Chapter 15

6.4K 146 16
                                    

CHAPTER 15 - Bipolar

Taejoon's POV

The next day...

“Good morning!” bati ko sa kay Jaehee na nagtotoast ng bread. "Okay ka na ba?" Nilagay ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ko ang temperatura niya. Agad ko namang tinanggal ito nang maramdaman kong wala na siyang lagnat.


"Taejoon..." walang emosyong sabi niya. Kinuha niya ang isang card mula sa bulsa niya at iniabot sa akin. "Invitation sa kasal nila Eungyeol at Hanna."

Kinuha ko ito at binuksan. Binasa ko ang nilalaman.

"Private ang ceremony. Pamilya at super close friends lang ang imbitado." sabi ulit niya. Tumango naman ako. Kami kaya, may invitation rin ba sa kasal namin? Iimbitahan rin ba namin sina Eungyeol at Hanna?

"Anong ireregalo natin?" tanong ko naman. Tumingin lang siya sa akin and the next thing I know, nasa mall na kami...

"So ano nga kasi?" tanong ko ulit.

"Hindi ko alam." matipid na sagot niya. Bitter ba siya? Kasi ikakasal si Eungyeol, na bestfriend slash lalaking gusto niya, sa ibang babae?

Dapat pala nagresearch muna kami kung anong magagandang ipangregalos sa newlyweds.

"Bakit hindi kaya gymnast at soccer shoes?" tanong ko ulit. She shrugged.

"Or pillow!" excited kong sabi.

"Meron naman siguro silang unan sa magiging bahay nila."

 "Gift certificate nalang ata, isang dinner sa mamahaling restaurant." matamlay kong sabi.

"Tingin mo ba, gagamitin nila yun? Nasa awkward situation sila ng fixed marriage..."

Ang sabihin mo, Jaehee, selos ka lang kay Hanna! Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan kaso baka sungitan na naman ako. Kokontrahin niya rin naman lahat ng sasabihin ko. Wala kaming mabibili neto. Nagulat nalang ako bigla siyang tumakbo.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now