Best Friend Goals

By DamsyHoney

7.8K 223 72

When we first talked to each other I knew we would always be friends. Our friendship has kept on growing And... More

Prologue
BFG 1
BFG 2
NOTE
BFG 3
BFG 4
BFG 5
BFG 6
BFG 7
BFG 8
BFG 9
BFG 10
BFG 11
BFG 12
BFG 13
BFG 14
BFG 15
BFG 16
BFG 17
BFG 18
BFG 19
BFG 21
BFG 22
BFG 23
BFG 24
BFG 25

BFG 20

149 7 4
By DamsyHoney

Contest

KC's POV

Girl Dags (Group Chat)

Sam:

Nasa SM na ba kayo guys?

Ako:

Nandito na ako with Chuchay and the two boys Minkyu and Kirby.

Sam:

Sige-sige, hinihintay ko pa kasi si Mama at Mommy lola. Mas nagpaganda pa sila kesa saakin.

Sittie:

I'm on my way guys with my sisteret and mom! Hahah!

Ako to Sam:

May asim pa sila Sam! Haha!

Ako to Sittie:

Hintayin ka nalang namin dito, beb!

Sam:

Alright, tapos narin sila sa wakas. I'll chat you if nasa SM na kami. See youuuu!!!

Sittie:

Nasa labas na kami ng SM. I'll be there after a minute! See you!

Ako:

Ok girls! See you too!

Nag out na ako sa group chat at binalingan ng tingin ang stage. Ang style ng stage ay punong puno ng red balloon tapos may tarpaulin sa gitna na 'Piano-Singing Contest 2016' then sa bandang gilid ay naroon ang color black na malaking piano at mga upuan.

"Asan na daw sila?" Tanong ni Chuchay saakin habang inaayos ang sariling buhok.

"Si Sam natagalan dahil sa Mama at Lola niya then si Sittie ay... ayun naglalakad na patungo dito!" Tumayo kami ni Chuchay at sinalubong kaagad si Sittie na naka dress na hanggang tuhod, flats tapos naka bun yung buhok. "Ganda natin ngayon ha?" Sinundot ko ang tagiliran niya.

"Minsan kalang kaya makakasali sa isang contest gaya nito kaya kailangan magpaganda."

"True!" At nag-apir kaming dalawa.

"Hi Tita!" Bumati si Chuchay sa mama ni Sittie na naka sarong at balot na balot yung katawan, yan ang nagpapahiwatag na mahal talaga nila ang kanilang relihiyon at kultura. Nagmano si Chuchay sa Mama ni Sittie at pati narin ako. Nakasanayan na namin ito.

"Hello din sainyo. Sige uupo na kami ha?" Ani sa mama ni Sittie na may mahinhin na boses. Tumango kami at naglakad na nga ang mama at kapatid ni Sittie sa kung saan ang mga uupuan nila.

"Ang hinhin talaga ng Mama mo Sittie. May pinagmanahan ka!"

"Yeah right!" Nagtawanan kami dun nang nag-emote nanaman si Chuchay.

"Buti pa kayo nandito ang mga magulang niyo para sumuporta pero ako... palaging busy sa trabaho."

"Baka, darating yun maya-maya Chay." Sabi ko.

"Tss. Sanay nanaman ako. Tara hintayin nalang natin si Sam!" Naging cheerful ulit siya at pumunta kami sa kung saan pwede namin hintayin si Sam.

Nagkwentuhan lang kami dun at tinatawanan nalang ang kabang nararamdaman nung dalawa. Ako rin kinakabahan para sakanila at sa dance contest mamaya pero kailangan mag think positive lang at huwag paunahin ang kaba.

Lumipas ang ilang minuto na paghihintay ay dumating na si Sam. Nang makita niya kami at tumakbo kaagad siya palapit habang nasa likod ang mama at lola niya. Naka buhayhay ang kanyang buhok pero nakaipit ang nasa gilid nito tapos naka collar dress siya na above the knee. Tapos naka vans na sapatos.

"Sige kayo na ang magaganda ngayon! Tss." Silang tatlo kasi naka make up at dress. Pinaghandaan talaga ang contest. Kami mamaya ewan ko lang kung sino ang mag ma-make-up saamin.

"Hi Tita, Hi Mommy lola!" Bati ni Chuchay sa mama at lola ni Sam. Siya kasi yung walang hiya saaming apat. Nagmano rin kami sakanila kagaya sa mama ni Sittie. Sabay sabay na kaming umupo sa mga naka assign seats habang hinihintay mag-start ang event.

"Akala ko ba kasama niyo sila Minkyu at Kirby?" Pabulong na tanong ni Sittie nasa likod lang kasi ang mama niya, pati narin kay Sam.

"Iniwan namin sila dito kanina nung dumating ka. Ewan ko kung asan sila." Suminghap muna sa Sittie at tumango-tango saakin.

"Nandoon sila oh!" Tinuro ni Chuchay yung apat na lalake na lumipat ng upuan. Nahiya siguro sa mga magulang nila Sittie at Sam.

"Requesting all the contestants to be here at the back stage now." Announcement ng isang lalakeng naka eye glasses at nakaformal na damit. Isa siguro 'to sa mga emcee.

"Ang gwapo!" Bulong ni Chuchay at gumaya rin ng tayo kila Sam.

"Ma! Doon lang kami ha?"

"Ma, mag-s-start na." Paalam nila Sittie at Sam sa mga mama nila.

"GOOD LUCK!" Tumayo ako at naggroup hug kaming apat.

"Paano kung hindi kami manalo?" Tinampal ko si Sittie sa noo niya.

"Kere niyo yan! I-beat niyo boses ni Mandy Moore at Demi Lovato." Pinapagaan ko lang loob nila.

"Psh. Kung matalo man, maganda parin tayo!" Nagtawanan lang kami dun at naglakad na yung tatlo patungo back stage.

Nag-iisa lang ako dito kaya sinenyasan ko yung apat na dito na tumabi saakin. May mga vacant seat pa naman sa tabi ko. Nagtutulak tulakan pa sila pero tumayo rin naman at naglakad patungo dito. Mga baliw.

"Umupo na kayo. Magsisimula na ang contest." Napagitnaan ako nila Minkyu at Harvey tapos sa gilid ni Minkyu at si Kirby tapos kay Harvey naman ay si Daffy.

"Minkyu mag bless ka sa mama ni Sam oh!" Inaasar siya ni Kirby sa gilid.

"Ano ba uy! Baka marinig tayo. Ikaw nalang kaya sa mama ni Sit---" tinakpan kaagad ni Kirby ang bibig ni Minkyu kaya nagtawanan yung dalawang lalake sa gilid ko.

"Psh. Torpe!" Binatuhan ng matatalim na tingin ni Kirby si Daffy.

Tiningnan ko sila isa-isa pero wala naman akong nakitang kakaiba except kay Kirby na namutla nalang bigla. Sino ba kasi ang pinapahiwatig nilang apat? Nagdududa na talaga ako.

"Good Morning everyone!" Nagsiayos na kami ng upo ng magsalita yung emcee na lalake na may kasama ng babae ngayon. Habang nagsasalita yung mga emcee sa harapan ay may sarili ring mundo ang mga katabi ko na o-out of place ako sakanila. Ayaw ko rin naman magsalita kasi ayaw ko lang. Pfft.

"Hindi naman gaano kaganda ang boses nung contestant number 1." Reklamo ni Daffy ang lakas pa ng boses niya kaya siniko siya ni Harvey. Nagsisimula na kasi ang contest.

"Daffy, pwede naman siguro manihimik no?" Nginisihan lang ni Daffy si Minkyu tapos binagyan ulit ng atensyon ang ikalawang kumakanta sa stage.

Hanggang sa ikawalong performance same comment parin ang sinasabi ni Daffy at rinig na rinig pa yung boses niya.

"Kung makapagsalita akala mo ang ganda ng boses." Bara ni Harvey.

"Tss. Kasing ganda kay Charlie Puth at Shawn Mendes." Nagtawanan kami dun tapos ay nagsitihimik kaagad dahil sa contestant number 9 na may malamig at magandang boses. Hindi rin maipagkakait na may kagandahan rin ang babaeng kumakanta.

"Paano Daffy? Pangit parin ba ang boses?" Nakanganga na kasi si Daffy ngayon. Natapos na yung ika-9 na performer at halos lahat ng tao nagpalakpakan at pati narin kami except sa feelingerong Daffy na nakatanga sa stage.

Lumingon si Daffy saamin tsaka ngumisi. "Maganda parin saatin." Kaya nabatukan siya ni Harvey. Baliw!

Tinawag na ang huling magpe-perform at yun ay silang Chuchay. Lumabas na sila galing back stage na may ngiti sa mga labi. Tiningnan nila ang pwesto namin at kumaway tapos sa pwesto nila Sir Irman at Ms. Mana.

"Woooh! Go mga idol! We love you!" Napahagalpak sila Minkyu at Kirby sa ginawa ni Daffy sabay sabing...

"Di namin kilala yan!" Si Harvey naman ay yumuko nalang dahil sa kabaliwan na ginawa ni Daffy.

Nagtawanan rin ang ibang audience sa nangyari kaya siguro napaupo si Daffy at nabuhusan ng kahihiyan. Napailing ako at tiningnan ulit ang mga kaibigan kong naka upo na sa kanikanilang mga upuan. Bumaling ulit sila ng tingin dito sa pwesto ko at nag-approve sign with 'Aja' action effect.

Sinimulan ng patugtugin ni Sittie ang piano at sinimulan na ni Sam ang kanta.

[Sam]
'Skies are crying
I am watching
Catching teardrops in my hands
Only silence as it's ending, like we
Never had a chance
Do you have to, make me feel like
There's nothing left of me?'

Natahimik ang mga tao ng sinimulan na ni Sam ang chorus. Sa totoo lang mahirap din kantahin ang Skyscraper kaya siguro natahimik sila kasi inaabangan nilang magkamali sa pagkanta ang kaibigan ko. Ganyan naman siguro ang mga tao ngayon mas binibigyan ng pansin ang kamalian na nagawa mo kaysa sa kabutihan.

'You can take everything I have
You can break everything I am
Like i'm made of glass
Like i'm made of paper'

"Sh*t, hindi ko inakalang ganyan kaganda ang boses ni Sam sa personal." Bulong ni Minkyu sa gilid ko.

"Well, nakakaturn-on ba?" Pabirong tanong ko. Hindi siya sumagot dahil titig na titig siya sa kaibigan kong kumakanta na may pikit-pikit effect pa.

'Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper
Like a skyscraper'

Binaba ni Sam ang hawak niyang microphone at ngumiti kay Chuchay. Pinapahiwatig na si Chuchay na ang kakanta.

[Chuchay]
'As the smoke clears
I awaken, and untangle you from me'

Tumingin siya sa pwesto namin habang kumakanta. Alam ko na kung sino ang tinitingnan niya pero yung isa walang pakialam.

'Would it make you feel better
To watch me while I bleed?
All my windows, still are broken
But i'm standing on my feet'

Alam kong alam na ni Chuchay kung anong meron kay Harvey pero binabalewala lang niya iyon. Ganyan ba talaga pag nahuhulog ka na? Kahit nasasaktan ka na ay wala ka parin pakialam, kahit hindi ka sinalo at nahulog ka na sa bangin hindi mo parin iniinda ang sakit? Kahit nadudurog ka na?

Sabay nang kumanta sila Sam at Chuchay pagdating sa chorus. Dinadama talaga nila ang kanta habang si Sittie ay seryosng seryoso sa pagtugtog ng piano.

[Sam & Chuchay]
'You can take everything I have
You can break everything I am
Like i'm made of glass
Like i'm made of paper'

Nagkatitigan sila Sam at Chuchay habang kinakanta ang chorus tapos tumingin ulit sa mga audience na sobrang tahimik at sinusuri ang kanilang pagkanta.

'Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper
Like a skyscraper'

Tumayo si Sam at siya ang kinanta ang bridge ng Skyscraper. Napapikit pa siya habang kinakanta ito with hand gesture pa.

[Sam]
'Go run, run, run
I'm gonna stay right here
Watch you disappear, yeah
Go run, run, run
Yeah, it's a long way down
But I am closer to the clouds up here...'

Tumayo rin si Chuchay at humarap sa audience habang kinakanta ang kasunod.

[Chuchay]
'You can take everything I have
You can break everything I am
Like i'm made of glass
Like i'm made of paper, ohhh woaah
Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground'

Biglang pumilipit na may pagtaas ang boses ni Chuchay kay nagpalakpakan yung mga tao. Nasilayan ko ang ngiti ng mga kaibigan ko dahil sa palakpakan, napangiti narin ako.

Nagpalitpalit narin sila Sam at Chuchay ng pagkanta sa last part.

Like a skyscraper
Like a skyscraper

Like a skyscraper
Like a skyscraper

Like a skyscraper

Nagkasabay na sila dito at huminto na sa pagkanta at ang tanging maririnig mo ay ang pag p-piano ni Sittie.

Nagpalakpakan lahat ng tao at may humiyaw pa. Tumayo sila Sir Irman at Ms. Mana na pumalakpak, sumunod din akong tumayo kasama yung apat at pati narin yung mga magulang nila sa likod.

Yung tatlo naman sa stage ay hindi makapaniwala sa palakpakan ng audience at nagyakapan dun. Tapos humiwalay si Sam sakanila at may tinuro sa likod namin. Nilingon namin yun at nandoon ang mama ni Chuchay. Sabi na nga ba eh at pupunta ang mama niya!

Bumaba na sila sa stage. Sinalubong sila nila Ms. Mana pagkatapos ng konting usapan ay sabay na tumakbo ang tatlo at pumunta sa pwesto namin.

"CONGRATS! You made it!" Hinawakan ko ang kamay ni Sittie na parang water district na, tapos si Sam pawis na pawis ang noo then si Chuchay ay ginagalaw galaw ang kanyang kamay na hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Buti na nga lang ngayon ay nagbago na siya kasi dati may stage fright siya tapos pag nasa stage siya or may oral kami sa room ay tumatalon-talon sa harapan tapos nanginginig pa yung kamay. Basta di mo talaga maiintindihan ang ginagawa niya. Buti nalang ngayon ay may control na siya sakanyang sarili.

Dahil sa nandito ang apat na nakaupo sa mga upuan nila kanina ay tumabi nalang sila sakanilang mga magulang at one od the boys nanaman ako dito sa harapan.

Nagkaroon ng konting intermission number sa isang selected school para kumanta habang naghihintay ng desisyon sa mananalo. Walang niisa saamin ang nagsalita kasi yung tatlo hindi umiimik dahil sa kaba o nahihiya dahil nasa tabi nila ang kanilang mga magulang.

"So, we're back! Are you ready everyone!?" Tinutok ng emcee ang microphone sa audience tapos inanounce na niya ang top 3 na pwedeng manalo para sa contest. "This is no particular order."

Nakapasok ang ang contestant number 9 nagaling sa isang pribado at sikat unibersidad sa lalawigan, sunod naman ang contestant number 1 na napagtrippan ni Daffy.

"Paano bro? Nakapasok ang sinabi mong pangit ang boses?" Umirap si Daffy at tinuon nalang ang pansin sa nagsasalitang emcee.

"And for the last spot..." Please! Mga kaibigan ko sana. "...Angelicum!" Humiyaw kami at naglakad kaagad yung tatlo patungong stage. Nagsalita yung emcee ng kung ano-ano tapos ay mag-aanounce na siya sa Winners.

"Second runner up is from **** School!" Ang contestant number 1 ang nakakuha ng last place kaya sobrang laki ng ngiti ni Daffy. Ano ba kasi ang problema niya sa babaeng kumanta kanina? Maganda naman boses nun.

"For the first runner up..." naghiyawan yung mga tao ng number 9 and number 10. Pati narin kami nakisupporta sa pagche-cheer! "First runner up goes to Angelicum and the winner for this Piano-Singing Contest 2016 is from **** University!" Sayang, pero atleast naka 1st place! Binigyan sila ng medal at certificate. Nagkamayan at picture taking muna sila sa stage bago bumaba. Sinalubong namin sila pagkababa nila.

"Yieee! Congrats!" Nagyakapan kaming apat tapos sumulpot ang mga magulang nila at sila Ms. Mana at Sir Irman.

"You made us proud girls. Tatawagan ko lang si Sir Ramon. Ipapaalam ko ang result." Ngumiti kami kay Ms. Mana tsaka siya pumunta sa bandang gilid at tinawagan si Sir.

"Congrats girls! Kahit 1st place ok lang yan. At least you give pride to our school." Nakipagkamayan sila kay Sir tapos nagsalita si Sam.

"May contest pa mamaya! Alam kung maipapanalo nila KC ang KPOP cover competition na iyon!" Puno ng kumpiyansang sabi ni Sam.

"Sana nga manalo. Sige puntahan ko lang si Ms. Mana." Ngumiti kami sakanya. Tapos nag congratulate din ang mga boys sa mga girls at mga magulang naman nila ulit.

"Congrats anak." Mahinhin parin na sabi ng mama ni Sittie tapos hinagkan ito.

"Thank you,Ma." Napangiti ako.

"Congrats, baby! Galing mong kumanta!" Masiglang sabi ng Mama ni Sam tsaka siya nito hinalikan sa noo. Baby kasi nag-iisang anak lang siya.

"Mana sa Mama. Congrats apo!" Sabi naman ni Mommy lola tapos hinalikan si Sam. Binigay ni Sam sa mama niya ang medal at certificate at nagselfie sila.

Napatingin kami kay Chuchay kasama ang Mama niya.

"Dumating kayo." Casual na sabi ni Chuchay sa Mama.

"Dapat tinudo mo yung birit para patay ang kalaban!" Nagtawanan kami dun.

"Ma!" Saway ni Chuchay sa Mama niyang mas makulit pa sakanya.

"Pero ang galing mong kumanta anak. Ngayon ko lang alam yun! Baka hindi yata kita anak kasi ni isa saamin hindi marunong kumanta."

"Mama naman eh! Pumunta ka ba dito para tuksuhin ako?" Nakabusangot na yung mukha ni Chuchay.

"Tss. Arte joke lang. Pero congrats anak. I love you." Tsaka siya hinagkan ng Mama niya. Ang sweet naman!

"Ampanget ma! Ang sweet mo!" At nagtawanan ulit kami.

"So paano? Uwi na kami?" Sabi ng mama ni Sam pero pinigilan niya ito.

"Ma, sabay nalang tayo mag lunch lahat total close naman tayo eh. Sige na. At 2pm magsta-start ang contest nila KC." Suggestion ni Sam.

"Eh, dapat nakahanda na kayo, anak." Singit naman sa Mama ni Sittie at tiningnan ako.

"Kumain nalang tayo ng una tapos aasikasuhin nalang natin tong si KC no?" Tumango ako sa Mama ni Chuchay. Pupunta naman si Mama dito mamaya eh pero hindi ko alam anong oras basta hindi exactly 2pm tapos may mag-aasikaso naman saakin pero nag-offer yung mga mader dear nila so gora na ako!

"O sige tara na." Umuna na mag-lakad sila Sam sumunod naman sila Sittie at Chuchay with their love ones.

"Kayo boys? Asan punta niyo?" Tanong ko sa apat na lalakeng kanina pa walang imik. Nahihiya talaga siguro sila.

"Ahm, sa bahay nalang siguro nila Minkyu kami at maghahanda pa siya para sa contest. Balik nalang kami dito sa SM before 2pm para hindi malate sa contest." Tumango tango lang ako sa sinabi ni Kirby.

"Sige, puntahan ko na sila. Ingat kayo." Nagwave bye, ngumiti, at tumango yung apat saakin bago ako lumayo.

Shez! Ako nanaman ang kinakabahan! Kaya to! Fighting!

-

Best Friend Goals #15: Alam mong e-encourage ang mga kaibigan mo at think positive lamang kayo, tiwala lang.

-

A/N: Next update will be the dance contest (baka lagyan ko ng pasabog. HAHA). Don't forget to vote (if you like the chapter) and thank you sa mga naghihintay ng update ko. Love lots babies :*

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
114K 7.1K 5
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...