Spending Time Part 2

503 13 3
                                    

"Good morning everyone".



Masayang buti ko pagkakita ko sa mga kaibigan namin. Habang naka akbay ako kay Sarah at ito naman ay nakapulubot ang kamay sa tagiliran ko.



"Anong good sa morning bro?" Sabi ni Ivan sa akin. Na ikinatawa naming lahat. Paano kasi ito ang nagprepare ng breakfast namin at si Daniel dahil ito ang punishment nila. Habang sina Atis at Camille ang nag ayos ng table.





"Make sure na masasarapan kami sa niluto nyo ha?"si Mimay na mejo natatawa pa




"Well I will assure you na masarap kaming magluto ni Ivan". Si Daniel na inilapag ang isang plato na may sausage.




"Okay ano pang inaantay natin? Husgahan na natin ang luto ng dalawang to!" si Sarah ang nagsalita, na agad naman kaming sumunod.



"Yes! This is the best part eh ung kainan time". Si Joh na panay ang sandok ng pagkain





"Ayan tayo eh lumalabas ang tunay na ugali pagdating sa pagkain!" Si Atis na naka pamay awang pa habang sinesermonan ang dalawa ni Mimay at Joh sa inakto ng mga ito.




"Pasensya gutom kami. Wag nga kayo jan!" Sabi ni Mimay na walang pakialam at kain lang ng kain. Habang kami ni Sarah ay palihim na natatawa sa mga ito.




"Ah water please!" Pang aasar na utos pa ni Joh




"Ah ako juice please!". Na sinundan pa ni Mimay ng utos nya




"Haist! Kainis bakit kasi tayo nagpatalo!" Inis na sabi ni Atis kay Daniel



"Wag kana magalit ako nalang gagawa". Panunuyo naman nitong si Daniel



Kami naman ni Sarah ay tuluyan ng napatawa sa inakto ni Atis




"Ah ma'am sir kayo po baka may gusto pa po kayo?" Pagbibiro naman ni Camille sa amin.




"Ah mahal may request kaba?" Tanong ko naman kay Sarah na sinakyan ang sinabi ni Camille




Natatawa naman itong sumagot. "I want juice too".




"Juice daw sabi ng mahal ko". Ulit ko pa at saka naman ito bumulong sa akin na ikinatawa namin pareho.





"Juice coming up" masayang sabi pa ni Camille. Pero bago pa ito makalayo tinawag ko itong muli





"Wait may special request kasi ang mahal ko, gusto nya si Ivan ang kumuha para sa kanya". Sabay baling namin ng tingin kay Ivan na gulat na gulat. "Mapagbibigyan mo ba ang mahal ko?" Sabi ko pa dito




Habang kami ay napapangisi sa reaksyon ni Ivan. Gusto nyang magalit sakin pero hindi sya makagalit dahil si Sarah ang nagrequest.




"Okay lang ba Ivan?" Pagpapaawa pa ni Sarah dito




"Sure yun lang ba?" Pilit na ngiti ang ibinigay nito




"Oo yun lang salamat!" Ngiting sabi ni Sarah. Habang kami natatawa sa reaksyon ni ivan





Pagbalik ni Ivan ay may dala na nga itong juice. "Sarah here's your juice". Nakangiting inabot ito kay Sarah ang juice. Pero bago man ito makalampas sa akin ay binulungan ako nito "Makakabawi din ako sayo Matteo" pagbibirong banta pa nito sa akin.




"Ah?! May sinasabi kaba Ivan? Mahal parang may sinasabi si Ivan satin?" Pagbibito ko pang sabi na ikinatawa nalang ni Sarah at ng iba pa.




Paano Ba Mahalin?Where stories live. Discover now