Gonzales Empire Series 1: MEN...

By HyeiaYoon

121K 2.6K 68

Si Aya ay isang junior accountant na di naglaon ay naging executive secretary ng major stockholder ng Gonzale... More

Teaser
Character's Profile
Prologue & Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue
HY's note

Chapter 19

1.9K 53 0
By HyeiaYoon

Chapter 19:

Mahigit sa isang oras din ang biniyahe nina Aya at Dion. Hindi malaman ng dalaga kung bakit nakaramdam siya ng excitement. Gusto na niyang malaman kung sino ang nag-utos kay Dion na paayusan siya. Sa totoo lang, tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng new look niya.

"Hindi mo ba puwedeng sabihin na ngayon kung sino?" tanong ni Aya.

"Pasensya ka na. Baka mabugbog ako ng dalawang yun kapag dumaldal ako."

"Hindi naman nila malalaman e. Sige na..."

"Pasensya na talaga. Pero ito lang ang masasabi ko, napaka-espesyal mo sa taong yun." si Dion.

"Ha?"

"Hanga ako sa inyong magkaibigan. Ang lakas ng impact ng karisma n'yo."

"Si Jenny? Bakit naman pati siya nasali sa usapan? May kinalaman ba siya rito?"

Hindi na nagkomento pa ang binata. Ngumiti na lamang ito sa kanya. Mayamaya pa napansin niyang iniliko at ipinasok nito ang sasakyan sa isang hotel. Hindi lamang basta hotel kundi isa sa nangunguna at pinakapamosong hotel sa buong Ka-Maynilaan.

Inihinto ni Dion ang kotse sa tapat mismo ng entrance ng hotel. Bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto kaya naman bumaba na rin siya. Sinalubong naman sila ng dalawang lalaki. Ang isa ay nahinuha niyang manager ng hotel base sa suot nito. Ang isa naman ay kinuha ang susi na ibinigay rito ng kanyang kasama. Susi iyon ng kotse, ipina-park ito sa parking area. Napatingin naman si Aya nang magsalita ang manager ng hotel.

"Good day Sir, Ma'am."

"Nasaan sila?" tanong ni Dion.

"Naroon na po sa function hall. Kayo na lamang po ang hinihintay."

Sila? Ano ba talaga ang meron? Wahh! Mukhang tanga na ko rito ha!

Sa isip-isip ng dalaga.

"Ganun ba?"

"Kanina pa nga ho ko tinatanong ni sir." ang manager.

"Sino ba talaga ang naghihintay sa atin? Sa akin? At saka bakit narito tayo?"

Nagkatinginan ang manager at si Dion mayamaya iginaya na sila nito papunta sa function hall ng hotel.

"This way please."

Sumunod si Dion pero ang dalaga ay hindi. Napansin iyon ng binata kaya muli nilang binalikan ito sa kinatatayuan.

"Halika na. Don't worry, walang masamang mangyayari. Trust me."

Ang ngiting iyon ng binata ang nangengganyo sa kanya na sumama na rin. Wala nga naman sigurong masamang mangyayari kahit na pagtiwalaan niya ito. Kaibigan naman ito ng boss niya e.

"S-sige."

Nang maglakad muli ang binata ay kasunod na si Aya. Di mapigilan ng dalaga ang humanga sa karangyaang nasa paligid. Si Dion nama'y pasimpleng nagpadala ng mensahe sa kaibigang si Jim at Ian.

Naroon na ang lahat ng kakilala at kaibigan ni Aya sa loob ng function hall. Ang kanyang nanay at tatay ay naroon din. Ang mga magulang ni Jenny. At siyempre ang mga executives ng Gonzales Empire sa pangunguna ng magulang ni Ian na sina Mr. at Mrs. Gonzales. Pawang mga nakapostura at magaganda ang kasuotan. Ang simpleng handaan ay naging magarbo sa tulong na rin nina Ian at Jim. Idagdag pa ang dalawang kaibigang sina Dion at Luis.

"Natanggap ko na ang message ni Dion. Narito na sila." sabi ni Ian.

"Oo. Nakatanggap din ako ng signal mula sa aking manager." si Jim.

"Teka, sandali." si Jenny.

Agad na nagpunta sa stage na ginawa ng mga staffs ni Jim si Jenny. Kinuha ang mikropono na naroon at nagsalita.

"Mic test, hello." tinesting muna ni Jenny ang mikropono pagkuwa'y nagpatuloy. "Mga minamahal naming kasama, nakatanggap po si Jim at sir Ian ng text galing kay sir Dion. Nandito na raw ang ating celebrant."

Nagbulungan ang lahat. Pare-parehong excited sa magaganap. Ang mga magulang naman ni Aya ay kanina pa naroon at kausap ng mag-asawang Gonzales.

"Mangyari lamang po ng magtabi-tabi ang lahat at magtungo rito malapit sa stage. Jaime, papatay muna ng ilaw."

Inutusan naman ni Jim ang kanyang empleyado na patayin ang ilaw.

Dumilim sa buong function hall.

"Salamat." patungkol kay Jim. "Ngayon, hihintayin natin sila. Once na bumukas ang pinto at pumasok sina Aya bubuksan ang ilaw at saka natin siya babatiing ng 'SURPRISE' okay po ba?"

"Okay." sabay na tugon ng lahat.

Matapos iyon binitiwan na ni Jenny ang mikropono at tumabi sa mga kasamahan. Pare-pareho nilang hinintay ang pagpasok nina Dion at Aya. Di naman sila nagtagal sa paghihintay pagkat ilang saglit pa ay nakarinig na sila ng tatlong sunud-sunod na pagkatok sa pintuan.

Pagkabukas ng pinto at nang marinig nila ang boses ni Aya...

"Bakit ang dilim?" tanong ng dalaga.

Noon naman biglang bumukas ang ilaw at nagliwanag sa buong function hall! Kitang-kita ni Aya ang lahat ng kanyang mga kakilala, kasamahan at kaibigan sa trabaho. At ang ikinagulat niya, ang mga bihis ng mga ito.

"Surprise! Happy birthday Aya!" sabay na sabi ng lahat.

Hindi makapagsalita ang dalaga. Natutop na lamang ang bibig sa kabiglaanan. Pawang mga nakangiti naman sa kanya ang mga naroon. Nakita niya si Jenny na nagsign of peace pa sa kanya.

"Peace tayo bestfriend ha." si Jenny. "Happy birthday mars."

Napaluha na lamang si Aya. Ito na yata talaga ang pinakamemorableng kaarawan niya.

"Grabe ka talaga. Ito pala sinasabi mong luka-luka ka!" kunwari'y nanenermon na sabi ni Aya.

"I told you, di ako palpak this time. Talagang nasorsesa kita."

"Bruha ka Jenny!" si Aya na napaiyak na talaga. "Pati sina nanay kinaladkad mo rito. Pambihira!"

Natawa lang ang mga naroong bisita. Muling humirit si Jenny.

"Aba, katulong ko rin sila ha. Kita mo lakas ko sa kanilang lahat..."

"Parang di naman sa lahat, parang kay sir Jim lang." hirit ni Josh.

"Uy, wag ganun. Nag-blush ang pare namin e." si Luis.

Lalong nagmukhang makopa ang mukha nina Jenny at Jim. Unang nakabawi ang binata.

"Ugok! Nakakahiya kay Jenny. Pasensya na ho." si Jim na binalingan ang mga magulang ni Jenny.

"Balewala iyon sa amin iho." ang ama ng dalaga.

"Salamat sa inyong lahat. Pinasaya n'yo ang araw ko. Para kina tatay, salamat sa pagmamahal. Napakaswerte ko."

Pinunasan muna ni Aya ang luha sa mga mata bago nagpatuloy.

"Sa inyo pong lahat, natutuwa ako na nakasama ko kayo. At higit sa lahat, talagang nagulat ako na nakaladkad kayo ni Jenny sa kalokohan niyang ito. Sa'yo bestfriend, laki talaga ng nagagawa mo para pagaanin ang loob ko. You're the best bestfriend I've ever had. Thank you. At itatanong ko lang kung paanong dito mo nagawa ang celebration. I'm really wondering."

"Pag-aari ni Jim itong hotel. At kung bakit ko siya napapayag, yun ang pinagtatakhan ko although may hinala na kami nina Dion at Luis sa totoong dahilan."

"Sir Ian!" si Aya.

Naroon din pala ito! At napakaguwapo sa suot na tuxedo. Fresh na fresh ang looks. Yummy!

"Si Sir Ian ang nagpasimuno sa lahat. Siya ang gumastos. Although may inambag kaming konti." si Josh.

"Siya rin ang gumastos para paayusan ka. I told you, special ka sa kanya." bulong ni Dion sa kanya.

Nagulat ang dalaga. Tumingin sa direksyon ng binata. Nakangiti ito sa kanya habang lumalapit. Hawak nito ang bungkos ng bulaklak. Sumikdo ang puso niya. Ang mga naroon naman ay kilig na kilig. Di pa nakatiis, ipinagsigawan pang bagay silang dalawa.

Nang makalapit, saka iniabot ang bulaklak sa kanya. Malugod niyang tinanggap iyon.

"Salamat sir."

"Ian na lang Aya. Halika na at nang masimulan na ang party." si Ian. "Pare—"

"Sure. Come with him and enjoy your night." si Dion.

Kinuha ni Ian ang kamay ni Aya at ikinawit sa isa niyang braso saka nila tinungo ang mesang nakalaan para dito.

"I'll be your escort for the whole night. Iyon ay kung okay lang sa'yo?"

"Okay lang. Salamat pala sir, este Ian pala."

"No problem. By the way, di ko pa pala nasasabi. You look lovely. Mas gumanda ka although maganda ka na nung una kitang makita."

Nakaupo na sila noon katabi ang magulang ni Aya at ang magulang ni Ian. Nagsimula nang magkainan habang may ilang pares na nagsasayaw sa saliw ng isang rock music na tinutugtog ng banda na inupahan nina Ian.

Tapos nang kumain ang dalaga nang yayain siya ni Ian.

"Would you like to dance?"

"Pero hindi ako magaling sumayaw." protesta ng dalaga.

"Don't worry tuturuan naman kita e. Halika na."

Wala nang nagawa pa ang dalaga lalo pa nang udyukan siya ng mga kasama nila sa mesa.

"Sige na, pumayag ka na iha. Birthday mo at dapat ikaw ang pinakamag-enjoy."

"Shall we?"

Sumama na siya kay Ian patungo sa pinakasentro. Para namang ipinag-adya siya ng kanyang anghel dela guwardiya pagkat ang rock music na tugtog kanina ay napalitan na ng sweet music.

Wait, parang mas gusto na yata niyang palitan at ibalik sa mabilis na tempo ang tugtog. Nagririgodon na naman ang puso niya lalo pa't hinapit siya ni Ian palapit dito.

Pinagsalikop niya ang mga braso at ipinatong sa balikat ng binata. Ang kamay naman ni Ian ay nakapaikot sa maliit na baywang ni Aya. Sa saliw ng awiting Fallin' ni Janno Gibbs iginiya siya ng binata at nagsimulang sumayaw.

Sa pakiramdam ni Aya, para siyang inilulutang sa ulap. Napakasarap sa feeling. Sumasabay pa ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

"Aya..."

"Napakaganda mo talaga, alam mo ba?"

"Wag kang ganyan, baka maniwala ako kaw rin." ngumiti na lamang ang dalaga para pawiin ang kabang nararamdaman.

"Totoong sinasabi ko. Napakaganda mo. I think..."

"You think what?" tanong ni Aya.

"I think I love you."

Ang sagot na iyon ni Ian ay di masyadong narinig ng dalaga. Kaya muli itong nagtanong.

"Ano yun? Pasensya na di ko kasi masyadong narinig." si Aya.

"Sabi ko, may boyfriend ka na ba?" sa halip ay tanong ni Ian.

"Sus! Kala ko kung ano. Wala pa di ba?" si Aya.

"Good. Kung magpapaalam ako sayo, magagalit ka ba?"

Di sumagot ang dalaga. Di yata't nagpapaalam ito na manliligaw!

Oh my God!

Itutuloy...
~~~~~~~~~~~
•END OF CHAPTER 19•
©Gonzales Empire Series 1
Mending a broken heart
by: HyeiaYoon

Continue Reading

You'll Also Like

495K 7.4K 59
Tinanggihan ni Drake na pakasalan ang babaeng naka-arranged marriage sa kaniya dahil sobra niyang kinamumuhian ito. She was like the raisin on his ma...
332K 6K 52
Estranged hearts, broken souls and shattered well-being. Where did the promise of forever go? Sapphira made her way back to New York, where all it s...
954 154 44
"I'm finally free. I will win her back, no matter what. I will! Hindi ko siya susukuan. Maayos na ako ngayon at maipaglalaban ko na siya sa mundo."...
260K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.