Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 30 - Tears

8.9K 319 239
By wistfulpromise

Chapter 30 

Tears

Celestine

Ako si Celestine Gonzalez.

Sa mga nagdaang taon ay masaya na ako sa sarili, kuntento na sa buhay na meron ako at wala na akong ibang mahihiling. Ngunit magmula noong dumating ako rito sa Maynila at nakilala ko si Jace na nagtatago sa pangalang Raven, lahat ng inakala ko at pinaniwalaan ko tungkol sa sarili—lahat... nagbago. Nagkaroon ako ng mga katanungan sa sarili na kahit kailanman ay hindi ko ginawa.

Ako si Celestine Gonzalez. Pero ako nga ba siya?

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay lumabas na ako sa Black Savage Headquarters upang tumakbo sa labas. Upang makapag-isip. Upang maayos ko ang sarili na biglang nagulo magmula noong nangyari ang mga tagpo sa pagitan namin ni Jace kagabi.

Tumakbo ako ng tumakbo sa labas katulad ng palagi kong ginagawa sa isla noon sa tuwing umaga. Tumakbo ako ng tumakbo at nakapagtataka na tila ba alam mismo ng mga paa ko kung saan ako tutungo.

Bakit? Bakit ba ganito?

"Serene, you are not Celestine. You are Serene Lopez. And you are my queen."

Tumakbo lang ako ng tumakbo, pabilis nang pabilis, palayo nang palayo sa lugar na ito na nagpapagulo sa aking isip.

"You are Serene Lopez. You are Serene Lopez. You are Serene Lopez."

"Hindi. Ako si Celestine."

"Serene?"

Naaalala ko ang lalaki na may abong mga mata. Siya ang unang tumawag sa akin ng pangalan na iyon noong nagsisimula pa lang kami ni Cello sa misyon namin.

"Hindi. Ako si Celestine." Mas matigas ko pang saad sa sarili.

"Serene..."

Ang saya sa mukha nina Niel at ng iba pa sa kanila noong una akong makita. Na akala mo kilalang-kilala talaga nila ako. Na akala mo isa akong mamahaling bato na sa wakas ay muli nilang nakita.

"Ako si Celestine."

"Serene, you are not Celestine. You are Serene Lopez. And you are my queen."

"Ako si Celestine!" Sigaw ko habang wala sa sariling napahinto sa pagtakbo at humagulgol sa daan kung saan ako nakaabot. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin o sa kung ano ang maaaring mangyari sa akin. Humagulgol ako roon habang sinasabunutan ang buhok.

"Hindi. Mali kayo. Ako si Celestine at isa akong Gonzalez." Sabi ko pa sa sarili pero bakit kahit anong gawin ko, kahit ano pang ulit ang gawin ko sa pangalan na iyon ay parang may mali sa buong pagkatao ko?

Naalala ko sina Inay Clara, si Itay Cleo, si Tatang at ang buong isla. Naaalala ko ang masasayang alaala namin, ang simpleng buhay na mayroon kami. Ngunit sa ikalawang banda, mayroon ibang buhay na pilit kumakatok sa aking isipan. At sumasakit ang ulo ko. Ang sakit-sakit. Ang daming alaala. Para na itong sasabog.

"Close your eyes and breathe slowly." Naaalala ko ang sinabi sa akin ni Jace. Parang katabi ko lang siya, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paghagod niya sa likod ko noong araw na iyon.

"Hindi kaya pinipigilan mo lang?" ang mga salitang sinabi niya sa akin noong sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Pinipigilan.

Sa mga nagdaang taon ay kapag sumasakit na ang ulo ko tulad nito wala akong ibang ginagawa kundi harangin ang sarili sa mga alaala na hindi ko maipaliwanag. Minsan kulang na nga lang ay iuntog ko na ang ulo dahil sa sakit. Gusto ko na lang matapos. Gusto ko na lang maglaho. Pero kahit kailan ang mga alaala sa isipan ko ay hindi ko hinarap.

"Hindi kaya pinipigilan mo lang?"

Hindi kaya iyon talaga ang dahilan ng lahat ng ito? Pinipigilan ko ang mga alaala sa isipan ko. Ang sabi ko gusto kong makaalala ngunit naging sinungaling ako sa sarili. Ang mga alaala sa nakaraan ay naroon lamang sa gilid ng aking isipan, kumakatok ngunit hindi ko pinagbubuksan. Nagpapapansin ngunit hindi ko pinapansin.

Bakit nga ba? Bakit ko nga ba ito ginagawa sa sarili?

Iniangat ko ang tingin at napakuyom ng mga kamay. Hindi. Tama na. Buong buhay ko naghahanap ako ng sagot sa mga tanong ko ngunit ang kasagutan lang pala ay nasa sarili ko. Ano ba talagang meron sa nakaraan na mas pinili ko na lamang ang makalimot?

Ano bang meron sa nakaraan na mas pinili ko na lamang na protektahan ang sarili?

Tumayo ako at naglakad ng kay bagal, para akong isang pulubi na walang paroroonan. Naramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin. Narinig ko ang marahang paghampas ng alon sa dagat. Iginala ko ang tingin at nakita na naroon ako sa taas ng isang burol at sa gilid ay ang malawak na karagatan na hindi ko man lang napansin noong papunta kami rito.

Naglakad lang ako ng naglakad. Papalapit nang papalapit. Ang paghampas ng hangin ay palakas nang palakas... sa aking balat, napayakap ako sa sarili.

Ano bang meron sa dagat na kahit sa isla ay hindi ko inabalang lapitan? Ano bang meron sa dagat na kahit sa panaginip ko ay sinusundan ako nito? Nalulunod, naghihikahos, nagmamakaawa... umiiyak. Sa ilalim ng dagat marahil naroon ang sagot.

Naramdaman ko ang magaspang na buhangin sa aking paa. May matalim na bato ang nakasugat sa akin ngunit wala akong pakialam.

Papalapit nang papalapit... naramdaman ko ang malamig na paghampas ng alon sa aking paa—ang hapdi, ang sakit. Bahagya pa akong nanginig sa lamig. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala akong pakialam.

Ang luha sa aking mga mata ay kanina pa natuyo. Ayoko nang umiyak. Ayoko nang maging biktima. Gusto ko nang makuha ang sagot sa mga tanong sa aking isipan. At sa dagat kasabay ng papasikat pa lang na araw, para akong tinatawag, hinihikayat. Ang hangin ay bumubulong sa aking tenga, nangangako ng mga kasagutan, nanunukso na gawin ko ang matagal ko na sanang ginawa noon pa man.

Ang harapin ang bangungot na pilit kong kinakalimutan.

Naglakad ako, papalapit nang papalapit. Ang tubig dagat ay umabot na sa aking tuhod, pataas sa aking bewang hanggang sa aking dibdib.

Nakita ko ang isang malaking rumaragasang pag-alon ngunit tinitigan ko lamang ito, nakikipagdwelo ng tingin, nanghahamon. Gusto kong manukso sa demonyo na pilit kumakain sa akin sa bawat taon na pinapatagal ko pa ang lahat.

Hindi na ako tatakas. Haharapin ko na siya.

Sa paghampas ng malamig na agos sa akin ay itinangay ako nito na parang isang dahon sa hangin, sumasabay, lumulubog, hinihila paibaba kung saan ako nararapat.

Naramdaman ko ang pag-alpas ng aking mga kamay sa taas, pilit na umaahon, pilit na nilalabanan ang pag-agos. Ngunit hindi nagtagal ay napagod din ako. Hinayaan ko ang sarili na lumubog. Niyakap ko ang sarili. Pinagmasdan ko pa ang papasikat na araw bago tuluyang ipinikit ang mga mata.

Binuksan ko ang isip. Binuksan ko ang sarili. Binuksan ko ang lahat sa akin ng walang hinaharang na kahit ano upang ipagtanggol ang sarili. At parang isang pag-alon, rumaragasa sa aking isipan ng kay bilis, kay rami, kay lakas—at sa pagkakataong ito ay hindi ko na pinigilan pa.

Naaalala ko si Jace. Ang mukha niya sa tuwing naiinis, galit, seryoso, masaya, makulit at mapang-asar. Naaalala ko noong unang beses ko siyang makita sa band room noong High School. Kung paano niya ako inirapan, kung paano niya ako sinungitan at kung paano niya ako ilang beses na sinaktan sa mga matatalim niyang salita. Naaalala ko noong nakilala ko siya ng tuluyan. Noong minahal ko siya at noong minahal niya ako ng walang kapantay. Naaalala ko kung paaano siya lumuhod sa aking harapan, maraming tao sa paligid, may tumutulong luha sa aking mga mata dahil sa saya. Naaalala ko ang pagsabog, ang pagsugod, ang mga labanan na nahudyat ng pagtatapos ng lahat. Naaalala ko kung paano ako binaril, kung paano ako bumagsak, kung paano ako nilamon ng dagat, kung paano ko naramdaman ang malamig na pag-agos ng alon na humihila sa akin pababa. Naaalala ko kung paano siya tumalon, kung paano niya pilit na inabot ang aking mga kamay. Naalala ko ang lungkot sa kanyang mga mata, ang sakit noong hindi niya ako nakita matapos ang isang malakas na pag-agos na naghiwalay sa aming dalawa ng tuluyan.

Naalala ko kung paano ako malunod. Kung paano ako kinapos ng hininga.

Naaalala ko ang dugo. Naaalala ko ang sakit.

Naalala ko ang sigaw. Naaalala ko ang tawanan.

Naaalala ko ang isang ngiti, na naging dalawa, tatlo, apat.

Naaalala ko ang pagmamakaawa.

Naaalala ko ang dahas.

Naaalala ko lahat ng ginawa nila sa akin.

Naaalala ko ang paulit-ulit kong sigaw sa isang pangalan.

"Jace!" Pero walang dumating na tulong para sa akin.

Naaalala ko ang tawanan. Naaalala ko ang dugo.

Naaalala ko ang katahimikan.

Naaalala ko kung paano ko sila pinatay. Sa mga nanginginig na mga kamay, nabitawan ko ang duguang patalim. Napahawak ako sa aking mata pababa sa aking pisngi. Naaalala ko ang repleksyon ko sa may kutsilyo. Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili, bakit kailangang humantong ang lahat sa ganito? Bakit kailangan nila akong saktan? Ano bang nagawa ko?

Niyakap ko ang sarili. Lumuluha ang aking mga mata. Ang punit-punit kong damit ay hindi ko na inabalang ayusin. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Ang dumi-dumi ko. Gusto ko na lang lamunin ng lupa. Gusto ko na lamang maglaho.

Marami pang mga alaala ngunit pinigilan ko na ang sarili. Pinipigilan. Siguro nga iyon ang ginagawa ko sa sarili. Sinasara ko na ang tarangkahan sa aking isipan upang wala nang alaala sa nakaraan ang makakapanakit pa sa akin.

Muling sumagi sa isipan ko ang nag-iisang taong naaalala ko mula sa nakaraan. Ang mga tanong niya sa akin, ang pagtataka at kyuryosidad sa kanyang mga mata...

"Sa may kanan mong pulsuhan, hindi ba't may g-clef tattoo ka roon?"

"Celestine Gonzalez... iyon ba ang tunay mong pangalan?"

"Sino sa pamilya mo ang kamukha mo?"

"You are Serene Lopez."

Ikinuyom ko ang aking mga kamay.

"Hindi. Ako si Celestine Gonzalez." Bulong ko pa sa sarili dahil kapag ako si Celestine, ligtas ako. Magulo ang buhay ni Serene, pero si Celestine, sa isla ay tahimik at payak ang buhay niya. Bahala nang maging bulag. Ayoko na ulit masaktan.

***

Jace.

Kagabi pa lang ay hindi na ako makatulog. Nasabi ko na ang totoo sa kanya, gusto ko pa sanang patagalin ngunit pagdating talaga sa kanya ay nawawalan ako ng kontrol sa sarili. Hindi ko pinagsisihan ang kahit ano sa pag-amin ko. Ayokong nagsisinungaling sa kanya. Nangako kami sa isa't isa noon na palagi kaming magiging totoo kapag tinanong na kami ng diretso. She asked me so I answered with so much honesty, I miss my old self.

Noong may narinig akong marahang pagsara ng pinto sa kabilang kwarto ay napabangon ako. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Nakita ko si Serene na pumupuslit palabas ng gate.

Mula sa malayo ay tahimik ko lamang siyang sinundan. Sa mga puno ay doon ang naging taguan ko. Tumakbo siya ng tumakbo kaya nakisabay ako sa kanya ngunit agad ding hihinto at magtatago kapag pakiramdam ko ay lilingon na siya sa akin.

Nakita ko ang pagluhod niya sa gitna ng daan at kulang na lang ay pigilan ko ang sarili na huwag lumapit lalo noong narinig ko ang pag-iyak niya na puno ng sakit, ang puso ko ay nadudurog kasama niya.

Bakit? Bakit siya umiiyak?

Naglakad siya patungo sa tabing dagat. Sinundan ko siya. Nakita ko kung paano siya naglakad patungo sa rumaragasang pag-alon. Nakita ko ang tulala niyang mga mata na tila ba nanghahamon sa karagatan na lamunin na siya ngayon.

Nagsimula akong kabahan noong umabot na sa kanyang dibdib ang tubig. Lalo na noong inagos siya ng isang napakalakas ng pag-alon at tuluyang nawala sa aking paningin.

Anong ginagawa niya? Hindi siya marunong lumangoy!

Ang lakad ko ay nauwi sa isang napakabilis na pagtakbo. Tumalon ako, sumisid, nilangoy ang dagat at hinanap siya. Ang lakas ng pagkabog sa aking dibdib, wala akong ibang naririnig kundi ito at ang daan-daang posibilidad na maaaring mangyari—puro negatibo ngunit iwinaglit ko ito sa aking isipan na parang mga itim na ulap na mabilis kong itinaboy bago pa tuluyang maging bagyo.

Nagbabalik ang nakaraan, kung saan siya nahulog sa dagat at nailayo sa akin. Isang bangungot sa nakaraan kung saan wala akong nagawa.

Hindi. Hindi ko na ulit ito hahayaan na mangyari.

Nakita ko siya sa ilalim, nakapikit na tila ba tanggap na niya ang kapalaran na para sa kanya. Ang buhok niya ay sumasabay sa pag-alon. Ni wala nang bula ang lumalabas sa kanyang mga labi. Ayaw na niyang huminga. Na tila ba ayaw na niyang lumaban pa.

Siguro nga madamot ako. Pero ayoko siyang mawala sa akin. Kung ayaw na niyang lumaban, ako ang lalaban para sa kanya.

Papalubog nang papalubog... sa malakas na pag-agos at pag-alon ay pilit ko itong nilabanan at sumisid pa ng mas malalim. Nahawakan ko ang kamay niya at hinila siya pataas. Natanggal na ang maskara sa kanyang mukha at nakita ko ang mahabang pilat doon mula sa kanang mata pababa sa kanyang pisngi na pilit niyang itinatago magmula noong magkita kami.

Nakaramdam ako ng kung anong galit sa dibdib noong makita iyon. Saan niya nakuha iyon? Sino ang may gawa sa kanya nito? Ngunit binura ko muna ang mga katanungang ito sa aking isipan at inahon kami pareho bago siya binuhat sa lupa at binigyan ng paunang lunas.

Noong narinig ko siyang umubo na may kasamang pagsingap ay hindi ko maitago ang tuwa sa aking dibdib.

Dahan-dahan kong pinasadahan ang pilat niya sa mukha at habang pinagmamasdan ko siya ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Wala naman akong pakialam kahit ano pa ang maging itsura niya. Wala akong pakialam kung ano siya na ibabalik sa akin. Basta sinabi ko sa Diyos na bumalik lang siya, tatanggapin ko siya ng buong-buo.

Nakapikit man ang mga mata ay nakita ko siyang lumuha. Pinunasan ko ito gamit aking daliri. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Nangangako sa mga oras na iyon na kahit pa anong gawin niya ay hinding-hindi ko siya iiwan.

***

"Ano ba talagang nangyari ha? Bakit kayo basang-basa na dumating dito kanina?' Tanong sa akin ni Niel magmula pa kanina. Hindi ko siya masagot-sagot dahil kanina pa ako aligaga. Magmula noong makabalik kami rito ni Serene sa Black Savage Headquarters ay bigla na lamang siyang nilagnat. Mabuti na lang at may isa kaming gangmate na babae. Siya ang nagbihis kay Serene kanina habang wala pa siyang malay.

"Sinabi ko naman sa'yo, noong lumabas siya kanina sinundan ko siya. Dumiretso siya sa may dagat, ewan ko kung bakit. Naglakad lang siya patungo roon kaya hinabol ko siya agad bago pa siya malunod ng tuluyan."

"'Yung peklat sa mukha niya..."

Natigilan ako saglit sa pagpipiga ng bimpo at napakuyom. "Kung sino man ang may gawa sa kanya nito ay hindi ko mapapatawad."

"Alam mo noong una kong nakausap si Serene may sinabi siya eh,"

"Ano?"

"Para kasing ano eh. Naisip ko lang, hindi kaya may nangyari sa kanya sa nakaraan kaya siya na-trauma? Bukod pa 'yung pagkakalaglag niya sa dagat, iba pa 'yun. May nangyari ba sa kanya kaya sa halos limang taon ay hindi niya tayo naalala?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi kaya..." Ngunit mabilis na umiling si Niel sa sarili na tila ba ayaw niyang ituloy ang sasabihin. Itatanong ko pa sana kung ano iyon ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cello na puno ng pag-aalala sa kanyang mukha.

"Nasaan si Celestine?" That authoritive voice... no wonder Serene always compares him to me because for some reason, he almost sound just like me. Binigyan ko siya ng tingin.

Noong makita niya si Serene na nakahiga sa kama at namumutla, nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay.

"Anong ginawa mo sa kanya, ha? Sinasabi ko sa'yo kapag may nangyaring masama sa kanya hinding-hindi kita mapapatawad!"

"Whoa there, kalma lang tayo. Kalma." Awat ni Niel sa amin noong kukwelyuhan na sana ako ni Cello. Mabuti na lang at ginawa iyon ni Niel dahil alam niya ang ugali ko. Sa oras na ako ang hinamon, hindi-hindi ko siya aatrasan.

Bago pa ako may magawa ay inilihis ko ang tingin pabalik kay Serene na mahimbing pa rin na natutulog. Idinampi-dampi ko sa kanyang pisngi at noo ang bimpo.

"Kung wala kang sasabihin na maayos. Umalis ka na. Hindi namin kailangan ng maingay rito. Kailangan nang magpahinga ni Serene."

"Serene? Ano bang pinagsasabi n'yo? Siya si Celestine."

"Magmamaang-maangan ka pa?" iniangat ko ang tingin sa kanya na puno ng dilim. "Matagal na kitang pinagbibigyan pero tama na. Alam ko na alam mo na hindi siya si Celestine. Hindi siya ang kakambal mo dahil siya si Serene at isa siyang Lopez."

"Isa siyang Lopez? Kung ganu'n..."

Hindi ko na napigilan ang sarili, tumayo ako at saka siya inundayan ng suntok na nagpabagsak sa kanya sa sahig.

"Jace! Ano bang ginagawa mo?" Galit na sita sa akin ni Niel. "Alam mo namang may sakit si Serene at kailangan niyang magpahinga, respeto naman o! Kung gusto n'yong mag-away, doon kayo sa labas!"

Hindi ko pinakinggan si Niel. Kwinelyuhan ko si Cello na nasa baba. "Huwag mo akong ginagago. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin."

"Wala akong alam." Pagmamatigas pa niya. "Oo alam ko na hindi siya si Celestine. Pero 'yun lang ang alam ko. Hindi ko alam na isa siyang Lopez lalong-lalo nang hindi ko alam na Serene ang tunay niyang pangalan."

"Sinungaling!" Aambangan ko sana siya ng isang panibagong suntok ngunit napigilan niya ang kamao ko.

"Totoo ang sinasabi ko. Wala akong alam. Sinusunod ko lang ang sinasabi ng mga magulang ko at iyon ay walang iba kundi alagaan si Celestine at huwag siyang pababayaan."

Itinulak ko siya palayo sa akin. Gusto ko siyang saktan ngunit alam ko na nagsasabi siya ng totoo.

Binuksan ni Niel ang pintuan, kapansin-pansin sa kanya na tulad ko ay may dilim na sa kanyang mga mata.

"Lumabas kayo at mag-uusap tayong tatlo."

Sa loob ng opisina ko sa headquarter kami nagtungo. Isinara ko ang pintuan, kaming tatlo na lamang ang nasa loob.

"Sabihin mo sa amin ang totoo. Ano nga ba ang nangyari limang taon na ang nakakalipas? Bakit nagkagano'n ang kapatid ko? Anong ginawa n'yo sa kanya?" Tanong ni Niel kay Cello. Hindi maitago ni Cello ang gulat sa kanyang mga mata.

"Kapatid mo siya?"

"Oo." Tiim-baga niyang sagot. "At inaagaw mo sa akin ang lahat ng pagkakataon na makasama siya. Alam mo ba kung gaano kasakit na makita na ang dati mong kapatid na mahal na mahal ka ay dinadaan-daanan ka lang sa tabi na akala mo wala ka lang sa kanya?"

"Hindi ko alam."

"Putangina na salita na 'yan. Ulitin mo pa ulit at ako mismo ang bubura ng pagmumukha mo. Imposibleng wala kang alam sa nangyayari ngayon."

"Sinabi ko na sa inyo ang totoo, bakit ba ayaw n'yong makinig sa akin? Dumating si Celes—si Serene limang taon na ang nakalipas sa isla, dala siya ni Grandmaster Geronimo sa amin matapos ang ilang buwan niyang paglalakbay kung saan man. Sabi niya palaboy-laboy lang daw siya sa kabilang isla kasama ng mga bata sa daan na walang permanenteng lugar na matatawag nilang tahanan. Naaalala ko noon na ang dungis-dungis niya, tulala at hindi namin makausap ng maayos. Sina inay at itay ang nag-asikaso sa kanya. Wala naman siyang maibigay na pangalan sa amin o kung saan siya nakatira kaya kinupkop na lang namin siya at pinakilala sa lahat na siya ang nawawala kong kapatid na si Celestine para hindi magtaka ang mga tao sa isla. Alam n'yo kasi, hindi kami gano'n ka-welcoming pagdating sa mga dayo. Masyadong secluded ang mga Gonzalez. Ayaw namin ng hindi pamilyar na mukha dahil pakiramdam namin nasa peligro ang buhay namin sa mga naghahanap sa amin tulad na lang ni The Highest."

Nakita namin ang lungkot sa mga mata niya matapos sabihin ang tunay na nawawalang kakambal.

"Si Grandmaster Geronimo... sino siya?" mataman kong tanong sa kanya.

"Isa siya sa pinakamagaling at pinakamatandang Gonzalez pagdating sa arnis bukod sa Tatang namin. Isa siyang mabuting tao at kailanman ay hindi nanakit ng sino man pwera na lang kung wala na siyang ibang pagpipilian upang ipagtanggol ang sarili."

"'Yung pilat sa mukha niya, saan niya nakuha iyon?"

Umiling siya sa akin. "Hindi namin alam. Basta noong dumating siya, may sugat na siya sa mukha. Buwan din ang lumipas bago namin siya nakausap ng maayos pero wala siyang maaalala. Wala kahit ano. Kaya minabuti na lang namin na kupkupin siya."

"Hindi n'yo man lang ba siya inereport sa mga pulis? Halos mabaliw kami rito sa paghahanap sa kanya sa halos limang taon! Hindi n'yo man lang naisip na may nag-aalala sa kalagayan niya? Kung ayos lang ba siya? Kung buhay pa ba siya?"

"Hindi ko alam!" galit na bulyaw sa akin ni Cello na katulad ng akin. At sa pagkakataong ito, si Niel na mismo ang sumuntok sa kanya ng napakalakas na siyang ikinabagsak niya sa baba.

Nakikita ko sa mukha ni Cello na gusto niyang lumaban pero matalino siya dahil alam niya na sa oras na lumaban siya, siya ang dehado. Nasa teritoryo namin siya.

"Sina inay at itay ang nag-asikaso ng lahat. Ewan ko kung anong nakita nila kay Serene pero magmula noong makita nila ang mga tattoo niya sa katawan, hindi na nila pinakawalan. Ngayon lang din nagsi-sink sa akin ang lahat. Kung isa nga siyang Lopez marahil iyon nga talaga ang dahilan. Alam nila pero wala silang sinabi sa akin."

"Hindi ka man lang nagtanong?"

"Dahil masaya na ako sa buhay na meron kami!" Giit niya pa. "Magmula noong mawala ang tunay na Celestine, palagi na lang malungkot ang mga magulang ko lalong-lalo na si inay. Pero magmula noong dumating si Serene sa buhay namin, nagbago ang lahat. Nagkaroon ng saya sa bahay na matagal nang nawala sa amin. Nakita ko na ulit ngumiti ang inay ko. Hindi na siya umiiyak tulad noon."

"At sa tingin n'yo ang pagsisinungaling ang sagot sa lahat ng ito?" Nanggagalaiti ko siyang dinuro. Ang galit sa aking dibdib ay hindi ko na maitago. "Paano kami? Paano kaming pamilya niya na naiwan dito? Sa kabila ng kasiyahan n'yo, bakit kami ang kailangang magdusa?"

At doon sa unang pagkakataon ay wala siyang naisagot.

"Puro kayo takot. Puro kayo tago. Tapos magtataka kayo kung bakit miserable ang buhay n'yo? Putangina. Gusto n'yo 'yung madali. Ayaw n'yong maghirap. Kaya kung anong meron dyan, kinukuha n'yo na lang kahit alam n'yong hindi inyo. Hindi n'yo man lang ba naisip na hanapin ang tunay na Celestine? Paano kung buhay pa siya? Paano kung sa bawat taon ay hinahanap-hanap niya rin kayo? Hindi n'yo man lang ba naisip 'yun?"

"Huwag mo akong pangaralan pagdating sa kapatid ko. Kung alam mo lang kung ano ang ginawa at pinagdaanan ng pamilya ko mahanap lang siya, lahat ng paraan ginawa na namin pero walang nangyari. Lahat binayaran ng mga magulang ko, isinugal ang lahat ng meron kami hanggang sa walang natira sa amin. Akala n'yo ba kayo lang ang nagtitiis? Naghahanap sa isang tao na walang kasiguraduhan kung buhay pa ba? Mabuti nga sa inyo limang taon lang, kami halos labindalawang taon nang naghahanap sa kanya!"

Nanginginig niya rin akong dinuro pabalik, ang luha sa kanyang mga mata ay nagbabadya nang tumulo. Hanggang sa hindi niya napigilan, tumulo ito sa kanyang pisngi ngunit ang galit at lungkot sa mga mata niya ay naroon pa rin.

Marahan niyang sinuntok ang dibdib. "Alam ko na alam mo ang pakiramdam dahil may kakambal ka rin. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang dito sa sarili ay ang espesyal na koneksyon na meron ako sa kapatid ko—na tanging sa kambal lang ang mayroon. Alam kong buhay pa siya. Nararamdaman ko na buhay pa siya. Parang isang paghimig, isang invicible string na nakatali sa akin patungo sa kanya. Ramdam ko na hindi pa rin ito nababali. Kung sina inay at itay gusto nang sumuko, ako hindi. Hinding-hindi ako susuko. Magkikita kami ulit. Naniniwala ako roon."

Tumingin sa akin si Niel na binigyan ako ng makahulugang tingin. Alam namin kung anong pakiramdam niya. Yung umaasa ka ng walang kasiguraduhan na tila ba bulag na nangangapa sa dilim. Pag-asa, iyon na lang ang kinakapitan mo at wala nang iba. Nakakabaliw ang mabuhay sa gano'n.

Pinakalma ko ang sarili.

"Buhay pa ang tunay na Celestine." Sabi ko kay Cello na ikinagulat niya.

"Anong ibig mong sabihin?" pigil hininga niyang tanong.

"Alam namin kung nasaan siya." Si Niel na ang nagsasalita ngayon. "Sa katunayan, kilalang-kilala namin siya dahil kaklase na namin siya magmula pa noong High School."

May kung anong saya ang namutawi sa mga mata niya, nakakita ako ng pag-asa rito ngunit agad din niyang itinago at naging seryoso ang tinig.

"Paano ako makasisiguro na nagsasabi kayo ng totoo? Anong ebidensya n'yo?"

Natawa ng konti si Niel sabay iling. "Hindi naman mapagkakaila dahil iisa lang kayo ng mukha. Parang kayong pinagbiyak na bunga."

"Noong una ka pa lang naming nakita, alam na namin." Dagdag ko pa.

Kwinelyuhan niya ako na may nanlalaking mga mata. "Sabihin mo. Nasaan siya?"

"Sa isang kundisyon."

"Ano?" tiim-baga niyang tanong.

"Bumalik ka sa isla n'yo kailan mo man gustuhin. But Serene will stay here with us, right where she truly belong."

///

Jade's Corner:

Sino nga ba ang tunay na Celestine? Malalaman nyo yan sa mga susunod na updates :) 

Sa mga nag-sign-up para mag-order ng LTMS Book, tuloy tayo sa team HARD BOUND! WOOOH!! Stay in tune with your emails or fb messenger. I will email/msg you the details on how, who and where to send the payment. :)

Sa mga gusto pang mag-order, don't worry you still have until DECEMBER 30, 2016 to sign-up and pay. But you need to be quick, dahil sa dami ng gustong mag-order, konti na lang at mafi-fill ko na ang target number of copies ko. I never really expect it, this overwhelming support. The fact I am not that big but the number of the orders are really rather unexpected. Thank you sa inyong lahat Listeners!

I only have 25 SPOTS LEFT before I close the ordering form. And its only November!

Sa mga hahabol. Bilisan nyo na dahil marami kayong kaagaw sa slot. lol.

May the odds be able in your favor :)

OLE!

-wistfulpromise

P.S. Hindi ko pa napopost yung official book cover dahil may pinaayos pa ako. As soon as I got it, ipopost ko siya agad para makita nyo. 

P.P.S. Check the ordering form on my Wattpad profile or you could also visit us on Listener's Offcial group in FB. If you have questions, PM me. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.6M 63K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...