The Jealous Sarah

629 18 2
                                    


Sarah POV



Tapos na ang party pero hindi parin bumabalik si Matteo. We decided na umuwi na pero sabi ni Joh and Mimay dito nalang daw kami matulog tonight. Nagtaka ako na bakit dito kami matutulog? Eh pede naman kaming umuwi nalang. Hassle pa kung magchecheck in kami. Nang mag agree naman itong si Atis. Napatingin sila sa akin dahil hindi ako naiingling lumakad dahil naguguluhan talaga ako. Hanggang sa hilahin na ako ni Mimay and telling me na mamaya na nito iexplain.


...



Naandito kami sa isang unit ng hotel na extension ng resort. Ang laki na ng pinagbago nito. Natuloy pala ang pagbubukas nila ng bagong hotel. Tinanong ko sila kung bakit kami naandito eh ni hindi na kami dumaan sa pagprocess ng pag check in namin dito sa hotel. Then they explain to me na natuloy din pala ang business partner nila Joh, Mimay at Matt. Na sabi din ng mga ito na bumili narin sila ng isang unit dito sa bagong hotel. Para daw kapag naisipan nilang magstay dito may matutulugan na sila at hindi na magchecheck in mas magastos daw kasi kapag ganun. Ito namang sila atis plano ring bumili ng isang unit magandang investment daw kasi. Wala na akong nagawang tumanggi pa kasi naman pagod na pagod na rin ako dahil wala pa talaga akong pahinga simila ng dumating ako.



Isa lang ang bed dito sa unit nila. Kaya naman siksikan kaming apat. Habang si Daniel sa labas natulog sa couch. Pwesto namin ako sa isang dulo, si Mimay katabi ko, si Joh tapos si Atis sa kabilang dulo. Honestly hindi ako makatulog alam ko naman kanina na pagod na pagod talaga ako, na antok na antok na ako pero bakit ngayon kahit anong pikit ang gawin ko hindi ako makatulog. Nakakainis lang dahil every time na ipipikit ko ang mga mata ko si Matteo ang naiisip ko. Paulit ulit kong naaalala kung sino ba ung Pia na un? Bakit ganun nalang ang pagmamadali nyang umalis at iwan kami sa party? Haist nakakainis bakit ko pa kasi naaalala!!!!



"Friend! Magpatulog ka naman ang likot mo eh". sabi ni Mimay na pupungas pungas pa. Mukang nagising ko pa ata ito sa kalikutan ko. Paano kanina pa ako papihit pihit sa kama dahil kahit anong pihit ang gawin ko hindi parin ako makatulog.



"Sorry friend sige na tulog kana ulit". sabi ko. Pero imbes na matulog ulit ito, pinili nitong sumandal sa gilid na taas ng kama.


"May gusto ka bang ishare? Or gustong itanong?"seryosong sabi pa nito


Ginaya ko ang pwesto nito at sumandal din sa gilid ng kama. "Wala wala naman..." tipid kong sagot


"Hmmm Sarah we know you. We know each others kaya wala na tayong maililihim pa sa isat isa. Hindi man kami nagtatanong or nagkukwento dati about Matteo, alam naming curious ka kung anong ganap sa kanya nung panahong wala ka".


Napangisi naman ako dito kasi tama naman lahat ng sinabi nito at lalong tama sya na wala na talaga kaming maililihim sa bawat isa.


"Pero bakit? Ahm i mean...bakit hindi nyo ako binalitaan about Matt?" nagtatakang tanong ko



"Dahil alam naming gusto mong makalimot at lumayo sa lahat. And we respect you for that. At honestly sinadya naming hindi ka balitaan about Matteo. Because we want you to realize sa sarili mo mismo kung talaga bang mahal mo sya. Ung ikaw mismo ang makahanap ng sagot. Dahil ayaw naming mapilitan ka lang na mahalin sya dahil sya ang naanjan para sayo".


Ngumiti ako at nagpasalamat. "Thank you, tunay talaga kayong kaibigan. Dahil alam nyo kung ano ang dapat para sa akin. At tama kayo dahil noon sobrang gulong gulo ako, kaya pinili kong lumayo sa lahat. Pinili kong lumayo kay Matteo, hindi dahil hindi ko sya mahal kasi noon paman alam ko nang special sya sa akin pero sobrang gulo pa ng sitwasyon namin noon at ayokong madamay sya sa kagagahan ko"

Paano Ba Mahalin?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora