Officially Blake's

By mykessimum

25.7K 365 45

I knew at that moment, that we belonged to each other. The bunny and the bear, with all their craziness and d... More

Officially Blake's - Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (part 1)
CHAPTER 11 (part 2)
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
Side Story : CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Side Story : CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Side Story: CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53 (part one)
CHAPTER 53 (part two)
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
Second Part
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
Side Story: CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
Officially Blake's - Epilogue
I love you... million times more than anything.

CHAPTER 47

269 5 0
By mykessimum

CHAPTER 47

BLAKE'S POV

Nagising ako dahil naramdaman k ang pagtapik ng mahina sa ilong ko. Ayt. Nakatulog pala ako sa kakatitig kay Nicolle. Pinikit ko lang lalo ang mga mata ko at hinila palapit sa akin ang unang yakap yakap ko. The best pillow ever.

"Nicolle," tawag ko ng mahina. 

Tinigil niya ang pagtapik sa ilong ko at pinatong ang ulo niya sa dibdib ko. "Yes?" tanong niya. 

"Are you really gonna marry me?" 

Naramdaman ko ang pagtango niya at napangiti na lang ako. 

"That's like asking me if I need to breathe."

"I love you," bulong ko. 

Hindi na siya nagsalita pa. Nilaro ko na lang ang mga daliri niya sa paa gamit ang akin. Hindi ko maipaliwanaag ang sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Patuloy sa mabilis na pagtibok ang puso ko. 

"Blake, I think it's morning. We should--"

"So what? I'll spend forever cuddling you."

I kissed the top of her head at hinila pa siya ng mas malapit pa sa akin. Ayokong maghiwalay ulit kami. Yung tatlong araw na hindi ko siya nakikita, parang napakatagal na parusa sa akin. “I can die right now,” bigla niyang sambit. Nasimangot ako at medyo kinabahan sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan at sabihan na hindi pwede. Hindi pwede kasi iiwan niya ako. At hindi ko na alam ang gagawin ko pagka nawala siya sa buhay ko. Pagka nawala si Nicolle, parang nawala na din ako.

“Nicolle, wag mo kong kakalimutan ha? Promise mo sa’kin.”

“I don’t know, Blake. I’ll try my best but… I always keep on forgetting things.”

“Wag kang mag-alala. Andito ako para laging ipaalala sayo na mahal na mahal kita.”

“I know. Thank you.”

***

Pagkalabas namin sa sala, nakita namin si Nick na naglalaro ng x-box habang merong kausap sa phone.

“Oy, magsuot ka nga ng damit! Andito girlfriend ko oh!” sigaw ko sa kanya.

Eh kase naka-boxer shorts lang eh! Gusto atang madagdagan ang black-eye.

Pagkaharap niya sa amin, ngumiti siya kay Nicolle. Nicolle gasped sa nakita niya. “What happened to your eye?” tanong niya habang tinuturo yung nangingitim na mukha ni Nick.

“Nothing, Baby Nic. Your boyfriend just—“

“What the fuck, Nick?! Baby Nic? Why are you calling her Baby Nic?!”

“Why? You jealous?” tanong niya habang palapit sa amin ni Nicolle. Tumigil siya sa tapat ni Nicolle at ni-stretch ang mga kamay niya.

“Oy! Umalis ka nga dyan!” sigaw ko sa kanya habang nakasimangot. I-ki-kiss na sana niya si Nicolle sa cheek pero bigla ko siyang tinulak. Natawa siya at si Nicolle naman, nagtatakang nakatingin sa amin.

Tawa ng tawa si Nick habang tinuturo ako. Hawak hawak niya pa nga ang tyan niya eh. Bwisit talaga to oh! Bakit ba naging kapatid ko to?! Tch. Kaya nga hindi ako proud sa kanya eh.

“You really are in love with Baby Nic, aren’t you?!”

“For the nth time, will you please stop calling Nicolle Baby Nic?!”

Pumagitna sa amin si Nicolle at pinaglayo kaming dalawang mag-kambal. Nag-iinit na talaga ako eh. Nakakainis kasi eh. Bigla bigla na lang pupunta dito ng walang paalam, sinigaw-sigawan si Nicolle, tapos dinala dito kahit na may sakit.

Sa totoo lang, kauuwi ko lang sa bahay noon, galing China, dumiretso ako sa school para hanapin si Nicolle. Tapos biglang tumawag si Nick sa akin at sinabing nahimatay si Nicolle kaya eto, dumiretso ako sa Tagaytay. Pagdating ko dito, narinig ko na lang ang sigaw ni Nicolle kaya pagkasapak ko kay Nic, yun, pinuntahan ko si Nicolle.

“Hey, guys!” sigaw ni Nicolle so I was back in reality.

“Blake, you know, it’s okay. He can call me whatever he wants. And—“

“It’s not okay, Nicolle. You’re mine. Just mine. And I’m not sharing you with anyone."

Nakita kong namula ang mukha ni Nicolle at napayuko siya. Nahiya siguro o kaya kinilig. Oh well, ganun talaga pagka gwapo. Narinig ko siyang mag-sigh, siguro para gisingin ang sarili mula sa pagpapantasya sa akin.

“You know what, why don’t we just enjoy Tagaytay? It’s my first time here so…wait, I have no clothes,” tuluy tuloy na sabi ni Nicolle.

Nag-shrug lang si Nick. Tumalikod siya para umalis na pero bago pa siya makalakad palayo, hinawakan ko ang balikat niya at hinarap siya sa akin. “Oy, bilhan mo ng damit si Nicolle.”

Umirap si Nick sa akin. Kinuha niya yung shirt niya sa malapit at binato sa akin. "Make her wear that. Fuck off!" sigaw niya. 

Hinagis ko pabalik sa mukha niya yung shirt. Ewan ko ba. Nainis ako sa kanya dahil parang in a way, binabastos niya si Nicolle. Sinasadya man niya o hindi, nainis ako sa ginawa niya. Kita din sa mukha ni NIck na nabbwisit siya. Iba din ugali neto eh.

Kinamot niya ang ulo niya at tumalikod na. Lalakad na ulit sana siya palayo pero bigla akong sumigaw, "Hoy Nick! Mag-sorry ka!"

Nakita kong umiling siya.

"Sabi ng mag-sorry ka sa girlfriend ko eh!"

Narinig kong sinabi ni Nicolle na, "Blake, just let it go."

"Ewan ko sayo!" sigaw ko kay Nicolle. Siya na nga tong pinagtatanggol eh!

Tumakbo ako papunta kay Nick and tackled him from behind. Sumigaw siya at sinipa sipa ako. Ako naman, gumanti at pilit na pinapasubo sa kanya ang paa ko. Kinagat niya bigla ang binti ko kaya ako napasigaw.

"Nick! Mag sorry ka na kase!" sigaw ko habang hinahampas palayo ang paa niya at sinisipa ang baba niya.

"No! Not a chance!" sigaw niya.

Sinisiko siko niya ang hita ko kaya ganun din ang ginawagawa ko sa kanya. What you give is what you get, right?

"Ahem. Ahem," narinig kong boses ng isang babae.

"I'm starting to think if I should get jealous with your quality bonding, Blake."

Napatigil ako sa sinabi ni Nicolle at eto namang ungas kong kakambal, sinipa ako ng malakas at tumayo. Minura ko siya habang tinutulungan niya akong tumayo. See? Not because hindi kami magkasamang lumaki eh ibig sabihin non hindi kami close. And not because nag-UFC kami don at lahat lahat, eh hindi na kami nagtutulungan. Yun nga lang, hindi lang kami talaga proud sa isa't isa.

Psh.

Pagkatayo ko, agad naman niyang siniko ang tyan ko at tumakbo palayo. Anak ng! Ang sakit non ah!

"Fucking shit," I cussed, habang namamalipit at sapo sapo ang tyan ko. "Gago ka talaga, Nick Cane Perez! Fuck you!"

Tumingin ako kay Nicolle na patawa tawa. Nag-straight ako ng tayo at sumimangot.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Pft. Nababaliw na ata siya dahil sa ka-gwapuhan ko. Kumuha ako ng isang bundle ng buhok niya tapos hinila pababa.

Napatigil siya sa pagtawa. Sumimangot siya at tinignan ako ngmasama.  "What the fu-"

"Para tumigil ka na sa katatawa. Mukha kang may topak eh!"

Syempre, ano pa bang makukuha kong sagot kundi rolling eyeballs? Kinuha niya bigla ang kamay ko at nagulat ako ng ilapit niya ito sa mga labi niya. at biglang... "Aah! Aah! Aray! Ano ka ba! Tama na! Oy! Masakit na!" sigaw ko nang kagatin niya ng madiin na madiin ang kamay ko. 

Tokwa naman oh! Bayolente talaga tong babaeng to! Mula noon hanggang ngayon. Tss.

Bilang ganti naman, pinitik ko ang ilong niya kaya namula. Tumawa ako ng mlakas habang hinihimas himas niya ang ilong niya. 

"Nicolle the red nose bunny!" kanta ko para maasar pa siya. 

Huminga siya ng malalim pero bago pa niya ako masapak sa mukha, naharang ko na ang mga braso ko. 

"YOU. Z-RATED. MONSTER!" sigaw niya ng galit na galit. Napa-smirk ako at naalala yung unang pagkikita namin. But there's no time to reminisce. Tumakbo ako ng mabilis sa palibot ng den habang hinahabol habaol niya ako at binabato ng kung anu-ano. Habang galit na galit niya akong binubulyawan, sinisigawan ko lang siya ng:

HAHAHA! Catch me if you can!

HAHAHA! Weak!

HAHAHA! Noob!

HAHAHA! Loser!

HAHA-

Shit.

Natamaan ng remote control ang treasure ko. Namilipit ako sa sakit habang sapo sapo ang treasure ko. "Masakit!" sigaw ko sa kanya paglapit niya. Napamura ako ng maakas. Teteng naman oh! Paano pagka nagkadefect ang reproductive organ ko at hindi kami magkaroon ng Blake Lee Perez Jr.?! Ayt! 

"Oy!" sigaw ko habang sinusubukang tumayo. "Ikaw! Masyado ka na ah!" 

"I feel lousy. I need new clothes," she told me nonchalantly like she doesn't give a shit. 

Tumalikod na siya agad then sat down comfortably on the couch. Wala akong magawa kundi magkamot ng ulo. 

"Oh, tara na!" yaya ko.

Umiling siya at sinabing, "I'm sick. Can't get out."

"Oy! Hindi mo ko yaya ah! Tayo! Tayo na dyan!" 

"Shut up, Blake! You're so loud!" 

"O-oy! SIno bang lalaki dito?! Ha?!"

Tumayo siya at pumunta sa tapat ko habang nagtititigan kami ng mga matatalim na tingin. 

"Blake, you cannot win an argument with a girl."

Napalingon kaming pareho ni Nicolle sa nagsalita at nakita si Papa na kapapasoklang sa pinto. 

"George!" "Pa!" sabay naming sigaw ni Nicolle. 

Tumakbo agad si Niclle kay Papa at niyakap siya. Ako naman, mabagal na naglakad papunta sa kanya at niyakap din si Papa. 

"How are you, strawberry?" tanong niya kay Nicolle. 

Nakangiting sinagot naman siya ni Nicolle ng, "I'm fine. Except that Blake is kind of abusing me."

"Anong pinagsasasabi mo dyan, ha?!" sigaw ko. "Ikaw tong-"

"That's not how you treat your girlfriend, son. Shame on you." Tinignan niya ako ng masama bago sabihin na. "Go on. Buy your girlfriend new clothes. The ones she's comfortable to wear."

I groaned in surrender. Nakakinis talaga. Laging si Nicolle na lang kinakapihan ng parents ko. Ano bang meron siya kaya mas mahal siya kesa sa sarili nilang anak?! Ayt. Bahala na nga!

Huminga ako ng malalim at lumabas na. Napansin ko na nakapark din don yung Aston Martin ko. Anak ng. Ginamit pa pala ni Nick?! Ginamit ko na lang yung pick-up ni Papa dito.  Ni-check ko sa maps kung saan ang may pinakamalapit na mall dito at doon na nga ako pumunta.

Pagdating ko don, agad akong pumasok sa isang clothes store at kumuha na lang ng kung anu-anong t-shirt at pants na tingin ko kakasya kay Nicolle, tapos binayaran ko na. Hindi ko na tinignan ang design. Wala namang pakialam si Nicolle sa mga ganun eh.

Palabas na sana ako sa mall nang nag-vibrate ang phone ko. Chineck ko at nakita yung message ni Nick sa akin.

And... uhm.... undies, too. Up and down... and, well, uhmm... the pad for girls. -Nicolle.

Nanlaki ang mga mata ko. "What the fuck?!" reklamo ko. Nagreply ako ng:

Seryoso ka?! Gusto mo bang mamatay na ako sa kahihiyan?!

Mabilis naman ang reply niya.

Please? Pretty please?

Umiling na lang ako at hindi na nag-reply. Tumingin tingin ako sa paligid para humanap ng pwedeng mapag-utusan. Tch. Sino kaya? Madami dami namang mga babaeng tumitingin sakin kaso kung uutusan ko sila, nakakahiya naman. Baka kung ano pang isipin nila?! 

Si Blake Pierre Perez, bibili ng sanitary napkin?! Shit. Ano ba naman yan?! Hay! Gwapo naman ako kaya bayaan na nga. 

Saan naman kaya ang may Victoria ano ba yon? Yung store para sa mga underwear ng babae? Victoria Secreast? Naghanap hanap ako sa mga stalls. After ng ilang minuto, yun... nakita ko na din. Ayt. Victoria's Secret pala. 

Pagpasok ko, syempre, natural lang na pagtinginan ako ng mga tao don. Sa itsura ko ba namang ito? I smirked. Yun nga lang, pagka nalaman nila kung anong bibilhin ko, eh baka mabawasan ang hotness ko. 

Anyway, para kay Nicolle! 

Shit!

Tinignan ko yung mga underwear doon. Grabe. Napaka-daring naman. I mean, sexy sila, yes. Pero ayoko namang isuot ni Nicolle yung mga yon no. Kahit naman hindi bastusin ang dating ni Nicolle pagka sinuot niya yon--ah basta! Ayokong magsuot siya ng ganon. 

"Sir?" tawag sa akin ng isang saleslady. "Para po ba sa honeymoon niyo ng asawa niyo?" 

Nagtaas ako ng isang kilay at tinignan ang hawak hawak ko. Nanginginig kong binitawan. Iniisip ko pa lang na suot suot ni Nicolle ang ganung klase ng undie eh naiinis ako. 

"Wala ba kayong desente na underwear dito?!" sigaw ko. 

Napatingin lahat ng tao sa akin. Tinuro naman sa akin nung saleslady yung mga underwear na normal na lang. I sighed. In pair na sila, meron ng bra at underwear. Yun nga lang... 

"Anong size ng boobs niya?" natanong ko sa sarili ko. 

Pinagtinginan ako nung mga babae don. Lalo na yung isa sa tabi ko. Medyo makapal ang kilay niya at mukha din siyang FilAm. 

"Gosh, you sound like a pervert," sabi niya. 

Pinagtaasan ko siya ng kilay. In-obserbahan ko ang katawan niya. Yep, ka-size siya ni Nicolle. Pareho silang flat chested. 

"Oy ikaw, anong size ng boobs mo?" tanong ko, medyo hininaan ko na ang boses ko para hindi na ako mag-eskandalo dito. I've had enough. 

"You really are a pervert," sabi niya. 

Kinuha ko yung pair ng underwear at bra na kulay pink at tinapat sa katawan niya. "Okay na to no?" tanong ko sa kanya.

Tinakpan niya ang dibdib niya at umalis na ng nakasimangot. I only shrugged. Kumuha ako ng tatlong pair ng ganon. Bukas siguro uuwi na kami. Bago pa ako maglakad papunta ng counter, nakakita ako ng ID. Yung babae kanina. Beatrice Locke. Babalik ko na lang. Hindi pa naman siguro yun nakakalayo. Binayaran ko na lahat at lumabas na sa hellhole na yon. 

Tumingin tingin ako sa mall at nakita yung babaeng naka blue. Yon. Hinabol ko siya. Wait nga... pwede sigurong... Ha! I have an idea. 

"Miss! Miss!" sigaw ko pero hindi siya lumilingon. Binilisan niya lang ang paglalakad niya. 

"Beatrice Locke!" 

This time, napalingon siya. 

Lumapit ako sa kanya at nag-smirk.

"What?" tanong niya. 

"Do me a favor."

She just rolled her eyes. "I dont..."

Tuloy tuloy ang pagsasalita niya at pagrereklamo sa pagiging pervert ko daw. Pero ako, napaisip ako. I told Nicolle I'd do anything for her. I told her I love her million times more than anything. So bakit hindi ko to gawin para sa kanya? Bibilhan ko lang naman siya ng napkin eh. Kelangan niya yon eh. 

I don't care if I look like a faggot, I'd do it for her. 

Yun lang naman eh. At least yun lang ang hiniling niya. 

At least, hindi niya hiniling na layuan ko na siya. 

Shit, ano bang pinagsasasabi ko? Bibili lang naman ako ng pad for girls, nagdrama na ako? Ah! Ewan. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Nicolle sa akin!

Pagkatingin ko dun sa babae, nakatitig lang siya sa akin at nakataas ang kilay. Binalik ko na ang ID nung babae at iniwan na siya doon. Bahala na siya sa buhay niya. 

Bitbit bitbit yung mga pinamili ko, pumunta ako sa isang drug store at... at binilhan ng napkin si Nicolle. Syempre, pinagtinginan ako nung mga tao don. But I didn't care. I don't care. I'm doing this for Nicolle. Kahit na magmukha akong tanga, okay lang. 

***

"You really bought me a pad?" she asked me in disbelief.

Tumango ako habang kinakamot kamot ang batok ko. "Binili ko na lahat. Hindi ko alam kung anong brand ang gusto mo eh." I shrugged. 

Tumawa siya at bigla niya akong niyakap na kinagulat ko. "Bakit ang saya mo? Binilhan lang naman kita ng napkin?" 

"Because... other people would laugh at you," sagot niya pagkabitaw niya sa akin. Medyo namumula pa nga siya eh. "I can't believe it, Blake. I really appreciate it. How about your badass image? One way or another, you buying me napkin would ruin that."

I rolled my eyes. "I don't care. You're my girlfriend. People don't matter. Nothing else matters."

Nakangiting nakatitig lang siya sa aking mga mata. I smiled back. "Maglinis ka na ng katawan mo, bunny boo."

Tumango siya at lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Nick at si Papa na nanonood ng TV at nag-uusap tungkol sa football. Eh, sa yun lang ang common likes nila eh. Doon lang sila nagkakasundo. 

"Hey," bati ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Papa at sabay inagawan ng bote ng beer si Nick. "Wag ka ngang iinom. Andito girlfriend ko eh."

"Pft. It's not like I'm going to do some--"

"Shut up, both of you. This is a rare moment! All three of us, without your mother! Let's celebrate!" sigaw ni Papa. "...bitches," dagdag niya pa.

Ganun talaga si Papa. Pa-bagets. 

"Yeah, Pa. I can't believe we're all together."

Napangiti si Papa kaya napangiti na din ako. Minsan minsan nga lang to nangyari to, yung nagkakasama kami. Hindi naman kami broken or malayo sa isa't isa, pero syempre, iba pa din ang riot pagka nagkakasama kami lalo na kung nandito pa si Krungy.

"How's everything back there, Pa?" tanong ko kay Papa. 

"Well, everything's good. Business are going well. And, Nick... as you can see-"

"Still your gorgeous twin brother."

Nag-sigh kaming pareho ni Papa. "Why did you even go here?" tanong ni Papa kay Nick.

"Nothing," sagot niya at nag-shrug. "Just want to spend the winter break in here."

"I'm actually planning that Nicolle and I--"

"Blake," biglang singit ni Papa. "How's her condition?' tanong niya ng mahina.

Napatingin ako kay Nick at naalala yung sinabi niya sa akin noon. She's not even going to reach twetnty five.

Nick looked away at napayuko ako. 

"Pa, I don't want to talk about it."

"That's your fault. That's her family's fault, Blake! You both don't want to talk about it when it's the farthest thing from being a secret. It's-"

"Pa, stop."

"Blake, you're all grown up. You know what's right-"

"Pa, you don't understand."

"Well, do you?"

"Pa, I said stop it!" sigaw ko. 

Napatayo si Nick at hinawakan ang balikat ko. I took a deep breath. "I'm sorry, Pa. Hindi ko sinasadya."

Kumuha ako ng isang bote ng beer at pumasok sa kwarto kung saan ko iniwan si Nicolle. Pagkapasok ko, nakita kong minamasahe niya ang ulo niya. Agad naman akong lumapit sa kanya na alalang alala. "You okay?" tanong ko habang dinadamdam ko ang temperature ng katwan niya. 

"Wala ka ng lagnat ah. Masakit ba ulo mo?"

"Yeah, a bit, 'cause... you know... uhm, period day."

Napatango ako. Kaya naman pala. Akala ko pa naman... 

Tumayo siya at tinanong ako, "Hey, what you got there?" tanong niya. 

"Beer and billiards. Down the basement."

She smiled at me and wiggled her eyebrows. "I think I wanna play."

I took her hand and together, we went down the basement. Sumama sina Papa at Nick para makipaglaro sa amin. Si Nicolle na ang nag-break. Natawa kaming tatlo kasi napakahina ng tira niya. 

"Too weak, girl," sabi ni Nick. 

"Dun ka nga, Nick!" sigaw ko. "Tuturuan ko muna siya."

Nagtinginan si Papa at si Nick. Tumango ng dahan dahan si Papa at bago pa man sila makaakyat, lumingon si Nick sa akin at sinabing, "Remember to use protection."

Nanlaki ang mga mata ko at binato ng bote ng beer si Nick na swerteng nasalo naman niya. "Gago!" sigaw ko. 

Narinig kong tumawa si Nicolle kaya napasimangot ako. "Nick's so ridiculous," sabi niya habang tumatawa.

"Hoy, naintindihan mo ba ang ibig sabihin niya?!" sigaw ko.

"Yeah of course," sagot niya. 

"At hindi ka nailang?!" 

She shook her head. Kakaiba din tong babaeng to ah. Pero baka naman kasi gusto niyang- Ah! Blake Perez! Don't even think about it!

Kumuha siya ng pool cue at binato sa akin. Kumuha din siya ng kanya. "Come on, Blake. Teach me so I don't get laughed at."

Pinakita ko sa kanya ang tamang paghandle ng cue at ang tamang positioning. Pati ang tamang pag-angle. Sinubukan din niya pero hindi niya makuha kuha. "Ganito kasi yan!" sabi ko habang dinedemo. Pagkatira ko nung cue ball, napasok agad ang apat. 

Tinignan niya ako ng manghang mangha. Kinuha niya ang isang bote ng beer at uminom, sabay sabing, "Wow."

"Oh, bilib ka na sa boyfriend mo?" 

"Not unless you teach me well."

Inayos ko ang mga bola at binigay sa kanya ang cue stick. Inayos ko ang pagkakahawak niya sa cue stick kaya naman naghawak din ang mga kamay namin. I wrapped the other one around her waist para ayusin yung paghawak nung right hand niya dun sa cue stick. We bent together. 

Napalingon siya sa'kin at sobrang lapit na ng mukha namin. That's when I realized that we are so close to eac other. Ngayon ko lang napansin ang posisyon namin. I was hugging her, but not really. But yes, I was. 

Anyway, so what? Diba ilang beses ko na naman siyang na hug? Bakit parang nag-iinit ang tenga ko at pati na din ang mukha ko? At pati na din ang buong katawan ko? 

Bigla niyang pinaglapat ang mga labi namin. Pareho naming binitawan ang cue stick.

I wrapped both of my hands around her waist and pulled her into me. In turn, she wrapped her arms around my neck, pulling me down to her, deepening the kiss. I lifted her up, not breaking the kiss. Then I trailed down open kisses on her jawline then down to her neck.And now, my lips were back to conquer hers. 

I was unstoppable. 

I want to be inside of her. 

She let go of me as she removed her shirt. I unbuttoned mine and then we were back to kissing each other. 

I love her. 

I am so in love with her. 

She pushed me towards the wall, still kissing me. I was out of breath and I know, she was too. 

The atmosphere was so hot. 

She bit my lip teasingly and I chuckled. 

Nicolle Lopez Lee, you're making me crazy.

I closed my eyes and that's when I realized what we were doing. 

I looked down then let go of her. She was panting. She looked up to me, questioning. "I'm sorry," I whispered right in her ear. "I shouldn't have done that."

Kinuha ko agad ang shirt niya, binigay sa kanya at tumalikod. I feel so guilty for doing that. We almost made love. She deserves more than that. 

"Sorry, Nicolle."

"Did... did I do something wrong?" tanong niya na medyo malungkot ang boses niya. 

"No. No! You were perfect. I just... you're too perfect, I can't damage you."

Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Nakatalikod ako at sa loob loob ko, inuuntog ko na ang ulo ko ng malakas sa pader. Nangahas ako, shit!

"I respect you a lot, Nicolle."

"Don't you want me?" tanong niya, but stil she managed not to sound desperate. Alam ko, alam niyanng mali yung dapat na gagawin namin kanina but she was willing to offer herself to me. 

"I want you, Nicolle. I badly want you. But I don't want to ruin your... purity."

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako from behind. "Thank you," bulong niya. "Thank you for respecting me; for loving me. Thank you for being so good. So kind... Thank you for being my Blake."

I smiled then faced her. I kissed her forehead, cupping her cheeks. "Magsuot ka na ng shirt," sabi ko sa kanya. "Baka hindi ko na talaga mapigilan eh."

She laughed. Kinuha niya yung shirt niya at sinuot na, ganun din ang ginawa ko sa kanya. 

Umupo na lang kami sa floor habang nakasandal sa wall. 

At syempre, umiinom ng beer. Pa-minsan lang naman eh.

"Saan mo gustong mag-Pasko?" tanong ko sa kanya.

"Anywhere. As long as you're with me."

"Ang corny mo, Nicolle," sagot ko at tumawa. 

"Shut up. You're worse than me."

"Nicolle," tawag ko sa kanya. 

"Hmm?"

Naramdaman kong pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. 

"Bakit ka ganyan?" 

"What are you talking about?"

"Bakit sobrang mahal kita?"

"I want to ask you the same question, fuzzy jujubear."

Continue Reading

You'll Also Like

72.5K 3.2K 171
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
537K 48.5K 34
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
16.7M 645K 63
BitmiลŸ nefesi, biraz kฤฑrฤฑlgan sesi, Mavilikleri buz tutmuลŸ, Elleri nasฤฑrlฤฑ, Gรถzleri gรถzlerime kenetli; "ฤฐyi ki girdin hayatฤฑma." Diyor. Ellerim eller...