A Night With My Husband's Bro...

By Princess_Daffodilz

511K 7.6K 483

Warning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2.1
CHAPTER 2. 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER #1
SPECIAL CHAPTER #2
SPECIAL CHAPTER #3
Author's Note

CHAPTER 27

8.3K 158 6
By Princess_Daffodilz


CAMILLE'S POV

Sinisipat ko ang sarili sa salamin nang makarinig ng katok.

"Uy bruha! Bilisan mo na diyan! Wag masyadong magpaganda ah, baka matalbugan mo pa 'yung bride!"

Natawa ako sa sinabi ni Yvette.

"Baliw! Hindi noh! Ayokong agawin ang spotlight sa kapatid ko!"
Natatawang sagot ko sa kanya.

Kinuha ko na si Ethan sa crib niya at kinarga.

It's Trixie's wedding day today! 

Sumimangot si Yvette nang makita ako.

"Kakasabi ko lang di ba, na wag masyadong magpaganda bruha ka! Aagawin mo talaga yung spotlight sa kanya eh!"
Sabi niya.

Natawa ako.

"Sus! Ikaw din naman eh! Ang ganda mo ngayon, bruha!"

Tiningnan niya ako ng masama.

"Ahh ganun?! Ngayon lang talaga?!"

Natawa uli ako.

"Syempre hindi! Kahit noon pa man ay maganda ka na talaga,  pero MAS lalo ka lang gumanda ngayon!"
Kinindatan ko pa siya.

"Ayan! Gustong-gusto ko talagang marinig 'yan, bruha! Pero parang binobola mo lang ako eh! Tara na nga sa labas at naghihintay na 'yung babe ko!"

Hinila niya na nga ako palabas ng hotel. Nasa Baguio na pala kami ngayon, actually nung isang araw pa.

Dahil medyo may kalayuan 'yung simbahan kung saan gaganapin 'yung pag-iisang dibdib nina Trix at Pau ay kailangan pa rin naming sumakay ng kotse.

"Oh? Sina Tita Fely, bruha? "
Tanong ni Yvette nang nasa kotse na kami.

"Nasa kwarto pa niya. Susunod nalang daw sila. Hinihintay niya pa si Ken eh."
Sagot ko.

Napatango si Yvette.

"Ahh ok. Pero maiba tayo, how's between you and Tim lately?"

Nalungkot ako sa tanong ni Yvette.

"Negative. Hindi na siya nagpapakita at tumatawag sa'kin eh. Alam mo 'yung nakakalungkot na part? Yung ang dami-dami kong tanong para sa kanya pero bigla nalang siyang naglahong parang bula! Siguro may kasalanan din ako dahil dun sa huling sinabi ko sa kanya. Pero kasi — binibigyan niya ako ng misteryo eh! Sobrang naguguluhan ako, Yvette!"

"You know what? Kung ano man 'yun ay nararamdaman ko pa ring mabuting tao siya, bruha. Siguro ay kumukuha lang siya ng buwelo para sabihin sa'yo ang buong katotohanan."

"Nakakaduda na'tong mga 'to ah! "
Biglang sabi ni Jeric na siyang nagdadrive ngayon.

Natigilan kami ni Yvette.

"Huh??"
Tanong namin ng kaibigan sa kanya.

Tumingin uli si Jeric sa side mirror ng kotse.

"Kanina ko pa kasi napapansin 'tong kotseng itim na 'to na sumusunod sa'tin eh!"
Sagot niya sa amin.

Sabay kaming napatingin sa likod ni Yvette.

May kotseng itim nga.

Kinabahan ako nang maalala ang kotseng ito.

Ito din ang kotse na huminto sa plaza noon! Ito ang sinakyan ng dalawang lalaking nagtangkang barilin kami ni Tim!

"A-Ahh. Baka pareho lang ng daan sa pupuntahan natin, babe. Ano ka ba! Wag ka ngang masyadong praning!"
Sabi pa ni Yvette kay Jeric.

Napatingin ulit ako sa kotse.

Hindi ako nagkakamali! Ito talaga ang kotse na 'yun eh!

"B-Bruha, yan din ang kotseng ginamit ng mga taong nagtangkang barilin kami ni Tim! M-Mukhang ako talaga 'yung pakay nila!"
Kinakabahang sabi ko sa kaibigan.

"ANO?!"
Magakasabay na tanong ng dalawa.

Binilisan ni Jeric ang pagmamaneho.

Napasigaw kami ni Yvette nang makarinig ng isang putok.

Niyakap ko si Ethan nang bumulahaw ito ng iyak. Pati si Khiana ay umiyak rin.

"SH*T!"
Sigaw ni Jeric.

"Babe, Camille, yumuko lang kayo! Higpitan niyo 'yung seatbelt ninyo!"
Utos ni Jeric sa'min.

Kinakabahang tumalima ako.

Lalong binilisan nito ang pagmamaneho. Hinahabol pa rin kami ng kotse.

"ITIGIL NIYO ANG SASAKYAN KUNDI MAMAMATAY KAYONG LAHAT!"

Narinig kong sigaw ng isang lalaki.

"J-Jeric, ihinto mo na."
Natatakot na utos ko rito.

"Ayoko, Camille!"
Matigas na sagot ni Jeric.

Tiningnan ko ang dalawang bata na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Napapiksi ako nang makarinig ulit ng putok.

"SABING ITIGIL MO!"

Napapreno agad si Jeric nang magkalevel na sila nito at dahil tinutukan ito ng baril ng isa pang lalaki.

Huminto din ang mga ito at agad na lumabas ang dalawang armadong lalaki. Sila din ang mga lalaki noon.

"BUKSAN MO ANG PINTO!"
Utos ng mga ito kay Jeric.

Walang nagawa ang huli kundi sundin ang mga ito.

Binuksan ko ang pinto sa gilid namin ni Ethan.

"C-CAM! D-DON'T!"
Lumuluhang pigil ni Yvette sa'kin.

"TUMAHIMIK KAYO! KUNDI SASABOG YANG MGA BUNGO NYO! SYA LANG ANG KAILANGAN NAMIN PATI NA YUNG BATA!"

Nabigla ako.

"W-Wag naman pati anak ko! A-ako nalang! Ako lang naman talaga ang pakay ninyo eh!"

"TUMAHIMIK KA! KAYO NG ANAK MO ANG PAKAY NAMIN! KAYA LUMABAS KA NA DIYAN!"

Nagtayuan ang balahibo ko sa takot nang itutok nito sa amin ang hawak-hawak nitong baril.

"Bruha, wag!"

Umiiyak na tiningnan ko si Yvette.

"K-Kami ang pakay nila. A-Ayokong madamay kayo."
Malungkot na sabi ko bago lumabas ng kotse.

"NOOO, CAM! N-NO -----"
Pigil sa'kin ni Yvette na pilit inaabot ang braso ko.

"TUMAHIMIK KA SABI!"
Nahindik si Yvette nang tinutukan siya ng baril nung isang lalaki.

"GAGO! WAG NA---"
Galit na sigaw ni Jeric dito. Pero natahimik din agad ito nang tutukan din ito ng baril.

"ISA KA PA! TUMAHIMIK NALANG KAYO KUNG AYAW NIYONG SUMABOG YANG MGA BUNGO NIYO!"

Kinakabahan man ay sumama ako dun sa nakakatakot na lalaki habang karga-karga si Ethan na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
Sumunod naman ang dalawa sa'min.

Nang nakasakay na kami ay agad na humarurot palayo ang sasakyan

"A-ANONG KAILANGAN NYO SA'MIN NG ANAK KO?"
Kinakabahang tanong ko sa mga lalaki.

Tatlo pala sila at yung isa ang driver.

"Pare, patulugin mo nga yan! Kunin mo 'yung bata!"
Utos nung isa.

Nataranta ako nang kinuha nito si Ethan.

"A-ANO A----"
Di ko na natapos ang sasabihin nang tinakpan nito ng panyo ang bibig at ilong ko na may kung anong nagpawala ng ulirat ko.

--------------------------------------------

YVETTE'S POV

"SUNDAN NATIN SILA, BABE! BAKA ANO'NG GAWIN NILA KINA CAMILLE AT ETHAN!"
Hysterical na utos ko sa kasintahan.

Hinawakan niya magkabilang balikat ko.

"Babe, look at me! Calm down!"

"HOW CAN I CALM DOWN, BABE?! THOSE WICKED GUYS TOOK MY BESTFRIEND AND HER SON! THEIR LIVES ARE IN DANGER! PAANO AKO KAKALMA! KAILANGAN NATIN SILANG SUNDAN, BABE!"

"Babe, look at Khiana. She's afraid too. Let's just be calm for our daughter, please?"

Natigilan ako at napatingin sa anak ko na umiiyak pa rin sa mga bisig ko.

"Hindi natin basta-bastang sundan sila kasi wala tayong armas! At nandito pa ang anak natin. Ang kailangan nating gawin ngayon ay humingi ng tulong sa kapulisan at ipaalam sa pamilya ni Camille ang nangyari."

Napatango ako.

Narinig kong napabuntong-hininga siya bago binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito. Dahil may kalapitan nalang kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Trixie at Paulo ay doon muna kami didiretso para ipaalam sa kanila ang nangyari.

"Yvette? Jeric? Bakit ganyan ang hitsura ninyo? Teka! Saan ang anak ko? Saan si Camille?"
Bungad sa amin ni Tita Alicia.

"Oo nga. Sa'n sila ng apo ko?"
Segunda ni Tito Roman.

Nagkatinginan kami ni Jeric.
Hinawakan nito ang isang kamay ko.

"T-Tita... T-Tito..."
Naiiyak na panimula ko.

"A-Anong nangyari?"
Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.

Napahagulgol ako ng iyak habang ikinukuwento ang nangyari.

"Diyos ko!"
Bulalas ni Tita Alicia matapos kong ikuwento rito ang lahat.

"S-Sino ang kumidnap sa kanila?"
Tanong ni Tito Roman sa'min.

Napailing kaming pareho ni Jeric.

"Hindi namin sila kilala pero namumukhaan namin sila."
Sagot ng kasintahan.

Napuno ng pangamba ang bawat isa.

Niyakap ko si Baby Reign na nakatulog na galing sa pag-iyak kanina.

"What's happening here? This suppose to be a happy day. Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.
It's Tita Fely. Napatitig ako kay Ken na nasa tabi nito. Inilibot nito ang paningin. Alam kong sina Camille ang hinahanap nito.

"Where's Camille?"
Di-napigilang tanong nito sa amin.

Imbes na sagutin ang tanong nito ay napahagulgol kaming pareho ni Tita Alicia.

Si Jeric na ang nagkuwento. Habang nagkukuwento ang kasintahan ay napansin kong matiim itong tinitingnan ni Ken na para bang galit ito dito. Naalala kong sinabi noon ng kasintahan na napagkamalan itong boyfriend ni Camille nang minsang hinatid nito ang kaibigan. Tssk.. Tssk.. Ba't di pa kasi amining mahal nito si Camille?!

Hayss... Time out for this, Yvette! Kailangan nating mahanap si Camille at Ethan, ASAP!

"WHAT?!"
Gulat na tanong ni Ken pagkatapos marinig ang lahat. Magkahalong gulat at pangamba ang rumehistro sa mukha nito.

Sama-sama kaming dumulog sa police station ng Baguio City at ipinaalam ang nangyari.

"Sir,Ma'am, alam niyo ho ba kung s'an dinala ng mga suspek ang mga biktima?"
Tanong ng pulis na nag-iinterview sa'min ni Jeric. Nandito kami sa loob ng opisina ng nag-iinterview habang nasa labas naman sin Ken at iba pa.

"H-Hindi ho Sir eh."
Si Jeric na ang sumagot.

"Aalamin ho namin sir kung san sila dinala, wag kayong mag-aalala. Matanong ko lang din ho kayo, kilala niyo ba kung sino ang posibleng may gawa nito?"
Muling tanong ng pulis.

Napailing kami ni Jeric.

"-Eh yung taong may galit ho sa kanya Sir, Ma'am?"

Umiling ulit kami.

"Wala namang kaaway 'yung kaibigan ko eh. Mabait ho siyang tao —"

Natigilan ako nang may maalala.

"Wait! May naalala ako!"
Biglang sigaw ko.

"Ano ho 'yun, Ma'am?"
Tanong sa'kin ng pulis.

"Naalala kong may nagpadala kay Camille nun ng sulat at pinagbabantaan siya! Baka ito din ang nagpadukot sa kanila ngayon!"
Agad din akong nalungkot ulit.

"—Pero yun nga, hindi ko pa rin kilala ang taong 'yun eh."
Dugtong ko.

Napatango ang pulis.

"Titingnan ho namin ang anggulo na yan, Ma'am. Sa ngayon ay hahanapin muna natin kung saan dinala ang mga biktima."

"Marami hong salamat, Sir. Sana ay mahanap niyo ang kaibigan ko."

"Tungkulin ho namin yan, Ma'am. Wag kayong mag-aalala, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mahanap sila ng anak niya."

Lumabas na kami.

Agad kaming sinalubong ng iba pa.

--------------------------------------

KEN'S POV

Nagtipon-tipon kaming lahat dito sa bahay nina Paulo habang hinihintay ang update ng mga pulis.

Kanina pa ako hindi mapakali dito. Sobrang natatakot ako ngayon. Habang nakaupo dito ay may kung anu-ano nang pumapasok sa isip kobg scenario. Baka sinasaktan ng mga walangyang dumukot sa kanila si Camille ngayon! Baka sinasaktan din nila ang anak ko! Baka ginagapos nila si Camille habang pinagsasamantalahan!

Galit na napatayo ako sa naisip.

Mapapatay ko talaga sila kapag gagawin nila ang mga 'yun!

Nagsimula akong humakbang.

"San ka pupunta, Sebastian?!"

Tiningnan ko si Mom.

"Nasa panganib ang buhay ng mag-ina ko ngayon. So I just can't stay here and do nothing, Mom!"

"Baka gusto mo na may kasama?"
Tiningnan ko si Jeric.

Nakokonsensya pa rin ako dito. Damn me for thinking he was Camille's boyfriend! Tss! Fiance pala ito ni Yvette! I was really overthinking things!

"Count me in!"
Sabi naman ni Paulo.

I sighed.

"Okay. Let's go and save them!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 99.5K 61
"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his ca...
617K 14.6K 24
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A girl who was so sure of her future-got accidentally pregnant by the man she hated the most, making all her pl...
18.7M 594K 35
When her longtime boyfriend proposes to her, Nari does not seem happy. She rejects him, hoping he would understand. But two years, seven days, three...
2.1M 43.2K 46
BILLIONAIRES' LOVE SERIES II Maxwell Zamora Levine Max wanted only revenge when he found out his ex-girlfriend, Louise Rhean, who ditched him six yea...