Kabanata 18
Dwight's P.O.V (Ang eksena pong ito ay ang pagkauwe ni Prince sa kanila.)
Pagkakita ko palang sa pagmumukha ni Prince ay sinalubong ko agad siya ng suntok sa mukha, hindi na ako nakapagpigil.
"Fuck! Para saan 'yon?!" inis na sabi niya sa akin at agad na sinakmal ng kamay niya ang kwelyo ng damit na suot ko pero agad ko rin itong tinanggal at tiningnan siya ng masama. I'm going to kill this idiot!
"Saan ka galing?! Kanila Jean, ba?! Ha?!" galit na tanong ko sa kaniya at lalo pa akong nagalit dahil ngumisi lang siya sa akin. Tsk! Asshole! Kulay pula na ang mga mata niya at ganon na rin ako.
"Tss, ano bang pakielam mo?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay sinagot niya rin ako ng isang tanong. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagtulo ng dugo galing sa labi niya dahil sa suntok ko pero hindi niya 'yon ininda at dinilaan niya lang 'yon. Nakakairita dahil ayon parin ang mapangasar niyang ngisi.
"Ang.sabi.ko.san.ka.galing! Pakisagot pwede ba?!" mariin kong sabi sa kaniya.
"Halata naman kung saan diba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko na siya, tumingin siya sa akin ng masama.
"Fuck you! Tandaan mo kapag may ginawa kang masama sa kaniya kakalimutan kong kambal kita!" seryosong sabi ko sa kaniya.
"Wow! Kung makapagsalita ka, ah! Hindi ba at pumunta ka din sa kaniya? Saka pwede ba! Alam mong wala akong gagawing masama sa kaniya!" sarkastikong wika niya. "Dapat ako ang magalit dahil may ginawa ka lang naman sa kaniya!"
"Shut the fuck up! Just leave her alone, she's mine!" gigil kong sabi sa kaniya pero ang loko ngumiti lang sakin. Nang-aasar ang gago. "At wala akong ginawa sa kaniya! Asshole!"
"Hindi lang siya sa'yo. Sa akin din siya," mapangasar na sabi niya. Nginisian niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Fuck! Sasagutin ko pa sana siya kaya lang biglang may nagsalita.
"Anong pinaguusapan niyo?" mahinahon ang boses na 'yon at alam na alam namin kung sino ito.
"Wala po," sabay naming sabi ni Prince. Bumalik na sa normal ang mga mata namin. Nakatingin lang siya saming dalawa ni Prince. Nandito kasi kami sa sala at sigarado akong nagising siya dahil narinig niya ang pagtatalo namin.
"Kung ganoon ay matulog na kayo. Madaling araw palang. Go," seryoso niyang sabi. Wala na kaming nagawa ni Prince kundi ang sumunod. Hindi namin siya pwedeng suwayin, siya ang reyna, ang aming ina. Bago ako umakyat para pumunta sa kwarto ko ay tiningnan ko muna ng masama si Prince.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nahiga ulit ako. Naisip ko yung nangyare nung pumunta ako ng walang pasabi kay Jean. Naramdaman kong tumibok ng mabilis 'yong puso ko. Tandang tanda ko pa 'yong reaksyon niya nang makita ako, ang cute niya.
Sana lang talaga ay walang ginawang masama sa kaniya si Prince dahil kung meron hindi lang suntok ang aabutin sa akin ng walang kwenta kong kambal. Kailangan ko siyang ilayo sa kapahamakan.
I want her. I need her. And soon, I will make her mine.
***
Jean's P.O.V
Nandito ako ngayon sa library ng school namin. Sila JD naman ay pinilit kong sumama muna sa akin, ewan pero gusto ko munang mapagisa. Iyong kwintas nasa akin parin hindi ko matanggal kahit anong gawin ko. Itinago ko na lang ito sa loob nitong damit ko.
Nag-iikot ako rito sa mga shelves at naghahanap ng pwedeng basahin. Dito ako nag-iikot sa medyo walang tao. Sa aking paghahanap ay hindi ko akalaing makakasalubong ko siya.
Tracy...
"Jean," mahinang banggit niya sa pangalan ko. Tiningnan ko lang siya saglit at dahan-dahang tumalikod.
"Wait lang, Jean! May sasabihin lang ako," Pagpigil niya sa akin. Tumigil naman ako sa paglalakad. Hindi parin ako humaharap sa kaniya.
"Jean patawarin mo ako kung sinikreto ko ito sa iyo. Alam kong pagagalitan ako ni Loki dahil sa sasabihin ko pero hindi ko na talaga kaya ang pagiwas mo sa akin. Nasasaktan na ako," umiiyak niyang sabi. Napakuyom ko naman ang kamao ko. Should I listen to her?
"Jean, oo bampira na ako pero kung hindi ako naging ganito ay siguradong patay na ako ngayon. Tanda mo ba iyong pagsabog? Jean, mamamatay na dapat ako nang time na 'yon pero dumating si Loki at iniligtas ako." Nagulat naman ako dahil doon at naramdaman ko na ang mumunting luha na namumuo sa paligid ng aking mga mata.
Nang araw na sinugod si Tracy. Papaalis ako at nakasalubong ko naman si Loki. Kaya pala siya nandoon nong mga oras na 'yon.
"Ginawa niya akong bampira para lang mabuhay ako. Hindi ko 'to ginusto pero sabi sa akin ni Loki kung hindi niya ako ginawang ganito, hindi ko na kayo muling makikita. Pero totoong wala akong maalala bago ang pagsabog..." humahagulgol na wika niya. Naramdaman ko na ang pag-agos ng luha ko.
"Noong una hirap na hirap ako sa sitwasyon ko pero nilakasan ko ang loob ko para lang sa'yo at sa pamilya ko. Nalaman ko rin na kaya pala nalaman ni Loki na mamamatay ako ay dahil 'yon ang isa sa abilidad niya. Jean I'm sorry! Mahal kita, at hindi kita kayang iwan kaya tinanggap ko kung ano ako. Gusto ko kasama mo ako sa bawat problemang mararanasan mo! Kaibigan kita at walang maghihiwalay sa atin!" Dahil sa mga sinabi niya ay naliwanagan ako. Hindi niya ito ginusto. Dali-dali akong humarap at niyakap siya. Naramdaman kong nagulat siya.
"J-Jean!" umiiyak na banggit niya sa pangalan ko.
"I'm sorry, dahil masyado akong nagmatigas! I'm sorry dahil tinawag kitang halimaw. Hindi ko alam na 'yon pala ang nangyare! I'm sorry!" umiiyak na sabi ko sa kaniya. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.
"Shhh. Ako ang may kasalanan, hindi ko kasi agad sinabi sa'yo ang dahilan. Tandaan mo nandito lang ako lagi sa tabi mo." Dahil sa mga sinabi niya ay lalo akong naiyak. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na kami sa pagiyak. Natawa pa nga kami dahil nakita namin ang itsura namin.
"Mukha tayong dugyot!" natatawa kong sabi.
"Oo nga! Gutom na ako, kain tayo," natatawa ring sabi ni Tracy. Napatigil ako sa pagtawa dahil doon sa huli niyang sinabi.
"Oh 'yang mukhang 'yan alam ko na iniisip mo! Loka! Nakain din ako ng mga kinakain ko rati noh! May gamot akong iniinom kapag nauuhaw ako sa dugo bigay ni Loki."
"Ahh," nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano na.
Umalis na kami sa library at pumunta na ng canteen nakita namin don sila JD. Kaya ron na kami umupo.
"Hello, guys! Si Tracy kaibigan ko!" masayang sabi ko sa kanila.
"Hello!" nahihiyang wika ni Tracy.
"Diba siya 'yong iniiwas--" Naputol ang sasabihin ni Heart dahil biglang sumingit si Ace.
"Hello magandang binibini," magalang na sabi ni Ace.
"Bastos kang lalaki ka! Nakita mong hindi pa ako tapos magsalita e'!" gigil na sabi ni Heart at sinapak na si Ace.
"Aray!" daing ni Ace.
Natawa naman kami ni Tracy sa dalawa. Pero napatigil kami ng biglang magsalita si JD. "Bampira siya at siya 'yong laging iniiwasan mo," walang emosyong sabi niya.
"What?!" gulat na sabi ni Heart.
"Ano?!" ganoon din si Ace. Agad kong naitago si Tracy sa likod ko. Naramdaman kong kinakabahan siya.
"Look, guys, kaibigan ko siya at mabait siya," seryosong sabi ko.
"Pero bampira siya, Jean," mahinang sabi ni Heart at tumango naman si Ace.
Umupo kami ni Tracy. Ramdam kong hinawakan ni Tracy ang braso ko. Kaya tiningnan ko siya at nginitian.
"Look, ganito kasi 'yon..." Nagsimula na akong magpaliwanag. Nang matapos kong sabihin sa kanila ang lahat ay naging okay na sina Heart at Ace na parang naunawaan nila ang lahat pero si JD, wala parin siyang emosyon.
"May mga bampirang mabait at meron namang masama," nakangiting sabi ko.
"Friend na rin tayo. Naunawaan ko ang sitwasyon mo!" sabi ni Heart, tumango naman si Ace. Nakahinga naman ako ng maluwag. Though, I know that they will understand.
"Okay! Ang cute niyo bagay kayo," masayang sabi ni Tracy. Dahil sa sinabi ni Tracy na bagay sila ay agad na nagbangayan ang dalawa at tuwang tuwa naman silang pinanonood ni Tracy.
Habang ako ay nakatingin sa kanila ay napabaling naman ang tingin ko kay JD. Seryoso lang siyang nakatingin sa labas. Napabuntong hininga ako.
Ibinaling ko na lang ulit ang tingin kina Ace, mamaya ko na lang kakausapin si JD.