Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER...

Janztrich által

2.8M 53.3K 46K

Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Montec... Több

AGNC
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 10

56.6K 1.6K 1.5K
Janztrich által

CAN'T THINK STRAIGHT



SKYLIE's•



"Science Academic Tour..." mahinang sambit ko habang titig na titig sa bulletin board na may mahabang listahan for registration. Mas inilapit ko pa ang mukha ko dahil hindi ko mahanap ang malamang ay hinahanap ko. "Science Academic registration...asan kana ba—finally! Thank God," I groaned.


Registration for Harrison's representative will be at Science Club office, third floor of the Technology Building.


Tumango-tango ako. "Phew!" Napahaplos ako sa aking pisngi. "Third floor of the Technology building, huh?"


At saan naman daw kaya 'yon?


KASALUKUYAN akong nasa Fimeny University ngayon para sa registration ng upcoming Science Academic Contest, na for Pete's sake gusto ko nang sukuan, but nope I just couldn't. Bilang lingkod at kagaya ng lagi kong ginagawa taon-taon, nandito na naman ako bilang suki ng paligsahan na 'to. You know what I hate about this? Not the contest itself, but THIS KIND OF THING, the registration portion where it requires a personal appearance. Ayaw na ayaw ko ito dahil masyadong hassle at lagi akong naliligaw sa paiba-iba nilang venue sa tuwing may palatuntunan. Hindi ba pwedeng sa isang place na lang? Ang nakakatamad dito...hiwa-hiwalay ang pagrehistro sa bawat paaralan at hindi ito pangkalahatan. Kagaya na lamang ng para sa Harrison na doon pa sa Technology building na hindi ko alam kung saang kasulok-sulukan nitong paaralan. They're always like this every year, giving me a real hard time.


"Bunso?" Napalingon ako. It's my sister. "Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya. Wala na naman siyang kamalay-malay.


Dito sa Feminy University nag-aaral ang ate ko. She's taking pre-medicine course and on her second year now. Kagaya niya'y pagm'medisina rin ang napupusuan kong kunin pagtungtong ko ng kolehiyo. Nakikita ko ang sarili kong magt'trabaho sa hospital o 'di kaya'y sa clinic kahit ayaw ko sa mga ganoong lugar. Weird? I know. Ngunit anong magagawa ko, nakikita ko ang sarili as a health practitioner in the future. Iyon nga lang, mukhang may mali at hindi tugma sa pangarap ko. Saka ko na lamang siguro isipin.


"Hindi ko ba nasabi sayong pupunta ako rito ngayon?" Tanong ko.


"Nope!"


"Maaga ka nga palang umalis kanina. Well, as you can see..." nagkibit-balikat ako't sinulyapan ko ang board. "registration is up."


Lumapit siya. "Hmm, oo nga pala. Kailan ang start nito?"


"Baka next month? Mauuna pa ang Music Festival na hindi ko alam pero habang tumatagal mas lalong nad'delay. I have no idea what's happening." Tumango lang siya at binigyan ako ng tingin, nagtataka na namang tingin. "Ano na naman ba, ate?"


"Akala ko ba ngayon ang punta niyo ng Palawan? Hindi ba kayo matutuloy o hindi kana sasama?"


"Ano ka ba, mamayang hapon pa 'yon. Nakapag-impake na rin naman ako. Kailangan ko lang asikasuhin muna 'tong registration na ito bago ako umalis dahil kung hindi...deads ako nito sa mga tigulang ng faculty."


"Gosh. It sucks to be you," palatak at komento niya. Binalik niya ang tingin sa board. "I still can't believe that you hate Science yet you're good at it. You're even winning every single competition that has something to do with it."


"Ironic, isn't it?" I snorted. Hate ko nga ba talaga? Mukhang hindi ko na alam kung paano i-differentiate ang like and hate. "Anyway, saan pala ang Technology building dito ate? Doon ang magiging opening ko for registration."


"Technology Building? Malayo 'yon dito."


"Gaano kalayo? Hindi kayang lakarin?"


"Pwede naman kung gusto mong pahirapan ang sarili mo at gusto mong magpakahaggard mode." With that said, mukhang malayo nga. "You see that globe logo?" Turo niya sa mataas na gusali na kita mula rito, may malaking globo sa tuktok. "That's the Techno tower a.k.a Technology building."


Ohh...


"Way too far..." naiusal ko na lamang. "Any other way to get there, ate? An easy way at least, please."


"You can take that shuttle bus." Turo niya sa gawing kaliwa kung saan may waiting shed doon at may bus. "Sakay ka doon tapos sabihin mo ibaba ka sa Techno building. That's the easiest and only way for you to get there. Saka mo na problemahin ang pabalik."


"May bayad ba 'yan?"


She shrugged. "I don't know. Never pa akong sumakay diyan."


"Ano ba 'yan, ate. Estudyante ka ba talaga rito?" Nakangiwi kong tanong sa naging turan niya. Inirapan niya lang ako. "Sige na, alis na ako para makauwi rin agad. Ikaw, saan ka? Uuwi kana ba?"


"May klase pa ako. Hinihintay ko lang si Ty. May ibibigay raw sa'kin."


"As a friend?" Natatawang banat ko at napaismid na lamang nang kumunot ang noo niya animo'y walang alam sa sinasabi ko. "Nevermind. Ingat ate, ingat sila sayo," and I laughed again. "Bye!"


"Bye. Call me ah kapag naligaw ka?" paalam niya rin na may kasama pang sarkasmo at panunuya. "Have a safe and great trip later."


"Thanks!"


Habang papalayo'y nilingon ko siya na papaalis na rin. Napasinghap ako ng pagtawa at napangiti sa isiping magkikita na naman sila ni Kuya Ty. Ano kayang ibibigay niya sa manhid kong kapatid? Sa lahat ng ipinapakita at ikinikilos ni Kuya Tyrant towards ate, laging iniisip ng kapatid ko na as a friend lang lahat ng iyon. Sa tingin ko'y nililimitahan ng kapatid ko ang sarili niya dahil bukod sa ayaw niyang mawala ang pagkakaibigan nilang dalawa, may boyfriend siya. Ang boyfriend niyang hindi ko bet dahil feeling ko'y babaero. Pakiramdam ko'y sasaktan niya lang ang kapatid ko. Feeling ko lang naman. My gut feeling is not always accurate, though. While Kuya Ty, highschool friend sila ni ate. Naging magkaklase sila noon pero dalawang taon lang dahil inilipat sa ibang paaralan ang kapatid ko. Tapos isang araw, nitong taon, nagtagpo silang muli. Nalaman ko na lamang na napapadalas na ang pagkikita nilang dalawa na para kay ate ay wala lang.


Malay natin para talaga sila sa isa't isa.


Pagdating sa shed ay agad akong sumakay sa shuttle bus na libre naman pala. Ibinaba ako ng driver sa mismong tapat ng gusali na may kumikinang na pangalan sa itaas. Nakaukit sa crystal ang salitang 'Technology Tower' at sa tabi nito'y ang kanilang University flag. Namangha lang naman ako lalo pa't spiral ang style nito, modernong-moderno.


Tama nga si ate, Instagramable nga bawat angulo sa paaralang ito.


Agad kong ginising ang diwa ko sa pagkaligaw sa mga nakikita nang maalala kung bakit ako nandito. Registration, Sky. Registration! Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, tinungo ko na ang third floor at mabilis na tinapos ang dapat tapusin. Tumagal lang ako ng ilang minuto para roon at pati na rin sa screening na kaakibat nun. After filling out and signing everything that was needed, I headed out to go home. Akala ko'y tapos na...pero nope, may problema. I found out na one way lang ang bus. Nasa kabila raw ang terminal para bumalik at kailangan kong lakarin 'yon ilang minuto rin mula rito.


How convenient.


"Excuse me." Lumapit ako sa isang babae na nakasaklay at kumakain ng...tobleron. Nakangiti naman siyang bumaling sa'kin. Napansin ko lang, ba't ang gaganda ng mga estudyante rito? Maliban na lang sa kapatid ko. Just like this girl in front of me, ang cute ng one sided dimple niya. Hindi ito kalaliman yet it complements her bright mood right now and beautiful face. Mas lalo siyang gumanda. "Hi. Magtatanong lang po. Saan dito yung daan papunta sa waiting shed for shuttle bus pabalik sa main gate?"


"Doon pa sa kabila, baby girl." Turo niya sa gawi na hindi ko matanaw kaya pihado malayo nga ito. But, did she just...?! "Teka lang...may kamukha ka. Hmm, kapatid mo ba si...si..." itinuro ako nito gamit ang karton ng chocolate habang inaalala kung sino man ang taong 'yon na sinasabi niyang kamukha ko.


"Ingrid Reign?" Turan ko.


"Yeah, yeah. Ingrid. Kapatid mo siya?"


Ngumiti ako at tumango. "Yes po."


"I knew it. That's why you have a faint resemblance to her." Sabi na nga ba. Ewan ko ba sa ibang tao, lagi nilang sinasabi na para kaming pinagbiyak na buko ni ate kahit hindi naman. "Anyway, back to your question. Malayo ang terminal dito. If you want, I can drop you by. Palabas na rin ako ng campus. Pwede kitang idaan sa main gate. Kukunin ko lang ang sasakyan ko."


"Ah, hindi na po." Mabilis na tanggi ko. Nakakahiya. "Magb'bus na lang po ako."


"I insist. As you can see, there's a lot to improve in this place. When I say malayo ang bus stop, malayo talaga. Hindi lang basta 15 minutes walk. It's more than that."


No way...


"Is that so?" Napakamot ako ng kilay.


"I already raised this concern sa dalawang anak ng may ari nitong paaralan, hoping that they can do something and tell their parents about it you know. For now if I were you, sumabay kana sa'kin. Kukunin ko lang ang sasakyan ko. Wait for me here."


"Teka lang po—!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang umalis agad siya.


Napakagat labi na lamang ako at hinintay siyang kunin ang sasakyan niya. Alam kong nakakahiyang sumabay pero nakakahiya rin namang tanggihan ang alok ng taong nagmamagandang loob.


"Get in, girl." Mayamaya lang ay nasa harapan ko na siya at ang sasakyan niya. Huminga ako ng malalim at saka pumasok. Jusme. Nakakahiya talaga. Dapat talaga magtatanong lang ako eh. "You okay?" She softly laughed. "H'wag kang mahiya. Ako nga walang hiya eh."


Natawa na lamang ako. "Thank you, ate...?"


"Cyprixille. You can call me Prix, Cy or anything that you want as long as it sounds nice," she giggled.


"Nice name, ate."


"Thanks. How about you? What's your name?"


Ngumiti ako. "Skylie Rae. But you can just call me Sky po."


"Ohh~pretty." She commented. Ngumiti lang ako at nag-iwas ng tingin. Hindi naman ako mahiyain pero nahihiya ako ng sobra ngayon. "Pasensya na kung ang daldal ko ah?"


"No, Ate Cy. You're not. I actually like it when there's someone who engages a conversation with me 'cause...me, myself can't do it."


"That's absolutely fine. Minsan dahil sa level of comfortability natin 'yan sa tao or...maybe you're just shy because we just met."


"You're right, I'm...just shy," I chuckled.


"You're all right hahaha." Napatingin ako sa kanya. I can't believe that even her laugh sounds so pretty. Ganito ba talaga ang mga tao rito? Kung ganon, si ate lang ang naiiba? Daig pa ang sinaniban ng masamang ispiritu kapag tumawa 'yon eh. "I'm just like you. Mahiyain din ako minsan sa mga taong hindi ko kilala. Ayaw ko namang isipin nila na baliw ako. It's just so happened that I know your sister," dagdag na sabi niya pa.


Nagchikahan lang kami hanggang sa makarating sa gate. Tama siya, it's just the level of comfortability. "We're here. Ingat, kiddo. I hope we'll get to see each other again."


"Thanks for the ride, Ate Cy. It was nice meeting you and..." dinala ko ang tingin ko sa braso niyang naka-sling support o nakabandage wrap. "Hope you'll get better soon."


"I will. Thank you."


I smiled cheekily. Tuluyan na akong bumaba at lumabas ng kanyang sasakyan. "Bye ate."


"Byeee!"


Nakangiti kong sinundan ng tingin ang kanyang sasakyan na papalabas ng gate hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Marahan akong bumuntong huminga saka masayang naglakad palabas. I'm just so excited to go home because today is the day that we're going to Palawan!


Yes sir!


NANG makababa sa taxi, dito sa tapat ng bahay namin, tumayo muna ako sa labas para i-message si daddy at ipaalala sa kanyang kailangan niya akong ihatid sa pier before 4 pm later. I sent a message to my mom too, para kung sakaling makalimutan ng tatay ko, maipapaalala naman ni mommy.


Tumunog naman ang phone ko. Someone's calling and it's Gwen the G.O.A.T. "Bakit tumatawag 'to?" Agad ko naman itong sinagot. "Hey."


"Ulap, ulap!"


"Ano?"


"Ulap!!!"


"Ano nga?!!!" Siraulo talaga 'to.


"Kailangan mo nang umalis diyan ngayon din!"


Nangunot ang noo ko. "Huh?"


"Papunta na kami sa pier ngayon. Nagbago ang departure time, 11 am na."


"What?! Wait! Totoo ba 'yan?!" Nagmamadali akong pumasok ng bahay. "Akala ko ba mamayang hapon pa?!"


"Akala ko rin eh. And besh...traffic ngayon. Kanina pa kami umalis pero nasa daan pa rin kami ni daddy. Hindi kasi gumamit ng waze, may iba namang daan." Pasaring pa nito kay tito na narinig kong nagreact din. "Kaya kung ako sayo ngayon pa lang umalis kana rin. Nakapag-impake kana rin naman 'di ba?"


"Oo pero..." napahinto ako. "Wala rito si daddy. Mamaya pa siya uuwi. Walang maghahatid sa'kin. 9 am na oh." Napansin ko rin kanina habang pauwi na medyo traffic nga—actually, traffic talaga kasi halos inabot ng isang oras saka ako nakarating dito. "Magt'taxi na ba ako?"


"Nako baka mas lalo kang maiwan. Baka nandun na kami sa Palawan pero ikaw nasa Edsa pa rin."


"Oo nga eh!" Napasimangot ako at nanghihinang napaupo. "Anong gagawin ko, besh?"


Napabuntong hininga ako. Napatingin naman ako sa pintuan nang marinig ko ang doorbell mula sa gate. Obviously, may tao sa labas. Nanghihina akong tumayo para tignan kung sino.


"Tawagan mo ang daddy mo baka umabot pa."


"It's an hour travel from his work, Gwen. Hindi pa kasama ang traffic dun. Hays." Napabuntong hininga ako. Nawawalan na ako ng pag-asa. "Wait lang ah. Tignan ko lang kung sino—!" napahinto ako pagbukas ko ng pinto nang makita ang taong nakatayo sa labas ng gate. Napangiti ako. "Nevermind. Problem solved."


"Anong nangyari?"


"I'll catch up."


Ibinaba ko na ang tawag. Nakangiti at excited akong tumakbo palapit sa gate. Tumili pa ako sa sobrang saya. "You're a life saver!"


"Hi, Rae. What's up?"



______________

SAMANTHA's•


I prepared my stuff as early as I can, at mukhang tama lang ang ginawa ko dahil biglang nagbago ang departure time at late pa kaming nainform. Kung hindi ako nag-impake agad kanina baka nagmamadali na ako ngayon, and doing things in rush makes me a forgettable person.


"Babe, are you ignoring me?"


Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako rito sa sobrang busy ko sa pagprepare para umalis na ng bahay. Yes, nandito sa bahay ang boyfriend ko. Agad siyang pumunta rito nang malamang ngayon ang alis namin papuntang Palawan. He came after dad left for work. Swerte niya't hindi sila nagkaabot dahil patay siya roon. Kanina pa ako kinukulit ni Steph. Pakiramdam ko'y bigla na lamang akong nawala sa mood at sira na ang umaga ko. Sino ba namang hindi? Nagpupumilit siyang sumama kahit ilang ulit ko nang sinabi na hindi siya pwedeng sumama dahil for officers lang ang seminar trip na 'to. Kami ang malalagot sa advisor at coach niya kapag nagkataon, and he's not understanding that. He doesn't care.


"Steph, you're not getting it. Are you? Uulitin ko, hindi ka nga pwedeng sumama kasi...una, may basketball practice ka, pangalawa yung classes mo na hindi mo pwedeng mamiss, at huli—!"


"I don't care! Anong pakialam ko sa basketball practice? Anong pakialam ko mga subjects na binabagsak naman ako? Mas mahalaga ka, Samantha!" Tumaas na ang boses niya. Hindi ko nagustuhan ang narinig. Sa edad naming 'to kung saan ang bata pa naming pareho, maiintindihan ko kung hindi ako ang priority niya. Mas gusto ko nga iyon. May mga bagay na mas kailangang unahin kasya sa akin. "Walang magagalit, babe. Ako na ang bahala kay coach. Kakausapin ko rin pagbalik ang mga teachers ko. Ako ang bahala sa kanila."


"No, Steph. Hindi ka sasama sa'min," seryosong sabi ko. "Bakit ba gustong-gusto mong sumama? Seminar ang ipinunta namin doon, hindi pagbabakasyon."


"Gusto kong sumama dahil ayaw kong mawala ka sa paningin ko. Mamimiss kita ng sobra at...hindi ko kaya 'yon. Mawala ka pa nga lang ng isang araw, hirap na ako tapos isang linggo pa? Babe, please..." he pouted. Lumapit siya at niyakap ako. When I hugged back, for some reason it feels...awkward. "Ayaw mo bang kasama ang boyfriend mo? Hindi mo ba ako mamimiss?" Nagtatampong tanong niya.


I sighed. "Hindi ka kasi pwede dun. I don't want you to prioritize me. I want you to prioritize your studies more than me."


"Why?!" Bigla siyang dumistansya. Galit na ito. "Sinong tanga ang mas uunahin 'yon kaysa sa girlfriend niya?!"


You?


Nasapo ko ang noo ko. "Let's end this goddamn conversation here. Steph, five days. Just five freaking days! Hindi buwan at mas lalong hindi taon! Pwede ba umuwi kana? Aalis na kami!" Biglang pagtaboy ko sa sobrang init ng ulo ko sa kanya.


He forced a laugh and snorted. "Wow. Ganyan kana ba sa boyfriend mo ngayon? Hindi mo na ako mahal?" Geez. Here we go again. Sino ba talaga ang babae sa amin? It's always like this. Ako lagi ang umiintindi sa aming dalawa dahil ang immature niya. "Sam, you didn't tell me about this trip. Kahapon ko lang nalaman at ibang tao pa ang nagsabi sa'kin! Now tell me, what do you expect me to think?! Hindi mo nga sinabi sa'kin eh! Maiintindihan sana kita kung sinabi mo!" Singhal niya. Umiigting ang panga nito sa inis. "I'm your boyfriend!"


Bumagsak ang balikat ko. Naubusan na ako ng lakas para makipagtalo sa kanya at sa puntong 'to...wala na akong pakialam sa mga sasabihin ko. I've said enough to explain, but he didn't listen.


"Steph, I want you to know that you're already getting on my nerves. Don't make me start it." Malamig na sabi ko. Lumamlam naman ang ekspresyon niya nang makitang ubos na ang pasensya ko. "You're just my boyfriend. Stop acting like you own me dahil walang nagmamay-ari sa'kin at hindi ko responsibilidad ang magreport sayo ng bawat ginagawa ko."


"Babe..."


"At kung papipiliin ako, I'll choose my studies over you. Why? Because you're not my priority. Parte ka lang ng buhay ko. 'Yon lang."


Hindi siya nakasagot agad. Ilang minuto rin siyang natahimik at nakatingin lang sa'kin saka siya umatras at lumapit sa pintuan. Binuksan niya ito saka ako nilingon. "Ang sakit mo namang magsalita. I know it's just your pride, Sam. Wala kang magagawa, sasama ako sa ayaw at gusto mo." pagtatapos niya bago tuluyang lumabas at isinara ng malakas ang pinto.


Binato ko ng unan ang pinto. I groaned in frustration. Napaupo na lamang ako sa kama at pabagsak na humiga.


"Ang sakit niya sa ulo!"



_____________
_______________

SAMPUNG minuto na lamang na aalis na barko papuntang Coron Palawan pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang aming VIP na maiiwan pa yata o baka naman hindi na sasama. Nagsimula na ang inspeksyon sa mga gamit namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin si dugyot. Ang lakas ng loob niya para magpa-late. Hindi ba siya nainform sa pagbabago ng schedule?


"Santos!" Hindi na ako nakatiis. "Hindi na ba sasama ang magaling niyong kaibigan?"


"Sasama pa naman, pres. On the way na raw siya—!" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang nagtilian ang mga kasama namin.


"Omg guys! It's his car! Aahhh!"


"Hala! Anong ginagawa niya rito?!"


Dinala ko ang aking tingin sa tinitignan at kinakikiligan nila. May pumarada na isang kumikinang na black sports car sa harapan namin. Dito sila kinikilig? Sa sasakyan? What's wrong with these people?! Iisipin ko na sanang weirdo sila kung hindi pa lumabas ang nagmamay-ari ng sasakyan.


"Omg, Sammy!" Nagulat ako nang makitang nasa tabi ko na si Ais. "Si Tyrant Weck!"


Yeah, it's Tyrant Weck of Musculariatte University. Ang sikat na varsity player at kilalang Mr. Gwapito na kinababaliwan ng halos lahat ng mga kababaihan. Hindi na nakakapagtaka ang pagwawala ng mga kasamahan ko rito nang bumaba siya ng kanyang sasakyan.


"Grabe, he's so gwapo."


"Ang conyo mo," saway ko kay Akaizha.


"Wait, may kasama siya!" Sabi pa nito. Natahimik ang lahat nang maglakad palapit sa passenger seat ang varsity player at mukhang may pagbubuksan nga ng pinto. "May girlfriend na ba siya?"


"It's none of our business," sabi ko. Everyone gasped except me nang makita ang bumaba at pinagbuksan ni Tyrant Weck. "It's our business," bulong ko.


Lihim na tumaas ang kilay ko nang makitang si dugyot ang kasama ng lalaki. Bumaba siya at tinulungan naman siya ni Tyrant sa kanyang mga gamit. Are they...lovers? Napasulyap ako kay Akaizha na nakatakip ang bibig, hindi makapaniwala. Kanya-kanya namang bulungan ang mga kasama namin.


"Girlfriend ni Tyrant Weck ang Science ace natin?" Pabulong na tanong ni Ais.


"No one cares," masungit na sagot ko.


Napahalukipkip ako. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang makitang niyakap ni dugyot ang lalaki bago ito muling sumakay sa kanyang sasakyan at umalis. Napairap ako. Sana naiwan na lamang siya ng barko total nakikipaglandian lang naman. Nilapitan siya ng kanyang dalawang kaibigan at iba naming kasamahan. Inirapan ko naman siya nang madako ang tingin niya sa akin.


Geez. I really hate her.


After 10 minutes, the ship departed bound for Coron Palawan. Finally. Akala ko'y maghihintay pa kami ng matagal. Kung titignan ang kabuuan ng barko mula sa labas, iisipin mong napakasimple lang nito. Ika nga, don't judge the book by it's cover because it's a luxury hotel style inside. Everything in here looks expensive. Hindi mo aakalaing magarbo ito pagdating sa loob. Malinis, malawak at maaliwalas pa. May bar, cassino, at restaurant sila. Splendid. They even have their special and VIP's room. What we got was the VIP one. Since libre ang trip na 'to for officers, all of us has our private room expect for dugyot and Akaizha. Ais got the special one since maarte siya at gusto niya'y ang pinakamahal which worth the price, while dugyot took the accomodation kung saan sinamahan naman siya ng kanyang dalawang kaibigan.


What are friends for nga naman.


AFTER securing my things up in my own room, I decided na lumabas muna sa balcony para magpahangin dahil ang dami ko na namang iniisip. Kasalukuyan nang bumabyahe ang barko at nasa laot na kami kaya naman tumambad sa'kin ang payapang karagatan. The sea was so calm, like no waves at all. Ang banayad tignan ng paligid kung saan tubig lang ang makikita mo at wala ka ring ibang maririnig. Napapikit ako at dinama ang hangin, sariwang hangin na hindi natin makukuha sa syudad. Napangiti ako. Ang gaan sa pakiramdam ng ganitong malayo ka, para kang nasa ibang dimension ng mundo, pansamantala'y nagagawa nating takasan ang magulong realidad.


"Babe."


Nawala ang ngiti ko at napadilat. Lumingon ako ng bahagya sa tumawag. Yes, he's here. Sumama siya kagaya ng sinabi niya at wala nga akong nagawa. Sinulyapan ko lang siya at ibinalik ko ang tingin ko sa tanawin.


"Look, I know your mad at me. I'm sorry." Hinawakan niya ako sa kamay na agad kong binawi. "Babe..."


"Let's talk later, Steph."


"I'm sorry."


If you're sorry, hindi kana sana sumama.


"Don't make me repeat myself."


"Alright. Alright." Pagsuko niya at umatras pa. "We'll talk later, okay?"


Hindi na ako sumagot at umalis na rin lang siya, hindi kinaya ang cold treatment ko sa kanya. I'm disappointed and upset, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa ama ko. Tuluyang nasira ang araw ko bago pa man ako makaalis ng bahay kanina. Wala na ako sa mood pa. Dad called and told me the 'good news' as per himself. He finally got the guts to show off the consequent of his past, his mistake.


What as shame. A dashed shame.



—FLASHBACK—



"Hi, dad." Bati ko matapos sagutin ang tawag niya. "What's up? Ba't ka napatawag?"


"Nothing, honey. Nakaalis kana ba? Can I talk to you for a minute? May sasabihin lang ako. Mabilis lang 'to."


"Sure."


"It's a good news...at least for me. Hindi ko alam kung matutuwa ka pero kailangan mo pa rin namang malaman." Hindi ako umimik. Nakinig ako ng mabuti. "Makikilala mo na ang kapatid mo."


"Kapatid?" Tanong ko.


"Yes. Ang kapatid mong nasa—!"


"Wala akong kapatid, dad." I cut off. Sumiklab agad ang hindi ko maipaliwanag na emosyon. Yeah, of course, good news 'to sa kanya 'cause it's his son! Anak niya sa labas. "Hindi ako interesadong makilala siya."


"Samantha..."


"No."


"Kapatid mo pa rin siya kahit...kahit..." hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin. Hindi niya mabanggit. "...kahit hindi kayo purong magkadugo."


"Pinaganda niyo pa. Bakit hindi mo masabing anak siya ng naging babae mo? Anak mo siya sa labas, dad!" Naiiyak nang singhal ko.


"Samantha!"


"Totoo naman ah. Anak mo siya sa labas!"


"Oo na! Anak ko siya sa labas. But, he's still your brother! May dugo akong nananalaytay sa inyong dalawa!"


"I don't care with your blood!" Pabalang na sagot ko.


"Sumasagot kana talaga, Samantha!"


"Dennis! I told you, hindi magugustuhan ng anak mo 'to." Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni mommy. Magkasama silang dalawa. "Walang kapatid ang anak ko. Dahil anak mo lang ang lalaking 'yon sa hudas na pagkakamali na ginawa mo!"


"Bakit ba hanggang ngayon ipinapamukha mo pa rin sa'kin ang pagkakamali ko noon?! Akala ko ba okay na tayo? Nagsisi na ako't kinalimutan ko na rin. Ano pa bang gusto mo?!" Napatingin ako sa screen ng phone ko. Nakalimutan na nilang kausap nila ako. "Sa ayaw at sa gusto niyo, magiging parte siya ng pamilya natin dahil anak ko rin siya!"


Napatiim-bagang na lamang ako. Marahas kong pinunasan ang butil ng luhang kumawala sa aking mata. Hindi na ako sumagot pa.


"Hindi ako makakapayag diyan, Dennis! H'wag kang gagawa ng sarili mong desisyon dahil hindi mo magugustuhan kapag ako na mismo ang nagdesisyon!" Dinig kong banta ni mommy na galit na rin.


Sa halip na sumagot, I ended the call. Ayaw ko na silang marinig pa sa walang kabuluhan na naman nilang pag-aaway.


I'm already exhausted with this toxic family matter. I'm so done with it.


—END OF FLASHBACK—



Akala ko dati tanggap ko na ng buo ang pagkakamaling nagawa ni daddy noon. Akala ko'y nakalimutan ko na ito kahit pa maungkat nang maungkat muli, ngunit hindi pa pala. Sariwang-sariwa pa rin ang poot dito sa puso ko. Kaya siguro hindi ako masaya, kaya lagi akong apektado sa mga bagay-bagay at sa mga nangyayari dahil ako mismo...hindi pa rin nagagawang tanggapin 'yon.


Meeting his son from a different mother? Huh. Hindi ko 'yon kakayanin lalo pa't may sama ng loob pa rin ako. Hanggat hindi humuhupa ang poot ko sa nangyari noon, hinding-hindi ko magagawang tanggapin ang anak niya. Wala akong kapatid! Pasensya na dad pero hindi ako papayag na mapabilang siya sa pamilya natin. Ganito kawasak ang pamilya at samahan natin ngayon dahil sa kanila. Sana hindi tayo nagkakaganito kung hindi ka nagpapasok ng ibang tao sa buhay mo. Masaya sana tayo ngayon kung una pa lamang ay pinahalagahan mo na ang iyong mag-ina. Ang iyong pamilya. But, you chose to ruin it.


Tumalikod ako sa karagatan at sumandal sa railings. Tumingala ako para pigilan ang luha kong pabagsak na naman.


Damn it!


"Hello?! Mom, naririnig mo ba ako?"


Doon ko lang tuluyang napigilan ang luha ko. Napatingin ako sa gawi na pinanggagalingan ng boses na malapit lang pala sa'kin. It's dugyot...again. Napairap ako nang makita siya. May kausap ito sa phone at base sa narinig ko, mommy niya ang kanyang kausap. Hindi niya ako napansin kaya hindi ko inalis sa kanya ang aking tingin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya ng mas matagal.


Actually, Akaizha was right. Hindi nga naman mukhang dugyot si Fuentes, but I still consider her as one. May magagawa ba kayo? Ako ang magd'desisyon dito.


"Huh? Nagmessage na ako kay daddy kanina na nagbago ang time departure. Napaaga nga kaya halos mastress ako. Ano? Mom, choppy talaga. Hindi kita maintindihan. Bukas na po kayo tumawag. Mahina ang signal dito. Bye, mom. Opo, bukas na. I love you too."


I smiled and chuckled. Mukhang mabait na anak nga itong si dugyot. I'm busy looking at her when she suddenly turned to me. Tapos na pala siya sa pakikipag-usap. Natigilan ako, ngunit gayunpaman ay hindi ko iyon ipinahalata sa pamamagitan ng hindi ko pag-iwas ng tingin sa kanya, sa halip ay mas tinitigan ko pa siya. Kagaya ko'y nagulat din siya nang malingunan ako. She stood there, staring at me too, and shock was written all over her face. Ini-examine ko ang mukha niya hanggang sa mapahinto ako sa mga mata niya. Her eyes are really unbelievably beautiful yet annoying. I hate it. Hinintay ko siyang magreact subalit hindi nangyari. Pero napangiti ako nang matauhan siya at mabilis na nag-iwas ng tingin nang mapagtantong nakatitig ako. Hindi niya ba kayang titigan ng matagal ang ganda ko? I have a strong effect on her, that's for sure. Her actions and expression can't even deny it.


I can't blame her though. Lahat naman ay nahuhumaling sa akin, mapababae man 'yan o lalaki. Ganon kalakas ang karisma ko. Sa mga bashers ko diyan, manahimik kayo. Wala kayong ambag sa ganda ko! Anyway, hindi na ako magtataka kung isang araw malaman ko na lamang na may gusto na rin sa akin itong si Fuentes. Ayos lang naman sa'kin basta h'wag lang siyang aamin kung ayaw niyang umuwing luhaan. You know what people, minsan mas mabuting itago mo na lamang ang nararamdaman mo for your heart's own safety.


Dahil sa kaba niya nang makita ako, taranta itong naglakad paalis at hindi pa man nakakalayo'y...bigla siyang natapilok dala ng malamang ay katangahan.


Ano ba 'yan. Dugyot na nga, tanga pa.


"A-aray!" Daing nito.


At dahil busilak ang aking puso...tinignan at hinayaan ko lang siya. Kaya na niya 'yan, malaki na siya. Bakit ko naman siya tutulungan? Sinabi ko bang magpakalampa siya? Serves her right.


Natatawa akong umiling. Aalis na sana ako para bumalik sa loob nang mapansing nasa lapag pa rin siya at hindi na makatayo. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung tutulungan ko ba siya o hindi. Sa huli'y wala akong nagawa kundi lapitan siya. Ayaw ko namang isipin niya AT ISIPIN NIYO na wala akong puso. Meron din naman. Ito na nga 'di ba, tutulungan ko na siya.


"Sa susunod kasi h'wag kang tatanga-tanga," sabi ko pagkalapit. Umupo ako sa paanan niya at hinawakan ang kanyang kanang paa. "Ito ba yung—!"


"Aray ko! H'wag mong hawakan! Masakit!" mangiyak-ngiyak na sigaw niya at pinalo pa talaga ang kamay ko. Siya na nga itong tinutulungan eh. "Mommy..."


"I'm not your mom!" sagot ko. Nagawa niya pa akong kunutan ng noo kahit puro sakit na ang nakapinta sa mukha niya. "Tayo diyan!" Malditang utos ko.


"H-hindi ako makatayo. It hurts."


"Tsk! You're such a troublesome, dugyot." Reklamo ko. Inilahad ko ang kamay ko na tinignan niya lang. "Take my hand, Fuentes! Aalalayan kita para makaupo dun!" Tukoy ko sa sulok kung saan may bangko. "Bilisan mo bago pa kita itapon sa dagat."


"Nagmamagandang loob ka ba talaga?"


"May sinasabi ka?!" Masungit na tanong ko.


Bubulong-bulong pa.


"W-wala."


Tinanggap niya rin ang kamay ko. Nung unang minuto'y iniisip ko na she should be grateful dahil ilan lang siya sa mga taong maswerteng nahawakan ang kamay ko. But, that thought instantly faded when a weird feeling rushed in. Napalunok ako ng lihim at napatitig sa mga kamay naming magkahawak nang maramdaman iyon. Her touch, her skin...it makes me feel an oddly satisfying sensation in my body. I feel like my whole system is malfunctioning as if there's a circuit inside me that failed to initialize.


"Uhh...?" Natauhan ako nang umimik siya. Naghihintay pala siyang tulungan ko siyang tumayo. Sa pagkawala sa wisyo'y biglaan ko siyang nahila nang wala man lang pag-iingat. "Aray! Dahan-dahan naman, monster."


"What did you say?!"


Her eyes widen. "Huh?"


"Did you just call me monster?!"


"M-monster? Did I say monster? Sabi ko master. Upo na ako dun master hehe."


I made face. Sinamaan ko na rin siya ng tingin saka ko inalalayang umupo. I sat down in front of her. Maingat kong tinanggal ang sapatos niya, and I checked her foot.


"Kailangan nating tawagin ang nurse para matignan 'tong paa mo. It's swelling." Sabi ko. May kasama kaming medical team sa pagpunta rito dahil hindi kami papayagang umalis ng paaralan nang hindi sila kasama. "Stay here. I'll call one of their team members."


Wala akong nakuhang sagot kaya naman nag-angat ako ng tingin. Hindi ko alam kung tulala ba siya o nakatitig lang talaga siya sa akin? Either of the two, alam kong nalulunod na siya sa ganda ko.


"Hey," pukaw ko sa kanya. Hindi ito sumagot. "Fuentes!" Tawag ko ulit sabay kaway ng kamay ko sa harapan niya pero hindi man lang siya kumurap. "Okay ka lang ba?"


Okay lang ba siya?


Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para malaman kung buhay pa ba siya. Doon ko napagmasdan ng literal at nang mas malapit ang kanyang mukha. Here we go again in her baby blue eyes. It's not really blue pero para itong nagiging kulay asul sa tuwing natatamaan ng ilaw o ng sinag ng araw. Hindi ko alam pero ang ganda ng mga mata niya at naiinis ako dahil lagi akong napapatingin sa mga ito. Then, her nose...her perfectly shaped nose na bumagay sa hugis ng mukha niya. And lastly, her lips...her natural pinkish lips that I once thought of kissing. Napalunok ako nang maalala 'yon. Gosh, why can't I think straight? Napansin ko rin na may maliit siyang nunal sa ibabang bahagi ng kanyang labi. Maganda itong tignan sa pwesto niya roon—WHAT THE HELL?!


SAMANTHA KHAIL!!!


Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa mga mata niya bago pa ako mawala sa sarili, at ganon na lamang ang gulat ko nang makitang pakurap-kurap na ito, gulat na naman dahil sa lapit namin sa isa't isa. Aatras na sana ako para dumistansya nang maunahan niya ako. Napabalikwas siya at itinulak ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig.


Fudge!


"What's wrong with you?!" Galit na asik ko sa kanya.


"S-sorry. O-okay ka lang ba?"


"Do I look like okay?! Tinulak mo ako!" Napahawak ako sa balakang ko. I grunt in pain. "Ang sakit."


"Sorry. I-ikaw kasi eh."


"Anong ako?!"


Great. Ako pa ang sinisi niya ah.


"Ang lapit kasi ng mukha mo. Nabigla lang naman ako."


"Excuse me!" I snapped. Tumayo ako at nameywang. Parang biglang nawala ang sakit dahil sa narinig ko. "You were staring at me like I'm the most...delicious food you've ever seen, Fuentes!"


"A-ano?"


"Gusto lang naman kitang i-check kung okay ka pa ba dahil titig na titig ka sa'kin kaya inilapit ko ang mukha ko. Bakit, akala mo ba hahalikan kita?!" I grinned. I snorted. "Ha! You wish!"


"H-hindi noh! Bakit ko naman iisipin 'yon?!"


"Who knows. Fyi, never kitang hahalikan. Kilabutan ka nga. Pareho tayong straight—wait, are you...?" duda ko siyang tinignan.


"Straight pa ako sa buhok mo! Straight as a pole!"


______________

SKYLIE's•



"Who knows. Fyi, never kitang hahalikan. Kilabutan ka nga. Pareho tayong straight—wait, are you...?" She hesitantly asked, giving me a suspicious look while pointing at me.


Jusme. She's so full of herself. Hindi ko kinakaya ang kahanginan niya magmula pa kanina.


"Straight pa ako sa buhok mo! Straight as pole!"


"Marami na ang nagsabi sa'kin niyan. Sa ganda kong ito pati babae nagkakandarapa, dugyot." Mayabang na turo niya pa sa kanyang sarili. Grabe. Hindi kaya lumubog 'tong barko sa lakas ng hangin niya sa katawan? Hindi pa ba siya kinakabahan sa mga pinagsasabi niya? "You can't be so sure dahil baka isa ka rin sakanila. Kahit straight ka pa hindi malabong magkagusto ka sa'kin, BUT...just to let you know, wala kang pag-asa sa'kin." Tumango na lamang ako at lihim na napabuntong hininga. Ang dami niyang satsat as if magkakagusto talaga ako sa kanya. Duh! "Wanna know why?" NO! "First, straight ako. Second, may boyfriend ako. Third, hindi ako na-aattract sa girls lalo na kung sayo lang naman." Wow, the discrimination is right there. "Fourth...against ako sa same sex relationship," pagtatapos niya.


Napamaang lang ako. Ang kapal ng mukha niya para isama ako sa mga girl admirers niya. Tumingala ako sa kanya since hindi ako makatayo para pantayan siya.


"Ms. Samantha Monteclaro..." binigyan ko siya ng ngiting pilit na pilit. "Maganda ka pero hindi kita type dahil kagaya mo...straight din ako. At kung hindi man...kung baliko man ako...hindi pa rin kita magiging type because a person who is homophobic as you turns me off!" diin ko. I forced a smile again and stubbornly looked away.


Matagal bago ito sumagot. Ramdam ko ang matinding titig niya sa akin. "Really, huh?" Singhap niya. Nahihimigan ko ang pagkadisgusto niya sa narinig. "Let's see. Hindi naman kita papatulan. H'wag kang luluhod sa akin balang araw para lang sabihing gusto mo ako dahil paiiyakin lang kita," biglang pagbabanta niya.


I mentally slapped my forehead. Hindi ko na talaga siya kere pa. Nakakairita ang babaeng 'to. Akala niya siguro napakaganda niya! May nakakabit bang aircon sa organs nito? Curious lang.


"Umalis kana nga rito, mons—Monteclaro!"


Naiirita na ako sa kanya ah.


Akala ko'y magagalit siya ngunit hindi. Nag-angat ako ng tingin dahil nakatayo pa rin siya sa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang makitang nakangiti siya, and at the same time natuwa ako. I'm so weird, I know. At nandito na naman ang pamilyar na pakiramdam, pamilyar ngunit hindi ko pa rin matukoy kung ano.


I really like it when she's showing off her genuine smile. It makes her look like a whole new different person. Hindi siya monster sa paningin ko, nagiging anghel pa kamo.


Sana lagi siyang ganito kaso malabo. Kasing labo na magkakatuluyan kayo ng crush mo.


"You look like a mad puppy right now, dugyot."


Dahil late reaction ako, huli na nang marealize ko ang sinabi niya. Napatayo ako. "Anong akala mo sa'kin tuta?!" At nakalimutan ko namang masakit nga pala ang paa ko. Wrong move ulit. Ang tanga ko talaga. "Ouch!" Hindi ko nacontrol ang balanse ko sa sobrang sakit. Bumagsak ako.


It's so cliche pero ano pa nga ba, kapag bumagsak ka o 'di kaya'y natumba, sasaluhin ka ng isang tao tapos magkakatinginan kayo. tapos—asa pa tayo. Walang ganon dito dahil sahig ang sumalo sa'kin. Sahig po, opo! You know what, sana hindi na lang ako sinalo ng sahig na 'to kung masasaktan lang din naman ako. Salamat sa pagmamagandang loob sahig. Salamat sa effort mong saluhin ako, but it still hurts. Salamat talaga. Kawawa naman ako. Hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayari ngayong araw. Dapat masaya ako dahil sa wakas makakarating na rin ako sa Palawan pero ano...ito pa ang makukuha kong kapalit?! Grabe namang kamalasan 'to.


Why am I suffering like this?!



"Sino ba kasing may sabi sayong tumayo ka nang wala ako? Hindi ka talaga nag-iingat!" Nagulat na naman ako. Paano ba naman ay bigla na namang sumulpot si monster. Napatingin ako sa kanya na nasa harapan ko ngayon na bigla na lamang umupo, itinukod ang isang tuhod sa sahig at muling tinignan ang paa ko. Inis na inis ang mukha niya, but still looking hot. "I'm doing this because I'm the school President."


Eh?


Tumango ako pero may pagtataka. She sounds so defensive. Nakagat ko ang labi ko para lang pigilan ang pagngiti. Kinikilig ako sa kanya ngayon dahil ang bait niya...ngayon lang din naman. Walang malisya 'to ah. Walang malisya kahit nagwawala na naman ang puso ko at kinakabahan na naman ako.


"Stop staring at me na, dugyot! Kanina ka pa ah." Pagalit niya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Kanina pa ba ako nakatitig?! "Tumayo kana diyan. Umupo ka ulit dito," inalalayan niya ulit ako.


"T-thank you."



"Stay here, okay?! Tatawagin ko lang ang nurse. H'wag kang tatayo. Ang tigas ng ulo mo!"


Ang sungit naman nito.


"Okay po," I pout.


Nakangiti ko siyang sinundan ng tingin.


Ang bait naman ng monster na yon haha.


Hinintay ko siyang bumalik pero hindi...ang nurse na lamang kasama si Rob at Gwen ang lumabas. Sinermonan pa ako ng dalawang magaling kong kaibigan habang ginagamot ako ng nurse.


"Gagaling din ito agad basta h'wag ka lang matutumba ulit," pabirong sabi ng medical assistant namin pagkatapos akong saktan—este gamutin. Hawakan ba naman ang paa ko at pisilin. Ang sakit lang, akala ko nga ay tutuluyan na niya akong balian. Pasalamat siya gwapo siya, char. "We're done. Pahinga mo muna 'yan. Balik na ako sa loob."


"Thank you po."


"Sa susunod kasi ulap, h'wag tatanga-tanga!" Ayan na naman ang bunganga ni Gwen na ayaw akong tigilan. Bumanat na naman siya pagkaalis ng nurse.


"Oo nga," segunda ni Rob. Pinagtutulungan ako ng dalawang 'to ah. Nasaktan na nga ako, sesermunan pa nila ako. Mga walang awa! "Muntik nang napunta sa wala ang Palawan trip mo, Sky."


"Sabi kasing doon nalang tayo sa loob eh, kung saan- saan ka pa pumupunta," Gwen ulit.


"Paano kana mags'swimming niyan?" Rob na naman. Salitan silang dalawa.


"Paano ka makakapaglibot?! Paano ka makakaakyat sa Mount Tapyas?" Gwen.


"Teka, teka. Tama na. Okay na." Pigil ko sa armalite nilang bunganga. "Gets ko nang tanga at lampa ako basta manahimik na kayong dalawa! Por pabor!" Naiiling akong napahawak sa sentido ko. Napa-Spanish pa tuloy ako. "Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Gagaling din naman 'to agad. Tumawag kasi si mommy kaya lumabas ako rito."


"Paano ka naman natapilok?" Rob.


"Diyan oh!" Turo ko sa bakal na nakausli. "Paano ba naman kasi itong si mons—!" nahinto ako. Hindi ko naituloy.


"Sino?!" Sabay nilang tanong.


"Wala. Pasok na tayo."


"Si Monteclaro ba?" Tumama na naman si Gwen sa hula niya. "Tinulak ka ba niya?!"


"Gaga, hindi! Ano...nataranta lang ako nang makita siya tapos...hindi ko napansin 'yung bakal kaya ayon...nangyari ang hindi dapat mangyari," nakangusong sabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa, makahulugang tingin. "Oh, bakit?" Takang tanong ko.


"Bakit ka naman nataranta?" Tanong ni Rob.


"Uhh..." nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Bakit nga ba ako nataranta kanina? Hindi ko alam! "Uhm..."


"Uhh...?" Gwen.


"Hmm?" Rob.


"Ano...kasi nga...," Darn it. Bakit nga ba? "kasi nga...personal target na niya ako, right? So, s-syempre, natakot ako!"


Yeah, that might be it.


"Ahh..." Gwen. Tumingin siya kay Rob at tumango-tango na naman. "Okay."


"Okay." Segunda rin ni Rob.


"Okay, good. Okay na? Pwede na tayong bumalik sa loob?" Nagkatinginan silang muli at sabay na tumango. "Ang weird niyo!"


Sana talaga hindi nila iniisip na tinulak ako ni monster dahil hindi naman nangyari 'yon, lampa lang talaga ako.


"Ibang disgrasya na pala," Rob.



TO BE CONTINUED...

Olvasás folytatása

You'll Also Like

709K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
8.3K 606 13
A GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle...
110K 3K 65
© 2017 - Beauty and her Knight in shining armor. ☺️ [Completed]
108K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.