ni Ivory kay Kuya. Kasalanan ko bang nagtanim ako ng sama ng loob sa kanila? Eh sinaktan nila yung Kuya ko.



"Ano? Nakapagdesisyon ka na ba, Panget?" Tanong niya sa akin. Kinalas ko ang braso kong hawak-hawak niya.


"Ayoko! Ayoko nang ituloy yung deal!" Determinadong sagot ko sa kanya. Nagtataka siya at kumunot ang kanyang noo.


"Nakapag desisyon na ako. Ayaw kitang tulungan!" Dugtong ko tsaka  bumuntong hininga. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso 'to at diretsong tumingin sa akin.


"Ano? Bakit nanaman ba? Ano nanaman bang arte yan?" Na-iinis na tanong niya. 


Hay, naku. Mas naiinis ako. Ang kapal ng mukha. Siya na nga lang may kailangan sa akin tapos siya pa 'tong may lakas ng loob na pagtaasan ako ng boses at mainis sa akin. Tss! Kapag mayabang ka nga naman. Puro hangin ka lang sa katawan. At dahil sa inis ko, tumakbo na lang ako. Kainis! Mag ma-marathon nanaman ako neto.


"Hoy Panget! Wag mo kong takasan!" Sigaw niya sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakita kong hinahabol niya ako.


Hala shet. Maghahabulan kayo neto. Jassy takbooooooo!


Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko inakalang makakatakbo ako ng ganito kabilis! Ayan malapit na ako sa field, kaso bigla akong nadapa at natuhod ko ang sahig. May hinawakan ako bilang suporta ko kaso nadapa pa rin ako. Aray ko puuu!


"Ayan! Lalampa-lampa kasi eh." Rinig kong pang-iinsulto ni Kiel. Nakita ko siya sa likuran ko. Ang bilis naman niyang tumakbo. Sabagay haba ng legs eh.


"Hala! Lagot ka panget! Lagoooot!" Bigla niyang sambit at akala mo bata na tinatakot ang kalaro niya dahil nakagawa ito ng kasalanan. Ginalaw pa niya ang kanyang hintuturo sa harap ko na parang bata.


Huh? Bakit naman ako lagot? Tali ba ako? :3


"Tingnan mo." Sambit niya at tinuro ang bagay na nasa harapan ko. Tumingin naman ako dito.


Nanlaki ang mga mata ko pagkatingin ko dito. OMO!! Napahawak ako sa aking bibig. Nasira ko yung harapan ng kotse ni Mr....Mr. Robedo?!  Si Mr. Roberdo, na napakasungit naming Teacher?! Omo!! Why??


"A..anong gagawin ko?" Wala sa sariling tanong ko. Nagsimula na rin akong kabahan.

"Haha ewan ko sayo." Tumingin ako sakanya. Nakakainis naman 'to! Naiiyak na ako dito oh. Sasapukin ko siya sa mukha niya.


"Hindi ka naman nakakatulong eh." Inis na sumbat ko sa kanya. Kinuha ko ang nasirang parte ng sasakyan ni Mr. Robedo. Sinubukan kong ibalik ito kaso natanggal na ito sa pagkakadikit kaya hindi na ma-ibabalik.


"Wala naman akong balak tulungan ka." Tamad na sagot niya sa akin. Lumingon ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.


"Kung wala ka naman palang ma-itutulong dito at gagawin. Pwede ka ng umalis. Chupe!" Pagtataboy ko sa kanya. Tinarayan ko siya ng tingin na kina-ngisi naman niya.


"Sinong nagsabi sayong wala akong gagawin?" Nakangisi Tanong niya sa akin. Kumunot lamang ang noo ko sa kanya.


"Ano naman gagawin mo?" Maiyak-iyak na tanong ko sa kanya.


"Edi Magsusumbong!" Sagot niya.


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Patay! Pwede akong ma-expell nito pag nalaman ni Mr. Robedo na nasira ko yung harapan ng kotse niya. Heller! Panahon pa kaya ni kopong kopong yung kotse niya! Kaya madaling masira.


Biglang tumakbo si Kiel kaya napatayo ako para habulin siya.

"Kiel!" Buti naman at naabutan ko siya. Hinawakan ko yung braso niya tapos hinarap ko siya sa akin. 


"Wag mong gawin yan!" Seryosong utos ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw pa magagalit sakin? Eh ikaw 'tong tatanga-tanga at nasira yang sasakyan ng pinakamasungit nating Teacher." Sagot niya sa akin at sinamaan ako ng tingin.


"Hoy! Hindi ako Tanga ah! At tsaka aksidente yung nangyari." Nakayukong sambit ko.

"Kung hindi ka tumakbo hindi kita hahabulin at kung tumitingin ka sa tinatakbuhan mo hindi ka makakasira." Pangaral niya sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanya.


Letse! Edi siya na tama! Siya na magaling! Ako na ang bulag at hindi nakatingin sa tinatakbuhan. Siya na 'tong may pinakamalinaw na mata at hindi nakakagawa ng kasalanan. Anak ng tokwa yan! Sarap niyang ipa-kidnap sa mga taga Marawi.


"Hays, anong gagawin ko?" Medyo irritadong tanong ko.


Bakit ba palaging si Kiel ang nagbibigay sa akin ng sakit sa ulo? Pisti!



"Alam ko na!" Sambit niya at napatingin ako sa kanya.

"Hindi na ako magsusumbong." Biglang lumawak ang aking mga ngiti. Whut? Nasasapian ba siya? Pwede paki-ulit yung sinabi?


"Pero in one condition." Nakangising dugtong niya at humalukipkip sa harapan ko. Kumunot naman ang noo ko.


"Anong kondisyon?!" Inis na tanong ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako ng mahina.


"Kapalit ng hindi ko pagsusumbong, ang pagtulong mo sa akin kay Ingrid." Seryosong sagot niya sa akin. Napa-irap na lang ako ng napakadaming beses.


Papayag na ba ako? Hays, ano ba yan. Wala akong choice. Urgh!


Huminga ako ng malalim tsaka siya hinarap.

"Oo na, sige na! Payag na ako!" Irritadong sagot ko sa kanya. Wala eh, no choice. Baka ma-expell ako. Huhuhu madi-disappoint sila mama kapag nangyari yun.


"Pero paano na 'to?" Tanong ko at tinuro ko yung harap ng sasakyan na nasira ko. Ito marahil ang nahawakan ko kanina para kumuha ng suporta pero dahil sa luma na ito, natanggal siya at tuluyan ng nasira. 


"Sige ako na bahala dyan. Papatawag ko na lang yung kakilala kong technician." Sagot niya sa akin. Umismid naman ako sa kanya. Arte technician. Eh mekaniko lang naman yun. Anak mayaman kasi eh.


"Talaga? Bumabait ka ata Unggoy?" Pang-aasar ko sa kanya. Ngumisi ako ng hilaw sa kanya pero sinamaan lang niya ako tingin.


"May kapalit yun, panget!" Sagot niya sa akin. Ay, may kapalit? Ano bayan. Kahit kelan talaga 'tong si Kiel.


"Alam mo ayos na sakin yung...." Tumingin siya mula sa paa ko pataas hanggang sa ulo ko. 

Ano naman binabalak neto??!! Nanlaki talaga yung mata ko sa ginawa niya.


"Hoy!" Tawag ko sa kanya. Sabay hawak ko sa dibdib ko. 


"Kung kabastusan yang iniisip mo? Wag na wag mong gagawin sakin yan. Ayoko pa isuko ang bataan ko! At lalong-lalo na sayo!" Pagbabanta ko at ngumuso ako. Pilit kong tinatago ang katawan ko.



"Hahahaha kahit kailan talaga, assuming ka!" Tumatawang sagot niya sa akin. Ako assuming? Hmp! Sabihin niya manyakis lang talaga siya.


"Ano naman gusto mong kapalit? Huh?" Tanong ko sa kanya na nasa mapanghamon na tono.



"Balita ko kasi marunong kang mag bake?" Panimula niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. 


"So ipag bake mo na lang ako ng cookies." Nakangusong dugtong niya. Natawa tuloy ako. Mukha siyang bibe kapag nakanguso. Bibeng may bird flu.


"Kanino mo naman nalaman?" Tanong ko sa kanya. Saang lupalok naman ng mundo niya nalaman na marunong akong mag-bake?


"Kay Kyla. Nabanggit niya samin ni Aiden na marunong ka daw." Napangiwi na lang ako sa sinagot niya.


"Ano ba yang si Kyla. Kahit kailan talaga. Hays. Sige na! Ipag-babake na kita. Alis na ako!" Sambit ko. Layasan ko na nga lang siya. 


Bago ko siya lagpasan, binangga ko muna siya. Kaso ang tigas ng katawan niya. Ako lang din yung nasaktan. Bago pa ako makalayo ay sumigaw ulit siya. 

"Choco chips flavor ah! Bye Panget! Inggat ka! Pumapanget ka na eh!" Sigaw niya sa akin at kumaway pa. Parang tungaw.


Mapili pa siya ah? Naku naman! Bad trip 'tong araw na 'to sakin ah? Nakakainis talaga. Kung hindi ko nasira yung sasakyan ni Mr. Robedo edi sana hindi ko tutulungan yung unggoy na yun sa Ingrid na yun. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko kay Ingrid. Hays nananalaytay kasi sa dugo niya ang dugo ng taksil niyang kapatid.


Hard naman ata nun? Hays wala akong paki. Mas hard pa yun sa ginawa niya kay Kuya. Buti nalang at ayos na si Kuya ngayon. Mas naging maayos siya nung nakilala niya si Ate Dianna. 


Naalala ko tuloy ang kapatid ni Ate Dianna. Yung Crush ko? Si Drake. Lalabas nga pala kami ni Drake sa Saturday. Waahh excited na ako. Nakakakilig naman. <3


Itutuloy.....



Continue Reading

You'll Also Like

530K 8K 22
Does focus on two. --Please po kung AYAW mong MABITIN at MAKULANGAN, HUWAG MO NALANG BASAHIN! Warning! R-18 GUMV series no. 2 This story is a sexy...
13.3M 747K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
683K 11.4K 38
(COMPLETED) (UNDER EDITING!) Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Lia ang prostitusyon. Hindi siya nakapag tapos ng pag aaral, kaya...