Gonzales Empire Series 1: MEN...

By HyeiaYoon

121K 2.6K 68

Si Aya ay isang junior accountant na di naglaon ay naging executive secretary ng major stockholder ng Gonzale... More

Teaser
Character's Profile
Prologue & Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue
HY's note

Chapter 21

1.8K 41 1
By HyeiaYoon

Chapter 21:

"Basta alam mo naman e. Kapag may problema ka, lagi lang naman akong nandito. Di mo lang alam, pero super lakas mo sa akin. Bestfriend kita, yan lamang ang masasabi ko. I may not be the best but I can be real. I may not please everyone but I'm always your dearest friend. Again, magandang gabi po sa lahat ng naririto."

Palakpakan ang lahat sa pagtatapos ni Jenny sa kanyang mensahe. Bumalik na siya sa kanyang upuan nang muling magsalita ang emcee at isa sa empleyado roon sa hotel.

"Wow! Ngayon lang ako nakasaksi at nakarinig ng puro papuri a! Nakapagsalita na po ang ilan sa bisita. At ang katatapos lamang magbigay ng mensahe ay ang matalik na kaibigan ng ating celebrant. Ngayon, pakinggan naman natin ang masasabi ng parents ni Miss Aya. Ma'am, sir... Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan!"

Tumayo ang mag-asawa. Inalalayan ni Mang Jose ang kabiyak patungo sa pinanggalingan ni Jenny. Kinuha ng lalaki ang mikropono. Siya kasi ang unang magbibigay ng mensahe.

"Una po sa lahat, gusto kong batiin ng maligayang kaarawan ang aming anak. Sana'y napasaya ka namin ngayon Aya." ngumiti pa sa anak na noo'y pinangingiliran na naman ng luha.

"Laking pasasalamat ko sa Diyos nang dumating siya sa buhay naming mag-asawa. Siya ang maituturing kong yaman. Sa tuwing nanghihina ang loob ko't naiisipang sumuko, siya ang nagbibigay sa akin ng lakas. Hindi ko kinaringgan iyan ng reklamo kahit na salat kami sa pera. Naaalala ko pa noong maaksidente ako at dumaan kami sa matinding krisis ukol sa problemang pinansyal, di ko nakita na sinumbatan n'ya ako. Iyong pakiramdam na parang inutil at walang silbi? Hindi n'ya ipinaramdam sa akin yan. Lagi pa n'yang sinasabi: itay ikaw pa rin ang pinaka the best para sa akin. Kahit na di tayo mayaman, mahal n'yo naman ako. Tatay, kayo ni nanay ang inspirasyon ko. Gusto ko lagi tayo magkakasama. Di bale ng wala tayong pera. Tatay, wag kang mag-alala. Titigil muna ako sa pag-aaral para maalagaan kita." di napigilan ang pagtulo ng luha ng lalaki.

"Napakabait ng anak ko at talagang napakasuwerte ko sa kanya. Lingid sa kaalaman ko noon na nagtrabaho siya bilang service crew. Nung matuklasan naming mag-asawa ang sabi niya: gusto kong makaipon para maipagamot si tatay. Kawawa naman siya kaya nagtrabaho ako para may pambayad sa pagpapatherapy niya. Di ko kasi kaya na ganyan si tatay. Gusto ko magawa niya yung gusto niya gaya dati."

Umiiyak na noon ang dalaga. Pero patuloy pa rin sa pagkukuwento si Mang Jose.

"Sa tanang buhay niyan, wala yang ibinigay sa aming sakit ng ulo. Lagi yang may award, mula sa pagiging honor hanggang sa pagiging active officer sa school. Sa tuwing tinatanggap niya ang mga medalya, parang gusto kong umiyak at maglulundag sa tuwa. Saka ko sasabihin na: anak ko yan! Ang galing niyan!"

"Sa totoo po, di ako mahilig magbigay ng mga speech. Pero gusto kong gawin ito upang ipangalandakan ang kabutihan ni Aya. Anak, sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo pasensya ka na sa akin." sandaling tumigil si Mang Jose upang magpunas ng luha.

"Sa lahat ng karangalan na patuloy mong ibinibigay, maraming salamat. Alam ko na naninibago ka pagkat di ako madalas magsalita, pero sasamantalahin ko na ang pagkakataong maiparating sa'yo at sa lahat ng nandito kung gaano kita ipinagmamalaki. Proud ako sa'yo anak. Anuman ang ating pinagdadaanan, tandaan mo. Ikaw ang pinakamagandang regalong dumating sa buhay ko. I love you so much, happy birthday."

Pagkatapos, iniabot naman ni Mang Jose ang mikropono sa kanyang asawa.

"Alam po ninyo, ako ang siyang pinakamasaya sa lahat ngayon. Bakit po? Kasi naramdaman ko na marami kayong natulungan ng aking anak. Masaya po ako na makitang nagbunga ang paghihirap naming mag-asawa pagkat nagtagumpay si Aya. Sinabi po ng aking asawa kung gaano siya kabait, at ako bilang ina niya ang siyang proud sa lahat!"

Di pa man nakakatagal, agad bumigay ang emosyon ng butihing ginang. Si Aya naman halos kapusin na ng paghinga sa pagpipigil ng kanyang luha. Pero bigo siya sa tuwina. Kita ni Ian ang pagpigil niya ng emosyon.

Ang ginawa nito, kinuha ang kanyang palad at hinawakan. Di pa nakuntento, pinisil pa ng bahagya. Nang lingunin niya, sumalubong sa paningin niya ang magandang ngiti ng binata. Tuloy pati siya'y napangiti rin.

"Masasabi ko na napakasuwerte ko talaga pagkat dumating siya sa amin ni Jose. Bata pa lamang si Aya kinakitaan ko na ng determinasyon at sense of responsibility. Maunawain at napakalambing hanggang ngayon. Never niyang pinagwalang-bahala ang aming nararamdaman. Palagi kaming una sa prayoridad. Minsan nga, binubuyo namin siya na sagutin sinuman sa kanyang manliligaw pero siya mismo ayaw gawin iyon! Lagi niyang sinasabi na kuntento siya ngayon. Pero alam ko, natatakot siya na baka mabawasan ang oras niya sa amin ni Jose. Anak, wag mo na kaming intindihin ng tatay mo. Matanda na kami at hangad naming makita na masaya ka at magkaroon ng sariling pamilya. Gaya nang sinabi ng tatay mo lagi mong tatandaan, andito lang kami para sa'yo. Mahal na mahal ka namin. At di na magbabago iyan. Happy birthday and more birthdays to come."

Muling umugong ang palakpakan. Ang mga naroon ay di rin napigilan ang mapaluha sa makabagbag damdaming mensahe ng mag-asawa. Ramdam nila ang matinding pagmamalaki ng mga ito sa anak.

Sabagay, sino bang magulang ang di ipagmamalaki ang pagkakaroon ng isang uliran at masunuring anak. Di lamang iyon, napakaresponsable pa ng dalaga. Maaga kasing namulat sa katotohanan ng buhay. Napakasuwerte ng lalaking iibigin nito pagkat nalalaman nilang magiging mabuti itong asawa at magulang.

"Salamat sa mensahe ma'am, sir. Haaay, grabe! Naiyak ako!" ang emcee habang nagpupunas ng luha.

"Totoo ka ba Miss Aya? Hehehe. Joke lang po ha. Pinapatawa ko lamang po kayo." ang emcee.

"Nakapagsalita na po ang mga nakalista rito pero may nagpapahabol pa e. Kaya, pagbigyan natin. Sir.... The floor is yours."

Nagulat si Aya nang tumayo ang katabi.

"Sir? Wag mong sabihing...." si Aya.

"Ako pa ba ang magpapahuli? Sige lang. Upo ka lang diyan at makinig..."

Tinalikuran na siya nito. Napangiti na lamang si Aya.

Napaka-unpredictable talaga ng kanyang boss. Pero di naman maipagkakaila na naging makulay ang kaarawan niya dahil dito.

Hawak na ni Ian ang mikropono nang sumigaw si Dion.

"Pare, mukhang sinusulit mo ang gabi a."

"Liligawan na niyan si Aya." si Luis.

"Asus, pasikat ka pare! Style mo luma na..." hirit ni Jim.

Nagkatawanan ang mga naroon. Si Ian naman ay nagsalita gamit ang mikropono.

"Kayo, mga kolokoy kahit kailan. Wag kayo panira ng diskarte! Moment ko ito e..."

Napangiti naman si Aya. Excited siyang di mawari sa kung ano ang mensahe nito sa kanya.

"Ahem! Ahem!" si Ian bago nagbuntong-hininga.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit ako magsasalita rito gayung di ko pa masyadong kilala si Aya..." panimula nito.

Tahimik naman ang lahat at nakikinig.

"Unang araw pa lang, nakuha na ng napakagandang dalaga na ito ang pansin ko. Inisip ko na ganda lang meron ang babaeng ito. That time, di ko pa alam na siya ang magiging sekretarya ko. Noong una akala ko di ko siya makakasundo dahil babae siya. Pero, napatunayan niya sa akin kung gaano siya ka-efficient. Napaka-propesyunal at talagang maaasahan. Actually, sa kanya ako minsan humihingi ng advice. Siya iyong tao na di ka mahihiyang magsabi ng sikreto mo."

"Iba na yan pare! Malala ka na!" si Jim.

"Alam ko marami sa inyo ang nagkakaroon ng hinala tungkol sa amin ni Aya. Di ko na kayo iisa-isahin dahil baka kulangin ako sa oras."

"Aaminin ko, malaki ang naitulong ni Aya sa akin. Di lamang sa trabaho kundi sa tunay na buhay. Minsan na rin akong nakapunta sa kanila at dun ko nakita ang totoong Aya. Mabait na siya noon pang una kaming magkakilala. Pero mas mabait pala siya kapag sina Mang Jose na ang kanyang kaharap. Napakagalang higit pa sa aking inaasahan. Kung minsan akala ko nagtatalo na sila ni Jenny pero ganun lang pala sila maglambingan. Minsan tuloy gusto ko ring maranasan yung paglalambing niya..."

"Si sir, wag kayo ganyan... Namilipit na kami rito sa kilig e." si Eunice.

Ngumiti lamang si Ian saka nagpatuloy.

"Sinabi kanina ng iba sa malalapit sa puso mo na masuwerte sila, Aya. Totoo iyon. Ramdam ko na sincere sila sa sinabi. Kanina habang nagsasayaw tayo may sinabi ako sa'yo. Totoo sa loob ko yun at wag ka sanang magduda. Bawat araw na dumaraan, lalo kang napapalapit sa puso ko. At gusto kong ipagpaalam ka ng maayos sa iyong mga magulang..."

Ngiting-ngiti na ang mga bisita. Sina Jim, Dion at Luis ay nakaantabay sa susunod na sasabihin ng kanilang kaibigan. Alam na nila iyon pagkat nasabi na sa kanila noong humingi ito ng tulong. Kaya nga nasabi ni Dion kay Aya na malakas siya kay Ian dahil doon.

"Ma'am, sir gusto ko lang hong magpaalam sa inyo.. Bilang respeto na rin po dahil kayo ang magulang ni Aya. Gusto ko rin pong maging bahagi ng buhay n'ya. Kung inyo pong mamarapatin nais ko siyang ligawan. Wag po kayong mag-alala dahil labas ito sa trabaho namin. Gusto ko po siyang alagaan at mahalin. Pero di ko naman siya mapipilit agad."

Narinig man iyon ni Aya kanina ganun pa rin ang reaksyon ng puso niya. Naroon ang munting kilig at saya.

Gaya naman ng kanyang inaasahan nag-ingay ang kanilang mga kasamahan sa kumpanya. Pare-parehong sinasabi na sagutin na niya ang lalaki.

Napapangiti tuloy pati ang kanyang mga magulang. Minsan ay nakikisali na rin sa pangungumbinsi. Di naman siya makaimik dahil parang umakyat ng syento porsyento ang puso niya!

"Mukhang marami akong fans dito a! Anyway, nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa iyo. Happy birthday Aya. Di pa riyan natatapos pagkat may regalo pa ako sa'yo."

Di niya maintindihan kung ano ang tinutukoy nito! Napansin na lamang niyang pumuwesto ito sa gitna kung saan may isang mataas na upuan. May nakapatong na gitara roon! Kinuha iyon ni Ian saka umupo sa silya....

Itutuloy...
~~~~~~~~~~~~
•END OF CHAPTER 21•
©Gonzales Empire
Mending a broken heart
by: HyeiaYoon

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2.5K 63
This is the life of a teenage girl that has been hiding to a big mansion alone after the tragedy happened to her family,,all of her family was killed...
1.3M 38.2K 68
Maureen believes that everything happens for a reasons, ngunit wala sa hinagap niya na masusuong siya sa ganitong kagulong sitwasyon. Kailangan niyan...
495K 7.4K 59
Tinanggihan ni Drake na pakasalan ang babaeng naka-arranged marriage sa kaniya dahil sobra niyang kinamumuhian ito. She was like the raisin on his ma...
749K 22.6K 27
Hindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't ti...