What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 9 Crush?

16.8K 370 9
By Princesss_AJ


9: Crush?


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Flat kong Kapatid. Gumising ka na!" Bigla akong may narinig na tumatawag sa akin. Sino ba yun? Ang aga-aga pa eh. Inaantok pa ako.


"Mamaya na, 5 minutes pa." Sagot ko sa kanya habang lumipat ako ng posisyon sa kabilang side ng kama. Puyat ako kaya gusto ko pang matulog.


Paano naman kasing hindi ako mapupuyat? Mga 7:00 na kami nakauwi ng Kuya kong masungit! Nag extend daw yung practice nila. Kaya ayun hinintay ko pa silang matapos. Kaya ayan pag uwi ko late na ako nakatulog. Hayss nakakainis talaga si Kuya!


"Puyat ka nanaman! Manuod ka pa ng K-drama! K-papanget naman yun eh." Nagpintig ang magkabilang tenga ko sa narinig ko sa kanya. Napadilat ako.


"Hoy Kuya kong Masungit! Inaano ka ba ng Korea? Siguro taga North Korea ka nuh?" Tinaasan ko siya ng kilay at inarapan.


Bumalik na lang ulit ako sa kama ko. Lakas ng asarin yung K-Pop parang hindi siya panget ah?! Oo, nanuod kasi ako kagabi ng K-drama. Sorna maganda kasi eh. Ang gwapo lang kasi talaga ni Lee Jong Suk!!!


"Jassy! Pag hindi ka tumayo dyan! Hihilain kita." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya kaya mabilis akong tumayo mula sa kama ko.


Kainis naman 'tong si Luya eh! Bina-blackmail ako. Ayokong mahila at bumagsak nanaman ang puwet ko sa sahig. Flat na nga ako eh. Babagsak pa ang puwet ko? Ano na lang magiging itsura ko? Plantsadong damit? Straight na straight.


"Ito na, Kuya! Nakakainis ka naman." Pagmamaktol ko habang kinakamot ko ang ulo ko. Tumayo na ako at tumingin kay Kuya. Nakangiti siya at maganda ang aura. Aba himala ata? Good Mood 'tong sungit na 'to!


"Kuya?" Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung leeg niya. 

"May lagnat ka ba, Kuya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Kuya Joshua sa ginagawa ko.


"Mukhang Good Mood ka ah." Dugtong ko at ngumiti ng napakalawak sa kanya. Biglang ginulo ni Kuya ang buhok ko, tsaka tumawa ng mahina. 

"Masaya lang ako!" Sagot niya sa akin tsaka ngumiti. Himala talaga 'to eh. Na-aaning na ata yung Kuya ko. 


"Baka pwede mo namang i-share kung bakit ang saya mo, Kuya?" Taas kilay na sambit ko sa kanya.  Tumawa lang siya at ganun din ako.

"Kaya ako masaya kasi may kapatid akong tulad mo!" Sambit ni Kuya ng may malapad na ngiti sa mukha niya. Kusa naman akong napangiti.


"Kuya? Ikaw ba talaga yan? Mukhang wala ka sa wisyo eh." Natatawang sagot ko sa kanya. Mas lumawak ang ngiti niya.


"Baliw hindi ako na-aaning. Masaya lang ako kasi tinulungan mo ako. Salamat Jassy! Salamat at may kapatid akong tulad mo. Ayos lang kahit Flat, mapapakinabangan din naman eh."Binatukan ako ni Kuya ng mahina. Mas napangiti naman ako. Pakiramdam ko ang saya-saya ko. Ang saya ko na okay na at maayos na ulit si Kuya Joshua ko.


"Loko ka talaga, Kuya! Wala yun ayoko lang kasi na nagkakaganun ka. At tsaka ginawa ko yun kasi palagi kang bad mood. Ako na lang palagi mong napag di-diskitahan ng galit mo. Kaya ginawa ko yun. Para naman maging ma-aliwalas yang mukha mo. Para mabawasan din yung mga wrinkles mo. " Natatawang sagot ko sa kanya. 


Bigla namang nagkasalubong ang kilay niya at tumingin sa akin ng masama. Nainis ata siya dahil sinabi ko na may wrinkles siya hahaha gurang na kasi siya.


Akala ko re-resbakan ako ni Kuya eh. Pero ginulo lang niya ulit yung buhok ko tapos ngumiti siya. Bago siya umalis yinakap niya ako. Yinakap niya ako ng mahigpit. Hays, ang sarap naman sa pakiramdam. Ang sarap na may ganito kang kuya.


"Pero kuya, Masaya ako para sa inyo ni Ate Dianna. Wag ka na masungit ah" Ngumiti ako sa kanya at ninakawan ko siya ng halik sa pisngi.


"Kadire ka naman, Jassy! Hindi ka pa nag to-toothbrush." Reklamo ni Kuya habang pinupunasan ang pisngi niya. Natawa na lang ako sa kanya.

"Ang arte naman ng Kuya ko." Sambit ko at ginulo ko ang buhok niya. Umismid lang siya sa akin.


"Parang nung bata tayo. Kini-kiss mo pa nga ako sa lips eh." Pang-aasar ko. Bigla namang natawa si Kuya kaya nadamay din ako. Nagtawanan kaming dalawa nang maalala namin kung gaano kami ka-sweet nung bata pa kami. Ew.


"Bumama ka na nga Pader! Baka ma-late pa tayo." Sambit niya sa akin at nauna ng lumabas ng kwarto ko. 



Kahit na inasar niya akong Pader. Napangiti pa rin ako. Hindi ko alam. Pero tagline na niya yun sa akin. Hahaha siya naman Sungit. Hahaha gantihan lang 'to bes.


Bago ako bumama para kumain. Nakita ko yung panyo na nakalagay sa ibabaw ng tukador ko. Iyun ang panyong pinahiram ni Drake sa akin. Buti hindi nalaman ni Kuya na nabasa ako kahapon, naku kung nalaman niya. Patay talaga ako! Buti na lang at nakagawa ako ng palusot sa kanya kung bakit iba yung damit ko.


Habang hawak ko yung panyo at tinitingnan ko ito. May kung ano akong nararamdaman? Hindi ko masabi eh. Magulo.


"Jassy! Tara na!!" Bumama na ako at kumain. Binilisan ko talagang kumilos. 

Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Kuya and nakangiti siya buong biyahe. Ang sarap sa pakiramdam na ayos na sila ni Ate Dianna at maayos na ang pakiramdam ni Kuya.


Bumama na ako at pumunta na ako sa classroom namin. Napatigil ako sa harap ng pintuan ng classroom namin. Laking gulat ko dahil andoon si Kiel? Anong ginagawa ng kumag na yan dito?? Tuluyan na akong pumasok.


"Ang Gwapo ni Kiel!"

"Kiel crush kita!!"

"Papa Kiel!!"

"Kiel pa ano naman!"


Napa-irap na lang ako sa hangin dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Ganito na ba talaga ang mga kabataan? Wala ng alam magandang sabihin? Nakakainis naman. Bakit kasi andito 'tong Kiel na 'to. Siya ang dahilan ng ingay na 'to eh. Bwiset!


Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Hindi ko na lang pinansin yung mga babaeng yun. Nakita ko naman agad si Kyla. Kaso saglit? Bakit parang may kausap siya? Lalaki? Lumapit ako sa kanila at muntik na akong malaglag sa kinakatayuan ko. 

Nakita ko si...."Aiden??"


Napalingon sakin si Aiden at si Kyla, pati si Kiel. Pero hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Bakit nandito silang dalawa?


"Jassy? Right?" Maangas na tanong niya sa akin. Mukhang hindi niya ako kilala at hindi pa siya sigurado sa pangalan ko.


"Ahh, oo ako nga." Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tumingin ako kay Kyla at para bang hindi siya makatingin sa akin.


"Uhmm...kasi...Jasyy..-" Parang hindi alam ni Kyla ang sasabihin niya sa akin. Bigla naman sumabat si Aiden at hindi niya pinatapos si Kyla. 

"I'm here because I'm courting Kyla." Sambit ni Aiden. Whut???


Totoo ba ang narinig ko? Liniligawan ni Aiden si Kyla?


"Totoo?" Tumingin ako kay Kyla at tinaasan ko siya ng kilay. 

"Oo, Jassy." Sagot niya sa akin.


Hindi ako makapaniwala. Hindi dahil may nanliligaw kay Kyla ah. Maganda si Kyla kaya hindi na rin ako magtataka if other boys court her. Pero isang Aiden Mercado? I think that's a No. Fvck Boy si Aiden. And he likes girl with you know? MALAKING hinaharap? I'm not saying na hindi malaki yung hinaharap ni Kyla. But Kyla is not her type??


Tiningnan ko si Kyla at para bang hindi siya mapakali. Naalala ko nanaman yung sinabi ko sa kanya na dapat pagkatiwalaan ko siya. At Jassy ayun dapat ang gawin mo. Pagkatiwalaan mo si Kyla.


Tumingin ulit ako kay Kyla tapos ngumiti ako ng napakalapad sa kanya. Hindi naman niya maiwasang ngumiti din. Mukha nakuha na niya ako.


"Yiee, congrats Kyla! I'm so happy for you!" Sigaw ko habang hawak ko yung braso niya. Para akong baliw dito. 

"Salamat, Jassy!" Hindi mawala sa mukha ni Kyla ang tuwa. Tuwa na sinusuportahan ko siya bilang bestfriend niya. 


"Jassy, I will assure you that Kyla will be safe at my side." Kumindat pa sa akin si Aiden. Hindi ko rin masisi si Kyla kung bakit siya nagkagusto kay Aiden. May dating kasi siya eh. Gwapo na lakas pa ng pag english niya. Dadag Pogi points yun ah.


Tumingin ako kay Kiel. Tahimik si Kumag? Hindi ko na lang siya pinansin. Umupo ako sa tabi ni Kyla at pinipilit ko siyang magkwento. Kwinento naman niya kung paano umamin sa kanya si Aiden. Matagal na rin daw palang may paghanga si Aiden kay Kyla. Nahihiya lang daw siya nung una. Kasi ang tipo daw ni Kyla eh yung babaeng hindi easy to get. And That's true. Dapat hindi ka easy to get na babae. 


Kahapon lang daw sila nagka-aminan. Matapos daw silang ikulong ni Aria nagka-aminan na daw sila doon ng mga nararamdaman nila. Kaya liniligawan na ni Aiden si Kyla ngayon. Ang sarap makinig sa mga kwento nila. Parang ang sarap tuloy mainlove. Bigla akong napatingin kay Kiel at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kung bakit? Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.


"Sige, Kyla. See you later." Sabay kindat ni Aiden kay Kyla. Tumango naman si Kyla at pilit na tinatago ang mga ngiti niya.


"Sige, Aiden. Bye, Kiel." Paalam ni Kyla sa kanilang dalawang mag-bestfriend.



"Kyla mauna na kami ng Aiden." Ngumiti si Kiel kay Kyla at napatingin siya sa akin. Pero hindi siya makatingin sakin ng diretso. Blanko ang mukha niya. Bakit ganun? Pagdating na sakin wala na siyang ekspresyon? 


Umalis na sila Kiel and Aiden sa classroom namin. Hindi namin sila kaklase kasi section 2 sila, kami naman ay Section 1. Buti na lang hindi sila naabutan ni Ma'am dito kasi magtataka yun sigurado. Hays, Math nanaman guys. Torture talaga 'tong si Ma'am Dela Cruz. Huhuhu nakaka-iyak talaga.


'Kringgg

Buti na lang nag time na. Ang hirap ng lesson, wala akong nagets. Yes!! Nagising yung kaluluwa ko nung narinig ko ang Bell. Yes nemen!


FREEDOM!!!!!


Pumunta na ako ng Canteen. Kanina pa ako nagugutom. Yung magaling ko kasing Kuya eh. Minadali akong kumain. Ayan tuloy kaunti lang nakain ko.


"Ate, Isa nga pong Zesto Choco, Fudgee Bar and Burger po." Sambit ko sa Ate tsaka inabot ang bayad ko.

"Neng, ito oh." Inabot sakin ni Ate yung mga inorder ko. Agad akong napangiti.


"Ang dami naman niyan. Baka tumaba ka." Anak ng Teteng! Bahagya akong napatalon.

"Ay kalabaw!" Nagulat ako sa nagsalita. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko siya.


 "Drake?!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya.

"Mukha ba akong kalabaw, Jassy?" Nakangusong tanong niya sa akin. Para siyang batang nalulungkot dahil hindi nabigyan ng kendi. Shet! Ang Cute niya.


"Ehh? Hindi! Ekspresyon lang yun. Ikaw naman kasi eh nanggugulat ka." Sagot ko sa kanya. Naglakad na ako papunta sa isang vacant table. 

"Sayo lahat yan?" Umupo siya sa harapan ko. 


"Oo naman, akin lahat 'to. Bakit?" May problema kaya dun? Nakangiti lang siya na para bang pinagtatawanan niya ako.

"Gusto mo?" Inalok ko siya ng burger pero umiling lang siya. Pero patuloy pa rin siya sa pagngiti. Nang-aasar ka ba Drake? Hmp!


"Drake? May probelma ba? Parang kanina ka pa tawang-tawa sakin?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sa akin si Drake at lumapit.

"Nakakatuwa ka kasi eh!" Sagot niya. Ang lapad ng ngiti niya sakin. Feel ko na nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako sa sinabi ni Drake.


"Jassy?" Hala! Na pre occupied pala ako. 

"Ayy, sorry." Bigla niyang pinisil ang pisngi ko. Nagulat ako at hindi kaagad nakagalaw. Parang nakalimutan ko lunukin ang pagkain ko.


"You're so cute." Sambit niya tsaka tinapik ang ibabaw ng ulo ko. Mabubulunan ako nito, Drake eh. Anong sabi niya? Sabi ba niyang cute ako? 


"Jassy may tatanong lang sana ako sayo?" Panimula ni Drake. Inayos ko ang sarili ko tsaka tinuon ang atensyon ko kay Drake.

"A..ano?" Nauutal kong tanong sa kanya.


"Pwede ka ba sa Saturday?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya.

"Ba..bakit?" Bakit ba ako nauutal?


"Aayain sana kitang lumabas?"  Sagot niya sa akin. Tuluyan na akong nabulunan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Ayos ka lang ba, Jassy?" Tanong ni Drake sa akin tsaka niya inabot ang inumin ko.


"Huh? La-labas tayo? Sinong kasama natin?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at umiling.


"Wala, tayong dalawala lang." Sagot iya na kinalaki ng mga mata ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-iinit ang pisngi ko! Kaming dalawala lang? 


"Si..sige. Pero magpapa-alam muna ako kay Kuya?" Nahihiyang sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Hindi na. Ako na ang magpapa-alam para sayo." Sambit niya. Hindi kaagad ako nakasagot. Sinundan ko lang siya ng tingin nang tumayo na siya sa harapan ko. 


"Sige, mauna na ako sayo, Jassy. Sa Saturday na lang ah? 3:00 pm. Byee!" Paalam niya sa akin. Ngumiti siya ng napakalawak bago naglakad palayo sa akin.


Bakit ganun ang bilis ng tibok ng puso ko? Pakiramdam ko ang saya ko. Sa Saturday kaming dalawa lang ang lalabas? Hindi group. What is the meaning of that? Hindi ko naman siya matanong kasi nahihiya ako. Hays. Hindi ako makapag-isip ng maayos habang kumakain.


Ano ba ang nararamdaman mo Jassy kay Drake?


Bigla kong natanong sa sarili ko. Kinikilig ako kapag nakikita ko siya. Napapangiti ako kapag ngini-ngitian niya ako. Na-uutal ako kapag kinakausap niya ako. Ang bait niya sakin. Tinutulungan niya ako, lalo na sa mga oras na malungkot ako. Kahit sandali ko pa lang nakikilala si Drake, hindi ko maitatanggi na nagiging malapit na ang puso ko sa kanya.


Pakiramdam ko? Siya ang inspiration ko.


"Jassy, totoo ba?" Tanong ko sa sarili ko. Napatigil ako sa pagkain.


Hala! Alam ko na ang sagot. Totoo nga! 


Crush ko nga si Drake!!

Ilang beses pa akong kumurap. Na-imagine ko sa isip ko ang mukha ni Drake na nakangiti sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.


Oo, crush ko nga siya. Omo!!!


Itutuloy...


Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
5.9M 232K 64
A battle between love and service.
356K 12.6K 32
(Finished) Arabella Eurydice was supposed to hate men like Archer Nevyn, or should she not?
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...