Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER...

By Janztrich

2.8M 53.3K 46K

Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Montec... More

AGNC
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 16

61.7K 1.7K 1.3K
By Janztrich

HER BEAUTIFUL MONSTER



GWEN CHLOE's•



Monday.



LUNES na lunes ay absent kami ni Rob. Hindi kami pumasok para lang manuod ng Science 'whatever' competition ni ulap dito sa Feminy University. Bilang super supportive na friends na laging bagsak sa Science at nakakatulog during discussion, sumipot pa rin kami para sa kanya. Hindi kami papayag na walang magc'cheer sa pride ng Harrison. We got her back. Handa kaming magwala para sa kanya.



Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang auditorium, ang Einstein Science Square. Oha! Pangalan pa lang pang matalino na. Umupo kami ni Rob sa upper level kung saan walang masyadong tao, karamihan kasi ay umupo sa baba at kalagitnaan. At dahil papansin kami, pinili naming pumwesto sa mataas na bahagi para abot sa kasulok-sulukan nitong kwarto ang hiyaw namin sa bawat puntos na makukuha ni ulap. Pakapalan ng mukha gaming.



"Senior high level lang ba ang nandito?" Tanong ni bakla.



"Oo. Nasa kabilang building daw yung junior high at elementary level," sagot ko. Paano ko alam? Chismis, mehn. Usisera kasi tayo. "Balita ko rin once a year na lang daw 'to gaganapin. 'Di ba before every six months?"



"Talaga? Kaya pala namove. Usually month of June and December ang tournament na 'to eh."



"Mas mabuti na rin 'yon. Maawa naman sila sa mga estudyante," sabi ko pa. Naglibot ako ng tingin. Napansin kong tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga bisita. "Parang ang daming audience ngayon. Parang tayo lang yata ang supporter ni ulap ah."



"May ibang taga Harrison na nandito. May nakita akong officer ng Academic senate kanina dun sa labas."



"Hmm...I see." Tumango ako. "So, nandito rin ang Science club?"



"Malamang. And speaking of officers...hindi ba si Ella at Xoey 'yon?" Turo niya sa bandang ibaba. At may dalawang tukmol nga roon, naghahanap ng mauupuan. Nakaschool uniform pa ang mga punyeta. Si Ella bulinggit ang isa sa mga Members-at-Large ng student council, at si Xoey naman na 'di na virgin a.k.a Kiki ang Auditor namin—ang babaeng laging nasasabon ni Monteclaro at lagi ko namang pinagtatanggol. "Girls!" Tinawag sila ni Rob. "Dito!"



Tuwang-tuwa naman sila nang makita kami at agad na lumapit. "Hey, mates! Tangina niyo. Kaya pala wala kayo sa school, nandito kayo." Magandang bati ni Ella hindi pa man nakakalapit. "Hinahanap kayo ni Pres."



"Tangina ka, bulinggit. Ang ganda-ganda ng suot mo, wala kang ka-class class. Puro mura lumalabas sa bibig mo!" Sabi ko rito.



"Sayo pa galing 'yan ah. Hayop ka!" Tumabi siya sa'kin sabay hampas sa braso. "Oh, saan si Rae-Rae? Tapos na ba agad ang laban? Panalo na siya?"



"Gago. 'Di pa nagsisimula!"



"Hi, Kim." Pabebe na bati naman ni Kiki kay bakla at saka pumagitna sa'min. "Ang gwapo mo naman palagi. Ehe!" Sabay ipit ng kanyang buhok at pagkatapos ay dumikit na parang linta.



"Xoey, girl, sasabunutan kita!" Diring-diri naman ang huli. "Pareho tayo ng gusto, okay?!"



"Bakla nga 'yan, Kiki." Sabi naman ni Ella sa kanya. "Maghanap ka, yung hindi bakla. Tinigilan ko na nga siya, ikaw naman pumalit."



"Ayaw ko! Gwapo si Kim eh. Huhu, ba't ka nga ba ulit bakla, Kimmy?"



"Kasi tinatawag mong Kimmy. Ayan, natuluyan!" Sikmat ko naman sa kanya. "Ba't nga pala kayo nadayo rito? Umabsent din kayo?"



"Hindi 'no! Excuse kami sa classes today. Pinapunta kami rito ng mga bida-bida na namang Academic senate. Magrereklamo na nga dapat ako kung hindi ko lang naalala na kasali rin pala si Rae-rae." Ella.



"Those arrogant bunch of dickheads!" Si Kiki na may issue rin sa Senate Council.



Sa school namin mayroon kaming tinatawag na School Council na binubuo ng tatlong sangay: Academic Senate o Senate council, Staff council, and Student Government o Student council. Sa Academic senate, binubuo 'yon ng halos mga nasa 12th grade. Mga top notchers; like salutatorians and valedictorians, at mga exchange students din. Hindi basta-bastang mapabilang doon dahil hindi iyon botohan kagaya ng Student Government. Bukod sa kailangan mo ng mataas na grado roon, kailangan mo rin munang makakuha ng recommendation mula sa Board of Trustees. Sila ang pumipili ng mga magiging officers ng organisasyong 'yon. Yung President namin, si Monteclaro, nakakuha siya ng recommendation before pero ni-reject niya. Ganon din si ulap, pagkatapos ng una niyang panalo sa Science tournament, kinabukasan ay nakatanggap din siya; at dahil tamad siya...hindi niya pinansin. Sa Staff council naman, mga student teachers ang officers doon. Mga future edukado ng Harrison.



"Dapat pala pumasok muna tayo sandali para 'di tayo absent," medyo may pagsisising wika ni Rob.



"Malay ba natin." Bumaling ako kay Ella. "Lahat kayo nandito? Saan 'yung iba?"



"Nasa kabilang building sila. Meron din dun sa baba," turo niya sa bahagi na hindi na namin kita dahil sa dami na ng tao. "Si Pres lang ang wala rito. May meeting siya with Music Club today, at kaya ka nga rin niya hinahanap para raw may magbabantay sa'min."



"Tangina niya. Anong akala niya sa'kin yaya?!"



"Teh." Siko sa'kin ni Xoey. Napatingin ako sa kanya. "May nangyayaring himala kay pres. Nagbabagong buhay na yata. Di ba usually nakikipagbardagulan 'yon sa Senate council? Ayaw niyang sinusunod ang mga 'yon? Pero ngayon wala siyang say. Alam mo sabi sa'min? Hayaan na lang daw at pumunta na lang dito. Tangina. Samantalang last week halos paiyakin niya bawat officer ng Senate council."



"Deserved naman. Masyado naman kasing nagmamataas ang Academic Senate kaya nababanas si pres sa mga 'yon." Rob. Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon sa kanya. "Sure ba kayong hindi na naman niya inaway ang mga 'yon? Kilala niyo naman si pressy, laging beast mode 'yon."



"Kim..." si Ella na yumuko pa paharap makita lang si Rob. "Di mo kakayanin ang patience niya today. Alam niyo naman si pres every morning mala-dimunyuu. But not today. Ah-uh!" May pagtaas pa ng kilay na pahayag niya. "Running late na nga siya sa meeting niya pero hindi siya nagwala. Hindi nagsungit. As in wala!"



"Kabahan na kayo. Hindi siya 'yon," komento ko.



"Kakambal niya yata," sabi naman ni kiki. "Alam niyo nung Friday nagpasa ako sa kanya ng report. Bi, sinabihan ako ng good job, bi. For the first time in forever, bi! Luh, si pres pereng tenge. Parang gago. Pagkatapos niya akong paiyakin ng ilang beses!" Natawa kami. Hindi namin alam kung kinikilig ba siya o naiinis. Lagi kasing puntirya ng malas 'to sa tuwing may meeting. Siya lagi ang pinag-iinitan. Kung hindi siya, ako naman. "In all honestly, kung hindi lang demonyo si pres baka pagpantasyahan ko pa siya. I may sound so Lgbt, pero sobrang ganda naman kasi talaga, bi. Nagtataka nga ako ba't siya pumatol dun sa basketball player na mukhang kingkong eh. Marami namang mas gwapo at matino diyan."



"Kasi nga...nakikita niya ang sarili niya kay Steph," sagot ni Ella Bulinggit. "Magkaugali sila. Same same."



"Agree!" Nakipag-apir ako sa kanya. "Pero time-out muna ako sa pangb'bash sa kanya. Pinagtatanggol kasi siya ni ulap eh. Dalawang beses na akong nasermonan."



"Pinagtatanggol ni Rae si pres? Bakit? Crush niya?" Parang wala lang na tanong ni Ella. Gulat naman kami ni Rob sa bilis niyang mag-assume ng ganon. "What? Sige nga. Bukod sa kaibigan ni pres, sino pa ba yung naiisip niyong pwedeng magtanggol sa kanya? It's either mga fans niya or ang mga may gusto sa kanya. Yon lang."



"Omg! Crush ni Rae si pres?!" Napatili si Kiki. Tinakpan ko ang bunganga niya sa lakas ng boses niya. "Hmm-mm-hmm!"



"Hindi!" Singhal ko. Matagal na rin naman naming napapansin iyon ni Rob. Ang obvious niya kaya; kahit sino makakahalata. Pero syempre, gusto na muna naming makumpirma iyon. Ayaw naming pangunahan si ulap. "Ganon lang talaga si Skylie. Ayaw niyang pinagsasalitaan ng masama ang isang tao na hindi mo kausap o hindi mo kaharap. Para sa kanya...kung may sama ka ng loob sa tao, sabihin mo sa kanya ng harapan kapag nandiyan siya hindi yung sa iba mo ik'kwento."



"Truth." Rob agreed.



"Aww, ang nice naman ni Rae." Kiki. Pinagcross niya ang kanyang mga binti at saka nangalumbaba. "This may sound so lgbt pero siya na lang kaya pagpantasyahan ko?"



"This may sound so impossible pero sipain kaya kita palabas ng earth ora mismo?" Balik ko sa kanya.



"Ito naman. Ang overprotective mo, bi!"



"Teka lang. Speaking of meeting...hindi ba ako hinanap ni pres?" Tanong ni Rob. Doon ko lang din naalala na Secretary nga pala namin 'to. "Nagmeeting siya nang wala ako?"



"Si Gwen lang hinanap sa'min." Sagot ni Kiki sa kanya. "Hindi ka naman yata kailangan dun, Kimmy. Usually lagi namang mag-isa si pres sa mga meeting niya 'di ba?"



"Kapag meeting with faculty and staff kahit wala ako okay lang, pero kung may importanteng agenda dapat nandun ako."



"Tatawag naman 'yon sayo kapag need ka niya eh," sabi ko.



"Ang ingay niyo! Silence nga!" Saway ni Ella sa'min sabay turo sa harapan. Silence nga hahaha. "Tangina. Kanina pa pala nagsasalita yung host. Pinakilala na yung mga participants tapos hindi man lang natin narinig?! Puro kayo chismis!" Aba. Sinisi pa kami ng punyeta. "Ayon si Rae oh. Looking fine as always."



"That sounds so lgbt, Ella."



"Tangina mo, Kiki!" Sabay naming singhal sa kanya.



"Galingan mo, besh. Whoo!" Sigaw ni Rob sabay angat ng banner na dala namin. Nag-effort talaga kaming magpaprint ng mukha ni ulap. "Durugin mo sila!"



"Tangina hahaha." Tawang-tawa si Bulinggit at Kiki sa banner. "Ang gago niyo. Anong klaseng banner 'yan? Ba't nakacollage yung picture ni Rae? Tapos...hahaha para saan 'tong tae na emoji? Ang jejemon naman nitong gawa niyo!"



"Hahaha mas mukha pang birthday party tarpaulin 'to, bi." Kiki.



"Alam niyo kung wala kayong sasabihing matino, manahimik na lang kayo!" Asik ko sa kanila. Kulang na lang pagsisikuhin ko sila. "Mapamintas kayo!"



"Alam niyo naman 'yan, puro kalokohan," turo sa'kin ni Rob. "Siya nakaisip nito."



"Baka mas gustuhin na lang ni Rae matalo sa laban kapag nakita niya 'yan, hahaha." Ella.



Pakyu talaga kayo.



Hindi ko na sila pinansin. Tumayo ako saka tinawag si Skylie. "Ulap!" Sigaw ko. Sa lakas ng boses ko, napatingin siya sa'kin. Hindi lang siya, pati ang mga hindi naman tinawag napalingon din. Si ulap din ba kayo? "Durugin mo sila kapalit ng attendance namin! H'wag kang manghula ng sagot ah! Nagreview ka ba?! Mangopya ka sa katabi mo!" Sa halip na magpasalamat sa words of encouragement ko, sinenyasan niya akong umupo. Ngumiti ako at tumingin sa paligid. Doon ko napagtanto na halos lahat ng nandito ay nasa akin na ang atensyon. "Joke lang. H'wag kang mangopya, bad 'yon," pahabol ko pero sa mahinang paraan na at saka ako nagtatago ng mukhang umupo. "Pota. Nakakahiya 'yon ah."



"Bi, para kang tanga." Kiki.



"Xoey, mali yata na umupo tayo rito." Ella.



"Malay ko bang puro ulap pala ang pangalan ng mga tao rito!" Nakarecover na agad ako sa kahihiyan ko. Ready na ulit for another one. "Oh, magsisimula na. Manahimik na kayo."



Sa tagal na naming nakaupo, salamat sa Diyos, nagsimula na rin. The whole room went silent right after the host declared the start of the competition. May kanya-kanyang monitor ang participants. Magtitipa lang sila ng kanilang sagot at lalabas na iyon sa screen. At sa bawat tanong, may ten seconds sila para sagutin iyon. Every level is an elimination round kaya habang tumatagal ang laban...pahirap ito nang pahirap. Ayon sa pagkakaintindi ko, pagdating sa last round ay Natural Science ang category, and from there the questions will be divided randomly from the two main branches: Life science and physical science. Sa madaling salita, hindi mo malalaman kung 'yung tinatanong ba sayo ay physics pa ba o chemistry na. At isa lang ang masasabi ko...ako ang nahihirapan para sa kanila. Anyhow, h'wag na muna nating isipin ang last round dahil first round pa lang. At wala na agad akong maintindihan sa mga tanong na naririnig ko.



"What is considered to be an anomalous compound?" Isa sa mga tanong na ibinato sa kanila. "Type your answer, students."



"Ay, wala talagang pagpipilian..." Dismayadong usal ni Rob. "Paano manghuhula ang frenny natin if hindi niya alam?"



"Parang wala ka namang tiwala kay ulap." Ipinakita ang sagot at isa sa mga may tamang sagot si ulan. She answered 'water'. "Oh, kita mo. Huh, kayang-kaya ilampaso isa-isa ni Ulap ang mga yan!"



"Ang galing ni Rae!" Pumalakpak si Kiki at bulinggit. "Ba't daw water?"



"Pota ka. H'wag mo kaming tanungin, Ella." Asik ko sa kanya.



"Name the scientist who first proposed the wave theory of light."



"Ay, alam ko 'yan!" Napatingin kami kay Rob na tuwang-tuwa. "Napag-aralan natin 'yan, besh."



"May amnesia ako. Wala akong maalala." Sumandal ako at naghilot ng sentido. "Sino ba?"



"Si Christian," kaswal na turan niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya iisipin mong tropa niya lang 'yung Christian. "Nakalimutan ko last name niya."



"Si Christian Bautista ba 'to?"



"May ex akong Christian din yung name? Kaso bobo 'yon kaya hindi pwedeng siya." Kiki.



"Christian that starts with letter C?" Tanong ni Ella kay Rob.



"Yes. And double A."



"Phew!" Ella sighed in relief. "Buti naman. Christian din kasi name ni dad pero nagsisimula sa letter K. Akala ko siya na yung tinutukoy mo."



Nailing na lamang ako. Humihithit talaga ng katol 'tong mga 'to eh.



"Ayon!" Turo ni Rob sa harapan. "Tama si Sky! Ang galing. Christiaan Huygens pala."



Potek na pangalan 'yan.



"What sound is produced by Galton whistle?"



Napaupo ako ng maayos nang marinig ang tanong. "Gago. Basic. Alam ko 'yan!" Naexcite ako. Pota. Sa wakas. "Kapag sinali ako diyan, 'di naman pala ako maz'zero."



"Oh, anong sagot?" Rob.



"Panasonic," sagot ko with overflowing confidence.



Natawa silang tatlo.



"Ito si Gwenita manghuhula na lang, dinamay pa Panasonic. A better life, a better world?" Rob.



"Bi, hulaan ko. Panasonic ang brand ng refrigerator niyo 'no?" Kiki.



"Buti 'di mo sinabing Samsung," natatawa namang sabi ni Ella.



"Bibigwasan ko kayo kapag tama ako ah!" Pinagduduro ko sila. Tumingin kami sa harapan at hinintay na lumabas ang sagot. "Oh, sabi sa—ah, okay. Ultrasonic pala. Binago na."



"Punyeta ka. Buti nalang 'di ka sinali diyan." Rob.



"Panasonic pa more." Ella.



"Okay lang 'yan, bi." Nakikisimpatya na usal ni Kiki. Tinapik niya ako sa balikat. "H'wag mong dibdibin, magkatunog naman eh."



"H'wag mong dibdibin kasi wala ka nun," sabi naman ni Rob na ikinahalakhak ng siraulong si Ella. Tuwang-tuwa ampota.



"Kingina niyo talaga! May masasakal na ako mamaya."



Sa gugulo namin dito, nakalimutan na naming i-cheer si ulap. Hindi namin namalayan na ilang rounds na pala ang natapos. You can't blame us, masyadong madugo ang mga tanong. Ikaw ba naman ang bagsakan ng tanong about mass, velocity, speed, at kung anu-ano pa na puro na naman numero. Dumagdag pa ang famous formula ni Einstein na talagang pina-explain pa sa kanila ah. Hindi lang 'yon, may problem solving pang nangyari kung saan gumamit sila ng iba't ibang formula na isa sa mga dahilan kung ba't lagi akong nasasabon ng teacher namin sa lahat ng science subjects namin magmula noon hanggang ngayon. May alam naman ako, pero ang gusto yata ng guro namin ay isaksak ko sa kukute ko kahit wala nang space at memory full na nga.



Kaya saludo talaga ako kay Skylie Rae. Isa siyang alamat.



Dumating ang huling round, tatlo na lamang sila at buhay na buhay pa ang pambato namin. Shutaena kayo. Ilang taong undefeated 'yan, sa tingin niyo basta-bastang magpapatalo 'yan? Huh! Muli akong tumayo at inangat ang banner.



"Go, ulap! Ipanalo mo na 'yan para makauwi na tayo!" Sigaw ko. Napatingin ulit siya sa gawi namin, at natawa kami nang makita ang reaksyon niya. Hindi siya natutuwa hahaha. Hindi niya ba na-appreciate ang effort namin at nagpagawa pa talaga kami ng sarili niyang banner? Ang seryoso naman niya sa laban niya. "Fighting!"



"Oh, kita mo. Hindi masaya si Rae sa pa-banner niyo na daig pa ang collage maker," Ella.



"Manahimik ka! Pustahan tayo, iuuwi niya 'to sa kanila mamaya."



"Dati ka bang gago, bi?" Kiki.



Umupo ako at marahas na bumuntong hininga. Sinamaan ko sila ng tingin. Lahat sila, pati mga hindi ko kilala.



"Dating baliw 'yan," bulong naman ni bakla na narinig ko rin.



"Silencio por pabor!" Napa-espanyol pa ako dahil sa inis sa kanila. "Tigilan niyo 'ko kung gusto niyo pang abutan ng bukas." Pananakot ko. Tumawa lang sila. "Mga hayp talaga kayo."


"Hola. Ako si Dora." Ella.



Tawanan na naman sila.



Dahil umiiwas tayo sa krimen, hinayaan ko na lamang sila. Hindi ko na sila pinansin at ibinalik na lamang sa harapan ang aking atensyon. Kahit mahirap intindihin, nakinig na lamang ako sa kinukuda ng speaker. Ayon sa kanya, hindi na gagamit ng screen sa final round. Paunahan na lamang sumagot sa pamamagitan ng pagpindot ng buzzer. Random ang questions pero ang maganda dun...may ilan sa mga iyon ay multiple choice.



Nagsimula na agad. Walang break magmula unang round hanggang final. Grabe. Matira matibay talaga. Patayan kung patayan. Mas nauna pang natuyo ang utak ng mga nanunuod lang kaysa sa mga mismong kasali. Jusmiyo marimar. Is this what it's like in hell?



"Ako yung kinakabahan para kay Rae," usal ni Bulinggit.



"Kaya ni besh yan." Rob.



"This may sound so lgbt, but I believe in her 'cause she's smart and super pretty." Kiki.



Napasulyap ako kay Kiki at natawa. "Hay nako, Xoey."



"First question. In human body, the pineal gland releases—!" Hindi natapos ang tanong, Ulap hit the buzzer lightning fast. Yes, boi! "That's a quick one. Yes, Skylie?"



"Melatonin."



"That's correct! Pineal gland releases hormone melatonin."



"Alright. Next question. What time system has days that last 23 hours, 56 minutes and—!" She hit it again. Tangina, Sky. Patapusin mo yung tanong! "Skylie."



"Alam ko 'yan. Basic. Sidereal," feeling matalino na sabi ko. "Top 4," sabay flip hair.



"Sidereal," sagot ni ulap.



Mayabang ko silang tinignan. "Oh, ano? Ano? Matalino 'to, mehn." Sabay tap ng temple ko. "Di niyo kaya."



"Sige, bi. Magkukunwari na lamang kaming wala kang binanggit na Panasonic kanina." Kiki.



"At least, tumama na ako." Irap ko pa.



"What does 'N' stand for in DNA?" Naunahan ni student number two si Skylie namin. "Daniel."



"Nucleic."



"Gisingin niyo na lang ako kapag tapos na," sabi ni Ella sabay sandal sa akin at nagtulog-tulugan.



Mahigpit ang laban. Masasabi kong magagaling at matatalino rin 'tong mga katunggali ni Ulap. Kung anong bilis ng manok namin pumindot ay ganon din sila. Lumalamang ang dalawa mga bandang kalagitnaan, pero at the end...she still won. Nadepensahan niya pa rin ang titulo niya bilang Science Ace ng Harrison. Bumawi at lumamang siya ng ilang puntos sa huling bahagi, sa mga tanong related sa Newton's laws of motion at zoology. Magaling siya dun. Hindi na niya pinapatapos ang tanong kapag narinig niya ang clue at alam niya ang sagot. At dahil dun...nagwawala kaming apat sa pagkapanalo niya. Agaw atensyon ang kaingayan namin.



SA WAKAS UWIAN NA!!!



"Rae-rae!" Hiyaw ni Ella nang makita si Ulap na papalapit. Nasa labas na kami ng auditorium kung saan namin siya hinihintay. May suot na siyang medal, at may dalang trophy. "Congrats!" Sinalubong niya ito at niyakap. "Ang galing mo!"



"Thank you, Ate Ella." Ulap calls her ate kahit mas matanda kami ng isang taon sa bulinggit na 'to. Dapat nga siya ang tatawag sa amin ng ate pero walang galang ang lintik, si Skylie na tuloy ang nag-adjust. "Hi, Xoey!" Bati niya naman kay Kiki.



"Hi, Rae! Congratulations. Isa kang henyo!" Sabay finger heart.



"Asusss..." she laughed then turned to us, me and Rob, giving us a hopeless sigh. Nakangiwi siyang tumingin sa banner na nakasampay sa balikat ni bakla. "Nakakainis kayo! Para akong nalipasan ng panahon diyan sa pagkakagawa ng banner." Natawa kami sa ginamit niyang term. Nalipasan ng panahon talaga? "Pero thank you pa rin." Lumapit siya; niyakap niya kami at hinalikan pa sa pisngi. "Mahal niyo talaga ako."



"Congrats, besh! Na-foresee ko na agad kanina na mananalo ka." Rob.



"Congrats pero yung laway mo!" Bati ko rin with matching reklamo.



"Smack lang." Tinulak niya ako sa noo ko. "Ang arte mo talaga!"



"That is so not lgbt, bi." Wika ni Kiki sabay lapit sa akin . "Ako na lang ang hahalik sayo."



"Suntok?" Ipinakita ko ang kamao ko.



"May phobia 'yan sa laway, pagpasensyahan niyo na." May sarkasmong sabi ni ulap sabay akbay kay Ella. "Kumain na ba kayo? Treat ko kayo."



"Naks naman. Yan talaga ang dahilan kung ba't kami naghihintay rito eh," malaki ang ngiti na sabi ko sabay palakpak at nagpatiunang umalis. "Let's go. Nagugutom na ako eh."



"Hindi kami tumatanggi sa grasya, Rae. Suit your wallet," Ella.



"This may sound so lgbt, Rae, pero makita lang kita busog na ako." Kiki. Pagkatapos ay siya rin ang nagcringe sa sarili niyang banat. "Ang korni nun ah, hahaha."



"That's sweet, Xoe." Ulap. Tangina. Anong sweet dun? Dumikit naman si Kiki sa kanya at yumakap habang naglalakad. "Manlilibre ako kahit saan niyo gusto, pero today lang ah?"



"May cash prize ba 'tong tournament, ulap?" Takang tanong ko.



"Wala naman. May allowance lang akong nakuha, and since nanalo ako...they're going to double that."



"Dapat lang 'no. Ikaw ang ultimate pride ng paaralan," Rob.



"Yeah?" She giggled. "I usually hate this tournament, like napipilitan na lang. Pero iba ngayon. I enjoyed it. I felt so competitive during the game. Naramdaman ko yung mismong effort ko na manalo." Nakangiting wika niya at saka marahang bumuntong hininga. She paused for a second, then gave us a sneaky look. "Where's your president, by the way?"



Pota. Sabi na eh, hahanapin niya.




===============

SKYLIE RAE's•



Tuesday.



"Raj." Tawag ko sa kaklase ko. "Lalabas ka ba?"



"No."



"Iwan ko rito gitara ko ah. Pabantay naman. Bibili lang akong tubig."



"K."



Sarap suntukin 'di ba? Charr. Cold lang talaga yan. His name is Faraji Abubakar, ang main brain ng section namin. Isa siyang African. Puro. Walang halo. He has been studying here for four years now; he's an exchange student from Canada. Babalik siya roon pagtungtong niya ng college. Sobrang tahimik ng isang 'to. Isang tanong, isang sagot. Lagi lang siyang nagbabasa o 'di kaya'y naglalaro ng migaminx niyang nakakahilo. Nakikipag-usap naman siya sa'min dahil marunong naman siyang magtagalog—he basically knows ten different languages—iyon nga lang, makakausap mo lang siya kapag lalapitan at kukulitin mo.



"Thank you. Balik ako agad."



Wala kaming klase ngayon at dalawa lang kaming nandito sa room. As usual, busy si Raj magbasa, habang ako...hindi ako lumabas 'cause I was tuning up my guitar. Pambihira naman kasi 'tong Music club, bigla-biglang nagpaparamdam. Nag-email na nga, tumawag pa kesyo they received my application daw and my audition would be today. Wow ha. Natraffic ba yung application ko? Buong akala ko noon hindi itinuloy ng dalawang letse ang pagpasa ng application para sa'kin. I thought they were just joking, but I was wrong. Tinotoo talaga nila. Pero bakit ngayon lang ang audition? If I remember clearly, our conversation about that was around May or June. Ang tagal na. Nawala na nga sa isip ko ang pag-o'overthink tungkol doon. Natuwa pa ako dahil ayaw ko talagang mapabilang sa kahit na anong organisasyon dito sa paaralan. Ayaw kong maging busy person. Tapos malalaman ko, ngayon pala 'yon. What a bummer.



Naman eh!



"Hi, Rae." Bati sa'kin ng nagbabantay sa counter pagdating ko sa cafeteria, si Ate Jek. "Congrats. Nanalo ka pala kahapon. Ang galing mo talaga."



"Thank you, Ate Jek." Sinsero rin namang sagot ko. "Paano niyo naman po nalaman?"



"Dun sa billboard, sa may main gate. Nandun yung picture mo."



"Hala!" Napatakip ako ng bibig. Natawa ako at biglang nahiya. "Hindi ko napansin 'yon. Maganda ba ako sa picture ko dun, ate?"



"Oo naman, Rae. Ikaw pa ba."



"Sus, si ate." Tumawa ako.



"Totoo naman eh." Ngumiti siya. "Oh, anong sayo? Kakain ka ba? May bagong luto kaming ulam."



"May dala po akong pagkain eh. Pinabaunan ako ni mommy. Tubig lang po sa'kin. Yung hindi po malamig, ate ah."



Wala rin kasi akong dalang pera dahil nakalimutan ko lang naman sa bahay ang wallet ko at pati na rin ang aking cellphone sa sobrang pagmamadali ko kanina. Another katangahan moment; nawala sa isip ko na advance pala ng isang oras ang wall clock na nasa loob ng kwarto ko. Sa tagal ko nang gusto ipaayos iyon kay daddy o kahit man lang kay kuya dahil 'di ko abot...ni ultimo banggitin sa kanila nakakaligtaan ko rin. Ayon, ang aga tuloy ni inday at wala pang pera. Buti na lamang may nahukay akong barya sa kailaliman ng bag ko. Twenty pesos din 'to. Hinatid kasi ako ni daddy rito sa school kaya hindi ako namroblema sa pamasahe, at buti na lang susunduin niya rin ako mamaya pag-uwi since wala siyang pasok sa work ngayon. Buti na lang talaga dahil ayaw ko namang maglakad pauwi.



"Nandito si Kim at Chloe kanina. Bumili rin ng tubig. Yung isa mainit binili, yung isa naman nagyeyelo." Naiiling at natatawa niyang sabi saka tumalikod para ikuha ako ng stack nilang bottled water.



"Hindi po kasi normal ang dalawang 'yon. Pagpasensyahan niyo na." Sabi ko naman. "Galing po sila sa lahi ng mga avatar."



Nagbaba ako ng tingin sa wrist watch ko. May thirty minutes pa bago ang mismong sabak ko sa audition. I still have time. Malamang tapos na ang iba. Hindi lang naman kasi ako ang naimbitahan, marami kami. Kaya naman ang organizer na mismo ang nagbigay ng slot at oras sa mga nakatanggap ng invite. Mine will start around 9:30 a.m. kaya dapat nasa Music and Arts building na ako on or before that given time.



"Ang aga pumasok ng dalawang 'yon," sabi pa ni ate pagbalik dala ang tubig na binili ko. "Nagbubukas pa lang kami, nandito na sila. Dito sila nag-almusal."



"Lagi kasing busy ang mga 'yon, Ate jek. Ako na nga lang ang napapagod sa kanila eh." Naabutan ko naman kahit papa'no ang dalawang 'yon pagdating ko rito kanina. Saglit ko lang silang nakausap at pagkatapos ay umalis na sila para umattend ng meeting. "Kaya ayaw kong sumali sa mga activities dito eh," dagdag ko saka inabot sa kanya ang bayad.



"Tingin ko ikaw yung tipo ng tao na mas gugustuhing nasa bahay lang."



"Tumpak, ate. Less stress kapag nobody ka sa school o normal na estudyante lang," turan ko. Totoo naman 'yon. Okay na 'ko sa Science tournament, at least doon may allowance ako. "Thank you rito sa tubig, ate." Hindi ko na pinatagal ang chikahan namin ni Ate Jek, nagpaalam na ako sa kanya bago pa ako malate sa audition. Bagaman ayaw kong sumali sa kahit na anong club ng school, ayaw ko rin namang isipin nilang masyado akong duwag para hindi sumipot. "Alis na po ako. May pupuntahan pa po ako eh."



"Ingat ka."



"Bye po po."



Ang higpit naman nito.



Naglalakad na ako palabas ng pinto ng cafeteria habang sinusubukang buksan ang bottled water na may mahigpit na takip nang may bigla akong nakasalubong. Sa gulat ko'y napaatras ako't nabitiwan ko ang hawak ko. Tumama iyon sa sapatos ng kaharap ko.



"Hala. Sorry po!" Paghingi ko ng paumanhin sabay yuko ng bahagya. "Sorry po."



Dadamputin ko na sana ang bote ko nang magsalita siya. "Kahit kailan talaga." Natigilan ako at agad na nag-angat ng tingin. Kaya pala amoy mabango at mamahalin...si monster pala 'to. "Pakalat-kalat ka."



"Hi...I mean—sorry." Nakagat ko ang dila ko. "D-Di ko sinasadya."



Why are you stuttering, Sky? Get your act together! Si monster lang 'yan.



Si monster lang?! MONSTER NGA EH!



Alam kaya ng monster na 'to na nanalo ako kahapon? Alam niya kayang nanalo ako hindi dahil sa sinabi niyang galingan ko kundi ay dahil sa magaling talaga ako? Sana alam niya. Assuming pa naman 'to.



"Tch. Sorry din."



"Huh?" Maang ko. May sinabi siya ngunit hindi ko naintindihan. "Anong sabi mo?"



Inirapan niya muna ako saka niya malakas na inulit. "I said, I'm sorry!" Nagulat ako. Nagulat ako hindi dahil sa lakas at sungit ng pagkakasabi niya kundi sa mismong sinabi niya. Ba't siya nags'sorry? Marunong din pala siyang magsorry? Nakakawindang na maging ang ibang nasa paligid at nakarinig sa kanya'y napatingin sa'min. Pati si kuya na naghahakot ng bakanteng bote ng softdrinks ay napahinto na 'tila ba ay bago ang narinig. "Sorry kung wala ako kahapon. I heard you did amazing and you won. Congrats."



Woi!!!



Luh siya. May sanib ba siya?



Hindi ako makapagreact. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Totoo namang hinanap ko siya kahapon dahil nandun ang mga kasama niya pero...at the back of my mind, okay lang din naman dahil hindi naman kami magkaibigan.



Nagbaba ako ng tingin sa tubig kong nasa pagitan naming dalawa. Nakakainis. Ba't ako kinikilig? Barang. Barang. Hindi pwede 'to. Parang tanga kasi eh, ba't nags'sorry? Hindi ko siya kailangan dun para manalo ako 'no.



"Ano, dugyot? Masama pa rin ang loob mo?" May sarkasmong tanong niya. Pagkatapos niyang magsorry, nagtutunong mayabang na siya. Confirm. Di nga siya marunong magsorry. "Hindi pa ba sapat 'tong ganda ko para mapatawad mo?"



Ayan. Ganyan nga. Lakasan mo pa ang hangin mo sa katawan para hindi ako kinikilig na parang ewan. Jusme. Kung bagyo lang siya, lulubog ang buong Pilipinas dahil sa kanya.



"Okay na. Okay na." Sabi ko na lang. Na-touch na sana ako eh. "Di mo naman need magsorry. Di mo naman sinabi na pupunta ka at saka...di naman kita hinanap."



Tumaas ang kilay niya. "Ba't hindi mo ako hinanap? Hindi mo ba alam na ako ang person of contact mo that time?"



Eh? Siya ba?



Ang alam ko nandun naman ang advisor ng Science club na siyang POC namin. Paano naging siya? At bakit siya kung wala naman siya dun?



"Bakit...ikaw?" Takang tanong ko.



"Ba't parang ayaw mo?" Mas nagmaldita pa siya. "Well, ako dapat 'yon dahil may emergency yung mismong POC mo. Pero hindi rin ako nakapunta dahil may important meeting ako...but still, that should be me and you should acknowledge that."



Huh? Ano daw?



Wala na akong naintindihan kaya hinayaan ko na lang siyang magpaliwanag na may kasamang pagsusungit. Kunwari na lamang nakikinig pa ako. Ang labo niya kausap. At sa pagkukunwari ko naman, doon ko napansin ang suot niya.



For the love of God...



Mas lalong hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya. Hindi na ako nakikinig pa. Girl, I'm out of breath. Kung anong suot ni Gwen at Rob ngayon, ganon din itong sa kanya. Nakauniform sila. Ang tinatawag nilang athletic uniform sa Student council. Maganda ito since minsan ko nang naisuot 'to nang pahiramin ako ni Gwen. At hindi ko naman alam na mas lalo pa palang gumaganda 'to kapag suot ng mga taong kagaya ni monster. Madalas kasi nakadress lang siya, skirt, o kung anu-anong damit na lakas makahatak ng atensyon. Pero hindi ngayon. Iba ang awra niya today. Kakaiba ang tindig niya at president na president ang kanyang dating. I hate to say this, pero...ang hot at ang angas niya. Tama pa ba 'to, Lord? Babae pa ba ako? Siya yung tipong 'pag nakasalubong mo mapapatitig ka talaga at mapapadalawang lingon, tatlo, o higit pa. Sa sobrang titig mo, hindi mo alam nasa butas kana ng kanal. At alam niyo kung bida lang siya sa isang movie, deserve niya ang matinding spot light, at bagay sa kanya ang slow motion effect habang kinukuhanan sa lahat ng anggulo.



Ano bang pinagsasabi ko? Okay lang ba ako?



She's wearing a two-toned university jacket. Para itong bomber jacket pero hindi ganon kakapal at hindi rin naman manipis. Navy blue mula sa baba hanggang lower chest, then white na hanggang itaas. May white lining sa rib cuffs at sa rib hemband. Sa upper left front, makikita mo ang embroidered logo ng organisasyon nila at sa right naman ang embroidered year which is 1996, ang taon kung kelan nagsimula rito sa Harrison ang panunungkulan ng Supreme Student Government. Nakalagay naman sa likod ng jacket ang posisyon nila as an officer and their last name. It's so neat. Sa pants naman, it's a white jogger na mala-jersey ang tela; makintab at madulas. Sa right leg nito, side part, nakaprint ng patayo ang pangalan ng paaralan at may kasama pang logo. Harrison (logo) College. Simple lang pero sobrang ganda. Hindi ako mag-eeffort na i-detalye ito ng ganito kung hindi maganda. Duh. Bagay na bagay nga ito kay Rob at Gwen lalo pa't magaling din manamit ang mga iyon. But this girl in front of me...she's a bit of different. Ang lakas niya makaakit kahit wala namang ginagawa. Nakawhite strapless crop top ba naman; kita ang puson tapos 'di sinara ang jacket. Anong pinagyayabang niya? Ang maputi niyang tiyan? Manipis niyang beywang? Ang abs niya?! Magkakaron din ako niyan 'no!



"Enjoying the view, huh?" She snapped her fingers. Natauhan naman ako. Owemji. Nakakahiya! Tumawa siya. Nakakainis. Nasasanay na siya kakatawa at kakangiti ah. Akala niya ba maganda siya? Eh, ano naman?! "You're not listening, are you?" Si mayabang, hinawi pa ang jacket niya at ibinulsa ang kanyang kanang kamay, dahilan para mas makita ko ang exposed tummy niya. "Tch. You look stupid. Kunin mo na nga yang tubig mo!" Biglang utos niya.



Sa ngalan ng lahat ng santong may pakialam, monster. Nang-aakit ka ba o may problema lang talaga sa'kin?



"Skylie." Bago ko pa siya sundin ay may tumawag sa'kin. Si Raj pala. At doon ko naalala ang audition ko. Napatingin ako sa relo ko. Oh, no. Five minutes na lang! Lumapit siya dala ang gitara ko. "Sorry. I have to go to the restroom kaya dinala ko na rito."



"No. It's okay. Sorry, Raj ah." Nahiya naman ako sa kanya. Pinagbantay ko na nga, pinaghintay ko pa. "Sana iniwan mo na lang dun."



"Sabi mo kasi bantayan ko." Well, yeah. Pero kasi...sige na nga, kasalanan ko na. "And someone was looking for you. I didn't talk to her, so she didn't know you're here." sabi pa nito sabay alis.



"O-okay." Malamang tauhan na ng Music club 'yon. "Thank you, Raj!" Pahabol ko. Hindi na siya sumagot pa.



"You're friends with that nerd?" Bumaling ako kay monster. "Bagay kayo," ngisi niya.



"Okay lang," kibit-balikat ko. Kesa naman kay Steph, 'di ba? "He's a nice guy naman." Yumuko ako para sana kunin na ang tubig kong nasa lapag nang bigla na lamang niyang sipain 'yon palayo. Ang lakas at pati ako muntik pang masipa. Nagulat na naman ang lahat sa sudden transformation niya. From angel to monster. Iba talaga siya. "Samantha! Tubig ko 'yon!"



"Oops. Sayo pala 'yon?" Inosente niyang tanong. Eh, kung ikaw kaya sipain ko?! "Bili ka nalang ulit." Kibit-balikat niya saka ako nilagpasan. Binangga niya pa ako sa balikat. "Get out of here."



Grr! Nakakagigil! Ano bang problema niya?! MONSTER KA TALAGA!!!



She was being nice, then next second she's evil again. Seriously, kailangan talaga may lagnat siya palagi eh. Gumaling lang siya, bumalik na rin ang pagiging terror niya. Hays. Wala talagang pag-asa magbago ang babaeng 'to.



Marahas akong bumuntong hininga. Kalma, Skylie. Tiklop ka naman diyan kaya kumalma ka nalang. Hindi ko na kinuha pa ang tubig ko dahil natapon na rin naman at wala nang laman. Nakakabwesit lang.



"Rae, sandali." Tawag sa'kin ni Ate Jek nang paalis na ako. "Kuha kita ng bagong tubig."



"Di na, ate. Thank you po." Nginitian ko siya at sinenyasan na okay lang ako. Wala na rin kasi akong pambayad, at isa pa late na ako sa audition ko.



"Sigurado ka?"



"Opo."



Lumabas na ako. Hindi ko na tinapunan ng tingin si monster.



"You again?" At kung sinuswerte ka nga naman, nakasalubong ko pa ang tampalasan niyang boyfriend. Jusme naman 'tong araw na 'to. "What do you want from me?"



Wala na akong energy para bigyang pansin ang pagiging papansin niya, naubos na dun sa jowa niyang wala sa hulog.



"Matulog ka at h'wag nang magising, 'yon lang," sagot ko at umalis na.



Ikaw na lang talaga ang mahihiya sa kapal ng pagmumukha ni Stephano. May sakit din ba siya? Mukhang malala na eh. Nakakagigil silang dalawa. Jusko.




LATE ako ng one minute nang makarating sa gusali ng Music and Arts. Ang bagal pa ng elevator tapos nasa 10th floor pa. Halos mabangga ko na lahat sa bilis ng takbo ko tapos pagdating dun sasabihin lang sa'kin...may ten minutes pa bago magstart. Ang husayyy. Pero mas okay na rin 'yon.



"Saan ka galing?" Tanong sa'kin ni Gwen. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Rob. Hindi ko alam na nandito pala sila. "Pinuntahan kita sa room. Nandun gitara mo pero wala ka."



"Bumili lang akong tubig. Ikaw pala yung sinasabi ni Raj?"



"Oo. Gago 'yon. Tinatanong ko, 'di nagsasalita. Para akong tanga dun."



"Ayaw nga nun sayo kasi masama raw bunganga mo." Kantyaw sa kanya ni Rob. "Si Sky lang kinakausap nun kasi hindi niya naririnig na minumura kausap," sabay tawa. That's true. Sa aming lahat, ako lang ang kahit papa'no ay sinasagot ni Raj nang hindi na inuulit ang tanong. Iyon nga lang, tipid sumagot pero at least di ba. "Pagdating sa'tin, kailangan magmumukha muna tayong tanga."



"Edi wow. 'Di ko na rin siya kakausapin."



"Sino palang hinihintay natin?" Tanong ko. Nandito na ang advisor ng Music Club, nandito na rin ang President nila na member din ng Science club kaya kilala ko, si Julius. Same year sa amin pero nasa ibang section. Nandito rin ang iba pang Music Club members. Nakauniform kasi sila kaya alam ko. Bale lima sila kabilang si Mrs. Lopez, ang kanilang advisor na kilala ko rin dahil naging teacher namin 'to sa aming Music subject noong first year high school kami. "May wala pa ba rito? May special guest ba?"



"Meron. Yung VIP," matabang na sagot ni Gwen. "Kakain muna raw siya kasi nagugutom na. Eh, kami nga rin kanina pa nandito. Pare-pareho lang naman kaming gutom. Sa halip na matapos ng maaga...tch." Wala na naman siya sa mood. "Nakakabadtrip talaga."



"Kanina pa kayo nandito? Akala ko ba nasa meeting kayo?"



"Tapos na meeting namin pero meron pa ulit mamaya." Gwen.



"Exhausting." I mumbled. "Wala ba tayong class today?" Tanong ko pa. Wala kasing katao-tao sa room namin. Baka 'di na naman ako nainform. "May hindi ba ako alam?"



"Lagi naman. Outdated ka kaya lagi," palatak ni Gwenita. "Wala tayong class ngayong buong araw. May meeting mamaya ang higher ups kasama ang teachers at kami."



Napangiti ako. "Talaga? Hehe. Kung ganon, uuwi na pala ako after nito." Salamat naman. Deserve ko rin ng pahinga 'no. "So, ano nga ginagawa niyo rito?"



"We were invited to observe." Rob.



"Observe?"



"Hindi sinabi sayo nung tumawag from Music Club?" Tanong ni Gwen.



"Na ano?"



"Na ang main purpose nitong audition ay para sa Music Festival. Kapag natanggap ka, member kana ng Music Club at may chance na piliin ka rin bilang student performer sa darating na Music Fest."



"Hindi nila sinabi sa'kin." Mahinang usal ko sabay sulyap sa iilang Music Club members na nandito. "Ayaw kong pumunta ng Music Festival!" bulong ko.



"Ayaw mo kahit may talent fee yung mapipili for festival?" Gwen.



"Ahh...pag-iisipan ko. Magkano ba? Charr."



"Gago ka talaga."



"Kayo ba yung pipili ng isasali o Music Club pa rin naman?" Nako. Hindi marunong kumanta mga 'to eh, paano nila malalaman ang singer sa hindi singer? Bigla akong natawa nang makita ang masamang tingin nila sa'kin. "Bakit?"



"Alam na namin yang iniisip mo!" Gwen hissed. "Hindi naman kami ganon ka boplaks para tumanggap ng hindi marunong kumanta, ulap." Ngumiti ako sabay peace sign. Di mabiro eh. "Nandito kami para lang mag-observe. Music club pa rin ang pipili. Pero syempre, sa huli sa'min pa rin ang desisyon kung pasado ba o hindi ang napili nila. Ayaw naman naming mapahiya pagdating ng festival."



"Edi parang ganon din 'yon."



"Ba't parang ayaw mo yata na kami ang pipili, besh?" Nakasimangot naman na tanong ni Rob. "Kumakanta si pres. Hindi lang halata, pero maalam 'yon sa musika. Magaling 'yon kumilatis."



Weh? Si monster? Talaga ba?



"Tama!" Sang-ayon naman ni Gwen. "At h'wag kang umasa. Hindi porket kaibigan ka namin, mapipili kana. Lima ang kukunin ng Music Club, at sa limang 'yon...tatlo lang ang hihiramin namin."



"Okay. Not a problem."



"Alalahanin mo, ayaw sayo ni Monteclaro." Dagdag niya pa. "Actually, imposibleng hindi ka makuha pero kapag pinairal ng isang 'yon ang hate niya sayo...hindi ka mapapasama sa tatlong mapipili."



Ngumiti lang ako. "As I said, ayaw kong pumunta sa Music Festival."



"Skylie." Napatingin kami kay Julius na papalapit sa kinaroroonan namin. Inabot niya sa'kin ang hawak niyang iPod. "Here. Habang wala pa ang hinihintay natin, pumili kana. You need to select a song from this list. Sampu lang 'yan kaya kailangan may mapili ka. Kapag wala o wala kang alam ni isa diyan sa list, we won't proceed with your audition. Okay?" Tumango ako. Shemay. Nasurprise na naman ako. Hindi rin ako nainform na hindi pala ako ang magd'decide ng kakantahin. Nagpractice pa ako. "Great. Just click the check box para sa napili mong song."



"Got it. Thanks." Nang makaalis siya'y bumaling ako sa dalawa. "Hindi niyo sinabi sa'kin! Ligwakan pala agad 'tong audition na 'to eh," pagalit na bulong ko.



"Ulap, sinend ko sayo kanina yung list ng songs. Tinawagan din kita!" Bulong din na sagot ni Gwen. "Pandaraya na nga 'yon eh. Hindi mo na naman nabasa!"



"Hindi talaga kasi naiwan ko ang phone ko sa bahay! Pati nga wallet ko eh."



"May bago ba? Holiday nga nakakalimutan mo eh!" Pang-uuyam niya pa.



"Rob oh..." sumbong ko.



"Hayaan mo 'yan, besh. Pumili kana. Don't worry. Karamihan dito sa list alam mo."



"Pa'no kung 'di ko alam ang chords? Nagdala pa ako ng gitara!" Reklamo ko.



"That's fine, ulap. Kung 'di mo alam ang chords, h'wag kanang mag-gitara. Maganda naman ang boses mo kahit walang instrument background eh." Napangiti ako kay Gwen. Akala ko sasagutin na naman niya ako ng pabalang eh. "You don't need any instruments. Instruments need you."



"Heartwarming..." kilig na usal ko. "Pero kinakabahan ako."



"Kaya mo 'yan. Need mo lang maitawid 'to, besh. At saka sa tingin mo ba kaya ng pride mong magback out?" Rob.



Umiling-iling ako. "No."



"Good. Then, you know what to do." He smirked.



Wala akong nagawa. Wala naman talaga akong choice eh.



I started browsing and checking the list. Pop, classic, and rock songs. Iyon ang mga kantang nakalist down. 20's and 90's. Walang mga makabagong kanta, halos lahat ay mga tugtugan pa noong elementary ako. But, yeah, I know some of it.



"Ito na lang kaya. Sleeping Child. Naririnig ko 'tong kinakanta ng daddy mo eh," natatawang suggest ni Gwen na nasa tabi ko na. Napapagitnaan na nila ako.



"Ayaw ko niyan. Chorus lang alam ko diyan."



"Ito, besh." Turo naman ni Rob sa kanta ni Jason Mraz . "Bago 'to kahit papa'no. I'm yours or itong Lucky."



"Hmm...di ko kabisado chords niyan."



Ang hirap naman nito.



Dahil sampu lang naman ang nasa listahan...inulit-ulit ko itong tignan. Binasa ko bawat title at inalala kung alam ko ba. Then, finally, I found one. There's this one song that has special place in my heart; it reminds me of a stranger I met in public. I didn't get his name—I didn't have to—but I still remember him.



"May napili na ako." Nakangiting sabi ko. "Alam ko yung kanta at alam ko yung chords." Tumayo ako at binalik sa president ang iPod. "I'm good."



"Great. We're about to start."



"Magaling ba 'yang manok niyo? Baka naman pagbigyan niyo lang." kakaupo ko lang nang magsalita ang isa sa members ng club. Agad rin naman itong sinaway ni Julius. "I'm just asking."



Tumingin ako kay Gwen na akala ko'y rerebat pero himala, hindi siya umimik. Si Rob lang ang sumagot. "Asking in a mockery way?" Singhap niya. "Syempre, magaling si Skylie. Isasali ba namin kung hindi?" Suplado pa nitong sagot. Ramdam ko ang kulo ng dugo ng kaibigan ko. "Baka palitan ka pa niyan sa pwesto mo."



"Rob..." hinawakan ko siya sa braso.



"Really, huh? Let's see." Sabay tingin sa'kin, nakataas pa rin ang kilay. Ngumiti lang ako sa kanya. "Show us what you got."



Certainly.



"Hayaan mo na. Wala namang masama sa sinabi niya." Awat ko kay Roberto na balak pa sanang sumagot. "Buti na lang 'di ka nakikigatong," mahinang sabi ko naman kay Gwen.



"Ba't naman ako papatol sa katulad niyang mangmang at 'di ko ka-level? Psh. Nakakainsulto sa sarili ko." Turan niya sabay sulyap kay Rob. "Hindi rin niyan ka-level ni Rob. Walang binatbat 'yan sa kanya pero kasi pareho silang bakla kaya baka accepted pa."




Ano daw 'yon?



Muli akong tumingin sa lalaki. Magkacross ngayon ang mga binti niya at nakahalukipkip pa. Bakla siya? Parang 'di naman. At saka gwapo, may itsura, tisoy; iyon nga lang...mas gwapo pa rin si Rob.



"Sino ba 'yan? Anong position niya sa Music club?" Tanong ko.



"Vice President nila," ismid na sagot ni bakla. "Si Michael Angelo. His name doesn't suit him. Don't you think so, too?"



I shrugged. "Kere lang."



"No. Di talaga bagay." Giit niya pa. "Galingan mo, besh. Ipahiya mo ang mukhang tilapia na 'yan!"



"Marinig ka." Natatawang sabi ko. "Nahahawa kana kay Gwen. Lagi kasi kayong magkasama eh."



"Namo, ulap. Hindi na nga ako kumikibo rito!"



"Skylie Rae."



"Y-yes po?!" Mabilis kong sagot nang tawagin ako ni Mrs. Lopez.



"Samantha's here. We can start now. You may go to the mini stage."



Samantha?



???



Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako. Mabilis akong napatingin sa aking likuran. And there she is...the one and only devil. "S-siya ba yung...VIP na sinasabi mo?" Bulong ko kay Gwen.



"May iba pa ba? Hindi ka ba nagtataka na kami lang ni Rob ang nandito? Hindi pwedeng mawala 'yan."



Oo nga pala. Ba't 'di ko naisip 'yon?!



Napalunok ako. Bwesit! Hindi na sana ako sumipot. Naglakad siya palapit habang nasa akin lang ang tingin. Agad akong nag-iwas. Kinuha ko ang gitara kong nasa katabing upuan saka mabilis na naglakad papunta sa harap.



Nang dahil sa kanya nanunuyo ang lalamunan ko ngayon! Kapag ako pumiyok, kasalanan niya 'to!



Tumayo ako sa harapan ng microphone na nakalagay sa stand. "Mic test."



It's working.



Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila. Hindi na ako masyadong kinakabahan pero may konting pressure pa rin lalo na't nakatingin silang lahat sa'kin. Anxiety, layuan mo ako. Lihim kong sinulyapan ang gawi ng Student council. Nakaupo na si monster sa tabi ni Gwen, at napansin kong may pagkain na sa desk ng dalawang kaibigan ko. Did she buy them food? Anong nakain niya?



Inalis ko ang aking atensyon sa kanila. I cleared my throat before introducing myself. "Hi everyone. My name is Skylie Rae Fuentes. Seventeen. And I'm from 11th grade, section Diamond."



"Hi, Skylie. Glad to know that you're already in the top class." Malumanay ang ngiting ani Mrs. Lopez. Diamond is our higest section. Bronze naman ang lowest. Noong first year high school ako, I was from the Silver section that's why she said it like that. "What song have you chosen? And why that song?"



I smiled a little. "Honestly po, sa binigay niyong list...ito lang ang alam ko ang chords," pagsasabi ko ng totoo. "And also, I chose this song because I had great memories of it." Sandali akong nagbaba ng tingin sa gitara ko saka muling tumingin kay Mrs. Lopez. "I first heard this song from a blind man on the street when I was 12 years old. He sounded so good, but it wasn't his voice that caught me, it was the emotion he was pouring by conveying the lyrics. It was like he was in pain. Full of regrets. He was begging for forgiveness. He was asking for a second chance." Inalala ko ang araw na 'yon. Grade 6 pa lang ako nun at iyon ang kauna-unahang beses na nakaramdam ako ng ganoon sa isang kanta. Naintindihan ko agad ito na para bang kinakausap ako. Everything felt so connected. "When I got home that day, I looked for the song and started learning it."



They were staring at me.



Smiling, Mrs. Lopez nodded at me. "Interesting, Rae. That's a beautiful encounter."



"Certainly, ma'am. Anyway, the title of this song is...If Ever You're in My Arms Again by Peabo Bryson. I'm going to sing this on behalf of that man and for whoever he was trying to dedicate this for."



Tumango ulit siya at mas ngumiti pa. "Wonderful. The platform is yours. Let's hear it."



I blew a low sigh.



"Wait." Nakalabit ko na ang gitara ko nang may magsalita pa. Grabe. Lagi talaga siyang nasa timing. Napatingin kaming lahat kay monster na nasa akin na naman ang atensyon. Ano na naman ba?! Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. May dala siyang bottled water. "Here." Inabot niya ito sa'kin. "Drink first."



"Ayaw—!"



"Uulitin ko pa ba, Fuentes? Hindi ka magsisimula hanggat hindi ka umiinom ng tubig." Sa sobrang bossy niya parang gusto ko nalang ibuhos 'yon sa kanya. Tch. Kung kaya ko lang eh. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Tumango si Rob. Si Gwen naman, ayon kumakain na ng bigay na pagkain sa kanya. "Drink or die?"



Anong klaseng pagpipilian 'yon?! Magbibigay na nga lang ng tubig may pananakot pa. Die nalang. Charr.



Labag sa loob ko iyong kinuha mula sa kamay niya at saka tumalikod ng bahagya sa kanila para uminom ng kaunti. I just wet my throat. Sinara ko iyon at kinuha naman niya pabalik. She smiled lightly. "Good girl. Break a leg." Bumalik na siya sa kanyang upuan. I mentally mimicked her. "You may start now. Show us what you got."



Tumango lang ako ng tipid at agad nang nagsimula. Ayaw ko nang mag-aksaya pa ng oras dahil gusto ko nang umalis dito. May nangyayari na namang kakaiba sa'kin. Pakiramdam ko'y habang tumatagal ay mas lalo kong hindi kinakaya ang presensya ni monster; kapag sobrang lapit niya sa'kin. Mas kinakabahan pa ako sa kanya kasya sa audition na 'to.



I started singing.



"It all came so easy, all the loving you gave me
The feelings we shared.
And I still can remember
How your touch was so tender
It told me you cared..."



Dinamdam ko ang kanta na para bang ako ang lalaking nakaupo roon sa initan, hindi pinapansin, at dinadaan-daanan lang ng mga tao. Walang may pakialam sa nararamdaman niya. Walang nakakarinig sa tinig niya. Walang nakakaramdam ng matinding emosyon niya. Dinamdam ko ang kanta na para bang ako siya. Seeking for forgiveness. Asking for a second chance from someone—from someone that maybe...his one that got away.



"We had a once in a lifetime
But I just couldn't see until it was gone.
A second once in a life time
Maybe too much to ask,
but I swear from now on..."



Pumikit ako. I let go of the strings. Hinayaan kong marinig nila lang ang boses ko...at sana makuha rin nila ang mensahe ng kantang 'to na para bang ako ang nasasaktan ngayon.



"If ever you're in my arms again
This time I loved you much better...
If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end..."



After the first chorus, I started strumming the guitar again...until the song ends. Ngumiti ako ng mahina nang matapos sa pagkanta. I hope you already have that second chance, dude. If not, I wish you to find a new one—a new chance with someone else. Inilagay ko sa aking likuran ang gitara at saka bahagyang yumukod sa kanila. Nagtayuan naman ang lahat at pumalakpak—maliban kay monster na tumango lang.



"That was beautiful!" Pumapalakpak pa rin na sabi ni Mrs. Lopez. "What do you think, Julius?"



"Well..." he chuckled. "No comment. Her voice made me speechless," he thumbs up.



"Naging estudyante ko 'to!" Pagmamalaki pa ng advisor nila na ikinatawa ko naman. "I have been eyeing her since then. Hinihintay ko lang talaga na mapunta siya sa higher section." For you to join any club or organization here in school, you need to be in the second to the highest or highest section, dahil hindi tatanggapin ang application mo kung nandoon ka sa dulo. "So, what do you think, team? Is she in or not?" Tanong niya sa mga club members niya. Kalmado lang akong nakatingin sa kanila.



"Do we even have a choice? She proved me wrong, though," usal ng VP nila saka ngumiti sa'kin. Napasulyap ako kay Rob na mayabang din na ngumisi dahil sa narinig. "Pardon me for my inappropriate behavior earlier."



"No big deal."



Tumango at sumang-ayon naman sa desisyon ni Mrs. Lopez ang iba pa—lahat sila. Matutuwa ba dapat ako? "It's decided, then. We have our new club member! Welcome to the Music Club, Skylie Rae!"



Bumaba ako ng mini stage at lumapit sa gawi nila. I shook hands with them. "Thank you po."



"That was amazing. Your voice is soulful," papuri ni Julius.



Hindi ako sanay makatanggap ng compliment; nahihiya ako. "T-thank you."



"I was supposed to invite you to be part of this club without going through an audition. But since Student council coordinate with us about the upcoming Music Festival, I thought...maybe they should hear what they haven't heard yet. That's why we sent you an invitation," pahayag pa ni Mrs. Lopez. Bumaling siya sa tatlo, sa Student Government. "Hindi pa kompleto, but Skylie is already on my top 3. Lahat naman ng matatanggap natin ay capable. So, I'll let you decide."



"Sure." Sagot agad ni monster. "Pag-iisipan at pagm'meetingan pa namin."



"Great. Well then, let's have an hour break before we continue. Hanggang tanghali lang tayo." Mrs. Lopez said. Bumaling siya sa'kin. "Our secretary will send you an email about our club, and we'll keep in touch with you. See you around, dear. And congratulations again. We can't wait to hear more of your voice."



Ngumiti na lamang ako at tinanguan na rin ang iba na nagpaalam na ring lumabas. Naiwan kaming tatlo—apat pala dahil nandito pa si monster na nakatayo na nang bumaling ako sa kanila.



"I'll see you later after an hour. Remind the others about the meeting with higher ups." Sabi nito sa dalawa.



"Noted, pres." Sagot ni Rob. Habang si Gwen naman, walang pakialam.



"Good." Then she left.



Ganon-ganon lang, ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Umalis na siya na para bang hindi niya sinipa ang tubig ko kanina. Letse siya! Nakakaimbyerna.



"Besh..." napatingin ako kay Rob na biglang pumalakpak. Lumapit ako sa kanila. "Ang ganda ng boses mo! Sabi na eh, mapapahiya ang bakla dun!"



Natawa lang ako.



"Sa dami na ng sumabak kanina, ikaw pa lang ang unang natanggap, ulap." Gwen.



"Really?"



"Ang sabi lang sa kanila matatanggap daw ang result ng audition through email. Pero yung sayo...sinabi agad. Iba ka!" Nagmamalaking aniya sabay kagat sa burger na kanina niya pa kinakain. Nagpasalamat man lang kaya 'to sa nagbigay sa kanila? Nagpatuloy siya habang ngumunguya. "Pero sabi naman kasi ni Mrs. Lopez matagal ka na niyang minamataan kaya kahit siguro walang audition baka kinuha ka pa rin nila."



Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Wala talaga sa loob ko eh. Hindi nga ako nakaramdam ng tuwa ngayon. Pero let's see kung anong mangyayari ngayong parte na nila ako."



"Tamad ka kasi kaya wala ka talagang mararamdaman." Tumayo siya at itinapon ang pinaglagyan ng burger sa trash can saka siya muling lumapit at umakbay sa'kin. "Uuwi kana ba? Pupunta kaming cafeteria."



"Uuwi na ako. Wala na rin naman akong gagawin dito."



"Oh, tubig mo." Abot sa'kin ni Rob.



"Hindi akin 'yan."



"Ito yung binigay sayo ni pres kanina eh. Sabi niya iabot ko na lang sayo." Napatingin naman ako sa bote saka nag-aalangang tinanggap. "Ba't ka niya pala binigyan ng tubig?"



"Um, aksidente niya kasi akong nasagi kanina so...natapon yung binili kong tubig," pagsisinungaling ko kahit sinadya naman talaga ng monster na 'yon. Why do I always defend her? Tch. War freak kasi si Gwen eh. Mahirap na. "Nakonsesya siguro."



"Weird," usal pa ni Gwen.



"I know," sagot ko.



"Kayong pareho."



Kunot ang noo ko siyang sinundan ng tingin nang magpatiuna siyang lumabas ng room. Bakit ako nasama? Si monster lang ang weird! Sumunod kami sa kanya. At nang makapasok kami ng elevator ay napansin ko ang suot nila, at muli ko na namang naalala ang ayos ni monster.



"Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ang suot. Bagay sa kanya. Ang artistahin niyang tignan," sabi ko.



"Sino, besh?" Rob.



Sumandal ako. "Si monster." Saglit silang nagkatinginan na ipinagtaka ko. Ayan na naman sila eh. "Bakit na naman ba?"



"Ulap, umayos ka nga!"



The elevator dinged. Lumabas kami. "Why? I'm just admiring her. Kahit ganon ang ugali niya, physically...maganda siya."



"Geez. I can't believe you're saying that." Oh, napa-english na ang ate niyo. "Nakalimutan mo na ba na ayaw na ayaw mo sa kanya?"



"Ayaw ko pa rin naman sa kanya eh."



"Teka nga." Hinawakan niya ako sa braso at hinarap sa kanya, sa kanilang dalawa."Hindi ko na kaya. Tatanungin na kita. Ayaw ka sana naming pangunahan pero kasi...ang obvious mo na!" Kunot ang noo lang akong nakatingin sa kanya. Wala akong ideya sa pinagsasabi niya. "Ulap, may gusto ka ba sa kanya?"



. . . ?



I blinked, eyes fixed at them. Parang nagkaerror ang pandinig ko. Alam kong kahibangan ang tanong niya pero bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba? Kumabog ang dibdib ko.



"M-may...gusto ba ako kay monster?" Pag-uulit ko. She nodded carefully. I scoffed and laughed nervously. "I—no! What made you ask that?!"



Ako? Magkakagusto sa taong 'yon?!



Nasisiraan na ba 'tong mga kaibigan ko? Alam ko matagal na nilang gustong itanong 'to sa'kin. Ito yung sinasabi kong weird na konklusyon nila. Una, bakit naman ako magkakagusto sa monster na 'yon? Ano namang magugustuhan ko dun, napakabully nun. Hindi pa nga naaalis ang issue niya sa nangyari sa naging bully victim nila. That's super no for me. Pangalawa, enemy ko 'yon. I hate her. At pangatlo, babae 'yon. Wala namang problema kung magkakagusto ako sa babae, who knows, pero kung siya lang naman...aba'y h'wag na! Pinaglihi 'yon sa sama ng loob, mauubos lang ang pasensya ko at baka mag-away lang kami araw-araw. Maghihiwalay rin naman agad kaya h'wag na! Not her.



"Kahit crush lang, besh? Hindi mo siya crush?" Rob.



Napahawi ako ng buhok. Tumingin muna ako sa paligid, at nang masigurong walang tao saka ako nagsalita. "Crushing her is like crushing Steph, so why would I?! Kung magkakagusto ako sa babae, hindi sa kanya!" Mahina at may diin kong sabi sa kanila. "Nahihibang na kayo."



"Kami pa talaga ang nahihibang ah?" Ismid naman ni Gwenita. "Wala ka bang napapansin na kakaiba sa sarili mo o sa nararamdaman mo?"



I scowled. "Wala!" Mas marami pa akong napapansin sa kanilang dalawa. Mga kalokohan nila. "Kayo ba meron?"



"Marami, actually." Rob.



"Don't get us started." Duro ni Gwen sa'kin. "But, we'll just discuss it some other time. Pasalamat ka busy kami ngayon."



"Para kayong mga tanga. Hindi ko nga siya gusto!" Napatakip ako ng bibig sa lakas ng boses ko. "Hinding-hindi ko siya magugustuhan!" Ulit ko sa pabulong na paraan.



"Siguraduhin mo lang, ulap." Si Gwen na hindi mo alam kung nagbabanta ba o ano. "Masyadong delikado. At saka, alam mo naman ang pagkatao nun. Hindi na bago 'yon. Layuan mo siya."



Hindi agad ako sumagot. Naintindihan kong gusto lang nila akong protektahan kay monster. Syempre, monster 'yon eh. Alam ng lahat ang nangyari noon, their bully victim almost committed suicide because of trauma. Masama siya sa paningin ng mga tao dahil sa nangyaring 'yon lalo pa't kumalat ang balita tungkol doon. Isa 'yon sa rason kung bakit kinatatakutan siya, at isa rin sa rason kung bakit ayaw ko sa kanya. Dahil may pera naman ang pamilya niya, they were able to cover her from shame. They saved her. Kaya kung titignan niyo, parang wala lang kay monster ang nangyari. But who knows, bilang kapalit baka sinusundan pa rin siya ng kanyang konsensya dahil labis pa sa labis ang ginawa nilang iyon.



I heard she asked for forgiveness, but that wasn't enough. Sa tingin ko'y walang nagawa ang kabila dahil masyadong makapangyarihan ang angkan ng Harrison at Monteclaro para kalabanin nila. Sa loob lang ng isang linggo, nagawan agad nila ng paraan at mabilis na naglaho na parang wala lang ang isyung 'yon. Nakakalungkot na nakakagalit. Pero ngayon, hindi ko na nga talaga alam ang nangyayari sa'kin, at kung bakit hindi na ako naniniwala na ganon siya kasama 'gaya ng iniisip ng iba.



"Magagalit ka ba kapag nagkagusto ako sa kanya?" Tanong ko kay Gwen.



"No." Mabilis niyang sagot. "But I'll be very disappointed."



"I see."



"Just tell us if ever," sabi niya pa. "Alam ko naman kung gaano katigas ang ulo mo kaya malabong makinig ka."



"Tch. Hindi nga ako magkakagusto sa kanya. Ang kulit niyo!" Why do I get this feeling that I'm lying to them? Wala naman talaga akong gusto kay monster ah. "Uuwi na ako. I'll see you tomorrow?"



"Ingat ka, besh." Rob.



"Kayo rin." Tumalikod na ako. "Byeee."



"Remember, she's a virgo!" Pahabol ni Gwen.



"I know!"



But, I don't care.




_________________

DUMAAN ako ng restroom. Palabas na ako nang mapagtanto ko na wala pala akong pamasahe pauwi. Susunduin dapat ako ni dad pero mamayang alas kwatro pa siya dahil hindi niya naman alam na wala pala kaming klase ngayon. Tapos wala rin akong cellphone para i-message siya.



Ang amazing naman.



Naisip ko na lamang na balikan sina Gwen para makitawag o 'di kaya'y mangutang ng pangtaxi. Marami namang pera ang mga 'yon. Hahakbang na sana ako paalis nang mapatingin ako sa Mini Park na tanaw mula rito sa pwesto ko. Nasa hill part kasi itong restroom. Para akong tinatawag ng lugar na 'yon para umupo at magpahangin muna roon. Tamang-tama hindi matao dahil walang klase.



Sa halip na hanapin ang mga kaibigan ko, dumaan na muna ako roon, sa Mini Park. Agad akong naghanap ng magandang pwesto nang makarating. Minsan lang ako mapadpad dito dahil tila ba bawal ang mga single rito. Kapag regular days, tipong may pasok lahat, hindi nawawalan ng tao itong lugar at puro pa may partner ang makikita mo sa paligid. Mahihiya ka nalang kapag mag-isa ka. Sasakit na nga ang mga mata mo sa kanila, mamamatay ka pa sa inggit.



I found a wooden seat. Nasa lilim ito at nasa pagitan ng dalawang puno. "Ang ganda ng spot na 'to ah, parang trono ng reyna." Bago ako umupo'y inubos ko muna ang tubig na nasa bote saka itinapon sa basurahang nasa malapit. Umupo ako at ipinatong ang bag ko sa tabi; isinandal ko naman ang gitara ko. "Ang sarap naman tumambay rito," sabi ko pa sabay tingala sa madahong puno. Ang sariwa kasi ng hangin dito at ang berde pa ng paligid. Kung wala lang mga lovebirds dito, baka lagi rin kaming nandito nina Gwen at Rob. "Mamaya na nga ako uuwi."



Sumandal ako at pumikit.



"May gusto ka ba sa kanya?"



"Siguraduhin mo lang, ulap. Masyadong delikado. At saka, alam mo naman ang pagkatao nun. Hindi na bago 'yon. Layuan mo siya."



Napamulat ako at saka napabuntong hininga.



Gusto ko ba siya? Imposible 'yon!



"That's my seat."



"Ay, palaka!" Bulalas ko nang may magsalita sa likuran ko.



"Tch."



Hindi pa ako lumilingon ay alam ko na agad kung sino itong walang puso na magiging dahilan pa sana ng heart attack ko. Kapag may naamoy kang mabango, mamahalin, at masarap amuyin...asahan mo nang siya na naman. Malapit ko nang isipin na sinusundan niya ako pero hindi naman kasi ako kagaya niyang assumera. Never natin siyang tutularan.



Lumingon ako. Kunwari ay hindi ko alam na siya 'tong nasa likuran ko. "Monster?"



Oops.



Mali nga lang ang lumabas sa bibig ko.



_________________

SAMANTHA's•



"Monster?" I arched my eyebrow. Hindi ko alam na si dugyot pala 'to, akala ko ibang tao na gustong matanggalan ng lamang loob dahil wala pa ni isa sa paaralang 'to ang naglalakas loob na umupo sa pwestong 'to, maliban dito kay dugyot na malamang wala na namang alam. "Did you call me monster?!"



Taranta siyang tumayo at humarap sa gawi ko. "Bingi ka ba? Ang sabi ko master." Mas lalo pang tumaas ang kilay ko nang tawagin niya akong bingi. "Yan na po yung upuan niyo master, aalis na po—!" Kukunin na sana niya ang kanyang bag nang maunahan ko siya. Natigilan pa siya saka nagmaktol. "Bag ko 'yan!"



Late reaction.



"Oo naman, parang bag ng elementary eh. Akala ko nga bag ni dora eh."



Seriously? Ba't ganito ang bag niya? At ba't ang liit?



"Hindi 'yan bag ni dora! Cute lang talaga 'yan!" Depensa niya, inis na inis. "Akin na!" Inilayo ko agad nang akmang kukunin niya. Hindi niya abot dahil lamang na nga ako sa ganda, lamang pa sa height. "Mons—master..."



"Sit down."



"Ayaw ko! Ano ako, aso?!"



"Aren't you?" I smirked.



"Cute naman," bulong niya. "Ikaw nga lion eh."



"What did you—!"



"Wala! Wala!"



Pumalatak ako at nagseryoso. Inilagay ko sa aking likuran ang bag niya para 'di niya mahablot. "Hindi mo ba alam? This is my usual spot, and this seat is mine. No one dares to sit here except you because you're always clueless!" I scolded.



"Edi sana pala inuwi mo sa inyo."



"Are you mocking me?" I gave her a dagger look. "Sinusubukan mo talaga ako."



"No. Sorry na. Akin na 'yang bag ko!" Sinubukan niyang kunin ulit pero gumalaw ako at inilayo kong muli. "Samantha Khail!"



Umupo ako. "What?"



"Uuwi na ako. Akin na! Ibalik mo na!"



Ngumiti ako ng bahagya at tinap ang tabi ko. "Sit down, Skylie Rae." Bumusangot lang siya, nagmamatigas pa rin. "Ayaw mo? Hindi ko ibabalik 'tong bag mo."



Natatawa ako sa itsura niya. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa inis. Tumingin siya sa'kin tapos tumingin sa upuan, tingin ulit sa'kin tapos tingin sa paligid tapos tingin ulit siya sa'kin. She looks so adorable, para siyang tanga. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang gitara saka padabog na tumabi sa'kin.



What a cute little kitten.



"Ang arte mo, dugyot. Do you know, other people would kill just to sit beside me this close. Tapos ikaw, choosy pa. Pasalamat ka, ako pa ang nag-offer ng seat sayo."



"Wow. Just so you know...I'm not one of those people. And stop calling me dugyot kasi may pangalan ako!"



"Ayaw ko. Mas bagay sayo ang dugyot," pang-aasar ko. Tumingin ako sa gitara niya. "You didn't sound good earlier."



"I know." Mas niyakap niya pa ito ng mahigpit as if kukunin ko. "Hindi nga dapat ako sasali eh!"



"You sound amazing," dagdag ko. Mabilis siyang napatingin sa'kin. "Sing a song for me."



"Ayaw ko."



"Ayaw mo?"



"Ayaw ko nga!"



"Okay."



"Okay rin!"



Niyakap ko ang bag niya at hindi na muna umimik. Hindi na rin siya nagsalita kaya ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa pagitan namin.



I'm glad she's here.



I want to tell someone that I have been feeling down in the dumbs lately. I want to tell someone—I want to tell her 'cause I know she'll listen. Why her? I don't know. For some reason...I trust her. I usually hide my emotions whenever I'm feeling sad, feeling weak, and feeling like I want to bawl in tears. But right now...I want to scream it out. I want to feel everything all at once.



"Dugyot," tawag ko sa kanya. I know her eyes at me, but I couldn't look back. I'm just sitting still, staring at nowhere. "Can you please...pretend as a stranger again? For at least a minute or two?" Hindi pa ako nagsisimula, isang luha na ang bumagsak mula sa aking mata. "I won't ask you not to judge me; do it if needed. I just want you to listen. P-please?" My voice cracked. She didn't respond for one good long minute. "Nevermind. It's—!"



"Do you usually open up to a stranger? Are you comfortable?" She asked.



"No. It was actually your fault. I abruptly got used to it when you started acting like I don't know you that night." That night where I heard my own self. That was really me. Walang halong pagkukunwari. "That night changed me a bit."



"Alright. Your secret is safe with me."



"Secret?" I chuckled. "Do you mean my mess?"



"Um, whatever you call it."



"I'm a mess." I mumbled. A disappointment. I shifted and looked at her, and she was taken aback seeing me tearing up. "Alam mo ba last week..." I started, hindi ko na kayang kimkimin pa. "pinakilala sa akin ni dad ang anak niya sa labas. Ang taong...bunga ng pagkakamali niya. Mom doesn't know yet." Ngumiti ako ng mapakla. Ni magalit hindi ko na magawa dahil sarili ko lang ang binabalikan ko, ang sinisisi ko. "Alam kong 'di naman niya kasalanan na pinanganak siya, but...what can I do, I'm suffering. Hindi na nga ako paborito ng daddy ko, mas lalo pang nawala ang atensyon niya sa'kin." Naalala ko na naman ang away namin ni dad dahil sa lalaking 'yon. He said a lot of stuff as if I wouldn't be hurt, as if I'm not his daughter. "Maybe he thinks...I'm a failure. Una pa lang, bago pa ako ilabas sa mundong 'to, lalaki na talaga ang gusto niyang maging anak." Lagi ko iyong naririnig kapag nag-aaway sila dahil sa'kin. For him, ang sakit-sakit ko sa ulo bilang anak niya. "He was like, 'Look at her. What do you think is happening to her? Hindi siya marunong makinig. Kaya ayaw kong magkaroon ng babaeng anak eh'." I chuckled as I suppressed my tears. "I know I'm a pain in the ass, pero...mahal niya pa rin naman ako 'di ba? Why does he need to turn me down? To reject me as her daughter?"



"Maybe he's just...upset."



"Upset?" Singhap ko. Mas lalo pa akong naluha habang pinapakiramdaman ang kumikirot kong puso dahil sa magkahalong inis, sakit, at lungkot. "I should be the one feeling upset and disappointed! Not him!" Garalgal ang boses at pasigaw na sabi ko. Pumikit ako ng mariin at hinigpitan ang pagkakayakap sa bag niya. "I hate them. All of them!"



Sarili ko lang talaga ang kakampi ko.



Hindi na umimik si stranger.



Ilang sandali pa ay naramdaman kong tumayo siya. "Hey." I opened my eyes. Nasa harapan ko na siya. She smiled lightly, then gave me a warm and tight hug. Agad ko siyang niyakap pabalik at doon lang ako tuluyang bumigay. Kusang sumuko ang mga mabibigat kong nararamdaman sa dibdib. "You're not a perfect daughter, Sam; neither am I. Not even close to being good. We're struggling, but we're trying, right? At least, we're trying."



"I don't want to disappoint him further," I cried.



"You're not a disappointment." Kumawala siya sa yakap at pinahid ang luha ko saka siya umupo at inilagay sa magkabilaang gilid ko ang kanyang kamay. "Remember when I told you you're important?" I bit my lip and nodded. "Good. Kung walang nagsasabi sayo nun, I'll do it. Ipapaalala ko sayo sa mga araw na nakakalimutan mong importante ka."



"O-okay..." I bit my lip even harder. "Promise?"



"Promise."



"T-thank you."



"Anytime." She smiled and glanced on her watch. "It's already more than two minutes. I'm no longer a stranger, but I'm glad to hear a part of your story behind." Tumayo siya at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. "H'wag kanang umiyak. 'Di bagay sayo. Nawawalan ng sense ang nickname ko sayo na 'monster'."



"I knew it!" Asik ko sabay nguso. "Akala mo hindi ko napapansin na lagi mo akong tinatawag na ganyan?! Be grateful na pinagbibigyan kita sa mga palusot mong bulok!"



"I forgot to tell you, but nobody's perfect. We all have our own monster." She smiled even wider. "You have yours. I have mine—you." Napasimangot ako. I should be annoyed of that, but I didn't. Kinuha niya ang kanyang gitara at umupo. "Let me sing you a song. Hindi ko tatapusin, pasada lang."



"Anong song?"



"Basta. Pakinggan mo na lang." She started strumming her guitar. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa 'yon. She stared at me, then started singing. My heart thumped like crazy. "Don't listen to the voice inside your head. You're doing just fine,
you're trying your best.
If no one ever told you,
it's all gonna be okay."



I don't think I ever heard this song before.



"We're just people never
sleeping over stupid shit
We won't remember in the morning,
yeah, we're gonna forget
If no one ever told you,
it's all gonna be okay.
When you lose faith in
everything you ever knew
Don't give up on you."



Sabi niya pasada lang pero natapos niya hanggang dulo ang kanta. Nakatitig lang ako sa kanya. Thank you, dugyot. I owe you. Nang dahil sa kanya, kahit papaano ay kumalma ako. Kung hindi ko siya nakausap ngayon baka sumabog na ako sa nararamdaman ko. Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos at wala sa focus. Maging kanina sa meeting at audition, sobrang distracted ako sa sarili kong mga iniisip. Kung pwede lang umuwi na muna para magpahinga, para magkulong, at para makapag-isip ng tama...pero hindi pwede dahil sarili kong tahanan ang tinatakasan ko.



"I can't believe I'm being weak in front of you."



"It's not weakness." Tumayo siya at saka ngumisi. "Hindi lang ako sanay na ganito ka, iyakin din. Mas sanay ako na lagi kang masungit."



"Hindi naman ako magiging mabait sayo, no. Susungitan pa rin kita dahil 'di tayo friends and I don't want to be friends with you." Padabog kong binalik sa kanya ang bag niya. Bigla naman siyang natawa. "Go home na!"



"I don't want to be friends with you either."



"Great!" Irap ko.



"Ang ganda mo." Natigilan ako sa narinig saka ako napatingin sa kanya. Wala sa sarili niyang sinabi iyon kaya pati siya nagulat. Napatakip pa siya ng bibig. Ang hilig niya talagang madulas sa mga sinasabi niya. "Pero mas maganda ako!" bawi niya saka siya mabilis na naglakad paalis.



Haha, nahiya siya?



"Alam ko namang nagagandahan ka talaga sa'kin, dugyot." Pabol ko sa kanya. "Admit it. Crush mo ako 'no?"



"Assuming ka!"



"You said it yourself."



"Hindi! Monster ka!" Sigaw niya sabay takbo. "Ang kapal mo!"



Natawa na lamang ako. Adorable parang tanga. Monster, huh? She said it herself, though. She said I'm her own monster.



Her beautiful monster.




TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

108K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
124K 858 10
Tokuyu University is a school for martial arts that was ruled by the officials and the seven 20th century ranks, exclusive only for peculiars that ar...
74.6K 1.7K 26
Ang isang pag-ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla na lang ding maglalaho. Ang totoong pag-ibig ay nananatili sa puso at hindi magl...