Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER...

By Janztrich

2.8M 53.3K 46K

Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Montec... More

AGNC
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 13

52K 1.4K 734
By Janztrich

CREATING A FIRE



SKYLIE's•



"This day was so tiring!"



"Right?! I feel like I lift the boat to get here instead of riding it," sagot ni Gwen kay Rob saka nila napansin ang kaluluwa ko. "Oh, hi ulap."



"Saang isla ba kayo galing at nag-e-english na kayo ng ganyan?" Tanong ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa buhangin at pinagpagan ang pwetan ko. "At bakit ngayon lang kayo?"



Ngayon lang sila nakauwi. Ang akala kong hanggang alas kwatro lang sila'y naging alas sais, ilang oras din akong naghintay dahil maaga kaming umuwi galing sa paglilibot dito sa lugar. Nag-enjoy naman ako pero iba pa rin ang feeling kapag ang dalawang 'to ang kasama ko. At kung alam ko lang sana na sa isang isla pala gaganapin ang so called 'activity' nila edi sana'y sumama na lamang ako.



"Galing kami sa isla ng mga butanding." Sagot ni Gwen na pinagloloko na naman ako. Isa 'to sa mga problema ko sa kanya, hindi ko alam kung seryoso ba siya o ginagago lang ako. What can I do, she always wear a poker face, reason why it's hard for me to tell. Aside from that, hindi ko rin alam ang mga sinasabi niya kaya nagmumukha akong clueless or worse...slow. Butanding? Isn't that a whale shark? "Echos. Hindi ko rin alam kung anong isla 'yon eh. Anong oras kayo nakauwi? Hindi ka naman ba pinagtripan ng saling pusa? Maarteng saling pusa!" She emphasized.



"Ang laki ng galit mo kay Akaizha, Gwenita."



"Oo nga," sang-ayon ko kay Rob.



"Alam niyo kayo..." turo niya sa'min sabay paikot ng suot niyang cap, binaliktad ito palikod. Nakabandana siya ngayon tapos nakasombrero pa. Sino naman kaya siya sa ayos niyang 'to? Nakatomboy style siya ngayon at kung titignan...para siyang barker ng jeep na may dating. 'Yung barker na ayaw magpatalo sa kapwa barker, matapang at maingay. Ganon siya ngayon. "Wala kayong kasupo-suporta! Ang kaaway ko, dapat kaaway niyo rin! That's how the rule works."



"And that rule is...?" Rob asked.



"Ako lang ang nakakaalam!" She gazed at him, giving a wry face, then turned to look at me. Ibinaba niya ang bitbit niyang bakanteng blue water container o tubigan nila saka ipinatong doon ang kanyang kanang paa at pagkatapos ay humalukipkip. Ang siga ng putragis. "So, ano nga? How did it go? Kumusta naman kasama ang anak ni tatay?" Balik kalmado niyang tanong.



Too bad for her, pinaalala niya pa.



Lumapit ako sa kanya at madiin siyang dinuro sa bandana niya sa noo. "May atraso ka sa'kin!" Madiin ko ring sabi. She grimaced. "Nanggigigil din ako sayo eh. Bakit hindi mo sinabing lalaki pala ang mga anak ni Tatay Nando?! At dalawa pa talaga silang pinasama mo sa'kin ah. Pa'no na lang kung 'di sumama si Akaizha?!" Atake ko.



"Lalaki?" Maang niya.



"Lalaki?" I mimicked and made face. "Hindi mo alam?!"



"Lalaki?!" Tili naman ni Rob na lumabas na naman ang pagkabading kaya napatingin kami sa kanya, hindi lang kami kundi ang iba pa nilang kasamahan na nandito pa sa baybayin. He coughed and changed his tone. "Lalaki?" Ulit niya sa mas malalim na tono, not his usual. "Sino sila, Sky? Sino?! Binastos ka ba nila?!"



I snickered. "Mga presko, beshy." I crossed my arms, eyeing back at Gwen. "You know I'm not that comfortable around men, especially strangers."



Ate had traumatic experience with guys back when we were kids. Maging ako'y ayaw ko rin alalahanin ang nangyari sa kanya kaya hanggang ngayon ay hindi ganon kabuo ang tiwala ko sa mga kalalakihan. Hindi naman lahat. But, I can't just trust them easily. It would take so much effort, they need to earn it.



"I know, I know. I'm sorry. Pota kasi akala ko babae. Hindi sinabi sa'kin ni tatay."



"Kasalanan niya pa? Hindi ka man lang nagtanong?!" Ngumiti siya ng pilit at saka dahan-dahang umiling. She's really...unbelievable. "So, nag-assume ka lang?!"



"Kinda...?" Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko na talaga alam. "Sorry na. Mali ko. Hindi ko pa kasi sila nameet, at hindi ko rin alam kung ba't ko naisip na babae ang isa sa kanila."



"Ilan ba ang anak nila tatay?" Tanong ni Rob.



"Dalawa lang. Isa lang ang inisip kong babae. Tama naman ako sa isa ah."



"That's completely not the point!" I retorted. Nagtaas naman siya ng dalawang kamay. "Naistress ako sayo Gwen Chloe!"



"Grabe ka naman. Mababait naman sila di'ba? Mabuting tao si Tatay Nando at Nanay Ofel kaya malamang ganon din mga anak nila."



And that's how she ended it to get away. Nagkibit-balikat ako. "Okay naman. May kahanginan nga lang ang isa sa kanila." Pero hindi pa rin ako naging komportable habang kasama ko sila ng ilang oras which made me feel bad kasi alam kong wala naman silang ginagawang masama, yet I was so skeptical around them, completely mistrusting the two of them. "To be fair, they're good guys." dagdag ko.



"Ooh, I love good guys." Rob sneakily said. "May itsura ba, Sky? Ten being the highest, ano sa tingin mo?" I turned and gazed toward him. "Physical features lang ang criteria for judging, okay na 'ko dun. H'wag mo nang dagdagan ng kung anu-ano."



That's unfair.



"Nine?"



In all honestly, they're really good-looking. Mula sa ganda ng mukha nila na bumabagay sa yellowish-brown nilang kulay, hanggang sa hulma ng natural na build-up ng kanilang katawan...halos wala kanang maipintas. Hindi perpekto pero sobrang lapit na para roon. They got that to die for body because of their work, they're both seaman. Nagbubuhat daw sila ng naglalakihan at timba-timbang isda. How admiring. Sa daming tanong ni Akaizha sa kanila, nalaman din naming tatlong taon ang tanda nila sa'min. Hindi rin sila nakapagtapos ng pag-aaral na ayos lang naman sa kanila kasi hindi naman napunta sa wala ang buhay nila. The point is there. Hindi lahat ng tao ay afford ang edukasyon kahit pa libre na ito sa panahon ngayon. They're so many reasons why some people choose to stay outside or choose not to go to school. There are a lot of aspects to consider.



His mouth was agape. "Really?! They're that pretty?!"



"Hmm. Kamukha ni Jake Cuenca ang isa sa kanila." If I'm not mistaken, si Jace 'yon.


"Oh my..." Napatakip siya ng bibig. Natawa naman ako. Pa'no na lamang kapag nakita niya ang dalawang 'yon? "I want to meet them!" He whooped as silent as he can. "May abs? Yummy? Ilan ang pandesal?"



Napangiwi ako. "Rob!"



"H'wag kang maniwala diyan kay ulap. Si Steph nga ni-rate niya ng 10 eh, samantalang negative 10 dapat. Bias 'yan, bias. Or should I say bulag 'yan, bulag."


I sharply turned to Gwen, shooting her a glare. "Antipatika ka! Kelan? Kelan ko siya ni-rate?!" Sinugod ko siya. Kukunin ko na sana ang container para ihampas sa kanya nang mabilis siyang kumilos at itinakbo ito. Tawang-tawa siya. "Sasakalin na talaga kita!"



Nagkaroon na ba kayo ng nakakaimbyernang kaibigan? Sa sobrang nakakapikon parang gusto niyo na lamang mawala?



"If you were still liking him until now, you'd probably give him plus 10. Am I right? Or I am right?" Pang-aasar niya pa. I want to rebut, but I knew better what she said couldn't be more true. Shame on me. Naglakad siya pabalik at palapit sa'min. "Joke lang, ulap. Alam ko namang 'di mo siya bibigyan ng 10, baka 11 lang." Mas lalo akong napasimangot. She really love ruffling my feathers. "Hahaha joke lang. Pero totoo bang gwapo ang mga binata ni Tatay Nando?"



"May itsura nga!" Giit ko. "And stop riling me up!"



"Buzz off, Gwen." Saway na rin sa kanya ni Rob. Tinapik niya ako sa balikat. "Naniniwala ako, besh. What are their names?"



"Jade and Jace."



"Ohh, Jade and Jace." Mahinang ulit niya, nagd'daydream na naman. "I love J."



"Of course you love J." I repeated, rolling my eyes at him.



"Ang harot mo bakla. Lahat naman ng letters, basta pangalan ng lalaki, gusto mo," komento ni Gwen.



I second that.



"Wrong! Ayaw ko sa letter N na may tilde. I can't type it on my phone!"



"Di ka lang marunong. Tanga." Gwen.



"Letter N pa rin naman 'yon." sabi ko naman.



"Hindi kaya!" And he disagreed. "Oh, please. Gusto ko rin silang makita. H'wag na kaya akong sumama sa activity bukas? Magsibak na lang kaya ako ng kahoy para sa parents nila?" Proud siyang nagtaas-baba ng kilay. "Husband material eh?"



Natawa kami ni Gwen, at nagthumbs-up ako. "Go for it."



"May tipo ka ba sa isa sa kanila, besh? Sabihin mo kung meron para alam ko kung sino ang lalayuan ko."



"Wala eh. Yung isa mayabang, yung isa naman...type yata ni Akaizha." Pero hindi ko maalala kung sino 'yung type niya roon, si Jace ba o si Jade? I can't even remember who's who. "They're not my type."



Tinuro ko na agad si Gwen at sinamaan ng tingin bago niya pa ako barahin dahil alam ko na ang sasabihin niya. Pero nagsalita pa rin siya. "Sabi na eh. Maharot din ang isang 'yon. Usap-usapan hindi pa raw nakakamove-on sa ex niya. Aysus, kwento niya kamo sa pagong! Kaya siya pinagpalit sa sarili niyang pinsan eh." Pareho naman kaming natawa ni Rob sa patutsada niya patungkol kay Akaizha. "Totoo nga. May nagshare sa facebook. Actually, blind item 'yon pero nahulaan ko pa rin. Ang talino ko 'di ba?" Oo naman. Basta chismis matalino ka. "Nakipagbreak daw si guy kasi mas mahal niya yung pinsan ni ate mo girl na maarte. Ito namang si pinsan, pumatol din kasi mahal niya rin si guy. Oh 'di ba, siya pala yung kontrabida sa love story ng pinsan niya eh."



"Grabe ka, besh. Tinalo mo ako sa pagiging chismosa," hinampas siya ni Rob sa balikat. "Sino raw ang pinsan niya? Maraming pinsan si Chan eh. Sino dun?" Usisa naman ni bakla. "At sino si guy?"



"Hindi ko alam eh. Binasa ko na lahat ng comment, wala namang nakalagay kung sino."



"Brent ang name ni guy," sabi ko. Nagkwento kasi sa akin si Akaizha kanina habang naghihintay ako sa dalawang 'to. We talked about Steph na hindi niya rin pala gusto, then she told me about her ex-boyfriend na hindi niya naman ipinagkakailang mahal niya pa rin hanggang ngayon. "She told me the story and what really happened. So, let's not judge her. At h'wag kayong umasa na ik'kwento ko sa inyo dahil hindi ko gagawin 'yon. That wasn't mine to tell." Bumaling ako kay Gwen at dinuro ulit siya sa noo. "At ikaw, ang tagal na ng issue niyo, 'di ka pa rin nakakamove-on?!"



"Anong ako?!" Alma niya agad. "Siya yung 'di makamove-on! Nabasa ko 'yung tweet niya na nakashare sa facebook, pinapatamaan ako!"



Asus. Kunwari may nagshare sa facebook pero ini-stalk naman pala.



"Tinamaan ka naman?" Rob.



"Aba, malamang! Para sa'kin 'yon eh!"



"Edi sana umilag ka," tugon ko naman.



"Grabe, ang talino niyong dalawa. Pa'no ako iilag, eh para sa'kin nga 'yon. Alam kong para sa'kin 'yon!" katwiran niya rin sabay turo sa sarili.  "Kahit isipin kong hindi para sa'kin 'yon, deep inside my atay and my balon-balunan, ako pa rin 'yon!"



"Okay, okay." Pagsuko ko bago pa tuluyang humaba ang usapan. Naririnig ko nang bumubulong ang mga insekto sa paligid. "Pasok na tayo sa loob. Nilalamok na ako."



"Oo, balik na tayo." Sang-ayon ni Rob. "Kailangan kong matulog ng maaga para maaga rin akong magising, magsisibak ako ng kahoy para sa mag-asawang Fernando at Ofelia," he giggled afterwards.



Kilig na kilig hahaha.



"You almost got that right. Fyi, it's Renando and Ofelinda," pagtatama ni Gwen sabay sampal sa kanyang pisngi kung saan may nakadapong lamok doon. Akala ko rin Fernando at Ofelia eh. "Anak ka ng insekto! May mga lamok nga. Tara na bago pa nila ubusin ang human race. Maliligo pa ako, sobrang kati na ng katawan ko. At feeling ko nagka-sunburn ako mga bakla."



"Ikaw feeling mo lang, ako legit sunburn talaga teh. Sa noo ko pa!" Turo naman ni Rob sa kanyang noo. Hindi ko makita ang tinutukoy niya roon dahil hindi naman halata kung meron man. "Nakakainis! Nilagay ko na lahat ng sunblock sa mukha ko pero nasunog pa rin!"



"Dapat pala maging thankful ako na 'di ako sumama," anas ko.



"Bye! Pahinga kayo ng maayos!"



Sabay-sabay kaming napatingin sa sumigaw. Isang lalaki ang kumakaway habang nakatayo sa bangka at nakahawak sa layag, at tinatangay ng hangin papalayo, iyon ang bangkero na naghatid sa kanila rito sa pangpang. Kumaway naman pabalik sina Gwen, Rob at pati na rin ang iba pa nilang kasamahan na nandito pa sa tabing-dagat.



"Iyon ang sinakyan niyong bangka?" Tanong ko sa kanila nang makitang masyadong maliit ang pump boat na iyon para magkasya sila. Tumingin ako sa ibang nandito at saka ko lang napansin na hindi sila kompleto. Wala ang iba sa kanila. Wala si monster. Wala ang banta sa buhay ko. "Saan ang iba niyong mga kasama?"


"Nandun pa sila, besh. Hinihintay nila yung mas malaking service boat na sinakyan namin kanina. Puro kasi reklamo si Gwen kaya ayon, pinauna tuloy kaming bumalik." Rob.



"Ako lang?! Ako lang?!" React naman ng huli.



"Sinu-sino ang mga naiwan dun?"



"Si Ms. Pascoa, ang medical team at ilan sa mga officers." Rob.



"Naiwan din si Samantha?"



"Yup."



"Ba't mo hinahanap?" Tanong ni Gwen.



"Oo nga, bakit?" Segunda ni Rob. Sabay silang humarap sa akin, nagdududa ang tingin.



Masama ba?



"Napansin ko lang," sagot ko saka muling nilingon at sinulyapan ang bangkang papalayo. Bakit ko nga ba siya hinahanap? Binalik ko ang tingin sa kanila. "Napansin ko lang," ulit ko.



"Weh 'di nga, ulap?" Of course, the cannot be convinced Gwen Chloe will never let me go that fast. "Ulap, kinabahan na kami sayo ah. Don't tell me..." pinanliitan niya ako ng mata, kunot ang noo ko namang sinalubong ang mga iyon. "...inaabangan mo siya rito para lunurin, 'no?! Hoy, Sky! Support kita!" Nabatukan ko siya. "Aguy! Ulap naman eh!"



"Hindi na ako magtataka kung isang araw mabalitaan naming gumawa ka ng krimen!" Sikmat ko. Sumimangot naman siya. "Nagtatanong lang naman ako. Alam niyo naman 'yon...parang bawat lingon mo makikita mo siya tapos ngayon biglang...nowhere to be found."



"You're worried," Rob stated.



"I'm not worried!" I defended. "Hello. Sino ba siya?!"



"Girlfriend ng crush mo," Gwen nonchalantly answered.



"Stop!" I groaned. "Ex-crush! And, it's still hard to bite the truth that that kook was once my..." I winced at that scary thought. "...crush."



Rob laughed. "Bawi na lang next life or...next person, maybe? Tara na sa cottage mga teh." He patted my head. "Don't worry, mamaya lang nandito na 'yon." And he walked past me, glancing over his shoulder, giving me a smirk.



"Sana nga kainin na lang ng pating eh," si Gwen na malaki rin ang galit kay monster.



"Rob, 'di nga ako nag-aalala sa kanya. Ang kulit mo!" Pahabol ko. Alam kong nagmumukha na akong defensive rito, pero hindi naman talaga ako nag-aalala. Bakit ba mas maalam pa kayo sa'kin?! Hindi ba pwedeng napansin ko lang talaga dahil usually mukha niya ang una kong nabubungaran para sirain ang araw ko? Para siyang bangungot na umaaligid, alam niyo 'yon. Kaya sinong hindi magtataka, 'di ba? "Hoy, hintayin niyo kaya ako!" Sigaw ko sa kanilang dalawa nang maiwan ako. Hindi man lang sila huminto, hindi nila ako pinansin o nilingon man lang.



Ang sasama ng ugali.



"Ihakbang mo kaya 'yang mga paa mo, ulap!" Sigaw ng isa.



At dapat talaga wala nang kumakausap dito kay Gwen Chloe eh.



"Tara na, besh! Tama na 'yan baka tamaan ka na ng kabaklaan!" sigaw ni Rob saka muling tumawa. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya pero kita kong binatukan siya ni Gwen.



Good grief!



Hindi agad ako sumunod. Marahan akong nagbaba ng balikat at muling nilingon ang payapang dagat. Walang malalaking alon, hindi rin malakas ang hangin ngayon. Looking pretty chill so far. Sana kalmado lang ito hanggang sa makabalik sila. Napangiti ako ng malaki nang makita ang bilog na buwan na nakaangat na sa ibabaw ng dagat. Woah, it's ineffable. Nagstay pa ako ng mga ilang minuto saka ko napagdesisyunang umalis. Moon and the sea were the perfect combo I've never thought I'll be needing. I really love the sight of it.



Ibinulsa ko ang isa kong kamay sa suot kong hoodie at saka pumihit para sana'y umalis na nang biglang tumunog ang phone ko.



The service out here is pretty good.



I checked my phone. Awtomatiko akong napangiti nang makita ang name ng kuya ko sa screen. Sabi na eh, hindi ako matitiis nito. He didn't call me the whole day! Muli akong humarap sa dagat at sinagot ang tawag niya.



"Kuyaaaa!!" I screamed. Nagtakip din ako ng bibig nang mapagtanto ang lakas ng boses ko. "Kuyaaa!" Ulit ko, mas mahina at halos ibulong ko na lang. "I miss you!"



Juss Aecent Fuentes, that's my kuya's name. Gwapo? Malamang. Nasa lahi na namin 'yon. Habulin na siya ng mga babae noon pa man. Girls were so into him even until now that they're dying to get into his pants. But, bad for them as my brother is already engaged. I can also say married, not with someone, but with his passion in life. Girls? Lovelife? Nah. He doesn't care at all. Malabo na yatang magkaapo sina mommy at daddy mula sa kanya dahil ni minsan hindi sumagi sa kanya ang mag-asawa. He never had a girlfriend either. Masyado siyang dedicated sa goal niya sa buhay, many goals. He was a professional chef in New York, that was one of his dreams that came true. And now leaving it there behind, he's continuing it here. Kuya is really a hard-working, goal oriented and self-driven person. Isa siya sa mga tinitingala ko kung usapang pangarap lang naman as for me, he's the quintessence of it. Kaya kung ano man ang mga desisyon niya, malaya namin iyong sinusuportahan, so as long as masaya siya sa ginagawa.



"Hi, bunso. I miss you too. And, I wish you were here right now. Nagm'movie marathon kami ni ate."



"Ang dayaaa!" I cried out and pouted.



"Okay lang 'yan haha. Nandyan ka naman sa Palawan. Kelan pala ang uwi niyo?"



Hinubad ko ang aking tsinelas at dinampot. I started walking along the seashore with my bare feet. "Three days pa kami rito, kuya." I can't stop pouting.



"I see. Mag-enjoy ka habang nandiyan ka. Let's just hang out once you get home, kahit araw-araw pa. We can go anywhere you want and do anything you want."



"Sounds like a plan."



"Hahaha, if you can only see your ate's face right now...I think she hates the idea that will hang out without her."



Natawa na rin ako lalo na nang marinig nga ang boses ni ate roon. Nagrereklamo na siya. "H'wag nang isama. Iwan sa bahay," gatong ko rin.



"Diyan ka na lang sa Palawan! H'wag kanang umuwi!" Dinig kong sigaw niya.



"We're just kidding, ate." Dinig kong sabi ni kuya sa kanya. He calls her ate since she's the only ate at home. Naging palayaw na niya 'yon. "Kumain kana ba diyan, bunso?"



"Not yet. Ang aga pa. Though, napansin ko na maagang magdinner and breakfast ang mga tagarito. Nasa tamang oras talaga. Maaga rin silang matulog, around eight halos tulog na lahat," kwento ko. I honestly like it here. Aside from the perfect scenery, I find the people and their culture here interesting. Ang dami kong natututunan na bago sa aking pandinig o sa aking paningin. It blows my mind in an amazing way. "I love the new learnings I'm getting here. People are so nice and so welcoming," dagdag ko.



"Good to know. That's wonderful."



"It really is, kuya." Ibinagsak ko ang tsinelas ko at muling sinuot. "Nga pala, kuya. Totoo bang mag-i-stay kana rito for good?" I bent down and picked up a small rock.



"That's the plan. I really wanted to stay here, but who knows."



Inihagis ko sa dagat ang maliit na bato kung saan tatlong beses itong tumalon-talon sa ibabaw ng tubig. "You can always choose to stay here, kuya. It's a choice. Your choice, not anyone else."



"I know, pero hindi madali bunso. Alam mo naman ang kwento 'di ba?"



I sighed silently. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Alam ba niyang nandito ka?"



"Sinabi ko."



"What will happen next?"



"I don't know. M-a-y-b-e..." the line suddenly started cutting on and off, it's buffering.



"Hello, kuya?" Naglakad ako pabalik sa dating pwesto baka sakaling bumalik ang service roon. But, it didn't happen. Naririnig kong nagsasalita pa rin naman siya ngunit hindi ko na maintindihan, it's like a word of salad. "Tawagan na lang kita ulit, kuya. Nawala ang service rito. Bye. Love you." I ended the call.



Inangat ko ang phone ko para subukang kumuha ng signal pero wala talaga. One bar, sometimes two? Tch. Nakadepende pa naman dito sa lugar kung ano ang gamit mong sim card. Mine has no strong service kahit saan banda rito. Malas ko.



Ibinulsa ko ang phone ko saka tumingin sa paligid kung saan may mangilan-ngilan na naglalakad sa dalampasigan. Ibinulsa ko na rin ang parehong kamay sa pocket ng hoodie na suot ko saka tumingin sa dagat na mas lalong gumaganda. It's still leaving me awestruck. Nandoon pa rin naman ang buwan pero mas mataas na kumpara kanina na nakadikit pa sa dagat. Tonight is fullmoon, that's why I'm seeing a moonglade, the little track the moon makes above the sea, and it's so...beautiful and perfect. Not only that because who am I to ignore the dulcet sounds of the earth, the waves; the sound it creates every time it's splashing and wiping off the sand, the tolerable sound of the watercraft that I also appreciate, and lastly...the bats. I never thought I'll be seeing bats here. Halos ay makita ko na sila ng malapitan sa baba ng lipad ng iilan sa kanila. I can't stop looking at them. Everything in here including people, their laughs, their voices, they're making the night so magical.



Masaya akong naglakad pabalik ng cottage kung saan malayo-layo rin ang hahakbangin ko. Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang lamig dahil sa panaka-nakang paghampas ng hangin animo'y napapadaan lang. Ang sarap sa pakiramdam. Susulit-sulitin ko na 'to dahil pagbalik ng syudad, hindi na lang basta hangin ang meron dun.



I was humming while on my way back, singing with the wind, trying to create a new song. Ngunit napahinto ako nang may bigla akong nahagip sa sulok ng mata ko. I gasped as my eyes started to get wide and my heart started to beat fast. I am seeing two shadows behind the big rock. Oh my...ano 'yon? Para akong naparalyze sa gulat at sa takot. Pero agad din akong napahinga ng maluwag nang gumalaw ang mga aninong 'yon at may narinig akong boses. Oh, tao naman pala. Out of curiosity, sa kagustuhan kong malaman kung sino sila, bahagya akong lumapit para lang silipin. Ano bang ginagawa nila rito sa likod ng bato? The more I get closer, the more I hear them clearly. They're giggling. Naglakad ako sa gilid para makita sila mula roon. And man, I just realized how naive and oblivious I am. I should know the moment I saw their shadows and heard their voices what's happening. Hindi na sana ako sumilip. I covered my mouth, h'wag lang makagawa ng ingay. Can I say they're doing an spg? They're making out. Omg! My virgin eyes. Hindi ko kilala si girl kaya I assumed na tagarito siya. The guy...I can't see him clearly so, I don't know. Baka hindi ko rin kilala. Dahan-dahan at tahimik akong umatras h'wag lang silang maistorbo. Aalis na sana ako nang biglang nagsalita ang lalaki. OH...MY...GOSH! He said remove your top. But that's not what made me shocked, it's his voice, that familiar cacophony sound of his voice. John Steph? Hindi niya ba kasama si monster? Muli ko silang tinignan na siyang pagbaling din ng babae sa gawi ko. She literally mirrored my face, shocked and embarrassed. Nakasandal sa bato ang lalaki kaya nang tumingin din siya sa gawi ko...doon ko nakumpirma na tama ako. It's the good boy John Stephano. Tatlo na kaming gulat na gulat ngayon.



What a slutboy.



Something is making me furious by just looking at them. Hindi ako ang pinagtaksilan pero ako ang nakakaramdam nun para kay Samantha na hindi ko alam kung nasaan pa ngayon, baka nasa kabilang isla pa rin, while her boy here...nakikipaglandian na sa iba. What a dickhead! Scumbag at its finest.



"Anong g-ginagawa mo rito?!" Magkahalong kaba at inis na tanong niya. Hindi naman maliwanag pero kitang-kita ko ang pamumutla niya. His audacity to ask that. "You're stalking me again?!"



Hindi na ako nagulat na lumabas na naman 'yon sa marumi niyang bibig. Hindi ko na alam ang iisipin sa taong 'to, hindi ko nga alam kung tao nga ba talaga 'to. His mind is really...out of this world, it's extraordinary in a most disgusting habit.



"Steph, alam kong wala sa ulo mo ang utak mo at baka nasa paa kaya iintindihin ko na lamang kung ba't ganyan kakapal ang mukha mo. Anyway, that was a nice show right there." I casually said as if that was nothing. "Don't worry. I'll..." I zipped my mouth. "Walang makakaalam unless...your girlfriend asks me, which is...maybe when pigs fly."



He had balls to smirk at me despite the caught in act. Sabagay, hindi naman kasi girlfriend niya ang nakahuli sa kanya. Inakbayan niya ang babae. Poor monster. Ano bang nakita niya sa lalaking 'to? "Kahit naman sabihin mo sa kanya, hindi naman siya maniniwala sayo. Mas iisipin niyang sinisiraan mo lang ako. Gusto mo lang kaming sirain."



I was actually thinking the same thing. Imposible na maniwala 'yon kapag nagsumbong ako.



"I know. But there's no harm in trying. At the end of the day, karma will kick your ass, so not my problem anymore." I shrugged and glanced towards the girl. "Pumili ka ng matinong lalaki, hindi 'yung naligaw lang. Look at him, he's so...gross. Mahawaan ka pa niyan sa sakit niya."



I shifted and walked away.



"May sakit ka?! Anong sakit mo?!" Dinig kong tanong ng babae sa kanya habang papalayo ako.



My bad. Hindi ko nalinaw ang sinabi ko. Sakit sa pag-iisip, girl. 'Yon lang naman.



"What the fvck! Wala akong sakit! H'wag kang maniwala dun. Baliw 'yon!"



HAHAHAHA. Well, I think I am.



"Diyan kana nga! Nakakadiri ka!"



Boo!



Nakakadiri naman talaga.



Lumingon ako at nakitang naglalakad na palayo ang babae, sa gawi taliwas kung saan ako naroon. Napailing naman ako at hindi makapaniwala nang makitang sinundan siya ni Stephano. Ew, he's that desperate?! Napapalatak ako. Habang buhay ko na yatang kakastiguhin ang sarili ko kung paano at bakit ko siya nagustuhan noon.



Bumalik ako sa paglalakad na siyang pagsagi naman ni monster sa isipan ko. Alam ng lahat na babaero si Steph kaya alam kong may ideya siya kahit papa'no sa mga kalokohang ginagawa ng boyfriend niya. Unless, she's unconcerned about it. Should I tell her? Dapat lang naman talaga na ipaalam ko pero kahit siguro ipusta ko pa ang lovelife ni Rob, hindi maniniwala sa akin 'yon.



She deserves to know, Skylie.



Eh ano namang pakialam ko? Yeah, she deserves to know, but not from me!



Then, from who?



Napahinto ako. Nasapo ko ang noo ko. Nababaliw na ako ah. Malapit ko nang awayin ang sarili ko. Pa'no ko naman sasabihin sa kanya nang 'di ako namumukhang naninira? Wala pa man, I can already feel it. Ako ang magmumukhang masama rito sa gagawin ko.



"Uhm, hey." Yow. Yes yes yow. God, that really sound like that. "Gusto ko lang sabihin na hindi ka nag-iisa sa buhay niya," rehearse ko pa.



Hmm, hindi ka nag-iisa sa buhay niya? Napahawak ako sa chin ko. Sounds okay pero true naman. May nanay siya, may tatay siya, so 'di talaga siya nag-iisa.



"Samantha..." I paused. Muli akong napaisip nang banggitin ko ang pangalan niya. Ngayon ko lang narealize na maganda rin pala ang pangalang Samantha. Not bad, right? Take two tayo. "Samantha..." and cut again. Okay lang ba na tawagin ko siya sa pangalan niya? How about Monteclaro? Or...monster? Oh, no. Masisira ang buhay mo, Skylie. "This is hard!" Napasabunot ako sa buhok ko.



Nakarating na ako sa tulay.



"Yung boyfriend mo, may kalarong iba. He's a great player, don't you think?"



And it will end up with elaboration. Be direct and straightforward, Skylie.



Bakit ko pa ba sasabihin sa kanya? Hindi naman siya maniniwala at higit sa lahat...masasaktan pa rin naman siya. What's the point?



The point is...she doesn't deserve him.



She should know that.



Some people have no idea unless they see it themselves or someone got the courage to slap them the truth. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi masamang subukan, hindi mo na problema kapag hindi siya naniwala. Gusto mo lang tumulong. 'Yon lang, do your part.



I unconsciously nodded, agreeing with that specific part of my brain. Isn't it amazing? I'm internally talking to myself, getting and giving advices. Para akong may dalawang katauhan, the stupid one and the smart ass. Ang downside lang...nagmumukha akong baliw dahil sa facial expression ko.



Marahas akong napabuntong-hininga. "Anak ng tokwa talaga. Ang dami ko na ngang problema pati lovelife ng iba poproblemahin ko pa?" Matunog kong inihakbang sa hagdan ng tulay ang kanang paa ko at saka hinawakan ang tuhod ko. "People should know that I'm single for a reason!"



"Sinong kausap mo?"



"Ay monster—!" Mini heart attack is real. Napatalon ako sa gulat at napatakip ng bibig saka mabilis na lumingon. Monster nga. "Ay...master," mahinang ulit ko.



Jusko, lerd. Parang anytime kukunin niyo na ako ah.



"Who are you talking to?" Tanong niya ulit.



"Wala." Sagot ko. Umakyat ako sa hagdan hanggang sa palapag ng tulay at saka humawak sa rehas na gawa sa kawayan. Pakiramdam ko'y bigla akong pinagpawisan. I feel anxious. Hindi ko alam kung pa'no sasabihin ang nakita ko. "May nakikita ka bang kausap ko?" sabi ko pa. Nagawa ko pang mamilosopo.



Can I also add something? Ang ganda niya tonight. She's wearing a fitted black sport short with white lining, a white v-neck shirt, and a black baseball cap. Ang simple pero ang ganda niya pa rin. So what's this, Skylie? This is just a simple beauty appreciation I guess...or inggit, maybe.



"That's why I'm asking you, stupid. Wala akong nakikitang kausap mo pero nagsasalita ka mag-isa!" Masungit na turan niya. Darating kaya ang araw na hindi niya ako tatawaging dugyot o stupid? Namumuro na siya ah. "Nababaliw kana yata eh."



Nameywang ako. Kagigil din talaga ang monster na 'to. "Bakit masama bang makipag-usap sa sarili? May batas ba nun? Sinong gumawa? Anong article? Anong section?" Wow, Skylie. Wow. I think I'm just like this when I feel uneasy or nervous. "Joke lang~" I singsonged. Ang sama na ng tingin niya sa'kin.



"Saligang batas ng mga baliw, artikulo tanga, seksyon na nakakaubos pasensya." Hindi niya talaga pinalagpas 'yon. Nakakainis. Napakasungit na tao! "Ano pa bang ginagawa mo rito sa labas?! Gabi na ah!"



"Hinihintay ka." Wala sa sariling sagot ko. Tumaas ang kilay niya, at ganon din ang kilay ko matapos mapagtanto ang sinagot ko. I'm not waiting for her! Pabalik na nga ako ng cottage eh. Traydor na bibig! "Kayo. Hinihintay ko kayo."



"Really? Bakit mo naman ako hinihintay?" Diniinan niya talaga ang word na ako. Madilim pero kitang-kita ko ang nakakaloko niyang ngiti.



"Hindi ko rin alam kung bakit ko kayo hinihintay," pinagdiinan ko rin ang salitang kayo.



"Whatever." She shrugged. Nawala ang ngiti niya na animo'y may hindi nagustuhan sa narinig. "Anyway, have you seen my boyfriend?"



Hanapan ba ako ng nawawalang kalabaw?



"Uhm...n-no. I didn't. Not at all." Umiling-iling pa ako. I actually believe that I can also be a good liar, a good actress. "Hindi mo siya kasabay? H-hindi ko siya nakita rito. Never...ever."



"Why you so tensed up? I'm just asking." Masungit na namang sabi niya saka ako nilagpasan. "Pumasok kana sa loob."



Sandali akong pumikit ng mariin saka nagsalita. "He's cheating on you," mabilis na sabi ko. Dahan-dahang bumilis ang tibok ng puso ko. Narinig ko ang paghinto ng mga hakbang niya. Hindi siya umimik. "I...saw him. He was kissing someone."



Hindi pa rin siya sumagot. 'Yon na yon? Wala siyang sasabihin? Narinig ko na lamang ang muling paghakbang niya papalayo kaya inis akong lumingon at muling inulit. "I said your boyfriend is cheating on you!" She again, stopped. "Ano ba ang nakita mo sa lalaking 'yon?! You don't deserve him! He's a jerk!"



Hindi na siya nakapagtimpi at tuluyan akong hinarap. Hindi ako makapaniwala nang makita na parang wala lang sa kanya ang narinig, wala siyang pakialam. "You don't know when to stop, do you?" Malamig na wika niya. "I don't care, Fuentes. I don't, and I will never care." Hindi ako nakapagsalita. What does that even mean? Hindi ko siya maintindihan. "So, if your desperate enough to break us...try harder. Pwede ko naman siyang ipahiram sayo kung gusto mo. Magsabi ka lang," and she smirked.



You're the one who doesn't know when to stop.



I know she doesn't mean it, but she still said so. Sino bang matutuwa sa narinig? Agad na kumulo ang dugo ko. Nagmamagandang loob lang naman ako dahil gusto kong makatulog tapos ako pa ang nagmukhang masama? How cool. Ito lang ang kaisa-isang expectation turns into reality na ayaw ko.



"What's the matter Fuentes, cat got your tongue?" She grinned.



Napasinghap ako. Inis akong lumapit sa kanya. Hanggat maaari, ayaw kong nagagalit ako dahil hindi ko nak'kontrol ang emosyon ko at higit sa lahat...ang mga sinasabi ko. Tumayo ako sa harapan niya, isang hakbang ang pagitan. I gave her a stern look. I scoffed. "Hindi ako katulad mo, Samantha Khail. I will never beg for anything that's not worth my attention lalo na kung 'yung boyfriend mo lang naman. Hindi na ako magsasayang pa ng oras sa kagaya niya just like what you're doing right now and just like what I did before. Nagising na ako, ikaw hindi pa. You knew that he was cheating, right? Alam mo pero wala kang pakialam kasi ayaw mong mawala ang atensyon niya. Ayaw mong mawala ang atesyon sa inyo. Kaya kung may desperada man dito sa ating dalawa...alam mong ikaw 'yon dahil lagi kang uhaw sa atensyon."  I said what I said kaya naman malakas na lumapat ang palad niya sa pisngi ko. Umigting ang panga ko sa lakas ng sampal niya at sa sakit nun. Napabuga ako ng hangin at ibinalik sa kanya ang aking tingin kung saan sa isang iglap, nagliliyab na siya sa galit. She's completely losing her rag. Kitang-kita ko ang panggagalaiti niya sa akin sa pamumula ng kanyang mukha at mga mata. Sandali akong nagbaba ng tingin sa dalawang kamao niyang nakakuyom ng mahigpit saka ako muling nag-angat ng tingin. "You're mad eh? Huh, magalit ka kasi alam mong nagsasabi ako ng totoo. Pati nga atensyon ko'y gusto mo eh. So, what's next? Ano namang napapala mo?"



"Y-you don't know what you're talking about." Her voice broke down. Doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig at natigilan lalo na nang lumandas sa pisngi niya ang isang butil ng luha. Stupid, Skylie. Stupid! "Desperate it is. You all think like that." She scoffed and wiped her cheek roughly. "Iba talaga ang lakas ng loob mo. Pinagbibigyan lang naman kita, but not anymore. Prepare yourself because I'm going to kick you out of the school. Isasama kita sa mga nauna! Sisiguraduhin kong aalis ka dun ng luhaan!"



Wala akong naintindihan sa sinabi niya sapagkat nalunod na ako sa emosyon ng kanyang mga mata. Ang galit doon, deep down, makikita mo ang matinding lungkot at pangungulila. Now I'm completely feeling the guilt of being too aggressive and being too harsh. Nagpadalos-dalos ako sa mga sinabi at hindi nag-isip. Nadala ako ng galit.



"I'm sorry," usal ko.



"Too late."



"Samantha..." hahawakan ko na sana siya sa kamay nang bigla siyang umatras. That look she's showing on her face is purely hate. She doesn't trust me and never will. "I just..."



"Skylie?" May nagsalita sa likuran kaya lumingon ako. Isa sa mga anak ni Tatay Nando ang nakatayo roon at nakangiti. Hindi ko alam kung si Jace ba o si Jade 'to. Lumapit siya. "Pwede ba kitang makausap sandali?"



Tumingin muna ako kay Samantha bago sumagot pero naglalakad na siya palayo. Napabuntong hininga ako. Darn it. Bumaling ako kay...Jade, I think? Siya 'yung mayabang.



"Tungkol saan?"



"Gusto kong lang magsorry sa inakto ko kanina. I was just trying to impress the both of you."


Tumango lang ako kahit wala akong naintindihan. Ayaw magproseso sa utak ko ng mga sinasabi niya dahil si monster pa rin ang nasa isip ko. Nak'konsensya ako. Nasobrahan ang mga salitang binitiwan ko sa kanya. Pakiramdam ko'y over the belt na iyon.



"Okay lang, Jace...Jade?"



"It's Jade." He beamed.



"Okay, Jade. Magpapahinga na ako. Thank you sa pagsama sa'min."



"You're welcome. Sana maulit bago man lang kayo bumalik ng syudad."



"We'll see." Ngumiti na rin ako at tuluyang nagpaalam sa kanya. "Good night."



"Good night, Skylie."



_________________
____________________



"Ulap, dinner na raw."



Nakahiga ako sa kama at nakasandal sa headboard habang yakap ang unan nang pumasok sa kwarto si Gwen. Napatingin ako sa kanya saka sinulyapan ang orasan. Mag-aalas otso na pala. Kakauwi lang ng iba sa kanila kaya medyo late ang hapunan namin ngayong gabi.



"Wala akong gana," sagot ko. Ibinalik ko ang aking tingin sa kung saan. "Kumain na kayo roon."



"Ano? Sabi mo kanina nagugutom kana? Tara na. Tumayo kana diyan! Nandun na silang lahat."



"Si monster?"



"Pucha ka talaga. Hinahanap mo na naman siya! Nandyan na siya. Unfortunately, nakabalik ng buhay." May sarkasmo niyang sagot at kahit hindi ako nakatingin, alam kong umirap siya. "Tara na."



"Ayaw kong kumain. Ayaw ko siyang makita." Ayaw kong dagdagan ang konsensya ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang nakakaramdam ng konsensyang 'to samantalang gusto ko lang naman tumulong. Sana hindi na lamang ako nagsalita. "Busog ako."



"Ang arte mo. Ano bang nangyari? Hinahanap mo siya tapos ayaw mo naman palang makita. Ano 'to?"


Tumingin ako sa kanya, ngumuso ako. "May mga nasabi akong hindi maganda sa kanya at saka...tinawag ko siyang uhaw sa atensyon."



"Whaaat?!" nanlaki ang mga mata niya pero nandun ang tuwa sa narinig. Mabilis siyang lumapit at umupo sa kama. "Good behavior, ulap. Kelan mo sinabi sa kanya?"



Tolerate friend as always.



"Kanina lang. Doon sa tulay."



"Kaya pala ang tagal mo at kaya rin pala hindi maipinta ang mukha niya ngayon." Tumawa siya. "Alam mo yung ginawa, sinungitan si Ms. Pascoa na nagtatanong lang naman kung saan 'yung ibang officers. Siraulo ampota."



"Tumigil ka nga." Hinampas ko siya ng unan. "Kasalanan ko naman eh. Nasa mood naman siya nang dumating, kung hindi ko lang sana sinabing nakita kong nakikipagchukchakan sa iba ang boyfriend niya."



"Chukchakan?! Si Steph?!" Sinampal ko ang pisngi niya nang magtaas siya ng boses. "Pota. Kanino?! Kilala ko ba?!" She eagerly asked.



Wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya ang lahat kung saan gulat na gulat din siya. Kagaya ko, hindi niya rin kilala si girl matapos kong ilarawan sa kanya.



"Pvtangina." usal niya. Nakailang mura na ba 'to? Hindi ko na mabilang eh. Namumuro na ang pandinig ko sa kanya. "Una sa lahat, ulap. Wala kang ginawang masama para makonsensya, tanga lang talaga si Monteclaro. At yung punyemas niyang titan monkey na jowa, mamatay na siya kasama ang junjun niya! Ang mga ganon na lalaki dapat kinukuha na ng tito nilang si hudas eh!"



"I went over board, Gwen. I shouldn't said that much."



"But, you already did. Ano 'yon, laruan si titan na ipapahiram sayo? Yuck! Ang pangit ng laruan niya!" Ngumiwi siya, diring-diri. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. "Tara na. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo dahil kung hindi...kakausapin ko si Monteclaro dahil sagad na sa buto ang inis ko sa kanilang magkaibigan," seryosong dagdag niya.



Once she said it, she meant it.



"Oo na!" Nakasimangot akong tumayo. No choice ako. "Highblood ka rin eh."



"Teka," pigil niya nang makalabas kami ng pinto. Sinipat niya ang mukha ko. "Ba't namumula ang pisngi mo?"



Basically, 'di kompleto ang kwento ko. Hindi ko sinama ang part kung saan sinampal ako ni monster dahil alam kong kukumprontahin siya ni Gwen at away lang ang kahahantungan nun. Ayaw kong lumaki ang gulo at lumala ang lahat.



"Namumula ba?" Kunwari'y tanong ko. "Kanina pa 'to nangangati eh. Hindi ko nga alam kung bakit." Sabay kamot ko roon. Agad niya namang pinalo ang kamay ko.



"H'wag mong kamutin. Baka kung ano na 'yan. Tanungin ko si tatay mamaya."



"Namumula ba masyado?"



"Hindi naman. Sakto lang pero napapansin kapag ganitong malapit."



Medyo maputi at maputla kasi ako kaya hindi agad-agad ito mawawala. Nagkibit-balikat ako. "Baka mawala rin 'to bukas."



"Baka naengkanto kana," sabi niya pa.



Natawa na lamang ako.



Naniniwala siya sa engkanto?



_______________
_________________



Deritso ang tingin at hindi na ako naglikot pa ng mata. Hindi ko siya hinanap. Umupo ako sa tabi ni Rob nang makarating, at kumain naman ng tahimik ang lahat matapos magdasal. Walang umimik at nagsalita, tila ba'y pagod na pagod ang lahat. Mabuti na ang ganito. Ayaw ko rin makipag-usap. Mabilis kong tinapos ang pagkain saka tumayo at nagpaalam sa dalawang kaibigan ko na nasa hapag pa rin.



Bumalik ako ng cottage, ngunit sa kamalas-malasan...nakasabay ko pa sa hallway si monster kasama si Akaizha.



"Hi, Sky!" Masiglang bati ng kaibigan niya.



"Hi, Kai."



Sumabay siya sa'kin. Nahuhuli naman si monster. "Jade was looking for you."



"Nag-usap na kami."



"What did he say?!" Excited niyang tanong.



"Uhm, nagsorry."



"Nagsorry? Why?"



"For being arrogant and all, I think." I can't even remember.



"Boys are like that, they're arrogant. I didn't know they're somehow sorry about it." Tumawa siya. Natawa na rin ako. "Good night," nakangiting sabi niya nang matapat sa kwarto nila.



"Good night." Sagot ko. Huminto ako at nilingon si monster na nakasunod. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. "Night."



Hinawakan niya ang doorknob saka malakas na suminghap. "Thanks for ruining my night, Fuentes. Guess what, it will last until God knows when."



Sa halip na sagutin ang sinabi niya, "May mas isasaya ka pa," iyon ang sinabi ko saka ako tumalikod at naglakad paalis.



Mas isasaya?



Napahinto ako.



She's not even happy to start with.




TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

191K 5.3K 55
A painful past, a future that is unknown and a present full of love and lies. Will they be able to conquer everything in the name of that thing they...
1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
8.3K 606 13
A GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle...
2.6M 68.7K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...