Chapter 22

5.9K 152 28
                                    

CHAPTER 22 - Kinikilig Ako

Taejoon’s POV

Agad ko siyang binuhat, bridal style, at dinala sa clinic. Siguro kaya siya nahimatay dahil sa sobrang pagod. Sa payat niyang ito… Tsk.

Lumabas muna ako sandali dahil kailangan kong sabihin kay Seungri ang nangyari. Agad ko naman silang nakita sa Dorm 2 common room.

“Kang-kong! Kanina ka pa naming hinahanap ah. Saan ka galing at nakita mo ba si Jaehee?” tanong nito. Nandito rin yung iba, pari sina Eungyeol. Si Hanna, naka-gymnast outfit na. Pati si Victoria. Contest na nga pala nila mamaya.

“Galing ako sa clinic. Nandoon si Jaehee.” Sabi ko.

“ANONG NANGYARI KAY GOO JAEHEE?!” napasigaw sabay tayo si Eungyeol, halata ang pag-aalala nito. Napayuko naman si Hanna. Awkward yun, sigurado.

“Nahimatay siya bigla, buti nalang nandoon ako. Siguro dahil sa sobrang pagod din.” Sabi ko.

Nagpunta naman kami sa clinic at saktong pagdating namin doon, gising na si Jaehee.

“Jaehee, kamusta ka na? Okay ka lang ba?” umupo agad sa tabi ni Jaehee si Eungyeol saka hinawakan ang pisngi at noo nito, para matingnan kung may lagnat siya. OA rin tong lalaking ito.

Tinanggal naman ni Jaehee ang mga kamay ni Eungyeol. “Okay lang ako. Pagod lang ito.” Sabi naman ni Jaehee.

Tahimik lang kami ni Hanna. Nagtitinginan lang kaming dalawa. Nagkakaintindihan kami nito eh.

“Alam mo, ang mabuti pa, umuwi ka nalang muna at magpahinga. Bukas pa naman ang athletics contest mo diba? Tapos bukas ng gabi rin yung Mr. and Miss Genie. Magpahinga ka muna.” Sabi ni Seungri.

“Ako na ang maghahatid kay Jaehee!” pagvolunteer ni Eungyeol. Napayuko na naman si Hanna sabay kagat sa labi niya.

“HINDI.” Matigas kong sabi. Napatingin naman silang lahat sa akin. “A-ako na ang maghahatid kay Jaehee. Samahan mo itong asawa mo. May competition siya. Suportahan mo naman.”

Hindi nakaimik si Eungyeol. Ngumiti naman si Hanna sa akin, parang nagsasabi ng “Salamat.” Si Seungri naman, naka-ngisi lang. Sarap batukan!

 

 

Saktong dumating rin sina Amber dala-dala ang mga gamit ni Jaehee. Kinuha ko na ang mga ito. Inalalayan nila si Jaehee hanggang sa kotse.

“Ingat sa pagdadrive, Joon!” sabi ni Seungri.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now