Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 29 - King and Queen

8.5K 300 221
By wistfulpromise

Chapter 29

King and Queen

Celestine

"Anong ibig mong sabihing sinusugod na tayo? Nakapasok na ba sila sa loob?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ni Niel sa taong pumasok.

"Nakapasok na sila sa teritoryo natin pero hindi rito sa main headquarter. Pero kahit pa gano'n, nagpa-panic na ang ilan sa mga miyembro natin. Ano raw ang dapat gawin? Paano raw kung pasabugin din tayo? Paano kung tuluyan nilang mahanap ang headquarters natin?"

"That will be impossible because we will not let them."

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, dapat kasi talaga tinapos na natin ang mga siraulo na 'yun matagal na," asar na komento ni Nathan sa may tabi. "Nagiging sakit na sila ng ulo. Hindi na sila nakakatuwa."

"What is happening with the mission Raven?" tanong ni Paul sa kanya.

Umiling siya bilang sagot. "Negative."

Nagkaroon ng ilang pagsabog sa paligid. Nagsimula nang magbigay ng utos sina Niel at Raven sa mga tao na naroon. Gayunman, higit na napapansin kong pinakasinusunod nila ay si Raven.

"Niel kailangan ka na rin sa harap kaya kailangan mo nang pumunta roon."

"Will do." Tango niya.

"Nathan send me all of the information you can get from their main source. Ipitin mo sila kung kinakailangan. Enough with this bullshit of a game."

Ngumisi si Nathan. "Hay natauhan ka rin. Ang tagal ko nang hinihintay na sabihin mo 'yan eh."

Wala pang ilang sandali ay naglaho na ang mga tao sa harap namin. Kaming apat nalang nina Paul, Cello at Raven ang naiwan.

"Habang nandito pa kami anong maitutulong namin?" tanong ni Cello sa kanya mayamaya.

"Help Paul." Seryoso niyang sagot bago dumiretso sa pinto at muli itong binuksan. "Celestine, sumunod ka sa akin."

"Bakit--" hinila niya ang braso ko bago pa makapagsalita si Cello na tinawag ni Paul.

"Saan tayo pupunta? Teka sandali nga, sandali! Bakit ka ba nagmamadali Raven?" Pilit kong binabawi ang braso ngunit ayaw niyang bitawan. Huminto kami sa harap ng isang kotse noong makalabas kami sa isang panibagong lagusan. Binuksan niya ang pinto para sa akin.

"Sakay."

"Hindi ko iiwan si Cello." Tatakbo na sana ako palayo noong nahawakan niya ako sa may bewang at sapilitang ipinasok sa loob. Nahampas-hampas ko na siya ngunit tila wala siyang pakialam. Isinuot niya ang seatbelt sa akin at noong marinig ang pag-click nito, pumasok na rin siya sa loob ng driver's seat.

Galit akong humalukipkip. "Pwede ba kahit isang tanong ko man lang sagutin mo? Saan tayo pupunta?"

"Some safe place."

"Paano si Cello--"

"For once, can you stop talking about him?" He irritatingly snapped.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko."

May biglang bumangga sa kotse na sinasakyan namin kaya halos mapatilapon ako at napahawak kay Raven. Mabuti na lang naka-seatbelt ako. Narinig ko si Raven na tahimik na napamura bago kumambyo at mabilis na iniliko ang sasakyan.

"Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Oo. Ikaw?"

Tumingin siya sa akin saglit, mukhang hindi nakapaniwala na itatanong ko yun. "I'm okay."

May mga kotse na humahabol, nakikisabay sa mabilis naming pagharurot.

"Paano sina Niel, Paul at iba pa roon?"

"Alam na nila kung ano ang gagawin nila. Ang importante ikaw."

Tumunog ang cellphone ni Raven, may isinuot siyang isang maliit na device sa kanyang tenga upang sagutin ito.

"Niel. Oo, kasama ko siya. Ipapadala ko sina Aiden dyan kasama ng iba. Alam mo na kung saan mo kami mahahanap. Diretso na kami sa Headquarter."

"Saang Headquarter? Ano ba talagang nangyayari?" tanong ko sa kanya pagkaalis na pagkaalis niya ng maliit na device sa kanyang tenga. Ang tingin niya ay nasa harap lamang, alisto at seryoso.

Mayroong isang panibagong kotse ang bumangga sa amin. Noong tumingin ako sa rearview at side mirror ay may nakita akong dalawang kotseng sumusunod sa amin. Isang kulay pula at isang kulay berde.

Binabangga nila kami ng binabangga hanggang sa halos napunta na ang kotse namin sa kabilang linya ng daan. Hindi nagsasalita si Raven ngunit kapansin-pansin paghigpit ng kanyang mga kamay sa manibela.

"Kumapit ka." Sabi pa niya sa akin, ginawa ko naman. Ang aura niya ay padilim nang padilim. Mayamaya pa ay muli niyang hinawakan ang kambyo ng sasakyan, inapakan ang gas pedal ng napakadiin bago mabilis na pinaikot ang manibela pakanan upang banggain ng napakalakas ang pulang kotse. Halos mayuga hindi lang katawan ko kundi pati na rin kaluluwa dahil sa lakas ng impact na ginawa niya. Nakita ko na lang sa labas ng bintana kung paano nawalan ng preno ang pulang sasakyan na malakas na bumangga sa isang poste.

Rumaragasa ng napakabilis ang sasakyan namin sa daan. Napakaraming kotse sa harap ngunit lahat lamang iyon ay nalalagpasan ni Raven ng walang kahirap-hirap. Hapon na at nagsisimula na ring dumilim. Mayroong mga wangwang ng pulis mobil kaming narinig kaya bukod sa naiwang berdeng kotse ay hinahabol na rin kami ng mga pulis dahil sa over speeding.

Hindi ko alam pero imbes na makaramdam ng takot at kaba ay nakaramdam pa ako ng excitement. Lalo na noong nagsimulang makipaghitgitan ang berdeng kotse sa likod, kulang na lang ay i-cheer ko si Raven upang bilisan pa niya.

Ang galing lang niyang magpatakbo. Smooth and fast, his reflex was just really awesome.

Ang dami naming pinasukan na malilit na eskinita upang maitakas at mailigaw ang mga kotse na humahabol sa amin. Ngunit makulit ang kulay berdeng kotse dahil hindi kami tinatantanan.

Mas lalo pang binilisan ni Raven ang pagpapatakbo. Pinagmasdan ko ang paghigpit ng kanyang mga kamay sa manibela. I watched how the muscles on his arms tighten and how he clenched his teeth with such ferocity, he looked like an alpha ready to kill.

Umabot kami sa isang bakanteng lote. Nailigaw na namin ang mga pulis ngunit ang berdeng kotse ay nanatiling nakasunod. Tuloy-tuloy lamang si Raven sa pagmamaneho ng mabilis na tila ba nanunukso sa humahabol sa aming kotse. Noong dead end na sa dulo ng lugar, mabilis na pinaikot ni Raven ang manibela pabalik at saka malakas na binunggo ang berdeng kotse. He never stop driving until he started drifting the car so fast around the other car, I almost lost my breath. Nakita ko ang pag-usok ng gulong namin pati na rin ang alikabok na tila ba pinapalibutan kami sa isang hiwaga ng misteryo-- mayroong pakiramdam na tila ba nasa ibang mundo ako.

Umatras siya ng konti bago muling inapakan ang gas pedal paabante. Mayamaya ay nakita ko na lamang ang malakas na pagbangga namin na halos nagpalipad at nagpasalpok sa berdeng kotse diretso roon sa isang malaking pader.

Nakita ko kung paano umusok ang nakabaliktad na berdeng kotse. Kami na lang ni Raven ang nanatiling umaandar.

Sumandal ako sa aking upuan na may may malalim na paghinga, hindi ko namalayan na kanina ko pa hinihigit ang paghinga sa sobrang pagkamangha sa mga nangyari kanina. Dinaig ko pa ang sumakay sa roller coaster. 'Yung kaba at adrenaline rush sa kung ano ang maaaring mangyayari. Madidisrasya ba kami? Makakaligtas? Pero halata naman kay Raven na alam niya ang ginagawa niya.

"Wow." I whispered under my breath. Tumingin ako sa kanya na may puno ng pagkamangha ngunit inihinto na niya ang kotse at saka lumabas.

"'Wag kang lumabas." Utos niya sa tono na nakapagpatulala sa akin. His tone was deadly but I knew it was not directed at me. Gayunman, ang dilim sa mga mata niya ay nakakahindik balahibong pagmasdan.

May kinuha siya sa kanyang bewang habang nagdire-diretso sa paglalakad patungo roon sa berdeng kotse na halos wasak ang harapan dahil sa lakas ng pagkabangga sa pader.

Gusto kong malaman kung anong gagawin niya kaya mabilis akong lumabas ng kotse upang sundan siya. Huminto siya roon sa harap ng berdeng kotse na umuusok, may isang lalaki na may dalang baril ang gumapang palabas mula roon. Duguan ang ulo nito, ang mga kasama niya sa loob ay parang mga laruan na nakahandusay sa loob.

Iniangat ng lalaki ang ulo nito. "G-Gangster King... i-ikaw nga."

Itinaas ni Raven ang kamay na may hawak ng baril at walang kakurap-kurap niyang pinaputok ito diretso roon sa ulo ng lalaki.

Sa sobrang lakas ng pagputok ay halos mapasingap ako sa gulat. Napaatras ako roon sa kinatatayuan ko at saka napahawak sa dibdib dahil hindi ko akalaing gagawin niya 'yon.

May ilang beses pang pinaputok ni Raven ang baril hindi lang sa lalaking nakahandusay na sa baba kundi pati na rin sa iba pang naroon sa loob ng kotse. Walang emosyon ang mga mata niya na tila ba ang kumitil ng buhay ay wala lang sa kanya. Sa bawat pagputok ng baril ay halatang naniniguro siya na wala nang makakaligtas, wala nang humihinga, wala nang matitira.

Wala sa sariling humakbang ang aking mga paa papunta sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang braso na nakataas pa rin sa mga kawawang biktima. Sobrang diin nito na tila ba nanggigigil.

"Tama na." Pakiusap ko sa kanya. "Raven tama na."

"Nilagay nila ang buhay natin sa panganib. Tama lang sa kanila 'yan. Tama lang na mamatay silang lahat."

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya na may hawak ng baril, pilit siyang pinapakalma.

"Wala na sila. Wala nang humahabol sa atin. Ligtas na tayo kaya tama na."

Ewan ko ba kung bakit nagsasalita ako ng napakahinahon-- isang bagay na hindi ko naman madalas na ginagawa. I should be hysteric right now, seeing how he killed those people with no remorse in his eyes. Dapat akong matakot sa kanya. Dapat ko na siyang layuan ngayon habang may pag-asa pa akong tumakbo. Subalit bakit ang mga paa ko ay nanatiling nakatanim sa aking kinatatayuan na tila ba ayaw nitong gumalaw palayo sa kanya? Bakit bumibilis ang pagtibok ng aking dibdib kapag malapit ako sa kanya? Bakit sa bawat pagdikit ng balat namin ay tila ba kuryente sa akin?

Bakit? Bakit ba ganito? Sino ba talaga siya sa akin para magkaganito ako?

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kanyang baril kaya kinuha ko na itong pagkakataon upang kunin sa kanya ito palayo bago pa siya may ibang gawin na mas lalala rito.

May dumating na mga panibagong kotse ngunit napansin ko si Aziel na isa roon kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong kakampi namin sila.

"Raven halika na," tawag ko sa kanya. Noong hindi siya gumalaw ay hinawakan ko na ang kamay niya at saka siya hinila pabalik sa loob ng kotse.

Noong makita kami ni Aziel ay tila ba alam na niya kung ano ang gagawin. Tumango siya sa ibang mga kasama sa likod, sila na ang maglilinis sa kalat na ito.

Pagkapasok namin sa kotse ay nakatingin lamang ako roon sa labas.

"Tinawag ka nilang Gangster King. Totoo ba 'yun?"

Tumingin siya sa akin, halata sa mga mata niya na pilit niyang minamaskara ang emosyon na nararamdaman niya ngayon.

"Oo."

"Ikaw ang pinaghahanap ng gang doon sa Nefario."

Marahan siyang tumango sa akin na tila ba hinihintay ang magiging reaksyon ko.

"Kung gano'n, hindi Raven ang tunay mong pangalan. Tama ba?"

May gulat man sa kanyang mga mata dahil sa pagkakatagpi-tagpi ko sa mga nalamang impormasyon ay hindi siya nagsinungaling sa akin. Tumango siya.

"Jace." Sambit ko sa pangalan na naalala kong sinabi nina Henrick at Joel sa akin noong naroon pa ako sa Nefario warehouse. Batay sa kanila, ito raw ang tunay na pangalan ng Gangster King na tinutukoy nila.

Nakita ko kung paano niya hinigit ang hininga noong narinig niyang tinawag ko ang kanyang pangalan-- isang reaksyon na mas lalong nagpatibay sa mga haka-haka ko.

"Pwede mo bang ulitin?"

"Ang alin? 'Yung tunay mong pangalan?"

Tumango siya sa aking sobrang bagal, ni hindi siya kumurap na tila ba kapag ginawa niya iyon ay ang mga nakikita at naririnig niya mauwi sa lahat sa isang usok.

"Jace." Biglang pumintig ng napakabilis ang puso ko. Natawa ako sa sarili. I can't believe that by just saying only one name, my heart will beat this loud.

Nakita kong nagdilim ang mga mata niya ngunit sa ibang paraan na tila ba pamilyar na sa akin. His eyes were getting diluted, it was almost black. Kung gaano siya tumingin sa akin ng sobrang intense, parang ang maluwang na kotse na ito ay tila ba sumisikip nang sumisikip para sa aming dalawa.

"Pero bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit noong tinanong ko ang pangalan mo, Raven ang sinabi mo?"

"Nakapasok kayo ni Cello sa Nefario, hindi namin alam kung na kanino ang katapatan n'yo. Nag-iingat lang ako."

"Ang katapatan namin ay nasa angkan lang namin. Wala ng iba." Iniangat ko ang tingin sa kanya. "Alam mo pinaka-ayoko sa lahat ay 'yung sinungaling, 'yung pinaglalaruan ako, 'yung pinagmumukha akong tanga para lang sa pansariling interes. But I will give you the benefit of the doubt, kung bakit ka nagsinungaling sa akin kung sino ka nga ba talaga. Hindi mo ako ganu'n kakilala and vice versa. Why would you even trust someone you just met, 'di ba? Kaya naiintindihan ko kung nagsinungaling ka hindi lang para sa'yo kundi sa kaligtasan ng grupo mo. Kasi sa tingin ko ganu'n din ang gagawin ko kapag ako ang nasa posisyon mo."

Huminto ako saglit. "If you are the Gangster King, where is your queen?"

"I lost her." Malungkot niyang inilayo ang tingin sa akin.

"Kaya ba may lungkot dyan sa mga mata mo?"

Hindi siya sumagot.

"Hanapin mo siya."

"I did."

"Nasaan siya? Bakit hindi mo siya kasama?"

"A king always need to think of others before himself."

"Isn't that's the more reason why a king needs a queen?" He looked at me with silent eyes. "The king is busy thinking of others, forgetting himself. The role of the queen in return is to watch out the king's well-being. To take care of him. To love him when the king himself can't take care of himself."

Natahimik siya, halatang hindi niya inasahang sasabihin ko 'yon.

"She did." Wala sa sarili niyang sagot.

"Did love you?"

"But I don't know if she even love me now." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na gusto kong burahin. Parang may luhang tutulo sa mga mata niya ngunit agad niyang pinigilan at ginawang bato ang nararamdaman. Huminga siya ng malalim at kinolekta ang sarili. Nariyan na naman ang seryoso niyang tinig.

"What will you do, now that you know the truth? Alam na ng NL7 ang tunay kong pangalan. Pinaghahanap na nila ako. Isusuplong mo ba ako?"

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"May alas kang hawak. Any sane person who hates me will use that to bring me down."

"Then thank god I'm insane."

Tumingin siya sa akin. May anong ngiti ang nararamdaman kong dahan-dahang umaalpas sa aking mga labi. Bakit ba napakadaling ngumiti kapag kasama ko siya? Isang bagay na hindi ko naman madalas na ginagawa lalo na noong nasa isla pa ako.

"'Yung gang doon sa Nefario na tinatawag n'yong NL7, ano bang ginawa n'yo sa kanila at galit na galit sila sa inyo? Alam kong alam mo 'yun dahil naroon ka rin. They hate you."

"I have been used to it."

"Are you spying inside that gang that's why you always wore a hoody or a mask kapag naroon ka?"

Wala na ang tingin niya sa akin kundi doon sa harap. Gayunman, nakita ko ang marahan niyang pagtango.

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang pumasok sa isang teritoryo ng kalaban lalo na ikaw ang matagal na nilang hinahanap?"

"Alam ko."

"Kung gano'n bakit ka pa rin pumupunta roon?"

Muli niyang ibinalik sa akin ang tingin na akala mo iyon na ang sagot sa tanong ko sa kanya.

Ako na ang unang naglayo ng tingin. Meron lang talaga sa mga tingin niya na puno ng misteryo, na para bang gusto kong hukayin pa lalo pero pinigilan ko na laman ang sarili. Ayokong ma-attach sa kahit sino rito sa Manila habang nasa misyon kami. Aalis din naman kami agad ni Cello kapag naayos na ang lahat ng ito.

"Anong dapat kong itawag ko sa'yo niyan?" tanong ko sa kanya mayamaya noong sinimulan na niyang paandarin muli ang kotse namin.

"Whatever suits you." Pinaikot na niyang muli ang manibela. Tumingin si Aziel sa amin, tumango siya sa kanya.

"Jace. Iyon na lang itatawag ko sa'yo."

Tumingin ulit siya sa akin, hindi ko mapigilan ang biglaang pamumula ng aking mukha. The way he gazed at me with those silent but intense eyes. Bakit niya ba ako tinitingnan ng ganyan?

Katahimikan ang nanaig sa amin ni Jace habang nagmamaneho siya. Normal na ang takbo ng sasakyan namin ngayon at madilim na rin ang paligid. May tumawag sa kanya kanina at narinig ko na sinabi nila na ayos na raw ang lahat. Na naayos na nila ang gulo. Na wala na raw humahabol sa amin.

"Gutom ka na ba?" Tanong ni Jace na nakapagpabasag ng katahimikan.

Jace.

Alam ko na dapat manibago ako sa pagsasabi ng bagong pangalan na iyon pero bakit parang normal lang itong lumalabas sa aking dila?

"Konti. Pero wala akong dala."

"My treat."

"Ulit? Ayoko. Pakiramdam ko naaabuso na kita."

"Paano?"

"Noong tumira ako sa condo mo ng dalawang araw binigay mo na sa akin lahat. Ayoko ng gano'n. Pakiramdam ko unfair para sa'yo."

"Ako ang nag-offer. You don't need to feel bad."

"Kahit na. 'Yung sapatos talaga, babayaran ko sa'yo 'yun. Hintayin mo lang akong makaipon."

"If you don't want to accept my treat for free, you can just do me a favor."

"Anong favor?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pag-iisipan ko pa."

Bumuntong hininga ako ng malalim. "Alam mo parehas kayo ni Cello eh. Hindi ko alam pero parang nakikita kita sa kanya."

Pansin ko ang pagkunot ng noo niya. "I'm only one and authentic."

Katahimikan ulit ang nanaig sa pagitan namin. Hindi ko man direktang nakikita ngunit ramdam ko na ilan beses niya akong pasimpleng ninanakawan ng tingin. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagtingin sa may bintana. May paisa-isang pagpatak ng ulan sa labas at mayamaya pa ay lumakas na ito ng lumakas. Pinagmasdan ko ang mga lumilinyang tubig sa bintana. Pinasadahan ko ito ng daliri na tila ba sinusundan ko ang hugis na nagagawa nila roon. Sa isang mainit na pagbuga ng hininga ay nakagawa ako ng maliit na hamog sa bintana na kanina ko pa pinagmamasdan. Wala sa sarili kong iginalaw ang hintuturo upang gumuhit ng isang gclef note.

Hindi ako madalas nakakatulog sa byahe kaya naman laking gulat ko noong naramdaman kong may kamay ang marahang yumuyuga sa akin upang gisingin.

"Nandito na tayo."

Napabalikwas ako at mabilis na napaupo ng maayos. Noong una kinabahan pa ako ngunit noong napagtanto na si Jace pala iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.

"It's 8:08 pm."

Napaisip ako saglit. Alas singko noong huli kong nakita ang oras. Tatlong oras akong nakatulog?

Lumabas na siya ng pinto kaya tinanggal ko na rin ang seatbelt ko ngunit ayaw matanggal kahit anong kalag ang gawin ko. Narinig ko ang pagbukas ni Jace ng pinto sa aking tabi. Yumuko siya ng konti upang tulungan ako na magtanggal ito. Napaatras ako ng upo at napahigit ng hininga noong maramdaman na sobrang lapit niya. Lalo na 'yung maamoy ko ang pabango niya, parang pamilyar...

"Ang bango mo naman." Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala ng malakas. Tumingin siya sa aking mga mata. Sobrang lapit niya. Hindi ako makahinga.

Ang marahang pag-click ng seatbelt ko ang tila ba nagpabalik sa akin sa kasalukuyan kaya mabilis akong gumalaw upang nang sa gano'n ay makalabas na ako sa loob ng kotseng iyon.

Tumayo na rin si Jace ng maayos bago marahang isinara ang pinto sa aking likod. He looked so calm and collected. Samantalang ako ay kanina pa namumula ang mukha.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, naghahanap ng distraksyon sa nararamdaman ko ngayon. Huminto ang tingin ko sa isang napalaking gate sa harapan namin. Kasing dilim ng gabi ang kulay nito at kasing taas ng mga matatayog na puno sa paligid ang taas nito. May nakatapat na ilaw sa mismong gilid ng gate kaya malinaw kong nakikita ang black dragon na simbolo at disenyo ng bawat hawakan nito. Hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa ganda ng arkitektura sa labas pa lang ng lugar. Kung dito pa lang ay maganda na, paano pa sa loob?

"Saan ito?" Tumabi ako kay Jace na nagsuot ng itim na shades. Kapag talaga katabi ko siya, pakiramdam ko ang liit-liit ko. Bakit ba kailangang halos magkasing tangkad sila ni Cello?

Bumukas ang malaking gate at sinalubong kami ng mga kasamahan nyang nakapila para sa pagdating namin.

"Black Savage Headquarters." Pumasok siya sa loob at naroon ako sa likod nakasunod sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman dahil halos lahat ng madaanan namin sa tabi ay yumuyuko sa bawat pagdaan namin. Sa dulo ng daan ay may nakatayong isang lalaki na tinawag ni Jace bilang Aiden.

"Welcome." Bati nya na may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Sa akin sya nakatingin pero hindi ko sya pinansin. Masyado kasi akong bilib sa mga nagaganap ngayon upang pansinin ang tingin nya.

"This is the Alvarez-Rodriguez side of a clan." Paliwanag sa akin ni Jace mayamaya habang pumapasok sa isang silid. Kung ako ay bilib na bilib sa mga nangyayari, sa kanya ay parang normal lang ang lahat. Pansin ko na parang wala lang syang pakialam. Siguro ganu'n lang talaga kapag sanay ka na sa ibang bagay. Nawawalan ng halaga dahil alam mong nariyan lang. At sa oras na ito ang nawala, hahanap-hanapin mo na at pagsisisihan kung bakit noong una pa lang ay hindi mo na binigyan ng importansya habang nasa iyo pa. 

"May mga hinanda kaming inumin at pagkain para sa inyo." Pagbibigay alam sa amin ni Aiden habang pinapakita ang isang mesa na puno ng pagkain at inumin. May kinuha si Jace na isang bote sa isang sulok na agad nya namang sinalin sa isang baso. Mabilis nya itong ininom ng isang lagukan bago naglagay ulit sa baso. Inabot nya ang isa sa akin pero umiling ako. Sya na lang ulit tuloy ang uminom. 

"Almost three years ago noong tuluyang nagsanib ang Rodriguez at Alvarez. Two separate gangs, now we are one."

"Paano 'yung dalawang natitira sa Elite?" tanong ko habang hinahaplos ang maliliit na rebulto ng mga anghel sa mesa.

"Valdez and Lopez?"

"Oo."

"Katulad ng Rodriguez at Alvarez ay matagal na silang nagsanib pwersa."

"Kung gano'n, Gonzalez na lang talaga ang kulang?"

"Yes." dahan-dahan na sumimsim si Jace sa iniinom nya. Tinanggal na nya ang suot na shades na sya namang inabot nya kay Aiden na tahimik lamang nakatayo roon sa may gilid. Muli kong nakita ang mga mata nya at hindi ko ito mabasa.

Dumating sina Niel at Nathan kasama si Cello na mabilis akong niyakap. Hindi ko maitago ang tuwa sa mukha ko noong makita siya lalong na at kasama pa niya si Tala na marahang lumilipad-lipad sa tabi.

"Okay ka lang ba, ha?" nag-aalala niyang tanong habang tinitingnan kung may sugat ba akong natamo sa katawan. "Sinabi sa akin ni Niel na hinabol daw ang kotse n'yo kanina. Akala ko may nangyari na sa'yo."

"Okay lang ako Cello. Ano ka ba. Hindi mo naman kailangang mag-alala sa akin."

Hinigit niya ako sa may bewang at humarap kay Jace na may seryosong mga mata. Gayunman, nakita ko ang marahan niyang pagngiti na ngayon ko lang nakitang ipinataw niya sa iba magmula noong umalis kami sa isla.

"Salamat sa pag-aalaga kay Celestine. Hindi ako madalas nagpapasalamat pero salamat pa rin. Kapag talaga may nangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. Lalo na noong maramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking bewang, naramdaman ko na lang bigla ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. May pumasok na alaala sa isipan ko. Isang alaala kung nasaan naroon ang isang lalaki na madalas nagpapakita sa aking isipan. Isang lalaking walang mukha. Gayunman, lahat ng galaw niya, lahat ng tindig at kung paano niya patibukin ang puso ko ng napakabilis ay malinaw na malinaw sa akin.

Ngumiti sa akin si Cello na akala mo ako lang ang tao roon sa loob. "Halika may ipapakita ako sa'yo sa labas. Siguradong matutuwa ka."

Ganu'n na ganu'n din ang pakiramdam ko sa misteryosong lalaking nasa isipan ko.

Tuwang-tuwa na ipinakita sa akin ni Cello ang isang itim na gitara. Noong makita ko ito ay hindi ko maiwasang hindi mahawa sa kanya.

"Wow. Saan mo nakuha 'yan? Ang tagal ko nang hindi nakakita ng gitara!"

"Pinahiram sa akin ni Niel noong nakita ko sa likod ng kotse niya kanina. Sabi ko na nga ba matutuwa ka eh."

Pagkakuha namin no'n ay pumasok din kami ulit sa loob dahil umuulan pa rin sa labas.

"Ang tagal ko nang hindi nakatugtog niyan. Na-miss ko na ang maggitara."

"Ako rin." Isinuot niya ang strap nito. "Gusto mo bang kantahan kita?"

"Sige." Umupo ako roon sa isang itim na sofa. Hindi ko maitago ang maliit na ngiti na biglang sumilay sa aking mga labi. Ipinikit ko ang mga mata at pinakinggan ang marahan na pag-strum niya sa gitara.

Ganu'n na ganu'n din ang ganda ng musikang naririnig ko sa misteryosong lalaki na nasa isipan ko.

Habang naririnig ko ang boses niya na sa isla pa lang ay hinahangaan na ng lahat, pakiramdam ko ibinabalik ako nito sa nakaraan. Nakaraan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala.

Gusto ko nang makaalala.

***

Abala ako sa pagkain ng mga nakahanda roon noong napapansin kong patahimik na ng patahimik ang loob ng silid. Doon ko lang napansin na dalawa na lang pala kaming natitira ni Jace sa loob at si Cello ay abalang kinakausap nina Niel at Nathan palabas ng kwarto. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil nakita kong seryoso na si Cello. Kanina pa siya natapos na tumugtog ng gitara, sa katunayan niyan ay ang tawanan lang namin kanina ang maririnig sa buong paligid. Ngayong seryoso na siya ay hindi ko maiwasang kabahan. Ano kaya ang pinag-usapan nila?

Abala sa pag-inom si Jace roon, hawak niya ang isang bote. Samantalang ako ay abala sa pagkain ng mga malilit na hiwa ng cake. Bakit ba kasi ang sarap-sarap?

"Hindi ba yan sobrang aga para uminom ng alak?" sita ko noong tumabi ako sa tabi nya habang nangunguha ng mga pagkain sa pinggan ko.

"It's almost 10 pm." Tulala niyang sagot habang nilalaro pa ang bote sa kanyang kamay.

"Kahit na. Bakit ka ba kasi umiinom?"

"Pampakalma."

"Para saan?"

"Sa lahat ng mga bagay na nangyayari ngayon."

Napakunot-noo ako. Ganito ba talaga kalabo at katipid na sumagot?

Kinuha ko ang bote na hawak nya at ako ang lumagok no'n. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya. Pinunasan ko ang mga labi gamit ang likod ng aking palad matapos ibaba ang iniinom.

"Mapaiit." Sabi ko sabay ubo. "Ano bang gusto nyo ritong mga lalaki at parang sarap na sarap kayo kahit hindi naman?"

"Hindi naman ang lasa ang pinapansin namin kundi ang epekto."

"Epekto na alin?"

Ibinaba na nya ang tingin sa mga pagkain. "Pampamanhid."

Inabot nya ang bote na hawak ko ngunit inilayo ko ito mula sa kanya. 

"Tama na."

Nagkatitigan kami saglit bago ko inalis ang tingin. Masyado kasi syang intense tumingin. Bukod pa roon sobrang itim ng mga mata nya na para bang malulunod ako sa paningin nya.

"Ang hilig mong uminom alam mo namang mahina ka riyan."

Bumalik na ulit ako sa pagkain ng cake. I heard him chuckle.

"Ang dami mong maaalala tungkol sa akin, 'yun pa talaga."

Napakunot-noo ako. Ano bang sinabi ko? Hindi ko na maalala dahil parang dila ko mismo ang nagsalita, hindi ko na napigilan. Parang may biglang sumanib sa akin.

Jace. Magmula noong iyon na ang itinawag ko sa kanya ay parang kung anu-ano na lamang ang lumalabas na alaala sa aking isipan lalo na sa dila ko na hindi ko mapigilan. Ano bang meron sa kanya at nagkakaganito ako? Hindi naman ganito noong Raven pa ang tawag ko sa kanya. Parang mas lumala ngayon. Natatakot na ako para sa sarili ko.

Sumandal siya roon sa mesa na nasa likod niya.

"Mukhang alam ko na kung ano ang magiging favor ko."

"Favor para saan?"

"Gusto mong makabawi sa akin sa pagpapatuloy ko sa'yo sa condo at pagbibigay ng sapatos hindi ba?"

Marahan akong tumango.

Tumingin siya sa akin diretso sa mata. "Stay. Huwag kang sumama kay Cello pabalik sa isla n'yo. Stay with me."

Kabado akong natawa. "Nahihibang ka na ba?" Ngunit sa nakikita ko sa mga mata niya, alam kong hindi siya nagbibiro.

"Kung alam mo lang... kung gaano na ako kahibang ngayon."

"Hindi ba't masyado yatang malaki ang katumbas ng hinihingi mo sa akin? Nasa isla ang buhay ko. Wala akong dahilan upang manatili rito."

"Hindi pa ba ako sapat?" Lumapit siya sa akin. "Hindi pa ba ako sapat na dahilan para manatili ka rito?"

"Jace tama na. Lasing ka lang kaya hindi ka na nakakapag-isip ng maayos."

"Alam mo ba na sa tuwing naririnig ko ang pangalan ko na lumalabas diyan sa mga labi mo... mas lalo akong nababaliw sa'yo?"

Umatras ako. Umabante siya. Tumingin ako sa paligid at nakita na kami na lang ang tao rito. May ilang mga pinto na naroon. Inilibot ako kanina ni Aiden dito pagkatapos akong kantahan ni Cello. Pero sandali lang iyon dahil hindi kami halos nag-usap. Ayon sa kanya ay may mga extra rooms dito para sa mga nag-oovernight na gangmates nila upang magbantay sa buong Headquarter. Saan ako pwedeng pumunta? Saan ako pwedeng tumakas?

"Jace ano bang nangyayari sa'yo?" marahan ko siyang itinulak palayo sa akin ngunit ayaw niyang magpaawat. Ang palad ko ay nasa dibdib niya, sobrang bilis ng kabog nito.

Mabuti na lang at binitawan ko na ang plato na hawak kanina sa may mesa kundi baka kanina ko pa ito nabitawan at nabasag.

"All of this self-control I have since I first saw you, akala ko kaya ko. Nagkamali ako."

Sa huling pag-atras ko ay naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod. Ikinulong niya ako roon gamit ang mga braso niya na nakapatong sa pader sa tabi ko. His eyes were swirling with emotions I don't understand. 'Yung puso sa aking dibdib ay pumipintig nang pumipintig ng kay bilis. Mas mabilis pa yata ito kaysa sa nararamdaman ko kay Cello kanina. At hindi ko maintindihan kung bakit.

"Damn all these plans. Damn all these rules. Damn everything I have in mind that kept you from knowing the truth."

"Jace—"

"Now that I found you, do you think I will ever let you go? Kung kinakailangan kitang itali sa tabi ko. Kung kinakailangan kitang ikulong sa kwarto ko. Kung kinakailangan kong paulit-ulit na ipaalala sa'yo kung ano ang meron tayo noon, gagawin ko."

Yumuko siya ng konti at nagdikit ang mga noo namin. I can feel his warm breath on my skin, his nose touching mine. His breath smells like alcohol but that musky earthy fragrance eminating from his body overpowers the smell of the liquor.

"You are asking where my queen is?" wala sa sarili niyang bulong sa akin.

I held my breath. "Oo."

"She's here and now I am taking her back."

Wala na akong tiwala sa boses ko kaya hindi na ako nagsalita.

"Serene, you are not Celestine. You are Serene Lopez. And you are my queen."

Nanlaki ang mga mata ko noong bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi. Sobrang bilis ng pagkabog ng puso sa aking dibdib, wala na akong ibang marinig kundi iyon at wala nang iba. Napakaraming alaala ang pumasok sa aking isipan ngunit lahat ng iyon ay 'yung mga alaala kung nasaan naroon ang lalaki na matagal nang naging misteryo sa akin.

Buong buhay ko akala ko ang lalaking iyon at si Cello ay iisa dahil parehas na parehas sila—sa tindig at sa pananalita. Nagkamali ako. Dahil ang lalaki sa aking alaala ay biglang nagkaroon ng mukha na matagal nang naging blanko sa aking isipan.

At walang iba kundi ang mukha ng lalaking nasa harapan ko.

Jace. Siya ang lalaking iyon.

***

Jade's Corner: 

Sa hindi pa nakakaalam meron akong special announcement sa inyo. I know. I know. I've been gone for so long already at madalas akong nag-aappear disappear one half one fourth one fourth one half disappear appear rito sa wattpad (kinanta mo ba yun? Naks!) at aminado naman ako hahahaha! Sa kadahilanang busy lang talaga ako sa pag-eedit ng manuscript ko for LTMS pero ngayon, HETO NA!!!   

LISTEN TO MY SONG (The first book of this series)

WILL BE SELF-PUBLISHED THIS COMING 2017!!

Wow. Parang kailan lang noong sinulat ko ito almost 5 years ago. Ang jeje ko pa noon! HAHAHAHA!! But this LTMS Self-Published version will be better-- grammar wise, content wise, character wise, plot wise, spelling wise and will be professionally looking just like a standard international book.

The size will be 7x10 inches for Hardcover and 6x9 inches for Softcover

Price will vary between Hard cover and soft cover paper back.

Hard cover will be P2,000

Soft cover will be P1,450

How the price was calculated? Manggagaling siya rito sa Canada so international shipping palang dali na tayo. So I tried to minimize the expenses as much as possible kaya all of those ones are fixed price for buyers located in the Philippines (all international and local shipping included).

Para sa mga International buyer located in North America, Europe or other parts of Asia, the price will depend on your location. So please message me whether here on Wattpad or Facebook to ask more question regarding this matter. All links are on my profile.

It's first come, first served for the first 200!

100 hardbound and 100 soft bound.

I accept different modes of Payment. Kailangan ko kasing mag-downpayment sa publisher ko rito para matuloy 'yung publication:

1. Palawan Express

2. Cebuana Lhuillier

1. Western Union Money Transfer (Buyer outside Phil.)

2. Paypal (Visa/Mastercard)

Kahit saan naman lalo na sa Pinas ay may Western Union, Palawan at Cebuana L. so I think hindi na kayo mahihirapan doon. Ang Paypal ay ginagamit kapag may credit card ka na or debit card so para sa mga bata na bibili, you can ask your parents about it.

But here's the thing, it will be published by January BUT!

Matatanggap n'yo 'yung book by APRIL or MAY of 2017 lalo na sa majority ng buyer sa Pilipinas. Why? Ipapadala ko siya sa Pinas as one whole bulk package. Dahil kung by individual ko ipapadala, mas lalong hassle at mas lalo lang tayong mapapamahal sa pagbayad.

Para sa mag-oorder sa ibang bansa like U.S., Europe especially here in Canada, ako na mismo ang magpapadala sa inyo via UPS, FEDeX or Canada Post. So kapag natanggap ko na 'yung libro, baka kayo ang unang makakahawak no'n compared sa Philippine located buyers na sa April or May 2017 pa matatanggap 'yung order.

'Yung tatanggapin kong order ay yung mga sure buyer na.

The link for the reservation form can be found on my Wattpad info profile, facebook, and twitter. An external link will also be provided here.

Due Date for Payment will be on December 30, 2016

Book Target release will be on January 16, 2017

Book cover release will be on November 11, 2016

The first 50 slot of 200 had been taken kaya ano pang hinihintay n'yo? Reserve your book now before time runs out! 

P.S. S and S and S and eSessss.... Okay here's the thing, nakadepende ang price ng book depende sa dami ng mag-oorder lalo na sa majority. As we all know, hard bound is really expensive. Kung less than 50 ang mag-oorder ng hardbound, it will affect the price. Doon sa Soft Bound konti lang ang difference ng presyo na mababago pero sa hardbound medyo malaki ang gap ng price from 100 pieces to 25 minimum pieces of orders sa publication.

Doon sa mga nakausap ko na, wag muna kayong magpapadala ng pera agad. Let's see until first or second week of November muna kung alin ang mas marami, kung soft bound o hard bound. So that time I can decide which is which.

OLE!

-wistfulpromise. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 114K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...