Undecided

299 12 5
                                    

==={At the Resto}===

"Atis!!!! Finally your back!!!" masayang salubong ni Mimay at Joh kay Atis na kakadating lang.

"Ohhh namiss ko kayo ng sobra!!!" Balik yapos nito sa dalawa.

"Grabe Atis kailan ka pa dumating?" gulat na tanong ni Mimay

"Ngayon lang no? Dito na ako dumeretso dahil super miss kona talaga kayo! Wait? Bakit wala dito si Sar's?" usisang tanong ni Atis

"Hay naku for sure magkasama na naman sila ni Matteo!" sagot ni Joh na may halong selos sa salita.

"Really? So totoo pala na nung wala ako eh madalas silang magkasama???"gulat na usisa nitong muli

"Hay! Naku bebe, atis. Hayaan nyo na si Sar's para naman din sakanya un. Para tuluyan na nyang ibaling sa ibang bagay o ibang tao ang oras nya." Pahayag ni Mimay

"Sabagay infaireness may point ka naman dun". pagsang ayon pa ni Atis dito

"Eh teka asan na si boyfie?" pagbabago naman ni Joh ng topic

"Ah dumeretso muna sya sa office magrereport muna. Pede ba mamaya nyo na ako tanungin. Pakainin nyo muna ako?"

"Oo nga pala for sure nagutom ka sa byahe." sabi ni Joh muli

"May uwi kaba para sa amin?" Masayang tanong muli ni Mimay dito.

"Hay nako mukang ung mga pasalubong lang naman ang namiss mo eh." Irap pa ni Atis dito.

"Hindi naman... Slight lang hahaha" tawa pa ito

"Haist sabi na nga ba eh! Sige na kunin mo na sa bag" sagot nitong muli.

"Yes!" agad namang kinuha nga nito ang bag.

"Huy! Bebe tirhan mo ako ha?!" sabat naman ni Joh na lumapit nadin kay Mimay.

"Hoy! Kayong dalawa tirhan nyo si Sarah ha!" Lagot kayo dun pag inubusan nyo un.

"Hindi na nya kailangan ito mayaman naman na sya"sabat pa ni Mimay.

***

==={Back to the Hospital}===

"SARAH!!!" tawag ng lalaki sa akin.

"WOW tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Small world!. Sa dinami rami ng lugar dito pa tayo pinagtagpo tagpo. sabi ko sa dalawang tao na nasaharapan ko.

"Sarah can we talk!" sabi pa nito

"Hindi paba tayo nag uusap?" pilosopong sagot ko dito. Habang si Rika ay hindi makatingin sa akin ng deretso.

Nag ipon ako nang lakas upang magsalitang muli. At sa pagkakataong ito gusto ko ng deretsong sagot.

"Ikaw ba ang ama?" tanong ko dito pero hindi ako makatingin sa mga mata nito.

"Sarah let me explain". sagot nito na mababakas mo ang takot sa boses nito.

"I don't need your explanations!" at tumingin na ako ng deretso sa mga mata nito ng magsalitang muli. "Gerald! Answer me! Are you the father?" mejo napapalakas na ang boses ko.

"OO"

Un lang ang sinabi nya, na tanging salitang narinig ko pero bakit ganun? Ganun ganun nalang nila ako saktan? Na sirain ang buong pagkatao ko? Ano bang nagawa kong masama sa kanila? Na ang dali lang sakanilang pasakitan ako?

"Huh?! Wow ang galing talaga ano?" tanging salitang lumabas sa bibig ko.

"Are you happy now? Ha? Rika! Are you happy now?" Galit na tanong ko dito. Habang sya ay naiiyak na habang hindi makatingin ng deretso sa akin.

Paano Ba Mahalin?Where stories live. Discover now