Spending Time

484 17 1
                                    







"Bye mom, bye dad".






"Tita, Tito alis na po kami ni Sarah. Thank you po sa pagpayag na magstay po si Sarah sa Laguna".







Paalam namin ni Sarah sa parents nya. Halos dalawang lingo ko ding niligawan ang parents nito para lang mapapayag sila na mag stay si Sarah sa Laguna. Gusto kasi naming sulitin ang panahong hindi pa ito bumabalik sa trabaho at ako naman habang hindi pa busy sa trabaho sa Makati.








"Mag iingat kayo. Sarah nag usap na tayo ha? At ikaw naman Matteo alagaan mo ang anak namin". paalala ni tita








"Yes po mommy noted po lahat un." sagot ni Sarah na bumeso sa mommy nya







"Opo Tita ako na po ang bahala kay Sarah. Sige po alis na po kami.








"Matteo ang pinangako mo sa amin hindi ko nakakalimutan iyon. Kaya wag na wag mo ding kakalimutan." si Tito na nagpapaalala sa akin







"Opo Tito promise po hindi ko po kakalimutan." Ngiting sabi ko pa kay Tito "salamat po ulit Tito sa pagpayag". pahabol ko pang sabi







"Ikaw prinsesa ko may tiwala ako sa iyo kaya wag niyong sisirain yon?" bilin nito kay Sarah









"Asus si daddy naman opo promise po bye dad love you, love you din mom". sabi ni Sarah na sobrang saya.






Tuluyan na kaming umalis ni Sarah papuntang Laguna. Nagset kasi kami na mag outing ka sama ang friends nito ako naman ay ininvite din si Ivan at Camille.







...






"Happy mahal?" tanong ko dito habang nagdadrive ako at kinuha ang kamay nito at hinalikan.





"Super happy dahil finally okay na kayo ni daddy". sabi ni Sarah at sumandal sa balikat ko.





Tama ang sabi ni Sarah. Okay na nga kami ng daddy nya. Siguro nakita nya na mahal na mahal ko talaga ang anak nila at mataas ang rispeto ko kay Sarah pati narin sa kanila. Sa totoo lang mabait naman talaga ang daddy ni Sarah gaya ng sabi nito. Naging malamig lang pakikitungo nito sa akin noong una. Pero masaya ako dahil masasabi ko na tiwala na sa akin ang daddy nito at hinding hindi ko sisirain iyon. Pati narin si Tita umpisa pa lang naman ng makilala ko si Tita. Alam ko na makakapalagayan ko na agad ng loob dahil sobrang bait sa akin ni Tita. Kaya naman ang taas din ng respeto ko sa kanya.






Naging masaya ang byahe namin dahil sa kakulitan ni Sarah. Paano kasi kung hindi sasayaw sinasabayan nya ang music sa radio. Kaya wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa habang nasa byahe. Minsan gumagaya pa nga ako dito sa pagkanta nahahawa na siguro ako. Pero ok lang kung iyon ang ikaliligaya ng mahal ko. Maya maya pa narating na namin ang resort.






"Finally we're here super excited na ako lovey!!!" sabi ni Sarah habang pinapark ang kotse.






"Mahal relax okay? Para namang first time lang natin masuswimming". sabi ko habang natatawa sa reactions nito.






Pinagbuksan ko ito ng pinto at kinuha ko na ang mga gamit namin at sabay na lumakad papasok sa resort.






"Lovey wait may tumatawag sa phone ko". paalam nito sa akin at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko






Paano Ba Mahalin?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang