My First... Enemy?!? [UNDER R...

By missinvisible24

13.4K 369 190

Taka kayo kung bakit imbis na My First Love, My First Enemy ang nakalagay... kasi noong una ko siyang nakilal... More

ღ Prologue ღ - The More You Hate, The More You Love? Weh? Di Nga?
ღ Chapter 1 ღ - Ang Simula...
ღ Chapter 2 ღ - Aso't Pusang Awayan At Bangayan...
ღ Chapter 3 ღ - Revenge Not-So Sweet...
ღ Chapter 4 ღ - Tagu-taguan... Ng Ano? Ng Feelings?
ღ Chapter 5 ღ - The Start Of Something New...
ღ Chapter 6 ღ - Ano Nga Kaya Talagang Meron?
ღ Chapter 7 ღ - Partners Kami?!?
ღ Chapter 8 ღ - Partners Na Nga... Tutor Pa?!?
ღ Chapter 9 ღ -Kilig? Ano Yun?
ღ Chapter 10 ღ - Tutoring Sessions...
ღ Chapter 11 ღ - Perfect Harmony...
ღ Chapter 12 ღ - Promises Are Meant To Be Broken...
ღ Chapter 13 ღ - Tagu-taguan?!? Na Naman?!?
ღ Chapter 14 ღ - Kaya Ayoko Ng Taguan Eh... Maraming Nangyayari...
ღ Chapter 15 ღ - My Knight In Shining Armor...
ღ Chapter 16 ღ - Usapang Lalaki...
ღ Chapter 17 ღ - Sorry...
ღ Chapter 18 ღ - Magtatapat? Hmm... Kaya Ba Niya?
ღ Chapter 19 ღ - Everything Has Changed...
ღ Chapter 20 ღ - This Must Be Love...
ღ Chapter 21 ღ - Love? I Won't Ever Believe With That Word...
ღ Chapter 23 ღ - Lecheng 5 Minutes! Bwiset Na Detention!
ღ Chapter 24 ღ - Tatakas Kami!!! Ano Yun? Parang Takas Lang Sa Mental? Ganun? XD
ღ Chapter 25 ღ - A Crazy Jeepney Story...
ღ Chapter 26 ღ - KFC o McDo? Sa COVERED COURT Na Lang! XD
ღ Chapter 27 ღ - Kantahan Toda Max!!!
ღ Chapter 28 ღ - Feelings...
ღ Chapter 29 ღ - MAGULONG PAGKAKAIBIGAN NAMING BARKADA!!! =_=
ღ Chapter 30 ღ - NORMAL Na Ginagawa Ng ABNORMAL Sa Loob Ng Mall...
ღ Chapter 31 ღ - NAG-AALALA KASI AKO SAYO!!!
ღ Chapter 32 ღ - Walang Iba...
ღ Chapter 33 ღ - AshIv Moments: Ayaw ko sa'yo...
ღ Chapter 34 ღ - AshIv Moments: HONEY?!?
ღ Chapter 35 ღ - AshIv Moments: Sa Isang Salita Niya...
AKING MENSAHE... xD (Charot lng! Pero paki-basa na rin! Lol)
TO BE REVISED

ღ Chapter 22 ღ - Reunited As One...

322 9 6
By missinvisible24

Ashley's P.O.V

FRIDAY

Happy Friday!!! ^_^ Friday na! Ang pinaka-paborito kong araw sa lahat kasi kinabukasan Saturday na! At kapag Saturday na ibig sabihin walang pasok! At kapag walang pasok ibig sabihin pahinga! At kapag pahinga ibig sabihin... Ah... Hmm... Ewan ko! Siguro naman gets niyo na yung ibig sabihin ko di ba? Yun na nga... ginawa ko na yung daily routine ko. Pagkatapos ay inihatid na ako ni Aaron sa school. Nung nandoon na kami sa tapat ng gate ng school...

"O sige! Una na ako Ash. Mag-ingat ka ha? Be a good girl." bilin sa akin ni Aaron. Natawa naman ako sa kanya. Si Aaron ba ito na pinsan ko? O tatay ko?

"Masusunod po Itay." pang-aasar ko kay Aaron.

"Anong Itay?!? Pektusan kita dyan eh!" sabi ni Aaron.

"Kasi naman eh! Kung makapag-bilin ka dinaig mo pa Daddy ko!" sabi ko kay Aaron.

"Concerned lang naman ako sayo..." sabi ni Aaron. Itong pinsan ko may tinatago ring kabaitan eh!

"Wushuu! Touch naman ako!" sabi ko.

"Sira kang babae ka!" sigaw ni Aaron. Aalis na sana si Aaron nang makita ko si Ana na naglalakad din papasok sa gate. Kaya naman tinawag ko si Ana para ipakilala siya kay Aaron. Nang makalapit na si Ana sa amin nagulat siya nung makita niya si Aaron tapos bigla akong hinigit...

"Sino yung boylet na kasama mo?" tanong sa akin ni Ana nung medyo malayo na kami kay Aaron.

"Boylet ka dyan! Si-" sigaw ko pero hindi natuloy kasi binatukan ako ni Ana. Napahawak naman ako sa batok ko.

"Pwede ba wag kang sumigaw?!?" bulong sa akin ni Ana ng pasigaw.

"Sensya naman!" sabi ko habang hinihimas pa rin yung batok ko. Ang sakit din mambatok nitong isang to eh!

"Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko eh! Sino ba yang gwapong nilalang na kasama mo ha?" tanong sa akin ni Ana. Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ana. Si Aaron ba yung sinasabi niyang gwapo? Sigurado ba siya?

"Yun ba yung tinutukoy mo?" tanong ko kay Ana tapos tinuro si Aaron na kanina pa naghihintay sa labas nung gate. Nabatukan ulit ako. Strike two na tong si Ana ha!

"Malamang siya! May iba ka pa bang kasama?!?" bulong ulit ni Ana ng pasigaw.

"Sino nga kasi yun?!? Borfriend mo ha?!? Ikaw! Hindi ka na nagsasabi!" sabi ni Ana. Ngayon siya naman ang nabatukan ko.

"Sira! Anong boyfriend?!? Pinsan ko yan! Si Aaron! Yung lagi kong kinukwento sa inyo!" sabi ko kay Ana. Kadiri naman tong si Ana! Sabihin daw bang boyfriend ko yung pinsan ko?!? Tumingin naman siya kay Aaron tapos tumingin ulit sa akin.

"Ahh... Hindi mo naman sinabi na gwapo pala yung pinsan mo!" sabi sa akin ni Ana. Nagulat naman ako. Yung pinsan ko gwapo?!? Eh may sayad yata to eh! Napatingin naman ako kay Aaron tapos tumingin naman kay Ana.

"Yung pinsan kong yun! Gwapo?!? Saang banda?!?" tanong ko kay Ana.

"Baka sa may puwetan!" pamimilosopo ni Ana.

"Gaga! Pero sabagay... sa tingin ko nga mas gwapo pa yung puwet niya kesa sa mukha niya..." sabi ko.

"Ikaw pala ang gaga sa atin eh! Kadiri ka naman eh!" sabi ni Ana.

"Eh sino bang nagsimula?!?" tanong ko kay Ana.

"Wag na nga tayong mag-away! Ipakilala mo na lang ako! Bili!" pagpupumilit sa akin ni Ana.

"Oo na! Oo na!" sabi ko tapos maglalakad na sana papunta kay Aaron nang hilahin na naman ako ni Ana. Uso ngayon ang manghila noh?!?

"Saglit lang!" sigaw ni Ana pagkatapos akong hilahin. Humarap naman ako sa kanya.

"Ano na naman ba?!?" sigaw ko kay Ana.

"Ayos lang ba yung itsura ko?" tanong ni Ana sa akin habang inaayos yung buhok niya. Aba at lumalandi rin tong baabeng to ha?!? Sinabunutan ko naman si Ana para magulo yung buhok niya.

"Ash naman eh! Kita mo naman na inaayos ko tong buhok ko tapos sasabunutan mo naman ako!" pagrereklamo ni Ana sabay nag-pout. Ang cute talaga ni Ana. Inayos ko naman agad yung buhok niya. Takot ko na lang na magwala yan dito!

"Eto naman! Di na mabiro! Ayan na! Maayos na yang buhok mo!" sabi ko pagkatapos kong ayusin yung buhok ni Ana.

"Talaga lang ha?" paninigurado pa ni Ana.

"Oo nga!" sabi ko. Ngumiti naman si Ana ng pagkalaki-laki. Kaloka tong babaeng to!

"Alam mo... Lumalandi ka na rin! Saan mo yan nakuha?!? Kay Chelsea?!?" tanong ko kay Ana. Si Chelsea lang naman ang pinaka-malandi sa amin eh...

"Eto naman! Minsan lang naman ako maglandi! Pagbigyan mo na ako!" sabi sa akin ni Ana. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Ana at hinila na lang siya palapit kay Aaron.

"Hoy Aaron!" sigaw ko kay Aaron at lumingon naman siya.

"Oh bakit?!? Bilisan mo nga! Sino ba kasi yung ipapakilala mo?!?" sigaw naman ni Aaron. Demanding naman nitong pinsan ko!

"Eto na! Eto na! Galit agad?!? Aaron... Si Ana isa sa mga kaibigan ko..." sabi ko kay Aaron tapos tinuro si Ana.

"Hello. ;)" sabi ni Aaron at ngumiti tapos nag-wink pa ang loko. Si Ana naman nag-blush. Ampota! Parehas malandi tong dalawang kasama ko! -_-

"Ana... Eto naman si Aaron yung gago kong pinsan na matagal ko ng kinukwento sa inyo." sabi ko naman kay Ana at tinuro naman ngayon si Aaron.

"Ang ganda naman ng pagpapakilala mo sa akin ah..." sabi ni Aaron. Inirapan ko na lang siya ta hindi pinansin.

"Hello..." bati ni Ana kay Aaron with matching pagpapacute pa. Si Aaron naman ngumiti lang ng pagkalaki-laki. Ilang minute rin silang nagngi-ngitian at nagpa-pacute sa isa't isa.

"Oh! Sige na! Umalis ka na Aaron! Layas!" sabi ko kay Aaron.

"Oo na! Ang sweet mo talaga..." sarkastiko na sinabi ni Aaron tapos tumingin siya kay Ana at ngumiti.

"Bye Ana." sabi ni Aaron kay Ana at kumindat ulit. May problema yata to sa mata eh!

"Bye Aaron." sabi naman ni Ana kay Aaron habang nagbublush.

"Go na! Chupi! Alis! Shoo!" pagtataboy k okay Aaron na may kasama pang sipa kay naman tuluyan na siyang umalis. Naiwan naman kami ni Ana na nakatayo doon sa may labas ng gate. Nung mapatingin ako kay Ana... ayun! Nagbublush pa rin ang bruha at ngiting-ngiti pa rin. Nakatingin nga lang siya sa kawalan eh at dahil doon iniwan ko na lang siya na parang ewan. Maya-maya lamang habang naglalakad ako sa hallway may biglang sumigaw...

"Ash!!! Hoy!!! Saglit lang!!! Hintay!!!" sigaw nito. Paglingon ko nakita ko si Ana na patakbo palapit sa akin. Tumalikod na ako par asana umalis nang sumigaw ulit si Ana...

"Subukan mo ulit akong iwan Ashley dela Cruz!!! Lagot ka sa akin!!!" sigaw ni Ana kaya naman hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko. Mahirap na! Amazona rin tong babaeng to eh! Nang makalapit na si Ana sa akin binigyan niya ako ng isang napakalakas na batok.

"Putek naman oh! Nakakailan ka na ah!" sigaw ko kay Ana habang hinihimas ang batok ko.

"Bakit mo ba kasi ako iniwan?!?" sigaw naman ni Ana.

"Bakit kita iniwan doon na parang timang na nakatingin sa kawalan?" pang-aasar ko kay Ana. Bigla namang nagalit na talaga yung mukha ni Ana tapos nag-cross arms na parang bata. Sabi ko nga hindi dapat siya ginagalit eh! Inakbayan ko naman si Ana tapos naglakad na kami. Masyado na kasing nakakahiya doon eh... Pinagtitinginan na kasi kaming dalawa...

"Oo na! Hindi na kita iiwan. Promise yan..." sabi ko habang naglalakad kami ni Ana at naka-akbay ako sa kanya tapos ginulo ko naman yung buhok niya.

"Tss! Pinapatawad na nga kita!" sabi naman ni Ana. Para ko na itong nakababatang kapatid eh! Halos pareho kami ng ugali except lang sa matampuhin siya at ako kasi hindi.

"Basta! May kapalit yung pagpapatawad ko sayo." dagdag pa ni Ana. Sinasabi ko na nga ba at may kapalit eh!

"Ano naman yun?" tanong ko kay Ana. Hindi na ako nakipagtalo pa kasi alam ko naman na ang puno't dulo nito... papaya din ako.

"Ikaw ang tutulong sa akin at ang magiging tulay ko para mabakuran ko si Aaron!" sagot ni Ana. Inalis ko naman yung pagkaka-akbay ko sa kanya tapos tiningnan lang siya.

"Alam kong maganda at cute ako. Pero hindi mo ako kailangang titigan ng matagal." biglang sinabi ni Ana habang tinitingnan ko siya. Loka! -_-

"Type mo talaga si Aaron?" tanong ko kay Ana. Ngumiti lang siya ng pagkalaki-laki tapos tumango. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sige na nga! Ilalakad na kita kay Aaron..." sabi ko kay Ana at automatic na niyakap ako ni Ana ng napaka-higpit.

"Waaaaah! Thank you talaga Ash! I love you na rin!" sigaw ni Ana habang nakayakap sa akin.

"Eh siya... Bitawan mo na ako... At hindi na ako makahinga!" sabi ko at agad namang tinanggal ni Ana yung pagkakayakap niya sa akin.

"Hehe... Sensya naman! Peace..." sabi ni Ana tapos nag-peace sign. Pumunta na kami ni Ana sa classroom namin at pagkapasok na pagkapasok namin ay hinila agad kami nina Chelsea, Aria, Dana, Kath at Beth palabas ng classroom at dinala sa may school garden.

"Bakit niyo kami dinala dito?!?" tanong namin ng sabay ni Ana.

"May problema kasi!!!" sagot naman nina Chelsea, Aria, Dana, Kath at Beth

"Ano?!?" tanong ulit namin ni Ana ng sabay.

"Wait nga lang! Kailangan talaga parehas tayong nagsasabayang pagbigkas?!? Uso lang mga teh!" singit ni Kath. Oo nga noh?!? Hahahahaha! Epic!

"Ano ba talaga kasi yung problema?" tanong ko ulit para bumalik sa topic. Nagtinginan naman sina Chelsea, Aria, Dana, Kath at Beth tapos tumingin sa aming dalawa ni Ana. Nagtinginan naman kami ni Ana tapos parehas na lang sinapok ang ulo.

"ANO NGA KASI?!?" sigaw namin ni Ana. Kabadtrip kasi eh! Meron pang tingin tingin na nalalaman! Hindi pa kami diniresto!

"SI WILL AT IVAN KASI!!!" sigaw naman nina Chelsea, Aria, Dana, Kath at Beth ng sabay sabay ulit. Mukhang uso nga ang sabayang pagbigkas... At tsaka ko lang naalala na hindi pa nga pala nakakapag-bati yung dalawa! Shet! Nakalimutan ko!

"Anong meron kay Will at Ivan?" tanong naman ni Ana. Napa-face palm naman ako. Lumilipad yata utak nito eh!

"Halika ka nga rito Ana..." tawag ni Cheslea sa kanya. Lumapit naman si Ana kay Chelsea.

"Bakit?" tanong ni Ana kay Chelsea. Hindi sinagot ni Chelsea yung tanong ni Ana imbis ay binatukan niya ito. Ha! Nakuha niya tuloy! Blehh! Pambawi yan sa lahat ng batok na dinanas ko kanina! Ang bilis talaga ng karma!

"Talaga bang hindi moa lam kung anong nangyayari?!?" tanong ni Chelsea.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?!?" pamimilosopo ni Ana kay Chelsea. Binatukan naman siya ni Dana.

"At namilosopo ka pa!!! Di ba nga... nag-away si Will at Ivan?!?" sabi naman ni Dana.

"Senysa naman!!! Nakalimutan ko eh!!!" sabi ni Ana na parang paiyak na. Ikaw ba naman ang batukan ng dalawang beses at sunod-sunod.

"Mamamaya na nga kayo mag-away!!!" sigaw ni Aria.

"Mabalik tayo sa problema!!!" sigaw naman ni Beth.

"Kailangan na nating mag-isip ng plano! Para makapag-bati na yung dalawa..." sabi ni Kath. Tama si Kath! Pero... anong plano naman ang siguradong gagana? Hmmm...

"Ano namang plano?!?" sigaw ni Chelsea, Dana at Ana. Alam ko na kung anong plano! Sana mag-work!

"Ako ng bahala!" sigaw ko kaya naman napatingin silang lahat sa akin.

"Dalhin niyo si Will sa music room. Ako na ang bahalang magdala kay Ivan doon." paliwanag ko.

"Ano namang gagawin nila sa music room?" tanong ni Ana.

"Baka tatae sila doon ng sabay!" pamimilosopo ni Chelsea.

"Tatae agad?!? Hindi ba pwedeng iihi muna?!?" sabi naman ni Dana. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Mabilis namang kausap si Will kaya mapapapayag niyo yun kaagad. Kapag tinanong kayo kung bakit niyo siya gusting dalhin sa music room... wag na lang kayo magsalita, okay? Medyo matatagalan ako sa pagpayag kay Ivan kaya mas mauuna kayo sa akin sa pagpunta sa music room. Kapag nadala ko na doon si Ivan ako na ang bahala doon sa dalawa. Gets niyo na ba yung plano?" paliwanag ko sa kanila. Bigla namang nagtaas ng kamay si Dana kaya napatingin kami sa kanya...

"Ako! Hindi ko gets yung plano!" sabi ni Dana tapos ngumiti pa. Sinapok naman naming lahat yung noo namin tapos si Chelsea binatukan si Dana.

"Bobo!" sigaw ni Chelsea kay Dana.

"Kapag hindi na-gets... bobo agad?!? Hindi ba pwedeng slow muna?!?" sabi ni Dana.

"Hay nako! Mamaya na kayo magbangayan!" pagpigil ni Aria kay Dana at Chelsea sa pagbabangayan.

"Ash! Mauna ka na para hanapin si Ivan. Kami na ang bahala dito!" sabi ni Beth kaya naman iniwan ko na sila doon sa school garden. Mukhang matatagalan din sila kasi malamang sa malamang magbabangayan pa yung mga yun! Naglalakad ako nagyon sa hallway at hinahanap si Ivan. Alam kong wala si Ivan sa classroom namin kasi kapag ganito pa kaaga... Malamang nasa labas yun ng classroom at papasok lang yun sa loob ng classroom kapag malapit ng mag-time. Kadalasan naman kasi nasa tambayan ng mga basketball players si Ivan o kung hindi man... eh baka naman naglilibot lang yun dito sa school. Si Will naman yun ang sigurado akong nasa classroom kasi kung wala siya doon malamang magkasam sila ni Ivan. Eh since magkagalit nga sila... nasa classroom lang namin si Will. Habang naglalakad ako at iniisip kung nasaan ba si Ivan napatigil ako at tumingin sa relo ko. Malayo pa naman bago mag-time buti na lang! Nakaramdam din ako ng ihi kaya naman pumunta muna ako sa C.R. Pagkatapos kong umihi lumbas na ako ng C.R at kapag sinuswerte ka nga naman nakita ko si Ivan na papasok din sa loob ng C.R. (syempre sa C.R. siya ng boys papasok at hindi sa girls) Sa sobrang tuwa ko na-sigaw ko yung pangalan niya...

"IVAN!!!!" sigaw ko kaya naman napalingon si Ivan sa akin. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at napa-yakap ako sa kanya. Wait lang! Niyakap ko siya?!? My gulay! Bigla tuloy akong nabalik sa realidad kay naman bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko naman na ngumisi si Ivan kaya umiwas ako ng tingin.

"Ganun mo ba ako na-miss?" pang-aasar ni Ivan. Napatingin ulit ako sa kanya.

"Heh! Hindi ah! Hinahanap lang kasi kita kanina! Kaya nung makita kita nayakap kita sa tuwa!" paliwanag ko kay Ivan.

"So hinahanap-hanap mo na rin pala ako?" pang-aasar pa ulit ni Ivan sa akin tapos lumapit pa ng konti. Napaatras tuloy ako.

"Ewan ko sayo! Halika na nga lang!" sabi ko kay Ivan tapos hinila siya.

"Anong sabi mo? Halikan na?" tanong ni Ivan kaya naman natigil ako sa paglalakad tapos tumingin ako sa kanya.

"Ano?!?" sigaw ko. Hindi naman sumagot si Ivan at tumawa lang ng tumawa kaya naman kinaladkad ko na lang ulit siya para makapunta na kami sa music room kasi pakiramdam ko kanina pa sila naghihintay doon. At tsaka gusto ko na rin kasing matapos to! Habang naglalakad ako at kinakaladkad ko si Ivan, biglang nagsalita si Ivan...

"Saan mo ba ako balak dalhin?" tanong ni Ivan sa akin. Hindi na ako nagatubiling lingunin siya kasi nagmamadali na talaga ako.

"Sa music room!" sagot ko kay Ivan at tuloy-tuloy pa rin sa pagkaladkad sa kanya.

"Hoy! Ash! Alam ko namang may pagnanasa ka sa akin! Pero... Ayaw ko pang gawin yung gusto mong ipagawa sa akin! Hindi pa ako handa... Hayaan mo at sasabihan kita kapag handa na ako." sabi ni Ivan kaya naman napatigil ulit ako sa paglalakad at pagkaladkad sa kanya tapos humarap ako sa kanya. Pagkaharap ko naka-ngisi pa ang mokong! Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya sa sobrang badtrip ko... Tinadyakan ko siya sa tiyan!

"Arraaayyyy!!!!! Ano ba Ash?!? Bakit mo ako tinadyakan?!? Pota! Ansakit!" pagrereklamo ni Ivan habang nakalupagi sa sahig at hinihimas yung sikmura niya. Buti nga sayo! :P

"Meron ka pa kasing pagnanasang nalalaman! Ang kapal mo naman! Dapat lang yan sayo! Gago ka!" sigaw ko. Tumayo naman si Ivan sa kanyang pagkakaupo habang hinihimas pa rin ang kanyang tiyan.

"Niloloko lang naman kita! Tapos tadyak agad ang nakuha ko galing sayo?!? Grabe ka naman ata! At ako pa ang sinabihan mo ng gago ha?!?" sigaw naman ni Ivan na halatang galit na galit na. Siya naman kasi eh! Kung anu-ano ang sinasabi niya! Nabigla tuloy ako kaya natadyakan ko siya! >_<

"W-wag ka kasing magloloko ng ganun!!! Bwiset ka naman kasi eh! Kung anu-ano lumalabas sa bibig mo!" sigaw ko habang hindi makatingin ng deretso sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin?!? Arrggghhhh!!!! I hate this feeling!

"Teka nga... Bakit hindi ka maka-tingin ng deretso sa akin? Siguro... Iniisip mo nga yun noh? Hahahahahaha!!!" pang-aasar pa ni Ivan. Napatingin naman ako sa kanya tapos namula.

"G-gusto mo bang matadyakan ulit ha?!?" sigaw ko habang akamang tatadyakan sana siya ulit. Lumayo naman si Ivan ng konti habang kinakaway yung kamay niya na nagsasabing ayaw na niya.

"Joke lang! Joke lang! Chill! Hindi na kita aasarin! Kahit na namumula ka na... Pffft! Hahahahaha!" pang-aasar pa ulit ni Ivan. Kelan ba to titigil?!? At tsaka... ako namula? Weh? Di nga? Takte kasi yan! Namula pa ng wala sa oras!

"Arrgghh!!! Bwiset!!! Tara na nga lang! Sinasayang mo oras ko eh! Mamaya na lang kita tatadyakan ulit!" sigaw ko tapos hinila na ulit si Ivan at kinaladkad. Wala akong panahong patayin to! Konti lang ang oras namin at baka mag-time na kaya kailangan na nila talagang mag-usap ni Will. Tuloy-tuloy lang sa pagtawa si Ivan pero maya-maya tumigil na rin. Napagod na siguro! Pero mas maganda kung namatay na lang siya kakatawa eh! Hindi pala ako papaya... Kasi dapat kung mamamatay siya ako ang pumatay sa kanya para mas maganda! >:D Ilang minute lang ay nakarating na rin kami sa music room, agad akong pumasok at tama nga ang hinala ko... Nandito na sila! Nagulat naman si Will nang makita ako mas lalo nan g makita niya si Ivan. Si Ivan naman poker face lang.

"Ash!!! Akala namin hindi ka na dadating!" sabi ni Kath sa akin.

"Oo nga! Ang tagal mo kasi eh!" dagdag pa ni Ana.

"Sensya! Ito kasing mokong na ito ang dami pang satsat!" sabi ko tapos tingin ng matalim kay Ivan na naka-ngisi pa rin hanggang ngayon. Punitin ko bibig nito eh!

"Paano naman kasi... Si Ash pinag- qwertyuiop asdfghjkl zxcvbnm! " hindi na natuloy ni Ivan yung sasabihin niya kasi tinakpan ko yung bibig niya.

"Ah... Ash? Anong sinasabi niya?" tanong ni Chelsea sa akin. Ngumiti na lang ako.

"Wag niyo ng pansinin to! Hehe... Malaki na ang sira sa ulo..." sabi ko tapos tiningnan ko naman si Ivan na nagsasabing "manahimik ka! Kung gusto mo pang mabuhay!". Tumango naman si Ivan kaya naman inalis ko na yung pagkakatakip sa bibig niya. Kaso nga lang pagkaalis na pagkaalis ko nung kamay ko sa bibig niya bigla siyang sumigaw...

"Alam niyo ba si Ash may pagna- Arraayyyy!!! Shet! Punyeta naman oh!" sigaw ni Ivan. Hindi ulit natapos yung sinasabi niya kasi tinapakan ko siya sa paa.

"May sasabihin ka Ivan?" tanong ko kay Ivan tapos tiningnan siya ng matalim.

"Wala! Tss..." sagot ni Ivan habang hawak-hawak yung paa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik na lang ang atensyon kina Chelsea, Dana, Ana, Aria, Kath, Beth at Will.

"Uhm... Chelsea, Dana, Ana, Aria, Kath at Beth... Baka naman pwede niyo munang iwan kaming tatlo dito?" pakiusap ko sa kanila. Hindi na sila nagsalita pa at lumabas na lang ng music room kaya naman naiwan na kaming tatlo dito sa loob. Nakatayo lang kami ni Will at magkaharap sa isa't isa habang si Ivan naman nandito sa side ko nakaupo hinihimas yung paa niya at take note... nakasimangot pa siya!

"Hello Will..." bati ko kay Will tapos nginitian siya.

"Hello din sayo Ash..." bati naman sa akin ni Will tapos ngumiti rin. Nakita ko tuloy ang kanyang dimples. Oh my gulay! Ako ay naglalaway! Sa kagwapuhan niyang taglay! Hahahaha! Anlandi ng dating! XD Bigla namang umepal si Ivan sa napaka-sweet naming moment ni Will...

"Arraaayyyy!!!! Annggg saakkkiiiittttt!!!!!" sigaw ni Ivan habang naka-upo doon sa sahig na halata namang umaarte lang na masakit yung paa niya inapakan ko kanina -_- Problema nito? Panira talaga ng moment! Kainis! Nilapita ko naman si Ivan...

"Ang arte mo naman! Tumayo ka na nga lang! Weak!" sigaw ko kay Ivan. Agad namang tumayo si Ivan...

"Sinong weak?!? Ha?!?" sigaw ni Ivan. Seryoso? -_- Bingi ba talaga tong kausap ko o ano?

"Ay! Hinde! Yung floor ang sinasabihan ko ng weak! Yung floor! Floor naman kasi eh! Ang weak weak mo talaga! Hindi ka matibay!" pamimilosopo ko kay Ivan habang kinakausap yung sahig.

"Tanga..." narinig kong bulong ni Ivan.

"Bobo..." bulong ko naman pero sinigurado kong maririnig ako ng Ivan. Akala niya huh?!? Magsasalita pa lang sana si Ivan pero hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at pinongot siya sa tenga tapos hinila.

"Wag ka na ngang maraming satsat! Halika na nga lang!" sabi ko kay Ivan habang hinihila siya sa tenga.

"Aray! Aray! Tenga ko! Aaaaah! Ash naman eh! Aray!" reklamo ni Ivan kasi nasasaktan na siya. Bhelat! :P Hindi ko na lang siya pinansin at hinila siya para magkaharap sila ni Will. Nung magkaharap na sila ni Will hindi sila nagpapansinan kung baga parang wala sila sa harapan ng isa't isa. Si Ivan nakatingin sa kanan tapos hinihimas yung tenga niyang ang pula pula na. Tapos, si Will naman nakatingin sa kaliwa tapos sumisipol-sipol pa at taas-baba lang ang tingin. Ano sila? Bata? Jusko po naman! =_=

"Ano ba kayo ha?!? Magbati na nga lang kayo ng makapagcelebrate na tayong magkakabarkada!!!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Tiningnan nila ang isa't isa pero nagiwasan naman ng tingin. Harujusko naman oh! Anong gagawin ko dito sa dalawang ito? Matapos ang ilang minutong katahimikan nagsalita na rin si Will...

"Sige, pare... Ako na ang unang magso-sorry dahil alam ko namang ma-pride kang tao. Sorry... Nag-alala lang kasi talaga ako kay Ash kaya kita nasuntok." sabi ni Will. Nahulaan ko na namang si Will talaga ang unang magso-sorry. Asa ka namang mag-sorry kaagad yang si Ivan! Buti nga ako narinig na yang mag-sorry kahit isang beses lang eh! Kung baga sa lotto... jackpot prize na yun! Napatingin naman ako kay Ivan na hanggang ngayon ay hinihimas pa rin yung tenga niya at naka-simangot pa rin...

"Ivan... Wala ka bang sasabihin?" tanong ko kay Ivan. Napa-buntong hininga naman si Ivan at napa-tungo tapos tumingin naman siya kay Will.

"Pinapatawad na kita pare. At tsaka... Sorry na rin doon sa ginawa ko kay Ash. Quits na ba tayo?" tanong ni Ivan kay Will tapos inihaya ni Ivan yung kamay niya para makipag-shake hands kay Will. Ngumiti naman si Will tapos nakipa-shake hands na rin kay Ivan.

"Yehey!!! Ayos na sila!!!" sigaw ko habang tumatalon-talon pa.

"Ang ingay mo Ash!" sita sa akin ni Ivan.

"Heh! Masaya lang ako! Wag ka nga!" sigaw ko kay Ivan.

"Masaya kang makita ako?" pang-aasar sa akin ni Ivan habang nataas-baba pa ang kilay. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ewan ko sayo Ivan! Tara na nga Will! Iwan na natin dito si Ivan!" sabi ko tapos nag-cling sa braso ni Will. Si Will naman tawa lang ng tawa. Ang saya naman yata nito masyado!

"Huy!!! Sandali lang!!! Hintayan niya ako!!! Madaya!!!" sigaw ni Ivan tapos hinabol kami. Nahabol niya naman kami ni Will kaagad at nasabayan kami sa paglalakad. Inakbayan ko naman si Will at Ivan nung palabas na kami ng music room. Pagkalabas naming tatlo sa room nakita namin sina Chelsea, Dana, Ana, Aria, Kath at Beth na naghihintay.

"Guys!!! We're back!!!" sigaw ko kaya naman napalingon silang lahat sa aming tatlo. Nakatalikod kasi sila kaya hindi nila napansin yung paglabas naming tatlo. Nanlaki naman yung mga mata nila Chelsea, Dana, Ana, Aria, Kath at Beth at bigla na lang sinugod kaming tatlo nina Will at Ivan tapos niyakap kami. Nag-group hug na tuloy kami...

"Tama na nga itong group hug na ito!!! Ang babaho niyo!!!" sigaw ni... Hulaan niyo nga kung sino ang sumigaw niyan? Tama! Walang iba kung hindi si... Ivan! Tinigil na namin yung group hug dahil sa utos nung mahal na hari! -_-

"Ang yabang mo naman! Ang bango mo eh!" sigaw ko kay Ivan.

"Talaga! Amuyin mo pa nga ako eh!" sabi ni Ivan tapos nililapit pa yung sarili niya sa akin para lang maamoy ko siya. Mmmm... Infairness! Medyo mabango nga...

"Yuck! Kadiri ka! Lumayo ka nga!" sigaw ko tapos tinulak si Ivan palayo sa akin. Lumapit naman ako kay Will.

"Para sa akin! Si Will lang ang pinaka-mabangong lalaki sa buong mundo!" sabi ko na para bang inaasar si Ivan. Napansin ko namang para bang namula ng konti si Will. Ayyiiieee! Keneleg nemen eke! Hahahaha! Anlande ko talaga pagdating kay Will!

"Tsk..." sabi ni Ivan tapos hindi na lang ako pinansin. Mas mabango naman kasi talaga si Will para sa akin! Mahal ko eh! Naks naman! Kinikilig ulit ako! Lolz

"Tama na nga yan!!!" sigaw ni Kath.

"Oo nga! Mamaya na kayo magbangayan!" sigaw naman ni Aria.

"Ituloy na lang natin to mamaya sa SM!" sabi ni Ana na halatang excited na excited na.

"Basta kakain tayo ng masrap mamaya ha?!?" sabi ni Chelsea. Patay gutom... -_-

"Oo nga! At tsaka dapat libre!" sabi naman ni Dana. Mukha ng libre... -_- Binatukan sila ni Beth.

"Mukha niyo! Ano kayo sinuswerte?!? Kanya-kanyang bayad mga dre!" sigaw ni Beth kay Chelsea at Dana.

"Sayang... Pagkain din yun..." bulong ni Chelsea kay Dana.

"Oo nga! Nandoon na eh! Akala ko naka-jackpot na tayo!" bulong naman ni Dana kay Chelsea. Dyan sila nagkakasundo eh... Pagbigyan!

"Alam niyo... Mamaya na lang natin to pag-usapan kasi..." panimula ko tapos tiningnan yung orasan ko para alamin kung anong oras na. Nakita ko na 7:25 na... At 7:30 ang klase namin..

"5 minutes na lang pala at time na..." dagdag ko pa. Nagkatinginan naman kaming lahat tapos nanlaki ang mga mata.

"5 MINUTES NA LANG LATE NA TAYO!!!!" sigaw naming lahat at nagtatakbo papunta sa classroom. Hahahaha! Kahit na lahat kami ngayon ay nagtatakbuhan na sa hallway at kinakabahan dahil baka malate kami... Ang saya ko lang kasi... bumalik na ulit kami sa dati...

Author's Note:

Inaantok na ako pero... Go lang ako ng go sa pagta-type! Ganyan ang pagmamahal ko sa inyong lahat! Wagas! Hahahaha! XD Medyo matagal bago ako nakapag-UD alam ko... Busy sa school eh (Weh? Busy? O baka naman busy-busyhan lang?) Joke lang! Busy talaga ako... Syempre! Masipag na estudyante! Pero... tulog naman sa klase! Hahahaha! Uy... Di ako ganun ha! Maniwala kayo... Kung ayaw niyo di wag! XD Hahahaha! Yung next UD naman... matatagalan ulit! Sabi naman kasi sa inyo eh masipag talaga ako! Lolz... Pero yun na nga... matatagalan siya. Salamat naman kasi kahit matagal akong mag-UD meron pa ring sumusubaybay sa story ko :) At tama na to kasi napapahaba na yung speech ko XD Abangan niyo na lang yung mga susunod na mangyayari kasi mas magiging exciting siya... Pramis! Honesto! Ako nga naeexcite na eh... kayo pa kaya! Yun lang po... LABYU ALL!!! <3 Nga pala.. Picture ni Will yung nasa right side :) Makalaglag panty at bra! XD Hehe.. Cute niya kasi eh! >_<

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
77.4K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...