Meet the Guidicelli's

807 17 7
                                    









"Hi mommy!" bati ko ng dumating ako galing trabaho.









"Kamusta ang trabaho anak?" pangangamusta ni mom









"Hmm... Mejo tiring malapit nadin po kasi magstart ang klase, kaya busy sa Center". sagot ko na mababakas ang lungkot sa mukha. Idagdag pa ang hindi pagrereply at pagsagot ni Matt sa mga tawag ko.









"Ah mom asan nga po pala si dad?" pag uusisa ko hindi ko kasi ito nakita ng dumating ako.









"Nasa opisina nya may kameeting". tipid na sagot ni mom









"Ka meeting? Sino? Saka para saan po?" nagtataka ako kasi wala naman na si dad trabaho at kung paminsan minsan lang ay tumutulong si dad kay kuya para magbigay ng advice kung paano mapapalago ang negosyo nito.









"Mabuti pa ikaw nalang ang pumunta sa taas at ng makita mo kung sino. Ayain mo nading bumaba ng makakain na. Kanina pa ang mga iyon sa taas baka kung ano nang nangyayari sa mga iyon". sagot ni mommy sa akin. Nagtataka man ay sinunod ko nalang.









Tok...tok...tok... "Daddy?" tawag ko sa labas ng pinto








"Pasok" dining kong sigaw ni dad







Pagbukas ko ng pinto. "Hi daddy! Mommy told me na ready nadaw po ang dinner." sabi ko habang naglalakad. "And mommy said na may ka-meet-ting... Ka? Daw?" putol putol kong pagsasalita ng tuluyan na akong makalapit kay dad at ang bumungad na kameeting na sinasabi ni mom ay si...








"Lovey??? Ikaw ang kameeting ni dad? Why???" gulat na gulat kong tanong. Kaya pala hindi ako nito tinetext, sumasagot sa tawag dahil naandito ito sa amin.








Nakatinginan lang sila ni dad at si dad na ang sumagot. "Wala anak may pinagpaalam lang ang boyfriend mo, malalaman mo din un sa mga susunod na araw.








Habang ako nagtataka parin kung ano ba un at mas lalo lang akong naguluhan.







"Mauuna na akong bumaba. Matteo iho sumunod nadin kayo kaagad ha!" dagdag pa ni dad.








"Opo Tito thank you po!" masayang paalam ni Matt








Nang makalabas na si dad, agad akong inakap ng mahigpit ni Matt na wari mo'y nanalo sa lotto sa sobrang saya.








"Mahal ko!!! I love you!!!" sambit nito pero dinedma ko lang. Nagtatampo ako dito dahil sa hindi nito pagreply at sagot ng tawag tapos hindi man lang ako sinabihan na may balak pala siyang pumunta dito sa bahay ngayon. Oo masaya ako na naandito sya sa bahay at magkakasama kami. Pero nagtatampo parin ako.









"Mahal? Galit kaba?" mukang napansin nitong hindi ako nagrespond sa sweetness nya sakin.








Hindi ako umimik. "Mahal!" tawag nito muli na hindi inaalis ang pagkakaakap sa akin.









"Bakit hindi mo sinabing naandito ka pala? Hindi mo man lang nireplyan ang mga text at sinagot ang tawag ko. Alam mo bang nag alala ako kung napano kana at kung anong nangyari sayo?" walang preno kong sabi na nagtatampo ang tono









"Sorry na mahal hindi ko naman intensyon na hindi ka replyan saka sagutin ang mga tawag mo kaya lang kasi... Napasarap ung usapan namin ni Tito kaya..." hindi ko na ito pinatapos at sumabat na ulit








Paano Ba Mahalin?Where stories live. Discover now