Goodbye Matt

363 11 2
                                    

"Sarah please!!! Mahal na mahal kita!!! Please Marry me???" tanong muli nito sa akin.




"YESSS!!!!!"




Sagot ko sa kanya. Naikinatuwa naming dalawa. Isinuot nya ang singing sa daliri ko, tumayo sya upang yakapin ako. Pareho parin kaming umiiyak dahil sa saya. I say I love you to him and he say i love you too to me. Then he kiss me.




Mga bagay na nangyari SANA kung hindi nya ako niloko at walang Rika na sumingit sa relasyon namin. Kung hanggang ngayon kami parin. Sana nag YES pa ako sa kanya... Pero hindi na pede kahit kailan wala ng pag asang magkabalikan pa kami...




Bumalik ako sa realidad. Na hinarap ito ng may tapang.



"Nababaliw kanaba? Naririnig mo ba ang mga sinsabi mo ha? Gerald???" lakas loob ko itong sinabi habang naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.





"Sarah please hayaan mo akong pakasalan ka. Mapatunayan ko lang sayo na ikaw ang mahal ko at hindi si Rika". Paliwanag pa nito.




Pak!!! Sinampal ko ito. "Akala mo ba ganun lang kadali ang lahat? Ha? Na pupunta ka dito at tatanungin mo ako ng ganyan? Gerald please tama na pinipilit kong kalimutan kana. Akala mo ba nakakatulong ito para makalimutan kita? Sa ginagawa mo lalo mo lang akong sinasaktan. Lalo mo lang akong pinapahirapan!" Mahaba kong litanya dito




"Hayaan mo lang akong ayusin ang problema na ginawa ko Sarah please! Bigyan mo pa ako ng pagkakataong mahalin ka. Handa ko namang panagutan ang batang dinadala ni Rika".




PAK!!!PAK!!! Kambal na sampal pa ang ibinigay ko dito. "Ano ako? Tanga ha? Marahil oo tanga nga siguro ako dahil nag mahal ako ng katulad mo! Ang hinihingi mo sa akin ay agawin kita? Agawan ko ng ama ang magiging anak mo sa Rika na un? Galit na galit kong sabi dito




Habang ito ay halos humalik na sa lupa sa sobrang pagmamakaawa.




Huminga ako ng malalim ng magsalitang muli habang ang mga luha ko ay patuloy lamang na umaagos. "Sa pagkakataong ito hindi na si Rika ang karibal ko sayo Gerald. Ang magiging anak mo na ang karibal ko sayo. At hindi maaatim ng kunsensya ko na agawan ng pamilya ang isang batang inosente. Hindi mo ba naiintindihan un?





"Sarah sorry...sorry...patawarin mo sana ako". paulit ulit na sinasabi nito. Marahil ay ngayon lamang ito natatauhan.




Unti unti naman itong tumayo at tumingin sa akin. "Sorry... Patawarin mo ako Sarah mahal na mahal kita. Siguro ito na ang karma ko dahil sa panglolokong nagawa ko sa iyo!".




"Umalis kana!!!"pagtataboy kong muli dito





"Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko sa iyo. Pero sana dumating pa ang araw na mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo Sarah". Sabi nito habang tuloy paring naiyak ito



"Isa lang ang gusto kong gawin mo mahalin mo ang anak mo. Wala akong pakialam kung ano man ang mangyayari sa inyo ni Rika. Pero wag na wag mong idadamay dito ang anak mo".seryoso kong sabi dito kahit masakit tanggapin pero walang kinalaman dito ang batang dinadala ni Rika.



Sa huling pagkakataon niyakap ako nito ng napakahigpit Sabay sabing... " I love you Sarah. Sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo. Iintayin ko ang panahon na sana maatawad mo rin ako". Sabi nito at tuloy tuloy lang ang pag iyak.



"Umalis kana" tulak ko dito at pinipigilang umiyak. Pinilit kong titigan ito sa mga mata nya. Kailangan ko itong gawin para patunayan sa sarili ko na kakayanin ko na nang wala siya.



Paano Ba Mahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon