Hot Seat

327 9 1
                                    

Sarah POV

"Hahaha wala nga we're just friends lang. Alam mo para kang si mom, ang kulittt!!! Hahaha"

Ka face time ko ngayon si ate at kinukulit ako about kay Matt. Pinipilit kasi nya akong umamin about sa real score "daw" namin ni Matt. But honestly were just a good friend lang naman talaga. Happy lang ako na lagi syang nanjan for me, kasi naiintindihan nya ang pinagdadaanan ko at tinutulungan lang nya ako as a friend. Ilang linggo nadin ang nakalipas after namin magkasamasama sa Sky Ranch and until now kinukulit parin nila ako. Actually hindi lang si ate ang nangungulit sa akin even my brother dapat daw ipakilala ko sakanya pag uwi nya dito sa December. And sina mom and dad na lagi din akong hinahot seat. And hindi lang sila even my 3 friends. Paano kasi ang dami nilang nakitang photos namin ni Matt na nakakakilig daw tingnan. Pero para sa akin wala lang naman kasi nga friend lang talaga kami. Ang kulit kasi ni Jam sinent lahat ng photos namin. Kaya ngayon naka "hot seat" lang ang peg ko.

"Alam mo hindi ako naniniwala, siguro para sayo friend lang pero sya I think he likes you". sabi pa nito sa akin

"Haha ate nabinat kaba? Nung nanganak ka? Kung ano ano na yang sinasabi mo".biro ko naman sa kanya

"Believe me Sar's alam ko na yang mga ganyang moves".

"Haha Ewan ko sayo"

"Pero ito tatandaan mo kung saan ka masaya at kung sino ang magpapasaya sayo, mas magiging masaya kami para sayo". seyosong sabi nito

"Ate alam mo namang hindi pa ako ready diba nga?"

"I know ang sa akin lang naman hindi kana bumabata. Tandaan mo yan?"

"Hahaha grabe 26 palang naman ako ah?"

"Hay ewan ko sayo sarado pa talaga ang puso mo sa ngayon. Sana mahanap mo na ang susi na magbubukas jan".

"Sige na matutulog na ako anong oras nadin dito sa Pinas oh? Maaga pa akong pupunta sa Center bukas".

"Okey by sister love you, miss kana daw ni baby oh?" sabay baling ng camera kay baby

"Babye baby see you sa Christmas. Luv u baby. Bye ate miss u too luv u".

"Bye!!!"

And we ended the call.

Nakahiga na ako napaisip naman ako bigla sa sinabi ni ate. "Ano kayang gusting ipahiwatig ni ate? Hindi ko maintindihan?" Mahinang bulong ko sa sarili. Nang marinig kong tumatawag si Yaya Yolly ang kasambahay namin all around sya dito sa amin.

"Sarah!!!..Sarah!!!...bilisan mo Dali!!!!" sigaw nito

Nagpanic naman ako kaya naman agad agad akong lumabas ng kwarto.

"Yaya bakit po? Anong meron?"

"Ate dugo may dugo!" at biglang nahimatay si Eloi.

Nabaling naman ang tingin ko kay Eloi na nakabulagta sa sala

"E-Eloi!!! Eloi!!!" Agad akong tumakbo palapit dito.

"Yaya help me buhatin po natin sya".

Agad naming binuhat si Eloi pasakay ng kotse at agad ko naman ito sinugod sa malapit na hospital.

"Doc, ano pong nangyari? Bakit po sya dinugo? At nawalan ng malay?" panic na tanong ko kay doc paglabas nito ng ER

"Kapatid kaba nya?" tanong nito sa akin

"Pinsan ko po sya. Wala po kasi ung parent nya ako po ung kasama nya sa bahay".agad na sagot ko sobrang kinakabahan na talaga ako ngayon.

"Ah tatapatin na kita about what happen to Eloi. She's pregnant. She's 15weeks pregnant".mabilis na explain ni doc.

Paano Ba Mahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon