CHAPTER 29
LEI'S POV
AAAAAAHH. Totoo ba yung sinabi ni Lance kanina? Di ako makapaniwala. Sobrang hindi. Pero.. there's a part of me that makes me want to believe it. Para lang kasing away kami ng away tapos yun pala. Pero sa huli.... iba ang narating namin. Instead, we're feeling something for each other.
Hays, ang bilis at mostly imposible ang nangyari.
Pero yun eh. :">
Wala akong comment sa sinabi niya kahapon. Nyaha! So yun, dumaan kami sa bahay nila, kasi magbihis raw siya pinahiram niya ako ng mga damit ni ate Alexandria na panglakad. Pumunta kami sa isang studio, picture picture, then nag arcade, tapos 11 na ako nakauwi. XD
Ewan ko, pero I.. I feel so happy. Kahit nagtatalo kami, happy pa rin ako.
"Goooood Mooorning Ma! :D " Bati ko kay nanay .
"Anong good morning? Nag-alala ako sayo kagabi! 11 kana nakauwi! " Hi-nug ko siya pero binalewala niya ako :/ Ouch, hurting.
"Sorry na Ma.. minsan lang naman yun eh."
"Hmm.. Minsan nga! May nangyari ba sa inyo ni Lance kagabi?" Natigilan ako sa pag hug.
"Ma naman!! Anong may nangyari?! "
" Eh baka mamaya, magka-apo na ako. " AYSH NANAY ANG GREEN RIN NG UTAK! YAKS!
"Yaks Ma! Nakakadiri ka! Tigilan mo nga yan Ma! "
"Eses, Anak, nararamdaman ko namang may pagtingin ka kay Lance, eh. Pero dahan dahan lang ha at baka masaktan ka. "
"Opo Ma! No problem! Sige po alis na po ako."
Naglalakad ako patungo school.. naka 15 steps yata? Nyahaha! Ewan ko! Basta may sasakyan na huminto sa tapat ko. Tapos bumukas yung front door, pagbukas nun ay si Lance ang nakita ko. Ngumiti siya.
"Good morning lovey" Tapos lumabas siya ng sasakyan.
Eyyy.. pa lovey lovey ka diyan.
"Sabay na tayo papuntang school." (^__^)
"Yoko, gusto kong maglakad."
"Ha? Eh nakakapagod yuuun! "
"Edi bahala ka. Maglalakad lang ako, chopeh! " I continued walking.
Narinig kong umalis ang sasakyan nila. So I guess he went?
" Oy teka lang! " Paglingon ko ay nandiyan pa rin siya.
"Bakit ka pa nandito? Akala ko ba nakakapagod ang magalakad?" Huminto ako sa paglakad.
He ran towards me.
"Nakakapagod nga, pero mas gusto ko na sabay tayo. :) "
OH AYAN . AYAN KA NA NAMAN. <3
"Che! Ewan ko sa yo." Pakipot ba? XDD
Sabay nga kaming pumunta ng school. Eh wala akong magawa, gusto niya eh.
---------------------------------------------------------------
ANGEL'S POV
Weeeew! Grabi talaga si Lance!! Until now pagod pa rin ako. Nagpapatulong nga siya samin ni Chris mylabs, diba? Tapos ang daming demands! Ako yung pinapili niya ng flowers, pati resto, si Chris yung pumili.. ta's ako yung nagpa reserve.. tapos magpapareserve na sana ako, he called up the last minute and said to rent the whole place. Whooa grabeh! Pati order... kahit isa, wala siyag ni recommend.. Kami lahat ni Chris ang nagdecide.. Sa kinanta nila.. suggestion namin yun ni Chris.. tapos si Chris yung inutusan niyang mag print ng lyrics..Tapos nakausap ko rin yung tatlo niyang pinsan.. pinag usapan namin kung anong bagay na gown ang para kay Bestfriend.. tapos yung sandals... kami na rin!
KASAL BA YUN!? Grabi. X Pero okay lang naman kasi minsan lang naman to.
Tapos kagabi.. oo nga pala... kagabi!!!!!! YUNG KISSS!!! Grabe!!We didn't expect to see that! Ang tindi nun! Sa harap ng napakaraming tao! Wohoooo!! Hanggang langit ang level of kiligness ko dun. :">
Actually kasi.. days before, he just told us na sasabihin niya ang nararamdaman niya para kay Leigh. Yun lang. Kahit hindi ligaw, na excite ako! Nyahaha! LEILANCE FANSCLUB AKO EH =)) bwahaha! Tapos yun, di ako nag dalawang isip na tulungan siya.
So ayun... ngayon naman, kakakita ko lang na magkasabay dumating sa school. Marami ngang tumitingin sa kanila. Para silang HOT ISSUE sa school! Grabi! Kagabi nga eh, ang dami kong natanggap na GM's katulad nalang nito o.
"Huhuh! Taken na si LANCE! :(
Better take care of him, Leigh!
Minahal ko yun ng sobra!
Valentines pero HB ako! :/
-- GM | hello sa inyo. "
Grabi noh? Kaya ang swerte ng bestfriend ko!
"Bestfriend!" Tawag ko sa kaniya habang palakad siya patungo sa loob ng classroom. Nasa corridor lang kasi ako hinihintay rin si Chris. lol!
"Hi Best! :D " wow, aba aba, ibang klaseng ngiti ah!
"Oh, ang saya mo yata ngayon?"
"Masaya ba ako masyado?"
"Ay hindi best! hindi! Malungkot ka! Kung makangiti ka'y kailangan ko na talagang bumili ng needle tsaka thread."
"Hahahaha!" Napatawa lang siya tapos medyo namumula pa yung cheeks.
"See! Nag bubloom ka! Anyare sa inyo ni Lance kagabi?"
"Ha? Anong nangyare? "
"Hoy! Alam kong nagdate kayo! Nakita ko kayong magkasamang umalis!" Of course, I can't tell her that I helped Lance. XDD
"Wala yun.. wala.. " Tapos pumasok na kami sa classroom.
"AND OO NGA PALA, THE KISSSSSSSSSSSS!" Pinalo niya ako sa braso. Tong babaeng to mahilig talagang mamalo!
"Ano ba!?" Sabi ko sabay himas ng braso ko.
"Huwag ka ngang maingaaaay!!!! Wala yun!! "
"Aseees Si bestfriend.. ayeee! Inlove na!"
"HAHAHA." Tapos yun nakita ko siyang nag blush.
Sobrang happy na rin ako kasi atlast may love life na rin ang bestfriend ko. After all her heartbreaks sa past, tsss di na niya yun gustong matatandaan. SHE HAS FORGOTTEN IT ALL! Pero yun bang takot siya mainlove? Akala ko nga eh, mag mamadre na yang batang yan kasi takot na ulit ma inlove.... pero kasi dumating si Lance.
So siguro nga hindi na siya magmamadre, mag me-maid nalang siya. XD
---------------------------
LEI'S POV
Today? Lance, Chris , Angel and I, kami na apat ang nagsasama. Sabay recess, sabay lunch, sabay uwi. Mejo naging issue rin yung kiss namin . Tinutukso kami ng mga teachers. Eh diba nga dapat magalit sila kasi PDA yun?
Tsss!! Ewan ko ba sa kanila. Uncomfortable na rin ako kasi marami ng nag-ha- hi sakin na di ko kilala maraming nagsa-smile sakin pag dadaan ako.
Parang new life sa school... grabeh! Kung noon maliit lang ang namamansin sakin, pero ngayon. wow.
So anyways.. nakauwi na ako. Nag-internet ako kasi may pinapa research si Ma'am samin... nakakapagod kasi ang hirap i search. 2 hours akong nag search Nananakit na yung mata ko. hindi na kasi ako sanay mag computer ng mahigit sa isang oras eh. Nung naka search na ako, panay sulat sa bond paper. stuff and stuff, pagkatapos nun... nangangati ang mga kamay kong mag FB. nyahaha! So yun, Chineck ko yung facebook ko.Pag open ko... ang daming friend request! 60+. 2 weeks na rin kasi akong hindi nakapag facebook XD
So yun.. inaccept ko lang yun lahat. Then off! Nakakapagod na rin tignan kung sino yung mga nagrerequest..
----------------------------------------------------
A day after..
Nasa canteen kaming apat . Nakita ko si Mike na bumili ng pagkain. Si Mike! Yey! Okay na siya! :D Nalaman ko nga kasing may lagnat yun noong prom. Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos nilapitan ko siya.
"Mike! Mike! :D" Paglingon niya ay nakita niya ako.
"Congrats pala sa inyo ni Lance." Medyo nag fake smile siya tapos umalis na siya.
Congrats?! Di kaya nalaman na niya ang tungkol samin ni Lance? :( Ts! Pero di pa naman kami ni Lance ah! Bakit ganun? Kiss lang yun... STOLEN KISS! Ano ba ito. Di ko parin ipagpalit ang friendship namin ng dahil ganun.
Pero di nga...
noon kasi pag makita niya ako, ngingiti siya tapos sasabayan niya ako kung ano ang gagawin ko or saan ako pupunta. Pero ngayon ko lang talaga nakitang ganito siya. :/
Bumalik ako sa table.
Nagbago ang facial expression ni Lance. Bahala na nga sya!! intindihin niya naman sana na magkaibigan kami ni Mike. Psh!
"Ano nangyari, best?" Tanong ni Angel.
"Ha? hehe. Wala! Wala! Pagod lang yun. Sige.. kain na tayo." Big Faker.