What Love Can Do? (UNDER REVI...

Por Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... Más

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 2 The Brother

26K 505 24
Por Princesss_AJ


2: The Brother


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Maaga akong natulog kagabi kaya masarap ang gising ko ngayong umaga. Dinilat ko ang mga mata ko at umupo ako sa kama ko habang kinukusot ang mga mata ko.


"Good Morning, baby."



Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat na naramdaman ko. May nagsalita sa pintuan ng kwarto ko kaya agad akong napatingin doon. Muntik na akong malaglag sa kama ko nang makita ko kung sino ang nakatayo roon. Bakit siya nandon?


Nakita ko si Kiel na naka sando lang na kulay puti at kita mo ang may kalakihan niyang katawan. Nakangiti siya ng nakakaloko sa akin habang nakasandal sa gilid ng pintuan ng kwarto ko. Omo! Bigla akong napahawak sa dibdib ko.


Lumapit siya sakin. Nanlaki naman ang mata ko. Patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin kaya napasandal ako sa kama ko. Kaunting galaw na lang ay mahahalikan na niya ako. Noooo! Bawal pa isuko ang bataan! Pumikit na lang ako dahil sa kabang nararamdaman ko


Yu-yung first kiss ko!!


"Hoy! Gising na!"

"Wahh ayoko! Bawal pa!" 


Ayokong idilat ang mata ko, baka kasi alam niyo na. Jusko! Ayokong ibigay ang first kiss ko sa isang Dakilang Fvck Boy!



"Pader! Gumising ka na dyan!" Biglang may humila sa paa ko kaya nahulog ako at tumama ako sa sahig. Aray! Dagundong ang kaluluwa ko ah. Sino ba yun? Ang bastos.


"Ayan ang napapala ng mga tamad gumising." Sambit ng isang pamilyar na boses na palagi kong naririnig sa loob ng bahay. Kaagad akong napadilat. Whhooo! Panaginip lang pala yung kanina. Akala ko totoo na talaga. 


Lumingon ako sa gilid ko, agad akong umismid nang makita ko si..


"Kuya Joshua?!"



   Joshua Castillo



Gwapo, matangkad, bully (lalo na sa akin), chick magnet, mahilig sa rumble, walang inuurungan, matapang at higit sa lahat mas matanda sa akin. Siya si Kuya Joshua ko. Siya ang kuya kong walang alam kung hindi ang makipagbasag ulo. Tuwing uwuian, hilig na niyang makisali sa mga rumble. Kaya palagi siyang umuuwi sa bahay na may pasa sa katawan at minsan ay sa mukha pa niya. Hindi ko alam sa kuya ko pero sa tingin ko, pangarap niyang maging boksingero. Isa sa mga ayaw ko sa kanya ay ang pagiging masungit niya. Tss. Nawawala ang talukap ng mata ko sa tuwing nag su-sungit siya sa akin dahil sa kaka-irap ko sa kanya. Araw-araw ata mahal na araw sa kanya, palaging salubong ang kilay at parating bad mood.


Pero kahit na masungit at bully yan sa buhay ko. Mabait yang kuya kong gwapong gwapo sa sarili niya. Maalaga din siya, kapag linalagnat siya at masipag? Ayy, balik na lang tayo sa pagiging gwapo niya. Hahaha. Pero kahit gaano ko siya kinakainisan. Mahalaga pa rin siya sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan at hinahayaang masaktan. May pagka strict siya sa akin dahil ako ang bunso sa aming magkapatid. Kaya kahit ganyan ka GGSS ang kuya ko, mahal ko yang sungit na yan.



"Kuya kamo! Umagang-umaga eh!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakakainis siya. Dumagundong tuloy yung kaluluwa ko. Nakakabanas siya!

"Eh ang tagal mong bumangon! Tapos kung ano ano pa yung sinasabi mo. Ganyan ba kapag pader?" Nang-aasar na tanong niya sa akin.


"Hoy Sungit! Mas ayos ng pader kaysa naman masungit. Atleast yung pader hindi nakakapangit, eh yung pagsusungit? Tsk! Tatanda ka nun." Depensa ko sa kanya.

Asaran pala gusto mo kuya ah?


"Hay naku pader ka lang eh. Wala ka ngang dede pero nagba-bra ka? Hahaha ano yung tinatakpan mo? Utong? Hahahaha!" Diretsahang asar sa akin ni Kuya. Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata.


Aba! Ang  sama mo naman kuya! May dede ako nuh? Hindi nga lang malaki.



"Hoy kuya!" Sinuntok ko yung dibdib niya. 


"Mas ayos nang flat chested kaysa naman dede lang ang nagdala!"


Whhooo! Boom Panes! 'Time'. Ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko. Ano Kuya? Sagot!



"Bumama ka na nga dun. Male late na tayo eh. Iwan kita dyan eh." Pikon na sagot sa akin ni Kuya Joshua. Hays. Pikon! I Won kuya! Belat ka! 


Lumabas na siya ng kwarto ko. Hindi ko pa rin maiwasang mapangisi. Tumingin ako sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko. 7:15 na. Eh 7:30 alis namin ni kuya. Halaaa!!



Dali-dali akong naligo at inayos ko agad ang mga gamit ko. Nagmadali talaga ako para kay kuya kong masungit. Pagbaba ko nakita ko sila mama at papa na kumakain ng breakfast.


"Good Morning Jassy!" bati sa akin ni Papa.

"Good Morning, kain na?" bati naman ni Mama sa akin.


"Good Morning Papa and Mama." Bati ko sa kanila at bumeso ako sa pisngi nila.


Tumingin ako kay Kuya Joshua, hindi niya lang ako pinansin at inirapan pa ata ako. Aba! Umupo na lang ako sa tabi ni Kuya. Tahimik lang si Kuya habang nagbabasa ng newspaper. Kukuha pa lang ako ng ham.


"Tara na! We're already late." Sambit niya at tumayo na. Linapag niya ang newspaper na binabasa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at umuwang ito.

"Pero..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Pano naman kasi sinamaan niya ako ng tingin. Ayan napasunod na lang tuloy ako.


"Joshua? Bakit ayaw mo munang pakainin yung kapatid mo?" Tanong ni Mama kay Kuya Joshua.

"Mama! Male late na kami. And if mangyayari yun magkakaroon kami ng detention slip." Medyo irritadong sagot ni Kuya Joshua kay Mama.


Bigla akong na-ubo nang marinig ko ang salitang 'slip'. Bigla akong nagulat. Naalala ko ang banta sakin nung Kiel na yun. Hindi naman ako natatakot eh. Pero ang ayoko lang eh yung mapahiya ako. Pag pinahiya niya ako. Lagot siya sakin!



"Paano naman kasing hindi yan pupuyatin. Eh palaging nanunuod ng Kdrama. Hayss!" Inis na utas ni Kuya Joshua na napa-irap na ng tuluyan. Hindi kaagad ako nakasagot.


Ehh? Ang ganda at sarap naman kasi manood ng kdrama eh. Aminin niyo? Lalo na yung Dr. Stranger!! Wahh Ang pogi ni Lee Jong Suk! Oppa!



"Ganun ba? Oh sige. Mag-ingat kayo ah. Joshua yang kapatid mo ah?" Bilin ni Mama.

"Opo mama! Ako na bahala dito sa pader na 'to." Sagot ni Kuya. Hinila na ako ni kuya palabas. Harassment talaga 'to.



"Kuya!" Agad kong tawag sa kanya.

"Pasok!" Seryosong utos niya. Ang seryoso ng mukha niya. Alam mo yung mukhang mapapasunod ka talaga? Huhuhu nakakatakot naman.


Hindi ko na lang sinagot si kuya. Baka basagin nito ang mukha ko eh. Nang nasa loob na kami ng kotse. Magsasalita pa lang ako kaso naunahan ako ni Kuya.


"Kung iingit ka? Wag mo nang ituloy okay?" Psh! Ang sungit! Ang aga-aga eh, napaka sungit niya. 


"Bakit ba ang aga-aga, nagagalit ka sakin? Wala naman akong ginagawa sayong masama ah? Nakakainis ka naman kuya." Nagtatampong sambit ko habang napahalukipkip na lang ako sa kinakaupuan ko.



"Sorry, Jassy. Nadadamay ka tuloy sa inis ko." Rinig kong sambit ni Kuya Joshua. Napalingon naman ako sa kanya.

"Ikaw naman kasi kuya eh. Napaka nega mo. Bakit ba ang init ng ulo mo?" Nagtataka at medyo irritadong tanong ko sa kanya.



"Si...ano kasi....si Dianna." Nauutal na sagot sa akin ni Kuya Joshua habang nakayuko.


Si Ate?!



Dianna Rivera

Maganda, mabait, matalino, mayaman at sobrang mapagkumbaba. Hindi siya mayabang kahit na marami siyang pwedeng ipagmamayabang. Mayaman ang pamilya nila dahil sila ang may-ari ng isang sikat na Airline dito sa Pilipinas. Kaya madali lang sa kanilang maglabas-masok dito sa loob at labas ng Pilipinas. Mahinhin lang siyang kumilos pero kahit ganun may pagkahyper at kalog siya. Nasa kanya na ang lahat kaya hindi ako magtataka kung bakit nabighani at nabaliw ang Kuya ko sa kanya.


Si Ate Dianna ang nagsisilbing Ate ko. Dahil dalawa lang naman kami ni Kuya na magkapatid at lalaki siya kaya wala akong kinikilalang Ate. Buti na lang at siya ang naging girlfriend ng kuya ko. Dahil siya ang palaging naggu-guide sa akin at siya ang tumutulong sa akin sa mga assignment ko kapag hindi ko sila naiintindihan.


Mahal na mahal niya si Ate Dianna kaya pag may problema sila dini-dibdib yun ni kuya. Psh! Pataasan din kasi sila ng pride eh. Pero mas mataas yung sa kuya ko. Mga 10 ft?


So ayun! Si ate Dianna pala ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. 

"Nag-away nanaman ba kayo?"  Tanong ko. Hindi makatingin sakin si kuya. Sa daan lang siya nakatingin habang nagmamaneho.


"Kuya!" Sigawan ko nga. Nagbibingi-bingihan eh.

"Oh! Narinig kita! Saglit lang kasi nag-iisp ako!" Sagot naman niya sa akin. 


"Sorry na. So bakit nga?" Pangungusisa ko.

"Nag-away kami kahapon. Paano naman kasi 'tong si Dianna tanggap ng tanggap ng mga regalo sa mga taong gusto siya. Eh nagselos ako. Kaya nung nag-away kami kahapon nasigawan ko siya." Kwento niya ng nangyaring tampuhan nila ni Ate Dianna.



"Aish!" Sinuntok ko si kuya sa braso niya.

"Aray! Pader ka talaga!" Ingit naman niya sa akin at hinimas ang brasong sinuntok ko. OA magreact. 


"Napakaseloso mo naman Kuya!" Sumbat ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh sa mahal ko siya eh." Katwiran naman niya sa akin. Napalingon ako sa kanya.


"Ayun naman pala eh. Mahal mo siya. Pero bakit hindi mo magawang pagkatiwalaan siya?" Natahimik bigla si kuya. Oh ano? Guilty ka? Hmp! 

Nakarating na rin kami sa school at dahan-dahan akong bumaba ng kotse ni kuya. Baka kasi may mambato sakin ng harina at itlog eh. Alam niyo na. Yung slip? Bwiset yun eh!


"Jassy! Ano bang ginagawa mo? Para kang aning dyan." Tumatawang tanong ni Kuya. Kahit na tumatawa siya, bakas pa din sa mukha niya ang nangyari sa kanila ni Ate Dianna.

"Wala Kuya! Sige na! Hintayin na lang kita mamayang uwian." Sagot ko at dali-daling tumakbo.


Nagmadali akong tumakbo papunta sa locker ko. Kainis! Kinakabahan ako! Linabas ko yung susi at tinanggal ko ang lock. Ang bilis ng kabog ng puso ko dahil sa kaba. Tiningnan ko ang laman ng locker ko.

'Laman ng locker: notebook, books, girl stuffs and papers'


"Whooo!" Akala ko talaga meron eh. Para akong nabunutan ng tinik. Bakit kaya wala? Ano naman pumasok sa isip nun?


Pero ayos na yun. At least wala na akong iisiping problema. Baka natauhan siya at nagkumpisal sa mga kasalanang nagawa niya sa buhay niya. Tss. Magandang gawain yan. Ipagpatuloy niya kamo yan. *claps*


Naglakad na lang ako papuntang classroom namin. Nang malapit na ako sa classroom namin ay biglang may bumangga sa akin.


"Ouch!" Inda ko nang mapa-upo ako sa sahig. Tumingala ako at nanlaki ang mga mata ko nag makita ko siya sa harapan ko habang nakangisi.



"Kiel?!"

Itutuloy....

Seguir leyendo

También te gustarán

13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
4.2M 94.6K 44
COMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that...
7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...