PASSWORD (Completed) (Raw)

By dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... More

Password
PASSWORD : Chain Reaction
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD : We meet again!
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : Her secret
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : Choose
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
PASSWORD : Becoming One
Finale : I am into you

PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!

588 33 15
By dcmuch


A/N dedicated this chapter to this cute reader of mine @angelinecalimpay8 .. Hello! Ipinagpapauna ko na pong may dalawang klase ang itallic format sa chapter na ito kahit sa mga nagdaang mga chapter. Isang flashback at isang pansariling salaysay ng character. Unti-unti na bang naliliwanagan ang magulo niyong isip? O nadagdagan ang misteryo? Hahaha. Huwag kayo mag-alala pati ako dumudugo na ang utak kung paano ko pa ito itutuloy, sakit sa bangs. Anyhow, Sana magustuhan niyo ang chapter na ito.




HUMINTO si Evo sa tapat ng ladies comfort room, nagdadalawang isip kung kakatok o hindi. Kanina pa kasi hindi bumabalik si Shery halos magkakalahating oras na pero nahihiya naman siyang kumatok dahil baka nasa loob lang naman ito at paranoid lang siya.



Sinilip niya ang relong suot saka bumuntong hininga. Saktong six na ng umaga kaya wala pang gaanong tao sa fast food na kinainan nila. Ikinilos niya ang kanang braso upang simulang kumatok pero napahinto siya noong may babaeng staff ang huminto sa kaliwang bahagi niya.



Nakangiting humarap siya rito, "Bali kasi may kasama akong babae. Ano kasi nasa loob siya at hindi pa bumabalik pwedeng pakitignan kung nasa loob pa rin siya?"



"Ang tinutukoy niyo po ba 'yung babaeng mahaba ang buhok?"



Nag-iba ang expression ng mukha ni Evo saka tumango. "Dito po siya dumaan sa staff room. Ang sabi niya..."



Hindi na narinig ni Evo ang kasunod na paliwanag ng babae dahil agad itong tumakbo palabas siyang sakto namang sakay ni Shery sa isang taxi.



Salo ang dibdib huminto si Evo noong mapansin ang papalayong taxi na kutob niyang lulan ni Shery.



Agad niyang kinapa ang cellphone noong tumunog ito. To his surprised it was his sister. Yvon? Muli niyang nilingon ang taxi at napaisip ng malalim.





---





'Ayoko sanang manggaling sa akin 'to pero kasi Shery andito ako ngayon sa ospital nakabantay kay Katie. Hinimatay siya buhat nang ano. Ano kasi... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin basta bukas na ang libing ng lolo mo.'



Libing ni lolo? Isinandal niya ang ulo sa pader at hinayaang mabasa ng tubig. Ipinikit niya ang mata saka yumukyok.



Muling nag-flash back sa isip niya ang alaala ng kanyang lolo. Kung paano ito magalit sa hindi niya mahanap na dahilan, kung paano ito tumingin sa kanya na parang hindi sila galing sa iisang dugo at kung paano siya isawalang bahala kundi si Katie lamang ang pinapahalagahan.



Nagsimulang manginig ang butas ng ilong niya kasabay ng kanyang mga braso. Lahat 'yon ay pagpapanggap!



Muli niyang naalala ang araw noong paalis ang kanyang lolo. Kung paano ito ngumiti at kung paano niya iyon sukatin. Ayokong maniwala Cage. Hindi ko kaya. Hindi siya pwedeng mawala. Nangako ako sa kanya.



Tuluyang dumulas ang pagkakasandig ng kamay niya sa pader at mapa-upo. Tulalang pinagmasdan niya ang tubig na dumadaloy sa glass wall. Maya-maya pa'y bumakas sa glass wall ang kanyang reflection at minasdan ang sarili.



Kasalanan ko 'to. Hindi ko siya inintindi. Hindi ko inunawa na para sa amin ni Katie ang lahat ng ginagawa niya. Lolo! Patawarin mo ako. Lolo!



Agad niyang kinuha ang bathrobe at isinuot noong makarinig nang yabag. Kasalukuyan kasing nasa isang hotel si Shery at hindi nagtungo sa libing ng kanyang lolo. Iginala niya ang paningin upang humanap nang pagdipensa. Nakita niya ang shampoo sprayer at agad dinampot. Kumubli siya sa gilid at inabangan ang pagbukas ng pinto.



Mabilis ang mga pangyayari dahil ngayon ay walang humihinga sa pagitan ng isang lalaki na may hawak na baril samantalang si Shery ay shampoo sprayer.



Magkatapat ang parehas na armas ng dalawa nang mapansin ni Shery ang paglipat ng paningin noong lalaki sa hawak niya. Imbis na lalo siyang sindakin nito ay tinawanan siya.



"Mapapatay ba ako ng hawak mo?" insulto nito noong makabawi sa pagtawa.



Hindi natinag si Shery, hindi siya nakikitaan ng takot o pagkabahala na mamatay bagkus ay lalo nitong tinapangan ang ekspresyon.



Galit na ikinasa noong lalaki ang baril at tinutukan si Shery, "Inaasahan ko pa namang magtatagal ang paghaharap natin pero nagkamali ako... aray!"



Dahil sa kadaldalan ng lalaki nakahanap ng tsempo si Shery upang agawin ang baril sa lalaki. Mula sa pagitan ng ika-apat na salita ng lalaki patungo sa ikasampu ay nakalas niya ang baril at nang sabihin nito ang salitang ako ay agad niyang hinila ang lalaki upang iharap sa sahig.



"Aray teka!" muli nitong reklamo noong higpitan ni Shery ang hawak sa mga kamay niya.



"Sa tingin mo ba kaya kong patayin ang apo ng matalik kong kaibigan?"



Kumunot ang noo ni Shery sa narinig, "Sige silipin mo ang nasa likod ko!"



Ginawa ni Shery ang sinabi ng lalaki. Hinila niya ang pekeng balat nito at tuluyang lumantad ang totoong mukha nito, "Lolo Ricardo?"





---





"Hay ang sakit ng katawan ko."



Iniabot ni Shery ang juice saka naupo, "Kung kasi naman nagpakilala kayo kaagad e 'di sana hindi mangyayari sa inyo 'yan!"



Inabot nito ang baso saka uminom, "Sapat na ba o hindi pa? Pero sa tingin ko kailangan mong matapos 'yon!"



"Ang alin ho?"



Muli itong uminom ng juice saka inilibot ang paningin sa paligid ng kwarto. Nag-isip ng malalim saka bumuntong hininga.



"Patay na ang apo kong si Brix!"



Bumuntong hininga si Shery saka tumulala. Nakikisimpatya siya rito at the same time nahihiya dahil wala manlang siyang nagawa upang lutasin ang krimen sa pagkamatay ng apo nito. Idagdag pang ang paglantad nito ay palaisipan sa kanya. Gusto niyang magtanong pero hindi niya alam kung saan sisimulan.



"Paano niyo po nalaman na narito ako?"



"Shery totoong patay na ang lolo mo!" Umangat ang paningin ni Shery upang tignan ang matandang kaharap. Malungkot itong tumango saka inayos ang salaming suot, "Ipinalabas kong patay na ako dahil alam kong hinahanap ako nang mga taong gustong pumatay sa lolo mo."



"Kilala niyo po ba sila?"



"Makinig ka Shery ang kalaban mo ay hindi pangkaraniwang tao. Teka oo tao siya ay ang hirap ipaliwanag." Sinabunutan nito ang buhok saka yumuko. "Uulitin ko lolo kilala niyo po ba sila?"



Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Shery saka sumeryoso, "Makinig ka Shery! Ginawa ko ang lahat para mabuhay. Sinikap kong maging ligtas para ibalik ka sa lugar na 'yon para tapusin ang training mo!"



"Ang dapat na isa pang taon ay ginawa naming isang buwan Shery! Kailangan mong matapos 'yon para maging susi at makuha ang kayamanan. Isa pa para matalo mo ang taong gusto ring maging susi sa kayamanan."



"Susi sa kayamanan?" ang naguguluhang tanong ni Shery. Tumayo ito at humalukipkip.



"Sino ang posibleng maging isa pang susi bukod sa akin? Nag undergo rin ba siya sa training na ginawa ko? Sino siya? Anong pangalan niya? Kilala ko ba siya?"



Tumalikod si Shery saka tinitigan ang tatlong usb na nakapatong sa isa pang lamesa.



Hindi ko maintindihan. Ano bang klaseng paraan ang gagawin ko para maging susi? Hindi kaya?



Humarap ito kay Ricardo at pumamewang, "Hindi pangkaraniwang tao ang kalaban ko? Bakit isa ba siyang extra-terrestrial? Artificial Intelligence? Killer? Yakuza?"



"Genius Psychopath ang kalaban mo Shery at hindi ko kilala kung sino siya. Si Louise kilala siya kaya ginawa niya ang training na ito para ihanda ka. Naniniwala siya sa abilidad mayroon ka at napatunayan niya 'yon noong nakabalik kang mas matatag."



Tumayo si Ricardo saka ipinatong sa balikat ni Shery ang kaliwang kamay, "Hindi ko man alam ang totoong pangyayari pero Shery alam kong labis-labis ang pagsisisi niya kung bakit ka niya trinato ng ganoon. Wala siyang choice Shery dahil matanda na siya. Hindi habang buhay palagi siyang nariyan para protektahan kayo ni Katie. Hindi habang buhay may taong pwedeng magligtas sa inyo. Walang ibang pwedeng pagkatiwalaan kundi ang sarili niyo lang. Ginawa ka niyang ganito sa gayon kaya mong maprotektahan ang sarili mo."



"Malaki ang tiwala niya sa'yo Shery kaya ka niya pinili."




Inangat niya ang kamay at muling ipinatong, "Kapag buo na ang pasya mong sumama sa akin para tapusin ang training puntahan mo ako sa address na makikita mo sa usb na nakuha mo sa frame."



Lumakad ito patungo sa pinto at muling huminto, "Tatapusin ko ang training!"



Luhaang humarap si Shery kay Ricardo, "Pupunta ako! Gagawin ko ang gusto ni lolo!"



"Tama. Hihintayin kita Shery!"



"Sa ngayon kailangan ko munang siguraduhin ang kaligtasan ng mga taong pinapahalagahan ko lalung-lalo si..." Clothe Man, "Katie!"



Humarap si Ricardo kay Shery. Tumango ito habang nakangiti.





---





MAGANDA ang sikat ng araw kasing ganda ng umaga ni Yvon.



Nasa likod siya ng ina na umiiyak at sa kaliwa naman ang pinsan nitong si Katie na humabol para lang maihatid ang lolo sa libing.



Kung ang iba ay hindi maipinta ang mukha sa pagdadalamhati ang kay Yvon naman ay positibo at masayang araw iyon upang ipagdiwang ang karapatan nilang mag-ina upang makuha ang kayamanan.



Ibinaling niya ang atensyon kay Cage noong higpitan nito ang hawak sa braso ni Katie, muntik nanaman kasi itong mahimatay.



Bobo talaga. Hindi ba't may kasabihan bawal humabol sa libing dahil hahabol ka talaga sa kanya? This is exciting. Hindi ko na kakailangang pag-awayin pa ang kambal kasi mapapaaga ang libing ng isa.



"Katie tatagan mo ang loob mo!" pagkumbinsi ni Cage kay Katie na lalong ikinangisi ni Yvon. Saglit pa'y nalipat ang atensyon niya sa 'di kalayuang sasakyan. Sumingkit ang mata nito upang suriin kung sino ang tao roon at napangisi nang makumpirmang si Evo iyon.



Lumapit siya sa ina saka bumulong.



Mula sa pagluha pinunasan ni Victory ang kaliwang mata gamit ng panyo. Tinitigan nito ang sasakyan na lulan ni Evo saka tumango kay Yvon.



Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi ni Yvon saka lumakad palapit doon.



Noong makalapit agad siyang sumakay sa back sit ng sasakyan saka humalukipkip, "May kakatagpuing mahalagang tao si Mama bukas at kailangan namin ang prisensiya mo. Huwag kang mahuhuli!"



Hindi umimik si Evo bagkus ay nakatanaw lang ito kay Katie na ngayon ay nagwawala sa noo'y pagbaba ng kabaong ng lolo nila.



"Hindi mo gusto si Cambria hindi ba?" Sumuot ito sa gitnang espasyo dahilan para magulat si Evo, "Dapat lang dahil ako lang ang laman," ikinilos nito ang kanang kamay at tinuro ang puso ni Evo, "Niyan!"



"Baba!"



"I love you too!" aniya saka ngumiti nang pagkalapag-lapad. Inilipat ni Evo ang paningin sa ibang gawi dahil kinikilabutan siya ng sobra sa inaakto ni Yvon.



"See you tomorrow!"



Bumaba ito ng sasakyan saka kumaway noong simulang pakilusin ni Evo ang sasakyan paalis.



Tinatanaw lamang niya si Yvon sa kaliwang salamin nang bigla niyang maalala ang pangyayari noong bata pa sila.



INAAYOS ni Evo ang pagkakasara ng garapon nang biglang may narinig siyang yabag na palapit sa kanya.



"Anong ginagawa mo?"



Sa gulat at mabilis siyang napaharap sa kanyang lolo at inosenteng nakipagtitigan dito.



"Ayoko sa lahat 'yung hindi nakikinig sa habilin ko. Hindi ba't bawal kayong magpunta rito?"



"May narinig po kasi akong pusa at nalaglag. Sorry!" Hindi natinag si Lolo Louise at tinabig si Evo upang tignan ang nasa likod nito.



Nakita niya ang patay na pusang nakalagay sa garapon kaya pinandilatan niya ng mata si Evo.



"Ikaw ang may gawa nito?" Nanginginig ang mga braso at binti nito sa galit samantalang si Evo ay inosente lamang ang ekspresyon na para bang hindi rin niya sigurado kung siya nga ba ang may gawa niyon.



HINIGPITAN niya ang pagkakahawak sa manibela saka lumiko.



"Lolo pwede po bang pumasok?"



Hinintay ni Evo magsalita ang lolo nila pero wala siyang narinig na sagot kaya pinihit niya ang doorknob at pumasok.



"Sinong may sabing pumasok ka? Labas!"



Nanginig ang buong kalamnan ni Evo sa sigaw ng lolo niya kaya nabitawan niya ang card na naglalaman ng matataas na marka na sanang surpresa niya sa kanyang lolo.



"Ngayon naman bingi ka na. Hindi ba ang sabi ko labas!"



Nagbigay galang si Evo sa kanyang lolo saka tumalikod at lumabas.



"Oh anong ginagawa mo d'yan anak?" salubong sa kanya ng kanyang ama. Kahit mahirap at gusto niyang maluha ay kinumbinsi niya ang sariling ngumiti sa harap ng kanyang ama, "Papa ako po ang may pinakamataas na grade sa school. Papa ipinakita ko po 'yon kay lolo para maging proud siya sa akin."



Ginulo ng ama niya ang buhok saka tumawa, "Ikaw talaga. Sabi ko na e may anak akong genius! Proud na proud ako sa'yo anak. Sige na anak kakausapin ko pa ang lolo mo pupunta tayo sa mall mamaya hintayin mo ako huh!"



Magiliw na tumango si Evo siyang pasok naman ng ama niya sa pintong kanina ay pinasukan niya. Hindi iyon naisara ng maayos kung kaya napahinto si Evo nang marinig ang malakas na sigaw ng lolo niya.



"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan."



INIHINTO ni Evo ang sasakyan saka umiyak ng tahimik. Hindi niya ginusto na maging ganoon ang tingin sa kanya ng lolo niya, kaya sinikap niyang talunin si Shery na noon ay namamayagpag ang pangalan dahil sa talino nito. Inaakala niyang kapag nalamangan niya ito ay mapapansin siya ng lolo niya pero noong mawala ito ng apat na taon lubos siyang nabahala at nagtaka sa kakaibang pinapakita ng Ina at kapatid niya.



He is curious and that curiosity makes him a sinful man.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...
16.2K 1.2K 89
At the deepest part of my brain, in the corner of my heart.... I thought, I already forgot the pain. I thought, I already forgot how to cry. But then...
1.8K 152 6
17-year-old Erich Gomez was sent to her mother's hometown in Zamboanga City, after she was caught kissing a boy schoolmate in an empty classroom at t...