Pain ☑️

By Yaoistorywriter

151K 6.4K 586

An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different conse... More

Pain
First Teardrop
Second Teardrop
Third Teardrop
Fourth Teardrop
Fifth Teardrop
Sixth Teardrop
Seventh Teardrop
Eighth Teardrop
Tenth Teardrop
Eleventh Teardrop
Twelfth Teardrop
Thirteenth Teardrop
Fourteenth Teardrop
Fifteenth Teardrop
Sixteenth Teardrop
Seventeenth Teardrop
Eighteenth Teardrop
Nineteenth Teardrop
Twentieth Teardrop
Twenty First Teardrop
Twenty Second Teardrop
Twenty Third Teardrop
Twenty Fourth Teardrop
Twenty Fifth Teardrop
Twenty Sixth Teardrop
Twenty Seventh Teardrop
Twenty Eighth Teardrop
Twenty Ninth Teardrop
Thirtieth Teardrop
Last Teardrop
Salamat!
Special Chapter 1

Ninth Teardrop

3.9K 198 14
By Yaoistorywriter

-9-

DREW.

"Drew,"

Tumingin ako kay Rachel. Nandito kami ngayon sa kubo dito sa may loob namin. She's soaking wet. Nakabalot siya ngayon ng tuwalya dahil nanginginig sya sa ginaw.

Nakakatanga 'diba? 'Yung taong harap-harapan akong ginago, patuwalya ko pa ngayon.

"D-drew, maniwala ka naman sa akin oh? Sabi ko naman sa'yo, pinuwersa nya lang ako! Hindi ko alam, wala akong alam noon! At alam mo ba pagkatapos non? Hinabol kita. Kasi alam kong na-misunderstood mo. Pero hindi na kita naabutan" sabi niya.

Kitang-kita ko sa mata nya ang pagsisisi. Ngayon ay ipinapaliwanag na nya ang side nya. Nakakatakot. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ang sinasabi nya.

"Tama na, Rachel. Tumigil ka na." Sabi ko.

"Drew naman eh.." At muli siyang umiyak.

Napapikit ako. Hangga't maaari, ayokong marinig sya na umiiyak. Parang lumalabas kasi na ang sama sama kong lalaki.

"Sa tingin mo ba, pupunta ako dito sa'yo kung hindi totoo ang sinasabi ko? Maniwala ka naman sa akin, Drew. Kagaya noong ginagawa mo dati."

Napangiti ako ng mapait. Ginagawa ko dati? Nagpapakatanga lang naman ako. Ilang beses ko na siyang nahuli dati at palagi siyang nagpapaliwanag. At ako namang si tanga, inuunawa sya. Nakikinig ako. Kasi nga, tanga ako.

Hindi ngayon. Hindi na ngayon.

Kahit anong paliwanag nya, wala nang pumapasok sa utak ko. Hindi na ako interesado. Sawa na akong makinig sa mga taong puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig.

"Iba na ang panahon ngayon, Rachel. At saka pwede ba, tumigil ka na sa pag-iyak? Masyado pa tayong mga bata sa ganitong drama." Sabi ko.

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapakinggan."

"Rachel,"

"Drew, hindi totoo 'yun. Hindi ko siya sinagot. Oo, niligawan ako ni Santi pero hindi ko siya sinagot! Obsess sya sa akin, Drew. Wala akong magawa."

"Kahit ilang beses ko na kayong nakitang magkasama?" I told her.

"Sya ang sunod nang sunod sa akin Drew. Kahit noong hinahalikan nya ako --"

Napatawa ako. Tama na. Nakakasawa nang pakinggan ang lahat ng kalokohan nya.

"You know what Rachel, let's stop this drama. Ang bata pa natin. Let's move on. Ang dami pang pwedeng mangyari." Sabi ko.

"Drew, mahal na mahal kita," sabi nya.

"Ok, let's say na mahal na mahal mo nga ako. Anong gagawin ko? Hindi na kita mahal. Maghanap o maghintay ka na lang ng iba. 'Yung deserve ka," sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kaya Drew. At wala akong pake kung saan ako dalhin ng nararamdaman ko. Ayokong mamuhay ng napagbintangan. Gusto ko lang naman na maniwala ka sa akin eh!"

"Pag naniwala ako sa sinabi mo, hindi mo na ako mamahalin?" I asked her.

Natigilan sya.

"D-drew,"

"Hindi. Hindi ka titigil. Ang gusto kong gawin mo ngayon, Rachel, fix yourself first. Kasi ako, alam mo ako? Unti-unti ko nang inaayos ang sarili ko. Gusto ko nang makalimot. Ikaw, anong ginagawa mo? Ginugulo mo lang ako."

"Tama ka Drew. Hindi talaga ako titigil. Sisiguraduhin kong maniniwala ka sa akin. Sa panahong 'yon, alam ko rin na babalik at babalik ka sa akin," sabi niya.

Napangiti naman ako. Natutuwa ako sa kanya. Parang hindi nya alam ang sinasabi niya.

"Siguro ngayon, kailangan mo na ring tumigil sa panonood ng drama," nilapitan ko siya at hinawakan ko siya sa balikat. Tinitigan ko siya sa mata nya, "kung anu-ano nang lumalabas sa bibig mo. Dati nung tayo pa, mas mature ka sa akin. Bakit ngayon, parang baliktad na ata?" Sabi ko.

Pinunasan nya ang luha nya.

"Drew, maniwala ka o sa hindi, mahal pa rin talaga kita. Totoo 'yun, walang halong biro. Gusto kong bumalik tayo sa dati." Sabi nya.

Umiwas ako ng tingin, "Hindi na mangyayari 'yan. At saka Rachel, mga 17 years old pa lang tayo! Napakarami pang bagay na pwedeng mangyari. Ang babata pa natin. Tigilan mo na 'to," sabi ko sa kanya.

Tumalikod na ako at akmang iiwanan na siya ng magsalita uli siya.

"Sige Drew, ok lang sa akin. Layuan mo ako. Wag mo akong pansinin. Kalimutan mo ako. Pero eto ah, sinasabi ko sa'yo, ako mismo ang gagawa ng paraan para bumalik ang nararamdaman mo sa akin." Sabi niya.

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang 'yon ay lumabas na siya. Dala nya 'yung towel.

Patay. Kay mom pa naman 'yung towel na 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako at pabalik na ako sa loob ng bahay nang makasalubong ko si kuya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

He smirked. "None of your business."

~*~

NATE.

Napapagod ako. Sobrang pagod na pagod ako. Parang anytime bibigay na ako.

Pakiramdam ko rin parang nag-iinit ang mata at lalamunan ko. Mainit na nga ang luhang lumalabas mula sa mata ko.

Parang nakakawalang gana na kasing bumalik sa bahay. Gusto kong dito na lang sa swing na 'to, magpaduyan-duyan hanggang sa mawala ang mga sakit ng katawan ko at malimutan ko ang lahat ng nangyari. Parang ayoko nang bumalik doon.

Ayoko nang makita si Arnold. Natatakot na ako. Baka may round 2 pa.


For a moment, parang nagsisi ako bigla. Paano kaya kung sumama na lang ako kay nanay? Ano kaya? Mas mabuti kaya ang nangyari sa akin? Sina kuya Lance at Mac naman ang mapapahamak. Baka magkagulo lang lalo rito. Siguro mas ok na na ako ang nandito.

Gusto ko na silang makita. Sana bumalik na sila kaagad, ngayon na. Gusto kong maglabas ng hinanakit sa kanila. At gusto ko ring sisihin si nanay dahil sa hinayupak nyang napangasawa.

Hinayaan ko lang ang sarili kong magpaduyan-duyan dito habang umuulan ng malakas. Napatingala ako.

Ang lamig, ang sarap sa pakiramdam. Parang nawawala 'yung sakit ng katawan ko. At the same time, parang feeling ko lalagnatin din ako.

Ang ganda ganda ng pagkakatingala ko dito, maya-maya naman ay biglang may humarang na payong.

Ok, anong meron?

Pinahiran ko ang luha ko, kahit na alam kong hindi naman halata at tubig mula lang sa ulan ang napunasan ko.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo."

Napatingin ako sa gilid ko. May tao.
Tiningala ko ito at nagulat naman ako nang makita ko ang kuya ni Drew.

Teka, bakit siya nandito? Anong ginagawa nito dito?

"H-haha, wala lang, trip lang" sabi ko.

Tumungo ako. Na-conscious ako. Parang pakiramdam ko may kailangan akong itago.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Uhm, na-try ko na po kasing mag-swing ng maaraw, ang boring. So tinry ko naman mag-swing ng maulan. Nakakasenti pala. Haha." Sabi ko naman.

He chuckled, "Bakit nga ba?" Tanong nya.

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"

"Bakit nakakasenti ang ulan."

Ngumiti ako. Maliit na ngiti lang.

"Pang-ilan ka nang nagtanong sa akin nyan. Na-kwento 'to sa akin ni kuya Mac dati. Kapag daw umuulan, may taong umiiyak. So, syempre, as the nature's way of showing sympathy doon sa taong umiiyak, idinaan na lang niya sa ulan. Para 'yung mga tao, doon nila maramdaman ang lungkot, ang mga pangamba. Makaramdam sila ng pagka-miss. Ayun 'yung tinatawag natin na pagsesenti." Sabi ko.

Tiningnan ko naman sya at nakatingin rin sya sa akin. Then he smiled, genuine.


"Alam mo, I like you." Sabi nya.

Naging seryoso naman ang tingin ko sa kanya. Ano daw? I like you? Agad agad? Grabe naman, di ako ready.

"H-ha?"

Tumingin siya sa kawalan, "Wala lang. Misteryoso ka kasi. O, baka ma-misunderstood mo ah, I just...like you. It's hard nowadays to find someone with a personality like yours." Sabi nya.

"Paano mo naman nasabi?" I asked.

Tumingin sya sa akin, "Alam mo ngayon. Wild na ang mga tao."

"Sinasabi mo ba na hindi ako wild?"

"Parang ganun na nga,"

"Teka, lahat ba ng taong nakikita mong misteryoso eh sinasabihan mo nyan?"

"Hindi. Ikaw lang."

"Eh bakit?"

"Kasi kaklase mo si Drew." Sabi nya.

Ewan ko kung matatawa ako o malulungkot sa sinabi nya. Parang gusto ko na lang umirap.

And speaking of Drew...

"Kumusta po pala si Drew?"

Nakakaloka. Ang dami kong problema sa buhay, Drew pa rin. #TeamDrewAgainstAllOdds charot.

"Ah, ayun. Nagkausap na sila nung ex nya," sabi naman nya.

Natigilan ako. Ang daming conclusions na pumapasok sa isip ko.

Ano kayang nangyari? Ano kayang napag-usapan nila?

Okay na ba sila?

Hindi naman malabong mangyari 'yun. Kahit ilang beses pang itanggi ni Drew, feeling ko mahal pa rin nya si Rachel. Wala lang. Feel ko lang.

"S-so, ayos na po sila?" Tanong ko.

Nag-nod naman siya.

Natigilan uli ako. Teka, bakit ganito? Tama 'yung prediction ko. Pero bakit nagulat pa rin ako? Dahil ba sa iba ko pa nalaman?

Napahawak ako sa dibdib ko. Normal lang naman ang tibok ng puso ko kanina pero bakit parang bumilis ngayon? May mali ba sa akin?

"Wow, great. Sabi na eh, magkakabalikan rin sila." Ngumit ako ng pilit.

"Tama. Mas mabuti na rin siguro na nagkaayos na sila. Depress si Drew dati eh. Pero ngayon ok na uli siya. Bumalik na ang dati kong kapatid. Nakita ko nga sila kanina eh, nanunuod ng movie sa loob ng kwarto ni Drew. Ang saya na nila. Nakakatuwang panoorin na bumalik na sila sa dati." Sabi naman nya.

Putek, dapat nagsasaya ako ngayon sa nalaman ko. Hindi na maglalalapit sa akin si Drew. Pero shete. Parang mas lalong nadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko. Parang dumoble.

"Oo nga. Ayun ang best para sa kanila." Sabi ko.

He just smiled.

"Anyways, Nake right? Nite? Mate?"

"Nate."

"Nate. None of the above. Hehehe. Una na ako, may binili lang ako. Umuwi ka na, basang basang ka na. Hindi ko naman mao-offer 'tong payong ko sa'yo kasi ayoko. Akin 'to eh."

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"'De joke lang. Kung alam ko lang na makikita rito, edi sana nagdala ako ng spare na payong. Kaya umuwi ka na, bago ka pa magkasakit." Sabi nya.

Pagkaalis na pagkaalis nya, at saka naman tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Tangina, ano 'to? Para san 'tong luhang 'to?

At ano 'tong bigat ng nararamdaman ko? Parang mas mabigat pa 'to sa naramdaman ko kanina.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad pauwi sa bahay. Kanina sabi ko nakakawalang ganang umuwi. Pero ngayon, gusto ko nang humiga sa kwarto ko at magpahinga.

Punyeta. May sakit sa dibdib ko. Ano 'tong sakit na 'to? Bakit ba ako nagkakaganito?

Pagdating ko sa bahay, walang bihis bihis at punas punas ay umakyat na kaagad ako papunta sa kwarto ko. Kinuha ko 'yung aklat na pinag-ipitan ko 'nung bulaklak na ibinigay sa akin ni Drew. Wala akong pake kung mabasa 'yung mga pahina nung libro.

Kinuha ko ito. Pumunta ako sa may bintana at akmang itatapon ko na ito nang biglang may pumigil sa akin.

Ang puso ko.

ITUTULOY.

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 2.2K 39
Kisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
207K 7.5K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
2.5K 88 36
ano nga ba ang nakikita ng mga shippers or ng mga fan girl or fans na hindi nakikita ng ibang tao? follow this little stalker as he goes to a journey...