A Night With My Husband's Bro...

By Princess_Daffodilz

505K 7.6K 483

Warning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2.1
CHAPTER 2. 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER #1
SPECIAL CHAPTER #2
SPECIAL CHAPTER #3
Author's Note

CHAPTER 30

8.6K 154 2
By Princess_Daffodilz


KEN'S POV

"Dito ka lang muna Jeric. Ethan's not allowed inside. I want you to hold and look for him for a while. We'll be right back."

"Sure."

Ibinigay ko sa kanya ang anak. Kasama si Paulo ay nagmamadaling pumasok kami sa loob ng ospital.

"Mr. Evangelista and Miss Camille's still in the operating room. While the suspect is in the ER."
Bungad sa'min ng isa sa tatlong pulis na nagbabantay kay Lianne ngayon.

I couldn't explain what I am feeling right now. Gusto kong umiyak sa sobrang pangangamba sa kalagayan ni Camille, while mad at the same time! Gusto kong hilahin palabas ng ER ngayon si Lianne! I want her to be in jail! I want her to pay for her selfishness!

Nanghihinang napaupo ako at inihilamos ang sariling kamay sa mukha.

"How's Miss Lianne doing, doc?"
Dinig kong tanong ng pulis.

Nanatili ako sa posisyon.

"She lost the baby."

Awtomatikong napatingin ako sa doktor. Naaawa ako para sa bata, para kay Evangelista.

I know Lianne doesn't deserve to be forgiven, but her child doesn't deserve to end up like this! He/She might have a brighter future!

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman o magiging reaksyon ni Evangelista kapag nalaman niya 'to. Kahit hindi ako ang ama ng bata, I felt bad and sad hearing the news. Paano na kaya kung siya na?

I'm sorry Evangelista, they didn't save your child.

"Naging histerikal ang ina kanina when she knew the news. Kaya binigyan namin siya ng pampatulog. Any moment now ay ililipat na siya ng room."
Sabi pa ng doktor sa pulis.

Ilang sandali lang ay nagpaalam ang tatlong pulis sa'min para icheck si Lianne.

Hours passed and I couldn't calm myself. Hindi ako mapakali habang hinihintay na lumabas ang doktor. The longer I wait, the more pessimist I become! Kung anu-anong negatibo na ang naiisip ko and it's really not helping!

Tumayo ako at lumapit sa OR.

"It's been hours! Hindi pa din sila tapos?"
I blurted.

"Calm down, man! Camille will be fine! Just calm down."
Saway ni Paulo sa'kin.

"I couldn't wait any longer! I am freakin' nervous right now!"

Hinawakan nito ang isang balikat ko.

"Calm down."

Nanghihinang napaupo ako ulit.

"Son?"
"How's Camille?"
"Nasaan ang anak ko?"

Napatingala ako nang marinig ang tatlong boses na 'yun. Sina Mom, Tita Alicia at Tito Roman ang nasa harap ko ngayon.

Huminga ako ng malalim.

"She's still inside."
Sagot ko sa mahinang boses habang tinuturo ang OR.

"God!"
Natutop ni Tita Alicia ang sariling bibig upang hindi kumawala ang hikbi. Sinubsob nito ang mukha sa dibdib ni Tito Roman.

Inihilamos ko ang kamay sa mukha.

"Let's just pray for her safety. She'll be fine."
Positibong sabi ni Mom sa amin.

Dumaan ang katahimikan habang umuusal ng kanya-kanyang dasal ang bawat isa.

Ipinikit ko ang mga mata at umusal na din ng dasal.

Dear God, alam kong hindi ako paladasal, hindi ako malapit at hindi solido ang pananampalataya ko sa Inyo. Pero sana ay pakinggan Mo ang dasal ko ngayon. Wala na po akong pakialam kung ano ang nangyari sa amin ni Camille noon! Kakalimutan ko na ang lahat-lahat ng galit at poot dito sa dibdib ko! Basta po, tulungan Niyo ho siyang makaligtas ngayon. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ako nagsisisi sa pagiging marahas ko sa kanya! Please po, iligtas Niyo ho siya. Iligtas Mo po ang babae'ng pinakamamahal ko. Hindi ko po kayang mawala siya sa'kin. I want to spend my lifetime with her. And please, save that man, Evangelista, too. Alam kong malulungkot si Camille kapag mawawala siya. Lord God, please hear my prayer.

"Doc!"

Iminulat ko ang mga mata nang marinig iyon.

Lumabas na ang doktor sa loob ng OR.

Agad akong napatayo at lumapit dito.

"How's the patient, doc?"
Kinakabahang tanong ko rito.

"H-How's our daughter?"
Katulad ko ay kinakabahan ding tanong ni Tita Alicia rito.

Seryoso ang mukha ng doktor habang matiim na nakatingin sa amin.

"We've tried our very best, but I am sorry to say that, we've failed--------"

Para akong nabingi nang marinig ang isinagot nito sa'min.

Nanghihinang napaupo ako.
Para akong binagsakan ng mundo.
Unti-unting nanubig ang mga mata ko. Di ako makapagsalita. Narinig ko ang paghikbi nina Mom at Tita Alicia.
Napasuntok naman sa dingding si Tito Roman.

"——He had lost so much blood. Hindi na kinaya ng katawan niya sa dami ng dugong nawala sa kanya. I'm very sorry."

Natigilan ako. Awtomatikong napatingin sa doctor nang marinig ang idinugtong nito.

"H-He?"
Nanginginig ang bibig na tanong ko rito.

Tiningnan niya ako habang tumatango.

"Yes, Sir! We haven't saved the guy's life. Pero yung babae, she's now safe.——"

Nakahinga ako ng maluwag.

"—Nakuha na namin 'yung bala sa tagiliran niya. Don't worry, she'll be fine. Ililipat na din siya ng kwarto maya-maya lang."

"Salamat sa Diyos!"
Naiiyak na bulalas ni Tita Alicia.

Napabuga ako ng hangin sa magkahalong emosyon.  Breath of relief.

Mahinang natawa ako.

Takteng doctor naman oh!

Pinaiyak niya pa kami!

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang sinabi ng doktor kani-kanina lang.

Evangelista!

Damn man! Sinabi ko naman na ako 'yung papatay sa kanya, di ba? Pero bakit hinayaan niyang patayin siya nung walangyang Lianne na 'yun?!

That b*tch will pay big time!

Sisiguraduhin ko talagang mabubulok siya sa kulungan!

******

"Sobrang saya namin nang malaman naming ligtas ka na.—"
Kinakausap ko ang walang-malay na si Camille habang hawak-hawak ang isang kamay nito.

Nailipat na siya ng kwarto.

"—Pero nalulungkot din ako at the same time hearing Evangelista didn't make it. He's in the morgue now. I-I'm sorry, Camille. Alam kong importante na siya sa'yo. I'm sorry, hindi ko siya nailigtas."
Kinakausap ko ang walang malay na si Camille.

Lianne!

Nagpupuyos ang dibdib na tumayo ako.

"Where are you going, son?"
Nilingon ko si Mom.

"To Lianne. I have to talk to her!"

Di ko na binigyan ng pagkakataong makasagot si Mom, lumabas na ako ng kwarto.

Dumiretso ako sa kwarto kung saan nakaconfine ngayon si Lianne.

"Pwede ko na po bang makausap si Lianne?"
Tanong ko sa mga pulis na nagbabantay sa labas ng kwarto.

"Natutulog pa ho siya, Sir. Binigyan ho kasi siya ng pampatulog ng mga nurse kanina matapos niyang magwala nang malaman niya ang nangyari sa bata."

I hissed.

Nagwala? Di ba sabi niya walang kwenta yung bata para sa kanya?! What's with the act, Lianne? Trying to get people's sympathy?

Well, you'll never get it from us! Ipapakulong pa rin kita!

Nagpaalam na ako sa pulis at nagdesisyong tingnan nalang ang katawan ni Tim sa morgue.

Kinuha ko ang puting kumot na nakatabing sa katawan nito.

Nalungkot ako nang makita ko siyang nakahiga sa malamig na stainless bed at wala ng buhay.

"A-Ang daya mo, Evangelista! Andami ko pang katanungan sa isip ko tungkol sa katauhan mo pero hindi na masasagot yun kailanman! W-Well, thank you for the bravery, for the sacrifice you had made for Camille and Ethan. Utang ko sa'yo ang kaligtasan nila! Tama ka nga! Guardian Angel ka nga ni Camille."
Natawa pa ako ng pagak sa huling sinabi ko.

"—Thank you man! Rest in peace. Hindi ko makakalimutan ang kabayanihang nagawa mo ngayon."

Ibinalik ko na ang kumot sa pagkakatabing sa katawan niya at lalabas na sana dun nang may apat na taong pumasok doon.

They must be Evangelista's family.

Malungkot na nginitian ko sila, ganun din sila sa'kin.

"TJ!"

Ipinikit ko ang mga mata nang marinig ko ang hagulgol nila.

Nakokonsensya din ako ngayon. Pinag-isipan ko pa ng masama si Evangelista, pero siya din pala ang magbubuwis ng buhay para lang mailigtas ang mag-ina ko.

Don't worry man, when that witch wakes up, I'm gonna wring her neck out of her effin' head! And I'll make sure, she'll rot in jail!

Nagpupuyos ang dibdib na lumabas na ako ng morgue pabalik sa hospital room ni Camille.

Natigilan ako nang makita si Mr. Lim, Lianne's dad. Natigilan din ito nang makita ako.

Akmang lalagpasan ko nalang sana ito nang magsalita ito.

"I-I am sorry, Ford. H-Hindi ko kakampihan ang anak ko, sisiguraduhin ko rin na pagsisisihan niya ang ginawa niya ngayon."

Tiningnan ko ito at tinanguan bago tuluyan itong nilagpasan.

****

"Uuwi na muna ako, Hijo. Are you sure you don't want to go home and change your clothes first?"
Tanong ni Mom sa'kin.

Nakauwi na rin sina Tita Alicia, Tito Roman, Yvette, Jeric, Trixie, at Paulo para magbihis at makapagpahinga na rin. Babalik nalang daw sila bukas.  Dinala nina Tita si Ethan pauwi.

Umiling ako kay Mom.

Nasa tabi pa rin ako ni Camille at hinihintay ang paggising nito.

"Gusto ko na ako ang una niyang makikita paggising niya. Maybe later kapag gising na siya, Mom."

"O-Okay. Pero you know Son, she's already safe. Kaya wag ka nang mag-alala okay?"

"As long as she didn't open her eyes, I can't help but worry Mom."
Malungkot na sagot ko habang nakatitig kay Camille.

"Okay, I understand. I'll go now."

Tinanguan ko lang siya.

Tiningnan ko siya nang maramdaman kong hindi pa rin siya lumalabas.

Titig na titig siya sa'kin.

"W-What?"

Nginitian niya ako.

"It's just that, I can see how much you love her. Kapag okay na siya, kapag okay na kayo, please marry her, son."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay lumabas na siya ng kwarto.

Naiwan akong natitigilan habang napapaisip.

I stared at Camille.
I smiled.

"Papayag ka kayang pakasalan ako?"

****

Kinabukasan, nagising ako nang maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Camille.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.

Hindi maikakaila ang saya sa mukha ko habang nakatingin sa kanya.

"H-Hey?"
Namamaos ang boses na tawag ko sa kanya.

Blangkong tiningnan niya lang ako saglit bago siya naging histerikal.

"NASAAN AKO?! S-SI ETHAN?! S-SI TIM?!"

Bigla akong nataranta.

"Hey Cam! Calm down! Y-You're in the hospital now. You're safe. A-And Ethan is fine, he's also safe at nasa bahay na siya."

Lumuluhang tinitigan niya ako sa mata. God! Hindi ko kayang makita siyang lumuluha!

"S-Si Tim?"
Gumaralgal ang boses niya.

"—He was shot on the shoulder! T-Then Lianne shot him again on the abdomen! God! I-Is he... Is he safe?"

Alam kong hindi ko dapat maramdaman ito at inaasahan ko na magtatanong siya tungkol kay Evangelista, pero bakit? Bakit nasasaktan ako?

Napatungo ako.

Sasabihin ko ba sa kanya?

"Sabihin mo, Ken! Nasaan siya?! O-Okay lang ba siya o ano?! S-Sabihin mo!"

Hinawakan ko ang mga kamay niya at sinusubukan siyang pakalmahin.

"Cam, calm down!"

"S-Sagutin mo ako!"
She cried.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang totoo o hindi.

Evangelista was very dear to her.
Ayokong gulatin siya kapag sinabi ko ang katotohanan sa kanya. Baka maapektuhan pa nito ang recovery niya.

Tinawag ko nalang ang nurse na agad namang pumasok sa loob at tinurukan ng pampakalma si Camille.

I  am sorry, Camille.

Continue Reading

You'll Also Like

322K 17.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
17.2K 393 30
He's 20. Young, handsome, fresh and with EXPERIENCE at may malaking S sa huli! He is a sex addict, magaling magpatirik ng mata in short MAGALING SA K...
21.3K 125 26
Warning: Rated SPG Mga kuwentong pag-ibig na may maiinit na kaganapan, inspirasyon at katatawanan. Nagbibigay aliw, kasiyahan at mga aral.
1.9M 24.6K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...