A Night With My Husband's Bro...

De Princess_Daffodilz

506K 7.6K 483

Warning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your... Mais

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2.1
CHAPTER 2. 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER #1
SPECIAL CHAPTER #2
SPECIAL CHAPTER #3
Author's Note

CHAPTER 23

10.4K 181 9
De Princess_Daffodilz


CAMILLE'S POV

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago pinihit pabukas ang pinto ng kwarto kung saan nakaconfine ngayon si Mama Fely.

Natigilan ako nang makita si Ken na mahimbing na natutulog sa maliit na sofang naroroon. Nakaharap sa akin ito.

Tinitigan ko lang siya. Ang mala-adonis niyang mukha.

"You know, staring is a crime."

Napakislot ako nang bigla siyang nagsalita.

Gising pala siya!

He slowly opened his eyes until our gazes met.

Agad na nag-iwas ako ng tingin.

"N-Nagpapanggap ka lang ba na natutulog?"
Tanong ko sa kanya sa mahinang boses.

"I really was sleeping. Nagising lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. I was just too groggy to open my eyes."

"P-aano mo naman nalaman na nakatitig ako sa'yo?"

Namula ako sa hiya nang maintindihan ang sinabi.

Shit! Parang inaamin mo na nakatitig ka talaga sa kanya, Camille!

Nakatitig ka naman talaga, di ba?
Sabat ng traydor na utak ko.

Kinagat ko ang ibabang labi.

I heard him chuckled, so I glanced and glared at him.

"Coz I just felt that there's someone staring at me."
He answered.

Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. Nakangiti kasi siya ngayon. How I missed seeing him smile. Memories started to flow back on my mind.

I slightly shook my head to ease the memories.

Inilipat ko ang paningin kay Mama na mahimbing na natutulog.

"K-Kamusta na pala si Mama?"
Pag-iiba ko ng usapan.

"She's fine now. Sabi ng doktor ay pwede na siyang umuwi bukas. Masyado lang talagang nabigla si Mom sa nangyari at sa nalaman niya kahapon."

Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya. Naalala ko kasi ang nangyari kahapon.

Sandaling dumaan ang katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"L-Look Camille-"

Ibinalik ko ang paningin sa kanya.

He took a deep breath and stared at me in the eye.

"-I'm sorry for what had happened yesterday."

Di ako makapaniwala sa narinig. Humihingi siya ng pasensya?

"-Alam ko na galit sa'yo yung tatay mo ngayon."

"N-Nagkabati na kami kagabi. Kailangan ko pa ngang magpasalamat sa'yo dahil dun sa ginawa mo. Oo, sobrang nagalit ako sa ginawa mo kahapon, pero napagtanto ko na kung hindi dahil sa'yo, hindi ko sana masasabi ang buong katotohanan sa kanya. Sa lahat ng taong pinaglihiman ko. Kaya Ken, thank you."
Nginitian ko siya.

Nagkatitigan kami. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Ako na ang unang nagbitaw ng tingin.

Nanghihina kasi ang mga tuhod ko sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin. Kaya hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya nang matagal.

Narinig kong tumikhim siya.

"Ah Camille?"
He called.

Di ko siya nilingon.

"-I've been thinking this since yesterday."

Nahimigan ko ang pag-aalangan sa boses niya.

"- Can we be friends?"

Awtomatikong napatingin ulit ako sa kanya nang marinig ang tanong niya na 'yun.

"- Can we be friends for Ethan's sake?"

Be friends. For our child's sake.

Medyo may kumirot sa dibdib ko.

Ano pa nga bang ineexpect mo, Camille? More than that?

Of course, he won't ask that! Kasi may girlfriend na siya, at napakaganda pa. Ano'ng binatbat ko dun? Walang-wala!

"I'm sincerely offering you my friendship, Camille. I just think that things will be better that way."

Pilit na nginitian ko siya.

"O-Okay."
All I managed to say.

Nagbaba ako ng tingin dahil baka makita niya ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko.

"Good mo- oh Camille! You're here! Hi!"

Kinalma ko ang sarili nang marinig ang maarteng boses na 'yun ni Lianne. She's just right on time. Gustong-gusto ko na din kasing lumabas ng kwarto na'to ngayon eh.

"A-Ah. M-Mauna na pala ako sa inyo. N-Nakaconfine din kasi dito ngayon ang kapatid ko, puntahan ko muna siya."

Pilit ulit akong ngumiti kay Ken at kay Lianne bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang lalaking patakbong naglalakad sa direksiyon ko.

Buti nalang talaga at nahawakan ako nung gago kundi maghahalikan kami ng sahig!

Inis na tiningnan ko ito.

"L-Look, I am very sorry, Miss."
Hinging pasensya nya sa'kin.

"SINO BA KASING MAYSABI SA'YONG GAWING PLAYGROUND 'TONG OSPITAL HA?!"
Bulyaw ko sa kanya.

I didn't give him a chance to speak up, I quickly left and went to Trixie's hospital room.

Badtrip!

"Anak."
Napatayo agad si Alicia nang makita ako.

"K-Kamusta na po si Trixie? Yung baby niya?"
Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin.

"Salamat sa Diyos at pareho silang nakaligtas ng anak niya. Sa ngayon ay natutulog pa rin si Trixie while the baby's in the incubator."

Masaya ako sa narinig.

I stared at Trixie.

Napangiti ako nang makita si Paulo sa gilid nito. Kung naaalala niyo pa, si Paulo yung kaibigan ni Borgy, yung minsang naghatid sa kanya sa bahay noong lasing siya.
Siya pala ang fiance ng kapatid ko.

Masaya ako para sa kanila.

"Anak? Pwede na ba tayong mag-usap?"

Nilingon ko si Alicia.

Siguro ito na talaga ang oras para marinig ko ang panig niya.

"S-Sige ho."

Lumabas kami at nagpunta sa isang malapit na plaza, kung saan tahimik at malaya kaming makakapag-usap ni Alicia.

"I really wanted to tell you the untold story why I left you and your father."

"Go on. Andami ko rin kasing tanong sa isip na nananatiling walang kasagutan. I've been bearing this for years. Siguro ito na talaga ang tamang oras para masagot mo ang lahat ng mga katanungang ito."

She was almost teary-eyed when she started speaking.

"D-Di pa naman talaga kami kasal ng tatay mo noon, anak."
Panimula nya.

"Alam ko po, nasabi na kasi 'yan ng tatay noon."

Malungkot na ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkukwento.

"Nagpaplano pa kami noon na magpakasal pero mahirap talaga ang pamumuhay kaya hanggang plano lang ang lahat. Naaksidente noon ang tatay mo, 1 year old ka pa lang noon e, pauwi na siya nun galing sa trabaho nang madagli sya ng isang rumaragasang sasakyan. Wala tayong sapat na pera pambayad ng ospital at pagpapasemento sa paa ng tatay mo. Tapos naroroon si Jules, isang mayaman na binata sa probinsiya natin, matagal na siyang may gusto sa'kin kahit alam niyang mahal ko si Roman. Hanggang dumating ka sa buhay namin ng tatay mo ay patuloy pa rin siya sa pangungulit sa'kin. Nang malaman niya 'yung nangyari sa tatay mo ay nag-offer agad siya ng tulong. Tinanggap ko iyon. Sino ba naman ako para huminde? Para kay Roman yun eh. Di ko sinabi kay Roman yung tungkol sa tulong na ibinigay ni Jules."
She paused for a while when she began to sob.

"Pero 'di ko inaasahan ang magiging kapalit pala ng tulong na 'yun ay ang katawan ko!"

Napasinghap ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang nangyari iyon sa kanya. Ramdam kong totoo ang mga sinabi niya at hindi siya gumagawa lang ng istorya para kaawaan at patawarin ko.

Bahagyang nawala ang galit ko para sa kanya at nabaling ito sa lalaking nagsamantala sa kahinaan niya.

I gripped my fist in fury, but I didn't say any. I just let her talked and finished the story.

"Pinilit ako ni Jules na ibigay ang sarili sa kanya at pinagbantaang babawiin niya yung perang ibinigay niya! Nandidiri ako sa sarili ko nun! Syempre 'di ko sinabi sa tatay mo ang nangyari kasi nagpapagaling pa sya nun at alam kong kasusuklaman niya ako dahil sa ginawa ko. Walang gabing hindi ako umiiyak noon, anak."
Palakas ng palakas ang hagulgol niya. Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya.

"Tatlong buwan ang lumipas ay nalaman kong buntis ako, saktong ikalawang taong kaarawan mo noon. Hindi ako mapakali. Sobrang kinakain ako ng konsensya ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Roman kapag nalaman niya ang sitwasyon ko. Kasi hindi na kami nagsiping noon dahil nga nagkasakit siya. Sumagi sa isipan ko na ipalaglag 'yung bata pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang pumatay ng inosente. Kaya sinabi ko nalang kay Jules ang kalagayan ko. Sobrang saya niya. Gusto niyang sumama ako sa kanya, pero hindi ako pumayag kaya pinagbantaan niya ako na papatayin kayo kung hindi ako susunod sa gusto niya!"

Hindi ko namalayang naluha na pala ako. Mabilis na pinunasan ko ito.

"Natakot ako kasi ginagawa niya talaga ang mga banta niya. K-Kaya sumama ako sa kanya. I-Iniwan ko kayo ng tatay mo. P-Patawarin mo ako, anak!"

Hinawakan ni Alicia ang isang kamay ko.

I covered my mouth using my other hand to suppress my sobs.

"G-Ginawa ko lang naman 'yun dahil sa inyo! Patawarin mo ako, anak!"

Di ako makapagsalita.

"Walang araw at gabi na hindi ko kayo iniisip. Pero hindi ko na kayo mapuntahan kasi dinala na ako ni Jules sa States."

Nagsimulang yumugyog ang dalawang balikat ko dahil sa paghagulgol ng iyak na kanina ko pa pinipigilan.

"P-Patawad din po, hi-hindi ko po alam ang nangyari! P-Patawad po at nagtanim ako ng galit sa inyo!"

We're just the same. We are willing to sacrifice for our loved ones.

Nagyakapan kami.

"Naiintindihan kita, anak.

"S-Salamat at binuksan mo yung puso at tenga mo para pakinggan ako, anak."

Nginitian ko siya.

"Ngayon, nasagot na ang lahat ng mga katanungan ko. Naiintindihan ko na. Naiintindihan na kita, Nay!"

Napangiti din siya.

"Ang sarap namang pakinggan na sa wakas ay tinawag mo na rin akong 'nanay'!"

Niyakap ko siya nang napakahigpit.

Parang may malaking bikig ang nabunot sa dibdib ko ngayon. Medyo lumuwag na ito.

Isa nalang ang inaalala ko. Ang tungkol kay Mama Fely. Sana naman ay pakinggan niya rin ako.

Nagsimula na kaming naglakad ni Nanay pabalik sa ospital nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo di-kalayuan sa'min. Mabilis na iniwas nito ang tingin sa'kin nang mahuli ko itong nakatitig sa. Mabilis na kinuha nito ang isang newspaper sa tabi nito at nagkunwaring nagbabasa. Napakunot-noo ako.

Saan ko nga ulit nakita ito?

Nagliwanag bigla ang mukha ko nang maalalang ito pala ang lalaking nakabungguan ko kanina!

Tss.. Sobrang talino niya noh? Nagbabasa ng pabaliktad!

Teka? Hindi naman sa assuming ako o ano,pero -sinusundan ba ako nito?

Binalingan ko si Nanay.

"Mauna ka na hong bumalik sa ospital, nay. May bibilhin lang ako sandali."

Nang mawala na si Nanay ay nagngangalit ang dibdib na nilapitan ko yung lalaki.

Inis na kinuha ko yung dyaryo na nakatabing sa mukha niya.

Nakangiwing tumingin siya sa'kin at nag-peace sign.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Uy! Hindi ah!"

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Sinusundan mo ba ako?"
Mataray na tanong ko ulit sa kanya.

"Oo na! Sinusundan nga kita!"

"Bakit mo ako sinusundan?!"

"Wag kang mag-isip ng masama. Sinusundan kita kasi ayoko kasing may nagagalit sa'kin. Nagmamadali lang talaga ako kanina kasi nasa emergency room yung kapatid ko. Nadisgrasya kasi sya eh."
Paliwanag niya.

Awtomatikong nawala ang inis ko sa kanya.

"Sorry talaga ah?"

"Sige na! Tinatanggap ko na 'yang sorry mo. Di mo naman kailangang sundan pa ako, nagmumukha ka tuloyng STALKER KO."
Diniinan ko ang huling dalawang salita at nakakalokong nginitian sya.

"Uy! Feeling mo naman!"

Natawa ako sa reaksyon niya

"Joke lang!"

"I know. Tim nga pala."
Pagpapakilala niya sa sarili.

Tiningnan ko lang yung kamay niyang nakalahad.

"Tinatanong ko ba pangalan mo?"
Pambabara ko sa kanya.

Nginitian ko ulit siya ng nakakaloko bago siya tinalikuran at naglakad pabalik sa ospital.

---------------------------------------------

KEN'S POV

Naiinis ako sa biglang pagsulpot ni Lianne. Yun na ang pagkakataong hinihintay ko eh! Ang magkausap kami nang maayos ni Camille at magkaayos para sa anak naming si Ethan. Willing na akong kalimutan ang galit ko sa kanya, alang-alang sa kapakanan ng anak namin.

But this Lianne ruined that moment!

"I bet you two are okay now. Pero bakit hindi ata masaya si Camille?"

"Akala ko ba ayaw mo na akong makita?"
Di ko pinansin ang sinabi niya.

She raised a brow at me.

"Wala akong sinabing ayaw na kitang makita. I'm still not giving up on you Sebastian, and I never will!"

This lady is really a pain in the head!

"Mapapagod ka lang , Lianne. Ngayon pa lang, lagi ko nang sinasabi sa'yo na tumigil ka na. I only see you as one of those girls I dated before. Si Camille, siya lang ang tanging babae'ng naiiba sa inyong lahat. I see her as a woman to take good care of. I love her. Sana naman ay maintindihan mo, Lianne. Magsasayang ka lang ng panahon sa'kin. Ang dami namang lalaki diyan na kayang suklian yang pagmamahal mo."

Kitang-kita sa mukha niya ang sakit pero nginitian pa rin niya ako.

"Ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo, na ikaw lang ang lalaking mahal ko at patuloy kong mamahalin, Sebastian!"

"Wag kang magsalita nang patapos, Lianne. Mahahanap mo rin 'yung lalaking nakalaan para sa'yo. Soon. By the way, I heard that Mr. Lim's here. Di ba may inireto siya sa'yo? If I was not mistaken that guy's name was John, right? And I heard that that guy is into you. Bakit hindi mo siya bigyan ng chance?"

She glared at me.

"Sasabihin ko ulit sa'yo, hinding-hindi ko kayang magmahal ng iba! Ikaw lang talaga, Sebastian! I will do everything just to make you mine!"
She said with finality before turning her back on mine and went out on the door.

I'm sorry, Lianne. Pero malabong mangyari iyang binabalak mo! I will never be yours. Kasi ngayon, may balak na talaga akong ayusin ang lahat sa amin ni Camille.

-------------------------
CAMILLE'S POV

Nakauwi na si Mama sa bahay.
Nagkausap na rin kaming dalawa. Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon at napakabait Nito sa akin dahil naiintindihan ako ni Mama. Napatawad niya ako.

At kung nagtatanong kayo kung kamusta kami ni Ken. Well, we're friends like he wanted us to be.

Dali-dali akong lumabas para buksan ang gate nang may nagdoorbell.
Nagtataka ako nang pagbukas ko ay wala namang tao.

Napatingin ako sa paa ko nang may maapakan ako na kung ano.

Yumuko ako at kinuha ito.

Isa itong brown na sobre.

Ano 'to? Out of curiosity ay binuksan ko ito.

Isang papel ang laman nito. I took the paper out.

Binasa ko ito,

'I'm watching over you, Camille. So be careful. Coz I'm gonna ruin your life just like how you ruin mine! '

Napasinghap ako.

I roamed my sight, searching for someone who might left this threatening letter, but I failed. I see no one.

Inatake ako ng kaba.

Sino kaya yung nagpadala nito?

Sinira ko raw ang buhay niya?
What have I done? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sinirang buhay eh!

Tinawagan ko agad si Yvette at sinabi ang tungkol dito dahilan upang napasugod agad siya sa
bahay.

"Kung sino man yang nagpadala ng banta na yan sa'yo ay baliw siya, bruha! Wala ka namang sinirang buhay eh!"
Galit na sabi ni Yvette.

Binasa ulit ni Yvette ang sulat.

"Ireport kaya natin 'to sa police?"
She suggested.

Umiling ako.

"Wag na, Vette. Baka prank threat lang ito."
Sagot ko sa kanya.

"Uy! Kahit na, bruha! Masama pa rin ito! It's still a crime, you know! We have to report this, as in now na! My ghaad! This sender, whoever he/she is, kailangan niyang managot sa batas! Kung ako ang pinadalhan ng banta na 'to ay baka sumugod na agad ako sa police station para ireport ito!"

"Banta?"

Natigilan kami nang marinig ang boses ni Tatay. He must overheard us.

"A-Ahh. W-Wala po, Tay!"
Kinakabahang sagot ko sa kanya.

Agad kong itinago yung papel sa likod ko.

"Pero may narinig ako na may sinabi kayong banta eh."
Nakakunot-noong tanong pa ni Tatay.

"Ay naku ,Tito! Wala ho kaming pinag-uusapang banta! Yung mga BATA ho kasi ang topiko namin ni Camille."
Si Yvette na ang sumagot.

Pasekretong pinandilatan ko ang bruha.

"Siguro nga ay namali lang ako ng dinig. Sige, babalikan ko na muna ang apo ko dun sa kwarto nila."

Nakahinga kami nang maluwag nang umalis na si Tatay.

Siniko ko si Yvette.

Nag-peace sign lang siya.

Pero back to the concern na, kailangan ko talagang malaman kung sino ang nagpadala nito, ASAP!

Hindi talaga ako mapapakali kung hindi ko ito makikilala!

Continue lendo

Você também vai gostar

152K 1.7K 27
Being known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be cal...
6K 153 34
A pill to take everything away from her. Bala Series#2 Genre: General Fiction/Action/Romance @Completed
771K 13.7K 69
SPG po eto......A story of young woman trying to survive or escape her world, the world that she hated so much because in her world the only way you...
219K 3.9K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...