Pain ☑️

Por Yaoistorywriter

151K 6.4K 586

An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different conse... Más

Pain
First Teardrop
Second Teardrop
Third Teardrop
Fourth Teardrop
Fifth Teardrop
Sixth Teardrop
Seventh Teardrop
Eighth Teardrop
Ninth Teardrop
Tenth Teardrop
Eleventh Teardrop
Twelfth Teardrop
Thirteenth Teardrop
Fifteenth Teardrop
Sixteenth Teardrop
Seventeenth Teardrop
Eighteenth Teardrop
Nineteenth Teardrop
Twentieth Teardrop
Twenty First Teardrop
Twenty Second Teardrop
Twenty Third Teardrop
Twenty Fourth Teardrop
Twenty Fifth Teardrop
Twenty Sixth Teardrop
Twenty Seventh Teardrop
Twenty Eighth Teardrop
Twenty Ninth Teardrop
Thirtieth Teardrop
Last Teardrop
Salamat!
Special Chapter 1

Fourteenth Teardrop

3.7K 175 5
Por Yaoistorywriter

- 14 -

NATE.

"Drew looks at me, I fake a smile so he won't see
That I want, and I'm needing everything when hes with me.
I'll bet she's beautiful, that girl he talks about.
And she's got everything that I had to live without."

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at naghikab pa ako. Kinapa-kapa ko 'yung higaan ko at hinagilap ko 'yung phone kong nag-aalarm.

Teka, bakit parang hindi ako makakilos?

"Drew talks, to me, I laugh 'cause its so damn funny.
That I can't even see
Anyone when he's with me
He says he's so inlove, hes finally got it right.
I wonder if he knows he's all I think about at night."


Tumingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na nasa kwarto pala ako ni kuya.
Nakayakap siya sa akin. Nakadantay din ang isang binti niya sa katawan ko.

"He's the reason for the teardrops on my guitar.
The only thing that keeps me wishing on a wishing star.
He's the song in the car, I keep singing don't know why I do."

Kinuha ko yung cellphone ko at pinatay ko 'yung alarm. Punyetang alarm 'yan. Sino bang pumili nyan?

Ako ba? Sorry.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ni kuya at lumabas ako ng kwarto niya para maghanda na pagpasok.

Grabe. Akala ko hapon pa lang. Umaga na pala. Naalala ko na naman 'yung kung paano ko nakitang nakangiti si nanay, kung gaano pa rin kakulit si kuya James at Mark.

Haaaay, gusto ko na silang makita uli.

Kumilos na ako para sa pagpasok. Sa totoo lang, inaantok pa ako. At ang sakit sakit pa rin ng katawan ko. Hindi pa rin natatanggal 'yung mga pasa ko sa katawan.

Hindi na rin ako nakakain ng almusal. Naku, patay ako kina kuya. Sabi nila kumain daw ako nang maayos. Eh ano 'tong ginagawa ko ngayon?

Para tuloy akong bangkay na naglalakad papasok ng room namin.

"Hi Nate," sabi ng isang lalaki sabay akbay sa akin.

Napapikit ako. Isa pa 'tong si Drew. Puro panggulo sa nararamdaman ko eh.

Hindi ko na siya sinagot at hinayaan ko na lang siyang umakbay sa akin. Nang biglang may humarang sa amin. Si Rachel.

Joke, si Drew lang talaga 'yung hinarangan nya.

Sinubukan ni Drew na sa kabila dumaan pero hinarangan uli siya ni Rachel.

"Kausapin mo muna ako, Drew." Sabi nya.

Napaface-palm si Drew.

"Rachel, itigil mo na 'to." May diin na sabi ni Drew.

"Pero--"

"Pakiusap."

Wala nang nagawa si Rachel kundi ang umalis. Dumaan na si Drew at tumingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko muna sya.

"Drew, kung kinakausap mo kaya muna sya." Sabi ko.

Nakita kong kumunot ang noo nya.

"Nate? Ok ka lang?" Sabi nya.

"Pero Drew, tingnan mo sya. She's crying." Sabi ko.

Lumingon si Drew kay Rachel. Nakatalikod ito at nakatungo. Alam kong umiiyak sya dahil sa hikbi niya.

"Anong gagawin ko? There's no way para patigilin ko siya sa drama nya."

"Pero Drew,"

"Tara na, male-late na tayo." Sabi nya at umuna na sya sa paglalakad.

Napabuntong-hininga ako.

It's ok, Rachel. Gagaan din ang loob nya.

~*~

Pagdating ng recess ay nagpaalam sa akin si Drew na may biglaan silang training. Nagtaka nga ako kung bakit siya nagpaalam sa akin. Hindi ko naman sya pipigilan doon.

Kaya ang tendency, mag-isa ako ngayong pumunta sa The Student's Park.

I sigh. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang tumuloy sa gagawin kong pagtulong kay Rachel regarding the checklist. Iniisip ko rin kasi kung para sa akin ba talaga kung gagawin ko 'yun.

"Nate, may idea ako!"

Nakita ko si Rachel na papalapit sa akin. Dala-dala nya 'yung checklist

"Idea?"

Umupo siya sa tabi ko, "Yep. I'll be asking Drew for a lunch, at gusto ko sana..."

Tiningnan ko si Rachel sa mata. Determinadong determinado siyang gawin 'yung mga nasa checklist na sa totoo lang, hindi ko naman talaga pinag-isipan noong sinulat ko 'yun.

Parang hindi siya umiyak kanina. Parang hindi siya nasaktan. Ang galing nyang magtago. Mas magaling pa siyang magtago ng nararamdaman kaysa sa akin.

"Sana...?" Sabi ko.

"...na set him up for me? Please. Kita mo naman siguro 'yung bitterness nya kanina. Wala talaga siyang balak na kausapin ako."

Medyo napaiwas ako ng tingin. Nakakatawa na ganito ang ginagawa ko.

Kahit ilang beses ko pang lokohin ang sarili ko, gusto ko rin si Drew. Gustung-gusto ko siya. At itong ginagawa ko, sa tingin nyo ba hindi ako nasasaktan?

"Rachel," I sigh. "Ok, ok. Sige. Pero mamaya, may training pa daw sila eh."

She smiled genuinely. "I love you Nate! Oh my gosh!" Sabi nya at napayakap pa sya sa akin.

Gustuhin ko man syang itaboy palayo sa akin, hindi ko magawa. Ang sama ko naman nun. At saka mabait sya.

Ngumiti na lang ako. Ibinigay nya muna sa akin 'yung checklist then nagpaalam na sya. May gagawin pa daw kasi sya.

I sigh.

~*~


"Dali na Drew! Jusko, lunch lang 'yun! Kung ayaw mo siyang kausapin, edi wag! Basta sabayan mo lang siyang mag lunch tapos." Pagpupumilit ko kay Drew.

Nandito kami ngayon sa hallway at ako naman 'tong parang aso na sunod nang sunod sa kanya. Shet. I hate it but I have to do this. Lunch na kasi at paniguradong naghihintay na si Rachel doon sa pagkakainan nila.

"Ayoko nga syang kausapin tapos ise-set mo pa akong makipag-lunch sa kanya? Ano 'to, magkuntsabahan ba kayo? Binayaran ka ba nya?"

Napairap ako. Naloloka ako sa mga iniisip nya. "Drew, alam kong mahirap ako pero hinding-hindi ako magpapabayad ng pera kapalit ng isang pabor. Gusto lang nyang makipag-lunch with you and that's it. Walang kuntsabahang naganap."

Putek na 'to. Medyo naiinis na ako.

At mas lalo pa akong nainis nang hindi nya ako pansinin.

"Drew."

"Fine. Papayag ako."

Bigla namang naglit-up 'yung mukha ko, "Talaga?"

He nodded, "Yep. Kasama ka."

"A-ano?" Sabi ko at napatigil ako sa paglalakad.

Anong klaseng kaek-ekan 'to, Drew? Anong gagawin ko dun, taga abot ng tubig sa inyo? Taga paypay? Taka kuha ng minutes?

"Pero Drew,"

"Edi wag. Madali akong kausap." Sabi nya at akmang paalis na uli siya nang pigilan ko sya.

I sigh in defeat. "Sige na sige na. Sasama na ako."

~*~


Nandito na kami ni Drew sa loob ng restaurant. At kasalukuyang tumitingin si Drew sa menu habang ako, kanina pa tingin nang tingin sa orasan dahil onting minuto na lang, late na si Rachel.

"Nate, ang daming masarap oh. Anong gusto mo?" Tanong nya sa akin.

Ikaw, Drew. Available ka ba?

Char lang.

"'Yung isang baso ng tubig dyan, pambili na namin ng ulam maghapon. Si Rachel na lang ang i-order mo since sya naman ang sadya mo dito. Mamaya pagdating nya tanungin mo kung ang gusto nya." Sabi ko.

Tumingin sya sa akin. "Tandaan mo Nate, nandito ako dahil nandito ka."

Sabi nya at tinawag na nya 'yung waiter. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nya. Ang naintindihan ko lang ay 'yung sinabi nyang dalawang order lahat.

Bumuntong-hininga na lang ako kesa makipagtalo.

Siguro mga ten minutes na ang nakakalipas, wala pa rin si Rachel. May balak pa ba syang pumunta? Kasi sa totoo lang nagugutom na ako. Si Drew, eto kumakain na. Hindi na napigilan.

"Nate!" Tawag ni Drew at nilingon ko sya. Hawak nya ang kanyang phone.

"Ayan, candid shot. Ang sarap mo dito,"

Sabi nya. Nanlaki ang mata ko at hinablot ko ang phone nya mula sa kanya pero iniwas nya kaagad ito. At syempre dahil alam kong maliit ako at atleta sya, hindi na ako nakipag-agawan. Duh. 'Di naman ako katulad nung iba 'no, pa-cute.

"Ok lang 'yan, Nate. 'Di ka naman panget."

Tiningnan ko na lang sya ng masama. Nakangiti nyang ibinalik ang phone nya sa bulsa nya.

Lumipas pa ang tatlumpung minuto ay wala pa ring Rachel na nagpapakita.

"Mukhang hindi na darating 'yon, kumain ka na. Kanina pa ubos ang pagkain ko oh," sabi nya.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko at nakita kong nagtext si Rachel.

[Nate, sorry. Mukhang hindi ako makakapunta. Nag-excuse na ako sa teacher ko na umuwi ako, inatake kase sa puso si Lola. Pakisabi hindi na tuloy 'yung lunch.]

Napapikit ako. Ngayon mo pa ipapasabi sa akin kung kailan late ka na nagtext. Baluga 'to si Rachel.

Tiningnan ko si Drew. Naglalaro na siya ng ML sa phone nya.

I replied, "Ok lang."

I sigh then ibinalik ko na sa bulsa ko yung phone ko.

"Drew, di raw makakapunta si Rachel. Sorry daw."

"I knew it. It's a lunch between you, and me after all. Not hers and mine." Sabi naman nya.

Ngumiti ako ng pilit.

Kinuha ko yung checklist na binigay sakin ni Rachel kaninang recess pati 'yung ballpen. Tiningnan ko ito.

Failed sya sa dun sa second item pero tingin ko successful naman 'yung una. Chinekan ko ito at napaisip ako.

Since hindi nagawa ni Rachel 'yung second step, pwede pa kaya nyang ulitin 'to? Pero naisip ko rin na malamang sa malamang, hindi na papayag si Drew. Ngayon ngang una pa lang, pahirapan na eh.

Napatingin uli ako sa checklist. Binasa ko 'yung pangalawa.

Yayain mo sya mag-lunch.

Failed ito. Pero sa halip na ekis, sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, check ang nailagay ko.

After all, ako naman talaga ang nagyaya sa kanya. Good job, Nate.

ITUTULOY.

Seguir leyendo

También te gustarán

39.1K 1K 48
[COMPLETED | UNEDITED] The seventeen-year old Lucas Yao was asked to help Leo Yang cope with the new environment where he'll be staying for one schoo...
88.4K 2.5K 28
BxB Love Story (Bromance)
3.5K 434 18
Have you ever imagined yourself having a relationship with a famous celebrity? What if your relationship needs to be hidden from the public because y...
1.5K 99 29
Scotty Anderson isang brat at anak ng pinakama impluwensiyang tao sa California. Agosto 10, 2010 nasangkot ang sasakyan niya sa isang road accident...