Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 32 - His Twin

9.3K 345 216
By wistfulpromise

Chapter 32

Celestine

Hinintay ko ang pagdating ni Cello. Hindi ko siya nakita magmula pa kahapon kaya nag-aalala na ako kung saan nagpunta ang lalaking iyon. Wala naman sigurong ginawa si Jace sa kanya hindi ba? Kaya rin naman ni Cello ang sarili niya kung sakali.

Hanggang ngayon ay nasa Black Savage Headquarters pa rin ako. Nakiusap sa akin si Jace noong nagkausap kami kahapon, pumayag naman ako dahil sa totoo lang ayoko na ring makipagtalo. Masaya rin ako na hindi na siya gaanong nagtanong pa sa kung ano ang naaalala ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko dahil kahit ako ay naguguluhan pa sa sarili.

"Sino ang hinihintay mo riyan Serene?" kulang na lang ay mapatalon ako sa gulat noong makita si Aiden na nakatayo sa tabi ko. Para siyang multo na bigla na lang sumulpot. Narinig ko siyang tumawa dahil sa reaksyon ko. May sandaling alaala ang pumasok sa isip ko, nakita ko siya na kausap ko ngunit nakakunot-noo siya at mukhang galit. Kabaliktaran ng nakikita ko ngayon. Nakakapanibago sa pakiramdam. "Hinihintay mo ba si Jace? Maaga siyang umalis kanina. Dumiretso siya sa Ashez Corporation para tulungan si Nathan."

Umiling ako. "Hinihintay ko si Cello."

"Nakakapanibago."

"Ang alin?"

"Nakakapanibago na marinig mula sa'yo ang pangalan ng iba bukod kay Jace. Wala kang ibang bukambibig noon kundi puro Jace eh. Dati naririndi ako dahil nakakairita. Ngayon, nakakapanibago pala."

Hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko. Ano ba ang alam ng lalaking ito sa akin at pati na rin sa amin ni Jace?

Tumalikod na siya at pinagpatuloy ang paglalakad pero parang may nagtutulak sa akin na kausapin siya.

"Aiden?" Huminto siya at tinaasan ako ng isang kilay. "Kaano-ano ka ni Jace?"

"Ah, so I've heard. Inamin na raw niya sa'yo ang tunay niyang pangalan. That's good." Huminto siya saglit. "Before I answer your question, can I ask you something first?"

Marahan akong tumango, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"What about I tour inside the headquarters? You can ask me anything you like while walking. Nakakatamad kasi kung nakatayo lang dito. Mas gusto kong naglalakad."

Katulad ng sinabi ni Aiden, inilibot niya ako sa loob ng headquarters ng Black Savage. Mula sa entrance, sa interrogation room, back garden, main office hanggang sa tulugan ng mga miyembro, lahat ng iyon ay pinakita niya sa akin.

Sinagot niya rin ang tanong ko kanina habang naglalakad kami. Sabi niya, kanang kamay raw siya ng ama ni Jace pero noong namatay ito, sa kanya na pinagkatiwala ang mga anak nito. Siya ang tumayong trainer, mentor at kuya ng dalawa hanggang sa kaya na nilang tumayo sa kanilang sariling mga paa. Ngayong nabanggit niya ang pangalan ni Nathan, hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid si Jace lalo na ngayon na naaalala ko na siya. Ni minsan wala siyang nabanggit sa akin tungkol doon.

"Ilang taon ka na Aiden?" tanong na bigla na lang pumasok sa isip ko. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, mukha naman siyang kasing edad namin. Ngunit sa tuwing pinapakinggan ko siyang magsalita, parang marami siyang alam na hindi naaayon sa edad na akala kong edad niya.

Tumawa siya bago ako pinagbuksan ng isa na namang panibagong kwarto na gusto niyang ipakita sa akin.

"Alam mo hindi lang ikaw ang nagtanong sa akin niyan. Ilang taon na ba ako sa palagay mo?"

"Twenty-eight? Twenty-nine?" Umiling-iling siya sa akin. "Early thirties?" pagbabasakali ko pa.

Ngumisi siya sa akin, yung ngisi na may halong pagka-proud sa sarili dahil hindi ko mahulaan ang edad niya.

"I'm actually forty."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi nga?"

"I was in my early 30's noong mamatay ang dad ni Jace. He was just only 18 back then, parehas sila ni Nathan. How old do you think I am kung iiwan sa akin ang Ashez Corporation ng dad niya habang hindi pa handa ang magkapatid? Twenties? Well I wish, pero hindi ako kasing talino ni Jace."

"Hala, grabe hindi talaga halata na forty ka na. Wala kang pamilya?"

"Sina Jace at Nathan."

"No, I mean, wala ka pang pamilya? Asawa at anak, ganun?"

Umiling siya sa akin at huminga ng malalim. "You know, all my life I already dedicated it to the Alvarez Clan. Noong mamatay si Sir Kevin na dad nina Jace at Nathan, ako na lahat ang umako ng responsibilidad. Mula sa kumpanya nila, sa dalawa bilang guardian nila dahil wala na silang mga magulang at pati na rin sa Black Savage na tinuring kong pamilya, wala akong oras para sa love."

"Pero hindi mo naisip? Hindi ka na rin kasi bumabata."

Nagkibit-balikat siya. "Minsan. Kung may dumating, eh di dumating. Kung wala, then its okay. I'm happy with my life right now actually. Ang main focus ko na lang talaga ay makitang maayos ang buhay ng dalawa. Siguro by then, doon ko na ifofocus ang sarili ko. Pero sa ngayon, sila muna bago ako."

Napangiti ako roon. "Isa kang mabuting tao Aiden."

"Really? Five years ago, you will never say that to me."

"Talaga? Hindi ba tayo magkasundo noon?"

"Well, it was partly my fault. I was an asshole during that time because I hate you."

Napapikit-pikit ako roon. Naaalala ko sa kanya si Jace. Masyadong diretso. Natawa ako ng konti.

"Sigurado ka bang hindi ka talaga Alvarez? Walang preno ang dila mo eh."

"I wish. Pero wag kang mag-alala, you also hate me with the same degree."

"So hindi tayo nag-uusap noon?" naiintriga kong tanong. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi kami nag-uusap noon. "Bakit naman ayaw mo sa akin noon?"

"Now you're interested with your past." he said teasingly. "Akala ko ba mas gusto mong maging Celestine?" Bago pa ako makapagtanong ay inunahan na niya ako. "Jace told me na sinabi niya na ang totoo sa'yo na ikaw si Serene at hindi si Celetine."

"Just curious." Kunwari akong nagkibit-balikat sa una niyang sinabi.

Tumawa lang ulit siya. Natutuwa ako na ang gaan ng aura niya sa akin. Tapos nag-umpisa na siyang magkuwento. Sabi raw kasi niya napapabayaan ni Jace ang trabaho niya sa opisina pati na rin sa gang dahil sa akin. Idagdag mo pa na dati raw na mortal na magkaaway ang mga pamilya namin ni Jace. Kaya kahit na raw nagkasundo ang pamilya namin dahil sa isang magandang dahilan, hindi pa rin niya matanggal sa sarili na mainis kapag nahahalubilo ang clan namin sa kanila.

"Tanong ko lang," sabi ko mayamaya. Naglalakad na ulit kami sa isang hallway ngayon. Kadadaan lang namin sa sleeping quarters ng gangmates nila. May naabutan pa kami roon ngunit noong nakita ang pagdating namin ay bigla silang tumayo at sumaludo na parang sundalo. Nagtaka man kung bakit sila ganu'n umasta, sabi naman ni Aiden ay dahil daw iyon sa halos military style na pagpapatakbo ni Jace hindi lang sa Black Savage Gang kundi pati na rin sa buong Gangster Society.

"Ano?"

"Anong nagawa ng Alvarez Clan sa'yo para magkaroon ka ng ganyang klaseng loyalty sa kanila? Biruin mo, halos buong buhay mo binuhos mo na sa kanila. Kahit nga sarili mong kasiyahan ipinasantabi mo makita lang sina Jace at Nathan na maging masaya. In a way, nawala man ang mga magulang nila, masaya ako na makita na meron silang naiwan na parent figure at ikaw 'yun."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sinabi niyang narito na kami sa main office ni Jace sa headquarter na ito.

"Galing kami sa mahirap na pamilya. Magsasaka lang ang tatay ko tapos tindera lang sa palengke ang nanay ko. Sa sobrang hirap namin, napilitan ang mga magulang ko na pumunta sa Maynila. Kala kasi nila gaganda ang buhay namin dito pero hindi pala. Nagkasakit ang nanay ko tapos namatay. Sumunod ang tatay ko dahil sa labis na pagtatrabaho. I was orphaned at the age of nine. Nagpalaboy-laboy ako, namalimos, naging batang kalye hanggang sa pinadala rin ako sa bahay ampunan pero tumakas ako kasi ayoko roon. Salbahe yung mga bata roon pati na rin yung ibang mga empleyado. Konting pagkakamali namin sinasaktan kami. Mga magulang ko nga hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni minsan, sila pa kaya?" Nagsalin siya ng wine sa may baso na nasa gilid. Inabot niya sa akin ang isa. "Gusto mo?"

Kinuha ko naman ito. "Tapos?"

Sumandal siya roon sa mesa ni Jace at marahang sumimsim. "Tapos, ayun, nagpalaboy-laboy ulit ako. Napasali sa mga gang-gang dyan sa may kanto na puro away bata lang naman, sumisinghot ng rugby dyan sa tabi-tabi pampalipas ng gutom tapos napasali sa mga sindikato na nagnanakaw ng pwedeng nakawan."

Mapait na ang lasa ng wine ngunit noong marinig ko ang sinabi niya ay mas lalo yata itong pumait sa dila ko. "Ginawa mo talaga iyon?"

"Oo naman. Para lang mabuhay."

"When did Jace's family came into picture?"

"Hmm..." nakita ko siyang napangiti habang inaalala ang nakaraan. "Alam mo meron at meron talagang darating sa buhay natin na akala mo iyon na ang pinakamalalang mangyayari sayo pero hinahanda ka lang pala ng Diyos to something much better, do you know what I mean?"

Tumango-tango ako.

"Nakidnap ako ng isang sindikato na pinapadala yung mga bata sa isang lugar para manlimos. Pero hindi lang pala yun, may side line sila sa black market at yun ay yung nagbebenta sila ng mga laman loob sa mahal na halaga sa mayayaman na kostumer."

Magkokomento pa sana ako na imposible iyon at gawa-gawa lang ng mga magulang upang takutin ang mga anak nila pero naalala ko na nanggaling na pala ako sa black market noong nasa Nefario Warehouse pa ako. At lahat ng akala kong imposible ay posible pala sa mundong iyon.

"I was already 15 during that time, mas mature na ang katawan ko kaysa sa mga batang kasama ko na nakidnap noon kaya ako na ang susunod na tatanggalan ng kidney noon to who knows where. Ang Black Savage noon under ni The Highest ang naghahawak ng business na yun."

Napakunot-noo ako. Naaalala ko ang pangalan na iyon. Iyon ang numero unong kinamumuhian nina Tatang sa isla. Iyon din ang dahilan kung bakit kami nandito.

"The Highest? Hindi ba yun si Marcus Ashen? Hindi ko alam na ganun pala kasama ang budhi ng taong yun. Mabuti na lang pala talaga patay na siya. Kung pwede lang makapagpasalamat sa kung sino ang tumapos sa kanya, ginawa ko na. Siguradong matutuwa sina Tatang nito kapag nakilala nila kung sino man siya. Kasi si The Highest ayon kanila Tatang ay magaling talagang makipaglaban kaya ang malaman na natalo at napatay siya ay kahanga-hanga talaga."

Pinagmasdan niya lang ako, parang gusto niyang tumawa pero pinigilan niya ang sarili dahil gusto niyang makita ang reaksyon sa mukha ko.

"Hindi mo talaga naaalala?"

"Ang alin?"

"Ikaw ang pumatay kay The Highest."

Kulang na lang ay pumusitsit ang iniinom kung wine mula sa labi ko. Gayunman, hindi ko napigilan na maubo kaya bahagyang tumulo ang red wine sa baba ko. Mukha tuloy akong bampira na may nanlalaking mga mata. Napatakip ako ng mga labi.

"Nagbibiro ka hindi ba?"

Nakita ko kung gaano siya natutuwa sa nakikitang reaksyon sa akin. Inabutan niya ako ng tissue na agad ko namang ipinunas sa mga labi ko ngunit namantsahan na ang puti kong damit na kabibili lang namin ni Jace.

"I wish, but I'm not. Yes its true, Reyes had pulled the trigger pero kung hindi mo siya pinagod sa pakikipaglaban, hindi natin siya matatalo."

"Our queen killed him." naaalala kong sinabi sa amin ni Jace noon nung tinanong siya ni Cello kung sino ang nakapatay kay The Highest. "Serene, you are not Celestine. You are Serene Lopez. And you are my queen."

Queen? Ako ba talaga yun?

Agad ko nang binura sa isip ko ang sumunod na nangyari noong sinabi sa akin yun ni Jace dahil hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko pa rin ang halik niya sa akin ay namumula pa rin ako.

Inabot ko kay Aiden ang baso ko upang humingi pa ulit ng wine, nilagyan naman niya ito. Agad ko itong ininom ng isang lagukan dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nalaman.

"Dahan-dahan lang sa pag-inom, mamaya malasing ka pagagalitan ako ni Jace kung bigla ka na lang magwala rito." biro pa niya sa akin.

Pagkababa ko ng baso ay naramdaman ko ang init ng wine sa dibdib ko. Bahagya pa akong naubo ulit ngunit noong mabawi ang sarili ay muli akong humarap sa kanya.

"Totoo? Ako talaga yung..."

Taimtim siyang tumango sa akin. "Yup."

"Paano?"

"Ewan ko sa'yo. Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Hindi ko nga maalala di ba?"

"Pwes alalahanin mo. Nasa loob ba ako ng utak mo noong ginagawa mo yun noon?"

"Yung sense of humor mo rin eh ano?" Bahagya ko pa siyang tinuro bago umiling. Tumawa lang siya. "And here I am -- kung ako nga talaga si Serene -- all through my life I thought I was a loser."

"Loser? Masakit mang aminin pero, you had never been a loser even before. You killed The Highest, you run the Gangster Society and you even rule the Ellipses Gang. Besides, during Battle of the Gang when you were only 16, you became the society's hero when you save them from an explosion. Almost all of the people in the Society loves and admire you. You're like a living legend. Ganun ka kaastig."

"Really?" hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Hanggang ngayon ay ayaw magsink-in nito sa utak ko. "Pero sandali, sabi mo pinapatakbo rin ni Serene ang Ellipses? Tama ba?"

"Oo. It's your family gang. It is Lopez's kingdom. And you are one."

"Wow."

Halos mapasandal ako roon sa katabi kong book case. Tumatama na yata sa akin yung alak bigla. Mataas ang tolerance ko dahil sa isla noon nakikipag-inuman pa ako kanila mang Berto maghapon at ako madalas ang nahuhuling gising. Pero sa mga nalalaman kong impormasyon, parang doon pa ako mas higit na nalalasing. No wonder kung bakit ganun ang tingin sa akin ng mga nakilala kong miyembro ng Ellipses lalo na noong pumunta ako sa headquarters nila noon, sina Niel, Paul, Aziel at ang mga tingin sa akin ng iba pa na naroon na tila ba isa akong kayamanan na nahukay nila sa lupa. Who would have believe na sa isla pinagtatawanan lang ang kakayahan ko pero dito, I rule a kingdom and they call it Gangster Society.

"Pero balik tayo sa kwento mo, paano mo nakilala ang dad ni Jace?"

"Nakatakas ako noong araw na tatanggalan na ako ng kidney. Sa pagtakas ko sa impyerno na yun, may nakabangga akong lalaki sa loob lang din ng gusaling yun. Akala ko isosoli niya ako. Takot na takot ako noon. Pero tinago niya ako isang kahon doon sa may tabi namin. Sa may butas, nakita ko noong yumuko sa kanya ang mga humahabol sa akin. Noong mga panahon na iyon hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi naglaon doon ko lang nalaman na kasosyo pala siya ni The Highest sa negosyo nila pero isa iyon sa mga negosyo na hindi nila pinagkakasunduan, ang child trafficking. Kasi alam mo, kahit magkasundo ang Ashen at Alvarez sa Ashez Corporation na isang malaking automobile industry, may mga sideline business ang mga Ashen na tutol ang Alvarez kaya sa tingin ko doon din nagkaroon ng lamat ang relasyon nila. Gusto nang magbagong buhay ng mga Alvarez pero ang Ashen ayaw nila. Niligtas ako ni Sir Kev noong araw na iyon and the rest was history. Alam ko kung gaano niya kagusto na iligtas pa ang ibang bata roon pero ayaw niya ring labanan si Marcus. Kaya binuhos niya sa akin ang lahat ng tulong na pwede niyang gawin, kinupkop niya ako, pinag-aral at tinuring na parang anak. Binigyan niya ako ng bagong buhay, ng bagong pamilya at ng bagong direksyon. At yun ang isa sa mga bagay na tatanawin ko habang buhay."

Hanggang ngayon ay indi pa rin ako makapaniwala na sinabi niya sa akin ang kwento niya kaya hinayaan ko lang siyang magsalita. Ang malaman din ang mga pinagdaanan niya sa buhay noon at sa nakikita kong tagumpay niya ngayon, tunay ngang isa siyang kahanga-hanga.

Marahan niyang nilaro ang wine sa baso na hawak.

"Babalik ka raw sa isla?"

"Sinabi ni Jace sayo?"

Tumango siya ng konti. "Alam kong gustuhin man niya ay hindi niya sasabihin sayo dahil hindi ka niya kayang tiisin. But please, Serene. Don't leave."

"Ano pang sinabi niya sayo?"

"That's all, other than that, i just picked it from reading between the lines and through his actions."

Huminto ako saglit.

"I remember him, but not everything." Pag-amin ko sa kanya.

"Isn't that a good thing?"

"Kailan kong bumalik sa isla. Gusto nyang sumama. Paano ang Black Savage, ang kumpanya niya pati na rin ang Gangster Society? Ikasisira niya lang ang pagsama sa akin."

"Ikawawasak naman niya ang pagkawala mo." Sagot niya sa akin. "Serene hindi mo ba nakikita kung gaano kalaki ang nagbago sa ikinikilos niya magmula noong bumalik ka? Noong nawala ka sirain niya ang buhay niya. Ngayon pa lang siya nakakabawi tapos iiwan mo ulit? Piliin mo man alin sa dalawa, iisa lang ang kahihinatnan. May masisira at masisira."

"Malaki ang responsibilidad niya rito."

"Iniisip mo ang puno pero paano ang ugat? Ikaw lang ang pinapakinggan niya. Ikaw lang ang kinatatakutan niya. Nakita mo naman ang ginawa niya sa interrogation room hindi ba? For five years, that's the life he had lived for. He is in the borderline of being a cold blooded murderer and we can't do nothing to stop him. If it was not the hope of finding you, I think he had been the new The Highest of this society a long time ago."

Inilayo ko ang tingin sa kanya dahil tama siya. I saw it in Jace's eyes... that cold blank empty eyes we he snapped the neck of his victim, nakakapanindig balahibo.

"Sa tingin mo kakausapin kita ng ganito kung hindi importante? Kung umalis ka ngayon, wala ka nang babalikan dito. Save Jace while he still likes to be human. Save us. At ikaw lang ang makakagawa nu'n. The Gangster Society is already in chaos because of NL7, its only a matter of time before a new war will break loose. Marami mang gang ang kayang kontrolin ni Jace bilang Gangster King sa loob ng society, sa uri ng pamamalakad niya? Mas gugustuin pa nilang sumanib na lang sa adhikain ng NL7 na buwagin ang mundong kinalakihan natin. This is the time Jace needs your nurturing guidance the most. This is the time we need our Queen to balance the King. So choose wisely."

***

Nagingiti-ngiti ako mag-isa sa may kusina ng headquarter noong dumating si Cello. Pagkatapos ng sandali naming paglilibot ay iniwan na rin ako ni Aiden dahil may kailangan pa raw siyang gawin.

"Dumating ka na pala. Saan ka nanggaling?" Gusto kong maging seryoso ngunit iba ang tono na lumabas sa mga labi ko. Para akong kinikilig na humahagikgik. Kahit talaga anong gawin ko ay hindi ko mapigilan mapangiti.

Kunot-noong lumapit sa akin si Cello. Ibinaba niya ang maliit na bag na dala sa upuan sa tapat ko.

"Anong nangyayari sa'yo?"

"Wala." Tinakpan ko ang mukha ko. Yuyuko na sana ako pero nahawakan niya ang pisngi ko at agad akong ininspeksyon. Nahuli ko pa siyang inaamoy ako na agad niyang sinita sa akin.

"Nakainom ka ba?"

Hirap man ay ginawa kong seryoso ang mukha. "Hindi ah."

"Celestine wag kang magsinungaling sa akin. Hindi ka ngingiti-ngiti ng ganyan kung hindi. Tingnan mo nga o, halos mamula na 'yang mukha mo. Sandali lang akong nawala pinapabayaan mo na yang sarili mo. Hindi ba kagagaling mo lang sa sakit kahapon? Tapos umiinom ka na agad. Ano ba yan Celestine, wala tayo sa isla. Hindi natin kilala ang mga tao rito. Paano kung napano ka? Sinong magtatanggol sayo?" Dismayado siyang umupo sa harap ko.

"Hindi ako lasing. Konti lang naman ang ininom ko." Well, inubos ko yung kalahati ng natitira sa wine pagkaalis ni Aiden pero kailangan pa ba niyang malaman yun?

"Kahit na."

Ang makita na iritable ang mukha niya ay tila ba nagpairitable sa akin kaya napasimangot na rin ako tulad niya.

"Kahapon pa kita hinihintay. Saan ka ba kasi nanggaling?"

"Talaga? Hinihintay mo ako? Akala ko ba masaya ka na kay Jace?" suplado niyang sumbat sa akin.

"Alam mo na rin na hindi Raven ang pangalan niya?"

Tumingin siya sa akin. "Oo."

Ano pang alam mo Cello na hindi mo sinasabi sa akin? Gusto kong itanong sa kanya ngunit hindi ko magawa. Natatakot ako na malaman na ang lalaki na pinagkatiwalaan ko ng halos limang taon pagkadilat ko ng mga mata isla noon ay nagsisinungaling lang pala sa akin.

Yumuko siya saglit at nilaro ang mga daliri niya. Ginagawa niya lang yun kapag kinakabahan siya.

"Akala ko ayaw mo na akong makita."

"May dahilan ba para mangyari yun?"

"Celestine ano kasi eh..." Sabihin mo Cello. Sabihin mo ang nalalaman mo tungkol sa akin.

"Ano Cello?"

"Kung ano man ang malalaman mo tungkol sayo, sa nakaraan mo. Gusto ko lang malaman mo na ginawa namin ang mga desisyon na ginawa namin para rin sayo." Magsasalita pa lang sana ako noong agad niyang nabawi ang sarili upang sagutin ang tanong ko kanina. "Buong araw akong wala kasi... inaayos ko na ang pagbalik natin sa isla. Naaalala mo ba yung mga sinakyan natin noon? Hinunting ko ulit sila, sa awa naman ng Diyos nahanap ko ang iba sa kanila."

"Tuloy na talaga ang pag-alis natin." Gusto kong maging komento iyon ngunit tila ba mas higit itong naging patanong.

"Ayaw mo bang sumama pabalik?" Itago man niya ay bakas ang lungkot hindi lang sa mga mata niya kundi pati na rin sa pabalang na tono na pananalita niya.

Kung talaga ngang ako si Serene, sino ka nga ba sa buhay ko Cello?

Biglang siyang tumayo at may ngiti na gumuhit sa mga labi niya na tila ba kahit siya ay may mga katanungan na natatakot ding malaman ang kasagutan. Hindi na niya hinintay ang sagot ko katulad ng nauna dahil bigla na lamang niya akong sabik na hinila palabas.

"Narinig ko na kinukulong ka raw ng Black Savage rito sa loob ng headquarters nila. Tara at lumabas. Marami akong nakitang pasyalan na tiyak na magugustuhan mo."

"Hindi tayo palalabasin."

"Hindi? Akong bahala sayo. Tatakas tayo."

"Magagalit si Jace."

Tumingin siya sa akin. "Kailan ka pa natakot sa isang tao? Si Tatang nga hindi mo sinusunod kapag inuutusan ka. Yun pa kaya?"

Hindi naman ako natatakot kay Jace. Natatakot ako sa magagawa ni Jace kapag nakita niya kaming magkasama.

Inabutan ako ni Cello ng water bottle niya.

"Para saan?" taka kong tanong.

"Uminom ka ng maraming tubig para mawala yang hilo mo ng konti. Hindi ka na makapaglakad ng maayos eh." Kung hindi pa niya siguro sinabi ay hindi ko na mapapansin na muntik na akong mabangga sa isang pader. Tinawanan niya lang ako.

"Sige tawa ka pa." inis kong pahayag bago ininom ang inabot niya. "Ang akala ko ba gusto mo akong magpahinga dahil kagagaling ko lang sa sakit? Tapos ngayon ipapasyal mo pa ako sa labas. Hindi ba nakakapagod yun?"

"Sa nakikita ko naman sayo ngayon, mukhang kaya mo na. Di ba nga uminom ka pa ng alak? Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan."

Sa tuwing nakikita ko ang tawa niya parang mas gusto ko na lang maging Celestine. Masaya. Indi komplikado. Walang problema. Kung hindi kaya kami pumunta rito sa Maynila, tahimik pa rin kaya ang buhay namin tulad noon?

Ewan. Ayoko nang mag-isip. Sumasakit lang ang ulo ko.

Sa likod kami dumaan ni Cello. Kapag may dumadaan na miyembro ng Black Savage ay agad siyang napapatago sa kalapit na pader kasama ko na hila-hila niya sa may braso.

"Bakit ba tayo nagtatago?"

Inilagay niya ang isang hintuturo sa mga labi.

"Bakit--" tinakpan niya ang mga labi ko at hinila sa may tabi niya noong narinig namin si Aiden na may kausap. Dumaan sila kung saan kami nakatayo kanina.

Tahimik munang pinagmasdan ni Cello ang buong paligid bago kami lumabas sa pinagtataguan namin.

"Sumunod ka lang sa akin. Wag kang maingay para hindi nila tayo makita." bulong niya habang inililibot pa rin ang mapagmatyag na mga mata.

"Pero bakit? Hindi naman nila tayo bihag ah."

"Basta, magtiwala ka sa akin. Gusto mo pang makita sina tatang, nanay at tatay hindi ba?"

Napahinto ako saglit. "Oo." tahimik kong sagot. Dati sigurado ako pero parang ngayon ay hindi na. Oo gusto ko silang makita pero anong sasabihin ko sa kanila? Kaya ko ba silang harapin?

Isang mataas na pader sa likod ng mga puno ang naging destinayon namin. May inaayos na tali roon si Cello. Nakatali ito sa taas na bahagya niyang hinila-hila ng ilang beses para malaman kung matibay ba o hindi.

"Mauna kang umakyat dali. Susunod ako."

"Bakit hindi na lang tayo sa harap?"

"Basta." Dahil sabog din ang utak ko at hindi ako makapag-isip ng maayos, sumunod na lang ako sa sinasabi niya dahil mukha rin siyang seryoso. Inalalayan niya ako roon hanggang sa nakaakyat ako. Lasing pa nga talaga yata ako dahil hindi ko mabalanse bigla ang katawan ko gayong dito ako eksperto. Sumunod siya at nauna siyang tumalon sa baba.

"Talon ka na dali. Sasaluhin kita."

"Masyadong mataas."

"Wala na tayong oras. Dali na."

Tumalon ako at tulad noon, mabilis niya lang ako nasasalo na akala mo wala lang ang bigat ko sa kanya.

"Bumibigat ka na yata." Biro niya sa akin kaya pabiro ko siyang sinuntok sa may pisngi. Inis ko siyang inirapan.

"Ewan ko sayo."

"Biro lang. Heto naman nagsusungit na naman."

Inilibot ko ang tingin at hindi makapaniwala na nakalabas na rin ako sa wakas ng Black Savage Headquarters ng walang nakabantay sa akin. Napakasarap ng sariwang hangin. Ipinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim.

"Saan mo nakuha yang damit mo?" taka niyang tanong. Bahagya niya pang pinagpag ang mantsa ng red wine sa puti kong tshirt dahil akala niya matatanggal niya.

"Binili ni Jace."

"Bakit? Hindi na ba kasya yung mga damit ko sayo?"

"Hindi naman pero--"

Naglabas siya ng damit sa bag niya at inabot sa akin. "Magpalit ka saglit bago tayo sumibat. Ayoko yang damit sayo. Ang pangit. Hindi mo bagay."

Hindi ko mapigilang matawa ng konti.

"Parehas kayo ng sinabi sa akin ni Jace kahapon." Pati pagkunot-noo nila na akala mo nandidiri sa suot ko.

Napaikot siya ng mga mata. "Sige na, magpalit ka na doon sa likod ng puno habang walang tao. Hihintayin kita. May mantsa na rin yang damit mo, baka akalain pa ng ibang makakita sayo pinapabayaan kita."

Dahil sa malaki talaga ang mantsa ng red wine kanina at hindi ko na maitago, pumayag na ako sa sinabi niya. Sa sobrang pula pa nga ng mantsa akala mo dugo. Kaya kailangan na talagang palitan. Ang sarap lang ng wine na yun.

Tulad ng dati, maluwang sa akin ng konti ang pulang damit na galing kay Cello. Pero okay lang naman sa akin dahil hindi rin ako pihikan sa damit na sinusuot.

"O, anong gagawin mo dyan?" tanong niya sa akin noong itatali ko sana ito sa suot kong pantalon.

"Itatago? Hindi ba halata?"

"Wag na, itapon mo na yan." Inagaw niya ito sa akin at inihagis sa baba.

"Hala, sayang!"

"Hayaan mo na." Hinila niya ako pero binalikan ko yung damit. Nahila ko ito pero sumabit sa may matalim na sanga sa baba at bahagyang nabutas at napunit.

"Halika na, dali." Hinila na niya ako ulit at sinimulan na namin ang maglakad. Iniwan ko na roon ang damit dahil sira na rin naman.

Naglakad kami ng naglakad ni Cello. Naaalala ko tuloy noong mga naunang araw na dumating kami rito sa Maynila. Ganito rin ang ginawa namin noon, lakad lang ng lakad.

Sumabit kami ni Cello sa isang truck at nagpalit-lipat ng masasakyan mula sa tricycle hanggang sa jeep.

"Saan ba tayo mamamasyal? Parang ang layo naman yata. Hindi ba tayo hahanapin niyan nina Jace at Aiden sa headquarters?"

Umaga kami umalis kanina, ngayon hapon na pero wala pa rin kami sa sinasabi niyang papasyalan namin. Kanina tumatawa pa siya, nagbibiro pa nga kapag tinatanong ko pero ngayon parang iba na ang timpla niya.

"Cello bumalik na lang kaya tayo? Kailangan ko pang pakainin si Tala. Tapos si Jace--"

"Bakit ba kanina mo pa bukambibig ang pangalan ng lalaking iyon?"

"Siya yung may-ari ng Black Savage na nagpatuloy sa atin."

"Hindi yun eh. Baka magalit si Jace, baka maano si Jace, baka ganito si Jace, Celestine kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman ng Jace na yun?" tila ba naiinis niyang paliwanag.

Tumigil ang sinasakyan naming tricycle kaya agad siyang nagbayad. Pagkababa ko, nagulat ako noong naroon na kami sa isang pantalan.

Nalalaki ang mga mata ko sa gulat noong humarap ako sa kanya. "Cello, anong ginagawa natin dito?"

"Babalik na tayo sa isla. Ngayon din."

"Ano?"

Hinila na niya ako at nakipila na kami sa maraming taong na naroon.

"Hindi natin pwedeng gawin yun. Kailan nating bumalik Cello." Hahabulin ko na sana ang traysikel pero hinila niya ako pabalik sa tabi niya.

"Akala ko ba gusto mong bumalik na isla?"

"Oo pero hindi ngayon. May kailangan pa akong ayusin dito. Hindi natin kailangang tumakas. Nakausap ko na si Jace, pumayag siya na bumalik ako sa isla."

"Nakausap? Bakit kailangan mo pang magpaalam sa kanya?"

"Hindi mo naiintindihan Cello--"

"Ako ang hindi mo naiintindihan Celestine. Sa tingin mo hahayaan ka pa nilang makatakas doon? Sa ilang araw na naroon ka, pinalabas ka ba nila ng walang nagbabantay sayo? Hindi diba? Kasi wala talaga silang balak. Tuso sila Celestine lalo na si Jace. Mangangako pero hindi tutuparin."

"Cello--"

"Narinig ko silang nag-uusap kanina, sina Jace kasama ng iba sa mga Ellipses -- pinagpaplanuhan nila kung paano ka nila itatakas dito sa Maynila palayo sa akin katulad ng ginawa nila kay--"

Napakunot-noo ako. "Kanino?"

Inilayo niya ang tingin sa akin ngunit noong ibinalik niya ay nangungusap na ito para pakinggan ko.

"Celestine, please. Magtiwala ka sa akin. Ginagawa ko ito hindi lang para kanila Tatang kundi para na rin sayo. Kung wala silang isang salita, hindi ko sila pagkakatiwalaan at lalong-lalo nang hindi kita ipagkakatiwala sa kanila."

***

Jace

Pagkagaling ko sa Ashez Corporation, ay nakipagkita pa ako kanila Niel, Paul at Aziel kanina. Pagkatapos nu'n, muli kong binalikan ang lugar kung saan sumugod ang NL7 noong isang araw. Ang mga bala ng baril ay nagkalat pa rin sa lupa, may mga nabanggang kotse na inabandona, punong nagsitumbahan, ang ilan sa mga pader ay may butas dahil sa mga tama ng baril. Isa lang ito sa mga bakas ng delubyo na iniwan ng grupong iyon.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako narito. Kung bakit ako hinila ng mga paa ko na pumunta pa rito kahit dinaanan ko naman na ito kaninang umaga bago umalis ng headquarters. Malakas ang pakiramdam ko sa mga bagay-bagay at madalas, ito ang mga oras na ang hinala at kutob sa dibdib ko ay nagkakaroon ng buhay.

May maliit na bahagi sa damuhan ang tila ba nasunog. Ang berdeng damo ay naging abo. Nag-iwan ito ng tila ba bilog na hugis na marka. Lumuhod ako at kinapa ito. Pinakiramdaman ko ito sa mga daliri ko at inamoy.

"Pulbura. Anong gagawin nila sa pulbura?"

Sa pagkakaalala ko hindi sila nagpasabog ng dinamita noong araw na iyon. Pero may ganu'n dito? Hindi lang 'yun, marami pa akong napansin na ganito. Isang uri ng pulbura na ginagamit sa dinamita. Nagkalat sa paligid... kahina-hinala.

Tumayo ako at sinuyod pa ang buong lugar upang maghanap ng kahit anong palatandaan na iniwan ng NL7 upang masagot ang mga katanungan sa isip ko.

Itong mga pagsugod na ginagawa nila ay parang may isang malaking pattern na sinusunod. Sumusugod sila pero hindi 'yung sumusugod nang isang sabugan upang matalo ang kalaban. Sumusugod sila para lang manakot tapos saka sila aatras na akala mo tinutukso ang kampo namin sa isang katuwaan na sila lang ang nakakaalam.

May narinig akong pagkaluskos sa tabi kaya naging alisto ako. Sinundan ko ang marahang pagkaluskos na iyon at hinatid ako nito sa kakahuyan malapit sa gusali ng Black Savage Headquarters. Nagtago ako sa malalagong damo bago kinapa ang baril sa aking bewang.

May naririnig akong sunod-sunod na yabag sa lupa. Ang malutong na pagkapatulo ng mga maliliit na kahoy na natapakan, pati na rin ang mga tuyong damo ay kapansin-pansin. Ang bawat yabag ay papalapit ng papalapit sa akin. Lumabas ako sa pinagtataguan ko upang harapin kung sino man ito ngunit nakahinga rin ng maluwag noong makita ang dalawang aso na tila ba nagagantilan. Galing siguro ito mula sa kalapit na barangay mula rito.

Napailing na lamang ako sa sarili at bumalik na sa loob ng headquarters kung saan ako sinalubong ni Aiden sa opisina ko.

"Akala ko hindi ka na darating." sabi niya. Dumiretso ako sa may gilid malapit sa may book shelf para uminom ng tinatabi kong wine. Gayunman, nagulat ako noong pagkaangat ko ay wala na itong laman.

I heard Aiden chuckled. "Oops, sorry. Nagkakuwentuhan kami kanina ni Serene, napasarap yata ang inom namin kaya halos makalahati namin yan."

"Anong kalahati? Eh wala na ngang laman." Ngunit noong napagtanto ko ang sinabi niya, napakunot-noo ako. "Bakit mo siya pinainom? Kagagaling lang nu'n sa sakit ah."

"Inabot ko, ininom niya eh. Sino ba naman ako para pigilan siya di ba?" Napahapo na lamang ako sa ulo sabay iling. "O bakit? Akala ko ba gusto mo kaming maging friends?"

"Ewan ko sayo Aiden. Minsan talaga hindi ko alam kung sino ang mas matanda sa atin. Kung ikaw o ako." Inis kong inabot sa kanya ang wala nang laman na bote para itapon niya. Tumawa lang siya.

Umupo na ako sa may upuan ko.

"Stress ka na naman? Ano bang nangyari sa meeting nyo ni Nathan kanina?"

"Ayoko munang isipin dahil umiinit lang ang ulo ko. May bago ba kayong report na nakuha mula sa NL7? Si Julian? May bago na ba siyang nalaman?"

"Negative pa rin daw pero sa oras daw na may pagbabagong magaganap sisiguraduhin niyang ipagbibigay alam niya sa atin."

"Good. May pakinabang pa rin pala ang isang yun."

"Nagkausap bago kayo ulit ni Serene kahapon?"

Bahagya akong napatango. Marinig lang ang pangalan niya ay marahan nang nagpagaan sa nararamdaman ko lalo na noong maalala ko ang mga tagpo sa pagitan namin kahapon.

"May naaalala na siya."

"Talaga? Lahat?"

Umiling ako. "Hindi pa lahat. Pero sinabi niya sa akin na may naaalala na siya kahit papaano."

"No wonder."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "No wonder what?"

"Nakikipagbiruan na siya sa akin kanina eh. Noong bagong dating siya rito, halos magkahawig na kayo ng aura at mukha."

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Gayunman, hindi ko mapigilan ang mapangiti ng konti.

"I'm happy for you." sabi niya sa akin at hindi nakawala sa akin na kahit napakasarkastiko niya minsan, may sinsero pa rin doon. "It's a good sign isn't? I mean, hindi pa man niya naaalala ang lahat pero at least alam nating may pag-asa."

"Nakiusap siya sa akin,"

"Na ano?"

"Na gusto niyang bumalik sa isla kung saan sila nanggaling ni Cello."

"Pumayag ka?"

Tumango ako ngunit hindi ko naitago ang lungkot dito. "Masama ba ako kung sinabi ko sa kanya na oo pero sa tingin ko... hindi ko rin matutupad?"

Marahan siyang tumawa na akala mo isang malaking biro ang sinabi ko.

"Look at you, here you are feeling bad about lying to her and yet when you kill people, you don't even show a slightest mercy before sending them to hell. How ironic."

Napailing na lang ako na may kasamang irap sa pahayag niya sabay buklat ng ibang report file na nasa mesa ko na kailangan kong basahin.

"But to answer your question, sa tingin ko naman hindi mo gagawin yun ng walang dahilan. You never lie Jace, but if you do, you're bad at it. So I think and I believe that if you lie and you had convince that person, it means you want it badly that you go through that length just to have it. And in this case, its very obvious kung sino." Napaikot pa siya ng mga mata.

"Nakipag-usap ako kanila Niel, Paul at Aziel kanina. Hindi pa alam ng papa ni Serene na nakita na namin siya so we want to surprise him. Sa nangyayaring gulo rito sa Gangster Society, ayoko mang malayo siya sa akin but I think it will be safer for her to be away from here for now. And the best place for her to go is in Canada, kung nasaan ang papa niya. Mas ligtas siya roon. At least doon mapupuntahan ko siya anytime, hanggang sa unti-unting bumalik ang alaala niya. Kung hahayaan ko siyang umalis kasama ni Cello to who knows where, baka kung ano pang mangyari sa kanya."

"Akala ko ba ipapakita nyo na ang tunay niyang kakambal sa kanya?"

"That's the original plan pero hininto ko. I have a feeling na hindi siya susunod sa napag-usapan. Sa tingin ko sa oras na malaman niya kung nasaan ang kapatid niya, itatakas niya sa akin si Serene. Wala akong tiwala kay Cello."

"Kaya ba nagsinungaling ka rin kay Serene?"

Inilayo ko ang tingin. Maisip lang na malalayo ulit siya sa akin ay sumisikip ang aking dibdib. Napakuyom ako sa folder na hawak.

"Hindi ko na kakayanin Aiden... kung mawala pa siya sa akin ulit."

May kumatok sa may pintuan ko na gangmate kaya napatingin kami roon.

"Boss, may dumating po kayong package." Ipinasok niya ito at ipinatong sa mesa ko.

Tumango ako at pagkatapos nito ay lumabas na rin siya.

"Ano yan?"

Pinagpatuloy ko nang muli ang pagbabasa sa hawak ko.

"Some clothes I ordered yesterday."

"Para kanino? Eh ang dami mo nang damit." Bahagya niya pang hinawakan ang kahon at sinilip ang laman.

"Hindi para sa akin yan, para kay Serene."

"Why?"

"I noticed she only wore Cello's old clothes. I hate it."

"Hate it? O nagseselos ka lang?"

I laugh without humor hearing what he said. "I'm not."

Huminga ng malalim si Aiden. "Hay, ang mga in-love talaga minsan in-denial. Sige na nga, aalis na ako."

"Wag mong kalimutan na ireport sa akin kapag may bagong report is Julian sa NL7." pahabol ko pang bilin sa kanya.

"Yeah, right." Isinara na niya ang pinto kaya naiwan na lang ulit ako roon mag-isa.

Muli akong napailing dahil sa sinabi niya. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabasa noong malingat ang tingin ko roon sa wala nang laman na bote ng alak sa basurahan malapit sa pinto.

Tumayo ako at kinuha ito.

Sabi ni Aiden nakalahati lang nila. Nakakausap ko pa ng maayos si Aiden kaya alam kong hindi siya ang umubos nito. Napaisip ako saglit. Did Serene finished this?

"Ang tigas talaga ng ulo kahit kailan." Pumalatak ang dila ko pero dumiretso ako sa may drawer ko at kumuha ng gamot. Kagagaling lang niya sa sakit pero sa ginawa niya siguradong may iniinda na naman siyang sakit ng ulo. Ibinulsa ko ang kinuha kong maliit na paglayan ng capsule bago binuhat ang kahon na puno ng bagong damit.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya ngunit walang sumagot. Binuksan ko ito, naroon pa rin ang mga gamit niya sa higaan.

"Serene?" Walang sumagot.

Lumabas ako ng kwarto niya.

"Boss, may napulot po kami sa labas." May inabot sa akin ang dalawa kong gangmate na puting damit na may mantsa ng kulay pula. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. "Baka po isa yan sa ebidensiya na magtuturo sa atin kung nasaan ang mga NL7--"

Nanlaki ang mga mata ko dail sa reyalisasyon. "Sabihin nyo sa lahat na isara ang lahat ng pinto rito sa headquarter."

"Bakit boss--"

"Do it!" Agad akong tumakbo sa may control room kung nasaan ang cctv main room. Nadaanan ko ang iba sa gangmate ko at inutos sa kanila na maglabas ng mga kotse. Katulad ng dalawa kanina magtatanong rin sana sila kung bakit ngunit noong makita ang kaseryosohan sa mukha ko ay agad na lamang nila akong sinunod.

May naabutan akong gangmate sa loob kaya agad kong inutos sa kanya na ibalik ang recorded sa cctv kanina lalo na roon malapit sa kwarto niya at sa main office ko. Bumukas ang pinto at nakita ko Aiden na halatang nagmadali sa pagtakbo makapunta lang rito.

"Anong nangyayari? Nagtotal lock-down ka raw? Sinusugod ba tayo?"

Itinaas ko ang puting damit. "Damit ito ni Serene na nakita ng mga gangmate natin sa labas. Masama ang kutob ko."

"Boss..." Bumalik ang tingin ko sa gangmate na inutusan ko.

"Anong oras kayo pumunta sa opisina ko Aiden?"

"Mga bandang ano..."

"Dali!"

"Teka lang! Mga alas nwebe, check nyo dali."

Tulad ng sinabi ni Aiden ay nakita namin na pumasok sila ni Serene sa opisina ko. Nag-uusap sila. Hanggang hallway lang ang may camera kaya hindi ko na nakita ang ginawa at pinag-usapan nila sa loob. Sabay silang lumabas ni Serene matapos ang ilang minuto pero noong mawala na si Aiden ay bumalik ulit si Serene sa loob, sa tingin ko doon na niya inubos yung wine.

Pagkalabas niya ay dumiretso siya sa kusina. Nakita ko na may dumating at si Cello iyon.

Agad kong tinawagan ang mga gwardya sa harap para itanong kung may record of entry ba si Cello pero sabi nila wala.

Napasabunot ako ng buhok at saka tumakbo sa harap para sumakay ng kotse. Hinabol ako ni Aiden na nagmamadali ring sumakay sa sasakyan ko.

"Pagkatapos n'yong mag-usap nina Nathan at Cello, hindi ba't wala siya kahapon ng buong araw? Where did he go?"

"I don't know. Hinayaan ko lang siyang umalis dahil wala rin naman akong pakialam. Wala siyang kilala rito bukod sa kakambal niya kaya sino ang pupuntahan niya?" pinaharurot ko na ang sasakyan at tinawagan na rin sina Niel at ang buong Ellipses na may emergency. Sinabi ko sa kanila ang nangyari.

"Sige. Ipapadala ko si Aziel kasama ang Seven Hunters. Mahahanap natin siya Jace, wag kang mag-aalala." Sabi pa sa akin ni Niel kanina.

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan noong nagsalita si Aiden na agad kong sinagot.

"Hindi magiging problema si Serene dahil nakapag-usap na kami. Cello will never force her if she don't want to. She can defend herself pwera na lang kung--"

Napatampal si Aiden sa noo. "I'm sorry it was my fault. Hindi ko naman alam na uubusin niya yung wine."

May tumawag sa akin na gangmate mula sa headquarter at sinabi nila sa akin na may nahanap silang tali sa likod ng pader malapit sa kakahuyan. Kulang na lang ay ihagis ko ang cellphone ko dahil sa galit na unti-unting umuusbong sa dibdib ko. Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo. Inuubos ng Cello na yun ang pasensya ko.

Alam kong naramdaman ni Aiden ang biglang pagdilim ng aura ko kaya bigla siyang natahimik.

"Magkalat ka ng mga gangmate natin sa pinakamalapit na mga pantalan dito. I think I know where they are heading."

"Saan?"

"Sa isla nila."

**

Celestine

Ang daming tao tapos ang init-init. Kanina pa umiikot ang paningin ko kaya kanina pa ako tahimik.

Pinaupo muna ako ni Cello at siya ang nakipila. Wala akong ibang maisip ngayon kundi bumalik sa headquarters, humiga sa malambot na kama nila roon at matulog. Bakit ba kasi uminom pa ako?

"Celestine," tawag sa akin ni Cello kaya idinilat ko ang mga mata. "Nakabili na ako ng ticket. Halika na dali. Kailangan na nating umalis dito."

"Masakit ang ulo ko." Reklamo ko sabay apo rito.

"Ikaw kasi, sino bang nagsabi na uminom ka? Halika na nga."

May mga nakita kaming pulis na nagpapatrolya. Naramdaman kong naging alisto si Cello, mas lalo siyang nagmadali sa paglalakad. Hila-hila niya ako sa may braso.

May mga lalaki akong napansin na tila ba sumusunod sa amin. Alam kong napansin din ito ni Cello kaya mas lalo pa niyang binilisan. Noong binilisan din ng mga lalaki ang paglalakad ay alam na naming kami nga ang pakay nila. Ang lakad-takbo kanina ay pasimple pa ngunit hindi naglaon ay tumatakbo na kami.

Nagkaroon ng banggaan at tulakan dahil napakaraming tao sa paligid. Nakasumbrero at nakashades ang mga umahabol sa amin, ang mukha silang determinado na maabutan kami. Kung hindi pa siguro ako hawak ni Cello ay baka kanina pa ako bumagsak dahil kanina pa masama ang pakiramdam ko.

May nakita kaming isang pader sa may tabi kaya doon ako hinila ni Cello upang magtago. Mula rito ay nakita namin ang magtakbo ng mga humahabol sa amin palayo dahil akala nila doon kami dumiretso.

"Pinapahabol tayo nila Jace, sigurado ako roon." Galit na sabi ni Cello sa akin.

Hindi na ako sumagot dail nagcoconcentrate akong magmasahe ng sumasakit kong ulo. Noong makita na wala na ngang humahabol sa amin ay hinila na ulit ako ni Cello. Hindi ko namalayan na nakalayo na pala kami mula sa pantalan dahil nasa gilid na kami ng kalsada na hindi pamilyar sa akin.

"Celestine?" Narinig kong bulong ni Cello. Kanina katabi ko lang sya pero parang wala sya sa sariling umabante.

"Cello, sinong tinitingnan mo riyan?"

"Celestine..." Sabi pa nya pero muli nyang sinambit ang pangalan na narinig ko kanina.

"Celestine!"

"Nandito ako Cello bakit mo ba paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko-- Cello!" Nakita ko na lamang syang tumakbo sa gitna ng daan. Ni hindi pa nag-green sign ang stop light.

"Cello ano ba!" Hinabol ko sya. Kamuntikan pa kaming mabangga ng mga umaarangkadang kotse. Pero walang pakialam si Cello. Patuloy lamang sya sa pagtakbo na tila ba may hinahabol na ayaw na nyang pakawalan.

"Cleocello?" May narinig akong boses ng isang babae. Napatayo ako ng maayos. Paano niya nalaman ang totoong pangalan ni Cello?

Sunod ko na lamang nakita na sa gitna ng napakaraming tao ay may niyakap si Cello... Yakap na napakahigpit.

"Sino sya? Anong nangyayari sa inyo?" Naguguluhan kong tanong. Tumatagaktak ang pawis sa noo ko dahil sa pagtakbo na ginawa. Ang ulo ko ay kumikirot. Para nang sasabog.

Parehas silang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil mahigpit din ang yakap nya kay Cello.

"Cello..." Hinawakan ko sya sa balikat. Humarap sya sa akin, namumula ang ilong nya at may mantsa ng luha ang mukha nya. "Sino sya--?"

Tinanggal ng babae ang kamay mula sa mga mata na pilit nyang pinupunasan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Ibinalik ko ang tingin kay Cello pabalik doon sa babae na halos hindi nalalayo ang tangkad sa akin, puno ng gulat ang mga mata ko. Wala ako sa sariling napaatras. Ang mukha nya bakit...bakit magkamukhang-magkamukha sila ni Cello? Parang pinagbiyak na bunga. Mahaba lang ang buhok nya pero iisa ang mukha nila.

"T-Tinawag mo syang Celestine..." Itinuro ko ang babae sa harap nya. Nanginginig ang mga kamay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Magpapaliwanag ako." Pakiusap ni Cello sa akin.

"Serene?" Bumalik ang tingin ko sa babae sa harap nya. Tulad ko ay may kung anong gulat din ang dumaan sa mga mata nya. Napakaganda nya...hindi na ako magtataka dahil makisig din naman si Cello. Para silang kambal--

Kambal.

"Kambal... Kambal mo sya?" Tanong ko kay Cello. Marahan syang tumango. "Kung gano'n...hindi mo ako...hindi tayo..."

"M-Magpapaliwanag ako..."

May tumulong luha mula sa mga mata ko.

Sinubukan nyang hawakan ang braso ko pero hinampas ko ito palayo.

Hindi na nya kailangang sagutin ng diretso ang tanong ko dahil sa reaksyon pa lang ng mukha nya pati na rin sa babaeng nasa harap nya, sapat na iyong ebidensya para harapin ko ang katotohanan. Na hindi ako si Celestine, hindi ako kapatid ni Cello, hindi ko magulang sina nanay Clara at tatay Cleo, hindi ko lolo si Tatang at mas lalong hindi ako isang Gonzalez.

Namumuo ang luha sa mga mata ko.

"Kung gano'n... Sino ako?" You are Serene. Bigla kong naaalala ang sinabi sa akin ni Jace.

"Celes--"

"Huwag mo akong tatawagin sa pangalan na iyan dahil parehas nating alam na hindi ako sya!" Sabay turo ko sa tunay nyang kakambal. "Sino ako Cello? Sino ka? Bakit ako nandito? Bakit nyo ako niloko!"

Humakbang papalapit sa akin ang tunay na Celestine. Kanina pa sya tulala. Ang tingin nya lang ay nasa akin.

"Serene... Buhay ka." Naguguluhang tumingin sa kanya si Cello.

Hindi ko sya maintindihan. Sino sya? Bakit nya ako tinatawag sa pangalan na sinasabi sa akin nina Jace, Aiden at Niel?

Nagulat ako noong bigla nya akong niyakap. "Buhay ka. Oh my gosh. Buhay ka!" Paulit-ulit nyang sambit. Para syang natatawa na naiiyak habang hinahaplos ang buhok ko.

Itinulak ko sya palayo sa akin. Naguguluhan sya sa inasal ko. Naguguluhan ako. Sino sya?

"Anong pinagsasabi mo? Hindi kita kilala." Sabi ko sa kanya. Ibinalik ko ang tingin kay Cello at hindi ko pinalagpas na iparamdam kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya sa akin.

Tumakbo ako ngunit agad ding napahinto noong may mga kotseng huminto sa harap ko. Lulan nito ang dalawang lalaki at isang babae na tulad ni Celestine ay gulat na gulat noong makita ako. Naluluha pa nga yung babae.

"G-Clef." Tulala pang tawag sa akin ng isa.

Hinarap ako ng kakambal ni Cello sa kanya na puno ng determinasyon sa kanyang mukha.

"Serene ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo na ba kami maaalala? Ako, si Clarisse. Sila sina Aries, Deck at Sophia."

"Clarisse? O Celestine?" May kung anong pait ang pagbigkas ko sa pangalan na sa halos limang taon ko ring pinaniwalaang pagmamay-ari ko.

"Oo. I'm your bestfriend." Ibinalik ko ang tingin sa babaeng katabi ni Cello. Ang babaeng na syang tunay nyang kakambal.

Kaya pala... Kaya pala kahit anong gawin kong tingin ay hindi kami magkamukha. kambal, kami...kasinungalingan. Walang-wala pala talaga ako sa Fraternal twins na tunay na meron sya.

"Bestfriend? Talaga lang ha." Gusto kong tumawa. Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin nila sa akin? Hindi ako makapag-isip ng maayos. Masakit na ang ulo ko mula pa kanina pero mas lalo pa yatang sumakit ngayon.

"Serene..."

Tawag ni Cello sa tunay kong pangalan. "Tinanong kita kung ano ang alam mo sa akin pero wala kang sinabi. Pinagkatiwalaan kita, niloloko mo lang pala ako. Isa kang traydor!"

Sinubukan niya akong lapitan ngunit malakas ko siyang sinampal sa may pisngi. Pagkatapos ay tumakbo ako palayo sa kanila, ni hindi sila nililingon.

Tumakbo ako ng tumakbo, wala nang pakialam kung saan ang paroroonan ko. Huminto ako sa likod ng isang malaking puno malayo sa maraming mapanghusgang tingin ng mga tao at doon ibinuhos ang nararamdaman ko.

Alam ko na sa sa sarili ko ba may mali, pero pinagsawalang bahala ko ito. Ngunit ngayon naging totoo na nga ang hinala ko, bakit nalulungkot pa rin ako?

Kaya pala kahit kailan ayaw akong bigyan ng tattoo nina Tatang. Akala ko may kulang lang talaga sa akin, sa kakayahan ko, pero yun wala pala ay dahil hindi ako isang Gonzalez.

Naniwala ako sa kanila na sila ang pamilya ko, minahal ko sila, pinagkatiwalaan, pero bakit niloloko lang pala nila ako?

Itinago ko ang mukha sa mga tuhod ko at mas lalo pa itong niyakap papalapit sa akin. Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila akong lahat. Pakiramdam ko nag-iisa na lang ako... Katulad ng alaala na bigla na lang pumapasok sa isip ko. Ang paglubog ko sa dagat. Ang pagkawaan ko ng hininga. Ang sigaw. Ang pagmamakaawa. Ang mga luha sa aking mga mata.

Napasigaw ako dahil sa sakit ng ulo ko na animo'y mabibiyak na. Napasahawak ako sa ulo ng napakadiin. Napasabunot ako ng buhok. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga alaalang pumapasok sa isipan ko.

Si Jace noong lumuhod sa harap ko at nag-abot ng singsing. Si Jace noong makita ko ang reaksyon niya pagkaabot ko ng gclef pendant ko sa kanya.

Pendant... Iyon ang nakikita kong suot niya palagi. Sa akin galing yun?

Pero hindi pa natapos doon. Naaalala ko noong may biglang pagputok ng baril, paulit-ulit sa isip ko na tila ba sirang plaka. Ang pagputok ng baril. Ang malakas na pagkalaglag ko sa dagat. Si Jace na pilit inaabot ang kamay ko-- paulit-ulit. Pero kahit anong gawin ko, ayaw nang umabante pa ng alaala ko ng mas malalim pa dahil ang sumunod ko na lamang na naaalala ay noong idinilat ko ang aking mga mata at nasa pangangalaga na ako ng pamilya Gonzalez.

Lumuha ang mga mata ko dahil sa pinaghalong galit, lungkot, inis at pagkalito. Iisang tao lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko. Naluluha kong tinawag ang pangalan niya habang yakap-yakap ang sarili.

"Jace."

"Jace!" Naaalala kong sigaw ko sa parehas na pangalan sa parehas na pagkakataon. Walang dumating na tulong sa akin noon kaya hindi na rin ako umaasa na may darating pang tulong sa akon. Dahil nasanay na akong mag-isa. Nasanay na akong walang sasalo sa akin kundi sa sarili.

Nasanay na akong walang dumarating pero kahot ganun ang puso ko ay gusto pa ring umasa. Dahil kahit papaano ang pagsambit sa pangalan niya ay ang nag-iisang pag-asa na meron ako.

"Jace,"

"I'm here."

Napahinto ako noong marinig ang boses na iyon. Narito na naman ba ako? Sa isang panaginip? Ayokong iangat ang tingin dahil natatakot akong isang ilusyon lang ang lahat. Na may darating na tulong. Na totoo ngang hindi na ako nag-iisa.

"Serene..."

Iniangat ko ang tingin noong bigla kong maramdaman ang mainit niyang palad sa braso ko na tila ba nagpatotoo na hindi lang siya gawa-gawa ng isip ko.

Our eyes meet. His soft sad smile told me everything. Na nararadaman niya kung anong nararamdaman ko. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata na pilit nag-uunahan na umalpas. Mga damdamin na kahit sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

"I'm here, always."

Hindi ko na napigilan at niyakap siya ng napakahigpit. At doon sa mga braso niya ay humagulgol ako ng iyak na ni minsan ay hindi ko ginawa sa halos limang taon malayo sa kanya.


**


Jade's Corner:

HAPPY NEW YEAR! Habang nagsusulat ako wala akong ibang iniisip kundi yung kumakalam kong sikmura dahil kanina pa ako 5 am nagising, 9:26 am na sa amin ngayon. Hinabol ko lang yung UD para may mabasa kayo lalo na sa mga kanina pa gising habang hinihintay mag 12 am at walang balak matulog haha!

Pafavor naman, penge handa :3

HAHAHA!! Mamaya pa kami magcocountdown kaya muli, bumabati ako ng isang manigong bagong taon sa inyo. :) 



2016 pa rin sa amin. Ihahabol ko pa ang TSR. Hello sa inyo sa future. Hello 2017! LOL 


OLE!

-wistfulpromise


P.S. Sira yung keyboard ng laptop ko at hindi ko mapress ng maayos yung letter 'H'. Kaya kung may mga letter na kulang ng letter na 'to. Pagpasensyahan na. Unedited din ito. 

P.P.S. Yung Seven Hunters nasa Story ni Clarisse. Yes magiging magbff sila roon. Abangan :)

P.P.P.S. Really, penge handa :3 Gutom na me huehuehuehue. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 73.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
1.4M 46K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
190K 7.8K 12
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...