True Feelings

290 13 4
                                    

Matt POV


Past 6pm na nang maalala kong nasa bahay pa nila Sarah si Paolo,hindi ko kasi ineexpect na matatagalan ako. Baliw kasi itong si Ivan akala ko big client ang naghahanap sa akin hindi pala new client lang. Kung tutuusin pede naman sya nalang ang mag entertain. Magexcuse nalang kung bakit wala ako. Hapon nadin kami natapos. Palabas na ako ng building ng makasalubong ko naman si Bea. Oo si Bea, first time naming magkita after what happened sa past namin. She invited me to have coffee, hindi nadin ako tumanggi dahil gusto ko rin naman siyang makausap. Luckily sya na ang nag aya sa akin.


Napag usapan namin kung ano nga bang nangyari sa amin before. Very casual lang ang pag uusap namin wala nading ilangan or masasabi kong wala na talaga akong feelings for her. I said thank you to her nadin, dahil kung hindi nya ako sinaktan at iniwan hindi ako mapapalapit sa taong mamahalin ko pala nangtotoo. Nangingiti ako habang naalala ko ang lahat. Nang maalala ko na naka off nga pala ang phone ko.


Naku baka nagtetext or tumatawag na pala si Sarah sa akin. I-noff ko kasi ang phone ko kanina nang may kausap akong client si mom kasi ang kulit tawag ng tawag. Nasabi ko na sakanya na mejo busy ako kaya hindi ko sya maaasikaso, pero tawag parin ng tawag.


Agad ko naman. Inopen ang phone ko. Ang dami ngang nagdatingan text galing kay Sarah. Nagmenor lang ako sa pagdadrive habang binabasa ang text ni Sarah. Pero biglang nahinyo ang pagdadrive ko ng mabasa ko ang text ni Sarah about mommy.


Si mommy???


Sarah


Matt tatanong ko lang sana kung pauwi kana? Mejo naiinip na daw kasi si Paolo


Matt tatawag na ako sa house nyo hindi kasi kita macontact. Kinukulit nadin ako ni Paolo na tawagan ang mom nyo.


Matt tumawag na ako sa inyo. Papunta na ang mommy mo dito sa bahay.


Matt nasundo na si Paolo ng mom mo. Pasensya kana hindi kana namin naantay.


Ilan lang yan sa mga texts sa akin ni Sarah. Agad ko namang tinawagan si Sarah... Pero hindi ito sumasagot...I dial it again pero wala paring sumagot. Galit kaya sya sa akin??? Ano kayang ginawa ni mom kila Sarah??? May sinabi kaya si mommy kay Sarah??? Haistttt!!! Mommyyy....I decided to dial mom's number...answer the phone mom...nagdadrive na ako ngayon habang tumatawag gumamit naman ako ng earphone. Luckily sumagot naman si mom...


"Hi son where are you?" Masayang tanong pa nito sa kabilang linya


"Mom bakit ka po pumunta sa bahay nila Sarah?" deretsong tanong ko kay mommy


"Dahil sinundo ko si Paolo. Tumawag kasi sa akin si Sarah".explain ni mom


"May sinabi kaba mom sakanya?" Seryosong tanong ko


"Nothing son?!"sagot ni mom pero hindi ako naniniwala I know my mom kasi


Mom please just tell me the truth hindi nya sinasagot ang tawag ko. May nangyari po ba?" Alalang tanong ko kay mom dahil feeling ko iniiwasan ako ni Sarah


"Calm down anak okey? Wala akong sinabi nagthank you lang ako".


"Thank you? Thank you for what mom?"mejo may inis na tanong ko


"Thank you for taking good care to Paolo. Pede ba baka busy lang siya kaya hindi nya nasagot ang tawag mo". Natatawa pang sagot sakin ni mom alam nya kasing naaasar na ako


"Okey po Mom". Then I ended the call. Mejo nagtatampo ako kay mommy dahil she make her move nanaman ng hindi ko nalalaman. Natatakot kasi akong baka galit sa akin si Sarah about what happen. Kaya I decided na dumaan muna kila Sarah bago ako umuwi sa bahay.


Paano Ba Mahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon