Paano Ba Mahalin?

By 4everSGG

20K 557 155

Hindi po talaga ako magaling gumawa ng mga kwento. Pero dahil stress ako ngayon, dito ko nlang po ibubuhos an... More

Part 1 Get to Know my Friends
Confrontations
Confrontation Part 2
Flashback of Rika
Ice cream Buddy
Classmate???
First Plan
Just Enjoy
Matt Past
1, 2, 3...PARAPARAAN
Shoulder to Cry on
Stranded
Survived
Save by the Call
Way Back Home
COINCIDENCE
Just the 4 of Us
Hot Seat
Meet Mommy Glenda
True Feelings
Confession of Feelings
Get to Know More
***
Comeback of the Past
Undecided
Goodbye Matt
Is She's Leaving?
Goodbye For Now
Distance Apart
Distance Apart Part 2
Revenge of Matteo
The Jealous Sarah
Its Official ❤
First Date
Meet the Geronimo's
Spending Time
Spending Time Part 2
Spending Time Part 3
Last Day of Vacation
Stressful
1st Monthsary
Meet the Guidicelli's
Extra

Part 2 First Heartbreak :(

638 10 2
By 4everSGG

......

Sarah's POV

Nagtungo ako sa kusina at nang makarating ako laking gulat ko nang makita ko ang boyfriend ko at ang kaibigan kong si Rika na magkayakap....

Nabasag ang katahimikan nang mapansin ako ng magaling kong kaibigan at tinuturing ko nang kapatid na si Rika. Alam kong nabigla din siyang makita ako.

Kitang kita ko ang kanyang reaksyon na nanlalaki ang mga mata nang makita ako roon.

Rika - Sa..Sarahh (nauutal pa niyang sabi sabay bitaw sa pagkakayakap sa boyfriend ko)

Habang napalingon naman saakin ang napakagaling kong boyfriend at parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong katawan. Halatang hindi niya inaasahan ang aking pagdating.

Sa hindi kalayuan ay lumabas sa pintuan ng CR si Atis. Kakatapos lamang nitong magCR. Nakita ako nito na nakahinto sa kinatatayuan ko kaya naman tinawag ako nito. At duon lamang ako natauhan.

Atis - huy! pppsssttt!!! Ano ginagawa mo jan? (Pabulong nitong sabi at nilapitan ako)

Naki........????????

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin ng makitang may luhang pumapatak sa aking mga mata.

At napalingon kung saan nakasentro ang aking mga mata.

PAK!....

Iyon na ang sumunod na nangyari nang biglang lapitan ako ni Gerald. Hindi ko napigilan ang sarili kong gawin iyon sakanya. Habang nakatulala lamang sa kinatatayuan niya si Rika.
At gulat na gulat naman sa mga nangyayari si Atis dahil bakas iyon sa reaksyon sa kanyang mukha.

Hindi na ako umimik pa nagsimula na akong maglakad palabas nang bahay at sinundan naman ako ni Atis. Na mukang nakatunog na sa mga pangyayari.

Nang tuluyan na ako makalabas ng gate ganung din si Atis, nagmadali kaming sumakay ng sasakyan. Dahil sa hindi kalayuan ay nasa likuran lamang namin si Gerald na sinundan ang aming paglabas.

Naririnig kong tinatawag niya ako pero wala akong oras na lingunin o huminto man lamang sa paglalakad, dahil napakasakit at napakabilis ng mga pangyayari.....

Mimay - oh? Ang bili.......

Hindi na niya naideretso ang sasabihin dahil nakita nitong umiiyak ako ng pasakay kami ng kotse. Habang sa di kalayuan ay nagsisisigaw si Gerald.

Me - paandarin mo na ang sasakyan aalis na tayo......(sabay punas ko ng mga luhang tumutulo sa akong pisngi).

Joh - hah??? Eh.... Teka bakit a...a....anong nangyayari???!!! Natatarantang tanong niya.

Me - sabi nang paandarin mo na ang sasakyan!!!!!.... Pasigaw kong sabi na ikinagulat nila.

Habang sa labas ng sasakyan ay nagkakatok si Gerald at nagmamakaawang pagbuksan siya ng pintuan ng kotse.

Atis - sige na umalis na tayo. Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Atis na siyang sinunod naman ni Joh.

Pero bago pa tuluyang makalayo ang sasakyan nakita naman ni Mimay si Rika na nasa may pintuan ng bahay na nakasilip.

Mimay - teka diba si Rika un? Sabay turo sa babaeng nakatayo sa pintuan na wari mo'y umiiyak.

..................

Gerald's POV

Alas siyete na ng gabi, mag-isa lamang ako ngayon dahil ang magulang ko ay lumuwas ng Manila upang makipang kita sa mga kaibigan doon at nagpaalam na baka duon narin sila matulog sa Condo ng kapatid ko na panganay. Isa siyang manager ng isang branch sa Makati ng isang malaking Company. 3 kaming magkakapatid. Ako ang pangalawa. May sarili akong Company dito sa Cavite. Actually bago pa lamang siyang nakikilala. Dahil bago pa lamang din naman ito. Pangarap ko talaga ang makapag tayo ng sariling kumpanya. Ang bunso ko namang kapatid ay nasa Italy 2 taon na siya duon at sinuwerteng duon din nahanap ang kasintahan. Maayos naman ang aming pamilya.....

.....Tutut... tutut...

Nakahiga na ako sa aking kama nang biglang marinig ang aking cellphone.

Hay ang kulit talaga nang bhabe ko. Hehe Teka nga mareplyan. Bago ko paman maisend ang aking mensahe nakarinig ako nang...........

Knock.... Knock...knock...

Huh?! At sino naman kaya ang kumakatok? Wala naman akong inaasahang barkadang dadating? C bhabe??? Baka siya nga??? Pero sabi niya sakin alis sila nang mga kaibigan niya?(Mga tumatakbo sa kanyang isipan ng marinig niyang may kumakatok).

Dali daling bumaba ng hagdan upang pagbuksan ang kumakatok sa pintuan.

Bhabe akala ko......???? (Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ng biglang ibang tao ang bumungad sa aking harapan).

....................................

Ri....Rika?!

Rika - miss me?

Ah ano.... anong ginagawa mo dito?

Rika - aray grabe anong salubong bayan ang cold naman :(

Umalis kana!!!!!

Rika - teka kausapin mo naman ako. (Pasweet na tugon)

Wala na tayong dapat pagusapan pa!

Rika - pero mahal pa din kita! At alam ko mahal mo parin ako.(mejo matigas ang pagkakabigkas ng mga salita habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Gerald).

Tama na Rika mahal ko si sarah at hindi na kita mahal. (Sabay talikod at naglakad patungong kusina para kumuha ng tubig)

Nang sundan naman siya nito.

....................

Sa kusina......

Rika - hinde, hindi ako naniniwala sayo. Alam ko mahal mo parin ako. At naramdaman ko un.

Nakatalikod sakanya si Gerald dahil kumukuha ito ng tubing sa ref upang inumin niya.

Wala na wala na ako nararamdaman sayo. (Halos pabulong niyang sabi) dahil baka may makakita sakanila kahit na wala namang ibang tao na naroroon.

Rika - hindi hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Dahil hindi iyan ang pinaramdam mo saakin nung huli tayong magkasama! (Tinabig naman nito ang basong hawak ni Gerald na muntik ng maging dahilan ng pagkalaglag ng baso).

Pwede ba tama na Rika kung ano man ang nangyari sa atin kalimutan mo na!!!! Hindi na kita mahal at ayoko nang lokohin at saktan si Sarah. Dahil siya ang totoo Kong mahal at siya lang ang mamahalin ko habang buhay. (Halos duruin na niya si Rika). Pero mahinahon parin ang pagkakabigkas niya ng mga salita pero mawawari mo sakanyang mukha ang pagkaseryoso sa mga sinasabi.

Habang natahimik naman sandali si Rika sa mga narinig mula Kay Gerald. At nang matauhan.........

Rika - hinde,,, hindi parin ako maniniwala. (Sabay akap Kay Gerald mula sa likuran).

Nagpupumilit namang tanggalin ni Gerald ang pagkakayakap sa kanya ni Rika. Ngunit naging mali ang ginawang hakbang ni Gerald dahil imbis na matanggal niya ang pagkakayakap nang mga kamay ni Rika ay lalo lamang siya nitong nayakap. At sa pagkakataong ito ay mula sa harapa na. Hindi rin naman niya napansin na mismong kamay niya ang nakahawak na kay Rika.

Nang bigla niyang marinig na mgsalita si Rika.

Rika - Sa...Sarahh (nauutal pa nitong sabi)

Na ikinalingon ko naman.........

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang makita kong may luhang tumutulo sa mga mata ng aking mahal.

Nagmamadali akong lumapit dito at subukang ipaliwanag ang lahat. Ngunit................

PAK!!!!!!!!

Wala akong nagawa matapos niya akong sampalin halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Dahil alam kong nakita niya ang hindi niya dapat makita. Kaya wala na ako dapat pang ipaliwanag. Pero nagkakamali siya. Dahil mahal na mahal ko siya. At isang kamalian kung ano man ang namagitan sa amin ni Rika.



....................

Nang makabalik ako sa katotohanan wala na si Sarah. Kaya naman sinubukan kong habulin ito sa labas. Hanggang makaabot ako sa harapan ng kotseng sinasakyan niya.

Nagmamakaawa ako na pagbuksan ako nito nang pituan nang kotse. Ngunit sarado na ang isipan nito upang makinig sa mga paliwanag ko.

Hanggang sa tuluyan nang makaalis at tuluyang makalayo ang kotseng sinasakyan niyo.
Habang ako eto naiwang nakaluhod sa may kalsada na umiiyak at pinagsisisihan ang lahat.

......

Biglang pumasok sa isipan ko na sundan sila. Nagmadaling tumayo ako at tumakbo papasok ng bahay upang kunin ang Susi ng aking sasakyan.

Nang makasalubong ko sa may pintuan nang bahay ang babaeng kinamumuhian ko. Na siyang puno't dulo ng lahat.

Wala akong nagawa kung hindi duruin at titigan ito nang masama. Gusting gusto ko itong saktan pero pinigilan ko ang aking sarali. Dahil naisip kong babae parin ito.

Tanging nasabi ko nalang ay...... umalis kana sa pamamahay ko at pagbalik ko ay wala kana.

Rika - so....sorry... So... Sorry... Sorry

Puro sorry ang lumalabas sa bibig nito habang nakatayo lamang at umiiyak.

Nagpatuloy na akong lumabas at nagmadaling sumakay at paandarin ang sasakyan. At mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Nang...........................


...........................................................

Ano kaya ang susunod na mangyayari? Ouch grabe ang bigat nang eksena naguumpisa pa lamang ang istorya pero ang drama na kaagad.

Hayyyy kailan naman kaya lalabas ang karakter ni Matteo?

Abangan!!!!!!!!

Don't forget to like and comment :) :) ;)

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 945 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
108K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
3.3K 716 147
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
1.6M 35.4K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈