Loving Dark

Від xRandomQueen

1.1M 17.1K 1K

After a turbulent relationship between Angel and Dark in their past, everything went well for them both as a... Більше

Author's Note
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine

Chapter Thirty-Seven

14.2K 209 11
Від xRandomQueen

JAMES

Mabilis lamang ang naging byahe namin pauwi ni Angel mula sa park. Nanatili lang ang katahimikan sa pagitan namin buong byahe, kaya nang tuluyan nang makahinto ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila ay hindi ko na nakausap si Angel. Gustuhin ko man ay hindi ko na nagawa pa dahil dire-diretso lamang siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa kanila. Hindi na niya ako nagawang lingunin pa.


Naiintindihan ko ito kaya hindi ko na ipinilit ang sarili ko at napagdesisyunan na lamang magpahangin muna kung saan. Gusto kong huminga sa lahat bagay na gumugulo't nagpapabigat sa dibdib ko sa mga sandaling ito. Hanggang ngayon ay parang hindi ko pa rin kayang i-digest sa sistema ang mga nangyari kanina sa park.


Natagpuan ko na lang ang sarili kong inihinto ang sasakyan sa harap ng isang nightclub. Malayo-layo ito sa tinutuluyan ko, pero mukha namang makalalayo rin ako pansamantala sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang magpakalunod sa alak para takasan ang sakit sa dibdib. Kahit paulit-ulit kong itanggi sa sarili ko ay sobrang sakit tanggapin ang lahat ng mga nalaman ko ngayong araw.


Hindi ako makapaniwala na muntik ko nang matraydor ang sarili kong pinsan dahil sa pagmamahal na nabubuo ko na sa asawa niya ng hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala na ang minamahal kong babae ay ang babaeng minamahal din ng pinsan ko.


Sobrang sakit, ngunit wala akong magagawa para maibsan ito. Ang akala kong sandalian lamang na paglayo namin sa isa't isa ni Angel ay tuluyan nang magiging permanente dahil asawa siya ng pinsan ko.


Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Angel, walang duda 'yon. Subalit alam ko rin na hindi sapat at hindi tama ang pagmamahal ko para makasira ng pamilya, lalo na ang pamilya ni Dark. 


Maliban doon, I still cannot process how Dark was able to do those bad things that broke Angel's heart. Hindi ko lubos maisip, base sa mga alam kong pinagdaanan ni Angel sa asawa niyang si Dark pala, na magagawa iyon ng pinsan ko. Kahit hindi kami nagkasama ng pinsan ko sa personal ng mahabang panahon  ay kilala ko pa rin ito mula pagkabata. Hindi ko maunawaan kung bakit naging ganoon ang lahat sa buhay niya...


I want to know his side too. I want to help fix this mess in their life, but I know it will hurt me so bad.


Nangako ako kay Angel na kahit wala nang kami ay sasamahan ko pa rin siya malagpasan ang sakit na dulot ng problema niyang ito sa buhay. Hindi ko siya pwedeng iwanan mag-isa, lalo na't si Dark pala ang kabiyak na tinutukoy niya.


I really want to accept everything that I have learned today. Ayokong manatiling ganito ka-miserable dahil lamang wala akong magawa na ang babaeng mahal ko ay pagmamay-ari na pala talaga ng iba– at ng pinsan ko pa.


I'm trying, I am really trying. Gayunpaman, ipilit ko mang maging masaya para sa pinsan ko dahil alam ko kung gaano niya kagustong makita ang asawa't anak niya at sa wakas ay nahanap niya na nga ang mga ito ay hindi ko magawa... sa ngayon. Kasi ang hirap magkunwari sa sarili ko mismong damdamin, sobrang hirap maging masaya dahil alam ko na ako ang nasasaktan ng sobra.


And to be honest, hindi ko na talaga alam ang dapat gawin sa mga sandaling ito. I'm just trying to solve things on my own again and help myself to forget what I truly feel about it because I don't want to hurt Dark. 


Sanay akong saluhin ito sa mga problema niya mula noong mga bata pa kami, at ngayon ay gusto ko rin namang maging pabor ulit sa kaniya ang lahat ng ito. But for the first time, there's some kind of thought that maybe I should care about my own feelings first before others.


I want to be selfish, kahit ngayon lang. But I know that if I do that, it will hurt him so bad for the rest of his life and it will make me a traitor.


I'm really fucked up.


I know I should do something about this, but right now, I can't figure anything out. It's like my whole fucking mind is messed up right now.


I feel weak... I feel useless.


"Fuck it!" hindi ko napigil ang sariling maibulalas iyon bago lagukin ang pang-apat kong baso ng alak.


Kasalukuyan akong nakaupo sa isang high stool chair sa bar counter ng Phoenix, pangalan ng nightclub na kinaruruunan ko. Sa daming tumatakbo sa isip ko mula kaninang mahatid ko si Angel at marating ito ay hindi ko namalayang ilang oras na akong narito sa loob ng nightclub at nagpapakalasing sa alak.


Nang maubos ko ang pang-apat kong baso ng Rye Whiskey ay muli akong humingi sa bartender na malapit sa akin ng isa pa. Tila ba walang epekto sa akin ang anumang alak na inumin ko, nanatili akong wala sa sarili ko habang patuloy na nagpapakalasing.


"Okay ka lang?" nahinto ako saglit sa pag-inom nang makarinig ako ng boses sa gilid ko. Napalingon ako rito at binigyan ang babaeng nakita ko ng isang blangkong tingin.


"Ano sa tingin mo?"


Inalis ko sa kaniya ang atensyon at tinuon na lang ang sarili sa basong hawak ko bago muling inumin ito. Ramdam man ang tapang ng iniinom sa lalamunan ko ay wala pa rin itong dalang kaginhawaan sa sistema ko.


"Ang sungit mo naman, Sir. Nag-aalala lang naman ako, pasalamat ka at gwapo ka... dahil kung hindi, baka nasupalpal na kita." may inis nitong banggit sa akin kaya nagulat ako.


Hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako ng gano'n. Who the hell is this girl? I don't even know her, and she has the courage to say something nonsense to me right now. Unbelievable.


Nang ilang minuto akong hindi sumagot dahil wala naman talaga akong oras makipag-sayangan sa kaniya ay muli niyang nagawang kuhanin ang atensiyon ko. Inagaw niya ang basong hawak ko at mabilis na ininom ang natirang alak doon.


Nagbahid ito sa mukha niya ng hindi maipaliwanag na ekspresyon na kalaunang nagpaduwal sa kaniya. Mukhang hindi niya inasahan ang tapang ng iniinom ko kaya para siyang baliw ngayon. Pigil ang pagtawa ko sa pagitan ng pagkairita ko sa kaniya dahil sa nangyari. Inagawa ko nang muli sa kaniya ang baso ko at sumenyas sa bartender na bigyan ulit ako ng panibago.


"Seriously, sino ka ba at ang lakas ng loob mong agawan ako ng alak? Bumili ka nalang ng sarili mong maiinom at huwag na akong pakialaman dito. Ayos ba 'yon?" Salita ko kaya muli niya akong tinignan. Namumula ito at tinarayan pa ako. Wow, woman.


"Napakadamot mo naman, alam mo ba iyon? Sayong-sayo na iyan, ang pangit naman ng lasa, e. Isa pa, mas masarap pa ang bentang pulang kabayo ni Mang Berting sa may kanto namin kaysa riyan. Masarap na, mura pa." Irap niyang sagot kaya pinigil ko ang irritation na nararamdaman ko at iniwas na lang muli sa kaniya ang tingin.


I don't know what the fuck is wrong with this lady, but whatever it is... she's just making me more miserable right now.


"I don't even know you, Miss. Pero kung mas gusto mo ang tinutukoy mo, bakit hindi ka nalang doon bumili at huwag na akong pakialaman? That's too easy, right? Just shut up and let me do my thing." Inis pero kalmado ko pang suhestiyon sa kaniya.


Nagulat siya sa narinig mula sa akin, ngunit kalaunan ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at siya pa ang nainis. Wow.


Bakit ba ganito ang mga babaeng nakikita ko? Ganito rin kataray si Angel noong una. Sht, siya na naman ulit.


"Napakasungit mo!! Gusto ko lang naman makipag-usap dahil halatang problemado ka–" 


"Exactly! I need silence, peace of mind, Lady. At hindi ko makukuha 'yon kapag may makulit na katuald mo. So please, just shut your mouth and give me space." putol ko sa sinasabi niya.


Dahil sa nagawa ko ay nakita ko ang paglungkot ng mukha niya at agad napaiwas sa akin ng tingin. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya dahil doon, pero totoo naman kasing makulit siya.


"Ang s-sakit mo namang magsalita, gusto ko lang naman makatulong. Akala ko kailangan mo ng kausap dahil sa problema mo, s-sorry... pero..." saglit itong huminto at binalik na naman sa akin ang tingin niya.


"KUNG GUSTO MO NG KATAHIMIKAN, HUWAG KA RITO! SA SIMABAHAN KA MAGTUNGO! MGA BWESIT! PARE-PAREHAS TALAGA KAYONG MGA LALAKE, CHE!" galit niyang bulyaw sa akin at umalis na sa tabi ko.


Para akong napako sa kinauupuan dahil sa mga nangyari. What the fuck happened!?


Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kung ano-anong bagay ang nangyari sa buhay ko ngayong araw.


ARGHHHH!


Anong problema ng isang 'yon? Galit na galit! Lalo lang tuloy sumakit ang ulo ko. Sht! ARGHHHH!


I HATE THIS FCKING DAY!!






***

ANGEL

Nang maihatid ako ni James sa bahay ay wala na akong ibang nagawa kundi magkulong sa kwarto. Maging si Ken ay hindi ko magawang maharap dahil sa pagiging miserable ng damdamin ko ngayon. Nagpapasalamat ako kay Lola na kahit hindi pa alam ang nangyari ay mas piniling ilayo sa akin ang anak ko.


Lumipas ang ilang oras na umiiyak at iniisip lamang ang mga nangyari kaninang umaga ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng aking kuwarto. Nahimasmasan na naman ako kaya inayos ko muna ang sarili ko bago pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.


Si Clark pala.


Malungkot ang mukha niya kaya agad ko itong niyakap ng mahigpit. Wala pa akong sinasabi na kahit ano ay naramdaman ko naman kaagad ang pag-aalala niya sa akin.


"A-anong nangyari sa lakad niyo, Ate?" puno ng pag-aalalang tanong ni Clark kaya napapikit ako at pinilit pigilan ang nagbabadya na namang luha sa mata.


Nang humiwalay ako sa yakap ay naupo ako muli sa kama, sumunod sa akin doon si Clark at hinintay akong magsalita.


"A-ate?"


"N-nagkita na kami, alam ko na ang lahat..." utal kong sagot.


Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng kapatid ko, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako na puno pa rin ang pag-aalala para sa akin. Ang tanga ko lang dahil nasa akin na ang lahat ng palatandaan na maaaring magkaugnay si James at Dark pero nagbulag-bulagan ako.


Magkahawig ang dalawa, magkapareho ang apelyedo at higit sa lahat parehas ang kinuwento ni James sa akin tungkol sa buhay ng pinsan niya.


Ang tanga ko lang sa parte na halos tuklawin na ako ng katotohanan. Hindi ako makapaniwalang muntik-muntikan ko nang madagdagan ang problema naming dalawa ni Dark kung nagkataon na itinuloy namin ni James ang nabubuo naming koneksiyon.


Hindi ko kayang palitan si Dark at mas lalong hindi ko kayang ipalit si James sa pinsan niya. Ayoko ng ganito. Ayokong may ganito kasakit na mangyari, pero dahil nagpakatanga na naman ako ay nangyari pa rin.


Hindi ko na alam ang mukhang ihaharap kay James, nang dahil sa akin ay nasaktan niya ang pinsan niya ng lubos.


"H-hindi ko alam na n-nadito si Dark, Ate..." malungkot na banggit ni Clark at niyakap muli ako.


Nagsimula na namang lumuha ang mga mata ko dahil sa yakap ng kapatid ko. Sobrang sakit pa rin kahit ilang oras ko nang inilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Ang hirap...


"S-sorry Clark kung nagmatigas ako. Hindi ko alam na ito pala ang tinutukoy mo sa akin noong nakaraan. Patawarin mo si Ate kung mas pinili kong mapalapit kay James kaysa pakinggan ka, s-sorry kung naging tanga ako sa bagay na 'to." paumanhin ko sa kapatid na agad naman niyang kinailing sa akin. Malungkot siyang ngumiti at pinunasan ang mga luha kong naglalandas sa aking pisngi.


"Naiintindihan kita, Ate. Huwag ka nang umiyak, makakasama yan sa pamangkin ko kung palagi ka nalang umiiyak. Alam kong mahirap ang lahat sa'yo, pero sa ngayon Ate, isa lang magagawa mo at iyon ang pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon sa relasyon niyo ni Dark." nang sabihin sa akin ni Clark iyon ay nahinto ako at malungkot na ngumiti sa kanya.


Tama si Clark, pero hindi pa nagpo-proseso sa aking isipan ang totoong nararamdaman kay Dark. Sobrang sakit, sa ngayon ay nahihirapan akong magdesisyon.


Hindi ko magawang maipaliwanag ang lahat. Hindi ko maipaliwanag kung gusto ko bang mawala sa akin si Dark ng tuluyan o hindi. Ayoko nang sumugal ulit, pero tila ba ayoko ring sumuko sa pagmamahal kong 'to. Hirap na hirap na ako.


Bakit ba ganito? Ayoko nang maging tanga...





Loving Dark


(Sorry for keeping you all waiting for so long... I'm trying my best to finish this story this month. Please bear with me. Thank you, readers! ILYSM! <3)

Продовжити читання

Вам також сподобається

69K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...