Dark Love

By supladdict

2.5M 98.3K 9.8K

A Stand Alone Vampire Novel "You're my obsession. You're my dark love, you're mine. Only mine." Sweet Aphrodi... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 7

61.3K 2.7K 307
By supladdict

Sweet's POV

Tinigil ko ang pagsusulat at pinikit ang mga mata. Seriously, ang gulo na. Ang gulo ng utak ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Bakit gano'n ang inasta ni Sir Pablo? Did something happen to him that night? At kung meron, ano ba iyon? Bakit nakalimutan niya?

O kinalimutan niya lang talaga?

Baka narealize niya na mapanganib ang ginawa namin. At kung hahayaan niyang lamunin kami ng kuryusidad ay ikakapahamak namin. Pero iba ang pakiramdam ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na wala siyang alam. Wala siyang maalala, at nagsasabi siya ng totoo. And that's a big question mark on my mind.

Binasa ko ang huling pangungusap na naisulat ko bago ipinasok sa bag at naglakad palabas. Naunang umalis sina Irene at Stella. Vacant kasi kami ngayon sa first subject kaya hindi na ako nag-abala pang pumasok ng maaga.

Paglabas ko ay tahimik ang village. Rinig ko pa ang bawat hampas ng hangin. Parang isang bayan na nilayasan ng lahat ng mamamayan. Napakunot ang noo ko nang hindi makita sila Aleng Emma at ang iba nitong kaibigan sa may kanto. Usually, ganito ka-aga ay nagchi-chismisan na sila sa gilid ng daan.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil ako nang may makita sa bandang unahan na kumpol ng mga tao. Mabilis akong tumakbo papunta do'n at nakisiksik. My jaw dropped because of the scene. May lalaking nasa mid 30's ang wala ng buhay. Kapansin-pansin ang pamumutla at panunuyo ng balat nito. And I confirmed who's the suspect when I saw the two holes on his neck. Nagpalinga-linga ako at pinagmasdan ang mukha ng mga nakakita. Nandito rin sina Aling Emma, hindi makapaniwala ang mga ekspresyon nila. And of course this one is really weird. Madalas kasi ay nabaril, nasaksak at iba pa ang dahilan ng pagkamatay. But this? Tila nawalan ng dugo, which is totoo naman.

Nagkalat rin ang ilang reporter na busy sa pagsasalita sa harap ng camera. Hanggang sa magawi ang tingin ko sa lalaking nasa tabi. Hindi makapaniwala ang mukha nito habang pinagmamasdan ang bangkay. Nagsalubong ang mata namin. Kumunot ang noo niya bago tumalikod at naglakad paalis. Mabilis akong umalis do'n at hinabol siya.

"Sir Pablo!" tawag ko. Dire-direrso lamang siya na tila at walang naririnig.

"Sir!" Tawag kong muli at sa wakas ay tumigil siya at nanatiling nakatalikod. Humihingal na tumigil ako sa tabi niya.

"Sir."

"Miss Villegaz," aniya at hinarap ako.

"Nakita niyo po ba yung bangkay?" Tanong ko. Tumango siya at nanatiling seryoso ang ekspresyon.

"Bampira po ang may gawa no'n," dire-diretso kong saad. Napa-awang ang labi niya at napakurap-kurap.

"Miss Villegaz, I already told you to stop talking nonsense things," mariin niyang saad. Napa-iling ako.

"No sir, I'm saying the truth. Back then, you're really curious about cases like this. At alam kong gano'n rin ngayon! Magkasama tayong pinag-aralan iyon Sir. And we have the same theory. That vampires did those. And night before that morning na kinausap kita, lumabas tayo para kumuha ng malakas na ebidensya na may bampira talaga," pagpapaliwanag ko. Mariin siyang pumikit bago muling tumitig sa akin.

"You should really stop this, Sweet Aphrodite," aniya.

"Pero Sir, nagsa—" he cut me off.

"He told me. He warned me, na 'wag ka nang isangkot sa ganito. Na tigilan na ang ginagawa ko na pag-imbestiga sa mga bampira. Na ayaw niya akong makita na kasama ka. I know that is stupid dahil estudyante kita at guro mo ako, but he's protective. Territorial. And if I do something bad against him, mawawala ako, Sweet," aniya. And it's my turn to drop my jaw.

"Yes, I didn't lost my memory or what. But I acted like one, para tumigil ka na. Pero nagkamali ako. Ngayong sinabi ko na, please stop this Sweet, for your own sake. At para sa akin din." At hindi ko namalayan na umalis na siya sa harap ko. Pinanood ko ang papalayo niyang kotse.

Tulala ako habang naglalakad. So, that's the reason behind this? That stranger warned him about this? Mariin akong pumikit at hinilot ang sentido. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa lahat.

Dumating ako sa campus at agad akong pumunta sa second subject na papasukan ko. Wala pa ang professor. Isinubsob ko ang mukha sa desk.

Habang tumatagal ay lalo akong nacu-curious sa estranghero na iyon. Una, kung bakit niya ako iniligtas. Pangalawa, ano ang pangalan niya, sino siya. At huli, anong meron sa akin? Bakit niya binantaan si Sir Pablo nang gano'n?

Kakilala ko ba siya? But I doubt that. I'm maybe comfortable with his presence, but I know that he's new on my life. Alam kong bagong dating lang siya sa kwento ng buhay ko. At kung ganoon nga, ano ang role niya sa kwento ko?

Napabuntong-hininga ako at tinigil ang pag-iisip. Lalo akong mahihirapan kung ganito. May maidudulot nga bang maganda ang pagiging curious ko? O dapat ko na talagang itigil ito?

"Sweet! May naghahanap sa'yo sa labas." Nag-angat ako ng tingin at nakita si Ellen na namumula ang pisngi at tila kinikilig.

"Sino?" Takhang tanong ko.

"You'll see. Ipakilala mo ako next time ah," aniya bago kumindat at tinalikuran ako.

Nagtatakha man ay tumayo ako at lumabas ng room. At doon ko siya nakita, nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Ngumiti siya nang malawak at muli kong nasilayan ang tila pagkislap ng kulay asul niyang mata.

"Hi," aniya. He smiled widely displaying the white set of his teeth.

Pakiramdam ko ay lalong sumakit ang ulo ko nang may maalala. No'ng nakaraang araw, I remember what he said.

"Long time no see, my sweet angel."

Does it mean that I already know him? Pero hindi ko siya maalala. And based on his face and vibrant aura, it is impossible for me to forget him. Hindi naman ako gano'n kakalimutin. But my gut also says that I know him. His presence is familiar. And it has a soothing feeling everytime he's around.

"Rage," saad ko. Lalo lamang siyang ngumiti. Lalong nagliliwanag at kumikislap sa paningin ko ang mga asul niyang mata.

"How are you?" magiliw niyang tanong.

Simula nang dumating siya ay lagi niya akong kinakamusta. Kahit halos araw-araw na kaming magkita ay gano'n pa rin. Kaya lalo siyang nagiging weird sa paningin ko.

"Bakit lagi mo akong kinakamusta?"

Napasimangot ako nang humalakhak siya. Halos mapa-atras ako nang hawakan niya ako sa braso at hinaplos ang balat ko. Nagsitindigan ang balahibo ko nang maramdaman ang munting boltahe sa haplos niya.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kan'ya. Lalong lumaki ang ngisi niya nang makita ang reaksyon ko. Agad kong pinalis ang kamay niya pero agad niyang hinuli iyon at hinalikan ang likod ng aking palad.

"R-rage.."

Ramdam na ramdam ko ang dampi ng kan'yang labi sa balat ko. Nakatitig siya nang diretso sa akin habang ginagawa iyon. Uminit ang pisngi ko sa 'di malamang dahilan.

Mabilis ko iyong binawi. Humalakhak siya bago hinaplos ang buhok ko at inilagay ang ilang takas na hibla sa likod ng tenga ko. Halos nakatingala na ako dahil sa tangkad niya at sa sobrang lapit nito.

"Hindi ka pa rin nagbabago," aniya.

At nadagdag na naman iyon sa palaisipan sa akin.

"Magkakilala tayo?" Tanong ko. Malungkot na ngiti lamang ang isinagot niya.

Maya-maya ay tila natulala siya.

"Alis na ako. See you around," saad nang makahuma na siya. Nabigla ako nang dumungaw siya at naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng labi sa aking noo. Natulala ako sa pagkabigla.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo do'n hanggang sa may lumapit sa aking freshman at walang salitang iniabot sa akin ang maliit na papel. Tatanungin ko pa sana siya nang hindi ko na nakita pa.

Binuklat ko ang maliit na papel at binasa ang nakasulat do'n.

"Meet me at rooftop."-DL

Bumilis ang kabog ng puso ko at napatigil. Bakit ganito? Hindi dapat ako pupunta dahil hindi ko kilala ang nagpabigay nito, pero natagpuan ko na lamang ang sarili na naglalakad paakyat sa rooftop. Huminga ako nang malalim bago humakbang para sa huling baitang ng hagdan. Tinulak ko ang pinto at sumalubong sa akin ang malakas na hangin.

Sumabog ang buhok ko sa mukha dahil sa lakas nito. Maagap kong sinikop ito at inilagay sa may balikat. Inilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng rooftop ngunit wala akong nakita. Mukhang na-good time ako.

I sighed before taking a step papunta sa may railings. Tumingin ako sa may bandang baba at pinagmasdan mula rito sa taas ang mga estudyante na may kaniya-kaniyang ginagawa.

I gasped when someone pulled me then pinned me against the wall. Mabilis ang pangyayari. Mabilis ang hininga ko at naka-awang ang labi na pinagmasdan ang taong nasa harap ko na gumawa no'n.

Mas lalo niya akong idiniin sa pader at idinikit niya ang sarili sa akin. He's staring at me with hint of madness on his eyes. Kitang-kita ko sa likod ng maskarang iyon ang bahid ng galit na nararamdaman niya.

Dinungaw niya ako at sinapo ang magkabilang pisngi. Pinaglandas niya ang daliri sa aking mukha bago ako inatake ng malalim na halik. Napa-awang ang labi ko sa pagkabigla, and he took that oppurtunity to enter his tongue inside my mouth.

Malalim, sabik at mapusok ang halik na iginagawad niya. Halos hindi ako makahinga. Napakapit ako sa kan'yang balikat. Mas lalo niyang pinalalim ang halik. Mapagparusa ang bawat hagod ng kan'yang labi. He bit my lips and I almost tasted my own blood but before I can, he immediately sucked my lips and tasted the blood on it.

Hinahaplos niya ang aking leeg habang hinahalikan ako. Hanggang sa umakyat ang labi niya sa gilid ng aking tenga at hinalik-halikan ako do'n.

"You are a very bad girl today, my Sweet," he said on his usual husky voice. Kinilabutan ako sa boses niya. Malamig at tila nang-aakit ito. Patuloy pa rin siya sa ginagawang paghalik sa akin. Mabilis ang paghinga ko dahil sa kan'yang ginagawa.

"And I give punishments to bad girls, baby," saad niya at muli akong inatake nang malalim na halik.

****

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
89K 2.9K 24
"You're a human, and yet you belong to a Vampire Clan. A Pure blooded Vampire Clan, to be precise." --------------- Fley Vaskerville is a human but a...
15M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...