Gonzales Empire Series 1: MEN...

By HyeiaYoon

121K 2.6K 68

Si Aya ay isang junior accountant na di naglaon ay naging executive secretary ng major stockholder ng Gonzale... More

Teaser
Character's Profile
Prologue & Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue
HY's note

Chapter 18

1.7K 49 0
By HyeiaYoon

Chapter 18:

Tinanggap ni Aya ang maliit na kahong iniabot ng kanyang ama. Tumingin siya sa ina na noo'y patuloy pa ring umiiyak. Tumango ito sa kanya.

"Sige anak, buksan mo."

Binuksan naman niya ang kahon. Tumambad sa kanyang paningin ang isang kwintas na mukhang mamahalin ang halaga! Kumikinang pa iyon pati na ang pendant na may nakaukit na letra ay kumikislap din!

"Letter C? Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Suot mo iyan nung makita ka namin ng inay mo. Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin n'yan. Maaaring umpisa ng iyong tunay na pangalan o apelyido." si aling Lolita.

"Bakit ho di n'yo man lang ipinaanunsyo na napulot n'yo ako?" si Aya.

"Natatakot kami na masamang tao ang makatagpo sa iyo. Di natin alam ang totoo kung bakit mag-isa ka lang naming nakita sa park noon. At isa pa, tiyak na pag-iinterasan lamang nilang makuha ang kwintas mo kaya nagpasya kami na palakihin ka at ariing sa amin."

"Kung gayon, walang kasiguruhan na makikita ko pa sila?"

"Ipagpasa-Diyos mo anak. May awa ang Panginoon. Wag kang magsawa na manalangin sa kanya. Makikita mo, matatagpuan mo rin ang iyong pamilya."

"Tama ang inay mo, Aya. Ibinigay namin ang kwintas dahil sa'yo iyan. Iyong tunay na pag-aari. Di lang namin gusto na sa ganito pa humantong ang pagtatapat namin sa'yo ng katotohanan."

"Patawarin mo kami anak kung matagal ka naming pinaglihiman. Patawarin mo kami kung pinalungkot namin ang birthday mo. Sa maniwala ka o hindi, mas masakit sa amin ang makitang nasasaktan ka ngayon. At iyon ay dahil sa kasakiman namin. Pero mahal na mahal ka namin ng itay mo." si aling Lolita.

Naantig ang puso ng dalaga. Totoo naman ang sinabi nito, mahal na mahal siya ng dalawa. Kailanma'y di niya naisip na di niya tunay na kadugo ang dalawang kaharap. Ni hindi siya nagkaroon ng hinala na ampon siya. Iyon ay dahil itinuring siyang sariling anak ng mag-asawa.

Naaalala pa niya ang lahat ng sakripisyo ng mga ito para sa kanya. Isipin pa lamang niya ang lahat ng iyon ay muli siyang naiiyak.

Nagsalimbayan sa kanyang isip ang kanyang kamusmusan hanggang sa siya'y magdalaga. Naaalala pa niya noong bata siya. Sa tuwing sasapit ang kanyang birthday, ang tatay at nanay niya lagi iyong pinaghahandaan.

Noong eighteenth birthday niya, talagang pinag-ipunan iyon ng kanyang ama. Ang inay niya, pinagtiyagaan at ilang gabing nagpuyat sa pananahi ng gown na ginamit niya sa cotillion.

Pinag-aral siya sa isang private school kahit na hirap ang mga ito na masuportahan ang kanyang tuition fee at ilang gastos sa school.

Noong maaksidente at ilang araw na naratay ang kanyang ama sa ospital, graduating siya noon ng highschool at nanganganib na di makapag-aral ng kolehiyo sa pasukan. Nagkandahirap lalo sila, pero ano ang ginawa ng kanyang ina? Kinapalan nito ang mukha na mangutang sa ilang kakilala.

Kahit na pagod ito mula sa pagtatrabaho at pag-aalaga sa kanyang ama ay sumasideline pa ng labada at pamamalantsa. Sa kakapiranggot na kita ay halos nagkanda-ubo na ito pero tuloy pa rin. Kahit makatikim ng masasakit na salita at insulto sa mga inutangan ay okay lang. Na kesyo wala namang pambayad e utang pa ng utang. Na kesyo wala na ngang pera ay nag-aambisyon pang pag-aralin siya sa private school. Lahat iyon tiniis ng babaeng ito. Lahat iyon malugod na tinanggap mapagpatapos lamang siya ng kolehiyo.

At ng siya'y lihim na nag-apply bilang service crew sa Jollibee at aksidenteng makita ng nanay niya, hindi ba't umiyak ito sa pakikiusap na mag-aral na lamang siya. Umiiyak pagkat naaawa sa kanya na nahihirapan. Na umiiyak dahil ang pakiramdam ay walang silbing ina at magulang. Ano pa nga bang di ginawa ng mag-asawang ito?

Kung tutuusin walang obligasyon sa kanya ang mga ito. Pero dahil mahal siya ng mag-asawa ay ginawa ang lahat para maitaguyod siya. Itinuring na espesyal at higit pa sa tunay na anak. Masuwerte nga siya't di siya napunta sa mga taong walang pagmamalasakit.

Kaya paano niya nagawang sumbatan ang ama? Paano niyang nagawa ang ganung kalupit na bagay sa dalawang ito na walang ginawa kundi ang mahalin siya?

Sa isiping iyon nakaramdam ng guilt ang dalaga.

"Pasensya na 'tay kung nasigawan ko kayo. Di ko iyon sinasadya. Nabigla lang po ako. Di ko intensyong sumbatan kayo ni nanay... Patawad po!"

"Anak..."

"Wala po akong utang na loob. Patawarin n'yo po ko ni tatay. Sorry po.. Sorry. Di ko talaga sinasadya 'nay."

Nagkaiyakan muli silang tatlo. Yakap ni Mang Jose ang kanyang mag-ina.

"Wag kang mag-alala. Wala sa amin yun ng inay mo." si mang Jose.

Lalong yumakap si Aya sa dalawa. Higit pang namalibisbis ang mga luha pagkat di niya sukat akalain na mahal na mahal siya ng mga ito na kahit naging bastos siya kanina ay handa pa rin siyang tanggapin.

"O siya, wag na tayong umiyak baka magka-award pa tayo e." si Mang Jose. "Tingnan mo, ang nanay mo oa sa pag-iyak."

"Heh! Ikaw nga tulo pa ang sipon kanina." si aling Lolita.

"Wag ka nang umiyak anak. Birthday mo ngayon at dapat e nagsasaya ka."

"Ikaw kasi Lita, may walk-out ka pang nalalaman akala mo ba hahabulin kita?" paninisi ng lalaki sa asawa.

"E di ba't ginawa mo na? Kunwari ka pa..."

This time, nakuhang ngumiti ni Aya.

Tama ang kanyang itay, birthday n'ya ngayon at dapat masaya sila. So what kung ampon lamang siya? Gaya nga ng sinabi ng kanyang ina, anak siya ng mga ito sa puso. Wala nang magbabago pa roon. At she's more than lucky to have them both. Nalaman niya man ang totoo, di niya malilimutan na ang kanyang itay at inay ang nakasama niya mula noon hanggang sa siya ay magkaisip.

"O anak. Sige na. Dapat maganda ka para mamaya."

"Bakit ho anong meron mamaya?"

"Kahit kailan talaga Lolita, napakadaldal mo!" si mang Jose. " Wala yun anak. Di ba sisimba ka?"

"Oho. Kung gusto n'yo sumabay na kayo." si Aya na pinupunasan ang pisngi.

"Wag na anak. Mag-enjoy ka na lamang."

"Sigurado ho kayo?"

Tumango lamang ang mag-asawa. Gumayak na nga si Aya at nagpuntang mag-isa sa simbahan. Pagkarating doon agad na lumuhod at taimtim na nanalangin ang dalaga.

Samantala, sinundo ng service van nina Jim ang mag-asawa. Nag-iwan sila ng note para sa anak.

Si Aya naman ay agad na ring lumabas ng simbahan ng isang itim na kotse ang tumigil sa kanyang tapat. Bumukas ang bintana niyon.

"Narito lang pala ang magandang secretary ng aking kaibigan. Sakay na."

Nakilala niya ang isa sa mga kaibigan ng kanyang boss kaya sumakay siya. Pero di niya matandaan ang ngalan ng lalaki.

"Pasensya na sir nakalimutan ko ang pangalan mo e. Di ba kaibigan ka ni sir?"

"Yup. Ako si Dion."

"Ako si Aya. Bakit naroon ka? Galing ka rin sa pagsisimba o magsisimba pa lang?"

"Actually, ikaw talaga ang sinadya ko rito. Napag-utusan e."

"Napag-utusan? Nino?"

Ngumiti lamang ang binata pagkuwa'y sa daan na itinuong muli ang pansin.

Nagtataka na talaga siya! Ano ba naman yan! Sunud-sunod ang sorpresa!

Mayamaya, napansin niyang naroon sila sa mall of asia. Niyaya siyang bumaba ng kasama. Atubili naman siyang sumama rito.

"Wag kang mag-alala. May pupuntahan tayo at please makisama ka na lang, okay?" si Dion. "Shall we?"

Walang nagawa si Aya kundi ang sumunod. Pagpasok sa mall, agad nilang tinumbok ang elevator. Tapos nagpunta sila sa loob ng isang botique/salon.

"Celine, paki-assist siya. Semi-formal."

"Okay." tugon ng babaeng Celine ang ngalan. "Halika na." baling nito sa kanya.

"Sumama ka na Aya. Swear, magugustuhan mo ang gagawin ni Celine sa'yo."

Nang makaalis sila, kinampante ni Dion ang sarili sa pagbabasa ng mga magazine na naroroon sa rack.

"Ang ganda mo iha. Ang totoo, di mo na kailangang ayusan pa dahil natural na ang ganda mo."

Ano raw? Ime-make over siya? Wetiwhew!

Una siyang dinala sa dressing room at pinilian ng damit. Isang pulang tube dress na may touch
ng black ang laylayan ang napili ni Celine. Nilagyan siya ng mga accessories na bagay sa damit niya. Pagkatapos inayusan naman ang kanyang buhok. Nirebond at pagkatapos ay nilagyan ng bangs. May inilagay na silver pin sa magkabilang gilid ng kanyang buhok. At pagkatapos sa kanyang buhok, mukha naman niya ang inayos ni Celine.

Ilang sandali pa ay natapos din ang make-over. At di siya makapaniwala! Ang ganda niya!

"I told you, mas lalo kang gaganda!" si Celine.

Si Aya ay di pa rin makapaniwalang siya ang nakikita ngayon sa salamin.

"Halika na sa labas, baka kanina pa naiinip ang pinsan ko."

"Magpinsan kayo?"

"Di halata di ba? Siya ang pinaka-close ko. Magkapatid ang father ko at ang mother ni Dion. At itong shop, sosyo kami. Iyon nga lang ako ang pinagma-manage n'ya. Alam mo na, takot maakusahang bading."

Kaya pala... sa isip ng dalaga.

"Let's go."

Naunang lumabas si Celine. Napaangat naman ng tingin si Dion.

"Asan si Aya?"

Noon naman lumabas ang dalaga. Napanganga si Dion. Di makapaniwala na ito ang kasama niya kanina.

"Hanep! Ang ganda mo Aya!"

Namula ang dalaga. Samantalang nangingiti naman si Celine.

"Sige na. Baka magalit pa ang pinakabigating customer natin. Aya, enjoy ha. And again, napakaganda mo talaga."

"Salamat cuz. Alis na kami."

"Salamat madam." si Aya.

"Celine na lang Aya. I hope we can be friends."

"Sure. Thank you ulit."

"Welcome. Ingat kayo."

Nilisan na nila ang botique at ang mall. Muli, heto naman sila at bumibiyahe. Di talaga alam ni Aya kung saan sila pupunta kaya minabuti na lamang niyang maghintay.

Itutuloy...
~~~~~~~~~~
•END OF CHAPTER 18•
©Gonzales Empire Series 1
Mending a broken heart
by: HyeiaYoon

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
49.1K 2.1K 32
Masipag at mabuting anak si Maria Gabriela Tereza Centeno o Gabbie, for short. Pangarap niyang makapag-abroad upang maiahon ang kanyang pamilya sa ka...
322K 7.5K 63
"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."
1.1M 20.1K 53
Love is patience. Love is Hope. The moment when Ivanie Gomez laid her eyes to Luvdix Klein, she know she was enchanted by his charm. Hanggang mapasak...