Taming The Bad Boy [Complete]...

Oleh PrincessInJeans

1.3M 19.9K 2K

[Formerly : Taming The Casanova Gangster] He is a jerk. I was naive. Our love was wicked. And this is our st... Lebih Banyak

Prologue
Introduction
Chapter 1 [Manong Manyakis]
Chapter 2 [The Deal]
Chapter 3 [The Playboy vs. The Amazona]
Chapter 4 [How to Tame a Casanova]
Chapter 5 [Secrets]
Chapter 6 [I'm sorry]
Chapter 7 [The Nerd and The Playboy]
Chapter 8.1 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 8.2 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 9 [Si Voldemort at si Kuya Payong]
Chapter 10 [Enzo Who?]
Chapter 11 [WHAAAAT?!]
Chapter 12 [Dwaeji.]
Chapter 13 [Nagseselos nga.]
Chapter 14 [Not so happy birthday]
Chapter 15 [Love and Friendship]
Chapter 16 [Heartbreak]
Chapter 17 [Truth]
Chapter 18 [Win His Heart]
Chapter 19 [End of the Day]
Chapter 20 [Nagpapapansin]
Chapter 21 [Can I kiss you?]
Chapter 22.1 [Bestfriend]
Chapter 22.2 [Bestfriend]
Chapter 23 [Mutual Feelings]
Chapter 24 [Daddy's girl]
Chapter 25 [Last Goodbye]
Side Story [Keeping Faith]
Introduction [Part Two]
Chapter 26 [Home]
Chapter 27 [Damn you]
Chapter 28 [Still the same]
Chapter 29 [Game On]
Chapter 30 [It's Different]
Chapter 31 [Push and Pull]
Chapter 32 [Smile More]
Chapter 33 [I'll chase you]
Chapter 34 [I'm not sorry]
Chapter 35 [Stay]
Chapter 36 [Against everything]
Chapter 37 [Let you go]
Chapter 38 [Get over you]
Chapter 39.1 [Andrea Wilson]
Chapter 40 [That Lingering Feeling]
Chapter 41 [Let's end this]
Chapter 42 [Wait for me]
Chapter 43 [Strangers]
Chapter 44 [Meant to be]
Epilogue

Chapter 39.2 [Andrea Wilson]

13.4K 242 13
Oleh PrincessInJeans

Baka lang naguluhan kayo, yung chapter 39.1 nangyari before chapter 38. Bale, parang flashback siya ni Justin :)

Chapter 39.2

[Andrea Wilson] 

  

< Sophia’s POV >

“PJ! Dahan-dahan sa pagkuha ng junk foods!” Dinampot ko yung yung mga nilagay ni PJ sa shopping cart na kung anu-ano. Bad move talaga na sinama ko siya maggrocery at iniupo pa dun sa may cart. Swear, lahat ng naaabot niya nilalagay niya dun sa cart. Parang si---

Parang si Justin noon. Ang tagal na rin mula nung mga panahong yun. Noon na bagong kilala pa lang kami at simple pa ang lahat.

“But Mimi, I waaaant.” Nagpacute sa’kin si PJ. Eeehh, ba’t ba ang cute cute ng kapatid kong ‘to. Di ko matiis!

“No baby, pili ka lang ng five. Mamumulubi ako sa’yong bata ka kung bibilhin natin lahat yan. Kuripot pa naman si Mommy sa pagpapasweldo sa’kin.” Tumango si PJ at kumunot yung noo niya na parang life-changing decision ang pinag-iisipan niya. Huhu ang cute! Hinalikan ko yung cheeks niya na sobrang chubby.

“Pia? Piaaaa!” Napadiretso ako ng tayo at tumingin sa tumawag sa’kin.

Si Tita Leslie! Mama ng taong walang ibang ginawa sa ngayon kundi guluhin ang buhay ko, si Justin.

“Long time no see, hijaaa! How are youuu?” Lumapit sa’kin si Tita Leslie at bigla akong niyakap. Hindi na ako nakapagreact sa sobrang gulat sa bigla niyang pagsulpot.

“Tita.. Hello po.”

 

“Naku! Tama nga yung anak ko, ang ganda mo na lalo!” Ack. Ano daw?

Pilit akong tumawa. “Ha. Ha. Talaga po? Kayo din po!” THIS IS SO AWKWARD!

“Mimi! Mimi! This oh!” Sabat ni PJ habang tinuturo yung mga napili niya. SAVIOR!

“Oh! Siya na ba yung half-brother na nakwento sa’kin ng Mama mo?” Nilapitan ni Tita Leslie si PJ at kinarga. “Ang cute!”

 

“May communication pa po pala kayo ni Mommy, Tita?”

 

“Of course! Naging close rin naman kami dahil dun sa---oops. Sorry, Pia.” She smiled apologetically. Umiling lang ako.

“Engagement? It’s okay, Tita. Wala na po yun sa’kin. I’m over it.”

 

“Talaga?” Ngumiti ng malaki si Tita. “Salamat naman! Sorry sa mga nagawa ng anak ko noon ha? And you know what, I’m still the number one fan of your loveteam.” Kinindatan ako ni Tita Leslie.

Suskupo. “Hehe. Ikaw talaga, Tita.”

“Seryoso ako nooo!” Ngumisi sa’kin si Tita Leslie. “Anyway, tapos na ba kayong maggrocery? Do you have a ride home?”

 

“Um...” Tinignan ko yung phone ko at hindi man lang nagparamdam yung mokong na si James. Siya kasi naghatid samin dito tapos iniwan kami dahil may pupunta daw siya at susunduin na lang ulit kami. Kaso hanggang ngayon nawawala pa rin. Kahit kelan talaga yung baliw na yun -__- “Susunduin po kami nung stepbrother ko.”

 

“Oh! Si James yun, di ba? Yung kaibigan ni Justin from highschool?”

 

Tumango na lang ako kahit nawiweirduhan pa rin ako kung bakit sobrang updated pa rin si Tita Leslie sa buhay ko. Kung sa bagay, magkaibigan na nga daw sila ni Mommy. Ano yun, pinagchichismisan nila kami?

“Nandito na ba siya?” Umiling ako. “Naku, ako na lang maghahatid sa inyo! Bawal humindi!”

* * *

“Sorry, Pia. Do you mind? I mean, okay lang talaga kung hindi okay sa’yo. On the way, kasi papunta sa inyo ‘tong condo ni Justin and maghahatid lang sana ako ng groceries para sa kanya. Don’t worry! Wala siya ngayon dun as far as I know.” Tuloy tuloy yung pagsasalita ni Tita Leslie na parang kinakabahan siya sa magiging reaction ko.

 

Napalunok ako at hinigpitan ko yung hawak kay PJ na likot ng likot sa tabi ko. “Okay lang, Tita. I don’t mind.”

 

“Hay! Salamat naman. You know what, Pia...” Ngumiti ng malungkot si Tita Leslie. “I really would have loved it if you became my daughter-in-law. I really like you for my son. Dahil sa’yo, he did his best to become a better person. You were able to tame the chaos that was my son. Sobrang engot lang talaga ng anak ko para pakawalan ka pa.” Ngumiti na lang ako kay Tita Leslie dahil sa wala na kong masagot. “Naku! Wag mo nga akong pansinin. Alam mo na, tumatanda na.” Ngumiti siya sa’kin.

Tahimik lang kami habang paakyat sa unit ni Justin. Hindi ko lang maiwasang maalala yung mga panahon na dito ako sa condo niya nakatira. High school memories... sobrang nostalgic ng lugar na ‘to.

“Mimi, san tayo?” Tanong ni PJ sa’kin.

“We’re going to visit my old house, baby.”

“Pasok, Pia.” Sabi ni Tita Leslie pagdating namin sa unit ni Justin. Tumingin ako sa paligid. Ganun pa rin yung ayos nung furnitures, yung kulay ng dingding... Nagbago lang yung ibang appliances na naupgrade na.

“Kayo pa rin po ba laging naggogrocery para kay Justin?” Naalala ko yung unang beses na nalaman kong hindi siya marunong maggrocery dahil si Tita Leslie ang laging bumibili ng lahat. Hah, Mama’s boy talaga nung lalaking yun.

“Hindi na. Ngayon na lang since sa bahay siya nagstay kaya sinabay ko na.” Ngumisi si Tita Leslie. “Magagalit na naman yun pag nalaman na bumili na naman ako ng groceries niya.”

 

Napangiti ako. “Samantalang dati kayo po lagi yung pinaggogrocery niya.”

 

Tumawa si Tita Leslie “I know, right? Huy, wag kang tumawa. Bagets pa talaga ako no. At oo nga pala, birthday celebration ni Justin bukas ng gabi. Sa bahay namin.Alam mo naman kung san yun, di ba? Kaya wag kang mawawala ah? Promise mo yan!”  Hindi na ko nakasagot kay Tita Leslie dahil tuloy tuloy siya sa pagsasalita. Pero ako? Pupunta bukas? Nope. No way. “Nasan nga pala yung kapatid mo?”

Napalingon ako sa paligid. Wala si PJ! “PJ?”

“Mimi!” Agad akong nagpunta kung nasan yung boses ni PJ at naabutan ko siya..

..sa dati kong kwarto. Walang wala siyang pinagbago. Kung pano ko siya iniwan, more than five years ago, ganung ganun pa rin siya.

“Mimi! Piktyur!” Tinignan ko yung tinuturo ni PJ. Ah, may isa palang nagbago. Sa bedside table, meron nang picture frame na may lamang litrato namin ni Justin na magkasama.

“Hindi niya pinagalaw ‘to mula nung umalis ka.” Nakatayo si Tita Leslie sa may pintuan nung kwarto at pinapanood ako. “Pinapalinis lang niya regularly tapos pinapabalik ulit lahat sa dating pwesto. Baka daw kasi dumating yung oras na bumalik ka.”

 

“Tita.. bakit ganon? Nung nandito ako at nasa tabi niya ko, hindi niya ko makita noon.. hindi niya ko mapansin. Laging si Angeli lang. Tapos kung kelan umalis ako at sumuko sa kanya, saka niya ginawa yung mga bagay na ‘to. Kung kelan huli na. Kung kelan wala na ko at hindi ko na makikita.” Hindi sumagot si Tita Leslie. “Tita, CR lang po ako bago tayo umalis ah?”

Dumiretso ako dun sa CR sa dati kong kwarto. Yung mga toiletries na gamit ko noon, nandun pa rin. Bago nga lang yung mga ‘to at puno pa lahat.

So, hinihintay niya talaga akong bumalik noon? Umalis ako dito bago pa nung engagement party namin, bago pa ako maaksidente at bago pa mawala si Daddy. Ibig sabihin noon pa lang... mahal na ko ni Justin?

Justin.. bakit hindi ka nagsabi? Bakit bigla ka na lang kasing umalis noong nasa ospital ako at tumakbo ka sa tabi ni Angeli? Kung sinabi mo lang sana na babalik ka... kung sinabi mo lang sana. Nasalba siguro tayong lahat ng limang taon. Hindi tulad ngayon na komplikado na ang lahat. Na nasa buhay ko na si Enzo. Ugh, ang engot mo Justin!

Naghilamos ako at kinalma yung sarili ko.

“Who is she, Justin?” Napatigil ako sa paglabas sa banyo. Bakit may babae na sa kwarto ko---dati kong kwarto? Nasan sina PJ?

“Aish! Wag mo ngang pakialaman yan!” Kinabahan ako nung marinig ko yung boses ni Justin. Pinagpapawisan na agad yung mga kamay ko at hindi ako mapakali. Babalik ba ako ng CR or lilitaw na lang ako bigla? Hindi ba weird na nandito ulit kaming dalawa sa dati kong kwarto?

“Don’t shout at me! Hindi ako bingi, okay? At ang arte naman nito. Nagtatanong lang e.”

 

“Sinabi ko naman sa’yo, wag kang pumasok dito! Tsaka tumayo ka nga diyan sa kama. Nagugulo oh!”

“Tss. Ayan, happy? Tsaka sino bang may-ari nung kwarto na ‘to? Yung girl ba sa picture?”

Lumabas na ko ng tuluyan at nakita ko si Justin na nakapamewang at kunot-noong nakatingin sa isang babae na nakatayo sa gitna ng kwarto. Lumingon yung babae—siya yung babaeng kasama ni Justin kagabi sa Manila Ocean Park!

“Oh, it’s you!” At mukhang nakita rin niya ko. “Ikaw yung nandito sa picture and... the girl from last night, right?”

Napatingin sa’kin bigla si Justin. Di kaya nabali yung leeg niya niyan? “Pia?! O__O” Kinabahan ako lalo.

 

“Hi. Um... sina PJ at Tita Leslie?” GAHD PIA, KALMA. KALMA LANG, OKAY?

 

“N-nasa kusina. Hindi nasabi sa’kin ni Mama na kasama ka nila...”

 

“Well, nandun si PJ. What did you think?” Okay, too much. Hindi ko na naman tuloy maiwasang tarayan siya.

 

“I...” Lumunok si Justin. “I don’t know.”

“Ehem.” Napatingin ako dun sa babae. Ngumiti siya sa’kin. “Sorry to break the atmosphere but hi! I’m Andrea Wilson. And you are?”

 

“Sophia Buenaventura.”

 

“Justin’s girlfriend?” Umubo si Justin.

“Er, no. I’m his... uhh, just someone he knows.”

 

“Oh! He’s just my driver, by the way.” Driver? “So, no worries. Pansin ko namang you two are an old flame.” Umubo ulit si Justin.

“Okay ka lang?” Sarcastic na tanong ni Andrea sa kanya kasabay ng sarcastic ko ring pagsabi ko ng, “Gamot sa ubo, gusto mo?”

 

“Nope. Okay lang ako.” Mabilis na sagot ni Justin. Tapos huminga siya ng malalim at tumitig lang samin.

“We’re not... ex—He’s not my ex-boyfriend.” Ngumiti ako kay Andrea.

“Ah.” Tumango si Andrea. “You look familiar, though. San pa nga ba kita nakita?” Tinitigan ako ni Andrea.

“Uhm, magazines siguro. Singer yung boyfriend ko.”

 

“Boyfriend? Who---“ Nanlaki yung mata niya. “OMG! You’re—“

 

“Enzo’s girlfriend.” Sabat ni Justin. Halata sa mukha ni Andrea yung pagkagulat niya. Ilang beses niya kong tinignan ng pababa-pataas. “Tara na, Pia.” Lumapit sa’kin si Justin at hinila ako. Hindi na ko nakaangal dahil masyado akong nawiweirduhan kay Andrea. Sino ba siya? “Um.. Pia, sorry pala kay mama. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at dinala ka pa niya dito. Alam naman niya... yung dati.”

 

Napatitig ako dun sa kamay niya na nakahawak pa rin sa kamay ko. Sinundan ni Justin yung tingin ko kaya agad niyang binitiwan yung kamay ko. “Okay lang.”

“At wag mo na rin pansinin si Mama. Hindi mo kailangang pumunta sa birthday celebration ko.”

 

“I didn’t plan to.”

 

Tumingin nang matagal si Justin sa’kin at tinitigan ko rin siya pabalik. Huminga siya ng malalim. “Okay.”


Tumango ako. “Okay. We’ll be going. Bye Justin.”

* * *

“Hindi ka talaga pupunta?” Tanong ni James mula sa pintuan ng kwarto ni PJ.

“Um, wait. Ilang beses mo nang tinanong yan sa’kin? The answer is still no, James.”

 

“Sungit!” Nagpout siya. Lumapit siya sa’kin at umupo sa tabi ko. “You should come. Andun yung buong barkada. Ikaw lang wala. At isa pa, matutuwa yun kung nandun ka.”

 

“No. He told me not to come. Ayoko rin. End of conversation.”

 

“Kunwari lang ‘yon. At sigurado ako, kunwari ka lang din.”

 

“Tigilan mo nga ako, James. Alis naaaa.” Tinulak ko si James. Ngumisi siya sa’kin at tumayo.

“Alright. See you later sa party, Pia.” Sinamaan ko siya ng tingin at sisigawan sana kaso tumakbo na siya palayo.

* * *

BALIW NA ATA AKO. Okay, anong ginagawa ko dito? Bakit ako nakapark sa labas ng bahay nina Tita Leslie kung san nagaganap yung linshak na party na yan ni Justin? Naiimagine ko na yung magiging reaction ni James pag nakita niya ko dito. “Ha! Tama ako, di ba? Hindi ka makakatiis?” Evil smile.

Okay. Alis na, Pia. U-turn at magtuloy tuloy ka na pauwi sa inyo and never look back. Nobody would know that you were ever here.

Pumikit ako at sumandal sa upuan ko. 5 minutes. Magpapahinga lang ako.

May narinig akong katok sa binatana ng kotse ko. Napabangon ako mula sa pagkakatulog ko. Shoot. Nakatulog ako! Tinignan ko yung clock sa dashboard at nakitang mahigit kalahating oras akong nakatulog.

May kumatok ulit sa bintana at nakita ko si Justin na nakakunot ang noo at nakasilip sa kotse ko.

Binuksan ko yung bintana. Yumuko si Justin hanggang sa magkalevel na yung mukha namin.

"Bakit ka natutulog sa loob ng kotse mo sa harap ng bahay ko, Pia?" Half-amazed at half-amused niyang tanong.

"Uhm.. Eh kasi.." Lumingon lungon ako expeting na may biglang lilitaw na rason sa tabi tabi para maibigay ko dito kay Justin. Pero walang lumabas, bakit nga ba walaaa? At higit sa lahat, bakit nga ba kasi ako nandito? Aba'y ewan ko din. "Uhhh..." 

"Why are you here, Pia?" Seryoso na niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya at napalunok. Hindi ko alam, birthday mo kasi at sabi ni James... and I just drove. I was avoiding going here but I somehow ended up in front of your house.

Napakagaling, Pia? Sabihin mo yan ah?

"E-ewan ko. Uhm, hinahanap ko lang si, uhh, si James? May, uhh, sasabihin lang ako sa kanya." 

"Bakit hindi mo na lang tinext o tinawagan?" Kumunot yung noo niya at tinignan niya na parang sinusubukan niyang maintindihan ako. HIndi ako sumagot. Tumayo si Justin. "Teka, tatawagin ko lang siya." 

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. Napasandal ako sa upuan ko at napapikit.

Stupid, stupid, stupid, Pia! Ano bang ginagawa mo!

"Happy Birthday, Justin.." binulong ko sa kawalan.

"Thank you.” Napadilat ako at nakitang nakatayo si Justin sa gilid ng kotse at nakapamulsa. Akala ko ba umalis na 'to para tawagin si James?  "Pia.." Bumuntong hininga siya at yumuko ulit sa kotse ko. "Ano bang ginagawa mo? Alam kong pinakawalan na kita. Pero utang na loob, Pia.. Don't tempt me."

"H-ha?"

"God knows how much I want to hug and kiss you right now and just take you away. But I can't. Kasi sabi ko titigilan na kita. Pero kung patuloy kang magpapakita sa'kin, I might just break my self-control. And I have little self-control when it comes to you as it is. Don't tempt me further kung ayaw mong ituloy ko yung pag-agaw ko sa'yo kay Enzo." Bumuntong-hininga ulit si Justin tapos mabilis na naglakad papasok sa bahay nila kung saan nagaganap yung party.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

93.2K 3.1K 73
Lumipat si Yesha Vera ng ibang lugar, umaasang matakasan ang sakit mula sa nakaraan niya. Desididong maibalik ang dating siya upang makabalik na rin...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
29.5K 502 62
Noon, naranasan ko nang magmahal ng isang seminarista at siyempre ang masaktan din ng dahil sa kanya ... Makakaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya...
142K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.