Best Friend Goals

By DamsyHoney

7.8K 223 72

When we first talked to each other I knew we would always be friends. Our friendship has kept on growing And... More

Prologue
BFG 1
BFG 2
NOTE
BFG 3
BFG 4
BFG 5
BFG 6
BFG 7
BFG 8
BFG 9
BFG 10
BFG 11
BFG 12
BFG 13
BFG 14
BFG 15
BFG 16
BFG 17
BFG 18
BFG 19
BFG 20
BFG 21
BFG 22
BFG 23
BFG 25

BFG 24

139 4 4
By DamsyHoney

Not Bitter

Sittie's POV

Nakakapagtampo naman tong nga kaibigan ko. Birthday na birthday ko ni isang message or tawag man lang saakin wala akong natanggap. Eh, dati rati effort na effort. Gumising pa sila or kami ng mga 12am para makapagreet ng una. Buti pa yung mga di ko naman gaanong close at classmate ay naalala pa ang birthday ko pero okay narin naman dahil pagkagising ko kanina ay sila mama kaagad ang bumungad saakin. Tss. Sasabunutan ko talaga yung tatlo pagdating sa school. Ni ako di ko nakakalimutan birthday nila. Si Chuchay ay December 11, Si KC ay November 16 tapos si Sam ay November 18. Oh? Tapos niisa sakanila? Kainis. Pero ang OA ko na.

Naglakad na ako palabas ng village namin at sumakay kaagad ng jeep. Kung natatanong kayo kung may bonggang celebration ako sa aking 18th birthday? Wala, dahil ang gusto ko lamang ay yung simple at ang hiningi ko lang kila Mama ay magtravel kami. Hindi naman sa grabe ka layong lugar dahil hindi kami ganoon kayaman. Gusto ko lang mag landtrip with my family and friends (kung papayagan yung tatlo) tapos swimming, basta yung mag-eenjoy at makakabonding kami.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa school. Nagbayad at bumaba kaagad ako at tiningnan yung wrist watch ko. Hindi pa naman ako late 7:17 am pa naman tsaka 7:30 am pa ang class. Pagkapasok ko sa school ay si Harvey kaagad ang bumungad saakin na may dalang isang rose. Binagay niya saakin yun, kinuha ko naman agad.

"A-ano 'to?" Geez! Ba't ba ako kinakabahan? Gusto ko pa ba 'tong hinayupak na 'to? Umirap si Harvey sa kawalan.

"A rose?" Pilosopo niyang sabi. "Just follow me, Sittie." Tinalikuran niya agad ako. May regla ka kuya? Sinundan ko naman siya agad pagkatapos ay si Minkyu naman yung naabutan ko at inabot saakin ang dalawang rose na bulaklak. Ba't kay Harvey isa?

Sinundan ko ulit yung dalawa tapos si Daffy ang humarang sa dinaraanan namin at binigyan rin ako ng dalawang rose. Nginitian ko lang siya at sinundan ulit sila. Tapos humarang naman silang Wayne, CJ, Chucky, Ben at ang tatlo ko pang lalakeng classmate ng paakyat kami patungo sa classroom. Same parin kay Minkyu at Daffy 2 roses rin ang binigay nila. Nalilito ako!

"1+2+2+2+2+2+2+2... equals 15..." nag pla-plus ako pero pabulong lang. 15? Alam kung may pakulo sila Sam dito pero ba't 15 lang? Eh 18 na ako!

Pagkarating namin sa 4th floor ay nakita ko si Kirby na nakasandal sa pader malapit sa room habang yung isang paa niya ay nakatukod sa pader. Nang makita niya kami ay tumayo siya ng maayos at lumapit saakin at binigay ang tatlong rose na hawak niya. Tatlo?

"15 + 3..." bulong ko.

"Equals 18" dugtong naman ni Harvey at umunang pumasok sa classroom. Ang sungit niya! Teka,  bakit isa lang kay Harvey, dalawa sakanilang Minkyu at tatlo kay Kirby. Baka style...

"Follow me." Sabi ni Kirby. Sinundan ko nga siya. Pagkapasok ko sa classroom ay nandoon yung tatlo na may suot na party hats na spongebob. Natawa nalang ako.

Si Sam ay may dalang cake na circle ang shape tapos may design na spongebob at nay number 18 na candle na nakasindi na. Si KC naman ay may dalang mga balloon, may isang spongebob na balloon at tatlong 'S' for Sittie Sahania Suma. Sa kay Chuchay naman ay banner na may nakalagay na 'Happy Birthday Pangit' tapos may spongebob sa bandang gilid na may dalang balloon pero mga picture ko ang nasa balloon. Worst, jeje days ko pa yung mga picture.

Kung mag-susurprise din naman kayo ng ganito edi sana nilubos-lubos niyo na! Yung malaking tarpaulin talaga with may jeje pictures.

"HAPPY BIRTHDAY PANGIT!" Sabay sabi ng tatlo tapos may pinutok sila ng kung ano. Inirapan ko sila pero tumawa din pambawi. Lumapit sila saakin. Nilapit ni Sam yung cake saakin.

"Make a wish bro." Sabi niya habang nakangiti. Ngumiti ako pabalik tapos hinampas ng mahina ang balikat niya.

"Ang iwish mo Sittie ay sana hindi mo ibu-busted ang admirer mo sa Valentines." Sabi ni Chuchay kaya nagtawanan kami. Umiling nalang ako tapos ay pinikit ang mga mata at nag-wish. Wish ko ay mas gumanda pa ako. Joke. Marami akong hiniling pero isa lang ang gusto kong mangyari maging matatag pa itong friendship namin.

Hinipan ko na ang kandila at nagpalakpakan sila. Nilagay ni Chuchay saakin yung party hat na spongebob gaya sakanila. Grabe naman ang effort nila.

"Thank you girls!" Hahagkan ko sana sila pero hindi ko tinuloy dahil may dala-dala parin nila yung mga stuffs kanina. Nabigla ako dahil kinuha ni Kirby yung cake na nasa kay Sam si Minkyu naman kay KC tapos si Daffy kay Chuchay. Ba't, di si Minkyu kay Sam? Si Harvey kay Chuchay? Nahihiya siguro...

"Hoy! Pinaghirapan namin ito!" Sabi nila. Aba't may kapalit pala tong ginawa nila? Mga kupal talaga! Edi hindi nalang sana nag-surprise.

"Oo nga bro. Mcdo lang, sapat na." Si Chuchay naman yan.

"Mga walanghiya rin kayo eh no?" Sabi ko sakanila kaya't nagtawanan ulit sila.

"Joke lang! HAHA! Ginawa namin to para man lang makabawi ng kaunti." Sabi ni Sam. Bawi?

"Kasi Sittie di kami pinayagan sa Travel niyo papuntang Midway. Eh, 16 pa kaming tatlo. Buti daw kuno kung 18 narin kami gaya saiyo. Tss. Eh ba't ba kasi ang dali mong tumanda!" Hinampas ko si KC. Sanabi ko nga ba eh.

"Kung makatanda ka!" Hiyaw ko sakanya, pero hinhin parin ang boses.

"Hay nako buti pa kayo papayagan kung mag e-eighteenth. Eh ako? Alam kung nasa bakuran parin ako at bantay sarado." Reklamo ni Sam. Perks of being the only child.

"HAHA! Kawawang froglet!" Kantyaw ni Chuchay kay Sam.

"Shattap butanding!" Napatawa ng malakas si Daffy na nasa tabi lang ni Chuchay kaya siniko niya agad ang tiyan niya ng pagkalakas-lakas kaya napadaing si Daffy.

"Amazona!" Inirapan lang siya ni Chuchay. Nagtawanan ulit kami at nagsalita rin ulit ako.

"Girls, salamat dito. Kahit nagtatampo ako kanina ay plano pala ninyo iyon. Kala ko nakalimutan niyo na birthday ko. Naiinitindahan ko rin kung hindi kayo makakasama kasi bata pa kayo at ako matanda na." Humagikhik sila Sam. Tanggap ko na Ate niyo ako! "Pero promise niyo na sa tamang edad at panahon makakapag bonding tayo at pupunta sa buong Pilipinas at mundo! I love you girls!" At nahagkan ko narin sila. Lumayo ng kaunti ang mga lalake na katabi nilang tatlo para makapag-grouphug kami.

"At promise niyo rin na sa 18th birthday ko ay may surprise rin gaya nito!" Sambit ni Sam. Parang bata!

"Ako rin!" Singit din ni KC.

"Me too!" Pati rin ni Chuchay na feel na feel na naman ang pag-eenglish.

"Huwag mag-english please. Nakakadiri." Kaya nasapak nanaman ni Chuchay si Daffy. Araw-araw nalang silang nagpapatayan. Kahit may teacher sa harapan hala sige walang pakialam jahit nag-aalburuto na ito sa galit dahil sa ingay nila na dala sa klase dahil sa pag-aaway.

Pagkatapos nun ay nag-selfie, groupie at kung ano-ano pang picture bago niligpit yung mga binigay nila at nagsibalikan narin kami sa mga upuan dahil nag-ring na ang bell. Nag-iba na ang seating arrangement.

Magkatabi na ngayon sila Sam at Kirby nasa bandang gilid sila katabi ng mga bintana tapos parang walang araw na di mo nakikitang sweet. Not that sweet na parang boyfie or girlfie pero yung girl and boy bestfriends? At yun talagang isang tingin ay nagkakaintindihan na? Tapos sila Daffy, Chuchay, KC at Minkyu
u ay magkakasama. Sa kasamaang palad magkatabi si Chuchay at Daffy na naka-upo sa likod nila KC at Minkyu. Pansin ko lang na parang super close na nung apat.

Ako naman ay nasa bandang gilid malapit sa pinto pero nasa harapan. Katabi ko si Chucky tapos sa likod ko naman ay si Harvey na katabi si Elaiza. Ang layo ko sakanila.

Naghintay kami ng ilang minuto at nalamang absent pala yung first subject teacher namin kaya napagdesisyunan naming magkwentuhan lamang.

Pero ako lang yata ang walang kakwentuhan. Si Harvey at Chucky ay nagkwentuhan tungkol sa sports. Tapos sila Chuchay kasama yung tatlo ay nagtatawanan nakikisali narin sila Elaiza, Ben at Adelfa. Tapos kila Sam naman at Kirby nagsusulat or drawing ng kung ano sa binder ni Kirby habang nagkwekwentuhan. Nakikisali rin minsan si Tonet sakanila. So ako ngayon ang walang kausap. Well, hindi naman talaga ako madaldal.

Binalik ko ulit ang tingin sakanila at nakita ko si Kirby at Sam na naman na nagbubulungan tapos tumango si Sam pagkatapos. Ginulo ni Kirby ang buhok niya at pinisil ang ilong. Hinampas ni Sam ang kamay ni Kirby tsaka ito tumayo at inirapan siya.

Naglakad si Sam patungo sa direksyon ng pinto. Kala ko lalabas pero saakin pala ang padpad.

"Sittie, may letter ba na naibigay saiyo ngayon?" Tanong ni Sam saakin.

"Huh? Wala?"

"Talaga? Tingnan mo baka meron. Baka sa mga roses or whatsoever." Tumango ako at kinuha ko agad yung mga roses para matingnan kung may letter nga ba.

"Meron." Ba't ngayon ko lang ito nakita?

"Basahin mo."

4 days to go Mrs. Spongebob.

-Mr. Admirer (Hope it will be Mr. Spongebob if want too.)

"Nagco-count down ba siya?" Tanong ko kay Sam. Excited naman yata ang lalake na ito?

"I guess." Sabi niya at umupo na talaga sa sahig. Kanina kasi ang posisyon niya ay yung parang natatae or what. Basta yun.

"Nakatanggap ka rin?" Tanong ko.

"Kung meron saiyo. Meron rin saakin." At tiningnan saglit si Minkyu na tumatawa kasama sila Chuchay at saakin ulit.

"So may idea ka talaga kung sino uhuh?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"It's obvious, bro. By the way may naisip ka na ba kung sino yang admirer mo?"

"Nah..." pero may feel ako na nasa classroom lang siyan baka nga si Ben lang ito. Pero hindi naman yun english magsulat o magsalita. Ang mahilig lang ditong mag-ingles ay ang apat na lalake. Pero imposible naman eh!

"Sige bro. Balik nalang muna ako sa upuan ko." Sabi niya at tumayo na sa pagkakaupo. Inayos niya muna yung skirt ng uniform.

"Teka..." makikichismis muna ako.

"Yes?"

"Ano yung bulungan niyo ni Kirby kanina?" Tanong ko. Ngumisi lang siya.

"Nang-iintriga ka ha? Wala yun. Mga nonsense lang ang sinabi niya." Tapos ngumisi ulit. Alam kung meron. Pati siya nagiging misteryoso na.

"Weh?"

"Tss. Selos ka na naman?" Pang-aasar niya. Inirapan ko lang siya. "Para kang possessive GF bro! Ba't kila KC at Chuchay di ka nagseselos?" Tanong niya saakin.

"Nagseselos ako noh. Gaya kanina nung wala akong makausap. Pero nawala rin naman."

"Asus! Ewan ko saiyo, Sittie! Ba't nagiging emosyonal ka? Yan ba ang effect sa pagiging matanda?" Natatawa niyang sabi. Sisipain ko sana siya pero nakalayo kaagad siya.

"Umalis ka na nga lang!" Sabi ko. Oo na! Ako na ang matanda! Ako na! Pero at least maganda! Pwe!

"HAHA! Happy birthday, Ate este Sittie. I love you!" Pagkatapos nun ay naglakad na siya pabalik sa upuan niya habang tumatawa at nakipagchikahan ulit kila Kirby at Tonet.

Natapos ang araw na iyon ay puro bati ang natatanggap ko at naka-absent rin ako ng tatlong araw dahil nga pumunta kami sa Midway. Hanggang sa dumating ang Valentine's Day. Ito na nga ako maagang gumising at naghanda. Eh kasi naman itong si Chuchay nasa school daw. Kanina pa tawag ng tawag.

Nagpaalam na ako kila mama tapos naglakad na palabas at nakasakay naman agad ng jeep. Naguilty tuloy ako bigla. Sinabi ko kasi kila mama na tungkol sa film ang pupuntahan ko sa school at ililibre ko sila Sam (ito lang ang totoo). Pero wala naman akong gagawing masama eh, gusto ko lang makilala ang admirer ko kuno.

Pagkarating ko sa school ay nakita ko agad sila Minkyu kasama si KC na naghahanda sa school ground. Kasabwat si KC! Pupuntahan ko sana sila pero may biglang humawak sa braso ko at hinila ako sa kung saan.

"Harvey ano ba!"

Sinubukan kung kunin yung kamay niya. Pero hindi siya tumigil sa pag-hila saakin. Sa isip ko ay baka dadalhin niya ako sa gym pero sa soccer field niya ako dinala.

"Harvey ano ba!?"

Huminto narin kami sa wakas. Hinarap niya ako.

"So pumunta ka talaga uhuh?"

Nabigla ako sa tanong niya. Hinawakan niya ang wrist ko pero inilayo ko rin agad ito.

"Pakialam mo ba?"

Inayos ko yung sling bag na dala ko tsaka tinalikuran kaagad siya. Pero hinila niya ulit ang braso ko kaya napaharap ulit ako sakanya.

"Ano ba Harvey! Ano bang trip mo ha? Kailangan ko ng pumunta sa gym!"

Napataas ang gilid ng labi niya at tinitigan ako ng masama.

"So ready naka move-on ka na pala saakin?"

Kapal ng mukha nito! Problema niya ba? May Chuchay ka na! Ano pa bang gusto mo? Paiikutin mo ulit ako saiyong mga palad o pagsasabayin kami ni Chuchay? But no thanks hindi ako desperada sa pagmamahal.

"Shut. Up."

"Hindi rin kayo magtatagal kung maging kayo man..." pagkatapos nun ay binitawan niya ang braso ko at tinalikuran kaagad pero narinig pa siguro niya ang tanong ko.

"Bakit?" Huminto siya sa paglalakad pero nakatalikod parin siya saakin habang sinasagot ang tanong ko.

"Kasi sa huli saakin parin ang padpad mo..."
Parang tumigil ang paghinga ko sa sinabi niya. Namilog ang mata ko at napaawang ang bibig. Naglakad na siya palayo saakin. The hell!? Kapal ng mukha ng lalakeng yun!

Pero ba't parang nagkakarera ang puso ko? Hala! Baliw! May biglang tumira na kabayo sa puso ko.

"Aish!" Ginulo gulo ko ang damuhan sa soccer field gamit ang paa kahit hindi naman ito magugulo. Bwesit ka Harvey! Naglakad narin ako palayo sa soccer field papuntang gym dahil 9:35 am na at si Chuchay panay na ang text saakin.

Pagkarating ko sa gym ay ang tahimik at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga design na nasa center. May mga rose na color yellow tapos naka form ito into heart then may mga petals rin ng mga rose sa gitna at sa bandang gilid sa may gitna ay parang sampayan ng mga selfies ko at kasama yung apat.

Inisa-isa ko silang tiningnan pero may nakaagaw sa pansin ko. Nilapitan ko afad ito. May stolen pictures ako na kasama si Kirby, marami rami rin ang nakabitay at ang pinaka malaking picture ay yung kaming dalawa sa piano-singing contest. Ito yung time na pinilit ni Sam si Kirby na makipag-picture saakin. Litong-lito ako nun pati rin sila Chuchay at KC kung bakit pinipilit ni Sam si Kirby. Ngiting aso naman sila Daffy at Minkyu nun pero si Harvey wala lang... Aish! Huwag mo na siyang isipin! Teka...

"OH MY GOSH..." napatakip ako sa bibig ko. Picture namin ni Kirby halos. Si Sam at Kirby ang magkasama palagi. Nagbubulungan, nagsisikuhan at nagkakatinginan kung ibinibigay saakin yung mga gifts. At kaya pala sobrang mysterious ang kinikilos ni Chuchay, KC, Minkyu at Ben dahil akala ko para sa surprise lang ni Minkyu kay Sam pero para din saakin. No way! I can't believe this!

"Si... Kirby?" Bulong ko...

"Yes Sittie ako." Lumabas si Kirby sa pinagtataguan niya na may dalang malaking stuff toy na Spongebob. Hindi parin nawawala yung kamay ko sa bibig ko.

Hinanap ng mata ko si Chuchay at nasa likod ko pala siya na nakasandal sa pinto ng gym at nagbabantay kung may papasok ba. Kaming tatlo lamang ang nandito.

Lumapit si Kirby saakin dala-dala yung malaking spongebob na stuff toy. Spongbob again? Kaya pala yellow ang nakapaligid dito sa gitna. Kala ko di pa sila nakaka move-on sa eleksyon.

"Ahm... S-sittie... Oh crap! I'm nervous!" Sabi ni Kirby at kinati-kati ang batok niya. Natawa ako sa kinikilos niya. Pero... ba't parang medyo gastos tong ginawa niya para saakin?

"Kirby, ba't ang bongga ng pagpapakilala mo? Pwede namang sa classroom mo sabihin eh. Ang mahal siguro ng nagastos mo sa roses na sobrang dami, sa pagpapadevelop ng picture, sa stuff toy, sa lahat..."

"Because, I just wanna make this special. Kasi Sittie gusto ko pag nanliligaw ako ay gusto ko palaging special... gusto ko mafeel ng babaeng gusto ko na special saakin."

What did he say? Ligaw? He will going to court me? Damn! Hindi nga sumagi sa isip ko na panliligaw pala yung ginagawa niya sa pagbibigay ng presents and gifts.

"S-seryoso?" Naiilang kung tanong sakanya. Hinawakan niya ang braso ko, yung hinawakan rin ni Harvey kanina. What the! Stop thinking about Harvey!

"I'm serious Sittie. Super serious. Hindi ko alam kung saan nag-start ang feelings ko saiyo but damn! Yung nahihiya nalang ako bigla at hindi makatingin ng diritso sa mga mata mo? Yung lumalapit ka lang ay nababakla nalang ako? Shit! I'm weird!"

Hindi ako nakapagsalita.

"Kaya bigla nalang akong napalapit kay Sam at nagpatulong sakanya. Everything that I gave you ay idea ni Sam or minsan tinatanong niya saiyo. Lahat ng mga food, things, everything, Sittie, everything. Pati letters. Kahit nagseselos si Minkyu wala akong pakialam matulungan lang ako ni Sam para saiyo. At makalipas ang ilang buwan ay napagdesisyunan kung aminin na saiyo, Sittie. Harap-harapan kaya napagplanuhan namin ni Sam na sabihin narin kila Angela at KC."

Napatingin ako kay Chuchay na naka ngising aso. So yung sinasabi nilang gumagawa sila ng project ay nagplaplano na. Si Sam lang ang nakaka-usap ko nun.

"So this is it. Ito yung pinagplanuhan namin a week ago. So ako si Mr. Admirer mo, Sittie. I'm John Kirby Saavedra your secret admirer."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero speechless ako. Nababantayan ko narin si Sam dati pero wala akong idea na si Kirby pala? Pero ba't sa dinarami-rami si Kirby pa?

"And I will not let the chance run now. Total nandito din naman ako sa harapan mo, nagconfess, nagpakilala, ang pagiging torpe ko ang ipapatakbo palayo saakin. So I just wanna ask this personally, Sittie..."

Lumuhod siya sa harapan ko. No, no, no... Hinawakan niya ang kamay ko. Kirby, please, stand up.

"Can you give me a chance Ms. Suma to be your Mr. Spongebob?"

Nanginginig at nanlalamig yung kamay niya. Pero ginawan niya parin ng paraan para ngumiti ng matamis saakin. Gwapo ka Kirby, matalino, music minded, drummer, editor, tahimik, hindi playboy pero dinudumog at hinahangaan rin ng mga babae kagaya ng mga babae at seryoso magmahal.

May dalawang ex na si Kirby. Yung una ay nagtagal ng isang taon pero naghiwalay rin dahil sa mga bata pa sila noon at gusto ng mga magulang nila na pag-aaral muna ang aatupagin. Ang ikalawa naman ay famewhore at gold digger. Medyo famous din kasi sila Kirby sa school kaya ayun at mayaman rin kay nag-take advantage si girl dahil gusto rin siya ni Kirby pero hindi rin sila nagtagal dahil nalaman rin ni Kirby ang intensyon ni girl.

"Kirby..." kinuha ko yung kamay na hinawakan niya at ako yung humawak sa dalawang kamay niya at pinatayo siya sa pagkakaluhod.

Napawi ang mga ngiti niya at parang naguguluhan.

"Sittie, hindi ko pa naman hinihingi na maging girlfriend ka. I just want you to give me a chance to court you---" hindi ko pinatapos ang pagsasalita niya.

"Sorry, Kirby..." tiningnan ko siya ng diritso mata sa mata at nakita ko ang lungkot dito. I'm so sorry...

"Sittie..."

"Sorry but I just want you to be my friend. I'm sorry..." ngumiti siya ng bahagya pero yung malungkot na ngiti. Ayaw kung manakit ng tao pero hindi ko rin kayang um-oo sa taong di ko naman gusto.

"Ha-ha... namana mo na yata kay Sam ang friendzone style? Pero no... don't say sorry. Wala kang kasalanan. Nabigla rin kasi kita. I accept rejection. Dahil hindi naman lahat ng oras ay makukuha ko agad ang babae. But, it's my first to be rejected unlike my first 2 girlfriends. Ha-ha."

Matabang niyang tawa. Alam kung deep inside nasaktan ko siya. Grabe yung effort niya pero binusted ko lang. Heartless na ba ako? Hindi naman siguro.

"Totoo talaga yung sinabi ng mga boys na mahirap sungkitin ang Girl Dags..." Yumuko nalang ako. Hindi ko alam anong gagawin. Pinaglaruan ko nalang yung mga daliri ko.

"I'm really sorry, Kirby. I was surprised, yes. And honestly... i'm not yet ready to give in to love again..."

He lift my chin up.

"Not yet ready or not yet moved on?" Tanong niya. Hindi ako makatingin sakanya. Yes I'm not yet ready and totally i'm not in the stage of moving on. Iba parin ang epekto ni Harvey saakin. Iba parin... kahit tanggap ko na sila ni Chuchay kahit unofficial iba parin.

Nabigla ako ng hilahin ni Kirby ang kamay ko at hinagkan ako.

"I understand, Sittie. Hindi kita pipilitin. I'm hurt... but i'm staying strong. Inspiration nalang kita. Haha. Basta ba friends tayo?" Humiwalay ako sa yakap. Ngumiti ako sakanya. Sana ganito lahat ng boys no? Hindi bitter pagkatapos ibusted.

"Sure and thank you." At ako ulit ang yumakap sa kanya. Yumakap siya pabalik at siya rin ang humiwalay sa yakap.

"Bring this stuff toy. Saiyo na iyan isipin mo nalang na Friendly gift lang. Huwag mong sirain ha?" Natatawa niyang sabi. I admire this boy so much. Pero pasensya na talaga, Kirby.

"Thank you again, Kirby. For accepting my decision, for not being bitter and thanks for being a good friend to my bestfriend at saamin rin." Ngumiti lang siya. "Kahit na busted kita ay huwag kang mahiya saakin at huwag kang tumigil sa pakikipagkaibigan saamin."

"Don't worry I will not. Di ko makakalimutan ang araw na ito." Tumawa siya. Nakisali narin ako sa pagtawa niya. "Para tayong baliw. Ako lang yung binusted ng manliligaw pero tumatawa at nakikisali ang nililigawan. We're lunatic."

Nagtawanan ulit kami tapos tinulungan ko narin siyang ligpitin yung surprise niya saakin at pati narin si Chuchay. Labag man kay Kirby ay hinayaan niya akong tulungan siya.

Nakakunot ang noo ni Chuchay kung bakit nakangiti parin si Kirby kahit binusted ko. Kasi Chay, iba siya sa mga lalakeng binusted lang ay cold na at bitter. Siya kasi ay parang naglalaro ng sports at mature rin mag-isip.

Nagliligpit kami ng biglang bumukas ang door ng gym at iniluwa nito si Harvey na nakapamulsa.

"Sittie, I think you need to go now. Isama mo si Chuchay." Napatingin kaagad ako kay Kirby.

"Why?"

"I know what happened lately. Just go. Ako na bahala dito."

Nandoon siya? Nakita kung ngumiti siya sa akin pero may lungkot ang mga mata. Tumango ako at kinuha kaagad ang sling bag at stuff toy tsaka hinila narin si Chuchay. Nabigla siya sa paghila ko pero hindi rin naman pumalag.

Bago kami makalabas ay tinawag pa ulit ako ni Kirby ng isang beses. "Wait, Sittie, thank you for this memory."

Baliw! Nag thank you pa siya kahit nasaktan ko. He's unbelievable! Kaya maraming nagkakagusto sakanya eh.

"You'll find yours soon." Ngumiti ako sa kanya at hinila na palabas si Chuchay. Dinaan ko si Harvey at inirapan.

Thank you also for this Kirby but sorry... It's still Harvey...

Continue Reading

You'll Also Like

101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
50.1K 1.7K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...