Pain ☑️

By Yaoistorywriter

152K 6.4K 586

An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different conse... More

Pain
First Teardrop
Second Teardrop
Third Teardrop
Fourth Teardrop
Fifth Teardrop
Sixth Teardrop
Seventh Teardrop
Eighth Teardrop
Ninth Teardrop
Tenth Teardrop
Eleventh Teardrop
Twelfth Teardrop
Thirteenth Teardrop
Fourteenth Teardrop
Fifteenth Teardrop
Sixteenth Teardrop
Seventeenth Teardrop
Eighteenth Teardrop
Nineteenth Teardrop
Twentieth Teardrop
Twenty First Teardrop
Twenty Second Teardrop
Twenty Third Teardrop
Twenty Fourth Teardrop
Twenty Fifth Teardrop
Twenty Sixth Teardrop
Twenty Seventh Teardrop
Twenty Eighth Teardrop
Twenty Ninth Teardrop
Last Teardrop
Salamat!
Special Chapter 1

Thirtieth Teardrop

4.4K 170 17
By Yaoistorywriter


-30-

NATE.


Two weeks rin akong nag-stay sa hospital at ngayon nga ay nakalabas na ako. Nandito na ako ngayon sa aking kwarto.

Sa loob ng two weeks na 'yon, palaging nakabantay sa akin si Drew tuwing gabi. Sa totoo lang, naawa ako sa kanya. He kept on saying sorry. Akala lang nya, hindi ko naririnig. Pero nagigising ako tuwing kinakausap nya ako.

Busy sya sa trabaho. Pero kapag gabi, nagagawa pa nya akong bantayan. Sinabi rin niya sa akin na sya ang bahala sa pagkawala ko ng dalawang linggo.

At ngayon nga, ay nagpapahinga na ako dito sa kwarto ko. I received a text message from Drew. Susunduin daw nya ako bukas ng umaga.

Birthday ko na bukas. Kaya, pinilit ko na rin na lumabas talaga ng ospital bago ang birthday ko and besides, ok na rin naman ako. Talagang nawalan lang ako nang malay at nagkaroon ng abnormalities sa heartbeat ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Ang daming ibinigay ng Diyos na pagsubok sa amin ni Drew. Oras, tadhana, at panahon. Lahat, sabay sabay. Kaakibat nito ang sakit.

At sa lahat ng pagsubok na 'yon, natuto akong maging matatag. Natuto akong lumaban. Kailangan kong balansehin ang lahat ng pangyayari, at mga mangyayari pa sa hinaharap.

Inaamin ko, nasaktan talaga ako sa ginawa ni Drew. Ang sakit ng ginawa nya na humalik ng ibang babae sa harapan ko. Masakit ang ginawa niyang pananaboy sa akin. Maging ang muntikan nyang pakikipagtalik sa akin. At oo, naminsanang sumagi sa isip ko na magalit sa kanya.

Pero hindi ko magawa. Dahil ako ang dahilan ng lahat ng iyon. Nangako ako sa kanya at hindi ko tinupad.

At ngayon, gusto ko nang makahinga ng maayos. Ayoko nang mag-isip ng kahit ano. Gusto ko nang umalis sa lahat ng sakit.

Kailangan kong palitan ang nasa isip ko ng masasayang pangyayari. At mga masasaya pang mangyayari.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

~*~

Naramdaman kong may tumutusok sa pisngi ko. Hindi naman ito masakit. Kaya lang, masyado pa akong antok para gumising.

"Mamaya naaaa." Sabi ko sabay hikab at natulog uli ako.

Maya-maya, may tumusok uli sa pisngi ko at medyo napalakas na ito kaya naman napabangon ako bigla.

"Ano baaaa inaantok pa akooo!" Sabi ko.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Malabo pa ito. Tumingin ako sa taong nasa tabi ng kama ko.

"Kuya Mac?" Tanong ko.

"Mas gwapo ako dun." Sabi nito.

"Kuya Lance?"

"Mas gwapo rin ako dun."

"Kuya JP?"

"JP? Ayun ba 'yung nanuntok at nanakal sa akin? Mas gwapo rin ako doon."

Pinilit kong i-focus ang mata ko sa taong nasa tabi ko.

It was Drew.

"D-drew?! Sinuntok at sinakal ka ni kuya JP?" Tanong ko sa kanya.

He smiled. Sobrang puti talaga nya. He's shining. Nakaputi siyang t-shirt at nasisinagan pa sya ng morning sunshine.

"Haha. Oo. Deserve ko naman 'yon, and besides nagkausap na kami. Nag-sorry na ako at nag-sorry rin sya. Ayos na kami ngayon. Anyways, good morning, my prince. Sarap ng tulog mo ah, baka nag wet dreams ka pa? Sa akin?" Sabi nya.

Pinanliitan ko siya ng mata. Bwiset, Drew. Ang ganda ng gising ko ngayon, 'wag mong sirain! Sasakalin talaga kita!

"H-hindi, no!" Sabi ko at tumayo na ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos manlumo ako sa nakita ko. May tuyong panis na laway ako sa kaliwang parte ng labi ko. Pababa ito hanggang baba. Putek, binaha ba ang bibig ko kagabi habang natutulog ako?

May muta rin ako. Parehas na mata. Tinakpan ko ang mukha ko at lumabas ako ng kwarto. Bigla naman akong hinawakan ni Drew sa bewang. He hugged me from the back.

"Nasabi ko na sa'yo 'to, Nate. No matter how gross you seem, you'll always look presentable." Sabi nya.

Natigilan ako. Naalala ko 'yung sinabi nya sa akin noon.

Kahit magsuot ka ng sira-sirang damit, you'll always look presentable.

Drew. Mukhang ikaw pa ang tutunaw sa mahina kong puso.

"S-sinasabi mo ba na ang gross kong tingnan ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot nya at saka sya tumawa.

Putek. Inirapan ko sya at pumunta na ako ng banyo. Naghilamos ako ng bongga at napatingin ako sa salamin.

Na-miss ko siya. Na-miss ko ang tawa nya. Ang ngiti nya, ang tingin nya sa akin -- na-miss ko nang sobra. Na-miss ko ang dating Drew.

And somehow, I'm glad that he's back.

I sigh. It's all worth the pain and tears.

~*~

"Anak, may pupuntahan pa daw kayo ni Drew. Umuna na kayo. Susunod na lang kami ng mga kapatid mo." Sabi ni nanay.

Napatingin naman ako kay Drew. Nginitian lang nya ako. Ano na namang balak nito?

"Sige nay." Sabi ko at niyakap ko siya.

"Anak, masaya ako para sa'yo." Sabi ni nanay sa akin.

"Salamat, nay." Sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at humiwalay na ako sa yakap nya.

"Oh bro, ingatan mo si bakla ha. Yari ka sakin kapag nawala 'yan," sabi ni kuya Mac.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Nawala talaga?"

Drew chuckled, "I will, I will."

Hinawakan na ni Drew ang kamay ko at sumakay kami sa kanyang kotse. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko, sabi niya pagkatapos daw niya akong dalhin sa kung saan ay didiretso na kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang aking tatay.

Tumigil kami sa tapat ng bahay nila na ikinataka ko.

"May kukunin lang ako saglit," sabi nya.

"T-teka, sama ako!" Bumaba kami ng kotse ni Drew at pumasok na kami sa bahay nila.

Pagkapasok na pagkapasok namin papunta sa kanilang sala, unang bumungad sa amin ang kanyang kuya na si Dandrev. Nakaformal suit ito and yes, like Drew, he looks so stunningly gorgeous.

"Napabalik ka?" Tanong nito kay Drew.

"May nakalimutan lang ako." Tumingin sa akin si Drew, "Upo ka muna, hintayin mo na lang ako." Sabi nya.

Umupo na ako sa sofa at maya-maya, umupo rin si kuya Dandrev sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya saglit pero iniwas ko rin ito.

Akala ba nya nakalimutan ko na 'yung sinabi nya sa akin noon? Pwes hindi.

"Nate," tawag nito sa akin.

Hindi ako nagsalita. Kinuha ko ang phone ko at kunwari ay kinakalikot ko ito.

He sigh, "I knew it, and I'm sorry." Sabi nya. At saka ako napatingin sa kanya.

He seemed sincere by his words.

"I'm really sorry," sabi pa nya.

Hindi pa rin ako nagsalita.

"Nate naman o, para namang wala tayong pinagsamahan," he paused, "w-wala eh, ayon ang sinabi sa akin ni Drew na sabihin sa'yo. Sorry talaga." Sabi nya.

Maya-maya ay dumating na si Drew. Tumayo na ako at akmang palabas na nang bigla akong harangan ni kuya Dandrev.

"Nate," he said.

Unti-unti ko siyang nginitan.

"Hindi naman talaga ako galit. Echos echos ko lang 'yun, haha." Sabi ko.

His face enlighten, "Hindi ka talaga galit sa akin?" Tanong nya.

Nginitian ko uli sya. "Hindi. Nag-inarte lang ako hehe. Niloko ko lang kayo. Pero hindi talaga ako galit." Sabi ko.

Then, he smiled as well.

~*~

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta Drew?" Tanong ko kay Drew ng makabalik kami sa kotse. Ngumiti lang siya.

"Basta, surprise." Sabi nya.

"Pa-suspense pa, dami mong alam eh."

Tumingin sya sa akin, "Nate, this is no ordinary day. It's your day." Sabi nya. He smiled again.

T

initigan ko siya. Every inch of him was perfect. From his physical appearance to his attitude. May pagkama-pride at ego sya kagaya ko pero alam nya kung paano sya lulugar. Nagawa lang talaga nyang magalit sa akin ng matindi dahil sa nagawa ko. Pero paulit-ulit na rin naman syang humingi ng tawad.

Sabi noong teacher ko nung elementary, sabi daw sa bible na ang dapat magmahalan lang ay babae at lalaki. Sila dapat dahil makakapag-produce sila ng anak biologically. Na hindi magagawa ng lalaki sa lalaki at babae sa babae. Hindi ko alam kung saang part ng kasabihan na 'yun ang hindi ko maintindihan.

Minahal ko si Drew. At mahal ko sya hanggang ngayon. Pagkakasala na ba ito? Kailangan ko ba itong pigilan?

Hindi. Kahit kailangan, hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko. Mali man sa paningin ng iba, pero wala na silang magagawa. Hindi nila hawak ang puso ko, at mas lalong hindi ko ito madidiktahan na tumibok para sa iba.

Love is happiness. My family, my friends -- they are all my happiness 'cause I love them.

Drew is my happiness. Because I love him.

I smiled at the thought at ibinaling ko na ang tingin ko sa bintana.

~*~

"Nandito na tayo!" Sabi nya at bumaba na kami ng kotse.

Nagulat ako sa nakita ko. Akala ko ang layo-layo na ng narating namin. Nandito lang pala kami sa playground. Sa playground na palagi kong pinupuntahan.

Hindi ako nagulat dahil nandito kami sa playground. Nagulat ako dahil nag-iba ang itsura nito. Hindi na uli ito marumi.

Maayos na uli ito. Marami nang mga batang naglalaro, malinis na ang kadena nung swing, maayos na rin ang slide at nadagdagan pa ng dalawa. Maayos na rin 'yung seesaw pati ang monkey bars. Napansin kong parang lumawak rin ito.

Hindi lang 'yon. Bumalik na rin ang perya. Maraming tao, malawak ang lugar. Nawala na ang matataas na talahib na tila napabayaan ng ilang taon. Napalitan ito ng masasayang tao at mga bata. Sigurado akong may mga nabubuong masasayang alaala rin dito.

"D-drew.."

Tumingin ako kay Drew. Ngumiti siya.

"Binili ko ang lupang 'yan, Nate. Ako ang nagpalinis at nagpaayos. Pinabalik ko rin ang pamilyang nagnenegosyo diyan ng perya. Ayan ang inasikaso ko noong nawala ako ng dalawang linggo. Actually hindi naman talaga ako nawala. Nasa clinic lang ako. Wala kasi akong mukhang maiharap sa'yo noon kaya sa clinic ako dumidiretso. Nate," inilapit nya ang kanyang mukha sa akin at hinawakan nya ako sa magkabila kong braso, "Happy birthday. Ito ang birthday gift ko para sa'yo." Sabi nya.

Tinitigan ko sya sa mata. Nagniningning ito. Malinaw. Kitang-kita ko ang aking repleksyon.

"Drew.." sabi ko at napayuko ako. Gusto kong umiyak. Umiyak pero hindi sa sakit na nararamdaman.

Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Then, ibinalik ko ang tingin ko kay Drew. I smiled at him genuinely.

"Maraming maraming salamat, Drew." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at hinigit na nya ang kamay ko papuntang peryahan.

"Nate, doon tayo sa ferris wheel!" Sabi nya.

Napatingin ako sa ferris wheel na tinutukoy nya. Akala ko, ito 'yung katulad noong nasa Enchanted Kingdom, MoA, o Star City. Pero hindi. Medyo maliit lang ito at mabilis umikot. Parang ang sarap sumakay. Pero alam ko na ang feeling na sumakay diyan.

Alam nyo 'yun? 'Yung typical peryahan ferris wheel.

Nginitian ko si Drew, "Ge, fight!" Sabi ko.

Pipila na sana kami sa bilihan ng ticket nang biglang napatigil si Drew.

"Wait, hindi pala pwede." Sabi nya.

Napakunot naman ang noo ko. "Bakit?"

"Ikaw." Sabi nya. Na-gets ko naman kaagad ang sinasabi nya.

"Ok lang ako, Drew! Really! Tsaka tingnan mo o," tinuro ko yung ferris wheel, "basic lang 'yan! Hindi ako hihimatayin dyan." Sabi ko.

Nag-alinlangan pa sya pero pinilit ko sya. Pumayag rin naman sya at bumili na kami ng ticket.

Pagkabili namin, saktong turn na rin namin kaya naman sumakay na kami ni Drew.

"D-drew, parang kinabahan ako bigla," sabi ko.

"Ano ba talaga, Nate? Sabihin mo lang hangga't hindi pa naandar, aalis tayo dito," sabi nya.

Tumawa ako, "Joke lang! Haha, kering keri ko 'to." I told him.

"Ganito na lang," sabi nya at inayos nya ang bakal na nagsisilbing proteksyon namin para hindi malaglag, "kapag nasa tuktok na tayo at pababa na, may isisigaw ako. Pakinggan mo, ha?" Sabi nya.

Nginitian ko sya. "Fine, fine!" Sabi ko.

Maya maya ay nag-umpisa nang umikot ang ferris wheel. Sheet of paper. Eto naaaa! Hindi sya simpleng ferris wheel, swear! Nakakatakot siya na ewan!

"WAAAAAAAAAAAH!"

"I LOVE YOU NAAAAAATE!!!! PWEDE MO BA AKONG MAGING BOYPREN??!!!"

Napatingin ako kay Drew. Magulo na ang buhok nya dahil sa hangin. I smiled at him.

Nung pangalawang loop, ako naman 'yung sumigaw.

"BALIW KA BA ANO PA BA 'TOMG GINAGAWA NATIN?" Sigaw ko.

Tumingin sa akin si Drew.

"Is that a yes?" tanong nya.

I nodded. 'Yung ilang mahabang strands ng buhok ko humaharang na sa mata ko dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Nung third loop, sumigaw uli siya.

"MAHAL NA MAHAL KITA, NATE! HAPPY BIRTHDAY AND I'M SORRY!"

Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako dahil nakita ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata nya.

"Ilang beses ko ng sinasabi sa'yo to, but Nate, Sorry, sorry, sorry. You're the best thing that happened in my life. Hindi ko na hahayaang masira uli tayo. Hindi ako papayag na sirain uli tayo ng panahon." Sabi niya.

Napatitig ako sa kanya. Kahit nasa ride kami, pinunasan ko ang luha niya gamit ang kaliwa kong kamay.

Ano bang ginawa ko, Panginoon?

Anong ginawa ko?

What did I do to deserve a guy like him?

ITUTULOY.

Continue Reading

You'll Also Like

25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
50.1K 3.3K 32
Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag...
11.7M 210K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...