Chapter 7

8.3K 162 8
                                    

CHAPTER 7 - Meron

Taejoon’s POV

Umaga na naman. Pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko, agad kong naisip yung mission ko. Kailangan kong gawin ito.

Hindi dahil kailangan naming makasal ni Jaehee.

Hindi rin para matuloy ang merging ng mga kumpanya namin.

Kundi para hindi nila ako patigilin sa high jump.

With that in mind, bumangon ako ng kama. Naligo at nagbihis at kumain ng almusal na handa nila Yaya. Wala na si Dad at si Mom ay tulog pa yata.

Pagkatapos kong maghanda, tiningnan ko ang relo ko. 7:56 AM.

Lumabas na ako ng bahay at tumawid papunta sa bahay nila Jaehee. Pinindot ko ang doorbell at makalipas ang ilang sandali, lumabas sa pinto ang isa sa mga katulong nila.

“Good morning po, Sir Taejoon.”

“Good morning rin. Gising na ba si Jaehee?” tanong ko.

“Opo, pero nandoon siya sa kwarto niya. Pasok po kayo.”

Pumasok ako at umupo sa sofa na nasa living room nila. Ang ayos at ang linis ng bahay nila. Marahil ay ayaw na ayaw ni Tita Sojeong ng marumi at makalat kaya lumaki rin si Jaehee na napakalinis.

Maya-maya ay bumaba na si Jaehee.

“Good morning.” Bati ko.

“Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Ha?” pagsusungit niya.

“Ganyan na ba ang new way of greeting someone good morning?” tanong ko.

Nag-smirk siya.

“Ano nga kasing ginagawa mo dito?!” this time, pasigaw niyang sinabi yun. Honestly, nabigla ako. Never niya akong sinigawan noon. Puro lang siya ngiti at mahinahon na pagsasalita. Nagbago na talaga. Mukhang mahihirapan ako.

“Uhm… Ano kasi, Jae-”

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon