Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 23 - The Lost Clan

8.8K 316 187
By wistfulpromise

Raven.

Tahimik ang daan papunta sa mga silid ng Balay pagkapasok ko. Madaling araw, hindi pa sumisikat ang araw sa itaas. Walang tao sa paligid. Nasa loob pa rin sila ng kanilang mga silid.

Ilang araw ko nang nililibot ang Main Headquarters, naghahanap, nagmamatyag, nagmamasid ng kahit ano mang kakaiba na magdadala sa akin sa hinahanap ko. Kung sino ang pitong myembre ng NL7. Ngayong araw na ito, dito naman ako sa Balay na tinatawag nila pumunta. Kung saan natutulog ang mga myembro. Parang isang dormitoryo. Sa unang palapag ang kwarto ng mga lalaki samantalang sa pangalawang palapag naman ang sa mga babae.

Tumingin ako sa paligid. Maingat kong binuksan ang isang pinto. Ayon sa mapang nakalap ni Paul sa kabuuan ng lugar, apat ang palapag ng kabuuan ng gusaling ito. Dalawa pa lang ang napasok ko. Ang natitirang dalawa ay isa pa ring palaisipan sa akin. Wala ni ano mang hagdan ang nagtuturo papunta sa pangatlong palapag. Kaya iyon ang hinahanap ko ngayon.

Ang pang-apat, sigurado akong underground.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto sa likod ko. Nag-iingat na hindi makagawa ng kahit ano mang ingay na magtuturo kung nasaan ako.

Diretso ang daan. Walang kasiguraduhan kung saan ito patungo kaya hinanda ko ang baril sa aking kamay. Sa dulo ay mayroong isang nakapadlock na pinto. Sa kaliwa ay isa na namang daan ngunit sa dulo ay mayroon ding pinto na may parehas na itsura at ganun din sa kanan.

Tatlong pinto. Saan ang tamang daan?

"May time bomb sa loob lalo na dyan sa padlock which connects it from the inside. Kung pasasabugin mo yan gamit ang baril mo, you will just blow all of our cover." Para ipakita sa akin ang punto nya, itinaaas pa nya ang nakasarang kamay sabay bukas. His mouth is creating a silent 'Boom!' sound.

"Wala akong maaalala na dapat kasama kita rito." Ipinasok ko ang baril sa tagiliran ko. "Sa Main Headquarters ang focus mo. Kung dalawa tayo sa iisang lugar, wala tayong magagawa pareho." Mataman ko syang tiningnan. Nagkibit balikat lamang sya.

"Nahalughog na natin iyon kahapon hindi ba? Wala tayong nakita. So I thought... you might need my help here."

"I don't need your help here." I snapped at him.

Itinaas nya ang mga kamay sa hangin. A sign of surrender. "Okay, okay. I did not mean to offend you. I am just being... honest."

Ngumisi ako. Napasinghal. "Yeah. Honesty. Why don't you start preaching that Julian?"

Hindi na sya nagsalita. Mabuti na rin iyon dahil alam nya na kapag sinimulan nyang depensahan ang sarili ay mauuwi lang ang usapan na ito sa walang katapusang bangayan.

"Jace—"

"It's Raven." Pagtatama ko sa kanya. "Nasa teritoryo tayo ng kalaban. Call me with my real name again and I will shoot you point blank range in the head."

Hindi pa rin kami ayos. But atleast we're civil with each other. Umiinit pa rin ang ulo ko sa tuwing nakikita ko sya pero ipinagsasantabi ko na lamang ito dahil ayokong masira ang plano namin. As long as he kept his distance from me, we're good.

Ibinalik ko na lang ang tingin sa padlock. "Paano mo nalaman ang tungkol dyan."

"Ganyan na ganyan ang ginagamit nila sa mga pintuan sa Main na gusto nilang ilayo sa mga myembro nila. Noong mga unang araw ko rito, I saw one member who were curious enough to see what's inside. Tuwing gabi pumupuslit sya. Nasa iisang dorm lang kami kaya sinundan ko sya. Sinubukan nyang sirain yung padlock sa pamamagitan ng martilyo. Isang pukpok ayun, BOOM! Bits and pieces. Hindi na nakilala ang lasublasob nyang katawan pagkatapos."

"Kung may pagsabog. Ibig sabihin, may sunog na sumunod."

Tumango sya sa akin. "May dalawang dumating, hindi ko makita ang mukha nila sa dilim. Masyado akong malayo sa lugar para madamay sa pagsabog. Pero inapula nila agad yung apoy gamit ang fire extinguisher. Maraming nagtaka kung anong nangyari noong gabing iyon pero wala namang naglakas loob na magtanong. Takot sila. Pinagsawalang bahala na lang nila ang narinig and start moving on with their lives. This gang don't care about their people. Alam kasi nila na kung may mawala man, madali lang makahanap ng bagong kapalit."

Mas maagang nakapunta si Julian dito kaya mas marami syang alam kaysa sa akin. Ayoko mang aminin sa sarili kahit ilang beses ko pang itanggi, pero tama sina Paul at Niel, malaki ang maitutulong nya rito. Gayunman, hindi ko pa rin maiwasang mag-ingat sa mga pinagsasabi nya. Hindi ko na maalis 'yun. Kung nagawa nyang magtraydor na isang beses, kaya nya ulit gawin iyon sa pangalawang pagkakataon. It is true that once a trust is broken, it will never be the same again.

**

Itinawag ko ang sitwasyon kanila Paul at Niel. Masyadong mahigpit ang NL7 sa bawat galaw nila. Masyado silang sigurista. Mali ako sa pag-aakalang magiging madali ang lahat sa oras na nakapasok ako rito. Hindi ko alam na mas lalo pa palang magiging komplikado.

Oo nga at minsan ko nang nakita ang tinatawag nilang Lethal 6 at 7 sa mga meeting sa Main, pero katulad ko ay itinatago rin nila ang sarili sa isang maskara. Hindi ko pa sigurado kung sila nga iyon o hindi. Maaaring nagpapanggap lang. Maaaring isang dummy na ginamit upang may tatayo kunwari na pinuno nila sa harap ng kanilang mga tao. Gayunman, kahit nasa publiko na silang lugar ay hindi pa rin basta-basta makakalapit ang sino man. Mayroon pa ring distansya sa ibang myembro.

Mas lalo akong nahihiwagaan sa kanila.

Tinawagan ako ni Nathan na dumiretso sa Black Savage Headquarters. Sinipat ko ang oras sa suot na relo. Alas sais ng umaga. Inilabas ko ang cellphone at muling tinawagan si Niel, ngunit sa pagkakataong ito ay sa ibang dahilan.

"Gising na ba sya?"

"Si Serene?" May narinig akong pagbukas ng pinto sa kabilang linya. "Tulog pa rin sya Jace."

"Huwag mo syang paalisin Niel. Kahit anong mangyari."

"Makakaasa ka." Huminto sya saglit. "Hindi ka ba pupunta rito agad?"

"Kailangan ako sa Black Savage."

"Bakit ba kailangang madaling araw kung kailan sya maaaring magising? Pwede mo namang ipagpagabi ang misyon mo kung saan tulog ang mga tao."

"Ito lang ang pinakamagandang oras na pumuslit sa loob ng kampo ng Notorious."

"Hanggang kailan mo ba sya ikukulong dito sa loob? Baka hinahanap na rin sya sa Notorious. Dyan sa Headquarters na sinasabi mo."

"Hindi na sya babalik doon. Hindi ko na sya ibabalik doon."

"Hindi mo maitatago si Serene sa mundo habang buhay Jace. Sabihin na natin ang totoo. Huwag mo na syang pahirapan. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." Sumandal ako sa kalapit na pader at tumingala. Huminga ako ng malalim na akala mo pagod na pagod na ako sa mga nangyayari.

"Paano... kung tuluyan na nga nya akong nakalimutan Niel? Makakaya ko ba?" tanong ko na tila ba bulong sa hangin pero alam kong narinig nya iyon ng maliwanag. Natahimik sya at hindi nagsalita. Alam ko na higit sa sino pa man, sya ang nakakaintindi kung bakit ko pinapatagal ang lahat.

"Paano natin malalaman kung hindi mo susubukan?"

May sinabi pa sya sa akin at hindi ko na maalala kung ano ang mga sinagot ko. Matapos ang isang paalam, ibinaba ko ang cellphone at tinitigan lamang ang nakapatay nitong ilaw. Ang tapang-tapang ko pero bakit dito, naduduwag ako?

**

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Sa Black Savage ang diretso ko. Sa pinto pa lang ay sinalubong na ako ni Aiden.

"Mabuti nandito ka na. Meron tayong nahuli."

"Sino?"

"Ayaw nyang sabihin ang pangalan nya. Ilang araw na syang narito."

"Bakit ngayon nyo lang sinabi sa akin?" inis kong saad. "Hindi ba't sabi ko dapat nyong ipaalam sa akin ang lahat?"

"Hanggat maaari kasi ay gusto naming ayusin hanggat kaya namin. Pero iba ito eh."

Binuksan ko ang pinto papunta sa mahabang daanan. Diretso at mabilis ang paglakad namin. Sa isang silid ay may kulungan. Maluwang at maaliwalas ang lugar kung nasaan kami nakatayo. Kabaliktaran kung ano ang sitwasyon ng kung sino man na hindi pinalad na pinasok sa loob ng selda.

"Nathan." Humarap sya sa akin.

Isinara ni Aiden ang pinto sa likod namin.

"Nakita namin sya roon sa labas ng bahay ni Lady Magdaleine, nagmamasid." Itinuro nya ang lalaki sa loob na agad tumayo mula sa kinauupuan noong makita ako. Mahigpit nitong hinawakan ang mga bakal na naglalayo sa kanya mula sa amin. Madilim sa loob. Hindi ko makita ang mukha nya.

"Palabasin nyo ako rito." Nanggagalaiti nyang pag-atas.

"Hindi mo pa sinasabi sa amin kung sino ka at kung paano mo nakilala si Magdaleine Lozada." Sumbat ni Nathan sa kanya sa parehas na tono.

"Sinabi ko na sa inyo. May kailangan lang akong malaman mula sa kanya. Iyon lang."

"Kausapin." Natawa ng mahina ang kapatid ko. "Pinaglololoko mo ba ako?"

Sinuntok ng lalaki sa loob ang bakal na hawak. Hanggang dito ay ramdam ko ang nagawa nyang vibration dito dahil sa lakas ng suntok. "Palabasin nyo na ako. Wala kayong karapatang ikulong ako rito. Wala akong balak na masama sa kanya. Gusto ko lang talaga syang makita at makausap. Importante ito."

"Walang gagawing masama pero nagtrespass ka. Kami ba pinaglololoko mo? Ano bang sasabihin mo sa kanya?"

"Wala akong tiwala sa inyo. Si Magdaleine Lozada lang ang kakausapin ko."

Napailing na lamang si Nathan na tila ba sumasakit ang ulo sa pakikipag-usap sa lalaking ito. Nandoon lamang ako. Tahimik na nakikinig. Nagmamatyag. Hindi ba alam ng lalaking ito ang tungkol sa nangyari kay Lady Magdaleine ilang taon na ang nakakalipas?

"Sinasayang mo lang ang oras mo lalong lalo na ng oras ko alam mo ba 'yun? Hindi mo na makakausap si Lady Magdaleine. Kaya sabihin mo na sa amin kung bakit ka naroon. Anong ginagawa mo roon sa bahay nya? Bakit may dala kang larawan nya? Bakit mo sya kilala? Spy ka ba ng ibang gang? Magsalita ka!"

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin na hindi ako spy! Gusto ko lang syang kausapin, 'yun lang. Bakit nyo ba sya itinatago sa akin?"

"Ano ito naggagaguhan lang ba tayo rito? Ayan bang kamangmangan mo kung nasaan si Lady Magdaleine eh gawagawa mo lang para magmukha kang inosente o wala ka talagang alam sa nangyari?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Ngayon uulitin ko, wala akong sasagutin sa kahit anong tatanungin nyo kung hindi sya ang haharap sa akin—"

"Matagal nang patay si Lady Magdaleine!"

Natahimik ang lalaki sa loob.

"Narinig mo na ang totoo hindi ba? Ngayon sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha ang larawan nya."

"Sinungaling." He snapped at Nathan. "Akala mo ba basta-basta akong maniniwala sa sinasabi nyo? Kahit ikulong nyo pa ako rito ng ilang araw, hinding-hindi nyo ako mapapaikot."

Hindi pinakinggan ni Nathan ang sinasabi nito at pinagpatuloy ang sinasabi nya kanina. "Matagal nang sinunog ni Lady Magdaleine ang lahat ng larawan na meron sya. Sa nangyaring ito, bago pa man mangyari ang lahat ng gulo, wala syang iniwan ni anong bakas tungkol sa pagkatao nya na mag-uugnay sa kanya sa pamilya nya. Kaya paano ka magkakaroon ng ganyang kalumang larawan?"

"Hindi ko alam. Hindi ako magsasalita."

Susugurin na sana ni Nathan ang lalaki pero iniharang ko na ang kamay sa dibdib nya bago pa man sya makalapit.

Ako na ang nagsalita. "Totoo ang sinasabi namin. Wala na si Lady Magdaleine. Matagal na syang patay. Mahigit limang taon na ang nakakalipas." Mahinahon kong paliwanag.

Kahit sa dilim ay alam kong nakikipagtitigan sya sa akin ng masinsinan. Naghahanap ng kasinungalingan sa mga mata ko—isang bagay na hindi nya makikita kahit ano pang hukay ang gawin nya.

Wala sa sarili syang napaupo sa sahig. "Kung ganun... lahat ng ito, lahat ng sakripisyo namin nauwi lang lahat sa wala?"

"Bakit mo ba sya hinahanap?"

"Bakit ba kayo interesadong malaman?" tanong nya sa akin pabalik.

"Merong gera na nagaganap sa lugar na ito. Nag-iingat lang kami."

"Gera?" taka nyang tanong. "Tungkol saan?" Isang sibilyan. Wala syang alam sa nangyayari ngayong gulo sa pagitan ng mga gang. Wala syang alam. Pero bakit kilala nya si Lady Magdaleine at may hawak pa syang larawan?

Alam kong parehas kami ng iniisip ni Nathan dahil sya na mismo ang nagtanong nito ulit sa kanya.

Umiling ang lalaki sa loob. "Katulad ng sinabi ko sa inyo kanina, wala akong alam. Hindi ko sya kilala. Inabot lang sa akin ang litrato nya at inutos sa amin na hanapin sya."

"Inutos? Sino?" tanong ko sa kanya kasabay ng tanong ni Nathan na, "Namin? Sino?"

Nagkatinginan kami sa isa't-isa at sabay na napailing. Ngayong madalas na kaming nagkakasama mas lalong lumalabas ang pagkakaparehas namin.

"Kambal?" tanong nito na ikinagulat naming dalawa. Hindi kami magkamukha kaya sanay na kaming hindi napagkakamalang magkapatid. Pero sya na ngayon lang namin nakilala ay alam na nito agad ang sikreto na pagkatagu-tago namin magmula noong mga bata pa kami.

"Paano mo nalaman?" si Nathan ang unang nagsalita. Mayroong pagdududa sa tingin nya.

"Kung gano'n, tama nga ako. Ngayon kayo ang tatanungin ko, bakit nyo kilala si Magdaleine Lozada?"

"Sagutin mo muna ang tanong namin. Sino ang nag-utos sa'yo para hanapin si Lady Magdaleine at sino ang kasama mo na hanapin sya? Marami ba kayo? Saan kayo galing?" tanong ko sa kanya. Pero sa isip ko ay tumatakbo na ang mga posibilidad kung sino nga ba ang lalaking ito.

"Ang dami nyong tanong, isa lang ang akin."

"Magsalita ka na lang. Baka nakakalimutan mo, nasa loob ka ng kampo namin. Kung hindi ka magsasalita, marami kaming paraan para makuha ang sagot mula sa'yo." Babala ni Nathan sa kanya.

"Tinatakot nyo ba ako?"

"Bakit? Natatakot ka na ba?"

Tumawa ang lalaki sa loob. Lumayo na sya sa hawak na rehas at naglalakad-lakad sa loob na animo'y nag-iisip.

"Alam nyo puro tayo tanong sa isa't-isa. Wala tayong nakukuhang sagot. Ano kaya kung palabasin nyo ako rito para magkausap tayo ng masinsinan? Hindi yung nagtatago kayo sa likod ng mga rehas na ito. Ako ang natatakot? O baka kayo?"

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, hindi pinakinggan ang mga sinabi nya kanina.

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko na nakakulong dito at may isang taong hindi mo kakilala at hindi mo pinagkakatiwalaan na nagtanong sayo ng pangalan mo, sasagutin mo ba ng totoo?"

Napangisi si Nathan sabay bulong sa akin. "Magaling itong isang 'to."

"Saan nyo ulit ito nakuha?" bulong ko sa kanya pabalik. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa preso namin.

"Nahuli ng mga kasama natin na pumuslit sa loob ng bahay ni Lady Magdaleine noong isang araw. Naabutan ko na lang din sya dyan sa loob. Nauna lang ako sayo ng ilang minuto rito."

"Wala syang dala?"

"Backpack, balisong, arnis. Kinuha na lahat ng mga kasama natin bago pa sya ipinasok dyan."

Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nasa loob. Kilala ko ang mga uri nya. Ganyan din kasi ako. Pabalang syang sumagot. Maraming itinatagong sikreto. He wants to play it safe.

Napaisip ako sa mga dala nya na sinabi sa akin ni Nathan. Balisong at arnis... kung ako ang pupunta sa Maynila at iyon lang ang dala, ano ang dahilan? Kompetisyon? Pwede. Personal weapon? Maaari. Pero bakit? Pumunta sya kay Lady Magdaleine at may dalang larawan na kay tagal na naming hindi nakita sa tagal ng panahon. May dala syang arnis. Grandmaster ng arnis si Lady Magdaleine.

"Arnis? May dala kang arnis?" tanong ko sa lalaki. "Hinahanap mo ba si Lady Magdaleine dahil isa kang estudyante noon?"

"Kung gano'n isa ring guro ng arnis si Magdaleine Lozada? Kaya pala. Kaya pala sya ang hinahanap ni Tatang."

Hindi sya estudyante. Kung hindi sya naging estudyante, marahil yung Tatang na sinasabi nya ang nag-utos sa kanya.

"Kaibigan ng Tatang mo si Lady Magdaleine kaya mo sya hinahanap, tama ba? At 'yung Tatang na sinasabi mo ay isa ring guro ng arnis tulad ni Lady Magdaleine." Hindi iyon isang tanong kundi isang komento na habang tumatagal ay pakiramdam ko mas nagiging totoo batay na rin sa reaksyon nya.

Natahimik sya. Siguro hindi nya inakala na sa maiikling salita na binibitawan nya ay mapagtatagpi-tagpi ko ang mga pangyayari. Parehas nang may edad si Lady Magdaleine pati yung Tatang na sinasabi nya. Hindi naman siguro nya tatawaging Tatang ang isang tao kung hindi matanda hindi ba? Isa pa, bilang lang sa mga kamay ko ang naging estudyante ni Lady Magdaleine.

"Kung ganun, tatlo lang ang rason kung bakit sila magkakilala. Una, estudyante ni Lady Magdaleine ang Tatang mo kaya sila nagkakilala. Pangalawa, si Tatang ang may estudyante kay Lady Magdaleine. At pangatlo, parehas silang Master ng arnis kaya sila magkakilala."

Muli syang napahawak sa may railings ng kulungan nya, humigpit ang pagkakahawak nya rito.

Napangisi ako. "Did I strike a chord?"

"Sino ka ba? Sino ba talaga kayo?" nanggigigil at nangagalaiti nyang tanong.

"This is getting better." Pumito si Nathan sa tabi ko sabay tapik sa balikat ko. "Si Raven kasi ang hinamon mo. He is the master of reading between the lines."

"Alam mo rin na kambal kami kahit sa sandaling oras mo lang kami nakausap at nakita." Pinagmasdan ko sya ng masinsinan. "Luck? I don't think so. Intuition? One of the possibility. Alam mong kambal kami dahil may kakambal ka rin."

"Paano mo..." he said disbelievingly.

"Kung ganun, tama nga ako." Pagkukumpirma ko sa hinala, ibinabalik ko sa mukha nya ang binitawan nyang salita kanina. I know that he realized what just happened, because I saw him flinched away. "Sya ba ang kasama mong pumunta rito? Kaya mo sinabing namin kanina?"

"Sino kayo? Sinusundan nyo ba kami? Paano nyo nalaman iyon? Magsalita kayo!"

"Sa tingin mo kung isa nga akong spy ngayon at may balak pa kaming pakawalan ka, sa tingin mo aamin ako sayo at sasabihin ko ang pangalan namin sa taong wala naman kaming kasiguraduhan kung isusuplong ba kami o hindi?" I played with his own words. The exact same tone he used at me a while ago.

I heard Nathan chuckle. "Parang bumaliktad yata ang posisyon?"

"Magsalita ka na."

"I have an idea," sabat ni Nathan, waring nag-iisip. "Kung hindi ka magsasalita, kung hindi mo sasabihin sa amin ang totoo kung sino ka nga ba, our gang will going to hunt down your twin. Sya ang pahihirapan namin. Sya ang pipilitin naming magsalita."

"And make his twin scream and beg for her life." Pakikisabay ko pa sa kalokohan ni Nathan. May mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi.

May natamaan yata kami dahil bigla syang nagreact at sumugod sa may railings ng kulungan. Yumuga ito ng napakalakas dahil sa higpit ng pagkakahawak at pagkakatulak nya roon para lang makalapit sa amin. "Subukan nyo syang galawin at isinusumpa ko, hahabulin ko kayo hanggang impyerno."

"Wala naman kaming gagawing masama kung makikipagtulungan ka sa amin." Kibit-balikat ni Nathan.

Hindi na sya nagsalita at sinuntok na lamang ng napakalakas ang bakal na hawak dahil alam naman nyang wala syang magagawa upang makalabas doon.

"Kung tama ako ng iniisip, magkakampi tayo rito." Sabi ko sa lalaki.

"Magkakampi?" singhal nya. "Wala akong pinapanigan na kahit sino. Nasa angkan ko lang ang katapatan ko." May kung anong talim ang boses nya. Pero masyado na akong pamilyar sa gano'ng tono kaya wala na epekto sa akin iyon.

"And so do I."

Katahimikan ang nanaig sa amin. Iniangat ko ang kamay sa tapat nya. "I'm Jace. From Alvarez Clan."

"Anong ginagawa mo? Di ba itinatago mo ang tunay mong pagkatao dahil hindi natin alam kung sino ang kalaban o hindi? Raven." bulong-tanong sa akin ni Nathan sabay diin sa huling salita. Marahil iniisip nya na nababaliw na ako dahil sinabi ko sa lalaking ito ang pangalan ko.

"I know what I am doing." Sagot ko sa kanya. Nalipat ang tingin namin sa kausap sa harap noong magsalita sya.

"E and Z." Gulat na bulong ng lalaki. "Parte kayo ng nasirang Elite."

Nanlaki ang mga mata ni Nathan.

Tumango ako sa kanya.

"Mukhang tapos na ang paghahanap natin sa kanila dahil sila mismo ang naghanap sa atin."

Wala sa sariling itinuro ni Nathan ang lalaki. "Kung ganun..."

Muling lumapit ang lalaki sa may railings inabot ang kamay ko.

"Cello. From Gonzalez Clan." Iniangat nya ang tingin sa amin. Natamaan ng liwanag sa labas ang mukha nya.

Kamukha nya si...

///

Jade's Corner: 

Sino kaya ang kamukha ni Cello? Hmmm.....

Dedicated sa kanya dahil sa napakasweet at cute na message nya sa akin! hahaha <3 

Sa mga nag-aaral ng Baybayin sa Group, sa mga willing matuto at nakikinig ng husto sa mga lesson, I just want to say that I AM SO PROUD OF GUYS!! <3 at!

That feeling when you already know how to read Baybayin be like...

Sa mga Listeners na hindi marunong magbasa ng Baybayin at sa mga Listeners na hindi alam na ang tawag dito ay BAYBAYIN at hindi ALIBATA be like...

Sa mga Listeners na nagtatake ng lessons sa group at marunong nang magbasa be like...

Feeling ko next tym sa Author's Note lahat na lang Baybayin xD HAHAHAHAH Chos! Yung mga marunong lang talaga ang makakapagbasa nyan. (WALANG KODIGO AH!! HAHAHAHAHA)

Available na rin pala yung TSHIRT for the meet-up 2016! So if you want to order, please fill up the form (nasa external link sya rito) . And this one is our design! For more news about the shirt and meet-up, stay tune in our FB Group! :) 

Maraming salamat sa pagbabasa! 

OLE!!! 

-wistfulpromise

P.S.  Nakita ko lang ito sa group, Post ni Nadja Gwyneth Atinado . HAHAHAH!! SUPER BENTA SA AKIN  ITONG MEMES NA ITO!! XD Sayang nga lang at hindi sya makakapunta sa meet-up, di bale dear may next time pa naman! :) 

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.4M 46K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...