Flashback of Rika

345 7 1
                                    


........................................

Joh POV

Naandito kami ngayon sa labas upang kausapin ni Tito D si Rika. Mejo kinakabahan ako kung tungkol saan ang paguusapan nila, dahil sa nakikita ko ngayon seryoso talaga si Tito D.

Joh - tango nalang ang naging tugon ko nang sabihan ako ni Tito D na wag umalis.

Daddy D - kung ano man ang sinabi o nagawa ng anak ko saiyo kanina hindi ko sinasabing tama iyon o mali, pero masasabi kong natural lamang na reaksyon ung mga nasaksihan ko kanina.

Hindi pa man libusang malinaw ang nangyayari, alam kong seryosong bagay ito.

Rika - Tito sobang sorry po sa lahat ng naidulot ko po. (Umiiyak parin)


Daddy D - wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin kung ano man ang mga hakbang na ginawa mo pinili mo iyan, at sana lang maging masaya ka kung ano man ang magiging resulta ng mga ginawa mo.

......Habang si Rika ay tahimik lamang na nakikinig na nakatungo ang ulo.

Daddy D - minsan lamang ako hihingi ng pabor at sa pagkakataong ito, sanay mapagbigyan mo ako...

Rika - (napatingin Kay Tito na may tanong sa kanyang mukha).

Habang ako ay tahimik lamang nakikinig sa kanilang paguusap.

Daddy D - gusto kong layuan mo na ang anak ko, ipagpaumanhin mo kung hinihiling ko ang bagay na ito sa iyo.

Hindi lamang ito ang unang beses na nakita ko siyang nasaktan ng dahil sa iyo, at hindi ko na kayang madagdagan pa iyon. Kaya kung mamari lang wag mo na siyang guluhin.

Rika - Tito?! Na muling napaiyak. Sorry po... patawad po...

Daddy D - tama na wag kanang humingi ng tawag sundin mo nalang ang pakiusap ko.

Nabigla ako sa pinakiusap ni Tito Kay Rika, makikita mo kung gaano naapektuhan si Tito bilang ama ni Sarah. Nasa sitwasyon ako ng pagkabigla sa lahat ng mga nasaksihan ko, nang lapitan ako ni Tito... ...

Joh maari ba akong makisuyo sa iyo? (Pasimpleng tanong saakin nito).

Opo Tito ano po iyon?

Maaari mo bang ihatid muna si Rika sa tinutuluyan niya? Para lang masigurado natin na uuwi siya sa kanila?

Opo Tito ok lang po saakin, sige po Tito makakaasa po kayo.

Salamat iha, magiingat kayo ikaw na ang bahala sa kanya.

Opo sige po. tanging naitugon ko. Natutuwa ako Kay Tito dahil na alam kong may sama ito ng loob kay Rika, ay maayos parin nitong pinakitunguhan ito, at makikita mo ang pagaalala na meron si Tito Kay Rika.

Dahan dahang pumasok na si Tito sa loob at Hindi na ito nagpaalam Kay Rika. Samantalang ako naman ay nilapitan si Rika upang pasakayin sa sasakyan upang ihatid sa kanyang tinituluyan.

Hindi ko na ipinaalam Kay Rika na si Tito ang nagsabi sa aking ihatid siya.

Habang nasa kotse....

Rika POV

......nakasakay ako ngayon habang tulala sa mga nangyari. Totoong pinagsisisishan ko kung ano man ang mga nagawa ko.

Kanina nung naiwan ako sa bahay ni Gerald duon ko lahat naisip ang mga naging hakbang na nagawa ko. Napagisip isap ko na maling mali, hindi lamang ang mahal kong lalaki ang nawala sa akin, nawalan din ako ng kaibigan, kapatid at pamilya.

Paano Ba Mahalin?Where stories live. Discover now