Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 29

5.7K 125 14
By darkkkAJ

CHAPTER 29 - Bakit Jaehee?

Taejoon’s POV

“Dahan-dahan lang…”

Inaalalayan ako nina Taemin at Kibum habang bitbit naman nina Jonghyun at Jinki ang mga gamit ko. Nakalabas na kasi ako sa ospital. Natanggal na ang cast ng paa ko pero hindi pa ganun ka-ayos ang paglalakad ko. Hindi pa kasi masyadong magaling ang pilay ko.  Pati ang mga benda ko sa ulo pati sa chest part, tinanggal na din. Hindi ko nga alam bakit wala si Jaehee kanina. Siguro isusurprise ako nun ngayon dahil na discharge na ako.

Binuksan ni Kibum ang pinto. Ineexpect ko na biglang may puputok na party popper. Tapos may malaking hand-written ni Jaehee na banner na naglalamang “Welcome Home, Taejoon. I love you!” tapos may balloons at maraming pagkain at si Jaehee, ang babaeng pinaka-mamahal ko ang una kong makikita at yayakap sa akin.

Pero hindi eh. Walang party popper. Walang banner. Walang balloons at pagkain. Pero ang pinaka-masaklap…

Walang Jaehee.

Nagtataka akong pumasok. Iba ang atmosphere dito. Sina Mommy, Daddy, Tito Minwoo at Tita Sojeong lang ang una kong nakita na nasa sala. Bigla namang kinausap ni Dad yung apat na baliw kong kaibigan tapos umalis sila agad. Uhm…

“Nasaan po si Jaehee?” tanong ko sabay upo sa sofa.

Iba na yung nararamdaman ko eh. Parang may mali. Kinakabahan ko. Kahapon lang kasama ko siya sa ospital. Okay na kami eh. Hindi ko alam pero parang blessing in disguise ang disgrasya ko, kasi yung buong tagal ko sa ospital, yun yung pinaka-masayang pangyayari mula nung bumalik si Jaehee, kasi okay na kami. Hindi man malinaw kung ano ba talaga kami. Kung kami na nga ba talaga ulit kasi hindi ko naman siya natanong. Hindi ko nasabi ng buo yung “I love you.” Wala! Malabo talaga! Pero bakit ngayon, hindi ko siya makita… Nasaan siya?

Tumayo si Tito Minwoo at may iniabot na papel sa akin. Napatunganga naman ako. Ano naman ito?

“Taejoon, bumalik na sa America si Jaehee.” Sabi ni Tita Sojeong. Nanlaki ang mga mata ko.

“P-po?” Napatawa ako. “Joke po ba ito?” Mga pa-effect nitong mga ito talaga oh. Sabi na nga ba talaga, may surprise eh. Tapos palabas ito. Akala nila, kakagat ako. Pero sige na nga. Para naman maging maayos itong plinano nila. Ang hirap kaya paartehin ni Dad! Hahaha.

Yumuko si Tita at huminga ng malalim si Tito Minwoo.

“This is not a joke, Taejoon.” Sabi naman ni Dad. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Alam na alam ko ang tono ng boses ni Dad. At yung tono niya ngayon, seryoso at walang halong biro.

Kumunot ang noo ko. “P-pero…”

“You have to read that, Taejoon.” Sabi ni Mom sabay turo sa papel na hawak ko.

“Ano ito? Anong drama ito? Ilabas niyo na po si Jaehee. Hindi na ito nakakatuwa.”

“WE’RE NOT JOKING! KAKARATING LANG DIN NAMIN FROM THE AIRPORT. HINATID NAMIN SI JAEHEE. ANO BA, TAEJOON!” tumaas ang boses ni Dad.

Kumunot ang noo ko. Potek. Wrinkled na masyado tong noo ko!

Wait… Is this some sort of revenge? Iniwan niya lang ako bigla dahil iniwan ko rin siya noon? Ito pa rin ba yun? Gantihan pa rin nasa utak ni Jaehee? Di pa rin ba naka-get over doon? Teka, akala ko ba okay na kami? Diba okay na kami?! Ano na naman ito? Paki-sagot nga lahat ng tanong ko. Tapos explain. 1 whole manila paper. Back to back. Font 11. Arial.

“Basahin mo nalang yan. Maiintindihan mo din.” Sabi naman ni Mommy. Halos kusutin ko naman ang papel dahil naiinis ako. Pero hindi ko pwedeng kusutin, hindi ko pa nababasa eh. LOL “For the mean time, Taejoon. Dito muna ako magi-stay at sasamahan kita. Hindi ka pa fully recovered.”

“No, I’m fine. Okay lang ako dito, Mom.” Sagot ko naman.

“Taejoon…” Lumapit si Mommy sa akin.

“I- I want to be alone, Mom. Please… Hayaan niyo nalang ako. I’ll just call you in case of emergency.”

Bumuntong-hininga si Mommy at dahan-dahang tumango. Ilang sandali pa’t umalis na rin sila. Hindi ko na nga namalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Bakit ako iniwan ni Jaehee? Bakit siya umalis?

Bakit, Jaehee?

Ugh! Should I read this letter? Tapos anong mababasa ko? Taejoon, I’m sorry but I don’t love you anymore. I still hate you for what you’ve done before. Hinding hindi kita mapapatawad. Ever. Goodbye, forever. Rhyme!

Bigla nalang nag-ring ang phone ko. Si Hanna.

(Hi Taejoon!)

“Hi…”

(Oh bakit? Nakalabas ka na daw ng ospital diba? Bakit parang ang lungkot ng boses?)

“…”

(Taejoon?)

“Bumalik daw si Jaehee sa America?”

(HAAAAAAAAAA?!)

“Di niyo rin alam?”

(Ano? Hindi. Teka, ano?! Seryoso?)

“H-hindi ko alam. Akala ko jinojoke lang ako nila Dad pero mukhang seryoso sila eh.”

(Teka, I’ll ask Eungyeol to call Jaehee. Mukhang wala ring alam si Eungyeol ah. Tinawagan lang kita kasi hindi kami naka-help sa paglabas mo sa ospital. I just wanted to make sure na okay ka.)

“Thanks for the concern, Hanna.”

*END OF CALL*

Hawak ang papel, umakyat ako sa kwarto namin Jaehee. Fvck! Namimiss ko siya. Namomroblema na nga ako dahil sa pesting Yips Syndrome na ito, tapos umalis pa siya. Tanginang buhay naman ito. Syempre, titigil ako sa high jump. Tapos ako ang magiging CEO ng Kang Empire, syempre mag-aaral pa ako niyan.

Hindi naman kaya… Bumalik siya sa America kasi ayaw niya pa rin sa akin? Ayaw niya pa rin akong pakasalan? Ganun?! Tapos ngayon, wala naman nang rason para ikasal kami (bukod sa mahal ko siya at handa talaga akong pakasalan siya) dahil wala nang merging na magaganap. At titigil ako sa high jump. Bullshit yan.

Humiga ako sa kama at binasa ang letter ni Jaehee.

Hi Taejoon! =)

Kapag binabasa mo ito, siguro on the way na ako sa airport. Or baka nasa airport na ako. Or pwede ring nasa eroplano na ako papuntang America.

Hindi ko sinabi sa iyo at kahit kina Eungyeol kasi alam kong pipigilan nila ako at hindi ka papayag. Kaya inilihim ko nalang. Alam ko naman, kahit hindi kita nakikita ngayon, nakakunot ang noo mo at nakasimangot ka. Mamimiss mo ako noh? :P

At sana wag mong isipin na umalis ako dahil ayoko sa iyo at masaya ako na titigil ka sa high jump dahil sa Yips Syndrome at hindi na matutuloy ang kasal natin. Nagpasya akong bumalik sa America para mag-aral. As soon as possible, gusto ko nang matutunan kung paano magpatakbo ng kumpanya.

Gusto ko, habang wala ako, hindi ka hihinto sa pagprapractice ng high jump. Wag mong isipin yung Yips Syndrome na yun. Nasa utak mo lang yun, kaya ikaw din dapat ang bubura nun. Wag kang susuko, Taejoon. Mahal mo ang high jump diba? Mahalaga yun sa iyo. Wag kang bibitaw, please? Miracle is another name for hardwork diba? Yan na nga rin motto ko ngayon eh. =)

Mag-iingat ka lagi at wag kang masyadong madrama na wala ako sa tabi mo. May Facebook, Twitter, YM, Skype naman eh. At mayaman ka naman sa load kaya tawagan mo lang ako lalo na kapag hindi mo matalon yung bar. XD loljk kaya mo yan!

Wag mo akong ipagpapalit kahit wala ako sa tabi mo ah. Magpapakasal pa tayo!

-Jaehee

 

 

 

 

“Magpapakasal pa tayo!”

Naka-simangot ako sa buong letter pero nabuhayan ako sa last sentence. Kahit sana yung last sentence lang inilagay niya noh para di sayang sa ink at papel, okay na ako.

Pero seryoso? Ano ba talagang nasa isip niya? Bakit biglang ganito ang plano niya. Nakakainis talaga yun. Nagplaplano nalang basta-basta. Wala akong alam. Bitin kaya yung one week sa ospital! Madisgrasya kaya ulit ako para umuwi siya dito? :c

Sana hindi siya magtagal doon. Sana nga. Meron bang business school sa America na nagtuturo for 1 week tapos graduate na agad yung estudyante? Sana ganun lang. Para next week nandito na siya at talagang papakasalan ko na siya agad. Agad-agad.

Dibale, susundin ko ang gusto ni Jaehee. Hindi ako titigil sa high jump. Kahit na hadlangan ako ng milyun-milyong Yips Syndrome. Para kay Jaehee, hindi ako bibitaw.

Pero teka… Bakit walang “I love you” sa letter? Kahit sana 143 o I lab u o I <3 u nalang kung wala nang ink ang ballpen.

-----

Minadaling update :(

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
918K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
819K 21.6K 38
I love him But he can't love me back Paano nga ba niya ako mamahalin kung ang asawa ko ay tinaguriang........ The ultimate cassanova Kaya ko bang pal...
57.3K 978 45
Kung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili m...