PASSWORD (Completed) (Raw)

By dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... More

Password
PASSWORD : Chain Reaction
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD : We meet again!
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : Her secret
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
PASSWORD : Becoming One
Finale : I am into you

PASSWORD : Choose

538 30 12
By dcmuch



Mabilis ang mga pangyayari kasalukuyang yakap ni Shery ang sarili habang tulala sa pinto ng Emergency Room.



Lumaban ka pakiusap, ikaw nalang ang nag-iisang alam kong paniniwalaan ni Katie. Brent... Lumaban ka!



Nang maalala niya ang eksena kanina kung paano itutok ni Katie ang baril sa kanya nang may diin at galit, gigil niyang idiniin ang kamay sa dibdib. Katie? Ang akusa nito sa kanya ay hindi niya inaasahan na para bang ang pagkawala niya ay napakalaking kasalanan dahilan upang umabot ito sa gusto siyang patayin.



Humalukipkip siya saka pumikit. Gusto niyang umiyak dahil nahihirapan na siya. Napakasakit dahil ang nag-iisang iniisip niyang kakampi at dahilan para magpakatatag ay gagawin ang ganitong bagay. Muli niyang naalala ang itsura ni Katie kung paano siya nito sabihang mamamatay tao at akusahang pinatay ang lolo nila.



Idinilat niya ang mata saka kinuha ang cellphone upang tawagan si Perry.



Sa ikalawang ring ito sumagot, "Ikaw na muna ang bahala kay Katie d'yan basta kailangan matanggal ang pill na inilagay sa katawan niya."



Kanina kasi bago siya magpunta sa event kinatagpo siya ng Paperdoll sa pamumuno ni Cage. Pinaliwanag ng mga ito kung paano at ano ang kwintas. At lahat ng iyon ay dahil sa pill na itinanim ni Yvon sa katawan ng lahat ng may kwintas. Malaki ang naging takot ni Shery dahil maging si Katie ay mayroon nito kaya naman nagplano sila. Siya na hahanapin ang control samantalang ang Paperdoll ang bahalang lumikom nang lahat ng pangalan ng may kwintas upang ipatanggal ang pill habang si Cage naman ang bahala sa pagmanman sa kinikilos ni Victory at ni Yvon.



Nalaman din ni Shery na nasa mental hospital si Victory sa hindi nila malamang dahilan.



Matagumpay na nakuha ni Shery ang button at agad na sinira pero sa mga oras na ito nailagay niya ang kamay sa dibdib. Bakit hindi mawala-wala ang kaba ko? Bakit parang pakiramdam ko may mangyayaring masama?



"Miss Shery?"



"Sorry anong sabi mo Perry?" Tumayo si Shery saka hinilot ang ulo. Hindi pa kasi siya kumakain buhat nang makabalik kaya ang physical na katawan na niya ang nagrereklamo.



"Halos lahat nang nalagyan ng pill ay kasalukuyang mga nasa ospital!"



Nakahinga ng maluwag si Shery sa narinig, "Mabuti naman, siya nga pala itatanong ko sana si Chamber?"



"Shery?"



Naparalisa siya sa pagkakatayo at nakaramdam ng kakaibang tensyon sa buong katawan. Kahit isang buwan na ang lumipas hinding-hindi niya makakalimutan ang pamilyar na boses na iyon. At kahit gaano kalalim ang dahilan ng pwede niyang ikagalit dito tila parang may harang na hindi hinahayaang mamuni iyon sa kanyang puso bagkus ay pananabik na makita itong muli.



Kinakabahang humarap siya rito habang ang daliri ay kusang pinindot ang end call, tumambad sa kanya ang puno nang pagod at puyat na si Evo.



Naibuka niya ang bibig saka napa-atras, parang hindi kasi si Evo ang nasa harapan niya. Samantalang nakita niya na ito kanina pero ngayon ay halos natuon dito ang buong atensyon niya. Humaba hanggang tenga ang buhok nito at litaw na litaw ang eyebag na parang nag-adik ng isang taon. Bumagsak din ang balikat nito at bakas ang pagliit ng katawan.



Ngumiti si Evo sa kanya na para bang wala itong problemang pinapasan.



Bakit mo pinabayaan ang sarili mo?



Kagat ang ibabang labi naipikit niya ang mata.



"Masaya ako at ligtas ka!" positibong turan nito na siyang nagpabalik ng atensyon ni Shery. Ikinuyom niya ang kamao matapos ay tumingala, Miss na miss na kita pero hindi pwede. Hindi tayo pwede!



"Ako nang bahala kay Brent pwede ka nang umalis!"



"Shery mag-usap tayo, please!"



Kagat ang dila ay tinalikuran niya ito. Gustong kumawala ng mga luha sa kanyang pisngi pero pilit niya 'yon nilalabanan.



"Salamat sa pagtulong kay Brent!" malamig niyang pakikitungo rito saka lumakad papalapit sa mga kakarating lang na magulang ng binatang si Brent.








MABIBIGAT ang bawat hakbang ni Evo, ayaw niyang iwan ang dalaga. Natatakot siyang baka hindi nanaman ito magpakita o mas malala baka ito na ang huli nilang pagkikita.



Huminto siya sa paglakad at sinapo ang ulo. Nitong nagdaang araw kasi palagi na 'yon sumasakit. Muli niyang nilingon ang papalayong si Shery, Kahit sabihin mong lumayo ako o ipagtabuyan mo ako hindi kita iiwan Shery!



Wala sa sariling nilingon niya ang bintana sa kaliwang bahagi. Doon nakita niya ang imahe ni Yvon kung kaya't biglang gumuhit ang pag-aalala sa mata niya.



Kinuha niya sa bulsa ang cellphone matapos ay tinawagan ito. Habang hindi inaalis ang paningin dito kita-kitang niya kung paano pumamewang ito.



"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis!"



"Magkita tayo sa likod ng building na 'yan." Agad niyang pinatay ang tawag saka lumakad kasabay nang pagngiti ni Yvon mula sa kabilang dako.






---







"Ikaw na ba 'yan Evo?" tanong ni Yvon sa kanya noong makarating sa tagpuan.



Lumantad siya sa liwanag saka tumango siyang ngiti naman ni Yvon at patakbo siyang nilapitan. Agad siyang niyakap nito na para bang ilang taon silang hindi nagkita, matapos yumapos tinitigan siya nito at inayos ang buhok, "Bakit hinayaan mong humaba 'to?"



Agad niyang pinigil ang braso ni Yvon sa noo'y paghaplos sana ng kanyang pisngi, "Yvon tama na. Hayaan mo na ang kayamanan sa kanila!"



Tinitigan siya ng mabuti ni Yvon kaya bahagyang nakaramdam ng kaba si Evo. Naging tahimik ito na wari mo'y may malalim na iniisip hanggang sa bigla itong ngumiti, "Sige."



Agad bumakas ang pagtataka sa mukha ni Evo sa narinig dahil hindi ang tipo nito ang lulubayan si Shery lalo pa't inggit na inggit ito rito.



"Pero sa isang kundisyon."



Bagaman taliwas sa kanyang sundin ang kung ano mang hilingin nito pero para kay Shery at sa ikakaligtas nito ay susugal siya, "Sige ano 'yon?"



"Sumama ka muna sa akin saka ko ipapaliwanag."



Nagtungo sila sa isang mental hospital. Nakasunod lamang siya kay Yvon hanggang sa huminto ito sa isang pinto. Sa noo'y pagpihit ni Yvon ng door knob agad niya itong pinigilan, "Anong gagawin mo?"



Ngumiti si Yvon saka binuksan ang pinto, "Just see what you have done!"



Tumambad kay Evo ang ina niyang tulala sa kisame, naka-upo ito sa higaan at yakap ang tuhod. Agad naluha si Evo sa kanyang natunghayan kaya agad niyang nilapitan ang ina saka ito niyakap.



"Ma anong nangyari? Bakit ka narito?" ang nanginginig niyang tanong dito. Tila nagtaka naman si Victory at tinuro siya, "Sino ka? Huwag mo ako hawakan." Tinulak siya nito kaya natumba siya sa sahig.



Nanginginig ang mga pangang nilingon niya ang ina, magmula sa mga kamay nitong nanginginig at mga labing halos magtuklapan ang balat na parang hindi uminom ng ilang araw. Lalong nahabag si Evo nang mapansin ang mata ng ina na parang may hinahanap kaya halos malukot ang mukha niya sa awa rito.



"Ma ako 'to si Evo ang..." Dahan-dahan niyang nilapitan ito upang sana abutin pero natatakot naman itong pilit lumalayo, "Ma?"



"Evo hindi mo ba alam na may chronic mental disorder si mama?" ang nakahalukipkip na wika ni Yvon mula sa bukas na pinto. Nilingon siya ni Evo habang nakabuka ang mga bibig, nailing at namimilog ang matang ayaw niyang paniwalaan iyon, "Hindi baliw si mama."



Nilapitan niya ang ina saka ito tinitigan, "Ma?" Inilagay niya ang parehas na kamay nito sa kanyang pisngi, "Ako 'to si Evo ang anak mo. Ma mahal na mahal kita!" Kahit pa nilihim nitong ampon siya ay wala siyang pakialam, minahal niya na kasi ito na halos parang tunay na ina.



"Sino ka? Hindi kita kilala wala akong anak na lalaki."



"Ma patawarin mo ako, pakiusap 'wag ka namang ganyan. Nagbibiro ka lang 'di ba? Gagaling ka? Sige na susundin ko na nag gusto mo."



Lumapit si Yvon kay Evo saka bumulong, "Pinili mo si Shery hindi ba? Kaya nagkaganyan si mama?"



Nanginginig at hindi makapaniwalang nilingon niya si Yvon, "Mamili ka Evo si mama o si Shery?"



"Anong pinagsasabi mo Yvon syempre si mama ang pipiliin ko!"



Natatawang dumistansya si Yvon kay Evo saka yumakap sa ina, "Ma narinig mo ba ang sinabi ni Evo? Ikaw ang pinili niya kaya ngayon para mapatunayan niyang ikaw talaga ang mahal niya ang gagawin ni Evo papatayin niya si Shery."



"Talaga gagawin niya 'yon?" ang parang batang-isip na wika naman ni Victory. Tumango si Yvon saka inayos ang buhok ng ina, gamit din ng panyo pinunasan nito ang pawis sa noo nito, "Magpagaling ka na ha ito na si Evo gagawin niya na ang gusto mo."



Sabay na lumingon si Victory at Yvon kay Evo kaya mula sa pagkaka-upo ay napatayo siya, "Evo kung gusto mong gumaling si mama patayin mo si Shery at ibigay mo ang kayamanan sa kanya!"



Tila nawalan ng lakas si Evo at tuluyan siyang dumausdos papa-upo sa sahig, Si Shery papatayin ko? Muli niyang nilipat ang paningin sa ina na parang batang kinakagat ang kuko matapos ay aabutin ang paa saka naman kakanta ng twinkle twinkle.



Naipikit niya ang mata sa mga nangyayari.




---





"Iha kami na muna ang bahala kay Brent sige na magpahinga ka na muna," ani ng ina ni Brent kay Shery noong muntik siyang matumba mula sa pagkakaiglip.



Nahihiyang kinusot niya ang mata saka nagpaumanhin.



"Babalik din po ako agad tita!"



"Iha naiintindihan namin ang pag-aalala mo kay Brent pero alalahanin mo rin ang sarili mo. Magpahinga ka na muna kahit bukas ka nalang bumalik."



Ngumiti siya saka tumango. Nagbigay galang siya sa mga ito saka tumalikod at lumakad palabas ng kwarto.



Sa noo'y pagsara niya ng pinto agad niyang nakita si Cage na may dalang kape.



"Tired?" bungad nito sa kanya. Tumango siya saka inabot ang dala nitong kape, "Saan ka tutuloy niyan?"



Napahinto sa paglakad si Shery saka nilingon si Cage, "Sa inyo muna ako hangga't hindi ko naaayos ang issue sa kayamanan."



Tumango si Cage saka humigop ng kape, "Ang totoo niyan Shery nakilala naming Paperdoll si Lolo Richard!"



"Oh buti pinaalala mo siya teka nasaan na siya ngayon?" inosenteng tanong niya rito habang humihigop ng kape.



Bumuntong hininga si Cage bago sumagot, "Patay na siya Shery!"



Napahinto sa paglakad si Shery matapos ay tinignan si Cage. Siya dapat ang susundo sa akin kaya nagtaka akong bakit si Pinam.



"Paanong..." Agad niyang na-realize si Yvon. Na maaaaring nalaman nito na nagkita sila at sinabi ang lahat ng impormasyon. Gigil siyang napayuko, "Cage may nasabi pa ba siya sa inyo?"



"Natapos mo raw ba 'yung video na ginawa ng lolo mo?"



Naningkit ang mata niya saka inalala ang tinutukoy nito. "Hindi ko natapos 'yon naku teka parang nawala ko pa ata!?"



"Hay buti nalang binigyan ako ng copy ni Lolo Richard tara na panoorin natin ay teka Shery alam mo na ba ang balita?"



"Balita saan?"



"Hindi saan ang dapat na tanong kanino?"



"Sige bitinin mo pa ako alam mo namang nawala ako ng isang buwan," ang naiimbyernang reklamo ni Shery sa pabitin-biting kwento ni Cage.



"Hay bumalik agad ang malditang si Shery ito na ho balita kasi sa school natin." Gamit ng parehas na kamay nag-qoute siya kasabay nang salitang natin, "...na bumaba ang grado ni Evo dahil sa ginagawa nitong software na hindi naman daw assignment o thesis kaya ang resulta si Yvon na ang nangunguna at ikaw syempre burado ka na dahil nawala ka ng isang buwan. Mabalik tayo 'yung software na ginagawa nila Evo parang panghanap daw sa mahal niyang babae."



Humalukipkip si Cage matapos ay umirap, "Ang dami tuloy naawa kay Evo alam mo naman kahit recluse ang taong 'yon madami siyang fan sa school at madaming naiinggit sa mahal daw niyang babae na hindi nila matiyak kung sino."



"Oy Shery nakikinig ka ba!"



Pumitik si Cage kasabay nang paggising ni Shery mula sa pagkakatulala, "Hay alam kong nag-aalala ka kay Katie at Brent kaya ka ganyan sige na boring ang kwento ko baka lang naman kasi interesado ka kasi alam mo na bumaba na sa top one si Evo may pag-asa ka sanang humabol ikaw pa matalino ka kahit dalawang buwan pa kembot mong habulin si Yvon!"



Wala sa sariling tumango si Shery pero ang totoo niyan ang lakas nang kabog ng puso niya. Kanina'y kalmado naman siya at sa pagkakatanda niya ay naiinis siya kay Yvon dahil suspetiya niyang ito ang salarin nang pagkamatay ni Lolo Ricardo pero ngayon nag-iba ang pakiramdam niya. Tama ba ang narinig ko? Gumagawa siya ng paraan para mahanap ang mahal niyang babae?



Siya lang naman kasi ang nawala kaya malakas ang kutob niyang siya iyon.



Naikuyom niya ang kamao matapos ay pumikit, "Uy Shery umiiyak ka ba? Sorry! Sige na tatahimik nalang ako."



Sa pagdilat ng mata ni Shery agad niyang inabot ang kanang kamay ni Cage, "Cage please gusto kong makausap si Evo!"



"Si Evo?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Cage.



Tumango si Shery kaya napakamot ng ulo si Cage.



Binagtas nila ang daan palabas hanggang sa tumapat sila sa automatic door doon tumambad sa kanila ang presentableng pigura ni Yvon.



"Speaking of the devil," bulong ni Cage na siyang nagpasingkit ng mata ni Shery.



Paakyat si Yvon ng hagdan kaya nasa baitang ang atensyon nito nang mapahinto dahil napuna niya ang prisensiya ni Cage at Shery, "Oh hi guys. I came here to visit my dear cousin."



Iwinagayway pa nito ang dalang basket ng prutas saka ngumiti na parang walang kaproble-problema sa katawan.



Napaismid si Cage samantalang si Shery ay naalarma batid kasi niyang mapanganib na tao si Yvon kahit pa mukha itong mahina at hindi gagawa ng kalokohan.



"Don't dare Yvon you are not allowed!" She warned her.



"Oh come on Shery I have something to tell her," she plead.



Nanggigil siya sa pangungulit ni Yvon kaya umabante siya upang tutukan ito ng nakatagong kutsilyo sa loob ng sleeves niya, "Don't push me to hurt you, just go away and don't ever show your face here or else I will cut your throat right here right now!"



Napalunok si Yvon noong titigan niya ang kutsilyo, inilipat niya ang paningin sa mga mata ni Shery kaya nabakas niya ang galit doon.



Nabitawan ni Yvon ang basket kaya nalaglag lahat ng prutas doon, "Okay fine I will leave!" Tumalikod siya saka lumakad palayo siyang pulot naman ni Cage ng dalandan at ibinato kay Yvon.



Natamaan ang kaliwang balikat nito kaya napahinto, "Huwag ka nang babalik dito." sigaw niya. siyang lingon sa kanya nito. Nakakatakot ang mga tingin ni Yvon kaya agad tinakpan ni Shery si Cage, "Leave!"



Ngumisi si Yvon saka muling nagpatuloy sa paglakad.



"Huwag mo na ulit gagawin 'yon Cage hindi natin alam ang kayang gawin niya," pangaral ni Shery dito habang pinapanood ang unti-unting paglayo ni Yvon.



Natatakot namang tumango si Cage.




A/n Oh hey yo! Kaway sa inyong lahat ahaha sori kung sabaw ang update. Honestly nahihirapan akong tapusin ito kasi nag-sink in na sa imahinasyon ko ang kwento ni Asha kaya ang nangyari nag-scramble ang ideya ko sa kwentong ito at kay Asha. Patatawarin at nahirapan talaga akong isipin ang update na ito sana naaayon pa rin at oo tama ang anunsyo ko nalalapit na po ang pagtatapos nito. Nawa patuloy niyo pong abangan ang update ko kahit na minsan ay hindi ko nasusunod ang schedule, kaway mga bebe's, sis, new friends 



Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.
7.5M 184K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."