PASSWORD (Completed) (Raw)

Por dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... Mais

Password
PASSWORD : Chain Reaction
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD : We meet again!
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : Choose
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
PASSWORD : Becoming One
Finale : I am into you

PASSWORD : Her secret

613 37 23
Por dcmuch



PAGBUKAS ni Evo ng pinto umalingawngaw ang malakas na sampal ni Victory kay Yvon.



"Yvon hindi mo pwedeng mahalin ang kapatid mo, nababaliw ka na ba?"



Walang emosyon ang mababakas sa mukha ni Yvon noong masdan niya uli ang ina. Nasapo nalang ni Victory ang ulo sa perwisyong sinasapit sa anak na babae. Sa kanyang paghakbang naagaw ng kanyang atensyon si Evo na nasa pinto.



"Anong hindi? E hindi ko naman siya kapatid. Hindi mo naman siya totoong anak, hindi ko siya kadugo. Paano naging bawal?" seryosong turan ni Yvon na siyang gumimbal sa pandinig ni Evo.



"Yvon!" malakas na sigaw ni Victory habang hindi inaalis ang paningin kay Evo na ngayon ay hindi makapaniwala sa narinig.



Hinarap ni Yvon ang ina na nasa gilid kaya napansin niya si Evo na nasa pinto.



"Evo?"



Tumaas ang kanang kilay nito saka napa-atras na para bang ang laking kasalanan nang binitiwan niyang salita. Tinakpan niya ang bibig saka bumulong-bulong.



"Totoo ba ma?" mahinahon tanong ni Evo.



"Totoo ba?" tuluyan nang nailakas ni Evo ang boses na siyang nagpanginig kay Victory maging kay Yvon na napasalampak sa sahig.



Natatawang nasapo ni Evo ang noo saka umikot habang nakapamewang.



"Kaya pala. Kaya pala parang tau-tauhan lang ang turing niyo sa akin."



"Anak hindi totoo 'yan. Galing ka sa akin ano ba?" Lumapit ito kay Evo at gusto sanang yumakap pero pumiksi si Evo. Lumapit ito kay Yvon na ngayon ay tulala sa kanya.



"Paano nga naman naging bawal?"



Hinawakan niya sa baba si Yvon saka ito hinaplos, "Yvon kahit hindi kita kadugo hindi kita magugustuhan. Malaki ang respeto ko sa'yo kaya sana respetuhin mo rin ang pasya ko. Magmahal ka ng lalaking kaya kang baguhin hindi ang mabuhay na ganito. Malaki ang paggalang ko sa'yo sana itigil mo na 'to. Tama na. PInapatawad na kita sa pagpatay kay papa pero huwag mong kakantiin si Shery dahil pagginawa mo 'yon..." Lalo itong lumapit sa tenga ni Yvon saka bumulong, "Hindi kita mapapatawad!"



Tumayo siya saka dumiretso sa pinto.



"Evo?" pagtawag sa kanya ng ina na ngayon ay parang mahihimatay.



"Tama na ma. Sawa na akong sumunod sa gusto niyo. Palayain niyo na ako!"



Tuluyang lumakad si Evo at sinara ang pinto.




"Hindi!"



Malakas na sigaw ni Yvon na rinig ni Evo kahit nasa gate na siya at papasakay sa dalang saskayan.



Shery nasaan ka na? Sana nasa mabuting kalagayan ka ngayon!



Naikuyom niya ang kamao saka minasdan ang reflection sa salamin ng sasakyan. Aminado siyang masakit na malaman na ampon siya pero mas lamang ang saya dahil hindi sila galing ni Shery sa iisang dugo.





---





"Salamat!"



Inayos ni Lolo Richard ang suot na salamin saka inayos ang rearview mirror.



"Didiretso na tayo ngayon para tapusin ang natitirang isang buwan na training. Kailangan magmadali dahil nalalapit na ang paghaharap niyo!"



Tumango si Shery habang tulala.



Mula sa kanyang paglayo sa kaninang pwesto pilit niyang ini-imagine na hinabol siya ni Evo para magpaliwanag pero wala siyang nakitang anino roon. Hanggang ngayon umaasa ako na gagawin mo ang madalas mong gawin pag nakakagawa ka ng kasalanan. Kahit ang simpleng sorry mo tatanggapin ko. Bilang ma... Hindi bilang pinsan papatawarin kita.



Muling dumaloy ang taksil na luha sa kanyang pisngi. Clothe Man!



Naipikit niya ang mata at tahimik na lumuha hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan siya dati dinala ng kanyang lolo.



"Nandito na tayo!"



Wala sa sariling nilingon ni Shery ang kanang bahagi ng pinto kung saan naroon si Lolo Ricardo.



"Mas matinding pagsubok ang darating sa buhay mo. Doble, hindi triple ng una. Iibig ka ng totoo. Sisikapin mong mas higitan ang mayroon ka ngayon dahil kailangan pero hindi ka magiging masaya lalo pagnalaman mo ang katotohanan. May mawawalang tao at ang pagkawala niya ang magiging simula ng pasakit at paghihirap mo. May matutuklasan kang pag-asa pero ang pag-asa na ito ang magdadala sa iyo mula sa pagkabigo sa pag-ibig, tiwalang masisira at mas higit--" napahinto ang matanda sa pagsabad noong lalaki, "Lola huwag niyo na pong takutin si Miss dahil tinulungan naman niya kayo."



Hindi iyon inunawa ng matanda bagkus ay nagpatuloy, "Tamang hinala na akala mo ay tama pero ang totoo ay mali. Masakit man aminin pero kailangan mong harapin ang pagsubok na ito. Palagi mong tatandaan hindi dahas ang kapalit ng kahit anong pait na sinapit bagkus matuto kang magpatawad. Inadya ng Diyos na mangyari ito para sa iyo at para sa kan--"



Lola Milagrosa?



Nilibot ng paningin niya ang paligid sa kanyang pagbaba.



Ang panukala ni Lola Milagrosa ay nagkatotoo!



"Tamang hinala na akala mo ay tama pero ang totoo ay mali. Masakit man aminin pero kailangan mong harapin ang pagsubok na ito. Palagi mong tatandaan hindi dahas ang kapalit ng kahit anong pait na sinapit bagkus matuto kang magpatawad. Inadya ng Diyos na mangyari ito para sa iyo at para sa kan--"



Tamang hinala na akala ko ay tama? "Lola Milagrosa?"



Napahinto sa paglakad si Lolo Ricardo at nilingon si Shery, "Sinong Lola Milagrosa?"



Palagi mong tatandaan hindi dahas ang kapalit ng kahit anong pait na sinapit bagkus matuto kang magpatawad. Inadya ng Diyos na mangyari ito para sa iyo at para sa kan--"



Tulalang nalipat ang atensyon ni Shery kay Lolo Ricardo noong magsalita ito, "Ah wala ho! Naalala ko lang si Lola Milagrosa sana po okay lang sila."



Nagpatuloy sila sa loob ng gubat at doon nakita ni Shery ang lihim na underground.



"Ikaw lang ang maaaring pumasok diyan. Babalik ako after a month at susunduin kita!"



Tumango si Shery saka nagbigay galang sa matanda, "Sige na. May tiwala kami ng lolo mong mapagtatagumpayan mo ang lahat ng ito. At oo nga pala mas upgraded ang software na ginamit namin diyan kaya baka manibago ka pero alam ko makakaya mong magtagumpay. Para sa mga taong gusto mong protektahan kailangan mong matapos ang training maghihintay ako sa pagbalik mo!"



Tuluyan nang tumalikod si Shery at pumunta sa bilog na metal.



Nakangiting kumaway siya kay Lolo Ricardo siyang laho naman niya noong gumanti ng kaway ito.



Inayos ni Lolo Ricardo ang eyeglasses na suot saka tumalikod sa kaninang pwesto ni Shery.





---





INAYOS ni Evo ang pagsipat sa pulang bilog saka naningkit. Ni-request kasi niyang pagalawin iyon sa gayon masubukan niya ang talento at maalala ang ginawang kalokohan noon kay Shery.



Gumalaw ang kanang kilay niya nang maalala kung paano siya asarin ni Shery noon. Lalung-lalo noong mapansin ang pangalan nang tumawag sa kanyang mobile. Ibinaba niya ang baril saka ngumiti. Tunay kasing kay sarap masdan ni Shery pagngumingiti. Para kay Evo sulit nang mapagalitan ng ina basta't masilayan ang matatamis na ngiti ni Shery.



Muli niyang sinipat ang target at kumurap.



Naalala niya ang airsoft. Kung paano niya hinubad ang damit para asarin lang si Shery, inakala pa naman niyang magagalit ito dahil nandaya siya bagkus ay sinakyan ang gusto niyang pakulo dahil gaya niya nagtanggal din ito ng suot. Ang dapat sanang hindi niya pagtanggal ng panghuling suot na damit dahil makikita ang katawan niya ay naganap, inaasahan niyang aalis na agad si Shery pero nanatili itong nakatanaw sa kanya na para bang ini-enjoy ang view.



Tinakpan ni Evo ang bibig saka ngumiti.



Parang baliw man pero iyon ang tanging nagbibigay buhay kay Evo para manatiling positibo na muli niyang makikita ito.



"Sir?"



Nilingon ni Evo ang lalaking lumapit, "May gusto po sa inyong humamon ng airsoft!"



Sabay pa sila ng lalaking sinipat ang babaeng nakahalukipkip sa likuran.



Naibuka niya ang bibig saka natulala, Totoo ba 'tong nakikita ko? Ngumiti ang babae saka kumaway sa kanya. Parang isang sabik na bata noong agad hinubad ni Evo ang eye protector at walang kaabug-abog na binitawan ang baril at tumakbo upang agad yakapin ang babaeng nakita.



"I miss you Shery!"



Humalakhak siya saka hinigpitan ang yakap, "Hindi mo alam kung paanong tiis ang ginawa ko dumating lang ang araw na 'to! Mahal na mahal kita!"



"Mahal din kita!"



Agad napabitaw si Evo nang marinig ang boses ng babae.



Nawala ang saya sa puso niya at agad napabitaw, "Sorry! Akala ko... akala ko ikaw si Shery."



Walang paa-paalam ay agad siyang umalis sa pwesto at nagtungo sa locker upang magpalit ng damit.



Lahat yata ng babaeng kapigura niya napag-aakalaan kong siya!



Marahas niyang tinanggal ang gwantes na suot saka umupo. Tinakpan niya ang mata saka tumingala, Nasaan ka na? Miss na kita!



Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa muli nanaman siyang lumuha.






---






GAMIT ang kaparehas na sasakyan noong nag-stroll sila ni Shery namasyal si Evo kasama ang matalik na kaibigan.



"Woah slow down mate. Shit I said slow down." Halos mapakapit sa upuan si Paul dahil sa bilis nang paandar ni Evo.



"Evo hindi sa ganitong paraan ang magiging dahilan nang pagkamatay ko!"



Agad naihinto ni Evo ang sasakyan saka tinitigan ang kaibigan.



"Ano bang nangyayari sa'yo parang wala ka sa sarili mate?"




Muling humarap si Evo sa harapan saka tumulala. "Okay ka lang Evo? Bakit hindi ka na umiimik?"



"Paul alamin natin kung nasaan siya ngayon. Pakiusap hindi ko kayang hindi siya makita, parang mababaliw ako!"



Naawa si Paul sa kaibigan, saksi siya sa lahat ng paghihirap nito. At aminado siyang sa lahat ng paghihirap na sinapit nito ngayon niya lang nakita itong magkaganito. Ang umaktong parang hindi malaman ang dahilan kung bakit pa ito nabubuhay sa mundo.



"Sige hahanapin natin siya at pagnahanap natin siya anong gagawin mo?"



Muling hinarap ni Evo ang kaibigan, "Yayakapin ko siya katulad ng palagi niyang hinihiling sa akin noon!"



Ngumiti si Paul saka hinampas si Evo, "Lakas talaga ng tama mo sa kanya ano? Sige na tama ng drama simulan na nating hanapin ang nawawala!"





---





KINUKUSOT ni Ricardo ang mata ng biglang may bagay ang tumapat sa noo niya. Nang makumpirmang baril ang bagay na iyon ay otomatikong nabitawan niya ang basong hawak saka nanginig.



"Akala mo hindi ko alam?" nakangiting bungad ng isang babae saka kumindat.



Napalunok si Ricardo saka umusal ng simpleng dasal sa kanyang isip. Kung mamamatay ako ngayon kayo nang bahala kay Shery!



"Ah ayoko pa naman sa lahat 'yung hindi sumasagot pagkinakausap!"



Namilog ang mata ni Ricardo dahil halos parang hanging mabilis naikasama ng babae ang baril na hawak at agad naidikit iyon sa kanyang noo. Bakas ang kawalang pasensiya ng babae bigla niyang naisip, Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Louise?



Humalakhak ang babae siyang atake ni Ricardo upang sana agawin ang baril ang kaso bihasa pala ito dahilan upang ngayon ay halos humahalik siya sa sahig, "Gusto mo akong subukan?"



Pinawalan siya ng babae kaya't malayang nakatayo kasabay nang pagbagsak nang kinalas na baril sa paanan niya.



Naging pagkakataon niya iyon upang humanap nang pangdipensa pero agad siyang sinipa nito sa tiyan. Naiiling itong pumantay sa kanyang nakaluhod, "Paano mo natakasan ang mga tauhan ni Mama kung ngayon ay isang sipa ko lang ay tumba ka na?"



Kinatagpo niya ang paningin ng babae saka tinignan nang matalim.



"Anong kailangan mo sa akin?"



Nagpalatak ang babae saka pumantay sa kanya.



"Para burahin sa mundong ito."



Nilapit ng babae ang mukha sa kanya saka ngumisi, "Sa'yo pala nakuha ni Brix ang ugaling pananahimik!"



Agad naikuyom ni Ricardo ang kamao nang mabanggit ang pangalan ng apo niya.



"Sige ganito tutal mawawala ka na sa mundong ito sasabihin ko sa'yo ang sikreto ko!"



Muli nitong pinulot ang kinalas na baril saka binuo, "May dumukot sa akin dati halos isang taon nila akong tinago."



Imbis humanap nang pagkakataon para makatakas ay mas pinili ni Ricardo ang makinig. Wala siyang ligtas sa kaharap dahil mukha itong professional killer.



"Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga pinaggagawa nila sa akin."



Kumunot ang noo ni Ricardo noong mawala ang saya sa mukha ng dalaga na para bang inaalala nito ang naranasan noon.



"Alam mo may naging kaibigan akong lalaki roon. Gaya ko pinag-eeksperimentuhan din siya. Kung hindi ako nagkakamali nauna siya sa akin doon akala ko pa nga patay na siya pero buhay pala at ang sungit. Ayaw daw kasi niya nang tinitignan at kinakaawaan siya. Naging magkaibigan kami kahit ganoon ang ugali niya, paano palagi ko siyang kinukulit. Dahil sa pagkakaibigan namin nagkaroon ako ng pag-asang mabuhay at kayaning harapin ang gustong ipagawa sa aming dalawa hanggang sa..."



Iginawi nito ang kamay sa dibdib saka umaktong parang nahihirapang huminga, "Isang araw sabay kaming ginising tapos sabay kaming pinag-eksperimentuhan."



Nagulat si Ricardo noong may luhang kumawala sa mata nito, "Hindi ko alam kung paano pero ako ang may kagagawan nang pagkawala niya. Nagawa kong patayin ang matalik kong kaibigan."



"Isang araw nagising nalang akong nasa tapat na ako ng bahay namin. Hindi ko magawang magsaya dahil nakapatay ako higit sa lahat hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa akin minsan. Kung dati si Evo na noon palang ay kinaiinisan ko hindi ko alam biglang parang gusto ko akin lang siya, tapos lahat ng taong nagpapasaya sa kanya o pakiramdam kong aagawin sa akin ay parang gusto kong patayin. Noong mahawakan ko ang alagang pusa ni Evo hindi ko napigilan ang sarili ko. Binalibag, sinaksak, tinanggalan ko ng mata at bituka tapos inilagay ko sa garapon. Hindi lang isang beses basta lahat ng hayop mayroon sa bahay na hahawakan niya pinapatay ko at nilalagay sa garapon. Killing gives me pleasure, it feels like once I kill he will still remain by my side. Alam ko alam niya ang ginagawa ko dahil nakita ko siyang inaayos ang lahat ng garapon sa attic kaya ang nangyari nahuli siya ni lolo. Buhat noon naging iba ang treatment ni lolo sa kanya. Ayoko nang paraan niya nang pagsinghal sa kanya kahit si mama kaya naisipan kong bumuo ng controllable pill. Hindi ko alam kung paano ko 'yon susubukan hanggang sa matuklasan ko ang treatment ni papa kay Evo. I used him as my dummy."



Nagtaasan ang balahibo ni Ricardo sa narinig, "Pinatay ko ang aking ama!"



Kahit naihanda na ni Ricardo ang sarili sa nalalapit na kamatayan hindi pa rin niya maiwasang makaramdam nang panginginig sa takot dahil sa kaharap na babae.



Mula sa pagkatulala biglang parang may hinahanap ang babae sa paligid at umaktong parang may kinakatakutan dahilan para matakot din si Ricardo.



"Anong nangyayari sa'yo?"



Tinutok ng babae ang baril na hawak kay Ricardo kahit nanginginig ito, "Huwag mo akong hawakan!"



Umatras ito saka uli nag-panic, "Pinatay ko ang lolo ko."



Parang baliw itong napayuko matapos ay hinawakan ang tiyan.



Buong pagtatakang napa-atras si Ricardo, nanginginig ang mga binting pilit niyang inaabot ang bagay na nasa likuran niya pero hindi niya maabot.



"Pinatay ko si Brix!"



Nagdilim ang paningin ni Ricardo noong mabanggit ang pangalan ng apo niya kaya sa noo'y pag-abot niya ng pigurin sa lamesa siyang alistong hagis niya rito.



Sa noo'y pagtama ng pigurin sa pader siyang bagsak ni Ricardo noong matamaan ng bala ang kanyang noo.



Nakayukong ngumisi ang dalaga, nanginginig pa ang kamay nito saka dahan-dahang lumapit sa bangkay ni Ricardo. Kinuha niya mula sa bulsa ang pulang lipstick saka ginuhitan ang pader.



Pinagpag niya ang kamay saka minasdan ang isinulat, "Yvon killed the grandfather of Brix!"



Humahalakhak siyang binura ang pangalan at pinalitan ng I.




"Nananabik na ako sa pagkikita natin Shery."


a/n Un-edited. Ayon napasarap ang update, 2500k words ang nagawa ko at mapapansin niyong mahaba ang chapter na ito kumpara sa iba, Hit Vote and leave some comment. Enjoy!

Continuar a ler

Também vai Gostar

1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
16.2K 1.2K 89
At the deepest part of my brain, in the corner of my heart.... I thought, I already forgot the pain. I thought, I already forgot how to cry. But then...
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...