Confession of Feelings

360 16 7
                                    

Matt POV

Pagdating ko sa tapat ng Resto agad akong nagpark. Pagpasok ko ng pintuan hinanap ko kaagad si Sarah. Nakita ko naman agad ito malapit sa may papuntang office ang pwentong kinaroroonan nito. Pagtingin ko sakanya ay napatingin din ito sa akin. Kaya nagtama ang mga mata namin. Naglalakad ako palapit dito, pero hindi ko inaalis ang mga tingin ko dito at ganun din naman siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa mga mata nya, parang ang daming tanong na hindi ko maintindihan. Ang tanging alam ko lang sobrang namiss ko ang taong ito. Iba talaga ang epekto nya sa akin. Sobrang miss na miss ko ang taong ito. Hanggang sa makalapit na ako dito, ngayon at nasa tapat na niya ako.

Narinig ko naman ang gulat na bati ni Mimay sa akin. Hindi ko na nga ito napansin na katapat lang pala ni Sarah.

"Ohh Myy Gosh Matteo???" gulat na sabi nito. Na dahilan upang bumalik ako sa wisyo.

"Hi Mimay kamusta? Marami bang costumer ngayon?" Baling na tanong ko dito, na hindi nagpahalatang mejo kabado ako.

"Ahm ok lang naman mejo marami din naman kahit papano" sabi nito na hindi mo malaman kung kinikilig ba o may masakit lang sakanya

"Hi Sarah pasensya kana mejo traffic kaya ngayon lang ako nakarating" baling kong muli dito at nag explain.

"Ahh o-ok lang u-un hehe" at pilit na ngiti ang ibinigay nito sa akin na hindi ko maintindihan parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi.

"Ahem-ahem"nag ubo ubohan naman itong si Mimay dahil nagkatitigan nalang kami ni Sarah. "Hello andito pa ako ano? Siguro naman nakikita nyo pa ko ano???" at nagpapansin pa ito sa amin para mabaling ang atensyon namin sa kanya.

Napansin ko namang pinandidilatan na ito ni Sarah habang ako ay natatawa nalang sa ginagawa nito, hanggang si Sarah na ang nagsalita

"Ah Mimay uwi na ako ha! Pasabi nalang kay Joh babye" sabi nito at bumeso na kay Mimay

"Teka akala koba dito kana magdidinner?"pahabol na tanong naman ni Mimay dito

"Ah hindi na sa bahay nalang, oo sa bahay nalang ako kakain. Sige mauna na ako, Matt hindi na pala ako sasabay babyahe nalang ako mag isa. Pasensya kana ha! Na abala kapa".sabi ni Sarah na naglakad na nga at hindi na man lang nito inantay na magsalita ako.

Haist!!! Sarah anong ginawa mo??? Bakit ka nalang nagdedesisyon ng basta basta!!! Sabi ko sa isip ko habang naglalakad palabas.

"Anong nangyari dun? May nasabi ba akong masama?"alalang tanong ni Matt kay Mimay

"Aba malay ko bakit hindi mo sundan ng malaman mo habang hindi pa sya nakakapara ng sasakyan. Baka naman kasi may kailangan kanang aminin" makahulugang sabi naman ni Mimay

"Salamat Mimay" at dali dali na akong tumakbo palabas ng restore para sundan si Sarah

"Sarah-Sarah...sandali lang" sabi ko dito ng maabutan ko

"Oh?! Anong ginagawa mo dito?"sabi nito sa akin

"Ah sabay kana sa akin?"mahinahong sabi ko dito

"Hindi na wag na ok lang ako, saka hindi naman ako ang nagtext sayo si Mimay"paliwanag nito sa akin

"Ok lang, pero sumabay kana sakin please???!!!"paawa effect ko pang sabi dito.

"Eeehhh saan ba naka park ang sasakyan mo?" nakangiting sabi nito sa akin.

Napangiti nadin ako ng pumayag itong sumabay sa akin, at inaya ng sumakay sa kotse. "Doon naka park tara?"

"Okey"tanging sagot nito at naglakad na kami papunta sa kotse.

Paano Ba Mahalin?Where stories live. Discover now