Pain ☑️

By Yaoistorywriter

151K 6.4K 586

An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different conse... More

Pain
First Teardrop
Second Teardrop
Third Teardrop
Fourth Teardrop
Fifth Teardrop
Sixth Teardrop
Seventh Teardrop
Eighth Teardrop
Ninth Teardrop
Tenth Teardrop
Eleventh Teardrop
Twelfth Teardrop
Thirteenth Teardrop
Fourteenth Teardrop
Fifteenth Teardrop
Sixteenth Teardrop
Eighteenth Teardrop
Nineteenth Teardrop
Twentieth Teardrop
Twenty First Teardrop
Twenty Second Teardrop
Twenty Third Teardrop
Twenty Fourth Teardrop
Twenty Fifth Teardrop
Twenty Sixth Teardrop
Twenty Seventh Teardrop
Twenty Eighth Teardrop
Twenty Ninth Teardrop
Thirtieth Teardrop
Last Teardrop
Salamat!
Special Chapter 1

Seventeenth Teardrop

3.5K 171 9
By Yaoistorywriter


-17-


NATE.


"Ano ba kasing pakay mo rito? Pag ikaw naabutan ni Arnold naku malilintikan talaga ako." Sabi ko kay Drew at binigyan ko siya ng juice.

"Arnold? Kuya mo?" Tanong nya.

"'Diba na-kwento ko na 'to sa'yo? 'Yung tungkol kay nanay. Si Arnold, ang bago nyang asawa na iniwan nya dito para palamunin." Sabi ko.

Napatawa si Drew, "Ok, ok. Hindi naman ako tatagal. Gusto ko lang humingi sa'yo ng, you know, words of wisdom. At syempre gusto ko rin na bisitahin ka."

Napalingon ako sa kanya, "Ano nga?!"

"Basta! Wag ka nang magtanong." Sabi nya.

I sigh. Umupo na ako sa harapan nya.

Ito na naman sya sa panghihingi ng advice. Hindi na lang kumilos mag-isa. Kailangan pa talaga ng may magsasabi sa kanya. Lintik na 'yan.

"Ok, ok fine. Mabilis lang ha."

Huminga siya ng malalim at uminom muna ng juice saglit.

"So, I have this one friend na may ex. Well, ang dahilan ng break-up nila ay isang misunderstanding. Then nalaman nung kaibigan ko na mali pala talaga ang bintang nya sa ex nya. Ano sa tingin mo ang dapat gawin ng friend ko? Dapat ba syang mag-sorry sa ex nya?" Sabi nya.

Gusto kong umirap. May pa-friend friend pa syang nalalaman. Hindi na lang nya sabihing sya 'yon tapos. Nako nako. Puro kaanuhan 'to si Drew eh.

Sige, sakyan na lang kita.

Sakyan? Yuck!

"Tapos 'yung ex niyang sinasabi mong fRieNd oF yOuRs eh nagso-sorry rin sa kanya, right?" Sabi ko.

"Tama. Teka, paano mo nalaman?" Tanong nya.

Ngumiti ako. "Sobrang obvious. Nagi-guilty  'yung babae kasi namisunderstood nung kaibigan mo 'yung nangyari sa kanila. Of course, ang tendency e magso-sorry yung babae kasi ang alam niya, galit sa kanya yung kaibigan mo." Paliwanag ko.

"Well, tama ka. Nagso-sorry nga sya." Sabi nya.

Natahimik ako bigla. May mga pumapasok na conclusion sa utak ko. Parang sa lahat ng pinag-uusapan namin, unti-unti kong napagdudugtong-dugtong ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya.

I heaved a deep sigh.

"Tingin ko.."

"Tingin mo...?"

"Oo. Magsorry dapat 'yang lintik na kaibigan mo na 'yan. Sino ba kasi 'yang kaibigan mo? Napaka-immature naman nyan! Alangan namang hindi sya mag-sorry eh na-misunderstood nga nya yung ex nya, 'diba? Ano, pataasan ng pride ganon? At isa pa, tutal parehas naman silang may kasalanan eh dapat magkausap na sila! Kukutusan ko talaga 'yang kaibigan mo sa pilik-mata eh."

Napatawa si Drew pero halata kong pilit lang ang tawa nya. Ha, ano ka ngayon?

"Pero sa tingin mo, posible kayang bumalik ulit 'yung nararamdaman nung kaibigan ko sa ex nya? Tutal nalaman na naman nya ang totoo eh," sabi nya.

"Aba, bakit sa akin mo tinatanong 'yan? Tanong mo sa tanga mong kaibigan. Hindi nag-iisip. Kung mahal pa nya, edi balikan niya! Pero kung sa tingin niya wala na talaga, erase na erase to the nth power na 'yung feelings nya, edi 'wag na nya balikan. Hanggang kaibigan na lang sila. Ganun. At bakit ba sa akin ka nagtatanong ng tungkol dyan sa bobito mong kaibigan? Ano, sasabihin mo sa kanya ang lahat ng advice na sinabi ko sa'yo tapos sasabihin mong sinabi sa'yo yun ng kaibigan mo? Iharap mo sa akin 'yang kaibigan mo, masasapak ko talaga 'yan." Sabi ko.

Tumawa si Drew. This time, totoong tawa na. Napangiti ako. Tingin ko, alam na nya na alam ko kung sinong tinutukoy nya.

"Hahahahaha! Tangina Nate, ang galing mo talaga hahahaha! Labyu tol!"

"Bwiset."

"Sige na Nate, una na ako ha? Labyu talaga pre!"

"Gago! Umalis ka na!" Sabi ko sa kanya at nag-umpisa na akong iligpit yung juice. Lumabas na rin si Drew ng bahay.

Pumunta ako sa kusina at naghugas ng pinggan. Pagkatapos kong maghugas, dumiretso na ako sa kwarto at sumalampak sa higaan.

I sigh.

Drew, pakiusap. 'Wag kang padalos-dalos sa magiging desisyon mo. Alam kong magaling ka pagdating sa mga ganyang bagay. May tiwala ako sa'yo.

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

~*~


"Aba 'tong batang 'to, HOY! KANINA PA KITA INUUTUSAN!"

Nagising ako sa sigaw ng lintik na si Arnold. Punyeta. Ni-hindi ko namalayang nakarating na pala sya dahil nakatulog ako.

"Ano? Tutulala ka na lang?" Sabi pa nya.

"E-eto na."

"Ano?!"

"Eto na po.."

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Tutal ginagawa nya naman akong katulong dito.

Lumabas na ako at bumili ng meryenda. At kung hindi pa ako lalabas, hindi ko pa mamamalayang hapon na. Mahaba-haba rin pala ang naitulog ko.

Umuwi na rin agad ako sa bahay pagkabili ko ng meryenda. Walang imik ko itong inilagay sa lamesa.

"Halika rito." Sabi nya sa akin at sinenyasan nya akong lumapis sa kanya.

Hindi muna ako kumilos. Baka kasi may bigla siyang gawin na hindi maganda.Baka mamaya may balak na naman siyang bugbugin ako.

"Bingi ka ba? Sabi ko lumapit ka dito!"

Unti-unti akong naglakad papunta sa kanya.

"Masahehin mo ang likod ko, nangalay ako kanina eh." Sabi nya.

Hindi ako kumilos.

"Ang sabi ko, masahehin mo likod ko! San ka ba pinaglihing bata ka at napakatamad mo? Hindi ka ba kikilos? Bilisan mo na!" Sabi nya.

Pumwesto na ako sa likod nya at sinimulan ko nang masahehin ang balikat nya. Wow naman. Ang saya naman ng buhay natin. May pamasahe.

"Ayusin mo, masyadong masakit!" Sabi nya.

I made a face. Buti nga sa'yo. Gusto mo 'yan, diba? At saka masahe 'to. Normal lang 'yan na masaktan ka. Lagariin ko dila nito eh.

"Sorry po." Nakangiti kong sagot. 

Pake ba nya. Hindi naman nya ako nakikita.
Pinagpatuloy ko 'yung pagmamasahe ko sa kanya pero mas diniinan ko pa. 'Yung alam kong masasaktan talaga sya.

Maya-maya pa ay bigla siyang tumayo at tinulak ako ng malakas. Napatumba ako sa tulak nya.

"Nang-aasar ka bang bata ka?" Sabi nya.

Inalalayan ko ang sarili kong tumayo,  "Hindi po, pasensya na po." Labas sa ilong kong sagot.

Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari kaya naman binilisan ko ang pagtayo ko at bago pa ako makatakbo, nahila na niya ang damit ko.

"'Wag ka nang tumakas," sabi nya at hinawakan niya ang binti ko pataas.

Kinilabutan ako.

Sinubukan kong umalpas ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"W-wag,"

"Wag? 'Diba sinabi ko naman sa'yo, ako na ang ama mo? Sumunod ka na lang, para walang problema."

Hinila niya ulit ako at this time, marahas na inaabot ng labi niya ang leeg ko kaya naman natulak ko siya ng malakas. Medyo napaatras siya sa tulak ko.

"Manyak!" Sigaw ko sa kanya at lumabas ako ng bahay.

Ni-hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Ang sama niya. Ang sama sama niyang tao. Mali ito. Hindi na 'to pwede.

~*~

DREW.

"Sinabi mo na sa kanya?" Tanong sa akin ni kuya.

Naikwento ko na kay kuya ang lahat. Sinabi ko sa kanya na walang kasalanan si Rachel sa mga nangyari. Sinabi ko sa kanya na nabiktima lang din si Rachel. Pero 'yung tungkol sa gahasa, hindi ko na binanggit. Ayoko nang magpalawak pa ng usapan.

"Hindi pa. Hindi ko muna sasabihin kay Nate." Sagot ko sa tanong nya.

"Bakit ayaw mong sabihin?"

"Basta." Sabi ko.

Tumahimik saglit si kuya. "Alam mo tol, minsan iniisip ko na pinapaasa mo si Nate."

Muntikan na akong mabulunan ng cake na kinakain ko.

"What?"

Kuya smiled, "Well, I mean, lapit ka kasi ng lapit sa kanya. And I can see through his eyes na marupok siyang tao. Kung ayaw mo syang paasahin, matuto kang dumistansya. What I mean distansya eh, limitahan mo naman ang sarili mo. Don't cross the line unless gusto mo siya."

Tumingin ako sa kanya.

"Oh, what's with the look? Kung hindi mo naman sya gusto, then..."

"Then what?"

"Then let me court him."

At tuluyan na nga akong nabulunan sa sinabi nya. Ano bang nakain ng isang 'to at kung anu-anong pinagsasasabi? Namamapak ba 'to ng magic sarap?

"Seryoso, kuya?!" Gulat na sabi ko.

"Joke lang!" Sabi naman nya habang medyo natatawa-tawa.

Si Nate? Sus, hindi naman yun nahuhulog. Siya na rin naman mismo ang may sabi. Parang ngang bato sa sobrang manhid nun eh. Yung hindi naaapektuhan ng magic of love. Ganun.

O ako ang manhid? Umiling-iling ako. Takte, kung saan saan na napupunta ang imagination ko.

Kinapa ko 'yung bulsa ko at hinanap ko 'yung phone ko pero hindi ko nakapa. Ow shet na malupet. Naiwan ko kina Nate.

'Yung mga porn doon, hindi ko pa nap-private. Patay!

"Kuya, pahiram phone," sabi ko kay kuya at hindi pa man sya nakakasagot ay kinuha ko na agad ang phone nya.

Tinawagan ko ang sarili kong number. Nakakailang ring na, hindi pa rin sumasagot. Nakailang tawag na rin ako.

At dahil mukhang hindi sasagutin ni Nate ang tawag ay naisipan kong ako na lang ang kumuha doon.

Naglakad na lang din ako. Hassle pa kung magmomotor o bike ako. Katamad mag pedal. Duh.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay nakita ko na si Nate na dala ang phone ko. Kung dala nya, bakit hindi nya sinasagot?

Nang magkalapit na kami ay medyo tinawanan ko siya sa itsura nya.

"Oh Nate, anyare? Mukhang nakakain ka ng tae ah?" Pagbibiro ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at naramdaman kong parang wala sya sa mood makipagbiruan.

Huminga siya ng malalim at nagulat ako nang may luhang tumulo mula sa mga mata nya. Agad-agad nya itong pinunasan.

"N-nate.."

"Drew, patulog sa inyo. Kahit isang gabi lang."

ITUTULOY.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 99 29
Scotty Anderson isang brat at anak ng pinakama impluwensiyang tao sa California. Agosto 10, 2010 nasangkot ang sasakyan niya sa isang road accident...
1.5K 138 27
Sa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito s...
18K 1.1K 45
Isang beses nagmahal ako at ipinangako kong hindi ko na siya muling mamahalin pa pero tila traydor ang puso ko at kahit paulit-ulit akong sinasaktan...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...