Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER...

By Janztrich

2.8M 53.3K 46K

Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Montec... More

AGNC
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 3

63.6K 1.6K 611
By Janztrich

AVOIDING HER

SKYLIE's•


"Bakit nga ulit tayo nandito?" Tanong ni Gwen na palinga-linga sa paligid.


Kasalukuyan kaming nasa library. Tinangay ko si Kim Robert at Gwen Chloe para dito tumambay dahil sa aga naming pumasok ngayon. Feeling book lovers ang peg, ika pa ni Roberto. Hindi kasi ako ang tipo na pupunta rito. Minsan lang ako mapadpad dito at yon ay kapag napag-utusan lang ng teacher.


"Nandito tayo para matuwa naman sa atin si Ms. Librarian. Pasipsip ganon," sagot ni Rob na patagong kumakalikot ng kanyang cell phone dahil bawal ang gadgets dito.


"Paanong matutuwa? Tch, mas matutuwa pa nga yata siya kung walang tao rito. Ang boring dito. I hate this place. I hate this too!" patuloy lang na reklamo ni Gwen at pinalo pa ang kawawang libro.


"Tumigil ka nga! Magbasa ka nalang diyan," saway ko.


Coming from me na hindi rin nagbabasa. Panay lang ang hawi ko sa mga pages pero wala rin akong pakialam. Kahit isa sa aming tatlo walang mahilig magbasa o sa libro.


"Sa daming lugar sa labas, bakit dito pa?!"


Ilang beses kayang ipinanganak 'tong si Gwen Chloe?


"Paulit-ulit ka."


"Girl!" Sabay kaming napatingin kay Rob na medyo napalakas ang boses, nakatingin ito kay Gwen. Napahawak ako sa dibdib ko. "Mahiya ka naman, Vice president ka tapos allergy ka sa library? Ngayon ka na nga lang napunta rito, magrereklamo ka pa."


Napakurap ako. Sasagot na sana ako nang sumagot din itong isa. "Woy, Robert. Una sa lahat h'wag mo 'kong mahoyhoy diyan baka tadyakan kita. Mainit ang ulo ko. Para sabihin ko sayo at para alam mo, walang kinalaman ang library sa pagiging Vice President ko! Bakit? Ito ba ang nagpapanalo sa'kin? Ha?! Hindi naman di ba?"


Nasapo ko ang noo gamit ang librong hawak ko. Nako po, ito na naman sila. Napabuntong hininga si Rob at naiiling na ibinalik sa bag ang kanyang phone bago muling humarap ng maayos kay Gwen. Face to face argument na naman ito. "You don't get my point, do you? Ganito kasi yon...magpakitang tao ka naman! Napakabold mo! Alam mo yon...sana man lang panindigan mo rin ang tungkulin mo."


Ay ano to? Labasan na ng sama ng loob?


"Library pa ba pinag-uusapan natin dito?" Sumeryoso na rin ang mukha ng isa. Nakatingin lang ako, at hindi makapaniwalang mag-aaway pa talaga sila rito.


"Hindi lang library! Tch, nevermind. Kahit nga pala obligasyon mo hindi mo iniintindi, pagpunta pa kaya rito." irap niya pa.


"Ano bang——! Boy version ka ba ng punyemas na Monteclaro na yon?! Magsama-sama kaya kayo, ano?!"


Ba't nadamay ang monster na yon?


Kaya ayaw kong sumali sa mga organisasyon dito sa school, ayaw ko ng may katungkulan kasi ganito sila. Tignan mo naman 'tong dalawang 'to. Halos araw-araw silang ganito.


"Kung mag-aaway kayo pakihinaan nalang ang boses niyo baka masita tayo," paalala ko na lamang sa kanila.


Malamang damay na naman ako.


Inalis ko ang tingin sa kanila pero agad din akong napatingin ulit kay Gwen nang mapansin ang masama niyang tingin sa'kin.


May nasabi ba akong mali?


"Oh, bakit?" Pagtataray ko.


Gumalaw ang noo niya senyales ng pagkairita. Papatalo ba siya, syempre mas mataray siya. "Ano bang nakain mo? Datirati naman sa canteen tayo tumatambay kasi nandon ang crush mong mukhang lumpia. Oh anyare? Bakit tayo napadpad dito? Nag-iba na ba ang ihip ng hangin?" Mahabang satsat niya, tonong nangungutya.


Dagukan ko kaya 'to? Maka-mukhang lumpia naman siya.


Canteen? Nakakasawa na ang tumambay roon. And, for your information hindi ako ganon kapatay sa crush ko para abangan siya araw-araw sa lugar na yon.


"Oo nag-iba na, kasi kahit saan naman tayo pumuwesto, puro ka pa rin reklamo! Ginawa na nating tambayan ang canteen kahit hindi naman dapat. Nauubos lang ang pera natin doon kabibili ng mga ginto nilang paninda. Mas maganda rito at least may matututunan pa tayo. Hmm?" Ngumiti ako ng matamis na may halong peke sa kanilang dalawa.


"Magkakalagnat yata ako," ani ni Rob.


"Ako rin," sang-ayon ng isa. Nakangiwi silang pareho dahil sa sinabi ko.


"Grabe kayo sa'kin. Anong tingin niyo sa'kin maharot na talaga at puro crush crush na lang? Hindi ba pwedeng naiingayan na ako roon at kelangan ko lang ng peace of mind?" Hindi ako makapaniwala sa dalawang 'to. Bakit ganito sila mag-isip?


"Peace of mind last week tapos peace of mind pa rin ngayon? Magulo ba sa canteen o magulo na ang utak mo, mars?" Rob.


"Matagal ng maingay sa canteen, ngayon mo lang narealiaze? Ayaw mo dun kasi maingay at dito naman tayo pumunta sa opposite kung saan sobrang tahimik," Gwen added and snorted.


Pinagtutulungan ba nila ako? Aba't kanina lang sila yung nag-aaway ah.


"Kaya nga rito ko kayo dinala di ba? Gusto ko ng katahimikan para naman marelax man lang ako at ang isipan ko...kaya kung maaari sana...pwedeng tumahimik ka?" Asik ko sa kanya. "Kayong dalawa pala," damay ko kay Rob at kapwa ko silang inirapan.


"Ang boring naman kasi talaga rito, ses." Sabi pa ni Rob at nilibot ng tingin ang library. "Wala man lang pumupunta rito."


"Kaya nga peaceful, hindi ba?"


Sa panahon ngayon? Iilan na lamang ang makikita mong pumupunta sa ganitong lugar. Halos lahat kasi nadadaan na sa teknolohiya kaya nawawalan na ng halaga ang mga bagay na mahalaga noon. Nakakalungkot lang isipin na ang dami nang nagbabago at ang dami nang naisasantabi. Sa halip na palaguin, kanilang pinalitan.


"Seryosong usapan, ulap. Tapatin mo kami. Bakit ba talaga tayo nandito? May problema ba?" Seryosong tanong ni Gwen.


"Wala nga, besh."


"Nagsisinungaling yan," kontra agad ni bakla.


Kapag ba pumunta ng library may problema na agad?


"Baka naman nagsawa na siya sa pagmumukha ng crush niya kaya change location na, hahaha." Kantiyaw ni Gwenita. "Well, good to know that."


"Porke't pumuntang library may problema na agad? OA niyo ah. Nagtitipid lang talaga ako," pagrarason ko naman.


"Anong kinalaman ng library sa pagtitipid mo, besh?"


"Wala naman pero ang canteen meron," sagot ko kay Rob.


Ang totoo niyan may dahilan talaga ako kung bakit nag-iba kami ng lokasyon. Hindi ko lang magawang sabihin dito sa dalawa dahil ayaw ko namang madamay pa sila. Mahal ko naman ang mga 'to kahit mga pasaway at sakit sa ulo. Doon sana talaga kami tatambay sa canteen gaya ng nakagawian kaso sa kasamaang-palad, may nasilayan akong hindi kaaya-aya. Natakot ako nang makita ko siya roon, ang babaeng banta sa aking precious life. Ang taong ni minsan hindi pumasok sa isipan ko na makakasalamuha ko balang araw.


'We're not done yet, Stupid Dugyot!' Hindi ko mabura sa isipan ko ang huling linyang binitiwan niya. Para itong nagrerewind sa utak ko magmula pa kahapon. Ang linyang yan ang dahilan kung bakit nandito kami sa library ngayon. As much as possible gusto kong iwasan siya. Gusto kong umiwas sa gulo.


O, baka naman natatakot ka?


Ano? Ako, matatakot? HAHAHA—


Nakakatakot naman kasi talaga siya. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, huhu.


Oo, natatakot ako. Sino ba namang hindi? Knowing that monster, napakabully ng taong yon. Wala sa pangarap ko ang maging bully victim, mare. Sino ba ang gugustuhing maging biktima ng babaeng yon? Sino?! Palitan niyo ako rito. Hindi ko ginusto 'to. Ang bait-bait kong tao.


Wish ko lang sana makalimutan niya ako.


Ang tanong naalala niya ba ako? Sino ba ako para maalala niya hindi ba? I'm just nobody. Hindi nga niya alam na magkaklase kami. Jusmiyo dai.


Pero sigurado akong kapag nakita niya ulit ako...maaalala niya ako. Walang nakakalimot sa pretty face ko kaya hindi niya ako pwedeng makita. Sana lang talaga hindi niya ako maalala at sobrang ipagpapasalamat ko 'yon. Ayaw kong maging magulo ang buhay ko. Nananahimik ako tapos bigla na lamang akong mamalasin ng ganito? This is horrible. This is unfair!


Ang talino ko rin, ano? Iiwas ako samantalang magkaklase lang naman kami. Tch, Skylie. But still, iiwas pa rin ako. I will avoid her as if my life depends on it. Well, it does. Kahit pa magkaklase kami magagawan ko ng paraan 'to. Mukha naman siyang ulyanin e, haha. Nakakainis lang na kailangan ko pang gawin ito at kung bakit ako natatakot. Problemadong-problemado pa ako at halos hindi na ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa kanya. Feeling ko babangungutin ako. Puro mukha niya na lamang ang nakikita ko at ang mga sinabi niya ang pumapasok sa isipan ko. Ang creepy, nakakakilabot.


Alam niya kayang iniisip ko siya? Madapa sana siya, hahaha. Joke lang.


"Ano na palang plano mo sa love letter?" biglang pag-iiba ni Gwen sa usapan. Buti naman.


"Ay, buti ipinaalala mo."


"Ay, sana pala hindi ko na pinaalala," may ibinulong siya.


Inilabas ko mula sa bag ko ang cute love letter na pinag-effortan ko. Nakangiti kong inabot sa kanya na mabilis pa sa hangin na hinablot ni Roberto. "Ako muna ang magbabasa."


"Ako muna! Ako ang magbibigay niyan e!" hablot din ni Gwen dito na agad ko rin hinablot bago pa nila tuluyang pag-agawan at baka magutay-gutay pa.


"Sabay niyo na lang basahin. Pwede naman 'yon hindi ba?"


Nagkatinginan sila, at mukhang ayaw pa.


"Sige na nga," pagsuko ni Rob. Sa kanilang dalawa, siya talaga 'tong mapagkumbaba.


"Ako hahawak!" Kung mapagkumbaba ang isa, ito namang isa ang kabaligtaran. May pagka stubborn si Gwen Chloe.


"Oh ayan! Para kayong mga bata," abot ko sa kanila. "Siguraduhin mong makakarating sa kanya 'yan besh ah. Maawa ka, h'wag mo namang ilagay sa locker ng syota niya. Alam mo naman kung na saan ang lockers ng varsity players di ba?" Mahabang sabi ko.


Hiwalay kasi ang lockers ng varsity players sa aming mga nag-aaral lang. Nasa ibang building ang kinalalagyan ng sa kanila. Si Gwen ang naatasan kong maglagay nito sa locker ng crush ko sa pasikretong paraan. Siya na ang bahala. May tiwala naman ako sa kaalaman niya sa mga pasikot-sikot dito. Simpleng sulat lang naman 'to, pinuri ko lang naman siya at sinabing humahanga ako sa kanya at hanggang doon lang yon. Alam ko naman ang limit ko. Hindi pa naman ako nababaliw para ipahamak ang sarili ko sa baliw niyang girlfriend.


"Girl, akong bahala. Ilalagay ko sa locker niya. Okay? Chill ka muna diyan. Basahin na muna namin 'to baka kung ano nang sinulat mo rito."


Hinayaan ko lang sila. Hinintay kong matapos nilang basahin. Mula sa seryosong mukha, unti-unting nagbago ang ekspresyon nila at nauuwi na sa pagtawa. Hindi nga ako nagkamali, sabay silang humagalpak ng tawa.


"HAHAHAHAHAHA."


Parang mga tanga. Ano kayang nakakatawa?


Napatingin ako sa librarian at siya namang pagsita niya. "Bukas ang pintuan kung hindi niyo kayang hinaan ang boses niyo!" ubod ng sungit ang tono niya. Naniningkit pa ang mga mata habang matalim ang tingin sa amin.


"Sorry po," paghingi ko ng tawad. Sinamaan ko ng tingin ang dalawa.


Jusko dai.


"Sorry po," sabay sila. Takip ang bibig silang nagpigil ng tawa.


"Anong nakakatawa?" pabulong at may bahid ng inis na tanong ko.



"Ang corny mo, sira!" Gwen.



"Oo nga, beks." Sang-ayon naman ng isa habang mahinang humahagikgik


Umismid lang ako. Inaasahan ko nang sasabihin nilang corny kaya hindi na ako nakipagtalo pa. Inayos ko ang tatlong librong kinuha ko at ibinalik sa shelves. Ibinalik na rin nila ang kanilang mga kinuha.


"Umalis na tayo rito. Ang ingay niyong dalawa."


"Sinong hindi matatawa sa kakornihan mo? At saka...pinuri mo na naman ng sobra, lulubo na naman itlog non." Si Gwen, ang babaeng walang pakialam sa mga lumalabas sa bibig niya.


Nailing lang ako. Wala akong masabi sa mga term niya na hindi ko alam kung saan niya napulot. Inginuso ko sa kanya ang sulat na agad niya namang ipinasok sa kanyang bag.


"I'm impressed, besh. In fairness, smooth mong inamin sa kanya na crush mo siya. Paturo nga ako!" Itinulak ako ni Rob gamit ang balikat. Natawa naman ako. "Naniniwala akong crush mo lang talaga siya dahil ang lakas ng loob mong umamin, beks. Kilala ka namin, ang tipo mo yung medyo torpe kung naging lalaki ka lang sana. Hindi mo magagawang umamin agad kapag bet na bet mo talaga ang isang tao."


Paano niya kaya yon nasabi?


Lumabas na kami ng library. Hindi na ako umimik. "Hindi niya pa ba bet na bet si Steph the stick? May pa-loveletter na nga." Napairap ako sa mga kakaibang tawag ni Gwen sa crush ko.



"Not to the extent na gusto na niyang agawin at jowain, hindi ba?" Nilingon ako ni Rob dahil nahuhuli akong maglakad sa kanila. Umikot lang ang mata ko. Hindi na ako makakarating sa ganoong level. "Sus, pustahan pagsisisihan niya yan," dagdag niya na ikinasimangot ko.


Ba't ko naman pagsisisihan?


________
________

Unti-unti na naman akong kinabahan habang papalapit nang papalapit sa building namin. Inilapat ko ang kanang palad ko sa dibdib at pinakiramdaman ang puso ko. Hindi normal ang tibok nito.


Para akong tanga habang naglalakad sa hallway, hindi ako mapakali. Yung pakiramdam na parang laging may nakaambang panganib sa paligid at bigla na lamang lilitaw para kitilan ako ng buhay? Ganon ang nararamdaman ko ngayon.


"Daan muna tayo sa canteen ah," wala sa sariling usal ni Gwen.


Daan? Eh lumagpas na kami sa canteen ah.


"Shunga, nandon ang canteen!" Turo ni Rob sa bahagi kung saan ito naroon.


"Ay, sorry master. Bakit ang perfect mo?" Pang-uuyam na sagot ng una. "Tara samahan niyo na muna ako, bibili lang akong tubig."


"Tubig lang magpapasama pa, ilang galon ba yan?!" Napapairap na sagot ko. Tinanggal ko ang kamay niyang nakaangkla na sa braso ko. Hindi ako sasama sa lugar na yon.


"Sama nalang tayo sa kanya, besh." Hindi ako makapaniwalang sumang-ayon si bakla. "Tambay tayo saglit dun. Wala pa namang klase oh, mahaba-haba pa ang oras. Nagugutom na rin ako." Sabi niya pa habang nakatingin sa wrist watch niya.


"Ayaw ko, tinatamad na ako. Hintayin ko na lang kayo sa room," nakangusong sabi ko. "Ayan kasi eh, pasok-pasok kayo ng maaga tapos idinamay niyo pa ako." Paninisi ko pa para naman maguilty sila.


Kasalanan naman talaga nila. Hindi sana ako natataranta ng ganito kung hindi nila ako dinamay para pumasok ng maaga. Hindi ko alam kung anong nakain nila at ang aaga pumasok tapos pati akong natutulog pa sana ay binulabog nila. Dapat nga paalis pa lang ako ng bahay sa mga oras na 'to.


"Nagpadamay ka naman. Tara na kasi! Nag-iinarte ka na naman," at bigla na lamang akong kinaladkad ng bruha. Bwesit talaga 'to.


"Dahan-dahan naman! Makahila naman 'to!" Reklamo ko.


"Papilit ka pa kasi. Para kang tanga diyan." Tuktukan ko kaya 'to?


"Let's go mga beks. Rock and roll." Sigaw ni Rob na nauuna na palang rumampa. Mga boys lang naman ang sadya niya sa canteen, duh.


"Bitiwan mo na nga ako. Oo na, sasama na ako." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko magawang bawiin.


Tinignan niya muna ako ng ilang segundo nang may pagdududa. Naninigurado pa talaga. Tinaasan ko lang siya ng kilay.


"H'wag kang tatakbo ah?"


"Oo na!"


Bakit naman ako tatakbo? Kakalbuhin talaga kita oras na maabutan ko si monster doon.


"Oh tara na, bilisan mo. Iniwan na tuloy tayo ni bakla." Nauna na siyang naglakad habang kasunod ako at pabulong-bulong.


Nakakainis, bakit kasama pa ako?


Taimtim akong nagdadasal habang naglalakad na sana...sana talaga wala roon ang babaeng kikitil ng buhay ko. Oa na kung Oa pero...iniisip ko pa lang parang mauubusan na ako ng hininga. Nakakasuffocate ang isipin siya.


H'wag mo kasing isipin.


Napahinto ako bigla nang mapagtanto na nasa harap na ako ng canteen. Sobrang kinakabahan ako na hindi ko alam. Nandiyan kaya siya sa loob?


Napatingin ako kay Gwen na dere-deritso lang ang lakad. Bumalik na kaya ako? Retreat na habang mahal ko pa ang buhay ko. Abort mission! Abort!


"Bilisan mo, ulap!" Nakakunot na ang noo ni Gwen habang nakatayo sa entrance at nakatingin sa akin.


"T-teka lang."


"Bilisan mo na. Para kang shunga diyan." Napasinghap nalang ako sa sinabi niya. Sasakalin na talaga kita. Siya na nga itong nagpapasama.


"Ito na nga! Leche ka."


Bwesit. Bibili lang naman siya ng tubig nagmamadali pa. Ganon na ba siya kauhaw? Lunurin ko kaya siya?!


Lakas maka-slow motion este makaturtle ang pagpasok ko sa canteen at kulang na lang hindi na ako humakbang pa. Nakailang silip pa ako saka ako nakahinga ng maluwag nang makitang walang monster sa loob.


Marking myself safe.


Kunwari pa akong napapunas ng pawis sa noo kahit wala naman. Akala ko kasi katapusan ko na. Nakakalungkot, hindi ko man lang nasilayan si crush. First time kong natiis na hindi siya makita dahil sa bakulaw niyang girlfriend.


Bakulaw sa ganda?


Bakulaw ang ugali!



_________
_________

Matapos ang deleryo ko sa canteen, deleryo na naman sa classroom. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto kong tumingin sa kaliwa o kahit sa kanan man lang pero hindi ko magawa. Ayaw ko ring lumingon dahil feeling ko katapusan ko na kapag ginawa ko yon dahil alam kong nasa bandang likuran nakaupo si monsterous. Mabuti na nga lamang hindi niya ako namataan kanina pagpasok ko, nakikipagchismisan kasi siya sa bestfriend niya na siyang tanging kilala niya lamang dito sa classroom.


Para na naman akong mauubusan ng hininga sa kaba.


Inhale!


Exhale!


Mygosh. Hindi na normal 'tong takot na nararamdaman ko. Bakit ba kasi ako nagkakaganito?


"Psst."


Hindi ko pinansin si Gwen. Alam kong siya yon. Nasa likurang hilira ko lang siya nakaupo at hindi talaga ako lilingon. Hinding-hindi!


"Psst."


Wala pa namang sinasanto ang isang Samantha Monteclaro. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin sa mga susunod na araw. Kung hanggang kailan ko siya kayang pagtaguan. Ganito na lang ba ako forever? Paano ako makakapag-aral ng maayos?


"Psst."


Imagine ang President ng Harrison college na dapat ay magsilbing modelo rito sa nakararami ay siya pang bad influence. Gosh! Dinaan lang sa kasikatan kaya nanalo eh. Ako lang yata ang hindi bumoto sa kanya. Syempre, vote wisely nga di ba?


Pinaglalaban mo, Skylie?


"Pssssstttt."


"Are you listening, Ms. Perez?!"


Bumalik ako sa realidad nang magsalita ang teacher namin at nakataas pa ang kilay nito. Nakatingin ito kay Gwen na nasa likuran ko.


"Yes, ma'am." Confident pang sagot niya. "Si Fuentes po ang hindi nakikinig."


"ANO?!" Bulalas ko. Mabilis ko siyang nilingon at sabay baling kay ma'am dahil nakatingin ang banta ng buhay ko. "Nakikinig po ako," depensa ko. Nakikinig nga ba ako?


"Lutang yan, ma'am."


Napapikit ako ng mariin. Kaibigan ko ba talaga 'to? Leche ka, Gwen Chloe!


"Shut up, Perez! Ikaw itong nakita kong hindi nakikinig!" Pagalit sa kanya.


Hahaha, buti nga sayo.


"Oh, okay. My bad po. You may proceed with your discussion, ma'am."


Natawa ako sa loob-loob ko nang mailing ang teacher namin. Batas din talaga 'tong kaibigan ko.


Ini-relax ko ang sarili at nagfocus sa pakikinig nang magpatuloy sa pagd'discuss ang teacher namin. Minsan kasi kailangan mo lang pakawalan lahat ng mga iniisip—hays, fine. Hindi talaga ako mapakali.


Calm down mind. Just relax!


Napahawak ako sa sentido ko. Mababaliw na yata ako ah.


Breath in.


Breath out.


'Makinig ka may klase kayo!' sigaw ng utak ko.


"Dismiss!"


Napakurap ako.


What? Yon na yon?


Wow, nakinig ka ba?


Napatingin ako sa teacher naming nagliligpit na ng gamit. Natigilan pa ako sandali saka ako napahawak sa noo ko. Uwian na nga. Wala man lang akong natutunan. Kung palaging ganito baka bumagsak ako. Hindi maaari.


"Aray!"


Napangiwi ako nang may sumampal sa likod ng ulo ko. Awtomatiko akong napahawak at napahimas doon. Inis akong napalingon para tignan kung sino ang hudas na nanakit sa akin kahit alam ko namang si Gwen. Agad din akong napabaling ulit sa harapan nang mamataan ko si monster.


Leche, akala ko pa naman lumabas na siya.


"Walanghiya ka! Ako pa ang napagalitan ni ma'am!" Nasa harapan ko na si Gwen at nakapameywang pa. "Muntik na nga akong naubusan ng laway dahil sayo!"


Ano namang kinalaman ko sa laway niya. Kadiri siya.


"Bakit kasalanan ko pang pinagalitan ka? Deserved mo naman!" Irap ko habang nag-aayos ng gamit.


"Tinatawag lang naman kita kanina kasi lutang ka at alam kong hindi ka nakikinig. Concern lang ako! Naubos lang ang laway ko kaka-pssst sayo!"


"Sinabi ko bang gawin mo yun? Fyi lang ah, nakikinig po ako. And...salamat sa concern, napagalitan ka tuloy," ngingiti-ngiting pang-aasar ko.


"Tch, sigurado ka bang nakikinig ka?" Actually, hindi. "Anong natutunan mo? Sige nga."


"Ano...uhhh..."


"Oh, ano?"


"Basta. Nakalimutan ko na. Marami yon!"


"Oh di ba, wala? Wala ka talagang natutunan kasi hindi ka naman nakikinig!"


"Nakikinig kaya ako," giit ko.


"Kwento mo sa pagong. Tara na nga!"


"Teka..." Iginala ko ang tingin sa loob ng room. Kami na lamang ang nandito, wala na rin si monster. "Nailagay mo na ba ang sulat sa locker niya?" Baling ko kay Gwen.


"Oo."


"Ano?!" Napafacepalm ako. Kailan niya nilagay? Hindi ko naman siya napansing lumabas ah. "Kelan? Ang bilis naman."


"Ako pa ba. Kanina lumabas ako. Lutang ka kasi kaya hindi mo napansin."


"Besh..." Hinila ko siya palabas ng room at doon niyugyog ang balikat niya. "Nagbago ang isip ko, ayaw ko nang ibigay sa crush ko ang sulat!" Nangunot ang noo niya, handa na ulit siyang batukan ako. "Natatakot akong malaman ng girlfriend niya or baka ipabasa niya sa girlfriend niya," nagbaba ako ng tingin. "At saka...hindi ako 'to."


Napaatras siya. "Huh? Bakit sino ka?!"


Bukod sa pag-aalalang baka makita ako ni monster during class, isa rin sa dahilan kung bakit ako lutang ay ang pagdadalawang-isip ko sa sulat. Naisip kong hindi na rin naman kailangan non dahil alam ko naman sa sarili kong hindi ko naman gusto ang lalaking yon ng higit pa sa paghanga kaya para saan pa? Bakit kailangan pang sabihin? Ngunit huli na pala, masyadong mabilis at masunurin itong kaibigan ko.


"Gaga. I mean...narealize kong hindi ko kailangang magbigay ng sulat just to let the person know na gusto ko siya. Hindi 'yon gagawin ng isang Skylie, hindi sa kagaya niya."


"Wow!" Pumalakpak siya. "I'm so amazed. Sa tinagal-tagal, sa wakas natauhan kana. Ang kaso, ngayon ka pa nagbagong isip kung kailan nailagay ko na sa locker niya!"


"Besh~" paawa na usal ko. "Kaya mo pa bang kunin?"


"Hindi na. Ipapahamak mo pa ako. Baka isipin non ako ang may gusto sa kanya, yuck!" Makayuck naman 'to. Nagsimula na siyang maglakad, at sumunod naman agad ako habang nakasimangot na parang bata. "Ang tanga mo kasi. Sinabihan na kita!"


"Gwen naman..." hinila-hila ko ang bag niya.


"Ulap, ano ba!" Asar na asar naman siya. "Bakit kasi biglang nagbago ang isip mo? Bakit ngayon lang?! Ngayon mo lang ba napagtanto na mukha siyang bakulaw?"


Napairap ako. Ayan na naman siya sa kabitteran niya. "Hindi yon! Narealize ko lang na..." wala sa sarili akong napabuntong-hininga, nag-iisip ng tamang word para idugtong.


"Na....?"


"I don't want him to think that I'm so into him. Pero dahil nailagay mo na sa locker niya ang sulat at kapag nabasa niya yon...malamang ganon ang iisipin niya."


"Huh, yung mokong pa bang yon? Sa kapal ng pagmumukha niya, malamang isipin niyang patay na patay ka sa kanya. Sana lang talaga walang nakakita sa'kin." Pahinang-pahina na sabi niya pa.


"May nakakita sayo?!"


"Sana nga wala!"


"Letse ka." Nag-alala lang lalo ako. Magkaka-anxiety pa yata ako, jusmiyo.


Mayamaya pa, napansin kong wala si Rob. Sa sobrang dami kong iniisip, nakalimutan kong tatlo nga pala kaming magkakaibigan. Saan na naman kaya ang baklang yon? Hindi man lang nagpasabi na mauuna na siyang lumabas. Minsan nagpapaalam naman siya kapag restroom lang ang pupuntahan. Hindi kaya umuwi na yon? Aba, iniwan kami.


"Nakita mo ba si Rob?" Tanong ko.


"Bakit nakita mo ba?"


Sabi ko nga pilosopo talaga 'tong kausap. "Kaya nga nagtatanong di ba?!"


"Kaya nga magkasama tayo, hindi ba? Sa tingin mo kaya alam ko?"


Mauubos lang talaga ang pasensiya mo sa bruhang ito. Sinilip ko ang ginagawa niya, ayon pala at busy na naman sa kalalaro ng laos nang fluppy bird. MADAPA KA SANA! Magkamukha na sila ng ibon na nilalaro niya, tch.


"Baka lang naman kasi alam mo. Wala ka talagang kwenta kausap!" Singhal ko. Ang ingay na naman naming dalawa...ay ako lang pala. Ito kasi e. "Nagbabakasakali lang baka kasi nagpaalam sayo."


"Bakit naman magpapaalam sa akin? Nanay niya ba ako?"


"Leche ka!"


"Ewan ko sayo, ulap. Bakit ganyan kayo? Nakakabobo ang mga tanungan niyo." At hindi man lang nagawang tumingin sa'kin habang kausap ako.


'Ewan ko sayo. Bakit ganyan kayo? Nakakabobo ang mga tanungan niyo.' Panggagaya ko sa isipan ko.


"Guys!"


There he is, ang baklang bigla na lamang nawala. Naglalakad ito palapit sa amin at may kasamang boylet. Nagboy hunting pala ang gaga. Sino naman kaya ang kawawang varsity player na ito? Kung maka-angkla siya sa braso ng lalaki parang bayong lang.


"Oh, saan ka galing?" Tanong ko nang makalapit.


"Diyan lang," kindat niya at binigyan ako ng makahulugang tingin. Napatango na lamang ako. "Si Xianold nga pala friend ko."


Friend, huh?


"Hi," bati nito sa'kin at nilahad ang kamay na malugod ko namang tinanggap.


"Hi."


Iba rin talaga ang taste ni Roberto. Marunong pumili ng haharutin. Tagaharot ng varsity player yarn?


"Siya si Skylie," pakilala ni Rob sa'kin. "At siya naman si Gwen," tukoy niya sa isang babad sa cell phone. "Mga bestfriend ko sila."


"Nice to meet you, girls!" Nakangiting sabi niya habang matamis ang pagkakangiti sa'kin. May gusto ba 'to sa'kin? Charot.


"Same here," pabebeng sagot ni Rob dahilan para kurutin ko siya sa tagiliran. "Beks!" Saway niya.


"Ano mo yan?" Bulong ko sa kanya.


"Friend nga. Kakasabi ko lang. Bungol?! At saka hindi niya alam na dream ko maging Miss Univ." Bulong niya rin.


"Naninigurado lang ako."


"Magiging boyfriend ko rin yan. Sa akin din ang bagsak niyan." Nakangising bulong niya pa sabay ngisi. Natawa na lang ako.


"Mukhang ako nga ang gusto," bulong ko nang medyo lumayo ang lalaki dahil may kausap na sa phone. Bigla naman akong sinabunutan ni bakla.


"Solotera kang bruha ka!"


"HAHAHAHA, joke lang no. Alam mo namang loyal ako sa crush ko kaso...nawawala na interes ko," mahinang sabi ko sa huli.


"What?! Sa isang iglap?!" Dinama niya ang noo ko. "Wala ka namang lagnat ah."


"Yeah, right? Hindi ko rin alam, dai."


"Uy, baks. Where have you been?" Biglang singit ng isa na game over na yata ang nilalaro kaya pinansin na rin kami. "Sino yan?" Daig pa ang tagakanto na tukoy niya kay Xianold na nakalapit na rin ulit. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa kanilang dalawa, naghihintay ng sagot. Parang tanga talaga 'to.


"Si Xianold nga pala," pakilala ulit ni Rob sa isang 'to na walang alam sa nangyayari.


"Ah, boyfriend mo? Pang-ilan na yan?" Walang patumpik-tumpik na tanong niya. Napatakip ako ng bibig, muntik na akong matawa.


Bwesit, wala talaga siyang preno!


Naguguluhan at napipilitang ngumiti ang lalaki. Tumingin siya sandali kay Rob bago binalik ang tingin kay Gwen, "Haha, uhh...no, we're not like that...uhh, we're just friends."


"Joke lang, ito naman. Hindi ka mabiro. May sinabi ba akong bakla 'tong kaibigan namin?"


Hahaha, siraulo talaga.


"H'wag mong pansinin yan. May saltik yan!" Naaalarma nang sabi ni Rob. Napakagat labi naman ako, natatawa pa rin.


Mukhang hindi nga aware si Xianold na pangarap din ng kaibigan namin ang maging darna. Hindi naman lahat alam na may pagkamalambot at baliko itong si Rob. Minsan kahit alam naman nila at kita naman sa galaw niya ay ayaw pa rin nilang maniwala, marahil dahil ayaw nilang manghinayang sa kakisigan at kagwapuhan nitong kaibigan namin. Masyadong gwapo si Rob para matawag na bakla. Ang totoo'y maraming naghahabol sa kanyang babae, ngunit sa huli'y nadidismaya lang dahil gwapo rin ang gusto nito.


Lalaki pa rin naman kumilos si Rob sa kadahilanang hindi pa siya handang maglantad lalo na sa magulang niya. Sa tingin ko rin naman ay may tamang oras para doon. Suportado naman namin siya ni Gwen. Nirerespeto namin ang kagustuhan niya at kung ano at sino ang gusto niya.


"Ah, yeah?" Parang gusto kong matawa lalo dahil mukhang naniniwala siyang may saltik si Gwen. HAHAHA may saltik talaga yan. "By the way, mauna na ako sa inyo ah. There's something important came up, you know..." tumawa siya ng marahan at inakbayan si Rob na medyo nabigla at malamang kinilig. Laglag panty yan teh? "Sumabay lang ako rito kay Kim para makilala kayo. He's right, you guys are nice!"


"How nice?" Gwen crossed-arms.


Siniko ko siya. "H'wag kanang magsalita." Bulong ko at ngumiti kay Xianold. "Nice to meet you."


"See you again next time."


"Bye. Ingat ka." Rob.


Napangisi ako. Sweet ah.


Kumaway lang ako at tinanguan naman siya ni Gwen. Nakangiti siyang naglakad paalis. Ngunit nakakalimang hakbang pa lang yata siya nang biglang....


"Xian!" May tumawag sa kanya mula sa likuran namin. Sabay-sabay pa kaming napalingon lahat.


Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang makita kung sino.


OH MY GOD!


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Kikiligin o manginginig. Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para kiligin habang papalapit ang taong banta sa aking buhay. Magkahawak ng kamay si Steph at ang monster niyang girlfriend habang naglalakad palapit sa gawi namin.


Sa gawi namin. Sa—GAWI NAMIN?!


"Hala ka!" Naiusal ko na lamang. Napatingin sa'kin si Rob at Gwen.


"Bakit?" Sabay nilang tanong. Umiling-iling ako at tumingin sa malayo.


WHAT SHOULD I DO NOW???


Run for your life, Skylie!


TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

709K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
108K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
74.5K 1.7K 26
Ang isang pag-ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla na lang ding maglalaho. Ang totoong pag-ibig ay nananatili sa puso at hindi magl...