Comeback of the Past

326 11 2
                                    

"Oh mag juice ka muna habang nireready lang ni yaya ang susuotin mo."sabay abot ko ng juice dito.

Naandito kami ngayon sa bahay. Pinagreready sya ni yaya ng masusuot para makaligo na sya dahil ang dumi talaga ng suot nito.

"Salamat" ngiting sagot nito.

Maya maya pa nga ay bumaba na din si yaya.

"Iho ito muna ang gamitin mo siguradong kasya naman iyan sa iyo. Mga gamit na hindi pa nasusuotan iyan ng kuya ni Sarah". Pahayag ni yaya

"Naku nakakahiya naman po. Pero salamat po dito." sbi nito habang napapahawak pa sa ulo nya.

"Okey lang yan sige na gamitin mo na."sabat ko sa kanila

"Sarah ikaw na ang magturo ng guest room. Para makaligo na si Matteo".sbi nito sa akin "ang binti ko ay nananakit na sa paakyat baba ng hagdan". Habang napapakapit pa ito sa tuhod nya.

Napatawa naman kami ni Matteo sa ikinilos ni yaya.

"Sige na yaya magpahinga kana po muna ako na bahala kay Matt".

"Oh sya cge kayo ba eh dito magtatanghalian? Para madagdagan ko na ang pagkaing lulutuin?"tanong ni yaya bago kami umalis

"Ah opo ya dito kami kakain ni Matt". "Okey lang ba sayo?" baling kong tanong kay Matt.

"Ah o-okey lang ba sayo?" balik tanong naman nito sa akin.

"Haha oo naman grabe para namang bago ka lang dito?" sagot ko dito habang natatawa tawa

"Oh sya sige na magmadali kana maligo para makakain na kayo, ikaw naman Sarah magpalit ka nadin ng damit bakit ba madumi din yang likuran mo?" usisang tanong naman ni yaya sa akin

"Ah wala ya ito po kasing si Matt". sumbong ko kay yaya

"Hindi po yaya sya nga po pinagtatawanan ako dahil sa damit ko." paawang sumbong naman nito kay yaya

"Ah grabe ha! Ikaw kaya un-..."

Hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil inawat na kami ni yaya

"Hay kayong mga bata talaga magsitigil na nga kayo, maglinis na kayo ng katawan nyo." at pumasok na ito sa loob. Naandito kasi kami sa garden.

"Ikaw kasi eh!"sising sabi ko dito.

"Anong ako?"turo pa nito sa sarili nya"eh ikaw kaya"balik sisi nito sa akin.

"Ah ako pala ha?" sbi ko dito habang nakangisi.

"Oh? Ano na naman yan?, Sarah! Saan ka pupunta?" Awat na tanong nito.

Nakita ko kasi ang hose sa garden kaya naisip kong lapitan iyon. "Ako pala ha? Eto bagay tayo." Sabay tapat ko ng hose dito at binasa ito.

"Huy! Sarah ano ba yan?,tama na" awat nito sa akin na mabilis na tumalikod upang hindi mabasa ang dala nitong damit.

"Anong tama na? Paano kung ayoko?hahaha" hindi ko parin ito tinitigilang basain.

"Iyan pala gusto mo ha? Sige pagbibigyan kita". Sabi nito na agad ng ibinaba ang dala sa mesa at agad kinuha ang timba na may tabo na nasa garden lang din.

"Ahhh!!!"sigaw ko ng sabuyan ako nito ng tubig.

"Yan pala gusto mo ha!"sabi nitong muli na natatawa pa

"Eto naman sayo hahaha"sabay tapat kong muli dito upang basain.

Nagtagal pa ang aming basaan hanggang sa pareho na kaming basang basa daig pa namin ang naligo sa ulan.

Narinig naman ni yaya na nagkakagulo kami ni Matt kaya pinuntahan kaming muli nito sa garden.

"Naku kayong mga bata kayo talaga. Ano bang pinaggagawa nyo ha?" sambit ni yaya "ang sabi ko maligo kayo at hindi magbasaan diyan".

Paano Ba Mahalin?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum