The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[1] The Roots and The Reasons

2.6K 72 8
By El_Arcturus

[ TIME 1 ]

HINDI ko akalaing ganito namin siya babalikan. Ang batang minsan nang napamahal sa amin. Ang batang Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na hindi maiyak. Ano ba ang naging kasalanan nitong alaga namin para babuyin siya at hayaang mamatay?

            Narito kami ngayon sa burol ng batang naging isa sa mga misyong mapasaya namin. Siya si Camille Ramos. Ang batang kahit na hindi nabiyayaan ng kumpletong katawan, ay nagtataglay naman ng napakabusilak na puso. Nakilala namin ito sa tulong ng isa sa miyembro ng aming samahan na kung tawagin ay SMILE.

Layunin kasi ng samahan naming ito na tumulong sa mga taong kapos at biyayaan ito ng isang yamang hindi kailanman nawawala at iyon ay ang kasiyahan. We are just a non-profit organization and non-political organization. Subalit bakit ganon ang buhay? kung sino pa ang naghihirap ay siya pang mas nagdudusa. Bakit may mga taong kayang hamakin ang isang inosenteng tao na alam naman nilang walang kakayahang lumaban? Naawa tuloy ako sa kanyang naiwang ina.

"Camille... anak ko..." Walang humpay sa pag-iyak si Aling Martha habang sinusunog namin ang mga gamit ni Camille. Maging ako ay walang magawa para mapagaan ang loob niya. Biyuda na kasi ito kaya si Camille na lamang ang natitirang mahal sa buhay, pero ngayong wala na siya, ay hindi ko mawari kung gaano ang sakit na nararamdaman niya.

Marami pa ang inilabas na mga gamit ni Camille para sunugin, at habang pinatatahan ko si Aling Martha ay nakita ng aking mga mata ang mga gamit na siyang iniwan namin dito bago umalis—ang mga I.D. namin at ang kanyang paboritong orasan na binili namin at iniregalo namin sa kanya.

Lumapit ako sa lalaking may dala ng mga gamit na iyon at muling hinawakan ang mga ito. Muli na namang umagos ang mga luha sa aking pisngi. Ganoon na kasi talaga kalaki sa parte ng buhay namin ang batang ito. Nakita ko pa nga ang I.D. ko na may numerong 13 sa ibaba. Jeanella Perez. Member. Number 13. Pagbasa ko dito sa aking isip.

Sa aking pagluluksa roon ay nakaramdam ako ng pagkakalma ng may lumapat na palad sa aking likuran at hinaplos ito. Tinabihan din ako nito at tinignan din ang mga gamit ni Camille. Ito'y walang iba kundi si Michael, ang aking soon-to-be-husband. Bagamat isang taon na kaming nagsasama sa iisang bubong, ay hindi pa kami ikinakasal ni Michael buhat ng aming trabaho. Isa rin siya sa mga miyembro ng SMILE at siya ang ika-14 sa amin.

Kami lang ang nakapunta rito sa burol ni Camille sapagkat punung-puno ng trabaho ang iba naming kasamahan. Bukod kasi sa misyon naming ito ay mayroon din silang kani-kanilang trabaho. Katunayan nga niyan ay dapat bibisita lang kami para kamustahin siya, subalit wala na pala siya.

Hindi nagtagal ay agad na ding binawi sa akin ang mga gamit ni Camille at agad na inilagay sa umaapoy na kahoy. Mukhang dito na nga natatapos ang lahat.

 

"Ate Jean! Tulong! Tulungan mo ako! Huuu...! Ate Jean!" Sa isang madilim na talahiban, ay aking naulinigan ang boses ni Camille.

"Camille?! Camille?! Asan ka? Camille?!" Pasigaw na tanong ko pa habang hinahawi ang nagtataasang mga damo.

"Ate! Waaahhh!"

            "Ah!" Agad akong napabalikwas sa aking higaan nang dahil sa aking napanaginipan.

"Oh! Jen-Jen. B-bakit?" Untag ni Michael na mumukat-mukat pa at ngayon ay katabi ko sa higaan at kasalukuyang walang suot pang-itaas kaya naman kita ang kaumbukan subalit malapad nitong dibdib at ang pagflex ng six-pack abs nito sa harap. Mukha atang nagambala ko siya sa pagkakatulog.

"Wala! Binangungot lang ako." Ang nasabi ko na lamang sabay hilamos kunwari ng mukha para kumbinsihin ang aking sarili na isang masamang panaginip lamang iyon.

"Ganoon ba? Mukhang sa pagod ata 'yan. 'Di bale itulog mo na lang ulit o di kaya ay uminom ka muna ng gatas, ipagtitimpla kita." Alok naman nito.

"Ah, hindi ayos lang ako. Salamat na lang. Sige na! Matulog na lang ulit tayo." Pagtanggi't pasasalamat ko na lamang sa kanya.

Babalik na sana kami sa pagkakahiga ng bigla na lang kaming makarinig ng may tumunog. Nang amin naman itong alamin ay isa lamang palang orasan na nakapatong sa bedside table namin. Nag-alarm pala ito.

"Bakit mo naman 'to inalarm ng 9 o'clock?" Tanong ko kay Michael sapagkat oras na ng gabi pero nag-aalarm siya, eh ang sa pagkakaalam ko, sa umaga niya lang ito inaalarm.

"Ha? Hindi ako nag-alarm niyan." Pagtanggi naman nito. Kung ganoon, sino naman ang nag-alarm nito? Hindi naman ako. O baka ako nga? Nagkamali lang ako ng paglagay. Hinayaan ko na nga lang ito at muling inilapag sa bedside table. Bumalik uli ako sa aking pagkakahiga para matulog.

SA kaparehong oras, ay aligaga na naghahanda ang isang binata ng isang pagsasalo para sa kanila ng kanyang nililigawan. Masaya pa ito habang niluluto ang lahat ng pagkaing ihahanda niya sa hapag-kainan mamaya. Ngayon kasi ang unang anibersaryo nilang magkasintahan, kaya naman todo ang pagsisikap nito sa pag-oorganisa ng kanilang Candle Light Dinner.

Sa gitna ng kanyang pagluluto ay ginambala siya ng alarm clock na nasa kusina niya na nag-alarm saktong alas-nueve. Nagtaka naman ang binata kung bakit ito tumunog eh ni hindi man lang niya ito siniset o ginagalaw man lang. Nagkibit-balikat na lamang ang binata at itinuon na lamang ang sarili sa pagluluto.

Nang matapos ay agad nitong inayos ang sarili. Naligo, nagsipilyo, nagmouthwash, nagbihis ng magandang damit, at nagpabango ng paboritong cologne ng kaniyang girlfriend para sa kanya.

Nang matapos ang pag-aayos sa sarili ay sinunod naman niya ang pagkakainan nila. Naglagay ng dalawang kopita para sa iinuman nila, alak na may pangalan ng mamahaling brand ng champaigne, at kandilang kulay lila na terno ng table cloth na kakainan nila. Ito kasi daw ang paboritong kulay ng kanyang girlfriend.

Hindi rin nagtagal ay may nagdoorbell na sa labas ng kanyang unit sa isang condominium. Pinagbuksan naman niya ito at tumambad sa kanya ang maganda nitong kasintahan na sabayan pa ng hubog ng pangangatawan nito na talaga namang mapapatingin miski sinong lalaki. Bumagay din dito ang suot na asymmetrical dress na kulay lila at ang makinang na kulay itim na bato na nakakabit sa kaisa-isang strap ng dress nito. Iginiya niya naman ito papunta sa kanilang Candle Light Dining Table at inilabas pa ang upuan na kaninang nasa loob ng mesa para sa pormal na pagsusuyo.

Magsasalita na sana ang binata nang makarinig sila ng nabasag na bagay. Kunot-noong napatingin sa taas ang binata para isipin kung ano ang bagay na maaaring mabasag sa kaniyang kusina. Subalit sumuko na lamang ito nang hindi niya mahulaan kung ano ang bagay na iyon at agad itong tinungo ng binata para alamin kung ano iyon. Napailing na lamang ito ng malaman na ang bagay na nabasag sa kusina niya ay ang kaniya lang palang kitchen alarm clock.

Nilinis niya muna ito para makaiwas disgrasya. Subalit habang naglilinis ito ay nakasunod sa kanya ang kanyang kasintahan at alam nitong ang girlfriend niya iyon pagkat wala namang ibang tao sa kanila kundi sila lamang. Patuloy pa rin sa paglinis ang binata subalit para bang natutuliro siya sa masangsang na amoy na kanina pa naglalaro sa kanyang ilong. Nang matapos sa pagwawalis ay itinabi niya muna ito sa isang gilid kasama ang dust pan. Hinarap nito ang kasintahan subalit halos masuka siya sa tumambad na hitsura. Isang nabubulok na mukha ng isang babae.

Napaatras ang binata sa nakita. Suot ng bangkay ang damit ng kasintahan, subalit laking pagtataka niya kung bakit ganito ang hitsura ng kaniyang kasintahan. Hindi naman ganito ang hitsura niya nang iwanan niya ito kanina. Umatras siya ng umatras habang papalapit naman ng papalapit ang babaeng inuuod at lamas-pasok sa mga butas nito sa mukha ang mga alupihan at ilang insekto. Subalit sa kinamalas-malasan ay sinalubong siya ng lababo, kaya naman hindi na niya magawa pang makaatras sa kasintahang katakot-takot ang hitsura.

'Di kalaunan ay may inilabas mula sa likod ang bangkay na babae na isang itak. Akmang tatakbo na sana ang binata subalit agad siyang nahawakan nito at walang anu-ano'y pinagtatataga ang kanyang leeg hanggang sa humiwalay na ito sa kanyang katawan. Tumilamsik ang mga dugong nagmumula sa leeg nito sa loob ng kusina. Tumulo naman ang dugo sa bibig ng binata hudyat lamang na wala na itong buhay.

SA labas ng unit ng binata ay may kanina pang nag-aantay na dalaga. Nakasuot ito ng kulay lavender na above-the-knee dress na tinernuhan ng pilak nitong kwintas na may pendant na bato na kulay lila. Paulit-ulit na itong nagdoorbell at tinawag ang pangalan ng may-ari ng unit subalit walang sumasagot. Kaya naman napagdesisyunan na lang nito na buksan ang pinto at laking pasalamat niya ng hindi ito nakakandado.

Napangiti siya ng makita ang nakahandang pagsasalo. Kinilig naman ang dalaga sa kanyang nakita. Medyo nalungkot nga ito para sa parte ng binata, baka kasi ay surpresa ito para sa kanya pero mukhang naunahan na niya. 'Yon ang akala niya. Kaya naman muli ay tinawag niya ang pangalan ng binata subalit wala ni isang sagot ang narinig nito.

Tinignan nito ang banyo, ang kwarto, at ang dressing room nito subalit wala ito sa mga kwarto. Sunod naman niyang tinungo ang kusina na nasa dulo ng unit ng binata pagkat marahil ay may kinukuha pa itong pagkain o di kaya ay niluluto pa lang. Subalit laking gulat na lamang ng dalaga nang makita ang kanina pa niyang hinahanap na ngayon ay nakasalampak sa sahig at pugot ang ulo.

Hindi makagalaw at makapagsalita sa umpisa ang dalaga sa kaniyang nakikita. Pagkat sino ba naman ang hindi magugulat kung makakita kayo, kakilala niyo man o hindi, ng pugot na tao. Subalit nang maglaon, ay di niya napigilang mapasigaw dala ng takot at lungkot.

"Conrad!"

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 762 18
School Camp 2014, ang gabing nagpabago ng kanilang mga buhay. Akala nila ang gabing yun ay puno lang ng saya pero mali sila dahil ang gabing iyon pal...
190 24 10
Sino ang may kasalanan? Sino ang dapat sisihin? Sino ang may alam sa katotohanan? Kilala si Eunice bilang isang mayabang at ma-attitude na estudyante...
895 57 5
Experience the unexpected thrills with this collection of spine-tingling horror stories. Once you read this, there's NOWHERE TO HIDE for you! Endless...
359K 1.8K 5
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-s...